Actions

Work Header

Huling Gabi

Summary:

Huling gabi. Huling gabing muling nagsama ang dalawang tao na may nakaraan sa isang sasakyan papuntang kawalan. Muling nagsama para alalahanin ang mga nakaraan at kung paano nga ba napunta sa hangganan.

Story is inspired by The Hows of Us movie and Huling Gabi song by Moira.

Notes:

• Characters •
Chaeyoung Blanco
Mina Tuazon
Nayeon Trinidad

• Songs •
Huling Gabi - Moira Dela Torre
Bawat Piyesa - Munimuni
Solomon - Munimuni & Clara Benin
Dulo ng Hangganan - IV of Spades
With A Smile - Eraserheads / Reese Lansangan cover
Araw at Gabi - Clara Benin
Sa Dulo - Syd Hartha (unreleased)
Dungaw - Adie

Please remember
≈ indicates start of a flashback
≠ indicates end of flashback

(See the end of the work for more notes.)

Chapter 1: Simula

Chapter Text

Maingay na sigaw ng mga tao ang bumalot sa loob ng Stadium matapos tumugtog ng bandang Students from 1983. Isang banda kung saan vocalist si Chaeyoung, si Chaeyoung na kahit noon pa man, hindi sinukuan ang pangarap nyang maging musikero kahit sino pa man ang humadlang dito.

“Kailan ka pa bumalik mag-yosi, ha?” Pabirong tanong ni Mina ng nakangiti habang iniiwas ang kanyang mga mata sa pamilyar na babaeng nakatuon sa semento sa malawak na balkonahe ng Stadium. Napangisi sya lalo ng nakitang nagulat ito.

“Musikero ako. Hindi gagana ang katawan ko pag walang yosi sa katawan ko.” Nakangising sagot ni Chaeyoung habang hinahawi ang buhok nya at tumingin sa mukhang matagal na nyang gustong masilayan.

Gusto nyang lumapit at yakapin sya.  Gusto nyang muling maramdaman ang init ng mga balat ni Mina sa kanya.

Ngunit hindi pwede. Hindi dapat.

Lalo na’t may aninong lumapit sa tabi ni Mina.

Napapikit na lang sya at iniliban ang tingin sa mga sasakyan na dumadaan sa ibaba nila.

“Baby, I’ll go ahead. Tell me if you need anything, okay?” Rinig nyang sambit nito.

 

Nayeon.

 

Alam nyang si Nayeon yun.

“Okay, babe. Love you.” Sagot ni Mina at narinig ang halik nito.

May malakas na ugong sa tenga nya ng narinig ang malambing na sagot ni Mina.

Ang malambing na boses ni Mina, boses na matagal na nyang gustong marinig, boses na kahit pilitin nyang kalimutan ay habang buhay syang susundan.

Napalingon sya kahit alam nyang masasaktan sya habang hinihithit ang huling usok ng sigarilyo. Naramdaman nya ang masakit na kabog sa dibdib nyang unti unti syang winawasak habang pinagmamasdan sila.

Nagkasalubong ang mga mata nila Nayeon habang pumipiglas ito sa yakap ni Mina.

Sa likod ng mata ni Nayeon ay nagsasabing, ‘Ingatan mo sya ngayong gabi’.

Napatango na lang sya at ngumiti.

Hindi nag-dalawang isip si Nayeon na ngumiti pabalik at tuluyan ng umalis, puno ng tiwala sa dalawang taong may nakaraan. May nakaraan na dapat matagal na napagusapan.

Isang kumportable na katahimikan ang bumalot sa paligid habang may mga tanong na paulit ulit na sumasambit sa isip ni Chaeyoung.

 

Anong kailangan mo?

Bakit ka nandito?

Mahal mo pa rin ba ako?

 

Babe ? Akala ko ba ayaw mo ng ganon kasi nga corny?” Pangasar ni Chaeyoung.

Sa dami ng tanong sa isip. Ang mga salita na yun lamang ang lumabas sa kanyang bibig.

Isang pamilyar na init sa kanyang dibdib ang kanyang naramdaman nang marinig ang tawa ni Mina habang palapit sa kanya.

“Sira ulo.” Sagot nito at mahinang hampas ng kamay ni Mina ang lumapat sa braso ni Chaeyoung.

Oo sira na naman ang ulo ko kasi nandito ka sa harap ko.

“Unti-unti mo na palang natutupad mga pangarap mo eh. Ka-line up mo na December Avenue sa concert kanina.” Banggit ni Mina habang nakatingin sa itim na Honda Civic na nakapark sa likod ng Stadium. “Ang pogi mo naman.” Dagdag pa ni Mina habang hinahawakan ang makintab na sasakyan.

“Alam ko matagal na.” Sagot ni Chaeyoung at binuksan ang pinto ng passenger seat.

Mina rolled her eyes with a disapproving smile, “Not you. Itong sasakyan mo!”

“Gwapo talaga to si Tim.” Imik ni Chaeyoung pagkapasok nya ng sasakyan. “Kasing gwapo nung may-ari.” Dagdag pa nito habang naka-ngisi kay Mina at ginagalaw ang kanyang mga kilay.

Mina giggled softly as a reply.

Ang hindi namalayan ni Chaeyoung ay ilang sandali na pala syang nakatitig kay Mina. Pinagmamasdan ang mga ngiting sya ang pinagmulan, ang ngiti na tumutunaw hanggang kalamnan.

“Huy! Ano?” Gambala ni Mina sa lumulutang na isip ni Chaeyoung.

 

Namiss kita.

Miss kita.

Miss na miss na kita.

 

“Wala.” Sagot ni Chaeyoung at ngumiti. Sinimulan na nitong paandarin ang sasakyan habang ang babae sa tabi nya ay nakasimangot.

“Ano kasi? May dumi ba sa mukha ko?” Tanong ni Mina na conscious na conscious sa sarili nya.

“Wala nga.”

“Isa!” Banta ni Mina.

Tumawa si Chaeyoung at lumingon kay Mina na naiinis sa kanya.

“Naalala ko lang nung una kitang nakita dati.”

Biglang nawala ang inis ni Mina at ngumiti.

“Sa school?”

“San ba tayo unang nag-kita?” Balik na tanong ni Chaeyoung.

“Sa RSU, duh. CBA-201 na room. 2nd day non.” Mina replied confidently.

Habang hawak ni Chaeyoung manibelang hindi nya alam kung ano at saan ang patutunguhan, she smiled genuinely remembering every details of the first time she laid her eyes on Mina, her favorite Mina.

“Bro? San ba tayo? Kanina pa tayo iniintay nila Jeong sa tambayan.” Sambit ni Chaeyoung habang sinusundan ang best friend nyang si Dahyun.

2nd day of school ng mga taga Rizal State University nuon at puno ng mga bagong mukha ang paligid dahil sa mga freshmen students.

“Mauna ka na don. May kikitain lang ako.” Sagot ni Dahyun habang nakatingin sa telepono nyang paulit ulit ng tumutunog.

“Sino ba yang kachat mo?”

“Accountancy na 3rd year.” Bungisngis na sagot ni Dahyun.

“Kaya naman pala papunta tayong building ng CBA eh.” Nakangiting sabi nito.

