Actions

Work Header

Huwag Ngayon

Summary:

Junmyeon is just trying to run away from the fact that his best friend a.k.a fuck buddy is still in love with his ex.
At least until his final exams are done.

Notes:

This may or may not be inspired of a true story.
The inspiration may or may not be a close friend.
Said close friend may or may not be playing Huwag Ngayon by Lola Amour too many times on our discord group.

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Huwag, Huwag na muna nating pag-usapan

 

Mabigat. ‘Yan ang pakiramdam ni Junmyeon nang magising siya. Mabigat ang pakiramdam niya both physically and emotionally. Napabuntong hininga siya bago idinilat ang mata. Tangina naman… It didn’t help that the man laying beside him looks straight out of magazines. And it most definitelydidn’t help that the guy is his best friend. Kung hindi pa rin halata, oo, he slept with his best friend. 

 

Not sleep, sleep but sleep, sleep. 

 

As in sex. 

 

Nilabanan ni Junmyeon ang mabilis na pagtibok ng puso niya pati na rin ang boses sa likod ng utak niya na gustong hawakan ang mukha ng kaibigan. Hindi pwede. He can’t fuck himself up over and over again dahil lang hindi niya matiis ang binata. Tinanggal niya ang binti nito na nakadagan sa kanya maging ang braso nito. Most people would think that they’re in a relationship. Pero kung sabagay naman, being best friends and fuck buddies is a relationship naman sa panahon ngayon, di’ba?

 

Anong oras na ba?

 

May klase pa si Junmyeon ng 7 am at hindi siya pupwedeng malate dahil major niya ang class na ‘yon. Finals na nila in a few week at nasa critical period sila ng college life nila dahil graduating na sila. Lalo na para sa mga katulad ni Junmyeon na hinahabol ang latin honors. Hindi pwedeng bobo ka na nga sa pag-ibig, bobo ka pa sa acads. Pasalamat nalang talaga si Junmyeon ay biniyayaan siya ng utak kahit nag a-autopilot mode ito tuwing nakikita ang lalaki sa tabi niya. 

 

Kinapa ni Junmyeon ang side table para hanapin ang cellphone niya. Nang may makapa ay agad niyang tinignan ang oras. Napapikit si Junmyeon dahil nasilaw siya. Una, nasilaw siya dahil sa taas ng brightness. Pangalawa, nasilaw siya sa nagmumurang 6:00 am na nakadisplay sa screen. Panghuli, nasilaw siya sa dami ng text messages na nakita niya. 

 

9 Text Messages from Baek 

 

Mapait na napangiti si Junmyeon bago inilapag ulit ang phone. Mabuti pa ang Kamikazee sigawan ang almusal, ako pait. Bumangon siya at pinulot ang nagkalat niyang damit sa lapag, mabuti nalang deep sleeper ang isa dahil hindi niya alam kung paano idedefend kung bakit siya naluluha habang pinupulot ang damit niya. 

 

Tama na yan Junmyeon Kim, may klase ka pa. 

 

 

 

Sakto ang dating ni Junmyeon sa klase, nandoon na rin at nakaupo ang kaibigan niya na si Jongin. Inabot nito sa kanya ang isang iced coffee galing sa Mcdo habang kinakain nito ang hashbrown. Sinwerte sila sa Prof dahil hinahayaan lang sila ni Sir Minseok mag umagahan habang nagkaklase. Tinitigan siya ni Jongin habang ngumunguya kaya walang nagawa si Junmyeon kung hindi matawa sa inaakto nito. 

 

“Okay lang ako” sabi niya rito at sumipsip ng kape na hawak niya. 

 

“Usap tayo mamaya” bulong ni Jongin, ibinalik nito ang atensyon sa prof nila na nagdidiscuss sa harap.

 

 

 

“Kay Sehun ka nanaman natulog, no?” Tanong ni Jongin nang ilapag Nito ang mainit na sisig sa lamesa. Umupo ito sa tapat niya at inilapag ang bitbit na tote bag sa tabi nito. 

 

Walang naisagot si Junmyeon dahil totoo naman na doon siya natulog kay Sehun ang problema lang ayaw niya itong sagutin dahil sigurado siyang sesermunan nanaman siya ni Jongin. 

 

“Junmyeon ano ba? Di’ba sabi ko sayo nakita ko sila ng ex niya magkasama nung Friday?” Frustrated ang tono ng boses nito, hindi rin siya masisisi ni Junmyeon dahil kahit siya naffrustrate sa sarili niya pero wala naman kasi siyang magawa. 

 

And to be honest, he doesn’t want to think about it for now. 

 

Huwag muna ngayon. 

 

For now, he’s doing his best to pretend that everything is fine.

 

“Junmyeon, makinig ka sa’kin. Alam kong pogi at Mabait naman si Sehun pero hindi ikaw to. Matalino ka, oras na para gumising. Stand up, ano ba” Natawa si Junmyeon sa sinabi nito, matagal naman na siyang gising. It was touching to see Jongin look after him kahit na technically mas matanda siya ng ilang buwan dito. 

 

“Ok lang ako, Ji” simpleng sagot niya sa kaibigan at muling sumubo ng bacsilog na kinakain niya. Bumuntong hininga naman si Jongin at bumulong bulong bago tuluyang kumain ng tahimik.

 

 

 

To: Junmyeon

 

Hey Jun, rain check muna sa lunch date natin today. I have somewhere to go. 

I’ll drop by sa dorm mo later. 

Sorry. 

 

Nauubusan na ng synonyms si Junmyeon para sa salitang ‘disappointment’, ewan niya ba kung bakit hindi siya masanay sanay. Kung bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya tuwing hindi siya sinisipot ni Sehun. Pero Ganon naman talaga hindi ba, ika nga ay disappointed but not surprised. Ilang araw na rin kasing send ng send si Jongin ng IG story ni Baekhyun na para bang hindi niya alam na ito ang kasama ni Sehun nitong mga nakaraan. At malamang ay ito rin ang kasama ni Sehun ngayon. 

 

Alam niya.

 

Wala naman siyang magagawa. Hindi naman sa kanya si Sehun.

 

To: Sehun

 

Ok lang.

Ingat ka 

See you later :)

 

Sa totoo lang, he’s been looking forward for their lunch date ngayon. Hindi niya kasi nakikita Ito masyado nitong mga nakaraan dahil busy din naman si Junmyeon sa pagrereview. He’s been busy studying and he just wanted to rest. Sadly, his definition of rest is spending time with the tall cute guy named Sehun. So yes, he’s been restless for awhile. Kung naririnig lang ni Jongin ang thoughts niya right now malamang ay magngingitngit na iyon sa inis. 

 

Junmyeon laughed bitterly, so fucking pathetic. 

 

Tinitigan niya ang handouts na nakakalat sa desk niya. Wala siyang oras para magbreakdown kailangan niyang makahabol sa lesson dahil ilang araw na siyang lutang habang nasa klase. Sinuot niya ulit ang eyeglasses niya bago buksan ang laptop niya. Wala siyang oras para mag breakdown. 

 

 

 

Narinig ni Junmyeon bumukas ang pinto ng dorm niya at hindi niya na kailangang tignan kung sino ang pumasok dahil isang tao lang naman ang may duplicate na susi ng dorm niya. Narinig niya rin ang mga hakbang nito papunta sa kwarto niya bago bumukas ang pintuan. 

 

“Hi” sabi nito habang nakasilip sa maliit na uwang ng pinto with that stupid smile on his face that Junmyeon loves.

 

“Hi” sagot niya dito, tipid lang ang ngiti na ibinigay niya rito pero sigurado si Junmyeon that if someone squints they’ll see his eyes shine as soon as he looked at Sehun. 

 

“Tama na muna yan, may dala akong tapsi” sabi nito pagkatapos lumapit at maingat na iniligpit ang mga handout na binabasa niya. Pati ang mga highlighter ay ibinalik nito sa lalagyan. Nakakatawa kung paanong kabisadong kabisado na siya ni Sehun na pati mga lalagyanan ng highlighter niya ay alam nito. 

 

Kabisadong kabisado siya nito pero hindi manlang nito napansin na may nagbago na. Ang labo mo Sehun Oh. 

 

“Anong oras na bakit dumaan ka pa dito?” Tanong niya rito habang sinasalin ang binili nitong pares sa mangkok. 

 

“Sabi ko dadaan ako eh” Sehun said nonchalantly, 

 

“Right, you can’t break a promise twice a day” hindi napigilang sabi ni Junmyeon na ikinatigil ni Sehun. Hindi niya sinadyang sabihin, kusa lang lumabas sa bibig niya. He probably shouldn’t have said that. 

 

“Huy grabe? Nag text naman ako beforehand na may biglaang lakad ako” pagdedepensa nito sa sarili,

 

“Oo nga, may importante kang ginawa…” 

 

“Hmmm” pagsang ayon nito,

 

Nagkaroon ng ilang seggundong katahimikan habang kumakain sila. Junmyeon can’t help but to think about the time where the silence between them wasn’t this defeaning. Hindi naman sila ganito. They used to have a lot of playful banters while eating, madalas tungkol Ito sa mga series na pinanood nila o di kaya’y tungkol sa mga nangyari sa araw nila. It was only a few weeks ago when they started to have this defeaning silence. Hindi alam ni Junmyeon kung siya lang ba nakakaramdam noon o nararamdaman din ito ni Sehun. 

 

“Actually Jun, kasama ko si B—“ 

 

“Bakit parang iba ata lasa ng tapsi ngayon, doon ka pa rin ba sa kanila kuya Yan bumili?” Mabilis na pag putol niya sa sasabihin nito, hindi naman inexpect ni Sehun yung tanong kaya natigilan ito bago sumagot.

 

“Oo doon ako bumili, ganoon pa rin naman yung lasa ah?” Sagot nito bago humigop ulit ng Sabaw.

 

“Baka sakin lang, Oo nga pala hindi mo kinwento sa akin na nakauwi na si Tita” pag-iiba niya ulit ng topic. Kahit ano para lang hindi maituloy ni Sehun ang sasabihin niya Kanina. 

 

“Hindi ko ba nasabi? Hinahanap ka nga ni Mom” nagsimula nang magkwento si Sehun na ikinaluwag ng pakiramdam ni Junmyeon. 

 

Alam niya na ang sasabihin nito. That he was with Baekhyun. At kung hahayaan lang ni Junmyeon na sabihin ito ni Sehun ay malamang hindi niya magugustuhan ang mga kasunod na sasabihin nito. Ayaw niya munang marinig ito. Alam niyang hindi niya kakayanin at maaapektuhan nito ang performance niya sa final exams niya. Hindi niya pa kaya.

 

Huwag muna. 

 

—————————————

 

Oh bakit ba, pwede bang magkunyari na lang tayo

 

 

 

Junmyeon has exactly 13 days bago ang finals. Less than two weeks. Ilang araw na rin silang palipat-lipat ni Jongin ng study place. Minsan ay sa dorm niya, minsan sa library o di kaya’y sa coffee shop malapit sa campus nila. Matalino si Jongin, confident ito na gagraduate ng with Honors. At kailangan ni Junmyeon yung ganong energy ni Jongin habang nag-aaral.

 

Dalawang araw na lumipas simula nung huling punta ni Sehun sa dorm niya. Doon na natulog si Sehun dahil nag-aya pa itong manood ng isang episode ng Taxi Driver. Safe to say umiral nanaman ang karupukan ni Junmyeon at nagcuddle sila nito hanggang sa makatulog. Kinabukasan ay nagising si Junmyeon na wala ito pero may nakahain nang almusal sa lamesa at may text ito sa kanya, informing him that he had to leave early dahil may klase pa ito ng 9 am. 

