Actions

Work Header

Begin Again

Summary:

Ngumuso si Renjun. “Are you not mad at me? For what I did?”

“When I first saw you after years of not seeing each other and found out that we have a child. Of course, I got mad. Why would you hid our child from me? But then I realized that maybe you have reasons…” he then caressed Renjun’s cheeks. “And you know that I can never be mad at you, Jun. Always remember that.”

(or the noren taguan ng anak au that no one asked for)

Notes:

hello omg this noren taguan ng anak au was long overdue but it's finally here! yay! i really enjoyed writing this fic even though i had a hard time expressing renjun's thoughts for some reason. also it's been a while since i write something and i hope i can get back on track someday :D

this is not beta read so if you ever encounter a typo and grammatical errors along the story please ignore it because my initially plan is to publish this on renjun's birthday so i was in a rush hehe... so have fun reading! :p

and lastly, happiest birthday to dream's resident cuntress, huang renjun! <3 we love a slayer in this house #slayjun

- sei ♡

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Renjun-hyung:

 

Sungchan makikisuyo naman baka pwedeng ikaw na sumundo kay Lilo sa school. Ang dami kasing pinapagawa sa akin ng boss ko ngayon. 

 

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Sungchan nang mabasa ang mensahe ng matalik na kaibigan. Wala namang problema sa kanya iyon dahil wala naman siyang pasok ngayon. Nagtipa siya ng isasagot habang inaantay ang order niyang kape. 

 

Sungchan:

 

Sure. No problem, hyung :D 

 

Hindi na inantay ni Sungchan ang reply ni Renjun dahil paniguradong lunod na iyon sa trabaho. Nang marinig niyang tinatawag na ang kanyang pangalan ay nagmamadali siyang tumayo para kunin ito. Mahigit isang linggo na rin kasi siyang hindi nakakainom ng kape dahil pinagbawalan siya ng kanyang mga magulang sa hindi malaman na dahilan. When he finally got his order, lumabas na siya at dumiretso papunta sa kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. 

 

Naramdaman niyang nag-vibrate ang cellphone sa bulsa pero mamaya na lang niya babasahin ‘yon dahil pasado alas kwatro na at paniguradong uwian na nila Lilo ngayon. Sungchan put his coffee in the cup holder and started the engine before he drove away from the coffee shop. 

 

Lilo’s school is not that far from where Sungchan was. He just had a hard time in parking since it’s already dismissal time so marami nang sasakyan ang nakaparada. Marami na rin ang mga estudyanteng nagsisi-awasan kasama ang kani-kanilang magulang. This is not the first time Sungchan will do this, he had done this so many times lalo na kapag na-stuck sa meeting si Renjun. He’s always there to the rescue. At alam niya rin na hindi na magugulat si Lilo kung siya man ang makita niyang sumusundo sa kanya ngayon. 

 

Sungchan went out of his car at ingay ng busina ng sasakyan ang sumalubong sa kanya, isama na rin ang mga matitinis na boses ng mga bata. Saulado naman niya kung nasaan ang classroom kaya naman hindi na siya nahirapan pa hanapin ito. Naabutan niya itong nakaupo sa kanyang silya sa loob ng classroom, may sinusulat na kung ano sa kanyang papel. Binati ni Sungchan ang teacher nito dahilan para mapaangat si Lilo ng tingin sa nagsalita. Agad nagliwanag ang itsura ng bata at tumayo mula sa kinauupuan, nilagay sa bag ang mga natitirang nakalabas na gamit. 

 

They bid their goodbyes at Lilo’s teacher who has been eyeing Sungchan ever since they arrived. Hawak ni Sungchan sa kanang kamay si Lilo habang tinatahak ang daan palabas ng school, sa kaliwa naman niya ay nakasukbit sa kanyang balikat ang trolley bag nito. 

 

“Tito, where’s Dada?” Lilo asked, sucking the lollipop that Sungchan gave her. 

 

“He’s still at work, sweetie. Kaya ako muna ang sumundo sa’yo ngayon,” malumanay na sagot ni Sungchan. 

 

Bago pa mapagbuksan ng pinto ni Sungchan si Lilo ay muling tumunog ang kanyang cellphone, hudyat na may tumatawag. Napairap naman sa iritasyon si Sungchan, sigurado siyang ang Jaehyun-hyung niya ang tumatawag, mangungulit na naman na umuwi sa malaking bahay ngayon gayong next week pa talaga plano ni Sungchan umuwi. Semestral break na kasi nila sa uni next week at ngayon ay busy na siya sa pag-iimpake ng gamit sa kanyang dorm. 

 

“What?” medyo pa-singhal na sagot ni Sungchan nang sagutin niya ang tawag. 

 

Humalakhak sa kabilang linya ang kapatid niya, iyong tipong maaasar ka. Pinagmasdan ni Sungchan si Lilo na busy manood ng mga taong lumalabas galing sa school, komportableng nakaupo sa ibabaw ng bag nito. 

 

“Umuwi ka na ngayon. Mom’s looking for you,” 

 

Syempre hindi naniwala si Sungchan doon dahil kaninang umaga lang ay nakausap niya ang kanyang ina. Isa rin sa nangungulit sa kanya na umuwi na dahil anila miss na miss na raw nila ito. 

 

“I talked to Mom earlier this morning so wala kang maloloko dito,” 

 

“Sungit,” Jaehyun mumbled. Umirap lang si Sungchan. Minsan napapaisip siya kung sino ba talaga ang mas matanda sa kanilang dalawa dahil ubod ng kulit ang Jaehyun-hyung niya. 

 

“I’m going home next week, okay? At oo sasamahan na kita mag-golf,” nasa kalahati pa lang siya ng kanyang sinasabi ay dinig na dinig niya ang pagkagalak ng kapatid.

 

“You da best, bro,” Jaehyun said, chuckling.

 

“Bye,” then he hung up call. Sungchan clicked his tongue as he slid his phone back to his pocket. 

 

“Lilo, get inside. We’re going home na,” 

 

He opened the passenger’s seat for her habang sa backseat naman niya nilagay ang bag nito. Hindi niya talaga ma-gets si Renjun kung bakit ganitong ka-laki ang bag ng anak niyang gayong kindergarten pa lang naman si Lilo. 

 

Sungchan muttered a curse when he realized he didn’t bring the duplicate key of Renjun’s apartment. Binigyan kasi siya ni Renjun noon dahil mas madalas si Sungchan ang sumusundo kay Lilo at sinasamahan niya ito sa apartment hanggang sa makauwi galing trabaho si Renjun. 

 

“T-Tito, bakit? May problem po ba?”

 

Sungchan just shook his head. May hilaw na ngiti sa kanyang labi. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa bata na hindi niya ito mauuwi ngayon sa apartment nila hangga’t hindi natatapos sa trabaho si Renjun. At tanging isang solusyon lamang ang nasa isip niya na maaaring maka-resolba nito. 

 

“Bahala na,” Sungchan muttered to himself as he pulled off from school.

 

━━━━━━━━━━

 

“Lilo, dahan-dahan sa paglalakad, ah? Baka madapa ka,”

 

Maingat na iginala ni Lilo ang paningin sa buong kalakihan ng bahay habang si Sungchan naman ay may kinukuha na kung ano sa sasakyan. Nang makuha ito ay dumiretso siya kay Lilo at hinawakan sa kamay at pumasok sa malaking bahay. Unang sumalubong sa kanila ay ang mayordoma ng bahay nila Sungchan. Nakangiti itong sumalubong sa kanila at walang sabi namang inabot ni Sungchan ang cake na inuwi niya. 

 

“Si Mommy, nasaan?” 

 

“Ay nandoon sa lanai kasama ang Jaehyun-hyung mo pati mga kaibigan niya,” anito bago naglaho papunta sa kusina. 

 

Kumunot naman ang noo ni Sungchan sa narinig. Iyon bang mga sasakyan na nasa labas ng bahay ay sa mga bisita ng kapatid? Hindi malabong hindi dahil nasa bukana pa lang siya ng lanai ay natatanaw at naririnig na niya ang maingay na tawanan. 

 

“Oh look who’s here!” deklara ni Mrs. Jung nang makita ang bunsong anak.

 

Humalik si Sungchan sa kanyang pisngi habang ang kamay nito ay nakahawak pa rin kay Lilo. Masaya namang sinalubong ni Mrs. Jung si Lilo sa pamamagitan ng pagbuhat dito at humalik sa magkabilang pisngi. 

 

“Lilo, my dear. You’re still the cutest. How have you been?” bakas ang tuwa sa boses ni Mrs. Jung habang pinagmamasdan ang inosenteng si Lilo. 

 

Sunod namang bumati si Sungchan sa kanyang kapatid na agad nakalahad ang mga braso para sa yakap. Hindi niya maiwasan mapairap pero hindi kalaunan ay yumakap din.

 

“Tingnan mo, magbabago rin pala isip mo,” pang-aasar ni Jaehyun kaya mahina siyang sinuntok ni Sungchan sa tiyan. 

 

Dumako ang paningin niya sa mga kasama nito. Isa-isa niyang tinanguhan si Mark, Yangyang, at Jaemin. Pamilyar na siya kay Jaemin at Yangyang dahil malapit rin silang kaibigan ni Renjun. At si Mark naman, high school pa lang siya ay naka-buntot na sa kanyang kapatid. May isa pa silang kasama noon na nakilala niya lang last week pero nakalimutan na ni Sungchan kung anong pangalan no'n. 

 

“Tito-Ninong!” Lilo chirped when she saw Jaemin and Yangyang sitting beside each other. 

 

Doon lang napansin ni Sungchan na parehong maputla ang dalawang mag-kaibigan na para bang nakakita sila ng multo. Nagkatinginan naman si Jaemin at Yangyang, isang paraan ng pag-uusap nila gamit ang mga mata. Tumango lamang si Jaemin at iyon na ang naging hudyat ni Yangyang na tumayo upang salubungin si Lilo. 

 

“L-Lilo,” Yangyang chuckled nervously as he lifted her in his arms. 

 

May sinabi na kung ano si Lilo sa kanya pero masyadong okupado ang isip ni Yangyang at hindi na masundan ang sinasabi ng bata. Babalik na sana si Sungchan sa loob para sundan ang kanyang ina nang makasalubong niya si Jeno na kakagaling lang sa bathroom.  

 

“D-Daddy? Daddy!” 

 

Nagmamadaling bumaba sa hawak ni Yangyang si Lilo upang salubungin ang nalilito na si Jeno. Halos maapaatras siya sa gulat nang yumakap ang bata sa kanyang mga binti. Naguguluhang nag-angat ng tingin si Jeno sa kanyang mga kaibigan lalo na kay Jaemin na nag-yuko lamang ng ulo kaya si Yangyang ang hinarap niya na hindi niya alam na nakalapit na pala at sinusubukang pilitin si Lilo na bumitaw mula kay Jeno. 

 

Hindi rin magawang tingnan tapunan ng tingin ni Yangyang si Jeno dahil sa kaba. At si Jaemin ay parang hihimatayin na anumang oras kung hindi lang siya inabutan ng tubig ni Mark na agad naman niyang tinanggap.

 

“L-Lilo, let’s go…” si Yangyang, maingat na hinihila ang braso ng bata pero ayaw nito magpaawat.

 

“No! I want Daddy!” anito at nagawa pang yumakap ng mahigpit kay Jeno na gulong-gulo na. 

 

“Wait. What is happening? Why is she calling you Daddy ?” halata rin ang pagkalito sa boses ni Jaehyun, nakakunot pa ang noo. 

 

Ibinuka ni Jeno ang kanyang bibig pero walang salita ang lumabas. Hindi alam ni Jeno pero ng mga oras na ‘yon ay ramdam na ramdam niya ang lakas ng kabog ng kanyang puso. Bumaba ang tingin niya sa batang hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sa kanya.