Wala ng narinig pang sagot si Chaeyoung at patuloy na lang itong sumunod kay Dahyun. Marami raming mga pamilyar na mukha ang kanilang binati bago nakarating sa building ng CBA, sa labas ng room CBA-201 to be exact.

“Labas ka. May bibigay lang ako.” Imik ni Dahyun habang nakalapat ang telepono sa tenga nya at sumisilip sa loob ng room. Lumaki ang ngiti nito ng makatitigan ang isang babaeng mistisa na brown ang buhok.

2nd year Architecture sila ni Dahyun. Ang pinagtataka nito ay saan at paano nakilala ni Dahyun ang isang 3rd year Accountancy since malayo ang building nila sa CBA, at isa pa.. 2nd day of school pa lang naman.

“Dahyun, Musta?” Banggit ng babae ng makating sa corridor.

“Parang mas naging okay ako nung nakita kita.” Banat ni Dahyun.

Napangisi na lang si Chaeyoung sa kacornyhan na dala ni Dahyun.

“Ay, oo nga pala! Sana.. si Chaeyoung nga pala, tropa ko. Chaeng.. si Sana.”

Kumaway si Chaeyoung at ngumiti kay Sana.

“Sana, ingat ka sa best friend ko. Babaero yan.” Biro ni Chaeyoung na nagpatawa sa kanilang tatlo.

“Kung meron mang babaero dito.. ikaw yun! Ikaw tong kumakanta eh.” Mapangasar na sagot ni Dahyun habang si Sana naman ay tuwang tuwa sa interaksyon ng dalawang magkaibigan.

Maganda si Sana. Sabi nga ng mga ilang tao ay ‘Too good to be true’, hindi maiwasan ni Chaeyoung ang maisip na paano naging hindi straight ang ganito kaganda?

“Sila naman yung lumalapit sakin. Hindi ko kasalanan yon.” Mayabang na sagot ni Chaeyoung.

Wala na sya uling nakuhang sagot sa dalawa kung hindi tawa. Ilang minuto pa lang ay nakita na nyang magkahawak ng kamay ang dalawang ito habang nagkkwentuhan. Binalik na lang ulit ni Chaeyoung ang atensyon nya sa cellphone nya at patuloy na nagscroll dito.

“Excuse me, ito po ba yung CBA-201?”

Isang tinig ang umagaw sa atensyon ni Chaeyoung sa panunuod mula sa kanyang cellphone. Pag angat nya ng mata nya ay nakita nya ang isang maganda babaeng nakatingin sa isang piraso ng papel habang nakakunot ang noo.

“Opo.” Isang salita lang ang naimik ni Chaeyoung habang minememorya ang bawat detalye ng mukha nito.

“Finally! Nakita ko rin. Kanina pa ako naghahanap eh.” Sagot nito at inilagay sa kanyang bag ang papel na puno ng schedule nya ngayong sem.

“Gusto mo ituro ko sayo mga room mo?” Pabirong sabi ni Chaeyoung habang nakatingin sa kanya, showing her famous dimples with a smile.

“Sure ka?” Tingin nito kay Chaeyoung habang humakbang papalapit.

Sa wakas. Nagkasalubong rin ang kanilang mga mata.

“By the way, I’m Mina.” Sabi nito at inabot ang kanyang kamay. Biglang dumaan sa ilong ni Chaeyoung ang matamis na pabango nya.

“Chaeyoung Blanco.” Sagot naman nya at hinawakan ang nagaantay nyang kamay.

Kamay na parang ayaw na nyang bitawan habang buhay.

“Mina!” Tawag ni Sana, breaking the staring battle between them.

Biglang bitaw ni Chaeyoung sa kamay ni Mina at hinayaan itong pumunta kay Sana.

“Sana! Blockmates ba tayo?” Excited na sambit ni Mina habang niyakap ng mabilis si Sana.

“Oo yata. Pero ‘di ba? Advance ka samin?”

“May ilang subjects lang na natake ko na last sem.”

Nakatitig na nakikinig si Chaeyoung sa kanilang paguusap. Parang araw-araw gusto na nyang marinig ang boses ni Mina, mahawakan ang kamay ni Mina, maamoy ang pabango ni Mina at higit sa lahat makilala si Mina.

“Bro! Di yan papatol sayo!” Bulong ni Dahyun.

“Gago. Kung kaya mo makuha si Sana, kaya kong makuha si Mina.” Hamon nito kay Dahyun. Patuloy na tinitigan ni Chaeyoung si Mina. Mula ulo hanggang paa.

Mapapamura ka na lang sa ganda.

“Sana. Alis na kami, dadaan pa kaming tambayan eh.” Istorbo ni Dahyun sa dalawang accountancy na nagdadaldalan.

Tumango si Sana at niyakap si Dahyun bago sabihin, “See you later?”

“Syempre, basta ikaw.” Sagot nito at kinindatan pa si Sana.

“Akala ko magkaklase tayo?” Tanong ni Mina.

Chaeyoung smirks, “Gusto mo magshift ako para sayo?”

“Mina, ingat ka rito sa best friend ko ha? Babaero to’ eh. Sige na alis na kami!” Dahyun said bago hinila si Chaeyoung palayo sa kanila habang tumatawa.

 

Ilang texts, chats at tawag ang dumating kay Mina mula kay Chaeyoung matapos ang araw na yon. Hindi naman nya maiwasang magreply sa mga messages nito. Ilang araw pa ang nakaraan at tuluyan silang naging malapit sa isa’t isa, ganon narin ang barkada nila. May mga araw na nakikitambay sila Mina, Sana at Momo sa tambayan nila malapit sa building ng Architecture pag vacant time nila kasama ang barkada nyang si Dahyun, Jeongyeon at Tzuyu.

Hindi rin naman nagtagal ay nagkatuluyan si Dahyun at Sana. Ngunit si Chaeyoung ay parang pinapahirapan ng isang Mina na bagong transfer sa RSU.

“Mina!” Tawag ni Chaeyoung sa isang pamilyar na mukha sa mataong canteen. Bitbit nya ang kanyang paboritong gitara at isang maliit na bag na may lamang maliit na notebook. “Anong ginagawa mo rito? Wala kang kasama?”

Tinaas ni Mina ang tingin nya kay Chaeyoung mula sa kanyang libro habang kumakain ng meryenda nyang fries at palamig.

“May Phil Lit pa sila Sana eh. Nagrereview lang ako para sa Finance mamaya.” Sagot nito bago bumalik sa pagbabasa.

Umupo si Chaeyoung sa tapat nito ng may malaking ngiti. Sa tagal tagal na gustong makasama ni Chaeyoung si Mina ay ngayon lang nya ito na tyempohan na magisa.

“Samahan na kita.” Bulong nito na tila ayaw makaistorbo. “May gusto ka pa ba?”

“Huh?” Sagot ni Mina ng hindi umaalis ang tingin sa kanyang binabasa.

“Meryenda. Libre kita.”

Tumatawang tumingin si Mina kay Chaeyoung.

“Bakit?” Tanong ni Chaeyoung habang natutunaw sa mga ngiti ni Mina. Ngiting na tumutunaw hanggang kalamnan.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong rin naman ni Mina habang kumukuha ng isang yellow pad mula sa kanyang bag.