 

“Sinabi mo ba kay Sehun kung nasaan tayo?” Biglang tanong ni Jongin sa gilid niya, nasa library sila ngayon at wala masyadong tao dahil nasa klase pa ang karamihan. Sakto kasing nagkaroon sila ng free cut dahil may meeting na inattendan ang prof nila sa second class nila ngayong araw. 

 

“Ha? Hindi, bakit?” Sagot niya rito,

 

“Eh anong ginagawa niyan dito?” Nguso nito sa likod niya bago ibinalik sa kanya ang tingin, napalingon naman si Junmyeon sa likod niya at nakita si Sehun na naglalakad papalapit sa table nila habang may bitbit na plastic. Nginitian siya nito nang makitang nakatingin siya rito. 

 

Tinanguhan ni Jongin si Sehun nang makalapit ito sa lamesa nila. Sinuklian din ito ni Sehun ng tango bago tumingin kay Junmyeon. 

 

“Hi” bati nito, again with that stupid smile on his face. 

 

“Hi, anong ginagawa mo dito? Wala kang class?”

 

“Kakatapos lang, I figured you’ll be here. Nakasalubong ko yung kablock mo sabi niya wala daw prof mo,” pag-eexplain nito bago ipinakita ang plastic na bitbit, “binilhan ko kayo ng milktea” sabi nito at kinuha ang isang milktea sa loob ng plastic at inilapag sa harapan ni Junmyeon. 

 

“Thank you” sabi niya, inabot naman ni Sehun ang isa pa kay Jongin na nagpasalamat din. 

 

Umupo ito sa tabi niya at nakita niyang tumaas ang kilay ni Jongin bago ito nag-iwas ng tingin at ibinalik ang pansin sa laptop niya. 

 

“Dito ka muna?” Tanong niya, 

 

“Dito muna ako,” sagot nito, 

 

“Don’t mind me i’ll just take a nap” nakangiting sabi nito bago tumungo sa lamesa. 

 

Akala ni Junmyeon ay iyon na yon, matutulog lang ito sa gilid niya habang nag-aaral sila ni Jongin. Nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya sa ilalim ng lamesa. Sehun clasped their hands together bago Nito ipatong ang magkahawak nilang kamay sa binti nito. Sehun didn’t say anything and neither did Junmyeon. 

 

Napatingin si Junmyeon kay Jongin na nakatingin din sa kanilang dalawa. 

 

He saw Jongin mouth the words ‘I swear to God’ pero sinuklian niya lang Ito ng tipid na ngiti. This much couldn’t hurt him more than what he’s already been feeling. 

 

 

 

10 days. Sampung araw bago ang finals nila. At eto si Junmyeon ngayon, papunta sa condo ni Sehun. Maagang natapos ang klase niya ngayong araw kaya naisipan niyang ipagluto ito ng tinola at dalhin ito kay Sehun. Kausap niya kasi ito kagabi at nagsimula na rin itong mag review, alam ni Junmyeon na hindi lang sa handouts nalulunod si Sehun tuwing nag rereview kung hindi pati sa cup noodles at pancit canton. Kaya naman naisip niyang ipagluto ito tutal ilang araw na rin naman siyang nagsusunog ng kilay, isang araw lang naman ang mawawala. Rush hour na nang makaalis si Junmyeon sa dorm niya, isang jeep lang naman ang sasakyan niya pero dahil Pilipinas to aabutin ka ng halos isang oras kahit kabilang kanto lang ata pupuntahan mo. 

 

7:45 na ng makarating si Junmyeon sa tapat ng tinutuluyang condo unit ni Sehun. Kilala na siya ng mga guards dito dahil madalas siya rito. 

 

“Oh Jun, ilang araw kang hindi napunta dito ah” bati ng guard sa kanya,

 

“Ah busy po, malapit na kasi finals nam—“ natigilan si Junmyeon nang makita ang isang pamilyar na mukha na papalabas ng building. 

 

Si Baekhyun. 

 

Matagal niya nang iniisip kung ano ang magiging reaksyon niya o pakiramdam kapag nakita niyang magkasama ulit si Sehun at Baekhyun. Ganito pala ang pakiramdam. Si Baekhyun lang naman ang nakita niya pero yung takot na naramdaman niya katulad na katulad noong panahon na naholdap siya nung 2nd year siya, na para bang may nakatutok nanamang kutsilyo sa tagiliran niya. It almost physically hurts him na makita si Baekhyun. Lalo na’t sigurado siya na galing ito kay Sehun. 

 

Kanina pa nakaalis yung tao pero nanatiling nakatingin si Junmyeon sa pinaglabasan nito. 

 

“Huy, ayos ka lang?” Tanong sa kanya ng guard na nakalimutan niyang nasa harapan niya, umiling si Junmyeon at ibinalik ang tingin sa guard bago ito nginitian.

 

“Opo, inisip ko lang kung nailock ko yung pinto ng dorm ko” pagsisinungaling niya bago niya ito binigyan ng tipid na ngiti. 

 

Pagkatapos mabilis na magpaalam sa guard ay agad na tinungo ni Junmyeon ang elevator at pumasok sa loob. Junmyeon Kim, pull yourself together! Hindi pwedeng malaman ni Sehun na nakita niya si Baekhyun. Hindi pwede. Nang makarating sa 6th floor ay mabilis siyang naglakad papunta sa unit ni Sehun. Huminga ng malalim si Junmyeon at hinigpitan ang kapit sa paper bag na dala niya bago kumatok. 

 

Bumukas ang pinto at nakita ni Junmyeon ang gulat sa mukha ni Sehun nang makita siya. 

 

“Jun? Akala ko may klase ka pa?” Tanong nito sa kanya nang makapasok siya sa loob, 

 

“Maagang natapos kaya dinalhan kita ng tinola” nakangiti niyang sabi at itinaas ang paper bag na hawak. 

