Actions

Work Header

the misadventures of finding mr. wrong

Summary:

for na jaemin, lee haechan is like thunder and storm who came unexpected but he welcome wholeheartedly anyway. the problem is, haechan likes sunny days and the summer heat more.

Notes:

I highly suggest na basahin niyo muna yung adobo universe before reading this one. you can find them sa works ko. but if you don’t want, oks lang naman. I think magegets niyo pa rin naman ‘to hahaha happy reading mga lods!

PS: medyo spoiler pero im so sorry for the sudden change of mood nung nagshift ang POV kay Jaemin. blame it to the angst na kakatapos ko lang basahin tapos dumiretso sulat ako nito hahaha char

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

If there’s one thing Haechan hates, it’s going to school while it’s raining hard. Bukod sa ang sarap nalang sanang magkulong sa kwarto niya at matulog, sobrang pet peeve niya ang basang paa or basang sapatos, na madalas mangyari sa tuwing umuulan. Ewan ba niya kasi kung bakit kahit anong iwas niya sa mga parte ng kalsada na may naipong tubig, nababasa at nababasa pa rin talaga ang sapatos niya at umaabot ‘yon hanggang sa medyas at paa niya. Sobrang uncomfortable sa pakiramdam lalo na at alam niyang 7pm pa ng gabi ang tapos ng last class niya ngayong araw, physics pa (na pinakahate niyang subject sa lahat), so titiisin ba niyang basa ang paa niya hanggang mag dismissal?

At kung may ikamamalas pa talaga siya today, hindi siya maisasabay ng kuya Doyoung niya hanggang sa terminal ng jeep (dahil nasiraan ito ng sasakyan) kaya ngayon pareho silang basang sisiw na nag-aabang ng tricycle sa may labasan.

Punuan din ang mga jeep, dumadami ba talaga ang pasahero kapag umuulan?
Yung kunduktor naman makatawag ng “isa pa! isa pa sa kanan!” akala mo naman talaga kasya pa! E kulang nalang nga sa lapag siya maupo sa sobrang sikip.

Nakahinga ng maluwag si Haechan nang may sumakay na payat na ale kaya nakaalis na ang jeep. Pinatugtog ng driver ang Umaasa by Skusta Clee at feel na feel pa nito ang pagsabay sa “dahil tanggap ko nang malabo ang maging tayong dalawa” habang nagmamaneho. Ay wow, brokenhearted pa ata si manong.

Maaga pa naman kaya hindi siya nag-aalalang malelate, pero balak kasi niyang magpatuyo muna ng paa sa publication office nila bago dumiretso sa una niyang klase. Halos wala pang isang sem mula nung sumali si Hyuck sa college publication nila. Niyaya lang siya ng kaibigan niyang si Renjun (na member na simula nung first year pa sila, news editor na ito ngayong 2nd year) kasi raw in Renjun’s words, “ang boring naman ng college life mo kung hindi ka sasali sa orgs, dito mo malalasap ang langhap sarap jollibee chicken joy” at dahil kailangan din naman niya ng pangbanlaw sa acads, sumali na siya, tutal nagjojournalism din naman siya nung highschool.

Malapit na sila sa likuan pa-gate 3 kung saan malapit ang publication office nila Hyuck kaya hinanda na niya ang mga bitbitin niya at hinalungkat ang payong sa bag. Stress na stress na siya dahil hindi niya makita ang payong nang mag announce ang driver na hanggang sa pharmacy nalang daw sila sa kanto dahil hinarangan daw ng traffic enforcer ang daan para sa ginagawang kalsada sa hindi kalayuan. Napamura si Hyuck dahil una, wala siyang payong, mukhang naiwan niya sa bahay at nasa kuya Doyoung niya ang payong na ginamit nila kanina. Pangalawa, sobrang layo ng pharmacy sa gate 3! Inimagine niya mentally kung gaano siya mababasa kung tatakbuhin niya ang distansiya mula pharmacy papunta sa hospital hanggang sa gate 3, at naiimagine na niyang kakailanganin niyang palipitan ang damit niya mamaya.

Bumaba si Haechan sa jeep at naghintay saglit sa waiting shed, baka naman tumila kahit konti.
Pero dahil malas talaga siya today, lalo lang lumalakas ang ulan habang nagtatagal siyang nakatayo doon.

Naghanda na siyang tumakbo nang may pumigil sa braso niya at hinatak siya pabalik sa waiting shed.

Nilingon ito ni Hyuck at ang ngiti ng mukhang education major (based sa suot nitong lanyard) na lalaki ang bumungad sa kanya. Tiningnan niya ang kamay nitong basa na nakahawak pa rin sa kanya at sa malaking payong nitong kulay black. Mukang kasya sampung tao diyan ah.

“Huwag mo na takbuhin, sabay ka nalang sa’kin. Anong gate mo ba?”

Hindi na nagpakipot pa si Hyuck at agad-agad pumwesto sa tabi ni kuyang educ. Mukhang nagets naman nito agad at nagsimula na sa paglalakad. Mabagal lang ang mga hakbang nila dahil sa ginagawang kalsada, maraming putik sa daan. Kulay puti pa naman ang sapatos ng kasama niya.

Walang kabasa-basa si Hyuck dahil sa laki ng payong. Ganito pala dapat ang ipabili kong payong kay kuya Doyoung eh.

“Saan mo ba nabili ‘tong payong? Ganito dapat payong ng mga maarteng tulad ko eh.”

Tumawa lang ang kasama niya at nilaro-laro ang ID gamit ang libreng kamay na hindi nakahawak sa payong. Maya-maya lang ay nasa gate 3 na sila. Hinatid siya nito hanggang sa parteng may silong bago ito lumabas ulit.

“Huh? Bakit lumabas ka ulit?”

“Sa rooftop ng Roxas Hall klase ko eh, mas malapit sa gate 2.”

Tumango si Hyuck at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa publication room nila. Nadatnan niyang nakahilata doon si Renjun habang nanunuod ng kdrama sa laptop.

“Yoh! Aga ah?”

“Putangina Renjun!”

“Ano na naman ginawa ko sa’yo? Aga kong nabless ha!”

“Hindi ako nakapag-thank you tapos hindi ko rin natanong name niya!”

“Sinasabi mo? Dulot ba ‘yan ng exam natin sa physics mamaya?”

“May exam sa physics?”

Inirapan lang siya ni Renjun at nagpatuloy na ito sa panunuod, habang si Hechan ay abala pa rin sa pag iisip kung bakit hindi niya natanong ang pangalan ng lalaki kanina.

Magkikita pa naman siguro kami ulit?

Hyuck doesn’t have to wait for a long time to know his name, though.

It was a sunny afternoon, pawis na pawis pa si Hyuck sa paglalakad galing gate 3 nang maupo siya sa paborito niyang pwesto sa airconditioned nilang room. Sobrang weird na talaga ng climate these days, Hyuck thought.

Parang last week lang noong sinagsag nila ng kuya Doyoung niya ang sobrang lakas na ulan, tapos ngayon gusto nalang niyang mahimatay sa sobrang init.

Kinalabit siya ni Renjun na dinatnan niyang nagrereview kanina. Mahilig kasing magpabord work ang prof nila sa statistics, alphabetical pa kung magtawag kaya kahit walang quiz, matic nagrereview sila kapag ito ang class. Nahinto sa letter G ang recitation noong last meeting nila kaya naman kabadong kabado na si Renjun at seryosong seryoso sa pag-a-advance reading.

“Nag-advance ka ba? Hindi ko gets ‘tong part na ‘to.”

Sinundan ng tingin ni Hyuck ang kamay ni Renjun na nakaturo sa parteng hindi nito maintindihan. Hindi naman sa pagmamayabang, pero magaling si Hyuck sa Statistics, may naging crush kasi siyang Stat major last sem kaya ayun pabibo siya. Nag advance reading si gago kahit next sem pa naman ang stat nila para lang may common topic sila ng crush niya. Hindi rin naman niya naging jowa, pero atleast marunong siya sa stat.

“Alam mo bang ngayon yung start ng GGP?”

GGP ang acronym ng yearly journalism competition sa university nila Hyuck. 3 day-event yun na seminar at contest proper sa 1st day, continuation ng contest sa 2nd day, at awarding sa 3rd day.

Wala namang pakialam dun si Hyuck, dahil unang-una, sumali siya sa pub para magbanlaw lang sa acads, bakit niya istress-in sarili niya mag contest? Pangalawa, ang dami nilang members na pwedeng isali kaya malabong isali siya, lalo na at hindi naman siya sinasabihan ng EIC nila na magprepare.

“Oh bakit hindi ka umattend ng seminar?”

Sinara ni Renjun ang stat book at humarap kay Hyuck. Confident na itong makakasagot mamaya sa recitation dahil naturuan na siya ng bestfriend.

“Eh ayokong mamiss yung recitation no! Extra credit din ‘to! Ang baba ko kaya sa last quiz! Saka bukas pa naman yung contest ko.”

Syempre kasali sa news writing si Renjun bilang siya ang News Editor ng publication nila. Saka hasang hasa na sa contest ang kaibigan niya, nanalo nga ito last year kahit newbie eh.

“Buti nalang simpleng member lang ako, makikain nalang ako sa awarding, saka papalakpakan nalang kita.”

Ang kaso, hindi lang pala makikipalakpak si Haechan at hindi rin pala siya simpleng member lang.

Kasabay pumasok ng prof nila ang EIC nila Hyuck na may hawak na excuse letter. Pinapa-excuse siya (at dinamay na rin si Renjun na masama ang loob dahil hindi nakapag-recite) dahil magsisimula na raw ang contest niya in 30 minutes.

Nagpanic si Hyuck. Sino ba namang hindi? Ikaw ba naman ma-inform na kasali ka sa contest (na hindi pa rin niya alam kung anong category, btw. surpise nalang ulit siguro) 30 minutes before? Tapos first time pa niya! Hindi niya gets bakit nilagay siya sa alanganin ng EIC nila.

“Sige na Haechan, nagback-out si Yangyang dahil sa LBM eh, okay lang kahit ‘di ka manalo promise! No pressure, sayang din kasi participation points.”

Hindi competitive ang publication nila, wala nga silang office dati eh. Pero simula nung marecognize sila as 5th place overall last year, parang na pressure ang mga tao sa pub. Masyado rin kasing eager yung dean nila, e hindi naman sila College of Arts and Letters, Engineering sila eh!

At ayun nga, mukhang goal ng pub this year na pumasok sa top 3.

“May magagawa pa ba ako?”

Bini-briefing ni Renjun si Haechan habang naglalakad sila sa activity center kung saan nagaganap ang seminar, at kung nasaan ang registration booth ng mga kasali sa contest. Meron nalang silang 15 minutes at mukhang kailangan pang tumakbo ni Hyuck papunta sa contest room (na nasa kabilang panig ng university nila) para lang umabot.

“Huwag kang kabahan, okay? Nakapag-opinion ka na ba? Kaya mo ‘to beh, marami ka naman kuda palagi eh.”

Huwag daw kabahan pero mukhang mas kabado pa si Renjun sa kanya. Hinatid siya nito hanggang sa contest room at hindi ito umalis hanggat hindi dumadating ang judge ng contest.

Napaupo ng maayos si Hyuck nang may pumasok na babaeng nakasuot ng press ID.
Nagpamigay ito ng white bondpaper na hindi pa gamit, may nakasulat na number sa upper right ng papel, at strictly tig-iisa lang daw ang kuha.

“Male-late lang ng 10 minutes si Sir, CR break lang. Magdasal muna raw kayo while waiting.”

Ngumiti ang babaeng mukhang member ng committee at saka naupo sa front table.

Napatayo si Hyuck nang marealize niyang wala siyang dalang kahit ano. Shet. Kahit ballpen wala. Paano siya magsusulat?

Tumingin siya sa paligid at nakitang kung anu-ano ang dala ng mga kalaban niya. Napaupo siya ulit at nag-isip. Kung wag nalang kaya siya magsulat at all? May points pa rin kaya yun? Eh sabi naman ng EIC nila, okay na raw basta makuha lang yung participation points eh.

