Work Text:
“Hey, hindi mo ba dadalhin ‘tong ibang hoodie mo? Favorite mo ‘to, diba?”
Itinaas ni Baekhyun ang mga hoodie na tinupi niya. Ilalagay na sana ni Baekhyun ang mga damit ni Chanyeol, pero napatigil siya nang marinig ang sinagot sa kanya ng lalaki.
“Yeah, but favorite mo rin ‘yan, diba? Iniwan ko talaga ‘yan para sa’yo.”
Tinignan niya ang hawak niyang damit. Napahigpit ang hawak niya. Napahinga siya nang malalim.
“Yie. Tuwa ‘yan. Tagal mo na hinihingi ‘yan eh. ‘Yan na,” mapang-asar na sabi ni Chanyeol. When Baekhyun looks up, he sees the usual huge smile on his face.
Ngumiti pabalik si Baekhyun. “Thanks. Iingatan ko.”
“Dapat lang! Pinag-ipunan ko ‘yan,” natatawang sagot ni Chanyeol at pagkatapos ay bumalik sa pag-aayos ng gamit niya.
Kaunti na lang ang hindi pa nalalagay ni Chanyeol sa bag. Actually, nakakagulat pa nga na kaunti lang talaga ang kailangang iimpake ni Chanyeol. Pakiramdam kasi ni Baekhyun, sa loob ng tatlong taon na kasama niya ito sa bahay, parang halos gamit ni Chanyeol ang nakikita niya.
But ever since tinulungan niya siyang mag-ayos ng gamit… naisip niya, kaunti lang pala.
Na parang wala talaga siyang planong magtagal dito kaya wala siya masyadong iniiwan na bakas.
“Huh?” nagtatakang sambit ni Baekhyun nang may makita siya. A mug. “Akala ko nilagay ko na ‘to sa bag mo? I even wrapped it.”
“Iyo ‘yan eh,” sagot ni Chanyeol. Baekhyun looks at the mug again and purses his lips. Nagpatuloy lang sa pagsasalita si Chanyeol. “Diba, pair ‘yung mug? Kinuha ko lang ‘yung akin. Bakit mo ba nilagay pati ‘yung iyo? Bigay ko sa’yo yan eh! Ayaw mo ba ng remembrance galing sa akin?”
Pinigilan ni Baekhyun ang mapabuntong-hininga. He forces a smile as he places the mug back on his table. “Ikaw kasi bumili, so I thought kukunin mo…”
“Hindi ‘no! Bakit naman!?”
Hindi na lang sumagot si Baekhyun sa sinabi niya. He doesn’t forget to let out a forced laugh. Mahirap na, baka makapansin pa si Chanyeol. Kilalang-kilala pa naman siya nito.
Sinarado na ni Baekhyun ang bag. Nilagay niya ito malapit sa may pintuan, kasama ng iba pang mga gamit ni Chanyeol. This is the last of it.
“Anong oras daw darating ‘yung susundo sa’yo?”
“In an hour?”
“Tapos ngayon ka lang natapos mag-impake? Dapat talaga inagahan mo mag-ayos.”
Chanyeol shrugs. “I know you’re there to speed things up.”
Napailing na lang si Baekhyun at umupo sa tabi ng kaibigan. Wala nang iba pang nagsasalita sa kanila. Hindi naman maiwasan ni Baekhyun ang iikot ang tingin sa unit niya.
It feels… empty. Too spacious. Kahit na ganito naman noon nung hindi pa nakatira si Chanyeol dito.
“Oo nga pala. Ano pala ‘yung sasabihin mo?” tanong ni Chanyeol. “Remember, nung araw na sinabi ko sa’yo I’ll be moving out, before that, sabi mo may sasabihin ka sa akin. Ano ‘yun? Sorry, ngayon ko lang naalala. Sobrang busy.”
“Oh,” napailing na lang si Baekhyun. “Nothing important. Just about something that I wanted to buy for us, pero aalis ka na, so…”
Kasinungalingan.
That day, aamin sana siya tungkol sa nararamdaman niya. It was getting too much for him. Nasa iisang bahay lang sila ng taong mahal niya at pakiramdam niya, habang tumatagal ay lalo lang siyang nahuhulog. He thought he could do something about it. Baka pwedeng subukan?
But then…
“Ah, sorry. Masyado ring biglaan pagpaalam ko ‘no?” sabi ni Chanyeol at natawa. Natahimik sila saglit, pero nagulat si Baekhyun dahil biglang hinawakan ni Chanyeol ang kamay niya. “B, I never had the chance to say this but… thank you.”
“No–”
“I know, ayaw mo ng ganito, but just let me. Aalis na ako eh,” pagpigil ni Chanyeol. “Thanks for letting me stay. Alam kong hindi madali para sa’yo, pero you let me. Ikaw ‘yung nandyan nung pinalayas ako ng pamilya ko dahil hindi nila matanggap ang preferences ko. You made it easier for me to cope. Hinding-hindi kita makakalimutan.”
“Best friend kita. Syempre, tutulungan kita…”
“I want to repay you–”
“Hindi kailangan ‘yun,” sabi ni Baekhyun, and this time, he shows him a genuine smile. “I’m proud of you. Look at you now, Mr. Hotshot, leaving for work. Pinaghirapan mo ‘yan. You’ll be there for good, diba?”
“Oo! Ka-excite! Hindi lang dun sa work, but sa bahay din. Ang ganda,” halata ang saya kay Chanyeol nang sinabi niya iyon. “But don’t worry. Bibisita pa rin naman ako dito kapag nakaipon na. Promise!”
Baekhyun doesn’t hold on to that. Not when he’s used to people coming and going.
Hindi na lang siya sumagot sa kaibigan. He doesn’t like the silence that comes after. Buti na lang at nagsalita ito muli.
“Baekhyun?” said man just hums. “Will you be okay… alone? If ever, just call me–”
“Don’t worry. Parang naman hindi ako mag-isa dito bago ka lumipat dito. I’ll manage,” agad niyang sagot. Bago pa makasagot si Chanyeol, tumayo na si Baekhyun at kinuha ang mga gamit na pinagpasyahang iwan ni Chanyeol. “Hey, I have some work to do. Kapag andyan na ‘yung sundo mo, tawagin mo na lang ako.”
He doesn’t wait for his reply. Agad siyang dumiretso sa kwarto niya at padabog na nilagay ang mga gamit na iniwan ni Chanyeol sa loob ng isang box. Nilagay niya ito malapit sa basurahan.
Hindi na niya napigilan ang maluha.
I’ll manage!? Bullshit.
Kapag naranasan mo na ang may kasama at nakasanayan mo na iyon, mahirap nang bumalik sa una mong nakasanayan. Mas maiisip mo kung gaano kalaki ang space na kinuha ng tao sa buhay mo. Mas mararamdaman mong mag-isa ka na lang at wala nang sasalubong sa’yo araw-araw.
Ngayon, kailangan niya ulit sanayin ang sarili niyang mag-isa.
Hindi niya alam kung kaya niya.
Pero wala siyang ibang magagawa kundi hayaan si Chanyeol na umalis na dito. Para sa ikabubuti ni Chanyeol.
Susubukan na lang niyang burahin ang bawat bakas na iniwan ni Chanyeol dito para hindi gaanong masakit ngayong nagpapaalam na itong umalis sa buhay niya.
Panonoorin niya na lang siyang umalis.
Kailangan niyang kayanin.