 

Inilapag ni Junmyeon sa lamesa ang bitbit niyang paper bag. 

 

Dalawang baso. Dalawang plato. Dalawang pares ng kutsara at tinidor. ‘Yan ang nakita ni Junmyeon sa lababo nang mahagip ito ng mata niya. Tangina, may normal na tao bang naiiyak dahil sa kutsara at tinidor? Narinig naman niyang kumilos si Sehun para ilipat ng lalagyan ang tinola na nasa Tupperware.

 

“Kumain ka na ba, Jun? Busog pa kasi ako pero kung ‘di ka pa kumakain sasabayan na kita” sabi nito na mabilis na ikinailing ni Junmyeon

 

Hindi pa ko kumakain “Kumain na ‘ko,” nakangiti niyang sagot dito,

 

“Weh? Buti naman. Mamaya ko na kakainin to iinit ko nalang, dumaan kasi si—“ 

 

“Hindi mo nanaman hinugasan agad yung pinagkainan mo” putol niya sa sasabihin nito at itinuro yung mga plato, napatingin naman doon si Sehun bago ngumuso. 

 

“Eh nag-aaral kasi ako, Jun. Tsaka konti palang ‘yan oh sayang sa tubig” sagot nito na ikinailing niya,

 

“Hay nako Sehun, excuses” irap niya dito bago sinimulang hugasan yung pinggan,

 

“Jun, wag mo na hugasan ‘yan nood nalang tayo taxi driver” lapit sa kanya ni Sehun at ipinatong ang ulo sa balikat niya. Naramdaman niya naman ang pag bilis ng tibok ng puso niya dahil sa ginawa nito. Malala ka na Junmyeon. At dahil wala namang nagagawa si Junmyeon kapag si Sehun na ang nagsalita at yumakap sa kanya, bumigay nanaman siya. 

 

Nakaunan si Junmyeon sa dibdib ni Sehun at nakapalibot ang braso nila sa isa’t isa habang nanonood at nakahiga sa kama. Kung tatanungin niyo si Junmyeon kung may naiintindihan siya sa pinapanood nila ang isasagot niya sa iyo ay wala. Hindi niya alam ang nangyayari bakit may kamukha si Edna Mode ng the incredibles sa episode na ‘to ng Taxi Driver. Hindi kasi mawala sa isip niya ang nakita niya kanina.

 

Palihim niyang pinapakinggan ang tibok ni Sehun. Kalmado lang ang tibok ng puso nito, ibang iba sa bilis ng tibok ng puso niya tuwing ganito sila kalapit sa isa’t isa. Para nanaman siyang sinampal ng universe, hindi ka naman kasi niya mahal. Naramdaman niyang sinuklay ni Sehun ang buhok niya kaya napabuntong hininga siya. 

 

“Hey, okay ka lang ba?” Tanong nito,

 

“Ha? Oo, ‘di ko lang alam kung bakit kamukha niya si Edna mode” sabi niya at itinuro ang babaeng may full bangs sa screen. Natawa naman si Sehun sa sinabi niya.

 

“You’re crazy” tumatawang sabi nito bago naramdaman ni Junmyeon ang paghalik nito sa ulo niya. Inangat ni Junmyeon ang ulo niya at tinitigan si Sehun bago niya inilapit ang mukha dito. Mabilis namang naintindihan ni Sehun ang kinikilos niya at hinalikan siya. 

 

It was slow before the kiss turned feverish. What started as a gentle kiss turned rough with lots of tongue action and moaning. Tuluyan nang nakalimutan ng dalawa ang pinapanood nang simulan nilang tanggalin ang pang itaas ng isa’t isa. 

 

Junmyeon knows he shouldn’t be doing this, siya pa Talaga ang nag initiate. Jongin would have his head kung malalaman nito ang ginagawa niya. But the thing is, Junmyeon know that they’re nearing the end. Alam niyang kung ano man itong namamagitan sa kanila ay malapit nang matuldukan. It was an onimous feeling that is moving towards them in a speed of light. 

 

Junmyeon smiled bitterly in their kiss, I am crazy. 

“Aba, may sundo ka ngayon” turo ni Jongin sa lalaking nakatayo sa labas ng building nila. Kumpara sa mga nakaraang araw, late ng 15 minutes nag dismiss ng klase ang prof nila. Oo, inorasan talaga ni Jongin. May date daw kasi ito kasama yung pinopormahan niya sa Com Sci, talaga naman nakapag schedule pa ng date sa gitna ng delubyo pero ika nga ni Jongin ‘ikaw nga may time magpakatanga, syempre ako din’ Love that for him sa totoo lang, deserve ni Jongin ang booking. 

 

Hindi inexpect ni Junmyeon na susunduin siya ni Sehun ngayon dahil dalawang araw itong walang paramdam sa kanya pagkatapos niyang dalhan ito ng tinola na naging midnight snack nilang dalawa. Junmyeon left the next day, katulad ng lagi niyang ginagawa and the other only bothered to ask him kung nakauwi siya ng safe and then wala na. Junmyeon kept himself busy with his studies and with Jongin’s kwento tungkol sa pinopormahan niya.

 

Lumapit si Sehun nang makita sila ni Jongin, tinanguhan nito si Jongin na sinuklian ng isa bago ito magpaalam kay Junmyeon na mauuna na ito dahil hinahanap na raw siya ni Kyungsoo (yung Com Sci guy niya). Kinuha ni Sehun ang hydroflask na bitbit niya bago sila maglakad papunta sa parking lot. 

 

“Bakit mo ko sinundo?” Tanong niya rito, 

 

“Ayaw mo ba kong makita?” Kunwari’y malungkot nitong sabi at nagpaawa pa, ayan diyan ka magaling. Tama nga si Kathryn, palibhasa alam nila kung paano sila kunin. 

