Actions

Work Header

Let Birthday Celebrations Decide

Summary:

why let fate decide if you can let birthday celebrations though?

Notes:

HAPPY BIRTHDAY MARKIEEE <333

hi !! this is my very first markmin fic hehe and this is inspired by sid & aya: not a love story... i also wrote this kasi bday ni mark <3 if bitin xenxa na hahaha xD di naman to angst kaya ;))) hope you'll enjoy it!!!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

"happy birthday ulit, mark!" 



"uy bro, happy birthday ulit!"



"happy birthday! salamat sa pag invite."



"happy birthday, markie! ipapa lalamove ko na lang yung gift ko sayo ha," bati ng kanyang paboritong tita at ng iba pa niyang bisita in his little celebration na naggagayak na para umuwi. medyo lumalalim na rin kasi ang gabi at lunes pa kinabukasan kaya hindi na rin talaga pwedeng magpagabi masyado. 

 

he held a little celebration dahil gusto niya lang talagang mag celebrate like the old times. to be honest kasi, hindi na rin siya sobrang naeexcite sa mga birthdays. minsan nga iniisip niya, para lang talaga sa bata 'yang mga celebration na 'yan, but to kill the bad vibe, he decided to celebrate it right away. wala namang masama.

 

but that's not all, actually ginamit niya rin kasi ang sariling birthday para magdikta ng kahahantungan ng kanilang relasyon ni haechan. two years na sila, pero these past few months kasi ay medyo nagkakalabuan na. wala na gaanong communication, ilang beses na rin silang nag agree na pag usapan ang mga problema pero laging hindi natutuloy. kaya he made a deal na pag sumipot si haechan sa celebration niya, ibig sabihin ay gusto pa nila ituloy ang relasyon, and he prayed for it. kulang na nga lang ay isa isahin niya ang mga santo para lang mapapunta ito pero may mga bagay talagang hindi mapipilit. 

 

"he did not come," bulong niya sa sarili habang isinasara ang pintuan ng kanyang condo unit matapos makaalis ng mga bisita.

 

naglinis siya ng iilang kalat, hindi naman sobrang dami dahil naligpit na ang iba ng kanyang mga kaibigan. ang kaso lang, ang kaninang condo unit niya na masaya, maingay at puro tawanan ay nabalot na ng katahimikan ngayon dahil ito naman talaga ang realidad sa buhay niya bilang mag isa lang siyang tumutuloy dito. he works near lang din sa condo niya, at wala naman na siyang ibang pinagkakaabalahan sa buhay kundi work at si haechan. pero mukhang mababago na lahat 'yon ngayon. 

 

"happy birthday, mark." sabi niya sa sarili at saka pinatay ang lamp bago tuluyang matulog.



-




2:45 am. 

 

exactly two hours ago bago siya natulog ay nagising na siya, kaagad. he tried to go back from sleeping, nagtakip ng unan, nanatiling nakapikit, but he just got irritated kasi hindi na niya ito magawa.

 

he went to the bathroom para maghilamos at saka dumiretso sa may kitchen area para kumuha ng tubig. nang makabalik sa kwarto, kumuha siya ng pakete ng sigarilyo sa drawer ng bedside table at saka pumunta sa may balcony para manigarilyo. tumayo lang siya doon, facing the city in its peaceful form habang humihithit ng yosi. and fortunately, he finds the moment very relaxing. marami rami rin ang tumatakbo sa isip niya ngayon pero nakatulong talaga ang view na kaharap ngayon at ang hawak na stick ng sigarilyo upang ibaling ang atensyon sa ibang bagay.

 

although, if he's being honest right now, hindi na sobrang mabigat sa kanya ang hindi pagsipot ni haechan sa birthday niya kanina. halos tatlong buwan na rin kasi silang malabo at ilang beses niya na ring sinubukan na kausapin ng maayos ang dating kasintahan upang ayusin ang mga problema nila pero parang ayaw naman nito. inisip niya na nag effort naman siya, ginawa niya naman ang best niya para maayos at kumapit sa kung anong meron sila, pero paano ka nga ba kakapit kung bumibitaw na yung kinakapitan mo? 

 

he thought na baka gusto na rin talagang tapusin ito ng kasintahan, at kahit hindi niya alam kung bakit, hindi niya na rin nagawa pang maghabol dahil baka nga talagang kailangan na lang nilang tanggapin. pinagdasal niya naman na pumunta ito pero wala eh. wala namang nagpakitang haechan.   