 

He squatted in front of her at bumungad sa kanya ang pares na pamilyar na mata na sigurado siyang sa kanya nito nakuha. Isama pa ang parehong pagkakahulma ng kanilang ilong at labi. Jeno’s lip parted at that, he can’t believe what he’s seeing right now. 

 

May anak ako. Sambit ni Jeno sa kanyang isip.

 

Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang bata at tumitig nang maigi sa mukha nito. Kung titingnan ito ng mabuti, iisipin mong magkapatid sila dahil kuhang-kuha talaga ni Lilo ang itsura ni Jeno noong bata siya. 

 

“H-Hello sweetheart,” bahagyang nanginig ang boses ni Jeno, namumuo ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. “What’s your name?”

 

The child smiled sheepishly at him, making her eyes appear to form a crescent moon just like Jeno. And Jeno’s heart ached at that. He can’t be wrong, this is really his child. 

 

“I’m L-Lilo and I’m already five years old!” she said with so much enthusiasm. 

 

Jeno can’t help but chuckle when he saw how she tried to pronounce her name correctly without stammering. Bago pa man niya maipakilala ang sarili sa anak niya ay may nagsalita na pamilyar na pamilyar ang boses kay Jeno. Halos anim na taon na niyang hindi naririnig ang malambing nitong boses and he would be lying if he said he didn’t miss it. 

 

“Lilo…” a voice croaked behind him.

 

Unti-unting nilingon ni Jeno ang pinanggalingan ang boses. His breath hitched at the sight of Renjun. Mahaba na ang itim na buhok nito, hindi tulad noong college sila na blonde. Tumangkad rin siya ng konti at medyo nagkalaman ang katawan. But overall, nothing has changed for Jeno, para sa kanya ito pa rin ang Renjun na nakilala niya noong high school, iyong Renjun na minahal niya at pinangakuan niyang sasamahan habang buhay. 

 

“Dada!” nangibabaw ang matinis na boses ni Lilo at tumatakbong lumapit kay Renjun.

 

Renjun opened his arms and enveloped Lilo into a hug while Jeno and their other friends watched the two of them. Nang humiwalay ay bakas ang kaba at takot sa itsura ni Renjun lalo na nang magtama ang tingin nila ni Jeno. 

 

“Dada, saan ka po ba galing?” Lilo asked innocently.

 

Renjun gulped nervously. “S-Sa work, anak…”

 

“Dada, I already saw my other Daddy!” tuwang-tuwang sabi ni Lilo bago pumiglas kay Renjun.

 

Namilog ang mga mata ni Renjun habang pinapanood si Lilo na puntahan si Jeno na nag-ugat na ata sa lupa ang mga mata. Nabalik lang sa wisyo si Jeno nang maramdaman niyang gumapang ang maliit na kamay ni Lilo sa kanyang palapulsuhan at hinila siya sa kung nasaan nakatayo si Renjun. Nang makalapit ay walang ni isa sa kanila ang nagsalita, nag-uusap lang gamit ang mga mata bago nakuha ni Renjun ang nais iparating ni Jeno. Wala siyang nagawa kundi magpakawala ng malalim na hininga bago ipinaubaya si Lilo kay Yangyang bago sumunod kay Jeno. 

 

━━━━━━━━━━

 

Renjun was busy fiddling with his fingers. Hindi niya magawang tingnan si Jeno dahil halos anim na taon na silang hindi nagkikita. His heart was beating so fucking fast that it might come out of his ribcage. Tahimik lang silang dalawa ni Jeno at kahit nakayuko siya ay ramdam na ramdam ni Renjun ang matatalim nitong tingin sa kanya. 

 

He almost jumped out of his seat when Jeno’s deep baritone voice echoed through the quiet night. Renjun slowly lifted his head up and their eyes met. Jeno was looking at him with nothing but a cold stare and he felt suddenly cold. 

 

Tahimik na nakatingin lamang si Renjun habang pinapanood si Jeno na makailang beses nang bumubuntong hininga at walang sinasabi. His veiny hands were clasped together and Renjun fought the urge to stop looking at those. Damn… he really needs to get a hold of himself tonight. 

 

Not now, Renjun. Jeno is literally right in front of you. He mentally scolded himself.

 

“I-Is she my d-daughter?” Jeno’s voice quivered upon asking the question he had been itching to ask. 

 

Renjun just nodded his head, unable to find the right words to say. Jeno slammed his hand against the table, making Renjun flinch on his seat. 

 

“Answer me!” Jeno spat angrily.

 

“Y-Yes, J-Jeno. She’s your daughter. A-Anak natin siya,” his eyes welling up with tears. 

 

And that was Jeno’s cue. The only sound in the lanai was Jeno’s sobs coming out from his mouth. Maingat na nagpahid ng mata si Renjun nang may magbadyang tumulong lumuha. 

 

“J-Jeno, I-I’m so-” but before he could even finish his sentence, Jeno cut him off.

 

“W-Why? Why did you hide this from me?” lumuluhang tanong ni Jeno.

 

Renjun opened his mouth to say something. “I-I was about to tell you. I’m just finding a right time to-”

 

“At kailan mo pa balak sabihin sa akin na may anak ako? Tayo? Hah? Kung kailan malaki na siya?” Jeno took a deep breath. “Renjun, five years. Five years mong itinago sa akin ang anak ko. How could you do that?”

 

Renjun stared at him in disbelief. “Hindi ko siya tinago sa’yo, Jeno. I just protected her because I want what’s the best for my child,”

 

Nang ma-realize na wala pang balak magsalita si Jeno ay itinuloy ni Renjun ang kanyang sasabihin. “When you came back two years ago, I was really sure to let you know about our child but I found out that you were already planning your wedding with Amy-” 

 

“Amy and I didn’t end up with each other,” Jeno shook his head.

 

His lips parted at that. “But Yangyang said-”

 

“We canceled the wedding because we both realized that we were not really for each other, Jun. Kaya hindi ko alam bakit mo nagawang ilihim sa akin ‘to nang ganitong ka-tagal when you could have just told me right away,”

 

Renjun’s heart ached when Jeno called him by his nickname, the one he used to call him before. 

 

“It’s not that easy, Jeno. You were so busy reaching for your dreams and ayokong sirain ang lahat ng ‘yon-”

 

“Jun, you know that I can always make time for you,” his voice croaked, nagbabadya muling tumulo ang kanyang mga luha. 

 

Aminin man ni Renjun o hindi sa kanyang sarili. Alam niya, deep inside na naduwag siya sabihin kay ang Jeno ang lahat ng ito. Natakot siya na baka hindi matanggap ni Jeno na may anak sila lalo na’t nakatakda siyang ikasal kay Amy noon. Ayaw niyang pakialaman ang parte ng buhay na ‘yon ni Jeno kaya ginawa niya ang alam niyang makakabuti para sa kanilang dalawa ni Lilo. 

 

Renjun spent all the years taking care of Lilo. Nang malaman niyang magkaka-anak siya ay hindi na niya nagawang ituloy ang pagrereview para sa ALE that’s why it took him years bago siya nakapag-take ng exam for the first time and gladly he passed the examination with just one take. Ngayon isa na siyang license architect, last year siya nagkaroon ng  permanenteng trabaho dahil mas focus ni Renjun noon ang pag-aalaga kay Lilo kahit naman nandyan ang pamilya niya upang tulungan siya sa pagpapalaki kay Lilo. 

 

Before Renjun could utter a word. Nangibabaw ang matinis na boses ni Lilo sa madilim na gabi. Sabay nilang nilingon ni Jeno ‘yon at nakitang nakatayo sa bukana ng lanai ang anak. Sa kanyang tabi ay si Yangyang na hindi maipinta ang itsura. 

 

“Jun, sorry! Mapilit siya, e. Hinahanap ka pati si…” saglit na sumulyap si Yangyang kay Jeno bago muling ibinalik ang tingin kay Renjun. “... Jeno” 

 

Tila iyon ang naging hudyat ni Lilo dahil nagsimula na siyang tumakbo papalapit kay Renjun. Parang may mainit na kamay ang humawak sa puso ni Jeno nang makita kung paano yapusin ng bata si Renjun. There was a certain pang of pain in his chest. Nang bumitaw siya kay Renjun ay si Jeno naman ang sunod nitong tiningnan. 

 

“D-Daddy, are you coming with us?”

 

Saglit na nagkatinginan si Jeno at Renjun. Isang tango galing kay Jeno ay hinarap ni Renjun si Lilo. He squatted down to level with his daughter.

 

“No, baby. He’s not coming with us since he lives far from us but you’re gonna see each other more often now,” Renjun tried to smile when he saw how her shoulders sagged.

 

Lilo glanced at Jeno again. “But I thought he’s my other dada? W-Why is he not coming with us?” she asked sadly. 

 

It was Jeno’s turn to speak. He also squatted down and gently rubbed Lilo’s shoulders, trying to console her since she looked like she was about to cry at any moment. 

 

“Daddy is just busy at work, sweetie. But don’t worry I’ll visit you tomorrow. Is that good?” Jeno smiled at her.

 

Her face lit up upon hearing Jeno’s words. She nodded her head cutely, causing Jeno to pinch her chubby cheeks. He stood up and was met by Renjun’s face.

 

“Give me your number so I can schedule a dinner for us next week,” Jeno said coldly before averting Renjun’s gaze.

 

Napalunok naman sa kaba si Renjun at tahimik na ibinigay ang number nito. Isang yakap at halik sa noo mula kay Jeno para kay Lilo ay nagpaalam na sila sa mga kasama. Pero bago pa man sila tuluyang makalabas ng malaking bahay ay humingi muna ng paumanhin si Renjun at Jeno sa mga magulang ni Jaehyun at Sungchan sa hindi inaasahang pangyayari ngayon. Bakas rin ang guilt sa mukha ni Sungchan nang makasalubong niya ito at nagawa pang mag-sorry kahit na sinabi ni Renjun na hindi naman niya kasalanan ito. Dahil unang-una hindi naman niya alam na si Jeno ang ama ni Lilo, konti lang kasi sa mga kaibigan ni Renjun ang may alam nito. 

 

“Jun, hatid ko na kayo,” prisinta ni Yangyang at pinatunog ang sasakyan. 

 

Jeno was about to do the same kung hindi lang siya naunahan ng iba. He mentally scoffed and went to his car instead. Sa gilid ng kanyang mata ay nakikita niyang nakatingin si Renjun sa kanya. Nabaling lang ang atensyon nito sa iba nang tawagin siya uli ni Yangyang. 

 

“Akin na ‘yung bag ni Lilo. Ipapasok ko na,” anito. Tanging tango na lang ang naisagot ni Renjun dahil wala na siyang lakas para magsalita pa. 

 

Renjun watched the two bid their goodbyes at each other. Napakagat na lang siya sa labi nang makita kung gaano ka-higpit ang yakap ni Jeno sa bata. Na para bang ito na ang huling araw na magkikita sila. Muling napayuko si Renjun nang ma-realize niya na siya ang dahilan ng lahat ito, kung hindi niya lang pinagkait sa loob ng limang taon ang bata kay Jeno. Hindi mangyayari ang lahat ng ito. 

 

Someone tap his shoulder and when he lift his head, he was met by Yangyang’s gaze who gave him a light-tipped smile na sinuklian rin naman ni Renjun ng isang tipid na ngiti. Nang muli niyang sulyapan ang dalawa ay nasa kanya na ang tingin ni Jeno na agad siyang inirapan nang magkatinginan. 

 

Renjun’s brows furrowed in confusion. Anong problema nito?

 

Pinagbuksan ni Yangyang ng pinto sa backseat si Lilo at inalalayan itong makaupo, ganoon rin kay Renjun. When they were already settled on their respective seats, Renjun saw Jeno watching them through the side mirror. Sa backseat ay naririnig niya pang si Lilo na nagbaba-bye kay Jeno na may kasama pang pagkaway. 

 

“Bye Daddy!” she said enthusiastically.

 

Renjun merely shook his head, fond of his daughter’s cuteness. 

 

━━━━━━━━━━

 

“Bigatin talaga ‘yang ex mo, ano?” sambit ni Yangyang habang pinagmamasdan ang labas ng establisyementong tinigilan nila. 

 

Hindi nagsalita si Renjun dahil may punto naman ang kanyang kaibigan. Masyado nga naman magarbo ang lugar na napili ni Jeno para sa kanilang dinner ngayong gabi. Hindi tuloy maiwasan ni Renjun na manliit pero mabilis niyang ipinilig ang ulo para wakasin ang pag-iisip no’n. 

 

“Baka pwede ko siyang maging ninong sa binyag ng anak ko,” dagdag nito kaya napalingon si Renjun sa kanya, kunot ang noo. 

 

“Heh. Anong anak? E wala ka ngang jowa,” 

 

“Well… Iyon ang akala mo,” Yangyang wiggled his brows. 

 

Renjun stared at him for a while to let it sink in what Yangyang meant. Nang ma-realize na walong bahid ng pagbibiro ang mukha ng kaibigan ay napatakip siya sa kanyang bibig at nanlalaki ang mga matang tumitig sa kaibigan.

 

“Oh my god ka!” hinampas ni Renjun ang braso nito.

 

Yangyang whimpered in pain. Hinaplos nito ang brasong nahampas, may bakas ng iritasyon ang mukha pero masyadong lutang si Renjun para mapansin iyon. Nang makabawi ay muli niyang hinampas ito.

 

“Why didn’t you tell me! Ikaw ha! Naglilihim ka na!”

 

Ngumiwi si Yangyang habang patuloy na hinahaplos ang braso pero gano’n pa man ay kitang-kita ang namumuong kasiyahan sa kanyang mukha. Renjun can’t help but to feel the same for his friend. Ang tagal rin naghintay ni Yangyang ang pagkakataon na ito kaya deserve na deserve niya ‘to.

 

“Don’t worry. I’ll tell you some other time but for now…” he looked at Renjun and smiled sheepishly. “Harapin mo muna si Jeno. Baka kanina pa nag-aantay ang isang ‘yon,”

 

Muntik nang mawala sa isip ni Renjun kung bakit sila nandito ngayon. Tinanguan niya si Yangyang at lumabas ng sasakyan. Nagpaalam sila kaibigan at pinanood makalayo ang sasakyan nito bago sila tuluyang pumasok sa restaurant. 

 

He was welcome by the staff of the said restaurant. Renjun told them there was a reservation from Lee Jeno and the staff answered that Jeno just arrived 15 minutes ago. He thanked them and a staff member walked them to their table. Malayo pa lang ay naaaninag na niya si Jeno. He was wearing formal clothes and his hair was slicked back, showing a glimpse of his forehead.

 

“Daddy!” 

 

Jeno stood up and welcomed Lilo into a hug. Renjun just nodded his head at him. Ang hindi niya inaasahan ay ang malambot na labi ni Jeno sa kanyang pisngi. He was too stunned to speak. Ramdam niya rin ang pag-iinit ng kanyang mukha. Nabalik lang siya sa wisyo when he felt someone tugging his hand. Bumaba ang tingin niya kay Lilo na kanina pa pala siya tinatawag.

 

“What is it, Lilo?”

 

“Dada, they have chocolates…” hindi na niya tinapos ang sasabihin dahil alam niyang alam na ni Renjun kung anong ibig sabihin nito. 

 

Renjun slowly shook his head. “No,” 

 

Lilo whined loudly, still tugging Renjun’s. “Please Dadaaaa,”

 

“I said no,” he said firmly. 

 

Nang magtama ang tingin nila ni Jeno ay may naglalarong ngiti sa labi nito. Mabilis niya nga lang binawi nang makitang nakatingin si Renjun sa kanya. Patuloy pa rin sa pag-ungot si Lilo at wala nang nagawa si Renjun kundi pumayag lalo na’t nakisama pa si Jeno sa pangugulit sa kanya. 

 

Hindi naman maiwasan makaramdam ng lungkot ni Renjun nang makitang naupo si Lilo sa tabi ni Jeno, may kung ano kasi silang pinag-uusapan na sila lang dalawa ang nagkakaintindihan. Pero mabilis niyang ipinilig ang ulo para alisin ang mga negative thoughts sa kanyang isip. Hindi dapat siya makaramdam nito dahil may karapatan si Jeno sa bata. Anak niya ito. Hindi naman habang buhay ay ipagkakait ni Renjun ang bata sa kanya. Mali iyon. 

 

Dumating ang waiter at pareho silang binigyan ng menu. Halos lumuwa ang mata ni Renjun sa mga presyo ng pagkain. Bilang lang sa daliri ang beses na nakakain siya sa mga ganitong klase ng lugar, madalas ay libre pa ng kanilang boss noong mga panahong junior pa siya. 

 

“Does she have food allergies?” tanong ni Jeno nang hindi inaalis ang tingin sa menu. 

 

Umiling si Renjun. “Wala naman. Pero hindi ko siya madalas pinapakain ng matatamis gaya ng chocolate kasi lagi niyang sasabihin na sumasakit ang ngipin niya,”

 

Upon hearing the statement, Lilo whined loudly. “Dada!”

 

Tumaas ang kilay ni Renjun sa anak. “What? I’m just telling the truth,”

 

Jeno can’t help but to pinch Lilo’s cheeks. There was a fond smile on his face and when he looked at Renjun it slowly fade away. Kinagat ni Renjun ang kanyang labi at nagyuko ng ulo.

 

Masakit. Hindi iyon itatanggi ni Renjun dahil alam naman niyang tama lang na magalit si Jeno sa kanya after ng paglilihim na ginawa niya. Sino ba namang matinong tao ang matutuwa kapag nalaman mong may anak ka pero itinago sa’yo ng limang taon? 

 

Bago pa man tuluyang magpalamon sa kalungkutan si Renjun ay nakaramdam siya ng mahinang tapik sa kanyang kamay. Kumurap-kurap siya at na-realize na kinakausap pala siya ni Jeno. 

 

“S-Sorry. Ano ‘yon?” he asked, dumbfounded.

 

The corner of Jeno’s lips went upwards. “I’m asking your order,”

 

“Huh? Uh…” bumaba ang tingin niya sa menu na hawak pero hindi siya makapili nang maayos dahil ramdam na ramdam niya ang titig ni Jeno sa kanya. He gulped nervously. 

 

Isinarado niya ang menu at nahihiyang tumingin kay Jeno. “Uh… water na lang sa akin,”

 

Jeno sent him dagger looks. Umiwas naman ng tingin si Renjun at inabala ang sarili sa pag-tingin sa interior ng restaurant habang si Jeno naman ay busy na nakikipag-usap sa waiter para sa kanilang order. 

 

Nang makaalis ang waiter ay may kinuha naman si Renjun sa bag na dala niya. Walang sabi niyang inabot kay Jeno ‘yon na kunot-noo namang kinuha. Saglit niyang pinagmasdan ito bago ibinalik ang tingin kay Renjun, nagtatanong.

 

“What’s this?”

 

Renjun fought the urge to roll his eyes. Isn’t it obvious? Malamang photo album.  

 

“That’s Lilo’s photo album. Nandyan lahat ng pictures niya mula baby hanggang sa present,” paliwanag nito.

 

Nagliwanag naman ang mukha ni Jeno at sinimulang buklatin ang photo album. While they were waiting for their order, Jeno spent his time flipping through the pages of Lilo’s photos. Paminsan-minsan pa ay tumitigil sa isang picture at itatanong kung kailan ito kinuhanan. 

 

Renjun felt his phone vibrate through the pocket of his slacks. Inilabas niya ito at nakitang may text galing kay Donghyuck.

 

Donghyuck:

 

Kumusta dinner niyo? Nag-usap na ba kayo?

 

Renjun:

 

Ano namang pag-uusapan namin? 

 

Agaran naman ang reply ni Donghyuck.

 

Donghyuck:

 

Ano pa? E ‘di yung tungkol sa inyo!!!

 

Renjun’s eyes widened upon reading the message. Wala sa oras siyang napainom ng tubig at muntik pang mabulunan. Sabay na napatingin ang dalawa sa kanya pero umiling lang si Renjun habang mahinang kinakabig ang dibdib. 

 

Renjun:

 

Ano bang pinagsasasabi mo? Patawa ka, alam mo ‘yon HAHA

 

“Is that a parrot?” narinig ni Renjun na tanong ni Jeno.

 

“Yes, Daddy! His name is Itchiro. He was Tito Yangyang’s birthday gift for me,” 

 

Renjun saw how Jeno’s brows furrowed at the mention of Yangyang’s name. 

 

“Who the fuck gives a bird on birthdays?” Jeno muttered under his breath. 

 

Renjun kicked his shin under the table, making him slightly winced as he looked up at Renjun. Pinanlakihan niya ng mata ang binata dahil baka marinig ni Lilo na nagmumura ito. 

 

“Lilo is allergic to fur pets, that's why Yangyang decided to give her a bird instead,” Renjun explained.

 

Hindi alam ni Renjun kung bakit nag-eexplain pa siya gayong wala rin namang itong sense dahil nasa gitna pa lang siya ng pagsasalita ay nakabusangot na ang mukha ni Jeno. Napangiwi si Renjun dahil doon. Hanggang ngayon ba ay badtrip pa rin ang isang ‘to kay Yangyang? 

 

High school pa lang sila ay matagal nang sinasabi ni Jeno na may lihim na pagtingin itong si Yangyang kay Renjun. Syempre hindi naniwala si Renjun at sinabing mag-kaibigan lang sila nito. Kung noong mag-kaibigan pa lang sila ay possessive na si Jeno, mas lalo itong nag-igting nang sagutin siya ni Renjun bilang boyfriend nito. Hindi alam ni Renjun kung anong ikinababahala nitong si Jeno noon gayong straight naman si Yangyang. 

 

Nang dumating ang kanilang order ay nagsimula na silang kumain pero si Jeno at Lilo lang ‘yon dahil masyadong namangha si Renjun si bandehadang pagkaing nakahain sa harap niya. Kung hindi pa siya mahinang sinipa ni Jeno sa ilalim ng lamesa ay hindi pa siya kikilos sa pagkain. 

 

“So tell me… when is Lilo’s birthday?” Jeno asked while slicing his steak.

 

“She was born on July 23 at 10:45 PM,” sagot naman ni Renjun, detalyadong-detalyado na siyang nagpataas ng kilay ni Jeno.

 

“May oras talaga, hah?”

 

Renjun rolled his eyes. “Baka kasi pati iyon itanong mo pa kaya inunahan na kita,” 

 

Hindi naman napigilan ni Jeno na matawa kaya bahagyang nagulat si Renjun sa kanya. Marami pang tanong na ibinato si Jeno na siya namang willing na sinagot ni Renjun. Mula sa paborito nitong kulay, pagkain, hayop, at iba pa. 

 

Patapos na silang kumain nang bitawan ni Jeno ang mga salitang hindi kailanman aakalain na marinig ni Renjun pagkatapos ng limang taon. Mabuti na lang at wala na siyang kinakain dahil kung meron man, malamang ay kanina pa siya nabilaukan. 

 

“It’s my parents 50th anniversary next week and they want to meet you and Lilo,” medyo nauutal na sambit ni Jeno. 

 

Namilog ang mga mata ni Renjun at laglag pangang tumingin kay Jeno. Gustong isipin ni Renjun na nagbibiro itong si Jeno pero sa itsura ng binata ngayon ay wala kang makikitang ni bakas ng pagbibiro. 