“Sinasamahan ka.” Simpleng sagot ni Chaeyoung kahit isa lang naman gusto nyang sabihin.

Gusto kitang makasama.

“Chaeyoung, nanliligaw ka ba?” Walang kabang tinanong ni Mina.

Napatawa na lamang si Chaeyoung, “Bakit? Sasagutin mo ba ako?”

“Babaero ka daw sabi ni Dahyun. Ayoko ng sakit sa ulo.” Mataray na sagot ni Mina at tinuon na ulit ang atensyon nya sa pagsusulat ng kanyang reviewer.

Lalong lumaki ang ngiti ni Chaeyoung habang pinagmamasdan nya si Mina na nakafocus sa kanyang pagaaral.

“Sayo lang ‘to titino.” Bulong nya.

Maingay sa loob ng canteen. Hindi maiwasan ni Chaeyoung ang mairita sa mga nagkkwentuhan sa kabilang table at ang mga palirit ng mga ito, isama mo pa ang mga nagchichismisan sa mga table na nakapaligid sa kanila.

“Hindi ka ba naiingayan?” Tanong ni Chaeyoung.

“Oo, ang ingay mo. Tanong ka ng tanong.”

“Sungit mo naman.”

Katahimikan ang bumalot sa lamesa nila. Walang imik na tinititigan ni Chaeyoung si Mina. Minememorya ang bawat pag taas at baba ng kanyang kilay at ang maliit na pagbukas ng kanyang mga labi sa pagbabasa habang may sinusulat sa isang pirasong papel.

Hindi ngayon pero balang araw.

Dikta ng kanyang puso.

Isang boses ang tumawag kay Chaeyoung na kinagulat nya. “Chaeyoung! May sagot ka na sa History?”

Si Yeri kablock nya since first year.

“Wala. Anong meron?” Nakakunot na noo nyang sinagot.

“Wala ka pang assignment?”

“May assignment tayo?” Nanlalaking mata ni Chaeyoung na tinanong pabalik. “Tang ina. Hindi ko alam.”

Natawa naman si Yeri at may inabot sa kanyang isang pirasong papel.

“Balik mo na lang mamaya bago magstart ang klase.” Sinabi nya at nakangiting umalis.

Hindi namalayan ni Chaeyoung na nakikinig si Mina at nakatingin sa kanilang interaksyon.

“Crush ka non, ‘no?”

“Selos ka?” Tanong ni Chaeyoung ng may malaking ngiti. Ngiti na lumalabas ang kanyang malalim na dimples.

“Hindi.” Ngiti rin ni Mina sa kanya.

“Kung meron man akong gusto dito.. ikaw lang yun.” Mahinhin na bigkas ni Chaeyoung, mga salita na hindi nya nais sabihin pero biglang lumabas sa nagwawala nyang dibdib.

Hindi na sumagot pa si Mina na hindi mawari kung dapat ba syang kiligin o mainis sa mga sinasabi ng isang Chaeyoung sa harap nya.

Napakamot na lang si Chaeyoung ng malaman nyang wala nga pala syang papel, isang notebook lang at isang ballpen ang laman ng bag nya.

“Mina, pahingi namang yellow pad.”

“Nakakapanligaw ka pero wala kang papel.” Mina said with a smirk.

Tawanan ang bumalot sa loob ng sasakyan, sasakyan na hindi alam kung saan nga ba ang pahihinatnan. Basta alam at gusto lang ni Chaeyoung, kahit san pa sa daigdig basta si Mina ang karatig.

“Babaerong bolero.” Bungisngis na sabi ni Mina.

“Hindi nga ako babaero.” Naiinis na sagot ni Chaeyoung.

Napangiti na lang si Mina sa labas habang inaalala ang mga nangyare sa kanilang nakaraan.

“Whatever. Alam ko namang crush na crush mo ako dati.” Mina impulsively said.

Hindi napigilan ni Chaeyoung ang kanyang mga ngiti. Ngiting umabot hanggang mata.

“Oo nga.”

Chaeyoung didn’t even deny it because it’s true. Ever since Chaeyoung laid her eyes on Mina, those eyes it stayed on her mind, still stays on her heart hanggang ngayon. Kahit yung unang mga salitang narinig nya kay Mina ay paulit ulit humihimig sa loob ng kanyang isip. Ang lambot ng kanyang kamay ay umiinit sa kanyang palad.

“Inamin mo rin after eight years! Patay na patay ka pa nga sakin non eh.” Mapangasar na sabi ni Mina na may kasama pang mahinang hampas sa kanyang braso.

Hindi naman talaga babaero si Chaeyoung. Bolero lang, friendly, in other words malandi. Pag dating sa mga salita, mabulaklak si Chaeyoung kahit kanino. Malambing at mabait kahit sino.

Not until, she met Mina.

Chaeyoung found herself outside of Mina’s house na may dalang taho sa kanyang kamay. Nakatanggap sya ng mga messages mula kay Mina pero ang hindi alam nito ay nasa labas na pala sya ng bahay nila.

Habang nagrereply sya ay narinig nyang tumunog ang gate nila.

“Anong ginagawa mo rito?” Nakangiting tanong ni Mina. “Ang aga pa ah. One pa pasok mo, right?”

Lumambot ang puso ni Mina ng makita ang matamis na ngiti ni Chaeyoung, mas matamis pa yata sa arnibal nung taho.

“Nakita ko yung tweet mo.” Humakbang si Chaeyoung papalapit kay Mina at inabot ang matamis na taho. “Hatid na kita.”

Efforts

Isa sa mga dahilan kung bakit unti unting nahulog si Mina.

Bukod pa sa mga ngiti nya ay nahulog sya sa mga simpleng galaw nito. Kahit pagod, humahanap sya ng paraan para makitang maayos na nakauwi si Mina. Kahit gutom, pag kailangan sya ni Mina lagi syang nandon. Kahit may sakit, susunduin nya si Mina kahit san pa man sya naroon. Kahit anong bagyo, kahit anong lindol, walang hahadlang kay Chaeyoung na pumunta sa piling ni Mina.

Malamig at malalim na ang gabi pero ang telepono ni Mina ay paulit ulit na tumutunog sa ilalim ng unan nya. Isang Chaeyoung na lasing ang tumatawag sa kanya na nasa labas ng bahay nila.

Naalipungatan si Mina at hindi nagdalawang isip itong sinagot.

“Hello?”

“Mina.” Bulong ni Chaeyoung.

“Bakit?” Malambing na sagot ni Mina.

“Kailan mo ba ako sasagutin?”

Napangiti si Mina sa mga salitang yun. Kasi kahit simula nung una, hindi nya sinabing nanliligaw sya. Ang alam lang nya gusto sya ni Chaeyoung, gustong gusto .

“Nanliligaw ka pala?” Pabirong tanong ni Mina at sumandal sa headboard ng kanyang kama.

Narinig nya ang daing ni Chaeyoung at hindi nya mapigilang matawa.

“Labas ka. Gusto kitang makita.”

