Chapter Text
Nagmamadali kang pumasok ng gate ilang minuto bago tumunog ang bell. Hindi ka naman sana mahuhuli kung hindi pa tumirik yung service mo sa gitna ng trapiko pero minabuti mong lakarin nalang yung natitirang distansya.
"Sino ba kasi nagsabing gumawa pa ng third floor," daing mo habang tumakbo paakyat ng hagdan. Muntik ka pang madapa. Buti wala nang tao sa pasilyo.
Tamang tama ang dating mo sa silid ng 10-Maya. Napasandal ka sa pintuan habang humihingal at sinalubong ka ng mga kaklase mo ng malakas na palakpakan. Kapos ka man sa hininga ay napangiti ka parin sa pang-aaliw nila.
"Muntik ka na talaga, (Y/N)," halakhak ng kaibigan mong si Chloe.
Umupo ka at napa-buntong hininga. "Nasiraan pa kasi si manong sa may intersection! Tinakbo ko pa mandin papuntang gate 2!"
"Gago, intersection?! Ang layo no'n tapos tinakbo mo lang?"
Sumabat si Mark. "Trackstar yarn, (Y/N)," aniya habang tumatawa. Napatawa ka rin naman. Halos wala na rin yung pagod mo sa kakatakbo.
Biglang sumulpot sa tabi mo si Anya, astang nawiwili. Malamang may chismis na naman siya.
"May nakita akong gwapo kanina!" Ngising ngisi siya na parang batang nabigyan ng kendi.
"Itong si Anya—Pumapasok ka lang 'ata para mang-hunting ah," ani Mark habang gumulong na parang ferris wheel ang kaniyang mga mata. "'Kala ko ba 'study first' ka na after n'yong mag-break ni Joshua."
Nanuya lamang si Anya. "Porket 'study first' bawal na ko tumingin sa gwapo?" Tapos ay lumingon siya pabalik sa iyo. Nagbalik ang nasasabik niyang ngiti. "Mga sis, basta! Grabe, ang gwapo tapos ang tangkad! Mukhang foreigner pa—OMG!!! Baka bagong transfer student? Anong grade niya kaya? Hay, sana wag Grade 12. Sobrang layo ng classrooms nila, baka never ko siya makita!"
Tawang-tawa kayo kay Anya. Aasarin mo pa sana siya kaso tumunog na ang bell at agad siyang bumalik sa upuan niya. Inayos niyo ang sari-sarili niyong upuan. Ilang sandali ang lumipas at pumasok ang tagapayo niyong si Ms. Gomez, dala-dala ang kaniyang pulang clipboard. Sabay-sabay na tumayo ang buong klase at magiliw na binati ang inyong guro na mahinhin na ngumiti.
"Magandang umaga rin, mga anak! Sana na-enjoy niyo ang inyong sembreak. I have an exciting announcement pala! Magkakaroon kayo ng bagong kaklase ngayong second semester!"
Biglang nagbulungan ang iyong mga kaklase. Pati ikaw ay nasabik narin.
"Baka yun ngang foreigner na nakita ni Anya yung transferee," ang pabulong mong sabi kay Chloe.
Ngumisi siya. "Mahilig ka nga rin pala sa gwapo, (Y/N)."
Hinampas mo siya sa braso at nginusuan. "Tigilan mo ko, Chloe. Naku-curious lang naman kasi ako!"
Pinapasok ni Ms. Gomez ang bagong estudyante. Isang binatang may nakabibihag na pagmumukha ang pumasok at tumuloy sa tabi ng guro. Kapansin-pansin ang kaniyang kulay perlas na kutis, matangos na ilong, at tangkad na paniguradong pag-aagawan ng varsity teams. Pero pinakalitaw sa kanyang mga katangian ay ang kanyang kumikinang na mga matang kulay asul. Sa isang saglit ay nagkatinginan kayo. May pagkamayumi sa kanyang titig at mabait ang kanyang ngiti. Pilit mong ipinagwalang-bahala ang biglang pag-init ng iyong mga pisngi at ngumit lamang pabalik.
"Sige, nak. Introduce yourself to the class," ani Ms. Gomez.
"M-Mabuhay." Ngumiti siya nang pakimi. "I'm Michael Afton." Maliwanag at depinido ang kanyang British accent. Rinig na rinig mo ang singap ni Anya sa kabilang panig ng silid.
Nagpatuloy si Michael, "I'm from the UK… I guess that's obvious from my accent. Um… I look forward to being your classmate and I hope we get along." Napakamot siya sa kanyang batok, mistulang nahihiya. "Apologies in advance. I'm not that fluent in speaking Tagalog. I've been tutored in speaking for about a month now, but it's still very much a struggle."
"Can you understand Tagalog, Michael," tanong ni Ms. Gomez.
Tumango si Michael. "Opo, but…" Inilapit niya ang kanyang hintuturo sa hinlalaki, sabay ngumisi. "Konti lang po."
Hala, ang cute…
Tapos ay kinurot mo ang sarili mo. Bakit ka kinikilig—Hindi ka dapat kiligin! Trabaho 'yon ni Anya, hindi sayo!
Mukhang natuwa rin si Ms. Gomez kay Michael at malaki ang kanyang ngiti. "Sige, nak. You can go ahead and—Ay, kulang 'ata ng upuan—"
Kumalapag ang kamay ni Anya sa kanyang desk at masigasig niyang itinaas ang kabilang kamay. Kuhang-kuha niya ang atensiyon ng lahat nang humirit siya, "Ma'am, tabi nalang po sa'kin si Michael! Absent naman po si Terry eh!"
Nagpipigil kayong tumawa nina Chloe at Mark. Kiring kiri si Anya. Pero may punto din siya. Wala naman talagang ibang upuan sa silid.
"Okay, Michael, you'll sit next to Anya in the meantime. I'll request a new armchair nalang for you later." Tumingin si Ms. Gomez kay Anya. Mapang-asar ang kaniyang ngiti. "Anya, 'wag mong kagatin si Michael ha. Baka bumalik 'yan ng England."
Tutuloy na sana si Michael pero pinigilan rin siya ni Ms. Gomez. "Wait, Michael. You'll need someone to give you a tour of the campus pala." Tumingin siya kay Chloe. "Chloe, nak, can you give the tour since you're the president?"
Umiling si Chloe. "Ma'am, 'di po ako pwede. May meeting po kasi ang mga president at vice president ng bawat section mamaya pong second period."
"Ah, so pati si Mark ay wala. I guess… (Y/N), as secretary, can you give Michael a tour later during second period? I'll excuse you both from class activities nalang."
"Tamang tama, ma'am, magaling mag-english 'yang si (Y/N)," hiyaw ng isa mong kaklase.
Nakatingin na naman sayo si Michael. Nanumbalik yung init sa mukha mo na ngayon ay sinabayan ng pagpapawis ng iyong mga kamay. Halos lamunin ka ng kaumiran na agad mong pinagsisihan. Talagang naramdaman pa iyon ni Chloe. Siniko ka ni Chloe at sinitsitan niya pa si Mark na nakaupo sa harap niyo. Agad na lumingon si Mark at nginisian ka.
Tangina naman, oh.
Pinilit mong ngumiti at tinanguan mo si Ms. Gomez. "Yes, ma'am. I can give the tour po."
Napangisngis si Michael pero hindi yata ito napansin ni Ms. Gomez. "That's good! Now, that that's settled, Michael, pwede ka nang umupo para makasimula na tayo ng homeroom. Chloe, Mark, 'likayo dito for announcements."
Nang maiwan kang mag-isa, ramdam na ramdam mo ang sarili mong pagkabalisa. Hindi mo maituon ang pokus sa pagtala ng mga anunsyo. Hindi mo rin maintindihan kung bakit ganito yung pakiramdam mo. Simpleng campus tour lang naman, diba? Yun lang naman. Bakit ka mahihiya?
Sinubukan mong tumingin kay Michael. Agad mo itong sinisi. Sa paglingon mo ay nakasalubong mo ang titig ni Anya at Michael. Lalo ka lang tuloy nabalisa. Baka kung ano-anong kalokohan yung dinadaldal ng marites na iyon kay Michael…
Parang kumurap ka lamang. Tumaginting ang school bell na ibig sabihin ay tapos na ang first period. Tumayo si Ms. Gomez mula sa kanyang desk at sinenyasan kayo ni Michael. "Lakad na kayo, nak."
Biglang nagsigawan at naghiyawan ang mga kaklase mo. Kahit sabihing inasahan mo ang reaksyon nila, hindi mo parin mapigilan ang sarili mo. Bakit ba sila maisyu?! Ipinagdasal mo nalang na hindi gaano kapula yung pisngi mo nang lumabas ka ng silid. Rinig mo yung yapak ni Michael na sumunod sa iyo.
Humarap ka kay Michael. Pinilit mo ang sarili mong magsalita nang diretso. "I'm (F/N) (L/N). You can just call me (Y/N)." Hindi mo alam kung anong gagawin mo kaya inalok mo si Michael na makipagkamayan. Iniabot mo lamang ang iyong kamay pero agad kang nanghinayang. Babawiin mo sana kung hindi siya humawak. Ang laki ng kamay niya kumpara sa iyo. Mahigpit ang pagkakakapit niya pero malambot ang palad niya na parang buong buhay ay ni minsan siyang humawak ng liban sa unan o satin.
"Nice to meet you, (Y/N)," aniya. Malamig ang tinig niya na may pagkabanayad rin, tapos yung titig niya… Para kang nahuhulog sa kanyang mga mata, kasingkulay at liwanag ng langit.
Bigla kang bumitaw at tumikhim nang malakas. Pokus!
"Well, uh… Michael, I guess we'll start the tour right here. Feel free to ask questions if you have any." Tapos ay tinukoy mo ang mismong pasilyong kinatatayuan niyo. "All the Grades 9 and 10 sections are on this floor. Our section, Maya, is the second section of the Grade 10 block."
"Is there a difference between the sections?"
Minabuti mong maglakad na papunta sa hagdanan habang nagpapaliwanag. "The first section has special additional subjects and they all passed a special exam before 7th grade that qualified them for first section. The second to sixth sections are pretty much the same. Some students failed the special exam while others just chose not to take it."
"Which one are you, then?"
"I didn't take the exam. I didn't want to deal with extra subjects when we've already got 10 regular ones."
"Fair point." Tumango si Michael. "It does seem stressful."
Nagpatuloy kayo pababa ng hagdanan at hindi na nag-abalang lakarin ang bawat palapag ng gusali. Sa halip ay nilinaw mo lamang kung aling mga baitang ang nasa bawat palapag. Nang makalabas kayo ng gusali ay tumigil muna kayo saglit. Liningon mo si Michael.
"Do you remember all of that," tanong mo.
Napaisip si Michael bago sumagot. "Grades 9 and 10 on the second floor, Grades 7 and 8 on the first, then the Faculty Room and the Library on the ground floor. Right?"
"Uh… You got the floors wrong."
Tinaasan ka niya ng kilay. "No. I got the floors right. We're on the ground floor right now, aren't we?"
Napatigil ka. Sa pagkakaintindi mo naman ay parehas lang ang ground floor sa first floor. Nang mapagtanto mong pagkakaiba lang siguro sa kultura niyo ay biglang umalik-ik si Michael.
Aniya, "I forgot Filipinos use American English. Sorry about that, (Y/N). I suppose we're both correct, then."
Pati tawa niya, ang cute!
Tangina, (Y/N), 'wag ka ngang kiligin para kang tanga.
Hindi mo rin naman matangging nakatutuwa yung pagkasabik ni Michael. Ang bawat tanong niya sayo ay sinsero, kung minsan nga lang ay nakapag-aalala.
"The campus is huge. Are there any hang-out spots the teachers don't know about," tanong niya.
Anong akala nito? 'Di ka niya bastang mauuto. "I didn't think you'd be the type to be interested in sneaking around," ani mo nang nakataas ang kilay, "Cutting classes is universally not allowed no matter which country you study in, Michael."
Tumawa siya. "You don't strike me to be a goody two shoes, (Y/N). Come on~ Indulge me. You said I was free to ask any question."
Ramdam mong may pagkapilyo rin pala si Michael. Sa bagay, ikaw rin nama'y nakapag-cutting narin paminsan-minsan. "The guards don't patrol the grounds much so you can just hang around anywhere out of a teacher's sight. My friends and I usually hang out behind the buildings in the annex or backstage in the gym," napangisi ka sa sagot mo, "Just don't get caught by the teachers."
"Have you been caught cutting classes?"
"Siyempre hindi! I'm practically an expert." Sa puntong iyon, nagyayabang ka na pero mukha namang walang isyu si Michael sa inamin mong pagtakas sa klase.
Matapos niyong libutin ang buong high school department ay dinala mo si Michael sa canteen malapit sa elementary block. Niyaya mo siyang bumili ng pagkain kahit hindi pa recess. Nangatwiran kang kilala mo yung nagmamando ng elementary canteen kaya nakabibili ka nang wala sa oras. Tapos ay umupo kayo sa may mga sementong lunch table na masyadong mababa para kay Michael. Sa katunayan, hindi mo agad iyon naisaalang-alang. Naisip mo lang na masarap tumambay sa preskong lilim ng mga puno ng manggang nakalibot sa lugar na yon. Pinigilan mong ngumisngis habang pinanood mo siyang isiksik ang sarili niya sa maliit na bangkuan.
"Do we really have to stay here," daing niya, "And, why can't I just sit on the table? No one's around to see anyway."
"The tables aren't built for that, Michael. Plus, Ate Nancy will get mad if you sit on the table."
Habang kumakain ka ng chichirya ay napansin mong nakatitig si Michael sa pagkain mo. Nanghinayang ka pero inalok mo parin siya.
"What is that," tanong niya habang astang sinusuri yung tsitsirya.
"It's Piattos. tsitsirya." Nilapit mo sa kanya yung pack. "Try it. Masarap 'yan."
"Say that word again."
"What word? Tsitsirya?"
Sinubukan ni Michael na gayahin ka pero nabulol lamang siya. Nakakatuwang panoorin siyang piliting sabihin yung napakasimpleng salita. Gayunpaman, pinasya mong tulungan siya para naman 'di siya laging mabulol sa susunod na bumili siya sa canteen.
"No, no, no. It's 'tsitsirya', not 'chi-chi-reeya'." Inalog mo yung isang pack na hindi pa bukas. "If you get it right this time, you can have this one, okay? Try again."
Kinagat ni Michael yung labi niya, mistulang pinipilit talaga ang sarili na maitama ang bigkas. Dahan-dahan ang kaniyang pagsambit. "Tsi… Tsir… ya… Tsitsirya! Hey, I got it!"
'Di mo maintindihan pero ang tamis ng tawa niya. Napangiti ka nang pagmasdan ang paglukot sa gilid ng kanyang mata at pagpusyaw ng pilong at pisngi niya. Para siyang batang nabigyan ng laruan, tuwang tuwa sa sarili niya. Sinabayan pa siya ng malamig na simoy ng hangin, dala dala ang halimuyak ng ilang-ilang at sampaguita. Halos makalimutan mo na kung ano nga bang pinakay niyo rito.
Nagkusa na si Michael na buksan yung Piattos. Kumuha siya ng isang piraso at maingat na sinubo, parang hinuhusgahan niya yung lasa. Sa isang iglap ay lumiwanag ang buong mukha ni Michael at sinundan ng sunod-sunod na pagsubo ng Piattos.
"Hoy, dahan-dahan. You're going to choke," patawa mong sambit.
"These are so good! Tastes kind of like pizza? Just a tad."
Ipinatong mo yung baba mo sa iyong palad habang nakatuon ang siko sa mesa. "There's a tiny Pizza Hut near the backgate. You can come with us later if you want."
"Huh," ngumisi siya, "It almost sounds like your asking me out on a date, (Y/N). Quite forward of—"
'Di mo na siya pinatapos. "Tara na. You've pretty much seen the whole school now apart from the elementary department, but I doubt that would interest you. Let's go back to class."
Tumayo ka't nag-astang maglalakad pabalik ng inyong building. Sinamantala mo ang ilang saglit na nakatalikod ka kay Michael para alisin sa iyong konsensiya lahat ng inisip mo kanina lang.
'Wag kang magpakatanga, (Y/N). Hindi ka kinikilig! Hindi pwede!
Hindi ka naman nakalayo pero hinabol ka ni Michael. Kumapit siya sa braso mo at napalingon ka sa kanya. Maamo ang kanyang mukha at nakanguso pa siya nang konti.
"Sorry. I was only joking," aniyang may pagkahinayang, "I suppose I shouldn't kid around like that with my new classmate, possibly my only friend."
Napabuntong-hininga ka. Tapos ay ngumiti ka at hinampas siya nang paasar. "Pinakain kita ng Piattos ko tapos ginaganto mo lang ako. 'Di na kita bibigyan eh."
"Pardon, what was that?"
"Wala!" Napangisngis ka at sinabayan ka ni Michael ng tawa. "And, what are you saying? I won't be your only friend in class. You haven't even met the others yet."
Nagkibit-balikat si Michael. "I guess that makes you my first friend, then."
Agad kang napakamot ng ulo at napatawa. Tumingin ka sa malayo, umaasang hindi makita ni Michael yung ngiting hindi mo maalis sa mukha mo. "W-Well, it's just natural to welcome the new student. But, I'm glad to be your friend."
Nagulat ka nang si Michael ang mag-alok na bumalik sa canteen. Dinemonyo ka pa na ililibre ka daw niya ng kahit ilang pang Piattos at 'chichirya'. Sumabay ka nalang. Tutal, magri-recess nalang din naman. Bumili siya ng apat na pakete, tigdalawa kayo, at dalawang bote ng tubig. Nagpumilit siyang dalhin ang lahat ng iyon pabalik sa kanina niyong pwesto.
Ilang minuto tutunog na ang bell. Tapos ay babalik na kayo ng silid. Kung pwede lang ay mas gugustuhin mong dito nalang kayo eh.
"Oh, by the way, (Y/N)."
Bigla kang napalunok ng Piattos, muntik pang mabilaukan. "A-Ano 'yon?"
Tinulak niya pa'sayo yung isa niyang Piattos. Ngumiti siyang sinsero. "Can we still go to Pizza Hut later?"
