Chapter Text
“I’m s-sorry Yeol, but— I-I cant.”
Sa pagkarinig ni Chanyeol sa sagot nito ay para syang binuhasan ng malamig na tubig. Nakakapanglamig, nakakapangilabot. He immediately froze sa kaniyang kinatatayuan dahil sa sakit na raramdaman nya. Akala nya kasi magiging okay sila, na tatanggapin sya nito. But what are the odds na mali pala sya? Puta, sana hindi nalang niya tinuloy. Naging assumero sya sa part na ‘yun.
Nandito lang naman sila sa isang restaurant kasama ang kanyang bestfriend na si Kyungsoo Do.
A man that doesn't see him the way he sees him. Doesn't love him the way that he loves him.
That it's just a 𝒑𝒍𝒂𝒕𝒐𝒏𝒊𝒄 love, that's all.
And it stings him, very, utterly, pathetically much.
He thought that he's the one. The one na gusto nyang makita first thing in the morning at sa gabi rin. Yung makakasama nya habangbuhay.
Living together until the last breath of their lives.
Grabe, mapanakit talaga kapag OA imagination mo no?
Imagine, they’ve been each other's side since first year of high school at magkakasama parin until may mga work na sila. And aside from that, Kyungsoo knows him very well, he was like an open book to him.
At first, akala nya infatuation lang ang kanyang nararamdaman, so he shrugged it off. But later on, he realized that he was wrong. When the days past by, palalim ng palalim ang kanyang feelings. He was scared at first. The doubts and the what if's struck in his mind.
And he knows how clingy Kyungsoo was, pero minsan kasi iba na yung iniisip nya specially when it includes feelings that when it lingers, hindi niya makontrol sarili nya.
The way na tumitig sa kanya si Kyungsoo, how he acted in front of Chanyeol, and how he encircled his hands patungo sa arms ni Chanyeol makes him thought that does Kyungsoo feels the same way? Does Kyungsoo wants him to take an action?
Kaya heto sya at hindi na nagpa tumpik tumpik pa at sinabi nya ito sa kanya. He even made plans, magarbong pa fine dining sa isang sikat na restaurant, nagpa reserve sa may veranda just exclusively for them, playing violin for background music, at isang bouquet ng buttercup flowers na kanyang bitbit. He knows how Kyungsoo likes that flowers, mahirap itong makita at ang mahal pa.
Kyungsoo likes rare and unique things, that's why.
With his newly bought black suit with ared polo shirt underneath, here he was, waiting patiently and very confident to take the risk.
Because sabi nga nila, taking risks is worth it.
At dun sya nagkakamali. Hindi sya nainform na may dalawa palang choices dito. Ang isa happy ending, at ang isa bokya.
At ang napili? Well, ang tanga mo kung inaassume mong happy, happy.
Ang sakit.
At first, 50, 50 pananaw nya. Pero ngayon, sobra pa sa one hundred ang kasiguraduhan na hindi magiging sila.
Ngayon, hindi sya makapagsalita dahil sa sakit. Namamanhid na ata sya. Hindi sya makagalaw dahil he didn't expect na ganito pala kasakit. Parang dinurog durog ang puso mo. Ang bigat bigat sa pakiramdam.
Pero may katiting sa kaloob looban nya na may tsansa pa, baka naguguluhan lang si Kyungsoo. Kaya napagisipan nyang magsalita kahit nanginginig na sya dahil sa nangyayari.
At yes, kahit napaka tanga nyang tingan ay pinipilit parin nyang baguhin ang desisyon ni Kyungsoo.
“N-no, Kyungsoo. Y-you're just confused sa nangyayari. L-let’s talk nalang okay? Umupo tayo dito at magusa—”
“𝑵𝒐.” straightforward na salita nya.
Chanyeol’s heart shattered into millions of pieces because of that.