 

“Ang arte mo” pang-aasar niya dito na ikinatawa ng isa, 

 

“Hindi nagccrave kasi ako ng tapsi, tapos naalala kita kasi favorite mo ‘yon” napabuntong hininga siya dahil sa sinabi nito, ikalma mo puso mo Junmyeon ayan ka nanaman. 

 

“Libre mo ha” at this point sana mapacanonize nalang siya dahil sa pagiging martyr niya. 

 

 

 

Pagkatapos nilang kumain ay nagpresenta si Sehun na ihahatid siya sa dorm. Inabot na sila ng 9:00 kaya nastuck sila sa traffic. Nagpplay ang kanta mula sa radio habang nakatanaw si Junmyeon sa labas. Kanina ay nagkkwento si Sehun tungkol sa araw niya pero mukhang napagod na ito sa pagsasalita kaya nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nila. 

 

'Cause I know how I feel

And it's whole and it's real

But I don't know if I should still keep on going

 

Inaantok na sumandal si Junmyeon sa bintana nang tumunog ang cellphone ni Sehun. Sakto namang naka red ang stop sign kaya sinagot ito ng isa. 

 

“Hello, B?” Shit.

 

Agad na pumikit si Junmyeon at nagpanggap na natutulog. Ika nga eh, Lord I am not your strongest soldier. Hindi niya kayang harapin si Sehun pagkatapos nitong makipag-usap kay Baekhyun dahil baka bigla siyang ngumawa at hindi pwedeng mangyari ‘yon dahil mahihila pababa ang mental stability niya at masisira lahat ng ginawa niyang paghahanda para sa finals nila. 

 

'Cause I don't see the point in telling her I love her

When I know it goes one ear and out the other

She don't feel it the same way  

 

“What? Nasaan ka?” 

 

“Ok i’ll pick you up, ihahatid ko lang si Junmyeon sa dorm niya” 

 

“Baek, I told you already, he’s my best friend”

 

Well maybe, maybe as a friend

But even then I know I'm all alone

Got no one in the end

 

Junmyeon did his best to stop his tears from falling. Nagulat pa talaga siya eh alam naman niyang ganon lang ang tingin ni Sehun sa kanya. Hindi niya rin magawang magalit na naging fuck buddies sila kasi nag bigay naman siya ng consent. 

 

Ang tanga tanga mo lang kasi talaga, Junmyeon Kim. 

 

Nagpatuloy lang sa pagpapanggap na tulog si Junmyeon hanggang sa makarating sila sa tapat ng dorm niya. 

 

“Jun, nandito na tayo” pag gising sa kanya ni Sehun, 

 

“Hmmm?” Kunwari’y nagpunas pa siya ng muta, “Ay, thank you” sabi niya rito at tumingin sa labas. 

 

Susubukan niya lang.

 

“Gusto mong pumasok?” Tanong niya rito, alam naman niya ang isasagot nito pero gusto niya lang pagbigyan ang sarili niyang umasa. 

 

Huli na ‘to. 

 

“Sorry Jun, may pupuntahan pa kasi ako eh. I’ll text you pagkauwi ko, okay?” Nakangiting sabi nito, he knew it. Sinikap ni Junmyeon ngumiti kay Sehun bago magpaalam at bumaba ng sasakyan. 

 

Ang swerte mo, Baekhyun. 

 

 

 

“Ang tigas ng ulo mo, Junmyeon. Sabi ko sayo tigilan mo na kung ano man yang arrangement niyo ni Sehun, tamo oh magkasama nanaman sila ni Baekhyun” bungad ni Jongin sa kanya pagkarating niya sa table nila, nag cr lang saglit si Junmyeon may nasagap nanamang balita si Jongin. 

 

Nakaharap sa kanya ang cellphone nito na nakaopen ang Instagram app at pinapakita ang IG story ni IG user b_hundred_hyun. Isa itong stolen shot ni Sehun habang magkasama ang dalawa sa isang pamilyar na cafe. Nakita niyang shinare ni Sehun ‘yon sa Facebook noong isang araw, balak niya ngang ayain ito pero mukhang hindi na pala kailangan. 

 

“Nakafollow ka pala sa kanya?” Pag-iiba niya ng usapan,

 

“Oo nakasama ko siya sa NSTP dati eh, di’ba nasabi ko na sa’yo ‘yon?” Nakakunot noong tanong nito sa kanya, nasabi naman talaga ni Jongin gusto niya lang ibahin yung usapan.

 

“Hindi mo Sinabi”

 

“Hoy Junmyeon sinabi ko sa’yo imposibleng hindi, yung kabit nga ng tito ko nasabi ko sa’yo yan pa kaya?” Hindi na napigilan ni Junmyeon matawa sa sinabi nito dahil totoong lahat sinasabi ni Jongin sa kanya pati lahat ng family drama nila kaya Minsan pakiramdam niya parte na rin siya ng Kim family from fairview. 

 

“Ngayon tatawa tawa ka diyan, serious na kasi!” 

 

“Ji, Sinabi ko naman na din sa’yo di’ba? After finals, promise” malabong tantanan siya ni Jongin hangga’t hindi ito nakakasiguro na okay siya, at sobrang thankful siya na nasa tabi niya ang kaibigan to keep him in check since most of the time he fails to do it himself. 

 

“Pero—“

 

Naputol ang sasabihin ni Jongin nang tumunog ang cellphone ni Junmyeon. 

 

Sehun calling… 

 

Inirapan siya ni Jongin nang pindutin niya ang answer button bago ito tumayo at nag sabing mag c-cr muna siya. 

 

“Hello?” 

 

“Junmyeon! OMG, miss na kita!” Sigaw ng isang babae sa kabilang linya, inisip pa ni Junmyeon kung sino ito nang marealize niya kung kaninong boses ‘yon. 

 

“Ate Seulgi?” Tanong niya rito,

 

“Ay kinalimutan ako?” Tumatawang sabi nito, “Sorry hindi kita nakakamusta busy kasi ako sa work alam mo na— Ate akin na nga yan— Sehun teka lang kasi, ang damot?!” Narinig pa ni Junmyeon na nag agawan ang dalawa, mukhang nahampas nanaman ito ni Ate Seulgi dahil narinig niyang umaray si Sehun. 

