Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2022-02-27
Words:
1,631
Chapters:
1/1
Comments:
4
Kudos:
6
Bookmarks:
1
Hits:
94

Noodles

Summary:

Gusto lang naman ni Wonwoo kumain pero dahil pinahirapan niya ang buhay niya, pinadalhan siya ni Lord ng super fresh na mukhang anghel na tutulong sa kanyang punan ang kumakalam niyang tiyan at puso(?)

Notes:

helu! it's been a while eme. chikahan muna tayo bago kayo magbasa AHAHAHHA dahil may midyear exam ako bukas kaya ako nag-upload ngayon, walang connect diba? tinatamad lang talaga ako mag review kaya ako nag-upload, isa pa isang linggo na rin itong story na nakatamnak sa notes ko kaya in-upload ko na.

dating gawi, kung may concerns or feedbacks kayo about sa story ko wag po kayong mag-alangan na i-comment.

;;

mandarin - spoken language of chinese
hanzi - chinese characters

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Ito ang unang beses na tumapak si Wonwoo sa bansang ito na siya lang mag-isa. Maganda naman ang huling travel niya with friends nung pumunta dito, kaso nga lang may nagsasabi sa kanya na pumunta na lamang siya dito mag-isa at wag magsama. 

 

 

 

Sa China.

 

 

 

Sabagay sabi nga ng iba na mas magandang magtravel mag-isa kasi malilibot ng malaya ang pinuntahan mo. So far, so good naman ang experience ng binata habang nakabakasyon.

 

 

 

Masaya at parang lokal na siya sa lugar na ito kung makalibot. Napuntahan niya na rin naman ang distritong ito sa China nu'ng nakaraang pumunta siya kasama ang mga kaibigan kaya kabisado na rin niya.

 

 

 

Pinili niya ito ulit kasi parang may nagsasabi sa loob niya na may hindi pa siya napupuntahan na dapat niyang puntahan ngayon.

 

 

 

Hindi siya libra pero grabe ang pagsunod niya sa gut feel niya.

 

 

 

Naitanong naman niya kay Minghao, ang boyfriend ng bestfriend niya, kung anong sikat na tourist spot ang meron sa Beijing na hindi pa nila napuntahan.

 

 

 

 

Bilang isang Chinese at kabisado ang loob ng China sumagot naman ito ng, "Sa may Dongcheng District 'yung Forbidden City. Maganda du'n kaso marami nga lang tao ang dumadayo."

 

 

 

 

Kaya hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at pinuntahan niya ito ka agad. Medyo may katagalan ang binyahe niya dahil malayo ang district ng hotel niya sa Forbidden City.

 

 

 

Hindi pa ito nakakababa pero tanaw na niya ang malawak na imperial palace at ang mga tao. As expected at sabi na rin ni Minghao, madami talagang tao ang pumupunta sa lugar na ito.

 

 

 

Pero hindi naman ito naaapektuhan ang magandang view ng palasyo. Halos mabali na ang leeg niya kakatingala para tignan ang tuktok nito.

 

 

 

Since nandidito na siya at dala ang iniingat-ingatang camera, tinake advantage na niya ito para kumuha ng mga litrato. Kampante siyang hindi mapupuno ka agad ang SD card ng camera niya dahil kakabili niya lang nito.

 

 

 

Kinareer niya ang pagiging photographer kaya hindi niya namalayan na mahigit dalawang oras na pala siyang kumukuha ng litro ng palasyo at ng mga tao. Naging instant photographer pa siya ng hindi niya kakilala.

 

 

 

Dahil na rin sa gutom at pagod kakatayo ng dalawang oras napagdesisyunan niyang maghanap ng makakainan na malapit lang din sa palasyo. Tamad na siya. Tamad na siyang ihakbang pa ng ilang beses ang mga paa niya.

 

 

 

Mabuti na lang at hindi pa siya nakakalayo ay may nakita na siya ka agad na kainan na sa tingin niya ay puro authentic chinese cuisine ang binebenta.

 

 

 

Hindi na kalimutan ng binata na magbow pagkapasok sa loob. Nakasanayan na niya, wala na siyang magagawa.

 

 

 

Panandalian itong na natili sa bandang pinto bago umupo malapit lang din sa pintuan. Pagkaupo ay pinakiramdam niya ka agad ang sarili kung may iindahin ba siyang sakit sa katawan o ano. Habang tumatagal ang pagdama niya sa sarili unti-unti niyang nararamdaman na kumikirot ang bandang achilles tendonitis at sa tingin niya kalyo ito.

 

 

 

 

Habang nakaupo bigla namang lumapit ang isang staff at inabutan siya ng menu at papel na may kasamang ballpen. Nu'ng una para bang nagb-buffer pa ang isip niya pero tinanggap naman niya ito at nagsabi ng "Xiéxié."

 

 

 

 

 

Tinitigan niya mabuti ang menu na ibinigay hanggang sa marealize na hindi siya nakakabasa ng hanzi. Basic words at karamihan ay puro murang mandarin lang ang natututunan niya kay Minghao dahilan para pagsisihan niya ito ngayon.

 

 

 

Halos maduling ang binata kakatitig sa menu na hawak niya. Habang tumatagal kumakalam na rin ang tiyan niya habang nakatitig sa mga rondom pictures ng noodles na nakalagay sa menu.

 

 

 

Dahil hindi na matiis ang gutom napagdesisyunan na niyang hawakan ang ballpen at dahan-dahang ginagaya ang napiling kakainin.

 

 

 

Paano siya nakapili ng kakainin? Nagroleta siya sa isip niya.

 

 

 

Nanginginig ang kamay na halatang nanggigigil sa pagsulat. Parang tutulo ang pawis niya habang nagsusulat. Wala pa sa kalahati ng character ang nasusulat niya nangangawit na siya.

 

 

 

 

"That's the most spiciest noodles in this restaurant."

 

 

 

 

Kinilabutan ang binata nang may bumulong sa kanyang tenga. Nilingon niya ito at nakakita ng anghel.

 

 

 

Nakangiti ito sa kanya na parang sasara na ang mga talukap while showing his complete and white teeth. Nakabalot din ito sa ilang layer ng makapal na coat dahilan para magmukha itong chubby at cute.

 

 

 

Sinundan niya ang mga galaw nito gamit ang mata. Nakita niyang papalapit ito sa kabilang parte ng mesa niya at naupo. Napatulala si Wonwoo sa ginawa nito.

 

 

 

 

Ang kapal ng mukha?

 

 

 

 

"Hindi ka nakakabasa ng hanzi 'no? Here, I'll help you." sabi nito sabay taas ng kamay dahilan para may lumapit na staff at abutan siya ng menu, papel at ballpen.

 

 

 

 

Isa-isa nitong binabasa ang mga nakasulat sa menu at sinasabi rin ang lasa at ingredients.

 

 

 

 

"Ito naman ay 担担面 (dàndànmiàn), isa rin 'to sa masarap na noodles dito. May spicy oil siya na ingredients kaya maanghang pero may scallions naman siyang sahog." tungo na lang ang tanging nasagot ni Weston dahil hindi na kaya pumasok ng mga sinasabi nito sa isip niya.

 

 

 

 

"Next naman, 炸酱面 (zhajiangmian) para siyang 자장면 (jajangmyeon) pero ito naman bean ang sauce niya."

 

 

 

 

"Sige ayan na lang."

 

 

 

 

Matapos nila magdiscuss sa kakainin ka agad namang umorder na ang misteryosong lalaking nasa harapan niya.

 

 

 

Alam niyang babatukan siya ng dalawa niyang kaibigan kapag nalaman nitong hinayaan niya ang hindi naman niya kilalang lalaki na makiupo at samahan siya kumain sa iisang lamesa.

 

 

 

Binilinan pa naman siya nila lalo na ni Mingyu ng dalawang bagay.

 

 

 

Una, umuwi ng buo at ligtas.

 

 

 

Pangalawa, hindi na scam.

 

 

 

Habang tumatagal ang oras lalo ring umiinit ang pwetan ni Wonwoo. Parang all of a sudden gusto niyang kuhanan ng litrato ito para kung scammer man 'to mai-report niya na agad sa polisya.

 

 

 

Hindi nag-atubiling kinuha ni Wonwoo ang kanyang cellphone at palihim na kinuhanan ng litraro ang lalaki.

 

 

 

 

"Kung kukuhanan mo ako ng litrato dapat nagsasabi ka para naman makapagposing ako." sabi nito na kinagulat naman ni Wonwoo.

 

 

 

 

"Akin na ang cellphone mo and let's take a picture." sabi nito sa kanya.

 

 

 

 

Nag-aalangan naman si Wonwoo kung ibibigay ba ito o hindi dahil kakabili lang ng cellphone niya at baka nakawin pa nito.

 

 

 

 

"Dali na. Hindi ako magnanakaw kaya akin na ang cellphone mo."

 

 

 

 

Hindi pa rin inabot ni Wonwoo ang cellphone niya dito. Tumatapang na.

 

 

 

Bigla namang may hinugot ang lalaki sa kanyang bulsa sabay lapag nito sa tapat ni Weston.

 

 

 

 

"Here's my calling card and cellphone. Let's exchange."

 

 

 

 

Bakit ba nito pinipilit na makakuha ng litrato kasama ako?

 

 

 

 

Kinuha naman ito ni Weston at tinignan ang calling card. Hindi niya gaano maintindihan ang laman ng calling card dahil ito ay puro hanzi. Ang tanging nababasa niya lang ay ang pangalan nito.

 

 

 

 

"Junhui Moon."

 

 

 

 

"Yes? And you are?" bigla namang tanong nito.

 

 

 

 

"Wonwoo Jeon." sagot ni Wonwoo sabay abot ng telepono kay Julian, sakto namang dumating ang waiter para ibigay ang inorder nila.

 

 

 

 

Pagkatapos ilagay ng waiter ang pagkain tinawag naman ito ni Junhui at may ibinulong sabay abot ng cellphone ni Wonwoo dito.

 

 

 

Ibang kaba naman ang naramdaman ni Wonwoo at hindi na mapigilan mag-isip na baka nakawin ang cellphone niya.

 

 

 

Kaso wala rin naman itong nagawa kundi ibigay ang matamis niyang ngiti habang pinipicture-an sila.

 

 

 

Inabot ng waiter ang cellphone ni Wonwoo kay Junhui na ininabot niya rin pabalik sa may-ari na kumikinang na ulit ang mata dahil hawak niya na ulit ang cellphone niya.

 

 

 

Dahil sa takot na baka manakawan pa ito kahit nasa restaurant siya inilagay niya na agad ito sa bag. 

 

 

 

Masaya silang nagsalo kahit na minsan ay nakakalimilutan nila lalo na ni Wonwoo na may kasama siyang kumain.

 

 

 

 

; )

 

 

 

 

Lumipas ang mga araw at ngayon ay nakauwi na rin si Wonwoo sa kanyang bansa. Sina Mingyu at Minghao ang nagsundo sa kanya kanina.

 

 

 

Maraming baong lwento si Wonwoo mula sa pagt-travel niya mag-isa, isa na rito ang tungkol sa nangyari nu'ng kumain siya sa isang restaurant.

 

 

 

Noong una ay nagpapanggap pa ang dalawang magkasintahan na imposible na makakilala si Wonwoo ng mala-anghel sa China pero alam naman nila kung anong klaseng charisma meron ang kaibigan nila.

 

 

 

 

"Kung ayaw niyo maniwala, ito cellphone ko hanapin mo sa gallery 'yung picture ko sa kanya pati namin." sabi nito kay Mingyu sabay abot ng cellphone sa kanya at humiga na sa backseat.

 

 

 

 

Sinunod naman ni Mingyu ang utos ng kaibigan, nagtungo ito gallery at hinanap ang sinasabing litraro ng kaibigan.

 

 

 

Nakakunot ang noo nitong lumingon kay Wonwoo na kasalukuyang nakapikit at nakahiga sa backseat at sa nobyo niyang si Minghao na panandalian din siyang nilingon.

 

 

 

 

"Bakit, bao?"

 

 

 

 

"Wala namang picture rito ng mala-anghel na sinasabi niya."

 

 

 

 

Napangisi naman si Wonwoo sa narinig sa kaibigan. Niloloko na naman ako ng magjowang 'to.

 

 

 

 

"Meron d'yan imposible namang wala. 'Yung unang tatlong picture sa camera roll ko, nand'yan 'yun."

 

 

 

 

"Imposible rin naman na hindi mo mahanap kasi ayan 'yung ginamit kong pang picture kay Junhui." magpapatuloy nito sa pagsasalita.

 

 

 

 

"Junhui ano?"

 

 

 

 

"Junhui Moon."

 

 

 

 

Halos manindig ang balahibo ni Mingyu sa narinig na pangalan. Napahinto naman si Minghao sa pagmamaneho at tumingin ng seryoso kay Mingyu.

 

 

 

Unti-unti nang nararamdaman na hindi na nagbibiro ang mga kaibigan niya kaya umupo ito nang maayos mula sa pagkakahiga.

 

 

 

Nakasandal habang sinusuri ang ginawa ng dalawa.

 

 

 

 

"Model and business owner Junhui Moon died because of car crash." pagbabasa ni Mingyu sa naka-flash sa screen ng cellphone niya.

 

 

 

 

Inabot niya ang cellphone niya kay Wonwoo na nakakunot ang noo at ang cellphone nito sa kanya.

 

 

 

 

"On January 16, model and business owner Junhui Moon was reportedly died due to car crash. Moon's car crashed into a black toyota honda, midnight after he went into his friend's party..." sabi ni Wonwoo tsaka binaling ang tingin sa cellphone niya.

 

 

 

 

Siya lang ang nasa litrarong kinuhanan ng waiter du'n sa may kinainan nila at walang Junhui Moon na may candid picture sa cellphone nito.

Notes:

how's the twisted? did you like it?? don't forget to leave a kudos! lovelots <3