“Please, Chanyeol? ‘Wag na natin ‘tong pahabain ba, alam kong nasasaktan ka na. I care for you Chan. I care—”
“If you care me, then why did you do this to me? Why did you hurt me—fucking why Kyungsoo?! Kulang ba ang ginawa ko sa ‘yo?” Diin na salita niya. “’Di mo ba gusto dito? ‘Di mo ba gusto ‘tong flowers na ‘to? ‘Di mo ba gusto sinoot ko? Tell me! So I can change it. Please Kyungsoo... you can’t do this to me. Hindi–hindi ko alam anong gagawin ko... please.” He’s so desperate and in the verge of crying habang pilit hinahawakan ang kamay niya dahil nagpupumiglas ito.
Ngunit tanging iling lang ang sagot sa kanyang sinabi.
“I’m sorry pero I-I have to go.” Dali daling kinuha ni Kyungsoo ang kanyang bag at parang walang pake na salita ni Kyungsoo before he gets out from the restaurant.
And maybe he gets out in Chanyeol’s life too.
At first, nakangiti pa silang bumati sa isa’t isa, just enjoying each other’s presence.
And ngayon, he was being left, 𝒂𝒃𝒐𝒏𝒅𝒐𝒏𝒆𝒅 with untouched foods, wilthered flowers, and a broken heart.
- - - -
“Mama! Papa! Kain na po tayo!” Masayang salita ni Baekhyun habang inilipat nya sa malaking plato ang niluto nyang Kaldereta. Gabi na at napagisipan nyang magluto ng kanilang hapunan dahil alam nilang pagod sila sa trabaho, lalong lalo na ang papa nya.
Ang papa nya lang kasi ang bumubuhay sa kanila. Sa ngayon. Graduate na si Baekhyun mula sa kursong Nursing at gusto na nyang makahanap agad ng trabaho para makatulong naman sya sa kanilang pamilya. Sayang pinag aralan nya at pera na pinanggastos mula sa kanila kung hindi sya maghanap ng trabaho.
He wants to prove to other people na kaya niya, kaya nila na makaahon sila mula sa hirap na kanilang pinagdadaanan ngayon. Because people or specifically, their 𝒓𝒆𝒍𝒂𝒕𝒊𝒗𝒆𝒔 degraded them dahil si papa lang ang may trabaho tapos ang mama nya lang ay housewife lang. They always treat them na parang sunod sunuran lang dahil sila yung 𝒎𝒂𝒃𝒂𝒃𝒂 sa kanila, and it irks him. Porket matataas na ang rango nila sa work ay pwede na silang mang treat ng ibang tao na para bang basura, 𝒑𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒌𝒂𝒎𝒂𝒈 𝒂𝒏𝒂𝒌.
Ang bait ng mama at papa nya, lagi syang sinasabihan na maging mabait sa kanila, maging mapagkumbaba, laging ngumiti and treat them wholeheartedly. Kaya hanggang sa paglaki nya, dala dala nya lahat ng bilin na kanilang sinasabi.
He treasure it the most.
Apat sila sa pamilya, may bunso kasi syang babae na si Winter. 17 years old na pero ang lambing pa rin, suplada minsan pero mapagmahal. Kaya ang swerte nya sa pamilya nya, he couldn't ask more dahil all in one package sila ekanga.
Kakain na sila ngayon at ina-arrange ni Winter mga kubyertos at plato nila. Prepare na lahat dahil gusto niya na uupo lang mama at papa nya at pagkatapos, sila ng kapatid nya ang huhugas ng pinggan. No unnecessary movements, and it satisfied him.
“Nag abala pa talaga, ano ba yan! Alam kong pagod na kayo kaya upo na at ‘wag matigas ang ul—”
“Mama naman, kami na. Kayo ang umupo at pagsisilbihan namin kayo ni Winter, si mama naman oh! Pakipot pa.” Sabi ni Baekhyun sabay pinaupo nya mama nya, napatawa nalang ang papa nya.
