Actions

Work Header

Nasaan Si Kenma?

Summary:

Saan ka ba tumungo, Kenma? - Shoyo

Notes:

Tagpuan: KenHina Filo Week (Late Entry)

Day 1: hurt/comfort

perstaym kong sumulat sa wikang Filipino ksfjhask huhu paumanhin po kung may mga pagkakamali :3

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

“Kenma, nandito na ko!” Masiglang pagbati ni Shoyo. Hinubad niya ang kanyang sapatos at dali dali itong pumasok sa kanilang tahanan, sabik na makita ang kanyang nobyo. Hinagis niya ang dala niyang bag sa kanilang sofa at hinimas ang ngumingiyaw nilang pusa. 

 

“Hello, Mingming, nasaan ang tatay mo ha?” Ngumiyaw lamang itong muli. 

 

“May dala akong apple pie, in-order ko kay Tendou,” humagikgik ito habang inilalapag sa hapag kainan ang dalang apple pie. 

 

“Kenma?” Pagtawag niyang may halong pagtataka. Madalas kasi na kapag darating si Shoyo, ititigil muna ni Kenma ang kanyang paglalaro o kahit anong kanyang ginagawa para harapin ang kasintahan kapag narinig niya itong nasa kanilang tahanan na. Subalit, ngayon, walang Kenma na humarap at kumausap sa kanya. 

 

Sa laki ng bahay nilang dalawa, minsan hindi rin matukoy ni Shoyo kung nasaan si Kenma. Hinanap niya ito sa kanyang kwarto kung saan matatagpuan ang computer o ang buong gaming set-up na gamit ni Kenma sa kanyang paglalaro. Nakabukas ang unit, halatang naglaro ang kanyang nobyo, ngunit, wala si Kenma roon. Tumungo si Shoyo sa kanilang kwarto, muli siya’y nabigo. Wala naman sa banyo si Kenma, wala rin sa kanilang hardin. 

 

Nagsimula nang mag-alala si Shoyo sapagkat hindi naman ugali at gawain ni Kenma na maglaho na lamang bigla nang walang pasabi. Kahit ni text message o maging tawag, wala siyang natanggap mula kay Kenma. 

 

‘Nasaan si Kenma?’

 

Isang tanong na bumagabag sa isang masayahing lalaki. Nasundan ito ng marami pang katanungan sa kanyang isip na siyang dahilan upang bumilis lalo ang tibok ng kanyang puso gawa ng nerbyos at pag-aalala. 

 

‘Nasaan ang kanyang nobyo?’ 

 

‘Saan ba siya nagpunta?’

 

‘Bakit walang message man lang?’

 

‘Bakit hindi tumawag ‘yun?’

 

‘May nangyari ba noong wala ako?’

 

‘Wala namang nawala sa gamit namin, ‘di ba?’

 

‘Nasaan si Kenma?’ 

 

‘Nasaan ang Kenma ko?’ 

 

Lakad paroo’t parito ang ginoo, kagat-kagat ang kanyang labi, nakapamaywang habang hawak ang kanyang phone, pinipilit ma-contact ang numero ng kanyang kasintahan bagama’t ito’y nakapatay o maaaring walang signal. 

 

Hindi na alam ni Shoyo ang kanyang gagawin. Handa na siyang tumawag sa ibang tao at humanap ng tulong. Hindi normal na bigla na lang naglaho si Kenma, samantalang ilang oras lamang siyang nag-ensayo at bumalik agad sa kanilang tahanan. 

 

Umupo si Shoyo at muling nagdial ng numero sa kanyang telepono. Nakapikit at nanginginig na umaasa si Shoyo na, sana, sana man lang, mag-ring o sagutin ni Kenma sa kabilang linya ang pagtawag niya. Humingang malalim si Shoyo at pinindot ang call button. 

 

RING~ RING~

 

Napatayo si Shoyo. Kanina pa siya tumatawag at ngayon lang nagring ang telepono ni Kenma. 

 

RING~ RING~

 

“Kenma, sagot ka na, sige na, pakiusap…”

 

RING~ RING~

 

“Kenma, nasaan ka ba? Sagutin mo na..”

 

RING~ RING~

 

“Kenma..”

 

RING—- “Shoyo.” Malumanay na boses sa kabilang linya ang narinig ni Shoyo. 