 

when he finished smoking, naisipan niyang bumaba ng building at tumambay sa may malapit na café dahil paniguradong hindi pa siya makakabalik sa pagtulog. he went down from the 34th floor bilang nandoon ang unit niya, at saka dumiretso sa café sa tapat mismo ng condo residence na tinutuluyan. kadalasan dito rin siya sa café na ito pumupunta kapag umaga para bumili ng kape bago pumasok sa trabaho. minsan bumibili rin siya ng merienda dito, pero ngayon lang siya napadpad dito ng ganitong oras but everything's good because he finds the atmosphere very calming. 

 

he just ordered a drink, hot choco to be exact at saka humanap ng mauupuan near the counter lang din. he grabbed the small book sa may gitna ng lamesa niya at saka binasa ito para malibang. 

 

minutes after, narinig niyang nagpapaalam na yung isang crew sa kasama nito. dalawa lang kasi ang crew na nakashift ngayon dito at dadating naman daw ang papalit na crew sa aalis ngayon, maya maya. actually si mark na lang ang nag iisang customer dito at wala pa rin naman siyang balak na umalis, bukas naman kasi yung café for 24 hours.

 

makalipas ang ilang oras, lumabas yung crew sa counter at saka nag ayos ayos. nagwalis walis ng sahig, nagpunas ng mesa kahit wala namang dumi, and to mark's surprise, bigla siyang kinausap nito.

 

"hi po, sir! want niyo po ba ng water?" offer sa kanya ng crew. 

 

"ah, no na." sagot naman niya at saka bahagyang nginitian ito bago ibaling ulit ang atensyon sa binabasa.




"hindi pa po ba kayo inaantok, sir?" tanong ulit ng crew.

 

"ay sir hindi ko po kayo pinapaalis ha, nagtatanong lang po," dagdag pa nito nang tignan siya ni mark. natawa naman si mark sa paliwanag ng crew, this guy seems talkative, pero in a good way naman, he thought. 

 

"kakagising gising ko lang kanina eh, but thank you for the concern, j-jaemin?" mark responded as he read the name tag of the crew. 

 

"yes po, and walang anuman po, sir?"

 

"mark. you can call me mark."

 

"sir mark." banggit ni jaemin at saka itinabi ang hawak niyang pamunas at walis. "cute," bulong pa ng crew pero di naman ito nakaligtas sa pandinig ni mark.

 

"ano yun?" 

 

"ah wala po, sir. sabi ko po cool. ang cool niyo po kasi tignan." pagpapalusot naman ng crew, which painted a soft smile on mark's face.

 

tumayo si jaemin para kumuha ng platito at slice ng cake sa tinda nilang mga pastries dahil nagutom siya, sa kanya naman ichacharge ito kaya okay lang. 

 

"paupo po ako, sir ha. if okay lang sa inyo," jaemin said after putting the cake slice on a plate on top of the table.

 

"sure." matipid na sagot ni mark at saka ngumiti.

 

"kain, sir." offer ulit ni jaemin sa kaharap niyang customer that he's trying to befriend with.

 

"okay lang, salamat. busog pa ako eh, marami nakain kanina."

 

"ay ano meron kanina?" 

 

"uhm ano lang, birthday celebration lang."

 

"ikaw may birthday?" 

 

mark just nodded in response to that question.

 

"ay nako, sir. wait lang. sure ka bang ayaw mo kumain right now?"

 

"yep"

 

"okay wait," jaemin went back to the counter at saka kumuha ng isa pang slice ng cake for take out. he put it in a box at saka kumuha ng isang pirasong greeting card nila at sinulatan ng "merry birthday, sir mark!" at nagdrawing ng smiley face sa baba.

 

"merry birthday, sir! ito oh, little gift pampasaya ng birthday," jaemin greeted while waggling his brows on the word "birthday."

 

"uy nag abala ka pa, salamat, jaemin." mark thanked him matapos matawa sa bati nito.

 

"welcome po. alam mo sir, bagay sayo 'yang ganyan, nakatawa, nakangiti... wala lang suggestion lang." napangiti naman si mark sa sinabi ng crew.

 

"kanina mo pa ba ako pinagmamasdan?" mark jokingly asked.

 

"uy grabe ka naman, napansin ko lang. syempre ikaw na lang customer dito ngayon oh." pagrarason naman ni jaemin. 

