Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2021-12-23
Words:
1,715
Chapters:
1/1
Comments:
1
Kudos:
118
Bookmarks:
3
Hits:
3,252

Magkasundo

Summary:

“Hindi ka ba nagsasawa?” there was a pause, then a heartbeat.

“Kung magsasawa man ako edi sana noon pa, halika nga dito.”

And just like every almost Christmas they embraced each other tightly, like a seal, a promise.

Notes:

welcome to day 3 of PASKUHANomin! <3

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Tinignan mula ulo hanggang paa ni Jaemin ang magkakaibigan na bagong pasok lamang sa kanilang silid aralan, hindi niya maiwasan mapa-irap dahil sa lakas ng mga boses nito na para bang sila lang ang tao sa mundo. Sigurado siya na hanggang canteen ay narinig ang sigawan at tawanan ng mga ‘to.

 

“Jaemin tawag ka ni ma’am.” agad tumayo ang binata sapagkat siya na ang bubunot sa bote na may punit punit na papel, Christmas party na kasi nila sa susunod na linggo kaya naghahanda na ang lahat para sa exchange gift. “Anak tingin ka sa iba habang bumubunot ha, bawal madaya.” pagbibiro ng kannilang guro na nginitian ni Jaemin bago sundin.

 

Agad nagtama ang kanilang mata ni Jeno, si Jeno na kapitbahay at kaklase ni Jaemin na laging maingay at matalik niyang kaibigan noon. Isang pang aasar na ngiti at kindat ang binigay nito sa kanya kaya hindi niya napigilan na iripan ito na naging dahilan para tuksuin sila ng mga kaibigan nitong nakakita.

 

Tinignan ni Jaemin ang hawak niyang papel para basahin kung sino ang kanyang nabunot at para masukat ito ng kanyang guro sa listahan.

 

“Miss si jisung po nabunot ko.” tumango lang ang kanyang teacher at sumenyas na pwede na siyang bumalik sa upuan.

 

“Ako nabunot mo ‘no?” alam na agad ni Jaemin kung sino ito kaya hindi niya nalang pinansin, ngunit hindi natuwa si Jeno na hindi siya sinagot ng binata dahilan para sundutin niya ang tagiliran nito. “Ano ba!” natahimik saglit ang buong silid kaya hindi maiwasan mahiya ni Jaemin, ayaw niya kasi sa atensyon.

 

“Napaka sungit mo talaga baby.” nandidiring hinampas ni Jaemin si Jeno sa braso bago ito itulak palayo, kahit kailan talaga ay ang gulo nito.

 

“Baby wag mo ko hampasin sige ka magtatampo ako!” patuloy na pang aasar sa kanya ni Jeno kaya tinignan niya ito sa mata ng ilang minuto bago muling umirap at magsubsob ng mukha sa lamesa, kung hindi niya ito papansinin ay baka umalis nalang ng kusa, at ‘yon nga ang nangyari.

 

Hindi naman mataray o snob si Jaemin, ngunit pag dating kay Jeno ay kumukulo talaga ang kanyang dugo dahil hindi sila pareho ng mga gusto ng trip madalas, dagdag pa na kahit maloko ito a napaka talino naman at masipag pa sa pag aaral. Samantalang si Jaemin ay nasa average lang at kahit hindi siya nawawala sa honors ay hindi naman kasing taas ni Jeno.

 

Lumaki ng sabay ang dalawang binata, lumipat si Jaemin sa kanilang lugar noong 5 years old palang siya, nung una ay nagkakasundo naman sila at madalas maglaro ng magkasama, ngunit ng tumuntong sila ng 1st year highschool ay nagbago ang lahat. Nagsimulang mabarkada si Jeno sa mga makukulit at maiingay, kabaliktaran kung ano si Jaemin, noon ay ginagawa pa rin nilang maglaro kahit may iba pang kaibigan si Jeno ngunit ng isang beses na pilitin ng nakakatanda si Jaemin na sumali sa kanila ay napagtanto ni Jaemin na hindi sila tugma sa mga bagay na gusto nila.

 

Halos walang dahilan bakit nagkaroon ng malaking pagitan sa matalik na magkaibigan, ngunit sapat na ito para hindi sila maging katulad ng dati. Habang si Jeno ay dumarami ang kaibigan at mas lalong sumisikat, si Jaemin ay nanatiling tahimik kasama ang dalawa niyang kaibigan.

 

Kung tatanungin mo si Jaemin tungkol kay Jeno ay nakangiti pa itong magkukwento, dahil wala namang dahilan para maging mapait sadyang hindi lang sila bagay maging magkaibigan.