 

“Hello Jun? Sorry kinukulit kasi ako ni ate, sabi ko baka busy ka pero kilala mo naman to” pag eexplain ni Sehun nang tuluyan niyang mabawi ang phone niya 

 

“Okay lang, namiss ko rin naman si Ate Seul” 

 

“Ako hindi mo namiss?” Kunwari’y nagtatampo ulit na sabi nito, 

 

“Dami mong alam hindi ka nga nagpakita kahapon” sagot niya rito, 

 

“Sorry na nga, by the way, may dinner bukas pinapasama ka ni ate tsaka ni mom. Okay lang ba?” 

 

“Oo naman anong oras ba?” Saktong pagkatanong niya ay bumalik si Jongin na nakasimangot pa rin lalo na nang marinig ang sinabi niya. 

 

“Around 6 I’ll pick you up” sagot nito,

 

“Okay”

 

“Okay, I have to go — Bye Junmyeon!— Ate!”

 

“Bye Ate Seul” 

 

“Bye Jun, I miss you” Sabi ni Sehun bago nito inend ang call, nag autopilot mode nanaman ang puso ni Junmyeon sa bilis ng pagtibok nito as if naman may ibang meaning pa yung I miss you nito. Hindi nga ata talaga siya natututo, kasalanan niya rin naman.

 

“Hmm, sarap ng iced latte lasang tanga” rinig niyang side comment ni Jongin, “Ay sorry 

 

 

 

At alam ko na ang iyong sasabihin

Oh huwag ngayon

 

4 na araw bago ang finals. Ito ngayon si Junmyeon pumipili ng damit na susuotin para sa dinner kasama ang pamilya ni Sehun. Malapit nang mag 6 kaya kailangan niya nang kumilos. Wala siyang pasok ngayon kaya nag basa lang siya buong araw since hindi siya makakapag review ngayong gabi. Hindi naman kailangan na sobrang gayak na gayak sa dinner pero siyempre pamilya ni Sehun ‘yon. Kahit na Ilang beses na siyang nakita ng mga ito ay kailangan presentable pa rin sya. 

 

Nagsuot siya ng sweater vest na binili niya lang last month noong sinama siya mag ukay ni Jongin at ng kaibigan nitong si Jongdae. Pinatong niya ito sa isang plain white na t-shirt, itim na pants at plain white na rubber shoes. Tumunog ang phone niya, si Sehun pala. 

 

To: Junmyeon

 

Otw na ko. 

 

To: Sehun

 

Ok. 

Ingat ka. 

 

 

Lumipas ang 30 minutes bago makarating si Sehun sa dorm niya. Naka denim jacket lang ito sa ibabaw ng isang white na t-shirt. Mukhang may dinaanan pa ito bago pumunta sa dorm niya. Pero ayaw nang ioverthink ni Junmyeon dahil ayaw niya namang harapin ang pamilya nito na mukha siyang nalulumbay. 

 

“You look great today” puri nito sa kanya na ikinapula ng pisngi ni Junmyeon, 

 

“Ukay lang yan” sagot niya,

 

“Ano naman? You look good in it” Sabi ulit nito and he swears to God if Sehun doesn’t stop it right now. 

 

“Hmm. Sabi mo eh, you look good din”

 

“Lagi naman, di ka pa nasanay” pagyayabang nito sabay tumingin sa kanya at ngumiti. Yung ngiti na nagiging crescent shaped yung singkit niyang mata. Yung ngiti na nakakanginig ng tuhod ni Junmyeon. 

 

Kinwentuhan lang siya ni Sehun habang nagddrive at tinatanong lang siya nito kung anong ginawa niya at kung kamusta ang pagrereview nila ni Jongin. Minsan ay may Halong pagpapacute pero minsan may halo ring pang-aasar dahil Sehun being Sehun kasama lagi sa agenda nito na asarin siya. 

 

Nakarating sila sa bahay ng mga Oh makalipas ang halos isang oras dahil ang lala ng traffic sa rush hour pero hindi naman na bago ‘yon kaya hindi na sila nagreklamo. Pamilyar na ang spanish style na bahay ng mga Oh sa kanya pati na rin ang house helper ng mga ito na si Ate Jo kaya masaya siyang binati at pinapasok nito. 

 

“Seulgi! Nandito na si Sehun kasama si Junmyeon” sigaw ni Ate Jo pagkapasok nila sa loob, 

 

Maya maya ay nakita na ni Junmyeon si Seulgi na mabilis na naglalakad papunta sa direksyon niya. Niyakap siya nito nang makalapit sa kanya. 

 

“Jun, miss na miss kita!” Masayang bati nito,

 

“Miss you too, ate” Sabi niya at sinuklian ang yakap nito, 

 

“Tara, nasa kitchen si Mom kanina ka pa rin niya inaantay” hinila siya nito at kasunod naman nilang naglalakad si Sehun na kanina pa nagrereklamo na siya raw ang anak at kapatid pero hindi manlang siya pinapansin. 

 

“Pag si Dad hindi ako pinansin maglalayas na ko” nakasimangot na sabi nito na ikinatawa ng Mommy niya.

 

“Arte mo Sehun eh ikaw nga hindi umuuwi dito” umiirap na sabi ni Seulgi sa kapatid, 

 

“Jun, kamusta ka na ‘nak?” Tanong naman ng Mommy ni Sehun sa kanya, 

 

Pagkatapos ng Ilang minuto ay dumating na ang Dad ni Sehun na pinansin naman si Sehun pero dahil lang mainit daw at naka denim jacket pa ito na ikinatawa nila. Habang kumakain ay tinatanong sila ng mga ito kung kamusta ang pag-aaral para sa huling exam nila at kung anong balak nila pagkatapos gumraduate in which Junmyeon answered he’ll apply right away at ganoon din naman si Sehun. 