 

"by the way, leo ka pala. apir tayo diyan kapwa leo." jaemin said and offered a high five to the other guy.

 

"leo ka rin? when birthday mo?" mark asked after giving jaemin a high five.

 

"sa 13 pa sir. same pala tayo birth months no, cute… i mean cool." nadulas na naman siya.

 

"sino bang cute? ako ba?" 

 

"uy di ako nagsabi nyan ah, joke. sige na nga, birthday gift na rin." pagbibiro niya ulit na ikinatawa na lang ng isa.

 

"thank you? sa birthday gift ulit." mark laughingly said. "malapit ka na rin pala mag birthday."

 

"hindi pa, 2 weeks pa no." natawa ulit si mark, he doesn't know why he's giggly about whatever comes out of jaemin's mouth, basta ang alam niya lang ay magaan 'to kasama. ilang minuto pa lang kasi silang nag uusap pero he finds jaemin comfortable to be with kaya siguro ganoon.

 

kinuha niya ang kanyang wallet at saka humugot ng pera dito, "ito na advance birthday gift ko sayo, ibili mo na lang ng kahit anong pastry or drink dyan sa inyo." 

 

"ay kamag anak ka ba ni kuya wil? wala bang pa jacket diyan? joke." mark laughed again.

 

"hay nako sir, hindi na po, okay lang." 

 

"hindi, nagregalo ka kasi sakin eh, ito yung regalo ko sayo."

 

"ay so exchange gift tayo, ano to christmas party?" he joked again. "okay lang, sir, actually mas gusto ko talaga mga gift na bagay, parang remembrance kumbaga. pero hindi ako materialistic, sir ha. para lang kunware pag nakita ko siya sa bahay o sa kwarto, maaalala ko yung taong nagbigay non." mark intently listened to what the other guy had said.

 

"uy pero di ko naman sinasabi na magregalo ka, sir. ang akin lang, 'wag na po kayo mag abala." 

 

"sige na. sayo na 'to."

 

"ay si sir, ang kulit. kukunin ko talaga yan." pagbibiro ulit ni jaemin.

 

mark reached for the latter's hand at saka inilagay ang blue bill dito. "ayan, advance happy birthday, jaemin." bati pa ni mark.

 

wala namang nagawa si jaemin kundi tanggapin ito, mapilit si mark eh, nakakahiya kung tatanggihan niya pa.

 

"naku, sir, salamat po ng marami!" pagpapasalamat nito nang may ngiti sa labi.

 

lumipas ang oras at nag uusap pa rin sila, wala na rin kasi gaanong pumupuntang ibang customer at saka hindi pa dumadating ang kasama ni jaemin sa shift kaya napalalim ang usapan nilang dalawa. kung ano anong topics na rin ang mga napag usapan nila, kanina tungkol sa mga paborito nilang pagkain tapos napagkwentuhan din nila ang mga hilig nilang gawin, at ngayon naman ay tungkol sa mga musical instruments na kaya nilang tugtugin. it's been hours pa lang nang pumunta si mark dito sa café, had a sip of coffee at saka nagbasa basa ng libro, but he finds the place very comforting in a form of jaemin— or it's just jaemin and not the place , magaan kasi siya kausap at masaya kasama kaya hindi na rin namamalayan ni mark ang oras, may pasok pa naman siya mamaya.

 

saktong dumating ang crewmate ni jaemin kaya tumayo na rin ito para bumalik sa counter. that's also a sign for mark to pack up lalo't malapit na sumikat ang araw, kinuha niya ang phone at wallet niya pati ang cup na pinag inuman niya ng hot choco at saka itinapon sa may malapit na trash bin. he went to the counter ulit para bumili, he bought 2 ensaymada at ibinalot naman kaagad 'yon ni jaemin matapos magbayad ni mark.

 

"yung isa sayo, jaemin. my treat, for breakfast, thank you for the company. good morning!" pagpapaalam ni mark at saka umalis that left a smile on jaemin's face na napansin ng kanyang crewmate.



"uy ikaw ah, manliligaw mo?" usiserong tanong ng crewmate ni jaemin.

 

"gago, new friend lang." sagot naman ni jaemin.

 

"ah, new friend."



 

 

ah, new friend.