Nanlaki ang mata ni Mina na para bang binuhusan sya ng malamig na tubig. Biglang nagising ang kanyang diwa at dali dali syang bumangon sa kanyang kama at sumilip  sa bintana. Nakita nya si Chaeyoung na nakangiti na may mapungay na mata.

“Lasing ka na naman?”

“Hindi naman. Tipsy lang.” Sagot ni Chaeyoung.

“You always say that pag nagiinom kayo nila Jeongyeon.”

Wala pang ilang minuto ay nakalabas na si Mina ng bahay nila at pinatay ang kanyang telepono. Dahan dahang lumapit si Chaeyoung sa may gate nila at inintay si Mina.

“Hi.” Mahinhin na bigkas ni Chaeyoung.

Amoy na amoy ni Mina ang alak at sigarilyo mula kay Chaeyoung pero hindi ito humadlang para yakapin sya.

“Hello.” Bulong nito sa tenga nya habang naramdaman ni Mina ang mga palad ni Chaeyoung sa kanyang likod at bewang.

Pinilit nyang pumiglas sa mainit na yakap ni Chaeyoung pero hindi ito pinigilan ng matigas nyang braso na nakatanim sa magkabila nyang bewang. Mina pulled her head ng hindi tinatanggal ang kanyang mga kamay sa balikat nito para tingnan ang mga mata ni Chaeyoung. Mga mata na para bang antok sa laki nang mga ngiti nito.

“Namiss kita.” Bulong ni Chaeyoung.

Mina gasped when she felt Chaeyoung’s face moving closer to hers, her breath touching her lips.

“Nagkita lang tayo nung isang araw.” Sagot ni Mina. Naramdaman nya ang mga titig ni Chaeyoung sa labi nya.

“Nung isang araw ba yun? Akala ko nung isang linggo eh.” Biro ni Chaeyoung na nagpatawa naman kay Mina na may kasama pang hampas sa kanyang balikat.

Kuliglig ang huling narinig at bigla na lang syang napapikit ng maramdaman ang mga labi ni Chaeyoung sa kanyang bibig.

Chaeyoung kissed her. Kissed her passionately. Kissed her wholeheartedly. Isang malakas na kabog ang naramdaman nya sa kanyang dibdib ng maramdaman ang mga labing humahalik sa kanya pabalik.

Mina gripped her shoulder hardly capturing Chaeyoung’s lips on hers. Letting her lips explain all her sincerity. Wala syang laban, alam nya nung gabing yon.. hulog na hulog na sya at alam nyang may dalawang bisig na nagiintay sa kanyang paglaglag.

Buntong hininga ang narinig ni Chaeyoung matapos nyang halikan si Mina. Nakatingin sya sa nakasara nitong mga mata.

“Sinasagot mo na ba ako, Mina Tuazon?”

Mina opened her eyes at hindi napigilang kagatin ang kanyang mga labi. Isang hampas ang natanggap ni Chaeyoung sa kanyang dibdib habang tinatawanan ang namumulang si Mina.

“Hindi kita sasagutin ng lasing ka.”

Si Chaeyoung yung nakainom nung gabing yon pero bakit parang mas nalasing si Mina. Nalasing sa mga halik sa ilalim ng gabing tahimik, mga halik na puno ng matatamis na mga salitang hindi na dapat pang bigkasin.

Magsulat ng kanta. Maging musikero. Maimpluwensyang musikero. Sikat na musikero. Simula ng mamulatan ng isip si Chaeyoung ay ito na ang pinangarap nya. Magmula ng makakinig sya ng mga makahulugang kanta mula sa mga iba’t ibang banda at mga mang-aawit, hindi na ito nagdalawang isip pang sumunod sa mga yapak ng mga ito.

Hindi nya sukat akalain na isang Mina Tuazon pala ang magiging tao sa likod ng mga musikang isinulat at isusulat pa lang nya.

Horizon , ang pangalan nung lugar. Mataong bar ang sumalubong sa kanila ng makarating sa lokasyon kung saan may tugtog ang banda nila Chaeyoung. Halos lahat rito ay istudyante ng iba’t ibang unibersidad at eskwelahan ng bayan nila, karamihan ay mula sa RSU.

Naupo ang barkadahan nila sa gitna kung saan kitang kita ang entablado kung saan sila tutugtog. Kumpleto silang pitong nagsisiya at nagiinom sa palibot ng mga taong hindi nila kakilala.

Matapos maka ilang boteng beer ay nakita ni Chaeyoung ang sarili sa etablado na puno ng mga taong hindi naman pamilyar sa kanya pero parang sya ay pamilyar na pamilyar sa kanila ng makita sya. Isang malaking ngiti ang binigay nila sa mga tao habang inaayos ang kanila instrumento.

Jeongyeon sa drums, Tzuyu sa electric guitar at si Chaeyoung na bokalista na mayroon ding nakasukbit na acoustic guitar sa kanyang balikat.

“Magandang gabi po sa lahat.” Malalim na boses ni Chaeyoung ang umalingawngaw sa loob ng bar. “Kami po ang Red Passport.”

Maraming tao ang nagsihiyawan sa kanya at sa kanyang banda, karamihan dito ay mga babae. Kibit balikat namang pinansin ni Mina ang mga ito.

Nagsimula ng tumugtog ang banda ng mga covers mula sa mga lokal na banda katulad ng Parokya ni Edgar at Eraserheads. Isa sa mga most requested simula ng tumugtog sila sa bar na yun.

Sa bawat pag strum nya ng gitara, pag awit ng mga kanta at pag pikit ng kanyang mata kasabay ng himig ng kanyang gitara. Mina saw a woman with passion. Kitang kita nya ang pagmamahal nya sa ginagawa nya, she knows someday Chaeyoung will be known, Chaeyoung will be in that industry. Maybe on top of the music industry. Naniwala sya. Buong buo yung tiwala nya.

“Ang huling kanta pong ito ay sa babaeng pinakamahalaga sa buhay ko.” Pinagmamalaking pinaalam ni Chaeyoung sa lahat ng tao sa bar habang nakatitig kay Mina. “Original composition po ito. Sinulat ko para sa kanya.”

Isang strum pa lang ni Chaeyoung sa gitara nya, alam ni Mina na may nararamdaman na sya. Malalim na yung hulma ni Chaeyoung sa puso nya.

 

Noong ika'y dumaan

Ano'ng nakita ko?

Hindi ko alam

Basta naramdaman

Basta natuklasan

 

“Alam mo bang matagal na nyang gustong tapusin yang kantang yan.” Dahyun said, mula sa kabilang side ng table na nakapulupot sa girlfriend nyang si Sana. “Buti na lang inspired tropa ko. Natuldukan din yung kanta.”

 

Ang boses mo'y waring

Bulong ng puno

Sa umagang kay tahimik

At doon ko narinig

Ang awit ng pag-ibig

 

Bawat pag bukas ng bibig nya ay may emosyon at lahat ng salita ay may pinagmulan. Malalim na pinagmulan at malayo ang pinanghugutan.

Sa pagmulat ng mata ni Chaeyoung ay si Mina agad ang una nyang hinanap. Si Mina na nanlalambot sa mga salita at lirikong naririnig.

 

Oh, irog, dinig mo ba

Ang pagtibok ng aking puso?

