Chapter Text
(1)
"Grabe no, 'di talaga ako makapaniwala na saating siyam, si Sana ang mauuna na ikasal." malungkot na sinabi ni Nayeon habang tinitignan nito sa kanyang telepono ang mga litrato ni Sana mula sa kanyang bridal shoot. "Eh bakit parang sad ka? hindi ka ba masaya for her?" tugon ni Momo.
Sa gabing iyon ay nasa bahay ni Jeongyeon ang barkada. Nag-uusap, nag-f-foodtrip at simpleng nagb-bonding lang. Magmula highschool hanggang college at sa kasalukuyan ay sama-sama na sila. Kumbaga sisters from different mothers. At sa pagkakataon na iyon ay si Sana lang ang wala dahil nasa probinsya ito, naghahanda para sa nalalapit niyang kasal.
"Baliw, syempre masaya ako! Ang tagal na kaya nila ni Chanyeol." sagot ni Nayeon na nginitian naman ng lahat. "Wala lang, naaalala ko lang rin yung nene days natin. Just can't believe na each of us are really getting married and will soon build a family." dagdag pa niya.
"Wag ka ngang ma-drama diyan. O eto coke, uminom ka muna." inabot ni Jihyo ang isang baso na may lamang softdrinks. "Anyway, isa rin sa nilolook forward ko sa pag-uwi sa elyu aside sa wedding ni Sana ay yung night life! Grabe. Iba pa rin talaga yung vibes pag umiinom at nagpa-party sa probinsya. Sarap takasan ng Maynila. Hahaha." pag-iiba ng topic ni Chaeyoung.
"Hoy, sobrang totoo. Namimiss ko na rin sila mama." sambit ni Dahyun.
Lumipas ang buong gabi puno ng kwentuhan at kasiyahan. Hindi naman halata na hindi sila close no? (Insert laughing emoji)
Sa kabilang banda ay nasa Elyu naman na ang boys. Ang barkadahan nila Chanyeol na naging barkada rin nila Sana kalaunan. Noong sila kasi ay nasa highschool pa ay parati ng tinutukso si Sana kay Yeol dahil crush raw siya nito. Nagsimula sa asaran, ligawan, at ngayon malapit nang ikasal.
"Ano, Soo? Matagal pa ba yang niluluto mo? Gutom na kami oh." reklamo ni Jongin sa kaibigang chef. "Matatapos na 'to. Kaya walang nagtatagal sa'yo eh. Impatient mo kasi." sagot pabalik ni Kyungsoo.
"Oohhh!!" pang-aasar pa ng iba. "Nga pala, kailan uuwi dito sila Mina tsaka yung tropa? Sayang, 'di pa sila sumabay saatin." tanong ni Suho.
"Sabi ni Tzuyu 13 raw ng gabi andito na sila. Sasabay sana sila kaya lang may mga trabaho pa sila na kailangan muna tapusin." sagot naman ni Sehun, boyfriend ni Tzuyu.
"Tsaka sa tingin mo talaga sasabay sila saatin ng uwi?" dagdag ni Baekhyun. "Sus. Bakit hindi? Ano bang nasa isip mo? Yung kay Soo at Nayeon. Tagal na nun pare. Diba, Soo?" - Jongdae.
"Ha? Oo. Okay naman lahat." sabi ni Kyungsoo habang isa isa nang hinahain ang mga ulam. "Okay naman? Eh bakit kapag nag ge-get together tayo, ayaw niyo mag-usap. Parating small talks lang?"
"Alam mo Baek, okay kami. Kung ano man nangyari dati, tapos na yun."
"Okay. Sabi mo eh."
Pagkatapos nun ay sabay-sabay nang kumain ang barkada. Hindi na nila ginatungan pa si Kyungsoo dahil alam naman nilang lahat ang rason kung bakit hindi na ganoon ka komportable si Nayeon sa tuwing nariyan si Kyungsoo.