 

“W-What?” Renjun hissed. 

 

Umiwas ng tingin si Jeno. “They want to see you and Lilo,”

 

Sa loob na anim na taon ng kanilang relasyon ni Jeno ay dalawang beses lang nakita ni Renjun ang mga magulang nito. ‘Yung una ay noong birthday ni Jeno noong high school sila at ang huli ay ‘yung ipinakilala siya ni Jeno bilang boyfriend nito. 

 

Noon pa man ay alam na ni Renjun na tutol ang mga magulang ni Jeno sa kanilang relasyon dahil hindi nila matanggap na lalaki ang gusto ng anak nila. Pero gano’n pa man ay tumagal pa rin sila ni Jeno ng anim na taon, iyon nga lang ay hindi gaano sumasama si Renjun kay Jeno sa mga family events nito kahit na ba inaya siya ng binata. Mas gugustuhin niya na lang na magkulong sa apat na sulok ng shared apartment nila ni Jeno noon kaysa naman na makita niya ang busangot na mukha ng nanay ni Jeno sa tuwing magku-krus ang landas nila.  

 

“Uh… Jeno, I don’t think it’s a good idea,” Renjun trailed off, not wanting to meet Jeno’s gaze. 

 

Jeno clenched his jaw. “Sila mismo na nagsabi na gusto ka nila makita-”

 

“You can bring Lilo with you instead. I don’t mind,” umiling-iling si Renjun, may hilaw na ngiti sa labi. 

 

“But Renjun-”

 

“Excuse me, I need to go to the bathroom,” dire-diretsong sabi ni Renjun bago kumaripas ng alis papunta sa common bathroom. 

 

Humilig si Renjun sa likod ng pinto nang maisarado niya ito. Pikit ang mga mata ay huminga siya ng malalim at dinama ng kamay niya ang mabilis na pintig ng kanyang puso. Hindi niya itatanggi na nakaramdam siya ng kaba sa gustong mangyari ni Jeno. Kahit anumang oras ata ay hindi magiging handa si Renjun na harapin ang magulang ni Jeno.

 

━━━━━━━━━━

 

Tahimik ang biyahe pauwi sa apartment ni Renjun. Sa kanyang braso ay yakap-yakap niya ang tulog na si Lilo. Nang bumalik siya galing sa bathroom kanina ay hindi na sila nagtagal sa restaurant. Naramdaman ata ni Jeno ang pagbabago ng mood ni Renjun kaya naisipan na nitong umuwi. Balak sana magpasundo ni Renjun sa isa sa mga kaibigan niya pero bago pa man niya magawa ‘yon ay natagpuan na lamang niya ang sarili niya na nakaupo sa passenger’s seat ng sasakyan ni Jeno. 

 

Itinigil ni Jeno ang sasakyan sa mismong tapat ng building ng apartment ni Renjun pero bago siya makalabas ng sasakyan ay nagsalita na si Renjun.

 

“Sabihin mo na lang sa akin kung kailan para masabihan ko agad si Lilo,”

 

Umawang ang labi ni Jeno pero sinarado rin at tinanguan na lamang si Renjun. He then went out of the car and opened the door for Renjun. Tanging tipid na ngiti lamang ang isinukli ni Renjun sa kanya at mahinang ‘thank you’ bago nagsimulang maglakad pero agad rin napatigil nang tawagin siya ni Jeno.

 

“Jun,” he called softly.

 

Saglit na pumikit si Renjun at humigpit ang hawak kay Lilo before he turned his head to Jeno. Pinilit niya ngumiti kahit nanginginig na ang gilid ng kanyang mga mata dahil sa nagbabadyang luha na gusto nang kumawala. 

 

“Hmm,” hindi magawang makapagsalita ni Renjun dahil baka manginig ang boses niya at ayaw niyang mangyari uli ‘yon lalo na sa harap ni Jeno. 

 

Jeno heaved a sigh, nilagay nito sa magkabilang bulsa ang mga kamay. “I’m sorry,”

 

Malungkot na ngumiti si Renjun at tumango lamang bago tinalikuran si Jeno. 

 

Mataman na pinanood ni Renjun na matulog ang anak, malamyos na hinahaplos ang buhok nito. Ngayong nakapikit ito ay mas lalong nangibabaw ang pagkakahawig niya kay Jeno. Habang lumalaki ay iyon ang napapansin ng mga kaibigan at pamilya niya sa kay Lilo, na ka-mukha ni Jeno ang bata. Minsan napapaisip si Renjun kung may galit ba ang Diyos sa kanya at hindi man lang biniyayaan ang anak niya ng kahit isang features mula sa kanya. 

 

“Kamukhang-kamukha mo ang Daddy Jeno mo, anak,” hindi namalayan ni Renjun na may namumuo na palang luha sa kanyang mga mata. 

 

Hindi niya alam ang dahilan kung bakit siya umiiyak ngayon, ang alam niya lang ay kanina pa mabigat ang kanyang nararamdaman. Bago siya matulog ay nagdasal si Renjun na sana pag-gising niya ay wala na itong mabigat na nakadagan sa kanyang dibdib.

 

━━━━━━━━━━

 

Nagising si Renjun sa maingay na kalampag ng pinto ng kanyang kwarto at ang maingay na pagtunog ng kanyang cellphone. Napabalikwas siya ng bangon at kinusot-kusot ang magkabilang mata. Sa labas ng kanyang kwarto ay naririnig niya ang sigaw ng anak. Aksidente atang na-lock ni Renjun ang pinto ng kwarto kaya hindi makapasok ang bata. 

 

Bumangon siya sa kama at binuksan ang pinto. Dire-diretsong pumasok si Lilo at nagsisimulang magtatalon sa kanyang kama, yakap-yakap ang moomin plushie nito. Sinagot naman ni Renjun ang cellphone niyang kanina pa nagri-ring.

 

“Hello,” napapaos na sagot ni Renjun.

 

“Junnie!!!” nailayo ni Renjun sa kanyang tainga ang cellphone dahil sa tinis ng boses ni Donghyuck sa kabilang linya. 

 

Gustong murahin ni Renjun ang kaibigan dahil ang aga-aga ay ang taas ng energy nito. 

 

“What the hell is your problem? Hyuck, ang aga-aga pa,” tumingin si Renjun sa orasan na nakasabit sa kanyang dingding. “It’s just 7:30 in the morning for god’s sake!”

 

He heard shuffling from the other line bago niya narinig ang maingay na pag-hinga ni Donghyuck. “May sasabihin kasi ako sa’yo! Huwag kang mabibigla, hah?” 

 

Napaayos naman ng tayo si Renjun at inantay ang kung anumang ibabalita sa kanya ng kaibigan. 

 

“Ikakasal na ko!” masayang sambit nito sa kabilang linya.

 

Kumunot ang noo ni Renjun. Oo at alam niyang ikakasal itong si Donghyuck kay Jaemin kaya hindi niya maintindihan kung bakit niya ito sinasabi sa kanya gayong alam naman niya. Nag-propose si Jaemin kay Donghyuck six months ago at ngayon ay nagpa-plano na sila kung anong date nila gusto magpakasal. 

 

“I know that, Hyuck,” matamlay na sagot ni Renjun.

 

“Hindi! What I mean is I’m getting married today!” anito at nagawa pang humalakhak.

 

Renjun’s jaw dropped upon hearing the statement. Tulala niyang pinagmasdan ang anak na patuloy na tumatalon sa kanyang kama habang si Donghyuck ay hindi mapakali sa kabilang linya. 

 

“Hello? Jun, are you still there?”

 

Kumurap-kurap si Renjun. Masyado siyang nawindang sa sinabi ni Donghyuck at hindi agad na-process ng utak niya. 

 

“I’m sorry. What do you mean you are getting married today? Akala ko ba December niyo balak magpakasal ni Jaemin?” sunod-sunod na tanong ni Renjun. 

 

“Hay naku, Jun. Mahabang kwento. Saka ko na lang ike-kwento sa’yo. Ang mahalaga ay pumunta ka ngayon dito bago sumapit ang alas diyes,”

 

“Hyuck, are you really serious? Hindi ka nagbibiro?”

 

Donghyuck chuckled. “Of course I am. Do I sound like I’m joking to you?”

 

Tumagal pa ang usapan nilang dalawa bago tuluyang nakumbinsi ni Donghyuck ang kaibigan na hindi siya nagbibiro. Nang mamatay ang tawag ay nakapamewang na hinarap ni Renjun si Lilo. Magulo na nga ang kama niya kanina, mas lalo pang gumulo ngayon dahil sa anak. Muli niyang nilingin ang orasan at nakitang mahaba pa naman ang oras niya para maghanda sa kasal. 

 

Ani Donghyuck ay ite-text niya na lang kay Renjun ang address at nakausap na rin nito si Yangyang at sinabing ito ang magsusundo kila Renjun mamaya. Wala namang problema kay Renjun iyon dahil kung magsasarili siya ng biyahe ay baka mapatagal pa, mas maigi na itong may kasabay sila. 

 

Sinunod ni Renjun ang nais mangyari ng kanyang kaibigan. He wore the best formal outfit he could muster. Matagal na niyang hindi nasusuot ang coat na ito at laking pasalamat na lang talaga niya at kasya pa rin sa kanya ito. Dahil marami namang magagarbong bistida si Lilo, hindi na nahirapan si Renjun na hanapan ito ng isusuot, tumagal lang sa part ng pag-aayos ng buhok nito dahil saktong nag-play sa kanilang tv ang paborito nitong cartoon na palagi niyang inaabangan. 

 

“Lilo, huwag kang malikot. Magugulo ang buhok mo!” saway ni Renjun nang sinubukan ng bata sabayan ang opening song ng palabas. 

 

Yangyang just arrived on time. Formal din ang ayos nito, ang nagpagulat kay Renjun ay ang bagong ayos ng buhok nito. 

 

“Nagpagupit ka?” halata naman iyon pero hindi alam ni Renjun kung bakit niya tinanong pa.

 

Umirap naman si Yangyang at humalukipkip. “Obvious ba?”

 

Umirap pabalik si Renjun at hindi pinansin ang kaibigan. Habang busy sa pag-aayos ng gamit si Renjun ay narinig naman niyang mahinang nag-uusap si Yangyang at Lilo habang pinapakain ang alaga nitong parrot. 

 

“Really Tito? Is your baby a girl or boy?”

 

Hindi narinig ni Renjun ang sagot ng kaibigan, panigurado’y ibinulong na lang sa bata para hindi niya marinig. Muli siyang napairap. Ang arte, ah. Ano balak niya ba magpa-gender reveal bago ko malaman? Sa isip ni Renjun.

 

Si Yangyang ang pinagdala niya ng kanilang gamit samantalang siya ay hawak-hawak sa kamay si Lilo. Masyadong malaking abala na dinala pa ni Lilo ang malaki niyang moomin plushie. Maya’t-maya tuloy ang tigil nila sa paglalakad dahil palagi itong nabibitawan ng bata. Kaya bago pa naman dumating ang elevator ay kinuha na ni Renjun sa anak ito. 

 

Nasa biyahe na sila nang makatanggap ng mensahe si Renjun mula kay Jeno. Saglit niyang sinulyapan ang kaibigan at si Lilo bago binuksan ang text.

 

Jeno:

 

Where are you? I’m here at your apartment

 

Kinagat ni Renjun ang kanyang labi. Naibaba niya ang cellphone at nag-isip ng isasagot. Bigla tuloy siya nakaramdam ng guilt sa hindi malaman na dahilan. 

 

Renjun:

 

Nasa biyahe na kami papunta sa resort. Sorry nakalimutan kitang sabihan. Are you also coming?