 


 

“Ito Jaem, mukang magugustuhan ni jisung.” tinanggap ni Jaemin ang inabot ni haechan na damit, namimili kasi sila ngayon ng pwede iregalo sa kanilang mga nabunot. Naka uniporme pa nga ang dalawang magkaibigan dahil dumiretso na sila sa mall matapos ang klase.



“Nasa wishlist niya ba ‘to?” saglit napaisip ang magkaibigan bago parehong umiling at ibalik ang damit sa rack na pinagkuhaan ng binata. ”Teka, hanap pa ko sa iba.” sambit ng kanyang kaibigan na tinanguan niya lang. 

 

Tinitignan ni Jaemin ang presyo ng isang damit na gusto niya sana bilhin para bago ang masusuot niya sa Christmas party nila, binigyan rin naman siya  ng extra cash ng kanyang magulang para makabili siya ng pansarili.

 

“Beh ito ba!” nanlaki ang mata ng magkaibigan ng matisod si haechan sa karton na puno ng mga damit, mabilis na sinalo ni Jaemin ang kanyang kaibigan para hindi ito masubsob sa lapag. Akmang tatanungin niya palang ito kung ayos lang ba siya ng may humila sa kanyang braso.

 

“Tara na, uwi na tayo.” sabay napalingon si Jaemin at haechan sa nagsalita at si Jeno ang bumungad sa kanila. Nagtatakang nagkatinginan ang dalawa bago nagkibit balikat si haechan. “Bakit ka nandito?” kalmadong tanong ni Jaemin sa binata na kakarating lamang.

 

“Wala lang, tara na umuwi na tayo.” hindi pa nakaka sagot si Jaemin at hindi na natuloy pa dahil hinatak na siya ni Jeno, sa gulat at pagtataka ay wala ng nagawa ang magkaibigan. “Jaemin ingat!” napalingon ulit si Jaemin sa kanyang kaibigan na naiwang nakatayo doon na may hawak na damit habag hatak pa rin siya ni Jeno. “Chat mo ko pag nakauwi ka na!” pagpapaalala niya dito.

 

Mas hinigpitan ni Jeno ang hawak sa kanya kaya napa aray siya dahilan para tingnan siya saglit nito. Nakalabas na sila ng mall ng napagtanto ni Jaemin ang nangyari. “Jeno ano ba!” hindi siya pinansin nito at diretso lang ang tingin hanggang makasakay sila sa jeep pauwi.

 

Tahimik lang ito kaya hindi alam ni Jaemin ang gagawin, kukuha na sana siya ng pamasahe ngunit inunahan siya nito. Ng mas dumami ang tao sa jeep ay mas nasiksik sila sa isa’t isa, masama ang tingin ni Jeno sa lalaki na katabi ni Jaemin sa kanan sa hindi malamang dahilan, kaya kinurot ni Jaemin ang tagiliran ni Jeno para tingnan siya nito.

 

“Ano ba problema mo? Hindi pa ko nakakabili ng regalo para sa nabunot ko tapos wala pa kong susuotin bukas!” mahinang pag sermon ni Jaemin sa binata na nakikinig lang. “Dun ka na bumili ng regalo sa wholesale sa kanto, sabi ni jisung gusto niya pagkain matanggap. At para sa damit mo bukas, papahiramin kita.” hinampas ni Jaemin ng mahina ang hita ni Jeno bago ito tarayan.  

 

“Alam mo di kita maintindihan, andun na tayo sa mall kanina eh! At di pa ko nakapag paalam kay haechan ng maayos nakakahiya.” Jeno’s eyes bore on him making him blush and act angrier which made Jeno look at him longer, magkalapit masyado ang kanilang mukha dahil siksikan na talaga sa jeep. “Sa susunod wag ka aalis pag di ako kasama.” mas lalong napakunot ang noo ni Jaemin dahil sa narinig.

 

“At bakit naman kita susundin, jowa ba kita?” nanlaki ang mata ni Jaemin dahil biglang hinawakan ni Jeno ang kanyang panga at may tinanggal sa kanyang labi gamit ang hinlalaki. “May ketchup ka pa sa bibig.” mabilis na nag iwas ng tingin ang nakababata ng makaramdam ng pamumula sa pisngi.