 

 

-



the next day came, or let's say the next dawn came, and mark found himself inside the café, again. same table, same drink, and same person ang kausap niya ngayon. parehas lang din na inaantay ang kapalitan sa shift ni jaemin. this time kasi medyo maaga ang out niya at bilang ayaw pa umuwi ni mark, they decided na maglakad lakad muna sa labas once dumating ang mga inaantay. mark became comfortable with jaemin's presence after their first encounter. and because of that, hindi naging mahirap para sa kanya ang mag open up, hindi pa naman sila sobrang close kaya naisip niyang magkwento dito ng tungkol sa buhay niya pati tungkol kay haechan kasi mukhang hindi naman siya ijajudge ni jaemin. 

 

well, hindi naman talaga. 

 

actually mas natutuwa nga ito kasi aside sa pinagkakatiwalaan siya, na hindi madaling gawin para sa someone na hindi mo pa sobrang kilala, ay may mga bagay na nalalaman din siya kay mark. after their first encounter kasi, jaemin finds mark very interesting. para bang gusto niya itong kilalanin, kaibiganin— or more than that, who knows? kaya buti na lang ay narito siya ulit.

 

dumating ang mga inaantay nila kaya't nakapag gayak na sila para lumabas at maglakad lakad sa tahimik na kalsada near mark's condo. 

 

kumuha si jaemin ng pakete ng sigarilyo sa bag niya at saka sinindihan ito. smoker din pala to, mark thought. jaemin offered him a stick at saka kinuha niya naman iyon, the latter lended him a lighter as well para sindihan ito at makapanigarilyo. 

 

"hindi ka ba nababahala dito?" mark asked while lifting the cigarette stick in his hand. 

 

"nababahala? na magkasakit?" jaemin clarified. 

 

"oo, tignan mo yan oh," at itinuro ni mark ang image na nasa paketeng hawak ni jaemin. 

 

"uhm, di naman. ikaw ba? takot ka?" 

 

"di rin naman, tinanong ko lang," mark responded.

 

"ay nako, alam ko na yung mga ganyang tanungan, papatigilin mo ba ako? eh kaso naninigarilyo ka rin eh, pano ako titigil?" 

 

"pag ba tinigilan ko, titigil ka?"

 

"hmm, pwede? oo," jaemin said kaya napangiti ng bahagya si mark. matapos ang isa o dalawang hithit sa hawak na sigarilyo, itinapon kaagad ito ni mark sa sahig at saka tinapakan. "ayan, bye cigarettes," mark said and then turned his gaze to jaemin. 

 

"bye cigarettes," jaemin agreed matapos itapon at tapakan ang upos ng sigarilyo. jaemin doesn't know bakit mabilis niyang bitawan ang paninigarilyo knowing na halos isang taon niya na rin naman itong ginagawa, pero siguro nag aantay lang siya ng sign para tumigil, and momentarily, mark is the sign.

 

nagtawanan naman sila matapos tuluyang tigilan ang paninigarilyo, yes to healthy living na raw sila both. 



 

mark and jaemin, accompanying each other, became a routine for a few days after their first and second encounter. minsan matutulog si mark ng 6 pm tapos mag aalarm ng 12 am or 1 am para magising at tumambay sa café na pinagtatrabahuhan ni jaemin. basta hindi nalilimutan ni mark na pumunta sa café kada mga ganoong oras just to be with jaemin. although parehas lang sila, kada sasapit ang oras ng 2 am, laging inaantay ni jaemin si mark. kadalasan nga ay hinahanda niya na ang drink nito dahil iisa lang naman ang inoorder nito at minsan sinasamahan pa ng pastry, libre niya raw. gawain naman ni mark na bumili ng isa pang pastry at hilain si jaemin papunta sa upuan niya para magkwentuhan like the usual. 

 

ilang araw silang ganon, no scratch that, madaling araw. dumadalas na ang pagpunta ni mark dito, minsan nga inaasar pa si jaemin ng mga crewmates niya pero hindi niya naman 'yon pinapansin. they just like the company of each other kasi magaan, masaya or maybe they love the company of each other.

 

day off ni jaemin, exactly 5 days away from his birthday, at naisipan nilang dalawa na gumala. jaemin is single, by the way kaya free na free ang oras niya. at nagkataon na day off din ni mark kaya walang naging problema sa usapang gala. nagpunta sila sa kung saan saan, nagmall sila, nagpunta sa intramuros at kumuha ng mga litrato because jaemin loves photography. they went to star city rin and just had fun together. mark never felt so happy like this, masaya naman din siya sa mga gala dati, but this is different. jaemin is different, and he loves it? i think he does.

 

sa sobrang saya, hindi na pinansin ni mark kung sino ang nagtext o tumatawag sa kanyang phone na kanina pa nag vivibrate sa bulsa ng pantalon niya.

 

lumubog na ang araw at sumikat na ang buwan, mark and jaemin decided to walk matapos bumaba sa sinakyang jeep at binagtas ang kalye kung saan nakatindig ang café na pinagtatrabahuhan ni jaemin at condo residence ni mark. dati mark finds walking very exhausting, but now, with jaemin, it's more bearable, likeable to an extent. 




"mark?" napa angat ng ulo si mark from facing down while walking nang marinig ang pangalan. and when he looked up, he did not expect to see this person, si haechan na may dalang box ng cake. 

 

nasa harap na sila ng condo residence ni mark at ramdam na rin ang tensyon sa hangin. hindi alam ni mark ang gagawin, hindi niya alam ang sasabihin, hindi niya alam kung lalapit ba siya, hindi niya alam. at nang mapansin ni jaemin ang pag aalangan sa katauhan ni mark, bigla niyang naramdaman ang kamay ni jaemin sa kanyang likod, jaemin caressed his back kaya sila nagkatinginan.

 

"hello! i'm jaemin," pagpapakilala ni jaemin at saka nag offer ng handshake kay haechan. hindi niya rin talaga alam ang gagawin pero alam niya naman kung sino si haechan sa buhay ni mark dahil napag usapan nila 'yon noong mga nakaraang araw. the other guy shook his hand din naman at saka nagpakilala rin, as if hindi pa siya kilala ni jaemin.

 

"uhm, una na ako ah, mark salamat." pagpapaalam ni jaemin at saka tinapunan ng tingin si mark na may kasamang pilit na ngiti. nginitian niya rin si haechan at saka umakmang aalis.

 

mark held his shoulders at saka nagpasalamat din sa pagsama sa kanya ni jaemin. to be honest, mark's mind is in blank slate right now. hindi niya alam kung bakit hinayaan niyang umalis na si jaemin, at hindi niya pa rin alam kung anong gagawin. meanwhile, jaemin felt na yun ang dapat niyang gawin. he knows naman na hindi pa nakapag usap ng ayos ang dalawa kaya baka ito na ang chance nila. but there's something in him na mabigat, hindi niya alam kung bakit pero parang ang bigat ng pakiramdam niya when he left the spot beside mark earlier. pero wala na siyang magagawa, he left already. 



the next dawn came matapos ang nangyari at hindi napadpad si mark sa café. although jaemin kind of expected it, baka nagkabalikan na si mark at haechan, who knows? 

 

dumating ang kinabukasan at wala ulit si mark, and that's when jaemin decided to use his leave, sayang naman kasi kung hindi magagamit. aside from that, he felt weird na rin kasi sa nararamdaman niya pag wala sa mark. para kasing may kulang at wala yung hinahanap hanap niyang saya na tanging si mark lang ang nakakapag dala.

 

sumunod na araw dumating si mark, he looked for jaemin, but unforntunately, he wasn't there. mukha ring bago ang crew kaya hindi niya alam kung umalis na ba ito sa pinagtatrabahuhan o ano, nonetheless nagtanong siya dito, baka sakaling alam nila kung nasan. doon niya nalaman na nakaleave pero hindi rin nila alam kung kailan babalik si jaemin. 

 

nagpalipas pa rin siya ng oras sa café, he sat on the same seat, grabbed the book that he read the first time na napadpad siya dito ng ganoong oras at saka itinuon ang atensyon dito. puno ng jaemin ang isip ni mark, nag aalala siya para dito, hindi niya alam ang nangyari dito at maging ang iniisip nito. hindi na rin siya gaanong masaya, sa ilang araw na hindi sila nagkita ay para bang nawala na yung ngiti at tawa na nagagawa niya lang pag nandyan si jaemin. hindi niya rin maintindihan kung bakit basta, just like the other, he felt incomplete without jaemin's presence. 

 

bigla niya naman naalala ang sinabi ni jaemin tungkol sa birthday gifts kaya nakaisip siya na bumili ng regalo dahil nalalapit na ang kaarawan nito. nagbabakasakali rin siya na baka kinabukasan ay pumasok na ito at maibibigay niya rin ang regalong bibilhin. 

 

the next dawn came, wala pang tulog si mark pero pumunta pa rin siya sa café, hoping to see jaemin pero wala pa rin ito. he asked the crew at ang sabi nito ay naiba na ang shift nito, naging pang umaga na, 9 am kaya ipinaiwan na lang ni mark ang regalo niya, ipapabigay kay jaemin pag pumasok na ito dahil may pasok pa siya mamaya at hindi siya pwedeng lumiban. 

 

"kuya, pakibigay na lang ito kay jaemin ha, pakisabi galing po kay mark." 

 

yun na lang ang tanging nagawa ni mark dahil hindi niya alam kung paano hahanapin si jaemin. sa ilang araw kasi na nagkasama sila, hindi niya nagawang hingin ang number nito pati mga soc med accounts, hindi niya rin naman kasi ineexpect na ganto ang mangyayari.




-



"mx. jaemin, may nagpapabigay pala sayo ng paper bag, mark yung pangalan." bungad sa kanya ng crewmate matapos siyang makapagpalit ng uniform.

 

"ha, saan? ano sabi?" 

 

"andiyan yung white paper bag, wala naman siya ibang sinabi, ibigay lang daw sayo tapos sabihin galing sa kanya."

 

kinuha ni jaemin ang tinutukoy ng crewmate at saka kinuha ang laman nito. it's a white small box at saka may nakadikit pang notepad sa ibabaw. 

 

"merry birthday, jaemin!" napangiti naman siya nang makita 'yon pati ang drawing na smiley face sa may ibaba. he opened the box, and to his surprise, it's a ring. a simple, yet meaningful for jaemin kasi si mark ang nagbigay. 

 

napansin niya naman na may sulat pa sa likod ng notepad na nakadikit kanina sa box kaya kaagad niya namang binasa 'yon. 

 

"i hope you'll like this simple gift, jaemin. please message me once you receive it. here's my number…"

 

lalo naman siyang napangiti nang mabasa ang nakasulat, kinuha niya ang phone sa break room at saka agad na minessage ang number na binigay nito.

 

 

 

To: 09XXXXXXXXX





hi mark! natanggap ko na yung gift mo, ang aga mo naman mag propose jk!! sabi ko naman sayo 'wag ka na mag abala eh, hay nako sabihin mo lang kung crush mo ko dejk 

 

 

pero thank you sa gift !! naappreciate ko ng sobra <3

 

 

ang totoo niyan ako talaga ang may dapat sabihin, ayoko kasi magsisi pag hindi ko nasabi to sayo kaya mark

 






hindi niya na alam kung ano pang dapat sabihin, he just said everything to mark through text. he invited mark as well sa birthday celeb niya at saka sinend ang location nito para makapunta. he just hoped na pumunta talaga ito sa celebration niya as he used his birthday as if it was fate para magdikta ng kahahantungan nilang dalawa, ng kung anong meron sila, at kung meron nga ba.

 





-

 

 

the evening came at nagcecelebrate na ng birthday si jaemin. he held a little celebration lang kasama ang mga close friends, mostly yung mga crewmates niya lang din tapos iilang family members lang din ang dumating tulad ng pamangkin niyang 3 yrs old na si halley, kasama ang mga magulang nito na pinsan niya. happy naman siya, sobrang masaya naman kasama ang mga kaibigan niya pati ang mga kapamilya pero hindi lang talaga niya maiwasang mapaisip. hindi siya mapalagay dahil meron pa rin siyang inaantay. pupunta pa kaya siya?




"tito jaem!!!" malakas na tawag sa kanya ng pamangkin habang tumatakbo papunta sa kung nasaan siya ngayon.

 

"be careful, halley, baka madulas ka," pagsaway niya naman sa pamangkin habang nililigpit ang pinagkainan niya sa may kitchen area ng bahay niya.

 

"there's someone po na naghahanap sayo, tito," sabi ng kanyang pamangkin na nagdala ng kaba sa kanyang nararamdaman. bigla niya ring narinig ang pangalan niya dahil tinatawag siya ng kaibigan sa may labas ng kitchen kaya mas lalo siyang kinabahan.






"jaemin… 











si mark"












"merry birthday!"










he came.



Notes:

❤️

yun lang hehe sana nagustuhan niyo!! lmk your thoughts sa qrts and sa cc !!!

likes and kudos are very much appreciated <3 lobe u all !!