 

The last question was so dumb of Renjun. Of couse he will be there! He’s Jaemin bestfriend afterall. Hindi niya pwedeng ma-miss ang isa sa pinaka-importanteng event sa buhay ng kanyang matalik na kaibigan dahil ganoon rin si Renjun kay Donghyuck. 

 

Jeno:

 

Sabay na sana tayo nila Lilo pumunta kaso nakaalis ka na pala. 

 

Hindi alam ni Renjun kung nababaliw na ba siya pero nararamdaman niya ang sarkasmo sa text ni Jeno habang binabasa ang mensahe nito. Kumunot ang noo niya at bago pa siya makapagtipa ng isasagot ay may dumating uli na mensahe mula dito. 

 

Jeno:

 

Who are you with?  

 

Nilingon ni Renjun si Yangyang na siya naman nakatulala sa labas ng bintana dahil saktong nasa stop light sila. 

 

Renjun:

 

I’m with Yangyang.

 

Ilang minutong nag-antay ng reply si Renjun pero ni isa ay walang dumating kaya sa huli ay sumuko na lang siya at pinatay ang cellphone. Wala naman siyang mapapala kung maghihintay lang siya sa wala. 

 

Mahaba ang biyahe papunta sa event ng kasal kaya nakatulog si Lilo sa kalagitnaan ng biyahe. Balak pa nga sanang tumigil ni Yangyang sa isang fast food chain para mag-drive thru kaya nagtalo pa sila ni Renjun pero sa huli ay pumayag na rin ito. Kaya in the end, late sila ng 10 minutes. Mabuti na lang at hindi pa nagsisimula dahil inaayos pa raw ang pagdarausan. 

 

Simple beach wedding ang naisip ni Donghyuck at Jaemin. Ang totoong balak nilang dalawa ay sa west lang muna pero mapilit si Donghyuck at gustong papuntahin ang mga kaibigan nila dahil aniya’y masyadong boring daw kung sila lang dalawa pero para naman kay Jaemin ay intimate ‘yon dahil masosolo niya ang nobyo. 

 

Dumating ang magkakasal at nagsimula na ang entourage. Nagulat si Renjun nang paglingon niya ay nasa tabi na niya si Jeno. Looking so dashing in his white coat, tinalo pa ‘yung ikakasal. Doon lang na-realize ni Renjun na sila ang magka-partner sa mini entourage na gagawin nila.  

 

His hands suddenly felt cold and started sweating. Hindi nagsasalita si Jeno sa kanyang tabi at tahimik lamang. Wala ang maingay na si Lilo dahil nasa mga magulang ito ni Donghyuck. When it was their turn, Jeno reached for Renjun’s and linked it with the crook of his arm and started walking slowly. 

 

Halos nasa kanila ang mata ng lahat. Nahagip ng mga mata ni Renjun si Lilo na may malaking ngiti sa labi, sa tabi nito ay si Yangyang na hindi niya namalayan na kinukuhanan pala sila gamit ang camera nito. 

 

Buong akala ni Renjun ay hindi tatabi si Jeno sa kanya pero mali siya dahil halos lang silang sabay na naupo. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito lalo na nang magdikit ang mga braso nila. Tumayo silang lahat para salubungin si Donghyuck na nasa entrada ng mini arch na ginawa nila. 

 

Simple lang ang suot nito at halatang-halata ang kasiyahan sa mukha. Maluha-luha itong naglakad papunta sa kung nasaan si Jaemin na nangingilid na rin ang luha, inaantay ang kanyang minamahal. Nang makarating sa unahan ay hinalikan ni Jaemin ang pisngi ni Donghyuck kaya mahina siya nitong hinampas. 

 

Sa gitna ng seremonya ay dumating si Lilo at naupo sa kandungan ni Jeno. Sinubukan namang makinig ni Renjun sa sinasabi ng nagsasalita pero lumilipad ang isip niya lalo na’t ang malilikot na daliri ni Jeno ay naglalaro sa ibabaw ng kanyang tuhod, nakakakiliti iyon dahil medyo manipis ang slacks na suot niya. 

 

Hindi maiwasan maluha ni Renjun nang sabihin ng mag-nobyo ang kanilang wedding vows para sa isa’t-isa. Naramdaman niya ang pag-gapang ng kamay ni Jeno sa kanyang kandungan at nang tingnan niya iyon ay nakalahad ang kamay nito at may hawak na puting panyo. Umangat ang mga mata niya kay Jeno at naabutan niyang nakatingin rin ito sa kanya, nilalahad ang hawak na panyo. Wala namang nagawa si Renjun kundi kunin ito at nagsimulang magpahid ng luha. 

 

Pumalakpak silang lahat nang mag-halikan na si Jaemin at Donghyuck. Mabilis ang lahat ng pangyayari, pagkatapos na pagkatapos ay dumiretso sila sa reception na sa mismong resort rin. Nang sumapit ang dapit hapon ay unti-unti ng nagsi-alisan na bisita (na kokonti lang naman.) May flight kasi ng alas siyete ang mag-asawa para sa kanilang honeymoon. 

 

Nagpaalam si Renjun sa kanyang mga kaibigan na halos isang buwan niyang hindi makikita dahil plano na rin nila magbakasyon muna. Halos hindi makahinga si Renjun nang yakapin siya ng pagkahigpit-higpit ni Donghyuck. Pakiramdam niya ay mauubos ang dugo niya sa higpit. He smacked Donghyuck’s arm, forcing him to let go. 

 

“Junnie, I’m gonna miss you,” anito, hindi pa rin bumibitaw.

 

Renjun laughed and hugged him tightly too. Yumuko naman si Donghyuck, sakto lang sa tapat ng kanyang tainga. 

 

“Dapat pagbalik ko ay maayos na uli kayo ni Jeno,” may diin sa boses nito na siyang nagpataas ng balahibo sa katawan ni Renjun. 

 

Nang humiwalay ay seryoso ang mukha ng kaibigan. Umiwas ng tingin si Renjun. Tumikhim siya. “O-Okay naman kami, ah?”

 

Nginiwian lang siya ni Donghyuck at may sinabi pang kung ano bago tinawag si Jaemin. Yumakap si Jaemin sa kanya at gaya ng kanyang asawa ay may ibinulong rin ito kay Renjun. Sinimangutan lang ni Renjun ang mag-asawa at hindi na lang pinatulan ang pangungutya ng dalawa. 

 

Renjun was about to approach Yangyang when someone spoke behind him. He turned his head to see who it was and it’s Jeno. 

 

“Ihahatid ko na kayo,” he said firmly.

 

Umawang naman ang labi ni Renjun para sa kanyang sasabihin pero nagsalita uli si Jeno. “Yangyang already went home. May emergency raw sa kanila,”

 

Tumango-tango na lang si Renjun dahil wala rin naman siyang magagawa. Halos sabay-sabay lang lahat sila lumabas ng resort. Buhat-buhat niya ang tulog ng si Lilo na mukhang napagod sa katatakbo at pakikipaglaro sa mga bata kanina. 

 

Buong biyahe ay walang nagsasalita sa pagitan ni Renjun at Jeno. Isa pa ay dahil patay sa tulog si Lilo kaya walang maingay. Tanging ang music lang mula sa stereo ng sasakyan ni Jeno ang maingay sa kahabaan ng biyahe. 

 

Hindi alam ni Renjun kung paano nakakaya ni Jeno ang katahimikan na ito samantalang siya ay halos na mabingi na sa sobrang tahimik. His fingers were busy playing the strands of Lilo’s hair.

 

“Uh…” Renjun cleared his throat. 

 

Jeno took a quick glance at him before his eyes went back to focus on the road. “Is there something you want to say?”

 

Renjun bit the inside of his cheeks. “A-About doon sa anniversary na parents mo. I just want to know kung kailan ‘yon?” 

 

Hindi agad sumagot si Jeno. Narinig niya ang maingay na pagbuntong-hininga nito bago nagsalita. “This coming week. It’s on Sunday. Why?”

 

Saglit na nakipagtalo si Renjun sa kanyang sarili. Pero sa huli sumuko na rin siya at napagdesisyonan na sabihin na lang kay Jeno. 

 

“I have this seminar kasi starting from Thursday hanggang Sunday means-”

 

“It’s fine. Lilo can stay with me for a while,” 

 

Just the mere thought of Lilo staying with Jeno’s parents’ house has Renjun’s heart quivering in fear. Tila nabasa naman ni Jeno ang kanyang iniisip kaya agad nitong dinugtungan ang sasabihin.

 

“Don’t worry. She’s staying at my condo, not in my parents’ house. If that’s what you’re thinking,” 

 

Renjun just nodded his head, unable to say a word.

 

━━━━━━━━━━

 

Inabala ni Renjun ang kanyang sarili sa trabaho. Halos hating-gabi na siya kung umuwi dahil hindi talaga siya aalis ng opisina hangga’t hindi niya natatapos ang naka-assign na gawain sa kanya. Naisip kasi ni Renjun na tapusin na lahat ang tasks niya ngayong linggo dahil after ng kanyang seminar ay bakasyon na siya. Sa ganoon ay magkakaroon na siya ng oras para kay Lilo. 

 

Dahil nga abala siya sa trabaho ay si Jeno muna ang palaging kasama ni Lilo ngayon. Si Jeno rin ang madalas na sumusundo kay Lilo sa school at paminsan-minsan ay sinasama niya rin ito sa kanyang condo kapag wala pa sa apartment si Renjun. Wala rin kasing access si Jeno sa apartment kaya hindi rin sila agad dumidiretso doon. One time na nagkita sila ni Renjun ay noong susunduin niya si Lilo para ihatid ito sa school. Walang salitang inabot sa kanya ni Renjun ang tingin niya’y susi ng apartment. 

 

Ngayon ay maagang natapos si Renjun sa trabaho kaya nagkaroon siya ng oras para magluto ng hapunan. Jeno texted him saying that they went to the mall to buy something. Sinagot naman ni Renjun na dumiretso na sila sa apartment dahil nga nagluto siya. 

 

Hindi naman gano’n ka-rami ang niluto ni Renjun pero sapat na sa kanilang tatlo. Abala siya sa paghahain ng plato nang tumunog ang doorbell. Saglit niyang iniwan ito pero huli na ang lahat dahil bumukas ang pinto at iniluwa si Jeno at Lilo. 

 

“Dada!” masiglang bati ni Lilo at yumakap kay Renjun. 

 

Niyakap naman pabalik ni Renjun ang anak. Pakiramdam niya ay matagal na mula nang mayakap niya ng ganito si Lilo. Bumitaw siya sa yakap at hinarap si Jeno na tahimik lang silang pinapanood. Inabot nito ang paper bag na hawak kay Renjun. Kunot-noo namang kinuha ni Renjun iyon at sinilip kung anong laman. Sari-saring art supplies ang nasa paper bag, may paint brush na iba’t-iba ang sizes, may acrylic paint, at pallete na kasama. 

 

“Lilo-” Jeno was cut off by Lilo.

 

“Daddy bought that for you, Dada!” sambit nito bago dumiretso sa living room at nilipat sa paborito nitong cartoon channel. 

 

Jeno scratched the back of his head shyly, his face and ears were red. Kinagat ni Renjun ang labi para pigilan ang paglaki ng kanyang ngiti. 

 

“Uh… thank you… for this,” ani Renjun, iminuwestra ang hawak na paper bag. 

 

“No problem,” Jeno said sheepishly.

 

Lugmok sa panonood ng cartoon si Lilo kaya nagpasya naman si Jeno na tumulong sa paghahain. Tahimik lang na nagsasandok ng kanin si Renjun habang si Jeno ay abala sa pag-aayos ng hapag. Hindi naman maiwasan ni Renjun na mapangiti dahil nagsusumigaw ng pagka-domestic ang ginagawa nila ni Jeno habang ang anak nila ay nasa living room at babad na babad sa panonood. 

 

Pinigilan ni Renjun ang sarili na ngumiti at baka mapansin pa ni Jeno. Mahirap na. Imbes ay tinawag na lamang niya si Lilo at sinabing kakain na. Agad namang sumunod ang anak at dumiretso sa hapag at naupo sa kanyang silya. 

 

Nagkatinginan si Jeno at Renjun nang sabay nilang lagyan ng kanin ang plato ni Lilo dahilan para magreklamo ang anak dahil ang daming kanin na nilagay sa kanyang platito. Tinanguan na lamang ni Renjun si Jeno at hinayaan na itong mag-asikaso sa pagkain ng anak. Naupo na lamang siya sa kanyang silya at nagsimulang magsandok ng kanin sa sarili niyang plato. 

 

Maingay ang naging hapunan nila dahil maraming baon na kwento si Lilo. Kwento mula sa naging lakad nila ni Jeno kanina. Renjun listened to her diligently. Sa gilid ng kanyang mata ay busy sa pagtatanggal ng balat ng hipon si Jeno pagkatapos ay inilalagay ito sa plato ni Renjun. Tanging tipid na ngiti lamang ang ibinibigay ng binata sa kanya. 

 

“And you know what, Dada? Tita Amy is so pretty!” she giggled and took a huge bite of her food. 

 

Ang pasubo na sanang kutsara ay tumigil sa ere nang marinig ni Renjun ang deklarasyon ng anak. Ramdam niya rin ang pag-ugat ni Jeno sa kanyang inuupuan. Mukha namang hindi napansin ni Lilo iyon dahil patuloy pa rin siya sa pagku-kwento tungkol sa kung gaano ka-bait at ka-ganda si Amy. 

 

Hindi alam ni Renjun kung bakit pero bigla na lang siya nawalan ng gana kumain. Dapat ay hindi na siya apektado dahil matagal na rin naman silang hiwalay ni Jeno. Nandito lang siya ngayon dahil may responsibilidad siya bilang ama ni Lilo. Iyon lang at wala nang iba. 

 

Nang matapos sila kumain ay nag-volunteer si Jeno na siya na ang maghuhugas ng kanilang pinagkainan pero tumanggi si Renjun at sinabing asikasuhin niya na lamang si Lilo na maglinis ng katawan. Kaya naman iyon ang ginagawa niya ngayon. Mula sa kusina ay rinig na rinig ni Renjun ang matinis na sigaw ng anak, paniguradong nilalamig na naman sa tubig. 

 

Ang buong akala ni Renjun ay nasa kwarto si Jeno at sinasamahan ang anak pero laking gulat niya nang ilapag nito ang pinag-inuman na baso sa gilid ng lababo kung saan nakalagay ang mga sinabon niyang platito. Walang salita naman niyang kinuha iyon at sinimulang pabulain. 

 

Parang estatwang nakatayo si Jeno sa kanyang gilid kaya naman nilingon siya ni Renjun at pinagtaasan ng kilay, inaantay ang kung anumang sasabihin nito. Sa huli ay bigong bumuntong hininga si Jeno at ibinaon ang mukha sa balikat ni Renjun. 

 

Tila nag-ugat ang mga paa ni Renjun sa kanyang kinatatayuan nang maramdaman ang mainit na hininga sa kanyang leeg. Hindi na niya natuloy ang ginagawa dahil nanginginig ang mga kanyang kamay bunga ng paghuhuramentado ng kanyang puso. 

 

“Amy is just my friend,” Jeno muttered softly, eyes watching Renjun’s reaction closely.

 

Renjun swallowed the lump on his throat and just nodded his head. Kung siya ang tatanungin, hindi niya alam kung anong tamang isasagot sa sinabi ni Jeno. At hindi niya rin alam kung bakit sinasabi sa kanya ni Jeno ito gayong hindi naman na kailangan dahil hindi naman na sila. Labas na si Renjun sa kung anumang meron sa kanila ni Amy. 

 

“Please say something,” he added, planting a soft trail of kisses along his neck down to his shoulder blades. 

 

Renjun’s legs feel a little wobbly and he holds onto the edge of the sink firmly. He didn’t notice that Jeno was already caging him with his arms but giving him enough space to move. Hindi na makapag-isip ng tama si Renjun dahil ang tanging nasa isip niya lamang ay kung paano niya mahahalikan si Jeno nang hindi ito nababasa dulot ng basa niyang kamay. 

 

Mabilis na ipinilig ni Renjun ang ulo. He needs to get hold of himself. Hindi siya pwedeng magpadala sa tukso. Umayos siya ng pagkakatayo dahilan para mapabitaw si Jeno sa kanya. Saglit na sinulyapan ni Renjun ito at nakitang medyo busangot ang mukha nito.

 

“H-Hindi mo naman kailangan mag-explain. I understand kung nagkikita pa rin kayo ni-”

 

“We’re not seeing each other, Jun,” mabilis na putol sa kanya ni Jeno. 

 

Umawang ang labi ni Renjun. Itinuloy naman ni Jeno ang kanyang sinasabi. 

 

“Nagkataon lang na nandoon rin siya sa mall and we bumped to each other then she invited us to have dinner with her. Iyon lang!” nag-habol ng hininga si Jeno. 

 

Renjun can tell that Jeno is telling the truth. Hindi naman sila tatagal ng limang taon kung hindi gano’n kalaki ang tiwala niya sa binata.  Alam niya kung kailan nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling si Jeno.

 

Ngumuso siya, nag-iisip ng sasabihin habang si Jeno ay mataman na nakatingin sa kanya. 

 

“You know, Jeno…” Renjun trailed off, eyes darting at Jeno. “I don’t really mind kung may namamagitan man sa inyo ni Amy. We’re not together anymore and you’re just here because of Lilo-”

 

“Please shut up,” Jeno closed his eyes, clenching his jaw tightly. 

 

Huli na bago ma-realize ni Renjun ang kanyang sinabi.

 

“Jen, I’m sorry-”

 

Jeno raised his index finger, stopping Renjun from talking. His face were red, as if he was controlling his anger. Nang dumilat siya ay namumula na ang mga mata nito. Renjun felt his heart sink at the sight of Jeno. 

 

Sabay silang napalingon kay Lilo nang bigla itong magsalita. Nakatayo ito sa hamba ng pintuan, magulo ang buhok at yakap-yakap sa braso ang kanyang moomin plushie. 

 

“Dada, are you fighting?” bakas ang lungkot sa boses nito.

 

Mabilis na umiling si Renjun at pupuntahan sana siya kaso naunahan na siya ni Jeno. Binuhat niya ito at inayos ang nagulong buhok. Mukhang nagising ata dahil sa kanilang dalawa. 

 

“No sweetheart, we’re not fighting… We’re just…” bumuntong hininga si Jeno at sinulyapan si Renjun. “... talking,” 

 

Lilo was yawning as she nodded her head. Pagkatapos ay ibinaon ang mukha sa leeg ni Jeno, ang maliliksi niyang braso ay nakapulupot sa batok nito. Malamyos namang hinaplos ni Jeno ang likod, pinapatulog ito.

 

“Tulog ka na. Daddy will go home na din,”

 

Nag-iwas ng tingin si Renjun at itinuloy na lamang ng tingin. Naririnig-rinig niya pa rin ang munting pag-uusap ng mag-ama. 

 

“C-Can you sleep here instead, Daddy?” her voice was muffled. 

 

Batid ni Renjun na nasa kanya ang paningin ni Jeno pero hindi niya magawang tapunan ng tingin ito, imbes ay inabala na lamang niya ang sarili sa ginagawa nang sa ganoon ay makapagpahinga na siya. Unti-unti na rin kinakain ng pagod ang katawan niya. Maaga pa ang lakad niya bukas. 

 

“I can’t, sweetie. Daddy has work tomorrow and wala rin akong dalang damit.” mahinahon na paliwanag ni Jeno sa anak. “But don’t worry, I’m gonna be back din,”

 

Hindi na nagsalita si Lilo. Siguro ay nakatulog na. Dumiretso si Jeno sa kwarto nito at inilapag sa kama bago kinumutan. He then caressed her hair and kissed her forehead softly. Lumipad ang tingin niya sa kwadrong nasa bedside table ni Lilo. 

 

It was a picture of her and Renjun. 

 

Tingin ni Jeno ay matagal na ang picture na ito dahil maliit pa lang si Lilo doon at medyo payat pa si Renjun. Mahina niyang tinampal ang magkabilang pisngi at makailang beses na kumurap. He stood up and slid his hands inside the pocket of his slacks. 

 

He spared one last glance to his sleeping daughter before he went out of her room. Nang lumabas siya ay bumungad sa kanya ang tahimik na living room. Ni walang bakas ni Renjun, siguro ay nasa kwarto na ito. Gano’n pa man, kahit nasaktan siya sa sinabi ni Renjun ay nag-iwan pa rin siya ng note na nagsasabing uuwi na siya at babalik na lang bukas para kaunin si Lilo. Ipinaskil niya iyon sa ref at lumabas na ng apartment. 

 

━━━━━━━━━━

 

“Dada, please don’t leave,” umiiyak na sambit ni Lilo. 

 

Mahigpit ang yakap nito kay Renjun at parang ayaw na bumitaw kaya naman hirap na hirap si Renjun sa pag-aayos ng kanyang gamit. Puno na rin ng luha ang mukha ni Lilo dahil kanina pa siya umiiyak kahit inaamo na siya ni Jeno. 

 

“Ilang days lang naman mawawala si Dada, anak. Babalik din ako agad,”

 

Mas lalo lang lumakas ang iyak nito. Saglit na itinigil ni Renjun ang ginagawa at nilingon si Jeno na tahimik lang silang pinagmamasdan, nakahalukipkip at nakahilig sa hamba ng pintuan. Pa-simpleng umirap si Renjun.

 

Hindi niya ba nakikita na nahihirapan ako? Renjun thought to himself. 

 

Kung ano-ano pang mabubulakak na salita ang sinabi ni Renjun para lang mapatahan ang anak na agad rin namang tumigil nang sabihin ni Renjun na uuwian niya ito ng maraming chocolates. Sinusuklay ni Renjun ang buhok ni Lilo habang si Jeno ay inilalagay na ang bagaheng dadalhin niya sa sasakyan nito. 

 

Alas nuwebe ang flight ni Renjun at ngayon ay malapit nang mag-alas otso pero wala pa rin siya sa airport kung saan naghihintay ang iba niyang mga kasamahan. 

 

Kandong-kandong niya sa kanyang kandungan si Lilo habang si Jeno ay tahimik na nagmamaneho. Mula nang dumating siya sa apartment ni Renjun ay wala na itong kibo, tanging si Lilo lang ang kinakausap nito. 

 

Unfair para kay Renjun iyon dahil paano siya natitiis ni Jeno na hindi kausapin but then naisip niya kasalanan naman niya? So deserve niya ang cold treatment ni Jeno ngayon pero hindi na sila bata-

 

“Uh… we’re here,” Jeno declared, stopping Renjun from his train of thoughts. 

 

Naunang bumaba si Jeno para kunin sa likod ang bagahe ni Renjun kaya agad rin silang sumunod ni Lilo. Buhat-buhat niya ang anak na nakabusangot muli ang mukha. Nginitian siya ni Renjun at sinuklay-suklay ang umaalon nitong buhok. 

 

“Be a good girl for Dada, huh?”

 

“Y-Yes Dada,” she sniffed, her eyes were puffy from crying and her nose was red. 

 

Renjun reached for his luggage na agad namang inabot sa kanya ni Jeno. He looked at him expectantly but Jeno was busy consoling their daughter. Ngumuso siya at magpapaalam na sana nang mag-angat ng tingin sa kanya si Jeno. 