 

“Oo nga pala, nakita ko kayong dalawa nagdedate nung napadaan ako malapit sa campus niyo ha” malisyosong sabi ng ate ni Sehun na ikinangiti ng Mom nila. 

 

“Ate ano ba” saway ni Sehun dito, 

 

“Ha? Bakit hindi pa ba kayo? Anong petsa na oh” sabi ulit nito, 

 

Tila ba nahotseat si Junmyeon sa sinabi nito, hindi niya alam kung paano magrereact kahit pulang pula na yung mukha niya. 

 

“Eh bakit narinig ko kay Ate Jo na may hinahatid sundo ka daw, hindi ba si Junmyeon ‘yon?” Dagdag pa nito, sumikip naman ang dibdib ni Junmyeon nang marealize kung sino ang tinutukoy nito, Hindi naman siya hinahatid ni Sehun dahil lagi itong tulog kinabukasan kapag magkasama sila, hindi rin naman siya ang laging sinusundo ni Sehun. Bihira nalang niya nga makita ito noong mga nakaraang araw. Alam naman niya kung sino ang hinahatid sundo at pinagkakaabalahan nito. 

 

“Actually, I’ve been seeing Baekhyun again” biglang sabi ni Sehun na ikinatigil ni Junmyeon, 

 

Fuck. 

 

Alam naman niya eh, he just didn’t need to hear it. 

 

He didn’t want to hear it, not now at least. 

 

Nahihirapang nilunok ni Junmyeon ang nginunguya niyang sweet and sour pork bago niya kinuha ang baso at uminom ng tubig. Pag angat niya ng tingin ay nakita niya ang galit na tingin ni Seulgi sa kapatid samantalang ang Mom nila ay nakatingin sa kanya at may malungkot na ngiti. Ang Dad naman ni Sehun ay walang ekspresyon na nakatingin lang sa anak. Para namang nasasakal si Junmyeon sa tensyon na nararamdaman niya pati na rin sa nararamdaman niyang pagpiga sa puso niya. 

 

“Uhm, cr po muna ako” pagpapaalam niya bago tumayo at pumunta sa cr ng mga ito. 

 

Kung nakita man ni Ate Jo ang pag tulo ng luha niya nang makasalubong siya nito ay hindi na ito nagsalita. Agad na sinubukang pakalmahin ni Junmyeon ang sarili pagkapasok sa cr. 

 

It’sokayit’sokayit’sokayit’sokayit’sokayit’sokay

 

It was not okay.

 

He was not okay. 

 

The pain was indescribable, akala niya’y hindi na magiging sobrang sakit kung alam naman na niya. Pero ganoon pa rin, Walang kahit anong paghahanda ang makakabawas sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Mas masakit na makita ang awa sa mata ng magulang ni Sehun, it was like everyone knew how he felt except the man who needed to know. Hindi siya okay, in fact gusto niya nalang umalis ng Walang paalam at umuwi. Pero he has to endure this dinner.

 

He has to. 

 

Pinunasan ni Junmyeon ang luha at naghilamos. Sinigurado niyang tuyo na ang mukha at wala nang bakas ng pag Iyak bago bumalik sa hapag kainan. Nag aalalang tumingin sa kanya si Seulgi na nginitian niya lang. 

 

“Ang tagal mo sa cr, masakit ba tiyan mo?” Tanong ni Sehun pagbalik niya, iba yung masakit Sehun. 

 

Medyo,” tipid na sagot niya rito,

 

Nagpatuloy silang kumain at ramdam ni Junmyeon na sinusubukan ng magulang ni Sehun na pagaanin ang loob ni Junmyeon dahil panay ang tanong nito sa kanya ng kung ano-ano. Samantalang hindi na nagsalita pa si Ate Seulgi at pinapanood lang sila. Sehun remained numb from the tension the whole time. 

 

Nagpaalam nang uuwi si Junmyeon sa mga ito pagkatapos kumain. Pakiramdam niya maisusuka niya lahat ng kinain niya kapag nag tagal pa siya roon. Tahimik lang sila ni Sehun sa sasakyan habang nasa byahe. Hindi alam ni Junmyeon ang iniisip nito.

 

“Jun…” biglang tawag nito sa kanya,

 

“Hmm?” Walang gana niyang sagot dito,

 

“About baekhyun—“ 

 

“I understand.” Simpleng sabi niya para lang matapos na ang sasabihin nito,

 

“Ok ka lang ba? I’m sorry if—“ Sabi pa ulit nito, tangina naman for once in your life read the fucking room.

 

“I’m okay, Sehun” may diin niyang sagot,

 

“Sigurado ka?” 

 

“Yes”

 

“Pero you’ve been acting—“ para namang may napigtal sa pasensya ni Junmyeon dahil sa pangungulit nito. 

 

“I SAID I’M OKAY” hindi niya napigilan ang pag sigaw, he’s just had too much today at gusto lang niyang umuwi before he crumbles. And now it’s too late dahil he’s already crumbling. 

 

Junmyeon took a deep breath. Hindi naman na nagsalita si Sehun pagkatapos sumigaw ng isa, maybe he realized that it wasn’t ideal to talk about it habang nasa byahe sila. Or that it wasn’t ideal to talk about it at all because clearly, Junmyeon didn’t want to talk about it. 

 

Nang makarating sila sa tapat ng dorm ni Junmyeon ay hindi agad binuksan ni Sehun ang car lock. Junmyeon realized that Sehun was probably just waiting until they get to his dorm bago siya kausapin nito. He never wanted to break someone’s car window this bad. 

 

“I’m sorry” rinig niyang sabi ni Sehun, pinili ni Junmyeon na wag itong lingunin.

 

“It’s okay” Walang emosyong sagot niya rito, 

 

“Jun, you can be honest with me. Alam kong galit ka kaya—“

 

“What do you want me to say? Ha? Ano bang gusto mong sabihin ko?” Galit na Sabi ni Junmyeon, natigilan si Sehun sa tanong nito. He’s never seen Junmyeon mad before. 

