Work Text:
Kakalimutan na kita
Siguraduhin mong hindi talaga pwedeng tayo
Gaano katagal ba bago magkiatagpo ang mata ng dalawang tao? Isang segundo? Dalawa?
Gaano katagal ba bago magkakilala ang dalawang tao? Isang minuto? Dalawa?
Gaano katagal ba bago magkapalagayan ng loob ang dalawang tao? Isang oras? Dalawa?
Gaano katagal ba bago maging magkaibigan ang dalawang tao? Isang araw? Dalawa?
Gaano katagal ba bago sila maging opisyal na parte ng buhay ng isa’t isa? Isang linggo? Dalawa?
Gaano katagal ba bago nila malaman na espesyal sa isa’t isa? Isang buwan? Dalawa?
Gaano katagal ba bago malaman ng isa na nahulog na pala siya? Isang taon? Dalawa?
Gaano katagal ba bago makalimot sa sakit na dinulot ng isang tao? Ewan. Baka bukas makalawa.
Ang tagal. Ang tagal tagal.
Pero para kay Junmyeon mas matagal nananatili yung sakit. Ilang taon na silang magkaibigan, dalawang taon na siyang mag-isang nagmamahal. Dalawang taon na nag bulag-bulagan at nagpaka ilusyonada. Pakiramdam niya ito na ang pinakamatagal na isang buwan ng buhay niya. Every emotion that he’s been bottling up had came up in the worst possible time.
Thankfully, he didn’t fail his finals. He passed with flying colors at nasecure niya ang pagiging parte ng Magna Cum Laude.
Pagkatapos ng nangyari sa sasakyan ni Sehun ay parang nag shutdown ang katawan ni Junmyeon ng isang buong araw. All he did was cry and he was almost 100% sure that he would’ve been dehydrated kung hindi dahil kay Jongin. Tinatawagan daw kasi siya nito ng ilang beses pero hindi niya sinasagot nung gabi at nung kinabukasan daw na hindi pa rin siya sumasagot sa tawag ay nag panic na ito at pinuntahan siya sa dorm niya.
The truth is that he turned off his phone after seeing na tinatawagan siya ni Sehun.
Like he expected, sinermonan siya ni Jongin nang makita siya nito being a crying mess. There were a lot of ‘I told you so’ and ‘ayaw mo kasi makinig sa’kin’ but he was so thankful for Jongin that time. Kahit pa sinesermonan siya nito ay dinamayan siya nito buong gabi, he listened habang inaabutan siya ng tissue at kinukuhaan siya ng tubig. Jongin told him to cry his heart out at talagang nagpatugtog pa ito ng sad opm love songs playlist nito. If Junmyeon wasn’t almost physically hurting he would’ve laughed.
The day before their finals, pinuntahan siya ulit ni Jongin sa dorm kasama ang nililigawan nitong si Kyungsoo. Sabi nila ipprep daw nila si Junmyeon para sa finals and thank god they did dahil kahit papaano nawala sa isip ni Junmyeon ang nangyari. His phone was still turned off at ginamit niya ang phone ni Jongin para tawagan ang magulang niya na sira ang phone at pinapagawa niya ang phone niya.
During finals, Junmyeon did his best to steer clear away from Sehun. Sinigurado niyang hindi sila magkakasalubong, mabuti nalang at magkaiba sila ng building at ng schedule. But of course the universe had another idea.
“Junmyeon kanina pa kami ni Soo dito sa may gate, tustado na kami dito nasaan ka na ba?” tanong ni Jongin sa kabilang linya, mag coconsult kasi sila ng grades ngayon. Sa sobrang kaba at pag-iisip ni Junmyeon kagabi ay hindi siya makatulog ng maayos kaya nang makatulog siya ay late na siyang nagising.
10:00 ang oras ng consultation nila at nasa dorm pa rin siya ng 9:40, kanina pa raw magkasama ang ngayo’y mag jowa na sina Jongin at Kyungsoo dahil nag breakfast daw sila ng sabay.
“Ito na mag-aangkas na ko, saglit lang ‘to” sagot niya rito, “sige na intayin nyo ko, thanks” binaba niya ang tawag nang matanaw na ang angkas driver.
Nang makarating. siya ay nakita niya ang dalawa na nagpapayungan sa gilid ng gate. Hindi naman siya naiinggit. Wala naman siyang naaalala. Pilit na umiling si Junmyeon para hindi siya makaalala ng kung anu-ano. Pagkatapos niya mag bayad ay nilapitan niya na ang dalawa.
“Sweet yarn?” pang-aasar niya,
“Late yarn?” balik sa kanya ni Jongin kaya hinampas niya ito ng tote bag na bitbit niya habang natatawa naman silang pinapanood ni Kyungsoo.
Hinatid muna nila si Kyungsoo sa building nito bago dumiretso sa prof nila. Halos magtatatalon ang dalawa sa tuwa nang makita nila ang final grades nila. At least one good thing happened to him after all of that. Babalikan na sana nila si Kyungsoo nang makita niya ang taong ilang linggo niya nang iniiwasan. Nakatayo ito malapit sa building nila Kyungsoo.
Oo nga pala, magkapareho ng program si Kyungsoo at Baekhyun.
Siniko siya ni Jongin nang makita rin nito si Sehun at sakto namang lumingon sa gawi nila ang lalaki. Napatayo ito nang maayos nang magtagpo ang mata nilang dalawa. It was almost the same way their eyes met nang una silang magkita. Humakbang papunta sa direksyon nila si Sehun at alam ni Junmyeon na kung lalapitan siya nito ngayon ay baka hindi niya ito mataboy.
Pero hindi ito lumapit.
Bigla kasing sumulpot si Baekhyun at kumapit sa braso nito. Nabaling naman ang atensyon ni Sehun dito. Si Baekhyun nanaman. Naramdaman nanaman ni Junmyeon ang pamilyar na kurot sa puso niya. Dapat sanay na siya, dapat masanay na siya. Mukha siguro siyang tanga dahil sa nangingilid na luha niya at mas magmumukha siyang tanga kung tuluyan siyang naiyak kung hindi lang siya hinila ni Jongin papalayo.
Pagkatapos ng araw na ‘yon ay hindi na sila nagkita pa ulit ni Sehun at sa tingin ni Junmyeon ay mas mabuti pa ngang huwag na muna sila magkita ulit katulad ng sinabi niya kay Sehun.
Lumipas ang graduation nila and Junmyeon felt a lot of emotions that day. He was happy, masaya siya dahil after 4 years of sleepless nights and tons of workloads ay sa wakas he finally got his degree. He was happy because he graduated with his friends, especially Jongin. He was happy because he gets to share this moment with his loved ones. Pero malungkot siya dahil may kulang. Ayaw niya man isipin ay hindi niya mapigilan. He was supposed to share that memorable day with Sehun. They were both looking forward to graduating together. Matagal na nilang pinagpplanuhan kung paano sila magcecelebrate pagkatapos. They were supposed to spend a week sa Palawan pagkatapos nilang gumraduate, just the two of them.
But of course it didn’t happen.
Their graduation passed ng hindi sila nagkikita ni Sehun. Sa probinsya sila umuwi pagkatapos ng graduation, everyone was there and greeting him with all smiles but Junmyeon can’t seem to be truly happy. He endured that day, pretending that he was happy. But that night, that night.
“Jun, nak, hindi ko ata nakita si Sehun kanina? Nauna ba sila umalis?” tanong ng nanay niya habang tinatago nila ang mga natirang handa. Natigilan si Junmyeon dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot.
“Ahh… opo” tipid na sagot niya rito,
“Ganon ba? Sayang naman wala tuloy kayong picture” nanghihinayang na sabi ng nanay niya, napapikit si Junmyeon bago isara ang ref.
“Next time nalang siguro,” sagot niya, “Kunin ko lang po yung mga pinagkainan nila sa labas” sabi niya bago nagmamadaling umalis.
Iniwasan niya ang nanay niya buong gabi dahil baka magtanong nanaman ito tungkol kay Sehun, wala naman siyang maisasagot dito at baka mapansin nito na may problema silang dalawa. Ayaw naman niyang ungkatin ang mga nangyari on a supposed to be joyous occassion.
Habang nagliligpit ay naramdaman niyang nag vibrate ang cellphone niya sa bulsa. Akala niya ay sila Jongin ito, kinukulit kasi siya ng dalawa na bumalik sa Maynila dahil mamimiss daw siya ng mga ito at kung hindi daw siya uuwi agad ay sila ang pupunta sa probinsya nila Junmyeon.
Nawala ang ngiti niya nang makita ang caller id.
Sehun calling…
Ilang segundong tinitigan ni Junmyeon ang screen hanggang sa mawala ito pero nang tumawag ulit ito ay pumanik siya sa kwarto niya bago huminga ng malalim at sagutin ito.
“Hello? Junmyeon?” mahinang tanong ni Sehun sa kabilang linya, hindi nakapagsalita si Junmyeon. Isang salita lang ni Sehun nanghihina nanaman siya, he wasn’t able to stop himself from releasing a shaky breath at mukhang narinig ito ng isa.
“Congratulations, Jun” bati nito sa kanya gamit ang malambing nitong boses, at this point Junmyeon can’t help the tears from falling.
“…Congratulations, Se” Junmyeon said in a shaky breath.
“Jun, I—“ bago pa makapagsalita ulit si Sehun ay inend na ni Junmyeon ang call.
A few seconds after he ended the call ay nakita niyang may message si Sehun.
From: Sehun
I miss you.
Binato ni Junmyeon sa kama ang cellphone niya bago nanghihinang umupo dito. He couldn’t stop his tears from falling. He misses Sehun so much, gustong gusto niya na itong makasama ulit. He’s almost willing to stay by the other’s side kahit na mahirap. Pero hindi pwede, he promised himself that he’ll move on. He owes it to himself to move on.
He can’t be swayed again.
Kakalimutan ko narin,
Mga sinabi mong wala palang ibig sabihin,
Pati narin ang 'yong ngiti,
At mga luha sa 'yong paghikbi
Pakiramdam ni Junmyeon ay nag uundergo siya ng rehabilitation. It’s been a month since they graduated at bumalik na sila ng pamilya niya sa bahay nila sa Maynila. Napagdesisyunan nilang magkakaibigan na magpahinga muna ng ilang buwan bago magsimulang maghanap ng trabaho, feeling naman nila deserve nila mag pahinga at umagree naman ang mga magulang ni Junmyeon.
Kaya heto siya ngayon, mag-isa sa bahay nila. Wala siyang ginawa kung hindi ang matulog at magmukmok. Tingin niya ay nakaramdam na rin ang magulang niya na may pinagdadaanan siya dahil hindi siya sinisita ng mga ito in fact, they’ve been taking care of him really well. Kahit ang kuya niya ay hindi siya inaasar tuwing makikita siya nitong lutang at nakatulala. Minsan naman ay pumupunta sila Jongin para mag movie marathon, pakiramdam niya ay adopted son siya ng dalawa sa dalas ng pag check nito sa kanya.
Wala na siyang balita tungkol kay Sehun. Binlock niya na kasi ito sa mga social media accounts niya nung isang beses na nag chillnuman sila at nasulsulan siya ni Kyungsoo na iblock na ito dahil baka makatulong ito sa pagm-move on niya. Ika nga daw ay ‘out of sight, out of mind’.
Mabuti sana kung ganon lang kadali ‘yon.
Hindi naman kasi porket hindi niya na nakikita ay hindi niya na ito naiisip. Lagi. Lagi pa rin itong nasa isip niya and it makes him smile bitterly thinking how he might not be thinking of him too.
Bakit naman siya iisipin when he’s with the love of his life.
“Nak, paki tignan naman kung may maliliit ka na mga damit para idadaan namin ni Papa mo mamaya sa mga pinsan mo” Utos ng nanay niya mula sa kusina, silang dalawa lang kasi ang natitira sa bahay dahil may trabaho ang kuya at papa niya.
“Opo” sagot niya rito at umakyat sa kwarto niya, wala rin naman kasi siyang magawa kaya mabuti pang mag ayos nalang siya ng mga gamit niya.
Nilabas niya lahat ng damit at box na nasa loob ng aparador niya. Habang hinihiwalay niya ang mga ipapamigay niya na ay may nakita siyang sticky note na nakalitaw sa box.
Alam niya kung ano ang laman ng box na ‘yon.
Kinuha ni Junmyeon ang sticky note.
Jun,
Sabi ni Jongin busy daw kayo mag prep ng presentation niyo.
I know you can do it!
Don’t stress too much, you tend to stress too much pa naman.
Here’s a milk tea. Good luck! :)
- Se
Junmyeon felt his heart throb pagkatapos basahin ang note.
Right.
Sehun used to love writing on sticky notes. He’ll receive random things, mostly food, with sticky notes back then. It was really endearing. Isa rin siguro ito sa mga rason kung bakit nahulog siya rito. Itinabi ni Junmyeon ang hawak na damit at binuksan ang box. Puno ito ng mga regalo sa kanya ni Sehun. May pagkaburara kasi siya kaya naisipan niyang ilagay sa box ang mga ito para hindi mawala. Dapat pala si Sehun na mismo ang nilagay niya sa box para hindi ito nawala.
Ang daming sticky notes.
Junmyeon smiled painfully.
Jun,
May long exam kami ngayon, balik ako pagkatapos.
May pares diyan tapos yung gamot mo nakaprepare na rin.
Eat that and rest ulit, okay?
-Se
Jun,
Happy birthday!
Di ko alam ibibigay sa’yo since you’re already perfect.
I hope you like my gift.
It reminded me of you.
- Se
Jun,
Nakatulog ka kagabi while making your ppt.
I finished it for you.
Good luck today!! I believe in you. :)
- Se
Nilabas din ni Junmyeon mula sa box ang photo album kung saan niya nilalagay ang yung mga pinapadevelop niyang pictures nila ni Sehun. Niregaluhan kasi siya ng pinsan niya ng reusable film camera tapos nakita ‘yon ni Sehun kaya lagi nitong pinapaalala na dalhin ‘yon tuwing umaalis sila. Minsan ay kahit nakatambay lang sila sa dorm o di kaya’y sa condo nito ay gagamitin nila ‘yon kaya laging nauubos ang film. Sinasamahan din siya ni Sehun magpadevelop at ang ibang pictures nila ay nasa isa. Sehun said that every moment they spend together is special, hindi na importante kung may okasyon o wala, he just said that it was already special.
And the thing is, Sehun made him feel special.
Maybe that’s why it hurts so much.
It was not just Sehun himself that kept him by his side for years. It was also how he made him feel. Why did he have to make me feel that way? Gusto niyang sisihin si Sehun pero alam niyang they were both responsible sa kung ano man ang kinalabasan ng relasyon nila. After all, it was stupid for him to agree with their set up.
Fuck buddies? What a joke.
It was his stupidity that led them here. Huli na para sisihin pa ang sarili niya sa mga desisyon na naging masaya din naman siya.
Junmyeon wiped his tears bago niya ibinalik sa loob ng box ang mga sticky note na binasa niya. It’s no use dwelling and reminiscing the past. He promised he’ll move on, at ‘yon ang gagawin niya.
It’s time to let memories be memories.
Buburahin na sa isip,
Ang hugis ng iyong mga mata sa 'yong pagtawa,
Kung pano ka ba manamit,
Pati kung pano ka ba umidlip
“Ano ba yan, Ji. Bibili ka lang pala ng damit hinila mo pa ‘ko” reklamo ni Junmyeon sa kaibigan.
Dalawang buwan na ang lumipas simula nang makagraduate sila, isang buwan simula nang huli niyang nakita ang box na pinagtataguan niya ng mga alaala nila ni Sehun. He was doing slightly better. Nag simula na ulit siyang makipag communicate sa ibang tao bukod sa pamilya niya at kay Jongin and Kyungsoo. He also started to spend time with his family imbis na magmukmok sa kwarto niya, inuuwi na nga ng kuya niya ang ibang paperworks para daw makapag movie night sila. He’s so thankful for the people around him, they supported him without questioning him.
Ngayon, sumulpot si Jongin sa labas ng bahay nila at inaaya siyang samahan daw ito sa importanteng pupuntahan nito. Importanteng pupuntahan daw eh nasa mall lang naman kami.
“Importante to! Importanteng makasalamuha ka naman ng tao, aba Jun ano? Inaamag ka na sa bahay niyo” pang-aasar nito sa kanya habang namimili sa dalawang sweater na hawak nito.
“Lumalabas naman ako ng bahay” pag dedepensa niya sa sarili,
“Hindi kasali ang bakuran sa labas ng bahay”
“Bakit? Nasa labas naman ‘yon ah” pag tatalo nilang dalawa,
Wala namang nagawa si Junmyeon kung hindi samahan mag ikot ikot ang kaibigan habang namimili ng damit, minsan ay tinatanong siya nito kung bagay ba o hindi. Habang nag iikot ay nahagip ng mata ni Junmyeon ang isang silk na short sleeves button up shirt na may laces. Kinuha niya ito at tinitigan habang busy ang kaibigan sa pag hahanap ng size.
Bagay to kay…
Mapait siyang ngumiti bago ibalik ang damit. Hindi niya maiwasang isipin si Sehun dahil madalas din siya nitong isama tuwing mamimili ng damit. Sehun said that Junmyeon knows what suits him best.
He’s doing well so far with his moving on pero minsan ay hindi niya pa rin mapigilan ang isipin ito. May mga gabing iniisip niya kung kamusta na ito o di kaya’y ano ang ginagawa nito. Kung mayroon man siyang narealize nitong mga nakaraan ay iyon ang mahirap alisin sa sistema niya si Sehun. Minsan hindi niya namamalayan na pinapanood niya na pala ang paborito nitong palabas o kaya unconsciously ang inoorder niyang pagkain ay ang paborito nito.
“Huy Jun! Kanina pa kita kinakausap” tawag sa kanya ni Jongin, bumalik naman sa realidad si Junmyeon at tinignan ang kaibigan.
“Ha? Ano ‘yon?” tanong niya rito,
“Wala nakapili na ‘ko” sabi nito bago siya tinitigan, “tara na bayaran ko na ‘to” aya nito kaya sinundan ito ni Junmyeon. Habang naglalakad sila ay tinignan siya nito at nginitian.
“You’re doing good, Jun. We’re proud of you”
Paalam na nga ba
Kung hindi na tayo magkikita
Nawa ay mangyaring
Hilahin tayo ng kamay ng Diyos
Sa isang pagkikita
Sa isang pangitain
Lumipas na ang taon, may trabaho na rin sila Junmyeon at Jongin habang ang boyfriend naman nito na si Kyungsoo ay nag babalak mag masters. Pareho silang natanggap ni Jongin pero nagkahiwalay sila dahil nasa HR si Junmyeon habang nasa marketing naman si Jongin. Nahihirapan pa sila ni Jongin nung una since they’re a total newbie pero mabuti nalang mabilis sila pumick up. Halos tatlong buwan na rin silang officially part of the working class. Noong unang sweldo ni Junmyeon ay binigay niya lahat sa magulang niya, yung pangalawa naman ay hinati niya na para mayroon siyang savings.
Junmyeon can finally say that he’s getting his shit together.
Regarding his love life, he still has none. Gusto niyang mag focus sa sarili niya, he spent years loving someone else to the point of setting himself aside kaya naman ineenjoy niya ang pagiging independent niya ngayon. Nakamove on na ba siya kay Sehun? Not fully, no. But he’s working on it. He realized that the process of moving on is not about the pace. Hindi dapat pinipilit at minamadali. So if there are times that he remembers, he lets himself feel and dwell on it. And actually, speaking of Sehun… they met again.
Naglalakad sa gitna ng init ng araw si Junmyeon dahil bibili siya ng kape sa coffee shop malapit sa opisina nila. Hindi niya kasama si Jongin dahil magkahiwalay sila ng department at may meeting daw ang sales ngayon kaya mag-isa lang siya. Inaatake kasi siya ng antok dahil late na siya nakatulog sa dami ng pinapagawa sa kanya.
Wala masyadong tao sa coffee shop ngayon kaya wala ring pila. Umorder siya ng iced latte niya bago umupo sa bakanteng upuan malapit sa bintana. Pinapanood niya lang ang mga tao na naglalakad sa labas habang hinihintay ang kape niya.
“Jun?” rinig niyang may tumawag sa kanya, pamilyar ang boses kaya agad niya itong nilingon.
Napatigil si Junmyeon nang makita niya si Sehun na nasa harapan niya. Sehun looked better than before, ngayon ay may mas mature na aura na sa paligid nito. Nakasuot ito ng white long sleeves at slacks, may ID din itong suot and Junmyeon admits that he looks great in that outfit.
“Sehun” sabi niya pagkatapos ng ilang segundo, binigyan niya rin ito ng tipid na ngiti.
Junmyeon felt his heart speed up, the feeling is still there.
“Hi” ngiti sa kanya ni Sehun, “pwedeng umupo?” tanong nito at tinuro ang upuan sa harap ni Junmyeon.
Ang balak niya lang naman ay bumili ng kape dahil hindi naman siya nagugutom, he did not expect to see him here and he most definitely didn’t expect to talk to him when he knows exactly what they’re going to talk about. But for some reason, he didn’t feel the need to run away.
“Sure” sagot niya, nakita niyang lumaki ang ngiti ni Sehun bago umupo
“How have you been?” tanong nito na para bang walang nangyari. It was almost as if the past few months of Junmyeon avoiding him didn’t happen.
“Ok lang, lunch break ko” Junmyeon stupidly answered, “Ikaw?”
“Okay lang rin, kakatapos lang ng meeting” sagot nito, “Hinahanap ka nila ate” he said and Junmyeon thinks that their was longingness in his voice.
“Ganon ba?” hindi niya alam ang isasagot niya,
“Yeah they miss you” bumuntong hininga ito, “I miss you”
“Sehun…”
“No, no I understand.” nag papanic na sabi ni Sehun, “I didn’t say that to make you uncomfortable, gusto ko lang sabihin. Anyway, I’m glad to know that you’re okay”
“Hmm… ikaw rin, i’m glad you’re okay” Junmyeon sincerely said,
The two looked at each other for a while. It was almost like in the movies, nakatingin lang sila sa isa’t isa not knowing what to say yet deep inside alam nilang ang dami nilang gustong sabihin. But they didn’t say anything, they just looked at each for a few seconds bago muling nagsalita si Sehun.
“I’m really happy I saw you today” Junmyeon thinks he’ll always remember the other’s smile and how his eyes would always turn into a crescent shape every time he’s happy.
“A—“
“Sir Junmyeon?!” tawag ng nasa counter kaya naputol ang sasabihin niya.
“Ah, kailangan ko na umalis” pagpapaalam niya kay Sehun, “I’m happy I saw you today too”
“Can I—“ naputol naman ang sasabihin ni Sehun nang tumunog ang cellphone nito na nakapatong sa lamesa.
Baekhyun calling…
Nginitian lang ni Junmyeon si Sehun bago tuluyang tumayo upang kunin ang order niya. He looked back one more time before leaving and he saw Sehun smiling habang nakikipag-usap sa phone.
There was a time in his process of moving on kung saan sinisisi niya si Sehun at nagalit siya dito. Palagi niyang iniisip na ‘Why did he have to make me feel that way kung wala lang pala?’ but then somehow he realized Sehun wouldn’t do that if he was not special. Maybe he was, maybe he felt for him too at one point. Siguro hindi lang katulad ng nararamdaman niya kay Baekhyun and the thing was it wasn’t enough for Junmyeon.
He badly wanted to be that person kaya kumapit siya, even if it made him miserable.
There was also a time na hiniling niya na Sehun would feel what he felt pero he came into his senses nang maalala niya itong umiiyak sa loob ng sasakyan. He realized that he already made him feel what he felt that day, wala namang sense kung papatagalin niya ang pagiging miserable nito by wishing that. He won’t feel at peace at mas bibigat lang ang loob niya.
But now he sees that Sehun is happy and that’s enough. Seeing the other happy and knowing that he, himself is moving toward his happiness too is enough for him. After everything, somehow it all worked out.
Nalaman ni Jongin ang nangyari at muntik na magpaparty ang mag jowa dahil malapit na raw siyang maka move on. Sabi pa nito ay baka raw gusto ulit makipag kaibigan ni Sehun sa kanya pero hindi lang nabigyan ng chance makapagsalita.
But if you ask Junmyeon if he can be friends with someone he deeply loved and cried about, the answer is no.
He can’t.
But he can be happy for him.
“Ano sa’yo Jun?” tanong ni Jongin habang nakapila sila sa coffee shop, yes it’s the same coffee shop kung saan niya nakita si Sehun. Lunch break nila at pinuntahan siya ni Jongin sa department nila para sabay silang kumain. Akala nga ng iba ay mag jowa sila ni Jongin pero nang may makakita dito na muntik nang makipag momol kay Kyungsoo sa lobby ay tumigil na ang chismis. Wag niyo siyang tanungin kung ano sumanib kay Jongin at Kyungsoo ng araw na ‘yon dahil hindi niya rin alam at ayaw niyang malaman.
“Iced latte lang din” sagot niya rito, wala nanamang masyadong tao kaya okay lang na mag usap pa sila habang nakatayo sa may counter.
“Two iced latte, large” sabi ni Jongin sa staff,
“Is that all sir?” tanong nito,
“Yes that’s a—“
“Jongin? Junmyeon?” may tumawag sa kanilang dalawa, nilingon nila ito at nakita ang Chief Marketing Officer nila. Nagulat ang dalawa nang matandaan nito ang pangalan nila, bilang lang ang beses na nakausap nila ito dahil minsan ay nauutusan sila na may iabot dito.
“Good afternoon sir” bati ng dalawa, bigla namang nagsalita ang nasa counter saying the total of their order.
“Umorder na kayo? Uh miss can you add one large iced americano?” sabi nito at inabot ang card, nagulat naman ang dalawa at agad na umiling.
“Nako, sir, wag na po okay lang kami” sabi ni Jongin,
“No it’s fine, it’s my treat” sabi nito samantalang nakatingala naman si Junmyeon dito dahil sa sobrang tangkad nito. Bumaling ito sa kanya at nginitian siya bago ibalik ang atensyon sa staff.
“Ah thank you, Sir Chanyeol”
“No problem, Junmyeon”
Kakalimutan na kita,
Ito na.