Napatingin siya sa kanan niya nang may marinig siyang tumawa ng mahina. (Pader na ang nasa kaliwa niya)

“Anong tinatawa-tawa mo diyan?”

Huminto ang katabi niya pero nakangiti pa rin.

Lord alam kong marami talagang pogi sa mga ganitong contest, pero bakit itinabi mo siya sa’kin?

“Wala lang, ang cute mo kasi. Hindi ka mapakali diyan, siguro wala kang ballpen no?”

“Oo eh, wala. Pahiram naman niyang sa’yo, may extra ka ba?”

Mukhang nagulat ang lalaki, hindi ata nito inasahang wala talaga siyang dalang ballpen. Eh kasi naman, kung sasali kang writing contest tapos wala kang dalang ballpen, anong tawag sa’yo? Rare pokemon.

Inabot nito ang extra ballpen sa kanya (kaya lang kulay blue, pero okay na rin edi mag-stand out yung sulat niya mamaya, wala naman sinabing dapat black ballpen)

“Ano kayang makakalimutan mo sa susunod? Nung nakaraan payong, tapos ngayon ballpen.”

Nakangiti ito habang nagbabasa sa hawak na newsletter. Nakabukas ‘yon sa opinion page, nagrereview siguro.

“AY GAGO, IKAW ‘YON?”

Hindi na pinalampas ni Hyuck na tanungin ang binata kung anong pangalan nito.

“Jaemin. Ikaw si Donghyuck, ‘di ba?”

“Ay paano mo alam? Crush mo ‘ko?”

Tumawa ito ng malakas kaya maraming napatingin sa kanila. Nag-init ang mukha ni Hyuck sa hiya, haaynako ‘yang bibig mo talaga Haechan, walang preno.

“Praning! Ayan kasi oh, sa Press ID mo ang laki laki ng name po tapos bold pa yung font.”

Gustong magreply ni Haechan na, “ah haha” kaso pinigilan niya ang sarili niya. Masyado na siyang madaming utang na kahihiyan sa binata.

Sa halip, nagpaturo nalang si Donghyuck kung paano magsulat ng opinion, kinapalan na rin niya ang mukha at nakihiram ng samples sa kasama. Hindi rin naman ito nagreklamo at mukhang more than willing pa ngang i-tutor siya.

At ayun nga, right before dumating ang judge ng contest, ang dami nang alam ni Haechan sa category na sinalihan niya.

Renjun was eyeing him weirdly pagkalabas niya ng contest room. Lalong naging weird noong tapikin siya sa balikat ni Jaemin, sabay sabing “pwede rin!” at kumindat, bago ito sumunod sa pubmate nito sa pagbaba ng hagdan.

“Hep! First of all, hindi ko rin siya gets sa sinabi niyang ‘pwede rin’ baka aftershock ng contest beh.”

Pangunguna ni Haechan sa itatanong palang sana ni Renjun.

“Malandi ka! Ang sabi contest hindi hanapan ng jowa!”

“Okay sabihin mo yan kapag hindi ka na nagmamadaling tumakbo papuntang pharmacy para ibili ng diatabs si yangyang!”

Umirap si Renjun at hindi na siya kinulit pa tungkol kay Jaemin. Sinamantala naman ni Haechan ang katahimikan para isipin kung para saan ang sinabi nitong ‘pwede rin’ kanina.

Binalikan niya ang mga naitanong niya kanina sa binata at wala na siyang ibang maisip na pwedeng sagutin ng ‘pwede rin’ bukod sa tinanong niyang ‘crush mo ko?’

Hindi ineexpect ni Haechan na magkakaroon siya ng panibagong kaibigan sa katauhan ni Jaemin.

Maybe rainy days wasn’t as bad as he thinks it is.

————————————————————————

Sabi nila, kapag 3 times na kayong nagkita by chance ng isang tao, hindi na yun nagkataon lang. Maybe the universe is saying something.

Hindi naniniwala doon si Jaemin until nakita niya ang pamilyar na mukha ni Haechan kanina. Pangatlong beses na nilang pagkikita itong opinion writing contest. Pangalawa noong nagsalo sila sa payong hanggang gate 3. At unang beses noong entrance exam.

Hanggang sa hindi na mabilang ni Jaemin kung ilang beses na silang nagkita ni Haechan.

May mga espesyal na pagkakataon na talagang tinatandaan niya.

Katulad noong nagkita silang muli sa awarding night ng GGP. Nag champion si Haechan, habang siya, umuwing luhaan.

Lumapit si Haechan sa kanya nang magsimula ang sayawan. Nilahad nito ang kamay at bahagyang yumuko sa harap niya. Sino ba naman si Jaemin para tumanggi?

Kaya heto sila ngayon sa gitna ng bulwagan. Nakahawak sa bewang ng isa’t isa, sumasayaw sa tugtog na gawa ng isang underrated na banda. Nang malapit nang matapos ang kanta, inilapit ni Hyuck ang mukha sa tainga ni Jaemin.

“Ikaw naman talaga yung panalo.”

Tumitig si Jaemin kay Hyuck. Malalim. Sa mata.

“Tama.”

O kaya noong pasko ng sumunod na taon. Mag-isa siya sa bahay. Ganon yata talaga kapag parehong OFW ang parents. Masasanay ka na tahimik ang pasko, na hindi naka-gift wrap ang mga regalo kundi nasa loob ng malalaking balikbayan box. Walang spaghetti sa hapag na ilang beses iiinit.

Katahimikan ang kahulugan ng pasko para kay Jaemin. Malungkot. Taliwas sa makukulay na parol at pailaw na nakasabit sa labas ng kanilang bahay, black and white ang atmosphere pagpasok mo sa loob.

Na kinulayan ng bagong dating na si Hyuck.

Nakangiti nitong sinalubong si Jaemin. Nakataas sa ere ang regalong nakabalot sa kulay pulang gift wrapper, may ribbon na puti, at hindi galing sa balikbayan box.

“Namamasko po!”

Hindi na nawala sa lagayan ng maruruming damit ang mint green hoodie na regalo ni Hyuck mula noon. Palagi itong nasa sampayan kada sabado, ang araw kung kailan naglalaba ang kasambahay nila Jaemin, pinapatuyo upang magamit muli niya sa panibagong linggo.

Pero ang pinakahindi niya makakalimutan sa lahat—

“Sino ka?”

Tanong ng isang hindi pamilyar na mukha. Sinubukan ni Jaemin na magpakilala kahit kinukutuban siya ng masama. Sabi nila masamang gustuhin ang mga bagay (o tao) na mahirap makuha— tama sila.

Nang naglalakad na silang tatlo, si Hyuck, si Jaemin, at si Mark na bago niyang kakilala, papuntang sakayan ng tricycle sa kanto galing sa bahay nila Haechan— saka nakuha ni Jaemin ang sagot.

Magugustuhan ni Haechan ang ulan, sa sandaling babasain nito ang mga tuyong kalsada, o sa tuwing puputikan nito ang puti niyang sapatos, o sa tuwing kusa niyang ilalabas ang mga kamay sa payong upang salukin ang mararahas na patak ng tubig.

Ngunit tumitila ang ulan.

Kinabukasan, sisikat muli ang araw. Bubuksan muli ni Haechan ang aircon na regalo ng kanyang kuya Doyoung upang pawiin ang init ng katawan. Matutuyo muli ang mga kalsada, at uuwi sa kanya ang mga alaala kung paano siya ginigising ng sinag ng araw sa umaga.

Uuwi muli si Mark at walang magagawa si Jaemin kundi maghintay na dumating muli ang panahon niya. Sa panahong kailangan muli ni Donghyuck ng kasabay maglakad sa maputik na kalsada papuntang gate 3 habang silong ng malaking itim na payong.

At hindi ngayon ang panahong ‘yon.

Huminto si Jaemin habang tinatanaw si Hyuck maglakad palayo sa kanya— kasabay ni Mark na hindi alintana ang sikat ng araw na humahalik sa kanyang balat.

Wala nang susunod na tag-ulan. Nakauwi na ang araw.

Ngumiti ng mapait si Jaemin.

Notes:

PS: title was inspired by a wattpad story written by ate jhing bautista (the misadventures of finding mr. right)

Series this work belongs to: