Chapter Text
June 2017
Para kay diwa ng aking pagsulat,
Isang buong taon, isang taon noong makilala kita diwa, hindi ko alam pero sa tuwing nakikita kita na iba yung nagagawa mo sakin, yung ngiti mo habang tumatawa ka, yung mga mata mong parang tala kung numingning o kaya kung paano ka kaseryoso sa pakikinig (kahit natapunan ng magaling mong kaibigan na si jake yung uniform ko crush pa rin kita), ang corny ko no xd pero hindi ko maipaliwanag kung gaano kalakas yung presensya mo tuwing nasa paligid kita parang nanghihina yung tuhod ko, hayszx ito ba yung i get so weak in the knees ng SWV? kung ganon lang din naman handa akong sumugal para sayo diwa. Dito muna mga pasabi ko may quiz pa kami mamaya, aral bago sulat muna para sayo.
Pinana ni cupid,
j
"Jungwon huy, anong ginagawa mo?" pag uusisang tanong ng kaibigan niyang si riki na agad namang tinignan kung ano nga ba iyong mga nasa lamesa niya at kaya naman tinago ng binata ang mga papel na nakakalat sa desk nito bago mag ayos ng sarili para bumaba sa canteen
"Application papers lang for senior high, ikaw ba nag asikaso ka na?" nerbiyos na sagot niya kay riki, inisip agad nito kung paano na lang pag nakita nito ang mga ginagawa niyang liham para sa nakatatanda, medyo may pagka chismoso rin kasi minsan para bang anak ni marisol kung makapag kalat ng chismis sa iba nilang kakilala
"Syempre... hindi pa, samahan mo na lang ako bukas para mag ayos bayad mo yan sa utang mo sakin nung winala mo payong ko, naging rapper tuloy si mama" sinamaan bahagya ng tingin ni riki habang pinagmamasdan kung paano pilit na ngumiti ni jungwon habang naalala ang kaniyang kagagawan.
"Oo na, lunch na tayo nandon na siguro si kuya hee" Hindi na umangal si jungwon nang maalala niya ngang naiwala niya ang pinakamamahal na payong nito pagkatapos hiramin noong nakaraang araw dahil sa init ng panahon
"Wag mong kalimutan yung wallet mo, ilang beses na kitang nilibre kesyo "naiwan ko yung wallet ko sa room, won" mo, ikaw ha wag kang sumapaw" dagdag naman ni jungwon bago sila lumabas ng classroom para kumain sa kadahilanang ilang beses na itong nangyari at napaghahalataan na ito ng binata
Marami ng estudyante noong bumaba sila, para bang sardinas sa lata marami na nga tapos nag halo halo pa yung amoy ng mga pagkain, kaya naman ay pumunta muna sila sa gilid para hintayin na makaalis ang iba nilang schoolmate at tyempo namang tumunog na ang kaniyang tyan pero inuna muna niyang inilibot ang kaniyang mga mata sa buong canteen para hanapin ang kuya hee nila, pero sa hindi inaasahang pangyayari dumapo ang kaniyang mata sa isang lalaking may blonde na buhok na naka tayo sa harap ng water fountain na hinding hindi niya ipagkakaila na ito ay si sunoo;
sunoo kim, ang kaniyang diwa
Nag iba ang kaniyang pakiramdam, daig pa yung pa-fireworks ni mayor tuwing fiesta kung makaramdam ito ng kiliti sa kaniyang dibdib, iniwas ang pag tingin nito kay sunoo noong pag harap nito sa kinatatayuaan nila at hinila si riki papalayo para hanapin si heeseung
"Ano ka ba ang daming tao may nababangga tayo won" buntong hininga ni riki bago bawiin ang kaniyang kamay sa pagkakahawak ni jungwon dito habang tinitignan kung ano ba ang nangyari at bigla na lang siyang hinatak ng kaibigan
"Riki... Ayun may vacant table na" turo ni jungwon sa sampung hakbang layong table para doon na lang mag hintay. "Chat mo nga si kuya siya na lang kamo pumunta satin" dagdag nito habang papalakad sa bakanteng lamesa, bawat hakbang niya papalapit dito naiisip niya kung paano niya nakayanang makita ang presidente nang hindi handa paano pa kaya sa buong school year?
March 2018
Diwa,
Hi, diwa na lang ilalagay ko masyado palang mahaba yung nasa una kong letter, moving up na namin bukas diwa g11 na ko sa susunod, hindi ko alam kung makikita pa kita sa mga susunod na araw, buwan, o taon pero hindi ko sinasabing hindi ako maghahanap ng paraan para magawa yon kung pwede namang hindi na ko lumipat ng ibang school, hindi naman magagalit sila mama kung nandito pa rin ako no? Kakausapin ko na lang sila bukas. Natapos na rin pala yung term mo bilang SSG President so hindi na kita makikita sa stage pag may mga events pero susuportahan pa rin kita sa mga lakbay mo! Hanggang dito na lang muna need ko pa mag beauty rest para maayos akong tignan sa pictures bukas xd
Sumusulat,
j
Inayos na niya ang kaniyang uniform na susuotin bukas pati na rin ang mga dadalihin niya para ibigay kay riki at iba pa niyang kaibigan bago humiga sa kama, napa isip siya sa sinulat niya na hindi na siya lilipat ng school para lang kay sunoo eh crush lang naman niya yon pero bakit niya naisipan na isulat yon?
Maliban na lang kung, ano nga bang tawag doon? ahh ... "puppy love" nako delikado na si jungwon pag nagkataon, bumalik sa katauhan si jungwon ibinaling niya na lang ang kaniyang pansin sa ceremony bukas, ito na talaga, bukas na niya sasabihin kung anong desisyon niya
"Won, dito!" sigaw ni riki na habang kinakaway ang kaniyang kamay ang umibabaw sa dami ng estudyante sa labas ng hall kung saan gaganapin ang kanilang moving up ceremony, dali dali niyang pinuntahan ang kaibigan para makasama na siya sa pila
"Uy may ibibigay pala ako mamaya gift ko sayo" bungad ni jungwon sa binata habang palo palo ang balikat nito
"Umayos ka na sa pila hanggang pag graduate late ka pa rin" bawi naman ni riki sa kaibigan bago pumwesto sa likod ng pila
Ilang oras rin ang itinagal ng seremonya at ganap na silang nakapag tapos sa pagiging junior high school student, lumabas na ang dalawa matapos hintayin na mawala ang karamihan sa mga nag tapos at bago pa malimutan ni jungwon ang regalo nito sa kaibigan ay binigay na niya ito.
Gabi na ng makauwi si jungwon sa kanila pagkatapos mag celebrate sa labas, hindi na niya na buksan ang kaniyang cellphone buong araw dahil sa mga ganap na nangyari pero noong gabing iyon ay nakatanggap siya ng message galing kay riki na may nakalagay na;
"Jungwon alam mo namang matagal na tayong magkaibigan, pero tama ba yung binigay mo sakin? Bakit may pangalan ng ex-ssg president dito sa binigay mo?"
And that was the moment he fucked up, wala na, alam na ni riki