 

“Oo, rinig na rinig ko ang sinisigaw ng puso mo at basang basa ko sa mga mata mo.” Bulong ng isip ni Mina.

 

Oh, irog, dinig mo ba

Ang pagtibok ng aking puso?

 

“Oo, Chaeyoung. Mahal na rin kita.” Sigaw ng puso ni Mina.

Natapos ang kantahan ng bandang Red Passport ng may mga hiyawan at mga palakpakan na umabot hanggang kabilang kalye. Malaki laking tip din ang nakuha nila sa tugtog nilang yun.

Pag balik nila sa upuan nila ay may masayang ngiti ang barkada nila at pumalakpak pa sa bawat hakbang nila.

Hindi nakapagintay si Mina at niyakap ang pawis na pawis na si Chaeyoung.

“Mina, mabaho na yata ako.” Chaeyoung tried to move away pero hinigit lang lalo ni Mina ito at pinulupot ang kamay nya sa leeg nito.

“Hindi ako mawawala. Dito lang ako, promise.”

“Ha?”

“Mahal kita, Chaeyoung.”

Lakas loob ni Mina na hinalikan si Chaeyoung sa harap ng kanilang mga kaibigan at mga taong wala syang pakialam kung nakatingin man.

“Mas mahal kita.”

Sobrang sarap magmahal ng isang Chaeyoung Blanco.

Pero umalis si Mina. Nawala si Mina. Nawala sya ng tatlong taon.

Tatlong taon .

At sa tatlong taon na yun,

si Mina pa rin,

Na kay Mina pa rin yung puso nya.

Natahimik ang dalawang tao sa sasakyan. Sa dami ng mga salitang pilit na umaalis sa bibig nila, ni isa walang gustong lumabas.

1:49AM.

Bakit parang ang bagal ng oras? Tanong nya sa sarili nya habang binubuksan ang music player ng kanyang sasakyan at pinili ang radyo.

 

Baby, you don't have to worry

'Cause there ain't no need to hurry

No one ever said that there's an easy way

When they're closing all their doors

They don't want you anymore

This sounds funny but I'll say it anyway

 

A known song is playing on the radio. A very well known and meaningful song.

“Naaalala mo pa ba tong kantang ‘toh?” Chaeyoung break the silence between them.

Mina lock her eyes with Chaeyoung and give her a smile small.

 

“Bakit ko naman makakalimutan yan?”

 

Girl, I'll stay through the bad times

Even if I have to fetch you everyday

We'll get by with a smile

You can never be too happy in this life

 

Matagal ang kanilang titigan habang ang sasakyan ay dahan dahang umaandar sa ilalim ng maliwanag na buwan.

Unang umiwas si Mina ng kanyang tingin at tumawang sinabi, “Unang away natin yun eh.”

Ilang text at tawag ang kinailangang gawin ni Chaeyoung para lang mapansin ni Mina. Mag-iisang linggo na kasi at para bang wala itong balak magparamdam sa kanya. Nakailang balik na rin ito sa bahay nila pero walang Mina ang gustong magpakita sa kanya.

“Heejin, please na. Kakausapin ko lang yung ate mo.” Pagmamakaawa ni Chaeyoung sa nakababatang kapatid ni Mina na si Heejin.

Ilang minuto na nyang pinipilit si Heejin pero parang hindi tumatalab. May dala dala syang pagkain habang nakasabit naman sa likod nya ang kanyang gitara.

“Ate naman eh, ayaw ka ngang kausapin.” Kamot sa ulo ni Heejin na nakatayo sa may gate.

“May dala akong pizza oh, may fries pa!”

“Ate Chaeng..”

“Gagawin ko assignments mo.” Dagdag ni Chaeyoung na may malaking ngiti sa labi.

“Sa Algebra?”

Lalo pang lumaki ang ngiti ni Chaeyoung ng nakitang nakumbinsi nya si Heejin.

“Kahit trigonometry pa yan!” Mayabang na sagot ni Chaeyoung.

Heejin sighed defeatedly at unti unting binuksan ang gate nila. Tuwang tuwa namang pumasok si Chaeyoung at inabot sa kapatid ni Mina ang mga dala nyang pagkain.

Pagkaapak na pagkaapak ni Chaeyoung sa loob ng bahay nila ay hindi nya maiwasang kabahan. Kinakabahan na baka hindi sya kausapin, baka hindi sya pansinin at higit sa lahat baka hindi sya patawarin.

“Heejin, nakita mo ba yung calculator ko?” Rinig ni Chaeyoung na sigaw ni Mina mula sa kwarto nya. Lalong kumabog ang dibdib nito ng marinig ang yapak nito palapit sa kanila.

“Heejin- Anong ginagawa mo dito?” Galit na tanong ni Mina. Nakakunot ang noo at nakapamewang pa. “Ikaw naman Heejin. Sabi ko sayo wag mo papasukin ‘to.”

“Gagawin daw nya assignments ko, ate.” Sagot ni Heejin bago kumagat ng pizza na nasa kamay nya. “Ate Chaeng, Algebra yun ha!”

Lalong sumimangot si Mina at nagsungit, “Hindi nga marunong mag basic math yan eh.”

“Babe naman!” Awat ni Chaeyoung. “Kumain ka lang dyan Heejin kausapin ko lang ate mo, ha?”

“Babe mo mukha mo!” Pagsusungit pa ni Mina at padabog na umakyat pabalik sa kanyang kwarto at iniwan ang dalawa sa sala.

“Ate naman eh!” Ngumunguyang sigaw ni Heejin na meron pang mga tinapay na tumatalsik mula sa kanyang bibig.

“Sorry na, tutulungan kita mamaya. One plus one lang ba yan?”

“Algebra nga ate. Anong one plus one?”

Napakamot naman si Chaeyoung, “Lilibre na lang kita palagi, promise.”

Iniwan ni Mina na nakabukas ang pinto ng kanyang kwarto dahil alam nyang susunod ang girlfriend nyang sakit sa ulo. Gusto na rin nyang makipagusap dahil sa totoo lang, miss na rin naman nya ang makulit na yun.

Galit si Mina. Sa kadahilanang nakipaginuman si Chaeyoung. Isa naman ito sa mga tinanggap ni Mina sa relasyon nila pero ang masama rito ay sumosobra na ito sa mga pagwawal-wal na parang napapabayaan na ang pagaaral.

Nalasing si Chaeyoung. Hindi nakapagreview. Bumagsak pa sa midterms.

“Babe..” Tawag ni Chaeyoung at dahan dahang sinara ang pinto ng kwarto. Nakita ni Chaeyoung na nakaupo si Mina sa kanyang study area at may binabasang libro.

“Baby..”

Silence.

“Love..”

Another silence.

“Honey bunch?” Pabirong tawag ni Chaeyoung habang tinuon sa pader ang kanyang gitara.

“Cupcake? Marshmallow? Candy crush?”

Hindi naman napigilan ni Mina na mapangiti sa kakulitan ng girlfriend nya.

“Mina naman.” Chaeyoung sighed at tumayo malapit sa likod ng girlfriend nya. “Sorry na.”

“Sabi ko naman sayo, ayoko ng tinatawag na ganon.”

“Joke lang naman yun eh.”