 

Kung nakangiti si Jeno hanggang sa makauwi sila at namumula ang pisngi hanggang leeg ni Jaemin ay walang gustong pumansin, kung sa kalagitnaan rin ng byahe pinatong ni Jeno ang kanyang braso sa dalawang hita ni Jaemin para hindi ito dumikit sa katabi niyang lalaki ay hinayaan lang ng binata na mangyari.


 

“Ano nangyari kahapon? Bakit bigla ka sinundo ni Jeno?” ang unang bumungad kay Jaemin kinabukasan pagpasok niya ng silid, kumpleto na silang magkakaklase dahil excited ang lahat sa Christmas party.

 

“Hindi ko rin alam dun.” nagpatuloy ang kwentuhan ng magkaibigan hanggang mag simula na ang party. Pinipigilan ni Jaemin mapalingon kung saang direksyon naka pwesto si Jeno dahil nahihiya siya sa mga nangyari kagabi.

 

“Class, last christmas party niyo na ‘to as highschool kaya sana maki-cooperate ang lahat at huwag pasaway.”

 

Habang nagsasaya ang lahat ay hindi makapagfocus si Jaemin dahil sa walang tigil na pagtatanong ng kaibigan niya. “Bakit wala atang dala na flowers si Jeno para sayo ngayon? Diba lagi ka niya binibigyan nun pag Christmas party?” tuloy lang ang panonood ni Jaemin sa mga kaklase nilang naglalaro kaya hindi na siya ginulo ni haechan.

 

“Jaemin.” kahit hindi lumingon ay ramdam ni Jaemin agad ang kaba at kilig, seryoso ang boses ni Jeno ngunit ang mga kaibigan nito ay nantutukso pa rin.

 

Nangako si Jaemin sa sarili niya na gaganti siya sa lahat ng nagtulak sa kanya palabas ng room kasama si Jeno, kahit ang kanilang guro ay nakikisali sa panunukso. Ngayon ay nasa labas sila ng room, tahimik ang hallway dahil busy ang lahat sa sariling christmas party.

 

“Sorry ngayon lang.” tahimik na tinanggap ni Jaemin ang bouquet ng tulips na hindi niya alam saan tinago ni Jeno. “Thank you.” 

 

Binalot sila ng katahimikan bago muling magsalita si Jaemin. “Hindi ka ba nagsasawa?” there was a pause, then a heartbeat.

 

“Kung magsasawa man ako edi sana noon pa, halika nga dito.”

 

And just like every almost Christmas they embraced each other tightly, like a seal, a promise.

 

You see, Jaemin and Jeno might not be friends anymore because it does not suit them but you know what does? More than that.

 

“Jaem, nagpaalam na ko kila tita, liligawan na kita.” natawa ng bahagya si Jaemin bago tumango at tignan si Jeno sa mata. “Last year na kasi ng highschool kaya naglakas loob ka na.” 

 

While still hugging, Jeno can’t help but laugh too. “Syempre baka makahanap ka ng mas pogi sakin sa college natin.” Kinurot ni Jaemin ang ilong ni Jeno before rolling his eyes fondly. “Pa’no yan ikaw lang pogi sa mata ko.”

 

Sabay sabay nagsigawan ang mga kaklase nila kasama ng kanilang guro na nakikinig pala sa may pintuan. Hindi maiwasan mahiya ni Jaemin kaya tinago niya ang kanyang namumulang mukha sa dibdib ni Jeno, dito rinig mo ang tibok ng kanyang puso na sinisigaw ang pangalan ang nag iisang lalaking handa niya mahalin at pagbuhusan ng oras.

 


 

There are stories that do not necessarily need a whole book for, one word, sentence, and even a paragraph is enough to express what’s theirs. Stories are to be shared, but the majority are just kept.

 

Kung tatanungin mo si Jaemin kung ano ang pinaka madaling paraan para ilatag ang kwento nila ni Jeno, ang tanging sagot niya lamang ay;

 

“Hindi mo kailangan ng matatamis na salita, pag tigil ng oras, o kahit kuryenteng pakiramdam, basta magkasundo kayo at nagsasagwan ng isang bangka ay sapat na para matawag na storya.”

Notes:

hello hehe andito ako ulit, siguro by now alam niyo na kaming dalawa ni jey yung nagsusulat for paskuhanomin, so nung 21 ako una tapos siya 22 and now 23 ako ulit! i hope you enjoyed this short fic of mine just like the others, sobrang sarap isulat nito kasi it brought me back to my highschool phase where everything is fun and full of laughter!thank you again for reading this hehe

[ twitter accounts ]
main : jenanaluv
filo acc : pinagkaloob

[send your questions or thoughts here!]
panalangin