“Pinagtulungan namin ‘yan ni kuya sa pagtimpla kaya sure ako na masarap ‘yan. Ako nag food taste test e.” Salita ni Winter habang hinainan nya ng kanin ang mama at papa nya.
“Weh, patikim nga.” Usisa ng papa nya kaya kumuha sya ng sabaw mula sa Kaldereta at humigop. Napa wide eyes naman ito, “Hoy, sarap a.” Biro nito sabay sandok ng malaki gamit ang serving spoon dahil kakain na. Walang joke, masarap talaga.
Lalong lalo na pag mga anak nila nagluto.
Hinampas naman sa balikat ang asawa. “So ganon? Ipagpapalit mo na Kaldereta ko sa Kaldereta nila?”
“Mamang naman, nagdadrama pa! Alam mo naman sagot nyan.” Sabay pa wiggle ng eyebrows pa at kinurot ang tagiliran nito. Kahit kailan talaga, bolero at palabiro parin papa nila. Pinigilan sya ng mama nila at napa iling, kinikilig ata.
“Oh sya, sya, kumain na tayo’t baka lumamig na ‘tong niluto nyo. Papa nyo umuna na.” Sabi ng mama kaya dali dali na silang kumain, nilalagyan ng pagkain sa kanya-kanyang plato.
Kumakain lang sila ng tahimik ng biglang nagsalita ang mama nila, “‘Di ba nakiwifi ka sa tita mo kanina B? Kamusta? Nakahanap ka ba ng trabaho?” Pangagamusta nito, napangiti naman si Baekhyun.
Kasama sila ni Winter kanina doon sa bahay ng tita nila, naiilang silang dalawa kasi hindi sila komportable sa titig nila. They should be used to it pero iba talaga, yung feeling na tinitigan ka sa kaloob looban mo na parang nang ja-judge. Binalewala lang nya ito at nag focus lang sa paghahanap ng trabaho. Iisa lang kasi cellphone nila dahil sira na ang ginagamit ni Winter. Old phone kasi yun ni Baekhyun, anim na taon din yun sa kanya saka binigay sa kapatid nya.
Pero hindi na kinaya, wala na. Nakakapang hinayang, pero okay lang.
“Okay lang ma, nag apply ako saan-saan kahit malayo na sa kurso ko. Sana meron na talaga para makatulong na ‘ko sa inyo. Pabigat na nga siguro ako dito.” Sabi nya na ikinagalit ng mama, papa, at ni Winter ‘yon.
“Hoy, anong pabigat? ‘Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Ikaw pa nga yung dalawang buwan pa nakalipas nung grumaduate, naghahanap na ng trabaho.”
“‘Wag ka ngang ganyan ‘nak, hindi ka pabigat dito. Mahal ka namin ni mama mo at ni Winter, tandaan mo ‘yan.”
“Parang ka talagang sira”
Tumawa sya ng mahina, may slight na peke nga lang. Na gi-guilty na kasi sya dahil gusto na nya talagang makahanap, ora mismo. Nakita nya kasi na naghihirap na sila, hindi lang pinapahalata ng mama at papa nila. Si Winter na nag aaral pa at may mga requirements sa school, baka hindi na kayanin ng magulang nya.
“Okay, okay sige na nga! Ano ba naman to, gusto ko lang naman na masusuportahan ko kayo, okay? Nurse ‘to no, ako mag aalaga sa inyo.” Sabay ngiti ng matamis, yung signature smile nya.
And then wala na, hindi na sila galit. Pag ganyang ngiti nya kasi parang nawawala lahat na fefeel mong bad vibes. 𝑴𝒂𝒓𝒖𝒑𝒐𝒌 𝒍𝒂𝒏𝒈.
And besides, maganda talaga si Baekhyun.
Crush ng campus ‘to noon sa school nila.
Nursing, matalino, mapagalaga, at maganda. ‘San ka pa?
“Ay ‘nak.” Biglang salita ng papa kaya agad syang napalingi sa kinaroroonan nito.
“Pwede pakibigay ‘kela Tita Christina mo ang tupperware? Nakalimutan ko kasing ihatid kanina.”
Agad naman syang tumayo at hinanap kung saan nilagay ng papa. Nakita nya ito sa may upuan na nakalagay sa eco bag. Kinuha nya naman ito at nagsalita. “Okay lang, Pa. Sige po, pupunta mo na ‘ko don.”
“Sama ako!” Exclaimed ni Winter.
“‘Wag na! D’yan ka lang, madali lang naman to.” Usisa nya sabay suot ng tsinelas nya at lumabas na.
Pagkalabas nya ay bumungad sa kanya ang malamig na hangin, nakaka presko pero at the same time nakaka creepy. Mag aalas otso na at medyo madilim ang kanyang dadaanin. He just shrugged it off at nilakasan ang loob, madali lang ‘to.
Sa paglalakad nya ay biglang tumunog ang phone, dinala nya pala to. Kinuha nya ito at binuksan kung ano yun. Text pala ni Jongdae, bestfriend nya.
[Jongdae♡︎]
Baek! Naghahanap ka ng trabaho?
Agad naman nya itong nireplayan.
[Baekhyun♡︎]
Bakit ba?
[Jongdae♡︎]
Luh suplada
May ipaparecommend sana ako sayo.
Pero parang ayaw mo kaya sige bye
Friendship over
Napatawa nalang si Baekhyun
[Baekhyun♡︎]
Huy ano ka ba joke lang!
Ano ba kase yun???
[Jongdae♡︎]
Strip club
Agad naman syang napairap. Ito talagang si Jongdae kung ano na ang pinagchachat! Seryoso sya dito tapos gaganyanin sya? Waw ha.
[Baekhyun♡︎]
Bastos ka!
[Jongdae♡︎]
HAHA
De joke lang. Kinakamusta lang kita
Buhay ka pa ba jan?
[Baekhyun♡︎]
Obvious naman diba?
Kung patay ako ngayon, sana walang nagchachat sayo ngayon
Jongdae utak!
Nilagay niya ang phone pabalik sa bulsa at saktong paglingad nya ay nabunggo sya, hindi nya alam kung ano ito pero parang mainit. Matigas. At mabango?
Agad syang napahawak sa braso dahil na out of balance—𝒐𝒉. Tao pala ‘tong nabunggo nya! Kaya agad syang nagpanic at tiningnan ang mukha nito.
“S-sorry—!” Napatigil sya dahil napatameme sya.
Napaka gwapo.
Pero parang galit na galit at galing umiyak? Naka arranged ang buhok nito at naka suit pa. He was very awestruck dahil sa expression ng mukha nito, lalong lalo na ang mga mata nito.
Ang lungkot.
Parang may pighati at pagdidismaya ang nakapaloob nito, may bahid pa ng luha sa gilid ng mga mata. Napataka si Baekhyun sa kanyang sarili. Bakit? Why was the sudden feeling that he wants to take care of him and wipe those tears in his face? He seems alone, 𝒂𝒃𝒐𝒏𝒅𝒐𝒏𝒆𝒅 . At parang ‘di nya gusto ang nakita.
Hawakan sana ni Baekhyun ang pisngi nito at pupunasan ang mga luha ngunit pinigilan sya ng isang kamay sa kanyang wrist. Ang sikip ng pagkahawak. Parang nanggigigil.
“And what do you think you're doing?” Biglang salita nito kaya napa shiver si Baekhyun dahil nito.
Ang lalim ng boses.
Natakot sya.
Napatiptoe sya dahil itinaas ng lalake ang kamay nya at parang ipinalapit sya sa mukha nito. And then there, na singhot nya ang bango nito. This is his type perfume. Manly mint scent. Hindi masyadong masakit sa ilong, sakto lang.
Mayamanin.
Napawide eyes sya sahil hindi nya alam kung ano ang susunod na gagawin ng lalaking ‘to. Hinigpitan nya ang pagkahawak sa eco bag. Kinakabahan sya ng sobra.
Nagsalita sya ulit para manghingi ng pasensya. “S-sorry talaga! I-I—” Naputol ang kanyang pagsalita ng tinuklod sya nito.
Ng malakas.
Kaya dahil nito, masakit ng pwet nya, at naging hazy ang kanyang paningin dahil nahihilo sya. Hinawakan nya ito.
Nakakastress ha, balibagin talaga?
Pero biglang nagulat ang lalake. Syempre, binalibag mo yung taong hindi mo kilala, may konsensya rin sya no. Talagang hindi na nya makontrolado ang sarili nya. Ang daming problemang pinagiisapan. At hindi nya alam kung kakayanin pa ba niya ito o hinda na. Aakma sana syang tulungan pero may kung anong pumipigil sa kanya.
Hay, ang 𝒑𝒓𝒊𝒅𝒆 nga naman.
Si Baekhyun naman ay tumayo nalang ng mag isa sabay pagpag ng shorts nya. Nag assume yung isa na baka nagalit at sisinghalin sya ng mga masasamang salita.
Pero iba ang kanyang narinig.
And that caught him off guard.
“Okay lang, alam ko namang hindi mo sinasadya at may pinagdadaanan ka ngayon. Hindi ako galit sa ’yo.” Sabay ngiti na parang walang nangyari.
Ngayon lang sya naka encounter ng ganitong tao. Kaya nagalit sya.
Did this guy finds him pity? How could he?
“I don't care.” He spat. Kaya napa stiff naman ang isa.
“Just—just get out of my way. Harang ka sa dinaraanan ko. Alis.” Cold nyang sabi. Napayuko naman si Baekhyun at parang naiiyak na. Ang sakit lang dahil gusto mong sabihin at iparamdam sa kanya na 𝒐𝒌𝒂𝒚 𝒍𝒂𝒏𝒈, 𝒎𝒂𝒚 𝒏𝒂𝒌𝒂𝒌𝒂𝒊𝒏𝒕𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒔𝒂 ‘𝒚𝒐. Pero it turns out na mali sya, na hindi kailangan sa isa ang pagsimpatya nya. Binabalewala sya.
Napahikbi sya. Hindi nya kasi makaya. Napaka softhearted kasi nya. Madaling masaktan. And besides, hindi sya ginaganyan ng mga magulang nya, even his friends doesn't treat him like this. Malambing talaga at kung magjojoke ay neutral lang. His best friend Jongdae knows how to handle him. Ang dali lang kasing ma off guard si Baekhyun. He's very sensitive. Kaya pinahahalagan nila ito.
Kaya napahinto ang isa dahil nakarinig sya ng hikbi. Napapikit sya ng mariin, nasaktan nya ba ‘to ng sobra talaga? Pero hoy, resposibilidad ba nyang patahanin ito sa pag iyak? Of course no, hindi nga nya ito kilala.
Right now, kailangan nya ng alak. Kahit bawal sa kanya.
At bakit parang nasa ‘break up’ situation sya? Hindi sila shota. They even have no connections with each other. Ano bang trip ngayon?
Kaya umalis sya ng deretso na hindi manlang lumingi sa likod. He doesn't care. Because no one cares him. Ang ironic diba?Ang unfair naman kung magcare pa sya sa ibang tao na mismo sya ay walang nagcare sa kanya. Mali na kung mali. Pero sa lahat ng nangyari ngayong araw, magagawa pa ba nya yan?
He needs to breath. Stay away from here. Go to other places.
Pero hindi nya yon magawa.
At bakit?
Mahirap sabihin ang dahilan.
Kaya tuluyan na syang umalis at iniwan ang kasama.
Dahil, 𝒉𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒏𝒂𝒎𝒂𝒏 𝒔𝒊𝒍𝒂 𝒎𝒂𝒈𝒌𝒊𝒌𝒊𝒕𝒂.