 

“Jun—“

 

“No, shut up. Gusto mong magsalita ako di’ba? You want me to be honest?” Nilingon niya si Sehun pero agad niya rin binawi ang tingin. He can’t look at his face habang sinasabi ang mga bagay na matagal niya nang kinikimkim. He’s too weak for that face, he’s weak for Sehun. 

 

“Honestly, Sehun, I love you. Okay? Mahal kita. Is that clear enough for you? Is that honest enough for you?” Natigilan si Sehun nang marinig ang sinabi ni Junmyeon, mukhang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya dahil bumuka ang bibig nito pero agad rin itong sumara na parang naghahanap ng sasabihin. 

 

“Junm—“

 

“You really didn’t know?” Hindi rin makapaniwala si Junmyeon, “Did you think that I’ll just agree to be fuck buddies with you for no reason? I’m not insane, Sehun. Hindi ako makikipag sex lang for the sole reason na best friend kita. If that’s the case edi sana I fucked Jongin too. How are you that numb?!” Galit si Junmyeon. He’s so mad that he can feel his eyes starting to water. 

 

Pakiramdam ni Junmyeon lahat ng pent-up frustrations niya ay nag halo-halo na. It almost feels like it’s the end of his world, as dramatic as that sounds. But if your heart was splitting into pieces, wouldn’t you feel the same?

 

“I thought—“

 

“You thought what?! Akala mo it was fine with me kasi it was fine for you? You’re so selfish!” Sigaw niya rito

 

“Jun, that’s too much. Paano ako naging selfish when you agreed with our set up?” Offended na tanong ni Sehun sa kanya, 

 

“I agreed to fuck you, Sehun. I didn’t agree to getting my heart broken or being set aside the moment your fucking ex shows up!” 

 

“Wait, you knew about Baek?” Gulat na tanong nito, of course Sehun didn’t know that he knew. For someone so smart, napaka clueless nito sa mga nangyayari sa paligid niya. 

 

Maybe it was Junmyeon’s fault for falling for an ignorant man. 

 

“Yes, I knew. Alam kong kasama mo siya tuwing cinacancel mo yung lakad natin. Alam kong kasama mo siya kapag wala Kang paramdam buong araw. Alam kong kausap mo siya every time I call you and your phone is busy. Alam kong the next day after we fuck, hinahatid mo siya sa class niya. Alam kong bago mo ko sunduin kanina, dumaan ka muna sa kanya” hindi na napigilan ni Junmyeon ang pagtulo ng luha niya, it just fucking hurts. 

 

Saying it out loud hurts. Saying it loud makes it true. And God knows how much Junmyeon hopes it isn’t true, na siya yung mahalin ni Sehun. 

 

“Sehun… alam ko” 

 

Sinubukan ni Sehun yakapin siya pero umiwas si Junmyeon. Nandito na rin naman sila kaya he’s just going to lay it all in front of him. Baka sakaling kapag sobrang sakit na kusang tumigil ang puso niya. 

 

“I tried telling you, Jun. Sinubukan ko pero—“

 

“I stopped you on purpose” pag putol niya sa sasabihin nito, “tangina Sehun ayoko bumagsak kaya tuwing sasabihin mo na pinipigilan kita. Kasi kilala ko sarili ko, I would be too busy crying over you once na marinig ko ‘yon mismo galing sa’yo” 

 

Pinunasan ni Junmyeon ang luha niya. 

 

“But I guess it can’t be helped” dagdag niya bago tinignan si Sehun, his eyes were red. And if Junmyeon didn’t feel so sorry for himself he would’ve comforted the other. 

 

“I—I’m sorry, Jun. I’m so sorry” Sehun’s tears fell at hindi alam ni Junmyeon kung bakit parang mas masakit na makita itong umiiyak. “I didn’t mean to hurt you, I’m sorry” paulit ulit na pag hingi nito ng tawad.

 

“And I didn’t mean to fall in love” 

 

The two of them cried in silence for a few minutes. 

 

It was like they both got what they deserved. 

 

Sehun deserved it because he was insensitive and Junmyeon deserved it because he cared more than he should have. More than what they agreed to. And that was a hard pill to swallow. 

 

Hindi alam ni Junmyeon kung Ilang minuto ang lumipas bago may muling magsalita sa kanilang dalawa. 

 

“I’m really sorry, Jun”

 

“It’s not your fault. I’m sorry too, may kasalanan din ako. It wasn’t entirely your fault and I’m sorry for dumping it all on you” 

 

Tinignan ni Junmyeon ang oras. 

 

11:48

 

Kailangan niya nang umalis. 

 

Huminga ng malalim si Junmyeon bago muling hinarap si Sehun. 

 

“Does he make you happy? Baekhyun?” Tanong niya, tinignan niya mabuti si Sehun at nakita niya ang mabagal na pagtango nito. 

 

“Okay” tumatango rin niya, acknowledgin Sehun’s answer, “Kailangan ko na pumasok” tipid niyang nginitian ito. Wala nang nagawa si Sehun kung hindi buksan ang pinto kaya naman mabilis na bumaba si Junmyeon at saglit na kinawayan ito bago pumasok sa loob ng building. 

 

To: Sehun

 

I didn’t have the courage to ask this from you habang magkaharap tayo. 

Baka kasi bawiin ko lang kapag harap harapan kong sinabi. 

Let’s not see each other until we graduate. 

Hindi ko pa kayang makita ka… kayo. 

I know this is selfish of me. 

I’m sorry. 

Notes:

Hi! I hope nagustuhan niyo and i'm sorry kung may typos hindi ko na kasi dinouble check.
Thank you for reading! Leave some comments or kudos if you want lang naman, gumagana pa rin ang free choice at human rights dito. Thank you again!

Series this work belongs to: