Work Text:
Napangiwi si Jaemin sa init kahit na airconditioned ang malaking ballroom ng hotel na nirentahan ng paaralan nila para sa Graduation Ball nilang mga seniors. Dagdag pa rito ang makating tela ng puti niyang long sleeves sa ilalim ng itim niyang coat. May isang oras at kalahati pa bago matapos ang gabi.
Pinanood na lang ni Jaemin ang mga nagsasayawan sa dancefloor mula sa gilid. Buhay na buhay pa rin ang mga batchmates niya at sumasabay pa sa pagkanta ng All I Do Is Win. Nang dumating ‘yong inaabangang part ng lahat, lakas loob silang sumigaw ng ‘putangina’ kahit na catholic school iyong paaralan nila.
“Hoy, ba’t ka nag-eemote dito?” Malakas na sigaw ni Donghyuck na bigla na lang lumitaw sa gilid niya. Mas lalong lumalim ang pagkakakunot-noo ni Jaemin.
“Ikaw, anong ginagawa mo rito? Nasa’n na boyfriend mo?”
“Malay ko ro’n.” Kibit-balikat ni Donghyuck. “Saka buong gabi ko na siyang kasama. Nagsasawa na ko sa mukha niya.”
Matagal ka nang sawa ro’n, naguguiltrip ka lang no’ng gago. Sinarili ni Jaemin ang naisip niyang ito.
“Si Jeno?” Pag-iiba na lang niya. Dito ay tumawa nang malakas si Donghyuck.
“Ayon, kanina pang nasa gitna, hindi na naubusan ng nag-aaya. Pogi kasi eh.”
Kumuha si Donghyuck ng marshmallow at nilublob ito sa chocolate fountain na nasa tabi ni Jaemin.
“Ikaw? Himala, walang nag-aaya sa ‘yo.”
Tinuro ni Jaemin ang kanang binti niya.
“Ay, pilay ka nga pala. Tanga mo kasi, beh.”
“Gago,” Tumawa lang si Donghyuck. “Nakita mo si Renjun?”
“Kasayaw ex niya.”
“Walang ex ‘yon.” Walang buhay na sagot ni Jaemin.
“Ex-almost,” Donghyuck emphasized, “‘Yong jowa na sana niya ngayon kung hindi siya hibang kay Mark Lee.”
Ah. Si Yangyang.
“Alam mo, ‘yang best friend mo, pagsisisihan niya ‘yang pag-atras kay Yangyang.” Donghyuck tsked at sa tono ng pananalita niya ay parang si Jaemin pa ang sinisisi. Akala mo hindi rin best friend ni Renjun.
“Pustahan tayo, uuna na ‘yan sa pagkanta ng The One That Got Away tuwing magkakaraoke tayo.”
“‘Di rin,” nagkibit-balikat si Jaemin, “Feeling ko nadadala lang siya sa pagiging upfront ni Yangyang sa feelings niya pero hindi naman talaga niya gusto.” Pagdepensa niya.
Saka alam ni Jaemin kung paano magkagusto si Renjun. He knows and has watched how Renjun acts around the person he likes.
Not the way he acts around Yangyang. And definitely not the way he acts around him.
“Ewan,” ngumiwi si Donghyuck sabay kagat sa marshmallow, “Anyway, babalik na ko sa table namin. At tumigil ka na nga sa kakakain, nalulugi sa ‘yo ‘yong catering eh.”
Dinilaan lang ni Jaemin ang kinakain niyang marshmallow na may chocolate at kinindatan si Donghyuck. Umakto namang nandidiri ang kaibigan niya habang naglalakad palayo.
Pagka-ubos ni Jaemin sa kinakain niya, naglakad na rin siya paalis ng desserts table. Mahigit kalahating oras na rin siya nakatayo roon at kanina pa nilalapitan ng mga sumusubok mag-ayang makipagsayaw.
Pumipintig ang kanang binti niya habang mabagal siyang naglalakad palabas ng function hall. Hindi naman talaga malala ang tama noon pero pagod na si Jaemin mula sa pagsayaw kaninang simula ng program.
Natapos na ang kanta kaya naman ay mas lalo siyang natagalan dahil sa dami ng mga bumabalik sa table nila. Nagsalita ang DJ na pause daw muna sa mga pang party na kanta at pagbigyan naman daw ang mga magkakasintahang gustong maka-last dance ang mga partner nila.
May mga ibang natuwa habang sumimangot naman ang iba. Unfortunately, Jaemin belongs to the latter group.
The song started with the melodic notes of a piano and suddenly became accompanied with the sounds of a guitar and saxophone. Jaemin thought he had never heard the song before.
Malapit na siya sa pinto palabas ng function hall nang magsimulang kantahin ng umaawit ang unang berso ng kanta.
Damdamin kong nakatago pa rin
Magbabago kaya bukas
Salat sa init ng mundo kong hilo
Ikaw lamang ang lunas
Mali si Jaemin. Alam niya ang kanta, hindi pa nga lang niya naririnig ang version na tumutugtog ngayon sa mga speaker sa loob ng ballroom.
Nasa labas na siya nang kumawala ang sarkastikong ngiti na kanina niya pa pinipigilan simula no’ng makilala niya ang kanta.
Pang magkakasintahan? Nanggagago ata sila.
May tapang bang ihayag ang gusto
Kahit balewala muna
Makikinig ba sa tinig ng puso o balewala mababalewala
Jaemin doesn’t know if the song choice is an honest mistake o sadyang pinagtitripan lang talaga siya ng tadhana ngayong gabi. Sumandal siya sa pader sa tapat ng function hall. Sa maikling distansyang ‘yon ay rinig na rinig ang kantang tumutugtog.
Hindi na kailangan pang marinig nang klaro ni Jaemin ang boses ng mang-aawit para malaman ang mga susunod na liriko.
Ikaw palagi laman ng isip
Ngunit di mo alam
Hindi na sana mapipigilan ni Jaemin ang sarili niyang sumabay sa kanta nang bumukas ang pintong nasa harap. Lumabas dito ay ang pigura ng isang taong kilalang-kilala niya maging sa pagpikit ng kanyang mga mata.
Walang masisi kundi sarili
Pagkat di mo alam
Renjun Huang.
Jaemin’s eyes widen for a fraction of a second before he quickly smooths it down into his usual close-lipped smile. Renjun narrows his eyes at him while walking closer to him.
“Ba’t ka nagtatago rito? May pinagtataguan ka ba?”
Patutunayan ng damdaming ito mahirapan man bukas
Masugatan masaktan mabigo kakayanin ang lahat
“Sino namang pagtataguan ko?” Tumawa si Jaemin.
“Malay ko. Baka isa sa mga ex mo, nag-aayang makipagbalikan.”
Ngumisi si Jaemin, “Wala akong ex.”
“Ex-M.U..” Pag-irap ni Renjun.
“Wala akong ex-M.U. na nag-aayang makipagbalikan kasi wala namang babalikan.”
May tapang bang ihayag ang gusto kahit balewala muna
Pakinggan man ang pag-aming ito o balewala mababalewala
“Ewan ko sa ‘yo.”
Pumwesto si Renjun sa tabi niya at sumandal din sa pader. Maliit lang espasyo sa gitna nila kaya naman ay ramdam ni Jaemin ang dampi ng braso nito.
Sumulyap siya kay Renjun ngunit agad ring binalik ang tingin sa harap. May kataasan ang suelas ng sapatos nito kaya naman ay magkasingtangkad sila ngayon. Ang mga mata ni Renjun ang una niyang nakikita imbis na ang tuktok ng ulo nito.
“Sumayaw raw kayo ni Yangyang?”
Ikaw palagi laman ng isip
Ngunit di mo alam
“Oo,” tipid na sagot ni Renjun.
“Kumusta?”
“Okay lang?” Nagkibit-balikat si Renjun nang tignan siya ni Jaemin. “Ano ba dapat isasagot ko?”
“Ewan,” Pagkibit-balikat din ni Jaemin. “Sad? Nanghihinayang? Nagsisisi?”
“Pinagsasabi mo d’yan.” Sinamaan siya ng tingin ni Renjun. Tumawa lang si Jaemin.
“Ayaw mo kasing magbigay pa ng descriptions, eh.”
“‘Yon lang naman talaga. Okay lang, nag good luck lang din kami sa isa’t isa on college.” Mas lalo siyang siningkitan ng mga mata ni Renjun. “Saka hinahanap kita. Bigla ka na lang naglaho no’ng tawagin ako ni Donghyuck.”
“Well, tumambay lang naman ako katabi ng chocolate fountain. Bakit, anong meron?”
Tumayo si Renjun at naglakad sa harap niya. Nilahad nito ang kanang kamay sabay sabing,
“Hindi ko pa nasasayaw ang best friend ko tonight.”
Walang masisi kundi sarili
Pagkat di mo alam
Tinago ni Jaemin ang mabilis na pagtibok ng puso niya sa isang maliit na ngiti.
“Kailangan ba?”
“S’yempre naman! Si Jeno at Donghyuck nga nakasayaw ko, ikaw pa kaya. Saka nakita ko rin kayo kanina, tayong dalawa na lang hindi pa nakakasayaw.”
Sa totoo lang, kahit na nagsusumigaw ang puso niya na tanggapin ang kamay ni Renjun, gusto na lang ni Jaemin tumakbo papalayo.
Tama si Renjun na may pinagtataguan siya.
Simula nang buksan ang dancefloor para sa mga magsasayaw ay masikap niya na itong iniwasan nang hindi napapansin ng binata. Unti-unti siyang lumalayo hanggang sa mapunta na nga siya sa pwesto niya kaninang malayo sa dancefloor.
Kasi pakiramdam ni Jaemin pagkatapos nito, at sa pagtapak nila ng college, hindi na talaga siya makakaahon.
Not like he ever tried to, anyway.
Bumalik ang atensyon niya kay Renjun nang magsalita ito.
“Nangangawit na ko rito, huy.”
Ikaw palagi ang hinahanap
Ngunit di mo alam
Baka magsisi kung hahayaan
Na di mo alam
Huminga ng malalim si Jaemin at tinanggap ang along kahit kailan ay hindi niya na natakasan.
Mula sa kamay niyang nakapatong sa nakalahad na kamay nito, lumakbay ang mga daliri ni Renjun hanggang sa matagpuan nito ang lugar nila sa ibabaw ng mga balikat ni Jaemin. Suminghap si Jaemin nang nabawasan ang distansya sa gitna nila.
“Ako naman sa balikat. Palagi na lang ako ‘yong nasa bewang, eh.”
Wala ng nagawa si Jaemin kundi yakapin ang malalakas na alon sa pamamagitan ng paglagay niya ng kanyang mga kamay sa bewang ni Renjun.
Di mo di mo alam
Di mo di mo alam
Maliliit ang mga hakbang nila na halos hindi na sila gumagalaw sa pwesto nila. Ramdam ni Jaemin ang mga mata ni Renjun na naglilibot sa kanyang mukha. Bahagya siyang kinabahan dahil hindi niya natignan kung wala bang naiwang chocolate sa mga labi niya.
Malakas ang tugtog ng kanta ngunit pakiramdam ni Jaemin ay hindi nito naitatago ang lakas ng pagtibok ng puso niya. Umurong siya ng kaunti upang lawakan ang distansya sa pagitan nilang dalawa ngunit hinila lang siya pabalik ni Renjun.
Tinaas nito ang isa nitong kilay at dahil doon, napansin ni Jaemin ang kumalat nitong makeup sa gilid ng kanyang kanang mata.
Hindi napigilan ni Jaemin ang pagtaas ng kanyang kamay at pagpahid rito gamit ang kanyang daliri.
Gulat na tumingin si Renjun sa kamay niya ngunit hindi ito lumayo. Agad namang nilayo ni Jaemin ang kamay niya at pinakita kay Renjun ang dumi. Mabilis niya itong binalik sa bewang nito pagkatapos ipahid ang dumi sa sarili niyang coat.
Ikaw palagi laman ng isip
Ngunit di mo alam
Walang masisi kundi sarili
Pagkat di mo alam
“Grabe,” biglang salita ni Renjun. Nagtatanong na tumingin sa kanya si Jaemin. “College na tayo sa June.”
Parang isang mahagip na alon ang tumama kay Jaemin nang maintindihan ang mensahe sa ilalim ng mga salita ni Renjun.
Isang tao lang naman ang nasa isip ni Renjun tuwing babanggitin niya ang salitang ‘college’.
“Hinihintay mo pa rin, ‘no?”
Umiwas ng tingin si Renjun.
“Ewan. Siguro? Hindi ko alam.”
“Sigurado ka?”
“Na ano?” Naguguluhang tanong ni Renjun sabay balik ng tingin sa kanya.
Nilunok ni Jaemin ang nagbabadyang kabigatan sa kanyang dibdib at matapang na sinalubong ang mga mata ni Renjun.
“Sigurado kang hindi mo alam?”
Sa tanong na iyon ay umiwas ulit ng tingin si Renjun.
Ikaw palagi ang s'yang dahilan
O bakit ikaw pa sinta
Ikaw palagi ang s'yang dahilan
O bakit ikaw pa sinta
Sampung taon na, “Siya pa rin?”
Huminga nang malalim si Renjun bago siya sumagot.
“Siya pa rin.” Malungkot na ngiti nito.
Tumango si Jaemin at malungkot ding ngumiti bago umiwas ng tingin.
Ikaw pa rin.
Ikaw palagi ang hinahanap
Ngunit di mo alam
Baka magsisi kung hahayaan
Na di mo alam
Sa pagtatapos ng kanta ay agad na humiwalay si Jaemin. Itinutok niya ang kanyang mga mata kung saan-saan maliban sa mga mata ni Renjun. Narinig nila ang emcee na inaanyayahan ang lahat na bumalik na sa kanilang mga mesa upang makinig sa closing remarks ng kanilang school principal.
“Balik na tayo sa loob.” Ani Renjun na sa ‘di malamang dahilan ni Jaemin ay hindi rin makatingin sa kanya.
Tumango siya at pinauna na ang kaibigang pumasok ng ballroom.
Lumipas ang ilang segundo bago makolekta ni Jaemin ang kanyang sarili. He gave himself that few seconds to give air to his drowned, unbreathing chest.
They walk separately back into the ballroom, but Jaemin can still feel the heaviness of Renjun’s hands as they rested on his shoulders.
And he knows... it’s all he can have tonight.