 

“KENMA! NASAAN KA?!” 

 

“Pauwi na ako, pasensya na. Nawalan ako ito ng battery eh.” Pagpapaliwanag ni Kenma. Nakahinga nang maluwag si Shoyo nang malaman niyang papauwi na ang nobyo. Tila baga lahat ng pag-aalala niya ay naglaho nang marinig ang boses nito at nalamang walang nangyari sa kanya. 

 

Maya maya pa ay bumukas na pinto, lahad nito’y ang nobyong sabik na makita ni Shoyo. Daliang tumakbo at niyakap nito si Kenma nang mahigpit. “Mabuti naman at ayos ka.” Niyakap lamang siya ni Kenma nang mahigpit. 

 

Tinitigan ni Kenma si Shoyo. Bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. “Sorry Shoyo, ‘di ako nakapagsabi. Emergency kasi.”

 

Marahang ngumiti si Shoyo at umiling, “kinabahan talaga ako, akala ko kung ano na nangyari.” Hinawi ni Shoyo ang kanyang buhok at sinabit sa kanyang tainga. Nang makita ni Shoyo ang mga mata ni Kenma, kito nito ang pamumula ng kanyang mata na tila baga ay siyang humagulgol kani-kanina lamang. 

 

“Kenma? Ano ba nangyari? Pwede mo bang sabihin?” Pag-aalala ni Shoyo. 

 

“Wala ito, Sho.” Pag-iwas nito at umupo na lamang sa sofa, himas ang kanilang pusa. 

 

“May dala akong apple pie, nasa lamesa.” Ika nga ni Shoyo. Isang tango lang ang kanyang natanggap. Alam ni Shoyo na may pinagdaraaanan ito kaya umupo rin siya sa tabi ni Kenma at hinawakan ang kanyang kamay. 

 

“Kenma… alam mo maaari mo namang sabihin sa akin eh,” Lumingon lamang si Kenma sa kanya at maluha-luhang ibinuka ang kanyang bibig upang magsalita. 

 

“Ano.. kasi eh…”

 

“Hmm? Ano yun, Kenma? Sabihin mo lang, makikinig ako.” Paninigurado ni Shoyo sa kanya. 

 

“O-one of my best employees passed away earlier. I-isa siya sa mga p-pinag–k-kakatiwalaan ko talaga.” At bumuhos ang kanyang mga luha. 

 

Nagulat si Shoyo at naramdaman din niya ang pighati na nararamdaman ni Kenma. Niyakap niya nang mahigpit at ikinulong niya si Kenma sa kanyang mga bisig. 

 

“Shhh, shh, halika rito…” sambit ni Shoyo. 

 

“Na-n-nalulungkot ako, Sho.” Patuloy ang paghikbi ni Kenma habang hinihimas ni Shoyo ang kanyang likod. 

 

“Sige lang, iiyak mo lang, normal lang ang malungkot. Nandito lang ako.” 

 

Sapat na ang mga salitang iyong upang patuloy na ibuhos ni Kenma ang sakit na kanyang nararamdaman. Lumipas pa ang ilang minuto at dama na ni Shoyo ang pagkabasa ng kanyang damit dahil sa pag-iyak ng nobyo. Masakit para sa kanya na makitang nasasaktan at umiiyak ito ngunit mas kailangan ni Kenma ng aalalay sa kanya sa ganitong panahon. 

 

“Oh, inom ka muna ng tubig.” Uminom naman si Kenma, at nahimasmasan na ang kanyang nobyo.

 

“Tahan na, tahan na… nandito lang ako, Kenma. Nandito lang ako bilang tahanan mo.” Malumanay na binulong ni Shoyo.

 

“Maraming salamat, Shoyo.” pagpapasalamat ni Kenma, bago siya dalawin ng antok at pagod. 

 

“Tahan na, magpahinga ka lang. Nandito lang ako, Kenma.” 

 

Nakakapagod at nakakapraning na araw ito para sa kanila, subalit, nanaig pa rin ang kaisipan na sila ay nariyan para sa isa’t isa… sa hirap at ginhawa. 

Notes:

sa wakas nakapagsulat din huhu

Salamat sa iyong pagbasa T_T nawa ay nagustuhan mo po..