Work Text:
kapag may balat ka nga naman sa puwet at sa dinadamirami ng araw na maiiwanan mo ‘yun payong mo ngayon pang bumubuhos sa ulan. nasa jeep ngayon si haechan at nagbubutil-butil na ang pawis kahit malakas ang ulan sa labas.
“tangina ang malas” bulong ni haechan sa sarili habang tumatanaw sa labas. ilang minuto na lang ay malapit na siya sa babaan niya.
pinag-iisipan niya kung paano siya tatakbo nang mabilis nasa bag pa naman niya ang papel nila sa marketing baka lunurin siya sa ilog ng mga ka-grupo niya. what if huwag na lang siya umuwi?
nakita na niya ang papalapit na stoplight at ready na siyang sumigaw ng malakas na manong para!!
"pa-"
"para po!" sigaw nung katabi ni haechan. huminto naman ang jeep at naunang bumaba si haechan dahil siya ang malapit sa bukana ng jeep.
pagkaapak niya sa kalsada ay tatakbo na sana siya nang mabilis ngunit naramdaman niya ang pag higit sa kanyang braso.
"share na tayo sa payong. tatawid din ako." ani ng lalaking may hawak ng payong na blue.
sabay silang sumuong sa malakas na ulan. pagtawid nila ay sumilong muna sila haechan at si kuyang may payong na blue.
"pareho tayo ng sakayan sa tricycle diba?" tanong sa kanya nun may-ari ng payong.
"oo, salamat pala sa pagsabay sa akin."
"sabay na rin tayo papunta sa sakayan." tumingin ito kay haechan at nagbigay ng maliit na ngiti. hinahanap naman ng mata ni haechan ang id nito.
mark lee, ayan ang nakasulat na pangalan. hindi na nakakapagtaka na pamilyar ang mukha nito kay haechan. lagi niya itong nakakasabay sa tricycle o jeep hindi nga lang niya alam ang pangalan.
"tara na? mamaya pa ata titila 'yun ulan." ani ni mark.
"tara." pinagkasya nila ang sarili sa payong, ang payong na blue ni mark lee. binabawi na ni haechan na malas ang may balat sa puwet.