 

Maraming tao sa airport, sari-sari ang ingay pero tanging malakas na kabog ng kanyang dibdib lamang ang naririnig ni Renjun lalo na nang lumapat ang labi ni Jeno sa kanya. Saglit lang iyon pero pakiramdam niya ay mababaliw na siya. 

 

Jeno cupped his cheeks and stared at him straight in the eyes. Malapit na ata mabingi si Renjun dahil hindi na magkamayaw sa paghuhuramentado ang puso niya. Tumitig siya pabalik kay Jeno at inantay ang sasabihin nito. 

 

“We'll talk when you come back,” Jeno whispered softly before engulfing him in a hug. 

 

Si Jeno ang unang kumalas sa yakap pero nanatili sa maliit na bewang ni Renjun ang mga kamay niya. Akala ni Renjun ay hahalikan siya uli nito at hindi naman siya nagkamali, iyon nga lang ang inaasahan niya ay sa labi at hindi sa noo. Bahagyang bumusangot ang mukha niya na nagpatawa kay Jeno. 

 

Bumaba ang tingin nila kay Lilo nang isiksik nito ang sarili sa pagitan nilang dalawa. Natawa si Renjun at kinurot ang pisngi ng anak. 

 

Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin si Renjun sa dalawa. Hila-hila ang kanyang bagahe ay tinahak niya ang daan papasok sa loob ng airport. Hanggang sa makasampa siya ng eroplano ay ang tanging nasa isip niya lamang ay ang halik ni Jeno at ang malambot nitong labi. 

 

Hinaplos niya ang sariling labi at hindi maiwasan na mapahagikhik dahilan para mapatingin sa kanya ang isa sa mga kasama niya, nagtataka.

 

Now, I already can’t wait to finish this and go home. 

 

━━━━━━━━━

 

Pagkaapak pa lang na pagkaapak ng eroplano sa kanilang destinasyon ay wala nang pagkakataon si Renjun na bigyang pansin ang mga tanawin na nakikita niya dahil agad rin silang isinabak sa trabaho. Ganoon ang naging routine nila sa loob ng dalawang araw. Tuwing gabi na lang niya nakakausap ang mag-ama dahil doon lang naman siya hindi busy, pero kapag may free time naman siya ay walang palya ang pagte-text niya kay Jeno tungkol kay Lilo. 

 

Sabado ng kinagabihan ay masayang nag-celebrate si Renjun at ang kanyang mga kasamahan para sa kanilang successful na seminar. Bukas na rin ng umaga ang alis nila. Nanghihinayang si Renjun dahil wala man lang siyang panahon para makapag-gala but then trabaho naman ang ipinunta niya dito at hindi pagpapasaya sa sarili. 

 

Nang matapos kumain ng dinner ay nagkayayaan mag-inuman ang mga kasama niya pero maagap na tumanggi si Renjun at sinabing mauuna na siyang bumalik sa villa dahil gusto niyang makausap si Lilo… syempre pati na rin si Jeno. Kaya naman pagkatapos niyang maligo ay agad niyang inilagay sa video call ang cellphone. Ilang beses pa iyon nag-ring bago sinagot ni Jeno ang tawag. Si Lilo ang bumungad sa kanya at ang nakakagulat dito ay ang ayos ng itsura niya. May bahid-bahid ng chocolate sa gilid ng labi. 

 

“Lilo, what happened to your face? Bakit ganyan ang itsura mo? Where’s Jeno?” sunod-sunod na tanong ni Renjun. 

 

“Dada, I’m eating chocolates! Look oh!” she then showed a pack of a known brand of chocolate. 

 

Napasapo na lamang sa noo si Renjun. 

 

“Hindi ba’t sabi ko sa’yo na huwag ka masyado kakain ng matatamis? Paano kapag sumakit ang ngipin mo?” malumanay na saway ni Renjun. 

 

Lilo pouted her lips. Her long hair was tied into a space bun. Tumaas ang kilay ni Renjun sa kaisipan na baka si Jeno ang nag-ipit no’n sa anak. May kaluskos sa background ni Lilo at hindi nagtagal ay nagpakita si Jeno na mukhang kagagaling lang din sa shower. 

 

“Daddy, Dada’s looking for you!” sambit ni Lilo.

 

Nanlaki ang mga mata ni Renjun at bago pa man niya masaway ang anak sa ginawa ay nasa screen na niya si Jeno. Umayos ng pagkakahiga si Renjun at pa-simpleng inaayos ang bahagyang nagulong buhok. 

 

Ilang minuto silang nagtitigan bago binasag ni Jeno ang katahimikan.

 

“How’s your day?” he asked with a voice hoarse. 

 

Renjun bit his lip. “Uhm, it went fine. I-Ikaw?” 

 

Akala niya ay nag-hang ang tawag dahil hindi agad sumagot si Jeno pero nang kumurap ang mga mata nito ay napanatag ang loob ni Renjun. 

 

“I miss you,” Jeno muttered under his breath. 

 

Ramdam ni Renjun ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi at parang kamatis sa sobrang pula ang mukha niya nang mahagip niya ito sa camera. 

 

“I-I miss you too…” nanlaki ang mga mata ni Renjun sa kanyang sinabi, ganoon rin si Jeno kaya agad niyang dinagdagan ito. “... and of course si Lilo din,” 

 

Mahinang humalakhak si Jeno, sapat lang para magwala ang muling mga nabuhay na paro-paro sa tiyan ni Renjun. 

 

My god! Years has passed pero ganito pa rin epekto sa akin ni Jeno! Parang wala man lang nagbago. 

 

Jeno shifted from his seat. Sinuklay-suklay niya rin ang medyo humahaba niyang buhok. Wala namang magawa si Renjun kundi panoorin siya ng namamangha. 

 

Renjun, you’re not a teenager anymore to act like this around him. Wala na kayo sa high school! Renjun scolded himself. 

 

“I’m sorry I can’t fetch you tomorrow. Mom wants us to go early since she’s really excited to meet Lilo,” 

 

Oo nga pala. Bukas ang sinasabi ni Jeno na anniversary ng parents niya. 

 

“Okay lang. Baka gabi na rin ako makauwi dahil alam mo na, matagal ang biyahe,” mataman na ngumiti si Renjun sa kanya. 

 

Hindi rin nagtagal bago nagpaalam si Renjun dahil nakakaramdam na ng pagod ang katawan niya. He bid his goodbye at the two before ending the call. Magaan at may ngiti sa labing nakatulog si Renjun. 

 

━━━━━━━━━━

 

Maganda ang umaga ni Renjun kaya naman alas sais pa lang ay gising na siya. Nagkaroon pa siya ng oras makapaglibot sa resort. Kumuha rin siya ng mga litrato at bumili ng souvenirs para kay Jeno at sa mga kaibigan niya. Nang matapos ay bumalik siya sa villa para maligo at nang makapag-almusal na. 

 

When he was done, all of his co-workers were already awake. Pinuna nila ang maagang pag-gising ni Renjun pero tanging ngiti lamang ang isinusukli niya sa mga ito. Hindi na kasi siya makapag-antay na umuwi at makita ang mag-ama kahit alam niyang gagabihin siya sa biyahe. 

 

Nang sumapit ang alas nuwebe ay tumulak na ang kanilang grupo patungo sa airport. Tanging si Renjun ang masigla sa lahat dahil ang iba ay may hangover pa sa inuman na naganap kagabi. Umiling-iling si Renjun. Ayan inom kasi nang inom. Tsk. 

 

Pagkadating sa airport ay saktong flight na nila kaya naman nagkukumahog silang pumasok para lang umabot sa nasabing flight. Nakatulog si Renjun sa buong biyahe at gigising lamang para mag-bathroom o ‘di kaya kumain. 

 

Alas otso na ng gabi nang lumapag ang eroplano nila sa Maynila. Muling nabuhayan ng loob si Renjun sa pag-asang makikita na niya uli si Jeno. Kanina pa siya excited at kating-kati na ang mga paa niya na makatapak sa sahig ng kanyang apartment. 

 

They all parted ways. Nag-book ng cab si Renjun habang bumibili ng mga chocolates na iuuwi kay Lilo. Sa biyahe pauwi ay in-off niya ang naka-airplane mode niyang cellphone. A message from Jeno popped up on his notifications. He sent a picture of Lilo wearing a pastel pink dress. There was a cute clip attached to her wavy hair. Nag-react ng heart si Renjun sa picture pagkatapos ay ibinulsa ang cellphone. 

 

Unti-unti na siyang nakakaramdam ng jet lag si Renjun pero pinigilan niya ang sarili na umidlip lalo na’t nasa biyahe pa siya pauwi. Kaya naman kahit wala siyang makikita kundi poste ng ilaw ay inabala niya ang sarili sa pagtanaw sa labas ng bintana. 

 

Dahil may kalayuan ang address ng apartment ay alas nuwebe y media na tuluyang nakauwi si Renjun. Pinasalamatan at nagbayad siya sa driver at nang makababa ay doon niya napansin ang nakaparadang sasakyan ni Jeno. 

 

Kumunot ang noo ni Renjun at saglit na pinagmasdan ang kotse. Tapos na ba ang party? O ibang sasakyan ang sumundo sa kanila? 

 

Para masagot ang tanong ay nagpasya na si Renjun na umakyat sa apartment. Kahit hagdan ang madalas niyang gamitin ay ngayon nag-elevator siya dahil sa dala niyang bagahe. Tahimik ang buong hallway patungo sa kanyang unit, sabagay anong oras na rin naman. 

 

Hawak ang door knob ay ipapasok niya pa lamang ang susi nang ma-realize niyang hindi ito naka-lock. Mas lalong lumalim ang gitla sa noo ni Renjun. Tatlong tao lang naman ay may hawak ng duplicate ng susi nitong apartment. Una, ang parents niya. Pangalawa, si Sungchan. At huli si Jeno. Malabo namang magulang niya ang nasa loob lalo na si Sungchan.  

 

Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob. Maingat ang bawat galaw niya na para bang takot na takot siyang marinig ni Jeno. 

 

Renjun spotted him in the living room. Eyes focused on the tv. Sinundan niya ng tingin ang pinapanood ni Jeno. Umawang ang labi niya sa nakikita. 

 

In front of him was Jeno watching the documentary video of him giving birth to Lilo. It was Jaemin’s idea and the one who filmed it pagkatapos ay inilagay ito sa cd at niregalo noong birthday ni Renjun. 

 

Renjun cried the first time he watched it. He remember how nervous he was that time. Kaya laking pasalamat niya talaga dahil nandoon ang mga kaibigan niya para samahan siya kahit panay ang hampas ni Donghyuck noon kay Jaemin dahil ayaw nitong bitawan ang video camera na dala. Renjun was happy especially when he heard Lilo’s cry for the first time but part of him was longing for Jeno. He imagined Jeno on his side, holding his hand tightly as the doctor instructed him to push harder. 

 

Hindi namalayan ni Renjun na lumuluha na pala siya kaya agad niya itong pinunasan at binitawan ang hawak na maleta. 

 

“Jen,” he called softy. 

 

Upon hearing his name being called, Jeno turned his head to Renjun. Lumuluha ito at namumula ang ilong. Walang sabi siyang tumayo sa sofa at sinalubong ng mahigpit na yakap si Renjun. Parang sinasaksak ng paulit-ulit ang puso ni Renjun nang marinig ang malakas na paghikbi ni Jeno sa kanyang leeg. Sinuklian niya ng mayakap na higpit ang binata. 

 

Mahina niyang tinapik-tapik ang likod ni Jeno. Sa tagal niyang nakasama si Jeno ay ngayon niya lang itong nakita umiyak. Kung umiyak man siya noon ay siguro iyong wala si Renjun sa paligid niya. Gano’n pa man hindi rin maiwasan ni Renjun na maluha. 

