Actions

Work Header

What's Next?

Summary:

Wala naman ibang hiniling si Stell kundi ang mapaayos ang buhay ng pamilya niya na naiwan sa Pilipinas, pero bakit kailangan niyang maranasan ang mga kuwestyunableng bagay na kung tutuusin kaya naman niyang iwasan, kaya niyang tanggalin sa buhay niya. At ngayon, napapatanong na din siya sa sarili niya.

Bakit hindi ko pinigilan?

Bakit hinayaan ko?

Bakit hindi ako umiwas?

Bakit hindi ko naisip na baka hindi totoo lahat ng ginawa niya para sa akin?

“Mahal mo ‘ko?” Stell heard this from Ken which seems like an answer to the questions crazily forming in his head. He was confused about what was happening but at the same time, certain about what he felt. Ang problema nga lang, alam naman na niya ang kahihinatnan nang mga ito.

Notes:

Hello A'Tin! I am back with another SB19 AU with multiple chapters and I still don't know how long this will be but I will do my best to finish this before 2022. I will pour out my everything here and I hope this will satisfy your cravings when it comes to fluff and angst, but expect more angst than fluff because your author is a masochist. HEHE. So yeah, here are some reminders;

1. This is just a work of my nasty imagination; just a work of fiction and the real Felip Jhon Suson, Stellvester Ajero, Justin De Dios, John Paulo Nase and Josh Cullen Santos have nothing to do with this AU.
2. Please read at your own risk, I already put warnings on the tags.
3. Don't pressure me in updating because I'm writing this not for you but for myself, hehe.
4. I am accepting constructive criticism but please refrain from using bad or any triggering words because that's not necessary.
5. Do not post on other website; this is the real copy of this AU. But I am allowing translations, just put credits on it.
6. There might be MANY typo errors so forgive me because I am not perfect, duh.
7. Listen to No Right To Love You by Rhys Lewis while reading this.
8. Continue to support SB19!

Enjoy reading and you can give your thoughts on my cc account: http://curiouscat.qa/eightstar

MAHALIMA!

(See the end of the work for more notes.)

Chapter 1: That’s Stell, That’s Ken

Chapter Text

“Ano ba kasing sabi ko sa’yo? Umuwi ka na dito at ipagpatuloy ang pag-aaral mo. Stell, isang sem na lang ga-graduate ka na sa college. Kaya ka namang…”

Then those were the last words that Stell had understood. After that, he didn’t manage to comprehend what his auntie was saying because he just woke up and his head was still stinging and mind was roaming nowhere. Ah, basta, kahit saan, basta hindi niya marinig ang sinasabi ng auntie niya na saulo na niya dahil sa pang-ilang daang paulit-ulit na ito.

It’s seven in the morning and he doesn’t know why his relatives are so in love contacting him at this kind of time. He hates it but he can’t be just impolite because they are the ones who are the reason why he is in Amsterdam. 

Stell began to compose himself before rising from his bed; he carried his iPad with him while his auntie Cora was still murmuring words which he can’t understand anymore because his mind is thinking about today’s agenda. Cleaning his apartment and finishing it before 9 AM because he needs to go to work at 10. Eat breakfast while listening to some jazz music, leave work at 6PM and go to the small dance studio which was already abandoned and the real owner allowed him to take care of it, staying there for at least 2 horse before going to the nearest convenience store to buy his dinner because he has no enough time to cook. He smiled at himself in the mirror inside his bathroom as he remembered his last thing to do everydayㅡimmersed himself in the aesthetic features possessed by the Keukenhof Tulip Gardens, which he can also passed by while going to work, where thousands of tulips are planted. That place became his solace especially when he needs a breather or he is stressed in the work or with other matters.

“Stellvester, naiintindihan mo ba ako?” He went back to his senses when he heard the high-pitched voice of his auntie on the other line. He scratched his head out of annoyance. Inabot niya ang iPad na ipinatong niya malapit sa lababo bago siya mag-hilamos at pumunta sa kaniyang munting kusina.

“Opo, auntie. Naintindihan ko kayo.” Sagot niya na may konting inis at saka kinuha ang paborito niyang tasa para magtimpla ng kape.

“Opo ka nang opo diyan, di mo naman sinusunod ang mga sinasabi ko sa’yo. Minsan pinagsisihan ko na pinayagan kitang pumunta diyan. Wala ka na yatang balak bumalik dito eh.” He heard his auntie with a hint of some disappointment in her voice. “Kuya Stell, hinahanap ka ulit ni Krisha oh?” Napatingin si Stell sa kaniyang iPad nang marinig ang pangalan ng paborito niyang pinsan. Napangiti siya nang makitang akay-akay ni Jake, isa niya pang pinsan, ang apat na taon na si Krisha. He smiled genuinely together with his eyes blurring because of the unshed tears as he saw how cunning Krisha is. Sobrang na-miss niya ito. Dalawang taon pa lang ang bata nang umalis siya sa Pilipinas pero naging malapit siya ng matindi dito nang siya na ang mag-alaga sa bata dahil hindi pinanagutan ang pinsan niya na ina ni Krisha.

He missed everyone. He missed the ambience of the province in the Phillipines; the smell of the fresh air in the farm, the busy market near their house, his school, his friends, his relatives, his own room, his father. He missed everything that made him more emotional at the very moment.

“Hi Krisha! Miss ka na ni kuya Stell!” He waved his hand to his two cousins as an escape and prevented the tears from falling.

“Doon na muna kayo, nag-uusap pa kami ng kuya Stell niyo.” At dahan-dahang itinaboy ng kaniyang tiyahin ang kaniyang mga pinsan. “Pag-isipan mong mabuti Stell.” His auntie Cora looked at him as she paused. “Gusto ka na ding makita ng tatay mo.” And that was enough for him to feel the extreme nervousness he felt that day in their house.

Napatigil siya ng bahagya nang marinig iyon mula sa kaniyang auntie Cora. Hindi naman na bago iyon sa kaniya. Lalo na’t halos araw-araw pinapaala sa kaniya na nami-miss na siya ng kaniyang tatay, na gusto na siyang makita ng isa sa pinakamahalagang tao sa buhay niya. Pero ngayon, kakaiba. There’s a hint of something negative in the middle-aged woman’s voice. He doesn’t know what it is at hindi na niya balak pang alamin kung ano iyon.

“Ah, auntie. Maga-almusal po muna ako. May trabaho pa po ako mamaya. Ingat po kayo diyan. Tawag lang po kayo kapag may kailangan po kayo. Salamat tita! Kumusta niyo po ako kay lolo!” At agad na pinatay ni Stell ang video kahit na hindi pa nakakapagpaalam ang kaniyang tiyahin. 

‘Wag na, baka kung saan pa mapunta ang usapan.

Kahit na hindi maalis sa isipan ni Stell ang punto ng pananalita ng kaniyang tiyahin kanina at halo hindi na siya mapakali sa kaba, pinili niyang kumain kahit na wala siyang gana. Hindi siya pwedeng malipasan ng gutom. Masyadong mahirap ang maging waiter sa bansang kaniyang pinagtatrabahuhan at kailangan niya ng sapat ng lakas. Hindi siya pwedeng magkasakit, kailangan niyang kumita. At para na rin mabawasan ang pag-aalala na kaniyang mga kamag-anak sa Pilipinas, maganda kung aalagaan niya ang kaniyang sarili.

Nagsimula siyang maglinis ng kaniyang apartment at hugasan ang mga naiwang pinagkainan niya mula pa kahapon ng umaga. After cleaning his room, he went to the kitchen, then to his sala, to the bathroom and to his few plants beside his door. 

Hindi naman kalakihan ang apartment niya. Sapat lang ito at hindi na din niya kailangang magbayad dahil ang dati niyang amo na unang pinagsilbihan niya bilang katulong noong pagdating niya sa Amsterdam ay may malaking tiwala sa kaniya. Mabait si Stell, responsable at masipag kaya hindi na nakakapagtaka kung marami na siyang kakilala sa lugar kung saan siya nakatira. Maging ang mga naging boss niya sa loob ng dalawang taon ay natutuwa kay Stell. Minsan pa ay ayaw siyag paalisin sa kaniyang trabaho ngunit may mga pagkakataong kinakailangan niyang mag-resign para sa mas malalaking halaga ng sahod. Wala e, kailangan maging praktikal sa panahon ngayon.

Pagkatapos diligan ang mga maliliit niyang halaman ay nagdesisyon na siyang maligo para hindi ma-late sa kaniyang trabaho.

Hindi naman siya nagtagal maligo at mag-ayos ng sarili si Stell kahit na may kaunti siyang kaartehan sa katawan. Kaya na din siguro madami ang nagkakagusto sa kaniya sa kaniyang trabaho ay dahil sa kagwapuhang taglay ng binata. Pero wala siyang panahon sa mga gano’ng klaseng bagay. Kahit kailan ay hindi niya naisip na pumasok sa relasyon kahit na may nagugustuhan siya, may nanliligaw sa kaniya, mapababae man o lalaki, o kahit pa nasa tamang edad na siya. Masyado pang madami ang kailangan niyang intindihin bago ang pansarili niyang kaligayahan. Mas pipiliin niya ang kabutihan ng pamilya niya kaysa ang mabuhay ng masaya nga pero nagdudusa naman ang mga tao sa paligid niya.

At 9:00 AM, he decided to leave the house to go to work with his bicycle. It will be a long day again for him but he is enjoying every moment he has and he doesn’t care if it is a bad experience or a happy one because he believes that life is precious and shouldn’t be wasted. That’s Stell.

“Badtrip!” Stell heard someone as he passed by the tulips gardenㅡwhich is stunning and a beautiful to everyone’s eyes as alwaysㅡbut he didn’t recognized who that person was but he saw a black hoodie jacket wore by the person.

“I hate this!” The guy shouted as he threw a crumpled paper on the ground and it was Ken. A famous Filipino singer who decided to take his hiatus after his biggest heartbreak that became a big topic in the Philippines.

Hindi niya alam kung bakit pati ang personal na buhay ng mga artista na katulad niya ay kailangang ungakatin ng mga chismoso’t chismosang reporter sa bansa. Pero natatawa na lang siya sa tuwing naiisip ang bagay na ‘to kasi dapat sanay na siya. Dapat alam na niya na ganito ang mundo ng showbiz. Mula sa kaniya lolo na sikat na mananayaw, papunta sa mga magulang niyang parehas sikat na mga artista at sa ate niya na dating mang-aawit sa teatro, naranasan nila ang mga ganitong bagay. Kada taon, kada kibot at kilos ng mga ito, may balita tungkol sa kanila. Maraming mata ang nakamasid sa kanila na halos hindi na sila makalabas ng bahay at mabuhay ng normal.

At ngayong siya na ang nakakaranas, hindi lubos maisip ni Ken na kinakailangan niyang tumigil pansamantala sa bagay na gusto niyang gawinㅡang pag-awit. He decided to go to Amsterdam because he needed inspiration to write a song. And he thought, the place where they celebrated their first anniversary will be a big help for him to produce a song, at least one song so that when he came back in the Philippines, may maganda siyang maipapakita sa mga tao. May natapos siya at maipagmamalaki para ipagpatuloy ang karerang pinaghirapan niya din naman. May mukha siyang maihaharap sa taong iniwan siya sa ere. Dahil hanggang ngayon, si Justin pa din. Hanggang ngayon ay nakakulong pa din siya sa sakit ng nakaraan na dulot ng sobrang pagmamahal. Hanggang ngayon umaasa pa din siya at sa pagbabalik niya, sana ay mayroon pa, sana ay pwede pa. He will do everything just to win Justin back. Everything.

Ang pagaakalang ang lugar na ito ay may malaking maitutulong upang makapagsulat siya ng kanta ay mali. Dahil mula pa kaninang umaga ay nandito na siya. Bitbit ang gitarang naging sandigan niya tuwing hindi niya alam ang dapat gawin, kasama ang notebook na puno ng mga mabubulaklak na salitang nakalaan lamang para sa taong minamahal niya.

The sun was almost done in setting and the surroundings began to dim. He unwear his black hoodie jacket and placed it beside him.

“Kainis.” Banggit niya sa pang-ilang daang pagkakataon na.

Sulat.

Isip.

Punit.

Lukot.

Tapon.

Paulit-ulit sa loob ng halos walong oras niyang pananatili dito ay wala pa din siyang magandang resulta na nakikita. Ni hindi na siya makaramdam ng gutom at pagod. All that he wants right now is to write at least four lines para naman masabi niyang productive siya ngayong araw. Pero wala pa din. Hanggang sa narinig niya ang pagtunog ng kaniyang telepono.

“Hindi pa ‘ko nauwi sa bahay. Nasa Keukenhof Tulip Gardens pa din ako.”

“Nagsusulat lang.”

“‘Wag na, kaya ko sarili ko.”

“Eh di i-terminate nila, wala akong pakealam.”

“Pau, kaya kong mag-produce ng sarili kong kanta. Besides you’re there. Tutulungan mo naman ako ‘di ba? Pau… tutulungan mo naman ako ‘di ba?”

“Okay lang. Madami ka naman nang nagawa pa sa’kin. Ayokong madamay ka kamalasan ko.”

“Hindi, Pau. Ayos lang. Favor na lang kung pwede.”

“Si Jah. Pakitignan-tignan si Justin. Alam mo namang ikaw lang mapagkakatiwalaan ko ‘don eh.”

“Kahit ayun na lang Pau. Salamat. Sige na magsusulatㅡ”

“Pakisabi kila ate, ayos lang ako.”

“Ayoko sabihin Pau kasi alam moㅡ”

“Basta pakisabi na lang ayos ako dito. ‘Wag mong sasabihin sa kanilang nasa Amsterdam ako.”

“Oo, Pau. Trust me. I’m doing well.”

“Oo na, kakain na.”

“Fine. Bye.”

That was Paulo, Ken’s manager who never leaves his side whatever happens, ang pinsan ni Justin. Paulo called because Ken’s label wanted to terminate his contract because of the issue that is roaming around through the internet na hindi naman niya kasalanan. Tapos nadamay pa si Justin na ayaw na ayaw niyang mangyayari. Kasi panigurado, malaki ang posibilidad na masira din ang modeling career ni Justin. Kaya siya na mismo ang lumayo at umalis para magpahupa ng gulo.

Hindi na niya matandaan kung saan nagsimula ang lahat dahil sa dami ng toxic na bagay na nakikita niya sa social media. Basta ang naalala na lang niya, Justin is begging him to broke up with him kasi mayroon na daw iba ang binata. He doesn’t want to break up with him because he loves him so much but seeing Justin miserable and unhappy in their relationship drives him to let the younger go. It was hard, it was painful. Pakiramdam niya may kulang sa kaniya at hindi siya sapat. Pero ginagawa niya naman ang lahat para hindi siya iwan, kaso gano’n talaga e. May mga bagay nga siguro talagang kinakailangang magtapos kasi hindi lahat, pang-habang-buhay.

Tapos paggising niya isa umaga, laman ng social media ang pangalan niya saying he cheated on Justin which is the total opposite of what is the truth. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang impormasyong iyon. Sinubukan niyang tawagan at kausapin si Justin pero walang pagharap sa kaniya. Ni hindi naglabas ng statement ang nakakabata tungkol sa issue. Mukhang protektado ng maigi si Justin, kaysa sa kaniya. Kasi mas sikat ang binata, mas maraming impluwensya, mas malawak ang pwedeng makuha.

Pero sa kabila ng lahat, umaasa pa din siya na baka sakaling mayroon pa. Baka napagod lang si Justin sa setup nila na halos hindi na sila nakakapagkita dahil sa parehas silang busy. Baka nalito lang si Justin. Baka mahal pa din siya at hinhintay lang siya na makipagbalikan sa kaniya.

Baka nga.

Ken’s family doesn’t know where he is. Basta ang alam lang nila, nagbabakasyon siya. And his ate Klaire na sobrang close niya ay labis nang nag-aalala sa kaniya. Malamang ayaw niya ang mga nangyayari, pero mas makakabuti ito upang wala nang madamay pa sa gulo na mayroon siya.

Bumalik si Ken sa pagsusulat. Sinubukang ipikit ang mga mata at unti-unting inaalala ang mga masasayang nakaraan nila ng dating nobyo. Pilit at dahan-dahan. Nagsimula siya sa nakakaakit na ngiti ni Justin hanggang sa mga malalambot na haplos nito sa kaniyang katawan. Pero kahit anong gawin niya, palagi pa ding lumalabas ang mukha ng nakakabata na puno ng sakit at hirap habang nagmamakaawa sa kaniya noong huling gabi nilang pagkikita. And it was breaking him as if it just happened yesterday. It’s tearing him apart, pain is unbearable and agonizing. It was hard, he was miserable.

He shed tears. He didn’t mind to wipe it. He just let his heart and his feelings dictate what he should do to lessen the pain. Pero kahit ano yatang iyak ang gawin niya, hindi nababawasan ang sakit. Unti-unti lang nitong pinapaalala sa kaniya na hindi siya sapat at hindi na muling babalik sa kaniya ang dating nobyo.

Hindi.

Pero hindi siya susuko. Hindi siya aalis sa kung nasaan siya ngayon hangga’t wala siyang naisusulat. Wala sa bokabularyo niya ang pagtaas ng banderang puti. If life and this world is cruel, he will prove to them that he can and he will. That’s Ken.

“Alam mo bang bawal magkalat dito?” Napadilat siya dahil sa nagsalita na para bang kilalang-kilala siya.

Inulit niya sa isip niya ang sinabi ng lalaki. “Alam mo bang bawal magkalat dito?”

Pilipino.

He looked at the dishy guy standing firm in front of him and gave him a deadly glare.

“Who cares?” Ken replied to him and the guy just gave him a smirk which made him confused.

“Seryoso, bawal nga.” The guy retorted wearing a teasing smile.

“I don’t care.” Ken said, starting to fix his things, attempting to go home. Wala na siyang pake kung wala siyang naisulat, may epal na kasi e. He stopped and looked at the guy for the second time. “How did you know I’m a Filipino?” Ken asked him, face still annoyed.

The guy raised both of his brows at ipinakita ang kanang kamay na nakatago sa kaniyang likod na may hawak na papel. “Ito.” The guy said. “May word na ‘mahal.’”

Ken didn’t manage to reply. He was stunned and… embarrassed at the same time. He proceeded to fix his bag, putting the notebook inside, securing his guitar.

“Isang word pero parang puno ng feelings. And I saw how you silently cried earlier andㅡ”

“Shut up!” Ken angrily cuts him off.

“Oh, I’m sorry.” The guy said. “By the way, I’m Stell. At totoo yung sinabi kong bawal magkalat dito ha? Pwesto ko kasi ‘to tuwing gabi so bawal talaga magkalat.”

“Whatever.” Banggit ni Ken bago tuluyang naglakad at iniwan ang kumpol ng mga papel sa lugar na kaniyang pinagpwestuhan.

Naririnig niya kung paano siya tawagin ng binatang nagpakilala sa kaniya pero wala siyang pakealam.

And that was the start of their story involving each other.

Notes:

See you next chapter! MAHALIMA!