Tumayo si Mina, sinimangutan lang si Chaeyoung at humakbang palapit sa kanyang kama para buksan ang TV ngunit hindi sya pinalampas ni Chaeyoung at hinawakan sa bewang.

“Mina, sorry na. Iiwasan ko na nga sumama kina Rosé.”

Mina met Chaeyoung’s sincere eyes.

“Iiwasan ko na sumama kina Rosé pag malapit na ang exams.” Biro ni Chaeyoung.

Kumunot na naman ang noo ni Mina at hinampas ng malakas sa braso si Chaeyoung.

“Aray naman! Joke lang eh!” Chaeyoung winced in pain.

“Nakakatawa ba yung bumagsak ka kakainom mo?”

Hindi nakaimik si Chaeyoung.

“Kung hindi ko pa nabalitaan kay Dahyun hindi ko pa malalaman. Alam mo Chaeyoung Blanco kung ganyan ka ng ganyan iiwan talaga kita!” Sermon ni Mina. Sermon na may halong concern. “Puro ka kanta, puro tugtog, puro banda! Kung pukpok ko kaya sa ulo mo yang gitara mo para malaman mong bumababa na yang grades mo! Don’t get me wrong, Chae. Sinusuportahan kita dyan, i love how you put all your heart in it pero pag exams naman know what to prioritize kasi hindi naman araw araw ang exam- Bakit ka nakangiti?”

Hindi namalayan ni Chaeyoung na nakangiti na pala sya habang sinesermonan ni Mina.

“Cute mo magalit.”

“Chaeyounga!” Mina groaned in annoyance.

“Sorry na nga.” Chaeyoung sincerely said snaking her arms around Mina’s waist. “Basta tulungan mo ko magreview ha?”

“Sorry sorry ka dyan pero sa isang linggo nasa inuman ka na naman. Baguhin mo na yang routine mo, Chae. May girlfriend ka na. At isa pa! Ayokong naninigarilyo ka. Tigil tigilan mo na ring sumama kina Rosé at Lisa lagi ka na lang sobrang nalalasing pag sila ang kasama mo.”

Walang imik na nakatitig si Chaeyoung sa girlfriend nyang hindi mapigilang magsermon.

“Alam ko namang mahal mo ang music Chae pero mahalin mo rin naman yang pag-aaral mo. Pinaghihirapan yan ng Papa mo.”

Lalong lumaki ang ngiti ni Chaeyoung at hindi napigilang lumambot ang kanyang puso sa mga salitang yon. Alam nyang may point si Mina at tinutulungan lang naman sya nito.

“Titingnan mo lang ba ako?” Naiiritang tanong ni Mina na kanina pa salita nang salita.

“Ang swerte ko.”

“Huh?”

“Ang swerte ko sayo, Mina.”

Si Mina naman ang hindi nakaimik at nakatingin lang sa mga mata ni Chaeyoung.

“I love you, Mina.” Bulong nito at unti unting hinila ang katawan ni Mina palapit sa kanya. “Salamat at ikaw ang naging girlfriend ko. Worth it pa rin ba ako?”

“Chae..”

“Hindi mo kailangang sumagot. I promise that I will be better, better than what you expected.”

Napangiti si Mina at nilagay ang kanyang braso paikot sa leeg ni Chaeyoung.

“Bati na tayo? Please?”

Mina didn’t say anything. Instead, she leaned in and captured Chaeyoung’s awaiting lips. Moving their lips in sync. Kisses that sent sparks on their spine down to their feet.

Their passionate kissing is cut off by Mina’s phone going off. Mina immediately pulled off Chaeyoung’s embrace and get her phone.

“Gutom ka ba? May dala akong pagkain sa baba. Kukuha kita.” Chaeyoung informed.

Umiling si Mina at kinuha ang cell phone nyang tumutunog.

“Istorbo ka, Momo… Wala pa nga eh.. Sige.. Oo bukas…”

Habang busy si Mina makipagusap kay Momo tungkol sa napakahirap nilang assignment sa Accounting ay kinuha ni Chaeyoung ang gitara nya at naupo sa kama ni Mina.

 

Lift your head, baby, don't be scared

Of the things that could go wrong along the way

You'll get by with a smile

You can't win at everything but you can try

 

“Ang kulit ni Momo kahit kailan. Mangongopya lang naman.” Mina said bago tumapat kay Chaeyoung at nakinig sa pagkanta nya.

 

Baby, you don't have to worry

'Cause there ain't no need to hurry

No one ever said that there's an easy way

When they're closing all their doors

They don't want you anymore

This sounds funny but I'll say it anyway

 

Hindi naman tinatago ni Mina na gustong gusto nya pag kumakanta si Chaeyoung. Hindi lang dahil maganda ang boses nito kung hindi ang emosyon na binibigay nito sa mga tinutugtog nyang kanta. Nararamdaman nya kung ano yung gustong iparating nung kanta, pati na rin ang gustong iparating ng kumakanta.

 

Girl, I'll stay through the bad times

Even if I have to fetch you everyday

 

“Kahit ayaw mo akong makita” Pangasar ni Chaeyoung.

“May kasalanan ka kasi.” Sagot naman ni Mina.

Both of them giggled before Chaeyoung continue her song.

 

We'll get by with a smile

You can never be too happy in this life

 

“Mina?”

“Hmm?”

“Hindi ko alam gagawin ko kung wala ka. Wag kang mawawala ha? Wag mo akong iiwan.”

Mina got lost in her eyes. She nodded her head, “Hindi nga. Kulit mo talaga.”

After Chaeyoung finished her song, they laid down on the bed and cuddled. Pinaliwanag ang dahilan kung anong nangyare nung araw na yun. Sila Rosé kasi ay may studio sa bahay nila dahil mayaman ang pamilya nila, palagi silang tumutugtog don at gumagawa ng mga kanta. Minsan ay nagkakatuwaan at nauuwi sa lasingan ang usapan. Nakalimutan nyang may exam kinabukasan non kaya hindi sya nakapagreview. Nagkataon na sobrang higpit ng bantay at hindi sya masyadong nakakopya kay Dahyun.

Mina always want the best for Chaeyoung. Kahit anong path man ito. Lahat ng paalala, alaga at kailinga na hindi nya natanggap sa magulang nya ay binibigay nya kay Chaeyoung. Hiwalay na ang magulang ni Chaeyoung bata pa lang sya. May ibang pamilya na ang nanay nya pero patuloy pa rin ang suporta sa kanya sa lahat ng kailangan nya. Ang tatay naman nya ay nasa Korea, nagttrabahong factory worker para sa pag-aaral nya. Nag-iisa lang si Chaeyoung. Wala syang kapatid, kaya mag-isa rin nyang tinatahak ang magulong mundong ito.

After the long talk, both of them went down para mag meryenda. Habang kumakain ng pizza, Chaeyoung immediately went to Heejin para tulungan to sa assignment nya. Kahit hindi nya maintindihan ay pinilit nyang sagutang ang mga math equations na yun kahit hindi nya talaga alam ang ginagawa nya. Pindot lang ito ng pindot sa calculator at sulat ng sulat ng mga number sa isang papel.

“Alam mo ate Chaeng mag drawing ka na lang.”

Tumawa naman si Mina at pinanuod ang dalawang sagutan ang mga math problems na hindi nila maintindihan.

“Ate mo yung accountancy, sisiw lang yan sa kanya. Mina my love, tulungan mo naman tong kapatid mo. Kung hindi dahil sa kanya hindi tayo magiging okay.”

“My love mo mukha mo!”

Mina realized, Chaeyoung is not just a pretty face and a great voice, she’s a good woman as a whole. Despite of growing in a broken family, she’s very affectionate. She’s always giving her best to everyone who needed her, giving all of her and all she can do to anyone who asked for it.

Mina fell harder.

Tumigil sila sa isang gasolinahan sa SLEX. Mahaba habang byahe na ang nalakbay nila pero bakit parang ang orasan ay mabagal umusad.

Pagkababa ni Chaeyoung sa sasakyan ay agad agad itong huminga ng malalim. Para bang nawalan ng bara sa baga ng makasinghot ng sariwang hangin sa labas.

Paglingon nya ay nakita nya si Mina na nakahawak sa kanyang braso na parang nilalamig. Hindi naman sya nagdalawang isip na hubarin ang jacket nya at dahan dahang lumapit kay Mina at pinatong ito sa balikat nya.

“Kain tayo?” Sabi ni Chaeyoung habang tinatapik ang balikat ni Mina. 

Pamilyar na pamilyar ang amoy ni Chaeyoung. Ang bago lang dito ay ang lakas amoy ng sigarilyo mula sa mga kamay nito. Napansin ni Mina na marami ng marka ang braso ni Chaeyoung, maraming pinta at iba’t ibang disenyo. Ang mga daliri nyang may guhit na bulaklak at ang mga palad, ang palad ni Chaeyoung na ngayon ay gumaspang na sa kakatugtog ng kanyang gitara.

Ang mapagmamalaki ni Mina ay naabutan nyang malambot ang mga palad na iyon.

24 hours open na McDonald’s ang napili nilang puntahan.

“Coffee lang sakin ha?” Banggit ni Mina at lumayo papuntang CR.

Matapos umorder ay naupo si Chaeyoung sa bandang dulo at hinintay si Mina.

Si Mina.

Mina .

“Ikaw po yung vocalist ng Students from 1983, ‘di ba?” Nagulat si Chaeyoung ng may taong pumutol ng kanyang pagmumuni-muni.

Ngumiti si Chaeyoung at tumugon, “Ah, opo.”

“Pwede po magpapicture?”

“Sige lang.”

Ngumiti si Chaeyoung sa harap ng kamera kasama ang isang impleyado ng Mcdo.

Nakita ni Mina ang interaksyong ito sa hindi kalayuan. Hindi naman sya makapaniwala na malayo na nga ang narating ni Chaeyoung sa industriyang ito. Masaya sya sa naging kinalabasan nito pero hindi maiwasang magisip at magtanong sa sarili.

Kung hindi ba ako nawala at umalis non, ito rin ba yung resulta? Ito ba yung mangyayari?

“Pa-autograph naman po ako, Idol.” Pangasar ni Mina palapit kay Chaeyoung pagkaalis nung babae.

Tumawa si Chaeyoung habang ngumunguya ng fries.

“Grabe ‘noh? Sikat ka na talaga. Namamanghang sabi ni Mina at umupo sa tapat ni Chaeyoung. Kumuha sya ng fries at kinain din ito habang at natawa naman si Chaeyoung.

“Anong nakakatawa?”

“Sabi mo kasi coffee lang sayo.”

“Nagutom ako bigla eh.”

Lalong lumaki ang tawa ni Chaeyoung. Meron pa rin pa lang hindi nagbabago kay Mina.

“Buti na lang pala large tong inorder ko.” Sabi ni Chaeyoung.

 

Bawat ngiti, bawat luha

Bawat gising, bawat pikit

 

Hindi nila inaasahang papatugtugin ang kanta ni Chaeyoung ng mga oras na yun. Tumingin sya sa counter at nakitang nakangiti sa kanya ang mga staff na tuwang tuwa sa paglingon nya.

 

Bawat hangin na tinatanggap, bawat buga

At habang ika'y yinayakap nang maigi

Binubulong ang dalanging huwag sana maglaho sa hangi

 

Ang hindi nila alam. Ang tao sa inspirasyon ng kantang yun ay nasa harap nya.

 

Ang bawat piyesa na bumubuo sa 'yo

Bawat piyesang nawa'y mapasaakin habang-buhay

 

Nasa harap nya ngunit hindi na sa kanya.

“Kumusta na pala si Heejin?” Chaeyoung break the silence again between them.

“Ayun. May boyfriend na.” Sagot ni Mina habang tumatawa para mawala ang awkwardness sa katawan nya.

“Sure kang hindi girlfriend?” Pabirong tanong ni Chaeyoung.

“Ewan ko sa kanya. Basta ayusin nya pag-aaral nya.”

Tumango lang si Chaeyoung at nagnakaw ng tingin kay Mina. Mina na parang hindi mapakali, halatang may bumabagabag sa isip.

 

Ano'ng gagawin kung wala ka?

Ano'ng gagawin kung wala ka?

Ano'ng gagawin kung wala ka?

Kung wala ka?

 

“Si Mama?” Bulong ni Chaeyoung.

“Okay naman. Nandun sa bahay nag-aalaga ng mga aso.”

 

Dito ka na lang habang-buhay

Dito ka na lang habang-buhay

Dito ka na lang habang-buhay

Habang-buhay

 

 

Halos matalapid pa si Chaeyoung pag-pasok ng bahay nila Mina sa sobrang tuwa. Pagkatapos bumati sa kapatid at magulang nya ay dali-dali tong umakyat sa kwarto.

“Babe!” Tawag nito bago buksan ang pinto.

Sinundo nya si Mina para manuod ng gig nila, same bar kung saan laging tumutugtog ang banda nila.

Nakita nyang nagsusuklay si Mina at nakasuot ng dress.

“Natatae ka ba?” Tanong ni Mina.

“Ha?” Nagtatakang sagot ni Chaeyoung.

“Makasigaw ka kasi eh.” Natatawang sabi naman Mina.

“Para namang tanga ‘to eh!” Kamot ni Chaeyoung sa ulo nya at lumapit kay Mina. “Bakit ang ganda mo ngayon ha?”

“Kakanta kasi crush ko mamaya eh.” Nakangising sabi ni Mina at humarap kay Chaeyoung. May konting make up sa mukha at amoy na amoy ni Chaeyoung ang matamis na pabango nito.

Humakbang si Chaeyoung palapit at sumungab ng isang halik, “Magpapacute ka lang dun eh. Wag ka na kaya sumama?”

Hampas naman ang natanggap ni Chaeyoung at tinakpan ni Mina ang bibig nya habang sumisilip sa bukas na pinto ng kanyang kwarto.

“Gago ka! Mamaya makita tayo ni Mama naglalampungan.”

Tuwang tuwa naman si Chaeyoung sa namumulang si Mina at kinuha ang bag nito.

“Tara na. Excited na ako eh. Imagine mo lang babe, tutugtog kami sa harap ni Ely Buendia mamaya!”

Nakarating sila sa bar ng walang pang isang oras. Puno ng tao, ni-isang lamesa ay walang bakante. Buti na lang at merong nakareserba para sa kanilang magkakaibigan.

Lumalim ang gabi at dumating yung taong iniintay halos lahat ng nandon, isa na dun si Chaeyoung.

Bukod sa gusto nyang makita ang idolo ay gusto nyang pakitaan ito ng talento. Gusto nyang mapansin at makausap ito kahit sandali lang.

Konting oras pa ay kasunod na sila Chaeyoung na tutugtog.

Hindi naman inaasan ni Mina na makatanggap ng tawag mula kay Heejin.

“Ate! Nagaaway si Mama at Papa. Maghihiwalay na daw sila!” Humihikbing sabi ni Heejin.

Nagmamadali namang tumayo si Mina na nanginginig pa at tumakbo palabas ng bar. Sinundan sya ni Momo at hindi ito hinayaang mawala sa paningin.

Kitang kita ni Chaeyoung ang nagmamadaling pagalis ni Mina. Naramdaman nyang ibang nangyare kaya nagmadali itong sumunod.

Sa hindi kalayuan ay nakitang nakayakap ito kay Momo habang umiiyak at kinakausap ang kapatid sa telepono.

“Pauwi na ako, Heejin.” Hikbi pa nito.

“Hahatid kita.” Nagaalalang sabi ni Chaeyoung.

“Chaeyoung, kasunod na kayo tutugtog di ba?” Singit ni Momo.

“Mina?”

Pumiglas si Mina kay Momo at pinunasan ang mga luha sa mata, “Bumalik ka na dun.”

“Ako na maghahatid, Chaeng. Wag kang magalala.” Sabi ni Momo.

Pero hindi mapigilan ni Chaeyoung ang magalala. Ngayon lang nya nakitang ganito ka lungkot si Mina. Hindi nya alam ang dahilan pero naramdaman nyang mabigat at mahirap. Sa pagpatak ng luha at pag nginig ng labi sa bawat pagbukas ng bibig.

Mas gusto nyang samahan si Mina hanggang maging maayos sya.

“Hahatid kita.” Chaeyoung said, firm.

Natapos ang araw na yun at di nagtagal naghiwalay ang magulang ni Mina at nagalit sya sa tatay nya. Nagalit sya dahil sa ginawa nitong hinding hindi nya makakalimutan. Ilang taon na pala sila nitong niloloko at merong ibang babaeng karelasyon. Sobrang nasaktan at naapektohan si Mina dahil masyado syang naniwala sa pagmamahalan ng magulang nya.

Ilang araw na umiyak si Mina sa tabi ni Chaeyoung, si Chaeyoung na hindi umalis at hindi nawala sa paningin ni Mina. Bawat pikit at mulat ng mata, si Chaeyoung ang una nyang nakikita.

Natapos ang paguusap ng pamilya nila at napagkasunduang lumipat ng bahay sila Mina.

“Ma! Ga-graduate na ako sa RSU.” Nagdadabog na sabi ni Mina.

“Ibebenta na ‘tong bahay, Mina. Wala ng dahilan para mag-stay ka pa rito.” Mahinhin na tugon ng nanay nya.

Kung meron mang mas nasaktan sa mga nangyare. Ang mama ni Mina yun. Masyadong dinamdam at nawasak ang puso nito at napagpasyahang umalis sa bayan na yun at pumunta sa mga kapatid nya. Wala namang choice ang magkapatid kung hindi sumama sa mama nila sabagkat hindi nila masikmurang makita ang papa nila.

Ang totoo lang, ayaw nyang iwan si Chaeyoung. Ayaw nyang mawala sa tabi ni Chaeyoung. Ayaw nyang umalis dahil kay Chaeyoung.

“Isang buwan na lang, Ma. Ga-graduate na ako.”

“Kung ganon, saan ka titira? Mag-aapartment ka?”

“Kay Chaeyoung.”

There was a lot of explaining before her mom agreed. Her mom trust Chaeyoung, she know everything will not fall into pieces and everything will be okay. Besides, Mina and Chaeyoung are together for 1 year and few months. They know Chaeyoung will not do something to harm Mina, instead her mom knows that Chaeyoung will do anything to protect Mina.

Mixed emotions is what they’re feeling every day that passed.

Eventually the house has been sold together will the furnitures inside. Mina’s stuff has been transferred in to Chaeyoung’s house. Heejin and her mom left the city, leaving her with Chaeyoung. Her Chaeyoung.

“Ready ka na ba, Miko?” Tanong ni Chaeyoung at naupo sa sofa nila sa sala. Tinitingnan ang mga gamit ni Mina na nakakalat sa loob ng bahay, mga litrato nilang nakasabit sa ding-ding, hindi makapaniwalang magkasama sila sa iisang bahay.

“Miko?” Sumunod si Mina at naupo sa tabi ni Chaeyoung, ipinatong ang ulo sa dibdib nito at niyakap nya palapit.

Hinalikan ni Chaeyoung ang kanyang noo bago sumagot, “Misis ko.”

“Misis mo agad?” Natatawang sabi ni Mina. “I like Miko.”

Hinigpitan lalo ni Chaeyoung ang yakap nya kay Mina, “Hindi ko na hahayaan mawala ka, Miko .”

“I love you, Miko.” Bulong ni Mina.

“Nabuo ko na pala yung kanta ko para sayo, Miks.”

“Miks?”

“Misis ko pa rin yon, pinaikli lang.” Tumatawang sabi ni Chaeyoung at lumakad papuntang kwarto para kunin ang kanyang gitara.

“Pang-ilang kanta mo na sakin yan?” Pabirong tanong ni Mina at umayos ng upo. Tumapat kay Chaeyoung na binibigyan sya ng taos-pusong ngiti.

“Pang-seventy nine na yata?” Pabirong sagot ni Chaeyoung habang nagkukunwaring nag-iisip.

Mina melted by just seeing her smile, “Hanggang ngayon kinikilig pa rin ako sa dimples mo.”

Chaeyoung chuckled and leaned in to give Mina a passionate simple kiss before strumming her guitar.

 

Bawat ngiti, bawat luha

 

Chaeyoung can still remember the first time she saw Mina smile. She remembers the first tear fell down to her face.

 

Bawat gising, bawat pikit

 

Chaeyoung remembers the first time Mina fell asleep on her arms. She remembers how peacefully beautiful Mina is.

 

Bawat hangin na tinatanggap, bawat buga

At habang ika'y yinayakap nang maigi

Binubulong ang dalanging huwag sana maglaho sa hangin

 

Alam ni Chaeyoung. Paulit ulit na sinabi ni Chaeyoung. Hinding hindi nya hahayaan mawala ang taong nasa harap nya.

 

Ang bawat piyesa na bumubuo sa 'yo

Bawat piyesang nawa'y mapasaakin habang-buhay

 

Pinangako ni Mina sa sarili nya. Paulit ulit na  sinabi ni Mina. Hinding hindi sya mawawala sa piling ng taong nasa harap nya.

 

Dito ka na lang habang-buhay

Dito ka na lang habang-buhay

Dito ka na lang habang-buhay

Habang-buhay