 

“J-Jun, I’m sorry. I-I’m so sorry,” hikbi ni Jeno, ang kanyang yakap ay mas lalong humihigpit. 

 

Renjun doesn’t know why he’s saying sorry when he didn’t do anything bad. In fact, Renjun should be the one who’s saying that. Dahil siya ang nanakit, siya ang naglihim. 

 

Nang makabawi sa pag-iyak ay unti-unting bumitaw sa yakap si Jeno pero nanatili ang kanyang mga kamay sa magkabilang baywang ni Renjun. Ang kanyang mga mata ay nakatingin sa baba, hindi magawang tingnan ang lalaking nasa harapan niya. 

 

Humupa ang luha ni Jeno at nagpasya silang umupo sa sofa nang sa ganoon ay makapag-usap sila ng maayos. Naka-pause ang video na pinapanood ni Jeno sa part na nailabas na galing sa tiyan si Lilo. Parehong umiiyak sa video na ‘yon si Renjun at Donghyuck samantalang si Jaemin ang nasa likod ng camera. 

 

Tahimik na inabot ni Renjun ang isang basong tubig kay Jeno. Tinanggap naman niya iyon at isahang nilagok ang tubig bago ipinatong sa lamesa. Pansin ni Renjun ang malalim niyang pag-hinga at parang malalim ang iniisip dahil kanina pa siya nito hindi tinitingnan. 

 

Renjun cleared his throat. “A-Are you okay?”

 

Nagulat naman siya nang gumapang ang kamay ni Jeno sa kamay niya. Mahina niya iyong pinisil bago nagsalita. 

 

“I’m sorry. I should have been there,” 

 

Kahit hindi sabihin ni Jeno ay alam na ni Renjun ang tinutukoy niya. Ngumiti siya at mabagal na umiling. 

 

“No need to feel sorry, Jen,” he assured him.

 

Kasi hindi naman na talaga kailangan dahil matagal na naman na iyon. Naka-move on na ang lahat. Tapos na, nangyari na. 

 

Ipinikit ni Jeno ang kanyang mga mata at makailang ulit na humugot ng malalim na hininga. “Was it hard?”

 

Tumango si Renjun. “Sobra,”

 

Kabadong-kabado si Renjun noong araw na ‘yon. Ilang oras siya nag-labor at mabuti na lang nandoon ang dalawa niyang matalik na kaibigan para gabayan siya. Nang sumapit ang oras ay si Donghyuck ang sumama sa kanya sa delivery room. Akala niya nga ay mababalian ng kamay ito dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya ni Renjun. 

 

Masakit pero worth it lalo na nang marinig niya ang matinis na pag-iyak ng anak. Parang nawala lahat ang problemang dinadala niya nang i-abot sa kanya ang sanggol na si Lilo. Maliit lang siya at mapula ang balat pero kita agad ang pagkakahulma ng ilong nito bagay na namana niya kay Jeno. Malusog at ligtas na ipinanganak ni Renjun ang anak, walang komplikasyon na kung ano kaya laking ginhawa niya. Mababaliw ata siya sa oras na malaman na may problema sa kondisyon ng anak niya. 

 

Nang matapos niyang i-kwento kay Jeno ang lahat ay doon na rin siya kumuha ng pagkakataon para humingi ng tawad sa ginawa niya. 

 

“J-Jen,” pagtawag niya sa binata. 

 

Hawak ni Jeno ang kamay niya at pinaglalaruan ito. 

 

“Yes baby?” he asked gently, eyes directed at him. 

 

Nag-iwas ng tingin si Renjun, bahagyang nakaramdam ng hiya sa itinawag sa kanya ni Jeno. Hindi niya na matandaan kung kailan ang huling beses siyang tinawag nito sa pet name na ‘yon. 

 

“I’m sorry for everything…”

 

Jeno opened his mouth say something pero agad rin siyang pinangunahan ni Renjun. 

 

“No, Jen. Let me finish first,” 

 

Tumango si Jeno at hinayaan si Renjun na magsalita. Hawak niya pa rin ang kamay nito at malamyos na hinahaplos. 

 

“Sorry it took five years bago ko nasabi ‘yung tungkol kay Lilo,” humugot ng malalim na hininga si Renjun bago nagpatuloy. “Plano ko naman talaga na sabihin sa’yo noon pa kahit alam kong nasa states ka pa pero wala e… natakot ako…”

 

“Natakot ako na baka hindi mo magawang tanggapin si Lilo bilang anak mo at ayokong maranasan niya ‘yung pakiramdam na tinataboy na siya kaya I did what’s best for her,” dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin kay Jeno at naabutang nakatitig rin ito sa kanya. 

 

“Actually before she met you in real life, alam na niya kung anong itsura mo kaya siguro agad ka rin niyang namukhaan,”

 

Tumaas ang kilay ni Jeno sa narinig. 

 

“I showed her some pictures of you. Sinabi ko rin sa kanya kung anong gaano ka ka-responsible na tao. She’s looking up to you kahit sa picture ka lang niya nakikita at tanging pangalan mo lang ang alam niya. She was really looking forward to meet you kaya noong sinabi ko sa kanya na nandito ka sa Pilipinas, pinilit niya ko na kausapin ka para makilala mo na raw siya agad,” mahinang humalaklak si Renjun, naalala ang kakulitan ng anak. 

 

“She was really excited to meet you, Jen. Ang tagal ka rin niyang hinintay kaya sorry kung pinatagal ko pa dahil lang sa sarili kong kagustuhan,” humagulhol si Renjun, ang mga kamay nakatakip sa kanyang mukha. 

 

Jeno tried to remove his hand from his face but Renjun wouldn't budge. Nanginginig rin ang magkabila niyang balikat sa ginagawang pag-iyak.

 

“Hey baby. Stop crying,” Jeno wrapped his arms around Renjun’s small frame. 

 

Awtomatikong pumulupot ang mga braso ni Renjun kay Jeno, ibinaon ang mukha sa leeg nito. Hanggang ngayon ay kinakain pa rin siya ng guilt kahit ginawa niya lang naman kung ano ‘yung mas makakabuti kay Lilo. Siguro hindi talaga tama na inilihim niya kay Jeno nang ganoong ka-tagal ang tungkol sa anak nila. Ang daming pagkakataon ang nasayang dahil lang sa takot niyang baka hindi sila tanggapin ni Jeno. 

 

“I’m really sorry, Jeno. Kung galit ka sa’kin, okay lang. Kung gusto mo ko saktan, sige lang-”

 

“Hey Jun. You know I will never do that. Because hurting you is the last thing I would want to do,” 

 

Renjun just weakly shook his head. Muli siyang niyakap ng mahigpit ni Jeno at ngayon niya lang namalayan na nakaupo na pala siya sa kandungan nito. 

 

“Please stop crying. You’re making me worried,” Jeno mumbled softly.

 

Ngumuso si Renjun. “Are you not mad at me? For what I did?” 

 

“When I first saw you after years of not seeing each other and found out that we have a child. Of course, I got mad. Why would you hid our child from me? But then I realized that maybe you have reasons…” he then caressed Renjun’s cheeks. “And you know that I can never be mad at you, Jun. Always remember that.” 

 

Renjun leaned closer and Jeno did the same until their lips pressed against each other in a soft kiss. Renjun felt Jeno smile against his lips before deepening the kiss. Their hands were busy roaming at each other’s body. 

 

Renjun was the first one to broke the kiss. Naghabol siya ng hininga habang ang mga mata ay nakatitig pa rin sa mapupulang labi ni Jeno. He can’t help but unconsciously licked his lower lip. It was so tempting but damn he really needs to hold himself.

 

Jeno smirked at him but Renjun just rolled his eyes, getting up from Jeno’s lap even though he felt the latter’s hand tugging the hem of his shirt. 

 

“I-I need to take a shower,” ani Renjun at muling nag-iwas ng tingin. 

 

“Then let’s take a shower together,” sambit ni Jeno at tumayo mula sa sofa.

 

Namilog naman ang mga mata ni Renjun at mabilis na umiling. “No! You’ll go first,” 

 

Bumusangot ang mukha ni Jeno. Tumitig siya kay Renjun, na para bang pinipilit niya na ito na pumayag. Nakipag-espadahan ng tingin si Renjun at sa huli ay bigong bumuntong hininga at tumango na lamang dahilan para magdiwang sa saya si Jeno. Na agad rin naputol nang magsalita si Renjun.

 

“Shower lang, hah? Wala kang gagawing iba,” Renjun said firmly before he headed towards their bathroom. 

 

Pinagmasdan ni Jeno ang likod ni Renjun at ngumiti sa sarili. 

 

━━━━━━━━━━

 

Ligo nga lang ang ginawa nilang dalawa. Pero hindi nakaligtas sa paningin ni Renjun ang malalagkit na tingin ni Jeno lalo na nang panoorin siya nito maghubad ng damit. Mahina niya tuloy nahampas sa braso ito. 

 

“Ano ba titig ka na lang ba diyan?” mataray na tanong ni Renjun. 

 

Humalakhak si Jeno at nagsimula na rin tanggalin ang suot niyang damit. Ngumuso si Renjun at hindi maiwasan na mamangha sa katawan nito. 

 

“Like what you see?” may halong pang-aasar sa boses ni Jeno na siyang nagpa-irap kay Renjun.

 

“Ewan ko sa’yo!”

 

Now they are both dressed and ready to sleep. Mabuti na lang at may dalang spare clothes si Jeno sa kanyang sasakyan at mayroon siyang naisuot ngayon. Hindi ata kakayanin ni Renjun na makitang walang suot na pantaas ang binata. 

 

Jeno was sitting on the edge of Renjun’s bed, sinusundan ang bawat galaw nito. Nang matapos sa ginagawa ay sumampa na sa kama si Renjun at sumunod sa kanya si Jeno. Magkaharap ang dalawa at parehong pinagmamasdan ang isa’t-isa. 

 

Hinagilap ni Jeno ang kanyang kamay at dinala ito sa kanyang labi at sinimulang paulanan ng halik. Muli na namang nagwala ang mga alagang paro-paro ni Renjun sa kanyang tiyan. Batid niya rin ang pag-iinit ng kanyang mukha. 

 

Malamyos na hinaplos ni Renjun ang pisngi ni Jeno, kahit nakahawak pa rin ang kamay nito sa kanya. His breathing hitched when he felt a cold metal that slips in his finger. Nang tingnan niya iyon ay may singsing na nakasuot sa kaliwa niyang kamay. 

 

Kuminang ang maliit na bato nang tumama ito sa ilaw. Hindi maalis ni Renjun sa kanyang tingin sa singsing kahit pa naramdaman niya ang pagyakap ni Jeno sa kanya at ang pagbaon ng ulo sa leeg niya, inhaling his scent. Simple lang ito at kulay pilak pero ang nagpaganda dito ay ang maliit na bato na naka-engrave sa singsing. 

 

“I dream of marrying you,” bulong ni Jeno. 

 

“T-Then let’s get married,” nanginig ang boses ni Renjun nang subukan niyang magsalita pero tanging mahinang pag-tawa lamang ang nagawa niya. 

 

Naluluha niyang tiningnan si Jeno. “Kailan mo ba gusto?”

 

“Whenever you’re ready,” sagot ni Jeno bago siya pinatakan ng mabilis na halik sa labi. 

 

Renjun smiled at himself. “Jen,”

 

“Hmm…”

 

“I love you,”

 

“I love you too, baby,” 

 

Lumipas man ang araw, linggo, buwan, at taon. Hinding-hindi magbabago ang pagmamahal na meron si Jeno para kay Renjun at syempre para na rin sa munti nilang anghel na si Lilo. 

 

━━━━━━━━━━

Notes:

if you ever reached the end, thank you so much for reading! kudos are vvv much appreciated... also please let me know what tags should i more since i'm kinda new to this :D

twitter

Series this work belongs to: