Work Text:
– 1 –
"Ano ba kayo?"
For the nth time ay rinding-rindi na si Donghyuck nang magkayayaan ng get together ang section nila noong high school. Minsan talaga, maraming tsismosa sa paligid nilang dalawa.
Mula pa man noong dugyot days nila hanggang ngayon ay hindi na sila tinantanan ng ganitong tanong. Masyadong maraming gustong malaman ang iba sa pribado nilang relasyon.
Sabagay ganoon daw kapag thriving, maraming gustong makisawsaw at makigulo.
Hawak ni Mark ang kamay niya habang nakapila sila sa buffet para kumain. Labels are for things, basta ang mahalaga sa kanya ngayon ay kung anong mayroon sila.
"Ang gwapo-gwapo ni Mark, sure ka bang hindi kayo?" bulong lang daw pero malakas ang boses ng kaklase nila noon na si Babylyn. Halatang-halata na deads na deads pa rin ito sa ka-date niya
"Ewan ko, tanungin mo siguro siya," masungit niyang sagot. "Saka kahit gusto niyong sungkitin si Mark, di naman 'yan papakuha sa inyo."
Pabiro pa siyang pinalo ni Babylyn at iritang-irita na si Donghyuck. "Ikaw naman Hyuck, hanggang ngayon palabiro ka pa rin!"
Pinandilatan niya ito habang sinusubukan niyang lumayo sa lalaki. "Ay? 'Di ako nakikipagbiruan. O kausapin mo nga 'yung mga may crush sa 'yo!"
Kinalas ni Donghyuck ang pagkakasalikop ng kamay nila bago inagaw ang platong hawak ni Mark.
"Baby ko," ingit nito. "Ano na namang problema mo?"
"Hindi mo ako baby. Diyan ka kay Babylyn, mag-usap kayo ng mga fans mo."
Wala nang nagawa ang pagrereklamo ni Mark dahil mabilis niya itong nilayasan. Pagkakuha ng pagkain ay padabog siyang nagtungo sa lamesa nila ng mga kaibigan.
"O salubong na naman kilay mo," asar ni Jaemin. "Ay huhulaan ko, naharang na naman ang jowa mong hilaw. Ano, tama ba ako?"
Umirap si Donghyuck at nakasimangot lang habang tinatanaw si Mark na very charming habang kinakausap ito ng ilang batchmates nila. Pinagkaguluhan pa nga ito ng ilang mga guro, panigurado ay nireretuhan na naman ang lalaki ng potential jowa.
Masama ang loob niya habang nanginginain ng lumpiang shanghai. "Anong jowang hilaw? Pakialam ko sa kanya, kahit magsama pa sila nila Babylyn at Gemmalyn, lahat sila! Kala mo papatulan ni Markie."
"Selos na selos na nga po siya, mga kababayan," pagtawa ni Renjun at mas lalo lang siyang nagngitngit. "Ang gawin kasi, umamin na kayo. Ano ba 'yang kagagahan niyong dalawa, high school pa lang labo niyo na hanggang ngayon ba namang nagta-trabaho na ganyan pa rin?!"
"E ano bang aaminin namin?" masungit niyang tanong. "Kung kami ba? Kung ano ba mayroon sa amin? Ano ba nakikita niyo?"
"Na in love na in love kayong dalawa." Magaang sabi ni Jeno at doon na napatahimik si Donghyuck.
"O alam naman pala bakit kailangan pang itanong kung ano kami." Tinungga niya ang coke in can at umirap nang tumabi si Mark at hinalikan ang pisngi niya.
"Kumuha ako ng cake mo, love ko. Iniwan mo naman ako kanina," nguso ni Mark. "Hinahanap ka nila Ma'am Kim kung nasaan ka raw saka nangungumusta pati."
"E kasama mo naman sina Babylyn and friends, di ba? Bakit hindi mo pinakilala sa teachers natin 'yung mga fans mo?"
Likas talagang masungit at maarte si Donghyuck. Hindi niya alam kung dahil ba pinalaki siyang busog na busog sa pagmamahal ng kanyang Mama kaya siya ganito o baka dahil pokus lang sa kanila ang butihing Ina buhat nang iwan sila ng no-show niyang Tatay.
Pero he knows his boundaries dahil hindi naman siya nakakapanakit ng iba or boderline annoying. His friends call his bullshit out kapag may pagkakataong hindi niya ma-kontrol on rare occasions. Never naman siyang hinusgahan ng mga ito at alam niyang all of them are fond of him dahil it's a part of Donghyuck's charms.
Lumalangoy lang ang isip niya nang haplusin ni Mark ang kamay niya at iikot ang hinlalaki nito roon. "Nagseselos ka ba? Hindi naman kailangan ha?"
Hindi siya umimik ngunit pinisil niya pabalik ang kamay nito at walang imik na sinubo ang cake kay Mark.
"Bati na tayo?"
"Ewan basta huwag mo ngang ine-entertain fans mo mula noon na hinahabol-habol ka pa rin until now."
Tumawa si Mark at saka siya inakbayan upang mapalapit lalo sa gilid ng lalaki. "Sus, sino ba sila? Mas fan na fan mo po ako, Hyuck sungit ko."
Sinamaan lang sila ng tingin ni Renjun bago binato ng tissue. "Napaka-arte niyong dalawa kaya hanggang ngayon nagtatanong pa rin 'yung iba kung ano kayo eh. Hoy accla ka! Jowa mo ba si Mark?
"Ewan," pigil niya ang ngiti nang sandalan siya ni Mark sa balikat at abutin ng labi nito ang leeg niya. "Basta ayaw ko sa maasim, acidic ako."
"Hay, baby love ko. Napaka-brutal mo."
– 2 –
Pagkatapos ng dinner ay masaya naman si Donghyuck pero hindi niya nagustuhan ang pakikipag-plastikan sa napakaraming Marites na walang ginawa kundi bigyan siya ng reto.
May mga iba pa na talagang nilalapitan siya at gustong pormahan. Kung maraming fans si Mark, hindi rin naman pahuhuli si Donghyuck na very crush ng bayan mula rin noon hanggang ngayon.
Kaya yamot siya dahil nakailang tanggi na rin siya sa iba at ang mga loko niyang kaibigan ay nanonood lang para tawanan ang nangyayari.
"Choosy nito ha balita ko hindi naman kayo ni Mark? E bakit ayaw mo magpa-reto sa amin? Sayang, dami pa ring umaasa sa iyo, beh! " Iyon ang sabi ni Dejun nang lumapit ito sa lamesa nila at mangumusta.
"E sa ayaw ko nga! Wala ako sa mood humarot. Ano bang magagawa niyo? Basta ayaw ko."
Hinila niya ang sleeves ni Mark na ngayon ay nakikipag-usap kay Yangyang. Nilingon siya nito at hinalikan sa ilong. "Anong gusto mo?"
"Si Dejun kasi!" Nakangusong reklamo niya. "Reto raw ako sa isang batchmate natin."
Mukha namang naalerto si Mark at hinarap sila nang tuluyan. Inis na inis si Donghyuck dahil nakangisi pa si Dejun sa kanila. "Markie love ko," ngitingit niya. "Tingnan mo si Dejun, nang-iinis!"
"Pikon ka pa rin kasi hanggang ngayon, Hyuck." Akma nitong kukurutin ang pisngi niya ngunit tinabig ni Mark ang lalaki.
"Sino irereto mo sa sungit ko?" Biro ni Mark ngunit dama niya ang paghigpit ng kamay nito sa kanya. "Dapat mahaba pasensya ha. Baka iwanan 'to agad."
Umiling si Dejun sa kanya bago tumawa muli. "Nako, saktong-sakto. Maloko rin 'tong irereto ko. Si Sungchan! Pinsan ni Kuya Jaehyun, 'yung upperclassman natin noon? Ano g ka ba, Hyuck? Kausap lang niya sina Taro sa table namin."
Imbis na siya ang sumagot, inunahan na siya agad-agad ni Mark. "Ayaw. Hindi pwede. Bawal."
"Damot naman, tol. Kala ko ba single 'tong friend mo ha?"
Aliw na aliw si Donghyuck habang pinanonood ang eksena sa harap niya. Alam niyang si Mark naman ang napipikon na kaya naman hinaplos niya ang tuhod nito saka sinandal ang ulo sa balikat ng lalaki.
"Bakit ba? E di tanungin mo si Hyuck kung gusto niya makipag-date sa nirereto mo?"
Tumawa siya dahil mukhang hindi na natutuwa si Mark sa usapan. Mabait naman si Donghyuck kaya hindi na siya gumatong pa sa gulo.
"Pass ako, not my type. Saka, gusto ko 'yung medyo maasim at malakas na pamuwisit."
Nagpigil siya ng ngiti habang dinadama ang mga halik ni Mark sa bumbunan niya. "Ako ba 'yon?" tanong nito at siniko lang niya ang lalaki bilang sagot.
Para na naman silang nasa sariling mundo sa pagkakataong iyon. Inirapan niya ito bago inabot ng labi ni Donghyuck ang panga ng lalaki. "Sino pa ba? Arte-arte ko raw e siya rin naman pala napaka-pabebe pagdating sa akin."
Ngumiwi si Dejun sa kanila at hindi alam kung matatawa ba siya dahil mukhang di na maintindihan ng batchmate nila ang sitwasyon.
"Akala ko ba hindi kayo? Anong meron?"
Si Jaemin na ang sumagot para sa kanilang dalawa ni Mark. "E ano bang nakikita mo ngayon, Dejun? Anong feel mo sa kanilang dalawa?"
"Mukha silang nagmamahalan?" Litong sagot ni Dejun kay Jaemin habang nakatitig sa kanila. "Mukhang in love? Mukhang mag-jowa? Parehong tanga?"
"Alam mo naman pala, bakit kailangan pa itanong?"
Kumibit-balikat ito. "Ewan ko ba sa inyo. Pero seryosong tanong, Mark, kayo ba ni Donghyuck?"
"Huh? Peace loving akong tao, ano. Ayaw ko kaya sa masungit. Arte-arte 'yan."
Inirapan niya si Mark bago ngumuso rito. "Buwisit ka. Ayaw ko rin sa 'yo. Maasim ka. Mabaho."
"Batsi na ako rito," iling ni Dejun. "Labo niyo. Pero sige, kung saan kayo masaya!"
Ilang saglit pa ay nanatiling nakasandal lang si Donghyuck kay Mark na abala pa rin makipag-usap sa iba nilang kaibigan.
"Mark," ingit niya. "Uwi na tayo?"
Lumambing naman ang itsura ng lalaki at hinaplos ang mukha niya. "Pagod ka na ba? Ayaw mo nang kumain, uminom? You don't want to party?"
Umiling siya at hinalikan ang kamay ni Mark na nakakupkop sa pareho niyang pisngi. "Gusto ko na mahiga. Nag-enjoy naman ako pero nakakapagod magpanggap sa mga Marites dito."
"Ay sus," tukso nito. "Ayaw mo lang na maagaw ako sa 'yo eh."
Itinaas niya ang kilay bilang sagot. "Ah gano'n ba? So okay lang i-date ko si Sungchan? Tutal naman ginaganyan mo ako."
"Love ko," suyo ni Mark. "Alam kong alam mo na tiklop ako sa iyo. Binibiro ka lang. Syempre ayaw ko rin maagaw ka. Paalam muna tayo sa iba, okay?"
Ngiting tagumpay naman si Donghyuck deep inside. "Okay, let's go."
Hinila na siya patayo ni Mark at magkahawak-kamay na umikot sa buong auditorium. Habang lumiligid sa mga lamesa ay naririnig na naman niya ang golden question at mas lalong nanggigigil nang nanggaling iyon sa labi ni Gemmalyn na siyang number one fan daw ni Mark noong High School sila.
"Hmp! Hanggang ngayon magulo pa rin silang dalawa. Mag-jowa ba talaga 'yang si Mark at Donghyuck?!"
Nilingon niya ito bago inirapan at dinilaan bilang pang-aasar, wari bang nagsasabing kanya lang ang lalaking nakahawak sa baywang niya.
"May problema ba? Ang saya mo na bigla ha."
Matamis siyang ngumiti kay Mark. "Wala naman. Bilisan na natin. Gusto ko nang umuwi kay Mama."
At as usual? Si Hyuck at si Hyuck lang ang masusunod.
– 3 –
At this point ng buhay nila, kilala na sila ng pamilya ng isa't isa. Kaya nga kahit lito ang mga ito sa estado ng relasyon nila ay pinababayaan na sila ng kani-kanilang magulang.
Basta kung nasaan si Mark ay nandoon din si Donghyuck, wari bang anino nila ang isa't isa.
"Nag-text ka na ba kay Mama na ihahatid mo ako ngayon? Baka maghintay na naman 'yon."
At dahil nga raised by a single parent siya, hanggang ngayo'y may protective side pa rin ang kanyang ina. Okay lang lumabas-labas basta nagpapaalam ng maayos.
"'Di na sana kita iuuwi kaso sabi ni Tita next time ka na lang sa bahay dahil gabi na," ani Mark habang naka-pula ang stoplight. "So sabi ko ako na lang makiki-sleepover sa bahay niyo."
"Alam mo ikaw, dalas-dalas mo na sa bahay namin ha," tukso niya rito. "'Di mo pa nga pinananagutan nararamdaman ko, nagpapalakas ka na kay Mama."
Sa totoo lang ay wala silang balak aminin kung ano ba 'tong mayroon sila. Sa sobrang tagal ay nakalimutan na rin nilang kumpirmahin sa iba, kaya kung anong nakikita ng mga tao ay hinahayaan na 'yon ni Donghyuck.
Bahala na silang mag-interpret kung anong gusto nila. They don't owe them anything. Kahit ano pa marahil ang ibato sa kanya ng mga 'to, ang mahalaga he's got the boy that everybody is praying for.
"Ang totoo kasi niyan, gusto ko lang talaga makikain every almusal sa inyo," tumawa pa si Mark kaya hindi niya magawang mapikon dito.
"Alam mo napakaburaot mo! Isumbong kaya kita kina Mommy at Dad mo ha?"
Ilang saglit pa ay dumating na sila sa tapat ng bahay at agad na bumaba si Donghyuck sa kotse.
"Enjoy ka ba today?" tanong ni Mark sa kanya. Yumakap kaagad siya kaagad sa baywang nito at kiniskis ang ilong sa leeg ng lalaki.
"Bango mo, mahal ko," ingit niya. "Enjoy naman kasi we get to see Jaem and our other friends. Except na lang sa mga fans mo na until now type ka pa rin. Ano bang meron bakit ka nila crush e maasim ka naman?"
Ngumisi si Mark dahilan para mamula ang pisngi ni Donghyuck. "O bakit nang-aasar ka riyan, Mark Lee?! Kala mo ba mapogi ka kapag ganyan?"
"Hindi ha," alma nito. "Sabi mo kasi di mo alam bakit type ako ng batchmates natin. Tanong mo na lang siguro sa sarili mo, my love, kung bakit tindi mo akong lingkisin ngayon."
Akma siyang kakalas sa pagkakapulupot kay Mark nang yakapin siya nito ng mahigpit at halik-halikan siya sa mukha't leeg. "Sinong maasim ha? Acidic ka pa ha."
Bumungisngis si Donghyuck, pilit na nilalayo ang sarili but to no avail dahil hindi tinatanan ni Mark ng halik ang anumang maabot ng labi nito. "Weh, ikaw nga makasabi ka ng masungit sa akin ngayon naman halos kainin mo na ako?! Amin-amin din, Mark Lee na cute na cute ka talaga sa akin."
Masarap sa pandinig ang tawa ni Mark bago siya hinalikan nito sa labi. Nilamon nito ang ngiti at bungisngis ni Donghyuck. Tinikman nila ang ligaya sa pagitan ng bibig na hindi mapigil ang ngiti.
Wala pa sana silang balak tumigil ngunit biglang bumukas ang front door at malakas na tikhim ang sumalubong sa kanila.
"Magandang gabi naman, mga anak. Aba! Dito pa talaga nagharutan, baka gusto niyong magpadaan?"
Biglang nahiya si Donghyuck sa kanyang Mama at nagsumiksik sa leeg ni Mark.
"Good evening po, Tita. Mano po."
"Kaawaan ka ng Diyos, anak," sabi ng Mama niya kay Mark at bigla siya nitong kinurot sa tagiliran. "Ang panganay ko, napaka-mapagpanggap! Tingnan mo nga naman. Kiss kiss tapos biglang shy baby na."
"Mama Bear naman!" Nguso ni Donghyuck bago niyakap ang ina. "Parang kiss lang eh. Si Mark po kaya maharot!"
"Pareho lang kayong mahaharot dalawa. Mark dito ka ba matutulog? Magluluto ako bukas ng almusal."
Pinanood niya ang eksena sa harapan niya at ang pagtawa ni Mark na para bang mauubusan ito ng hangin. "Yon! Thanks po, Tita. Miss ko na po ang specialty niyong tapa."
Doon na nagreklamo si Donghyuck at kumalas sa yakap ng lalaki. "Ako kaya nagluluto ng almusal! Ako kaya may specialty ng tapa." Sinamaan niya ng tingin si Mark. "Ikaw! Type mo si Mama ko ano! Kaya hindi mo ako pinaninindigan?!"
Pinagtulungan siya ng dalawa at nayayamot si Donghyuck kahit gusto rin niyang makipagbiruan.
"Hay nako, ang arte na 'yan masyado namang matampuhin. Ikaw lang naman ang nag-iisa kong my love."
Umismid si Donghyuck at lumabi sa kanyang nanay. "Si Mama Bear kasi! Ma, maghanap ka na kaya ng boypren diyan, lagi na lang kaming pinupuna mo ni Markie ko!"
"Hay susmaryosep, nagsalita ang dalawang walang label ngayon!"
Sumimangot si Donghyuck at nagpapadyak. "That's it! Bahala kayo! Ayaw ko na sa inyo, pinagtutulungan niyo ako."
"O bakit nagagalit? Totoo naman ang sinasabi ko. Ano ba kayo nitong paborito kong manugang?"
Umirap siya. "Ultra mega best friends siguro. Hmp!"
Dumiretso siya sa kwarto at nagdabog. Alam niyang para siyang bata na tila inagawan ng candy pero madalas na madalas siyang nasa pagitan ng pagkapikon at ligaya kapag nagkakasundo ang kanyang one and only Mama Bear at si Mark Lee.
Pinanood ni Mama Lee ang pagpula ng pisngi ni Mark ngunit hindi nakaligtas ang malambing nitong mata na hinahabol ng tingin ang panganay niyang ubod ng sungit.
Hay. Hindi niya masisisi si Donghyuck dahil kahit isa lang siyang nagtaguyod ng pamilya ay pinuno niya ng pagmamahal ang apat niyang supling kaya naman hanggang ngayon ay maaaring isipin ng iba na spoiled ang kanyang mga anak.
Pero she'll always choose to shower them with love and everything dahil ayaw ni Mama Lee na makaramdam ang mga ito ng kakulangan.
"Mahal mo ang panganay ko, ano?"
Ngiting-ngiti si Mark sa kanya at napakamot sa batok nito. "Si Tita talaga. Syempre naman po, mahal na mahal ko 'yon si arte ko. Mukhang magtatampo na naman."
Humigpit ang kapit ni Mama Lee sa basahang ipapagpag niya sana bago dumating ang dalawa. That's all she ever wanted for her kids. "Mahal mo enough para makasama habambuhay?"
"Opo, Tita. High School pa lang po, tinali na ako ni arte sa kanya. Sa tagal nakalimutan na rin naming umamin. Pero to answer your question, yes Tita. Syempre kung papayag ka rin po."
Tumawa na lang si Mama Lee at napailing. "Mabuti na ang malinaw, Markie. Nga pala, may balut diyan sa kusina, mainit pa. Suyuin mo na ang Donghyuck ko. Alam kong sa 'yo lang din niyan papakain 'yung sisiw. Ingat baka ma-high blood ka, bunso."
Tumawa ang batang lalaki at umusog siya para itulak ito papasok sa bahay. "Nasa kwarto ni Dongs 'yung mga damit mo na naiwan mo noong nakaraan."
"Salamat po Tita, suyuin ko muna ang panganay mo at baka hindi na ako pansinin bukas."
Napailing si Mama Lee. Ang mga kabataan talaga ngayon, hindi na niya maintindihan ang relasyon.
Nagtulug-tulugan si Donghyuck nang marinig ang pagpihit ng seradura ng pinto. "Nako, tulog na pala ang masungit na baby ko. Sayang naman, may bitbit akong balut."
Sumilip siya sa kumot at kitang nakabihis na rin si Mark, presko ang itsura at mukhang bagong ligo. "Ginagawa mo rito? Doon ka kay Mama, nagtutulungan pa kayo para buwisitin ako!"
"Arte naman ng Donghyuck, bilis-bilis magtampo. Kiss na lang kita. 'Lika na, mahal ko."
Ngumuso siya kay Mark at iniangat ang pisngi niya. Mabilis na dumaplis ang labi nito sa kanya. Itinuro ng lalaki ang panga at mabilis ding hinalikan ni Donghyuck ang balat ni Mark.
"Sarap namang lambingin. Arte-arte pero ang cute naman."
Ibinukas niya ang bisig at mabilis na nag-dive si Mark sa ibabaw niya. Langhap niya ang masarap na bango nito. Napapikit lang siya habang sinusuklay ang buhok ng lalaki.
"Nagtatampo ka ba talaga, Hyuck? Alam mo namang lambingan lang namin 'yon ni Tita. Love na love ka niya."
Alam na alam iyon ni Donghyuck. Maaaring lahat ng bagay ay pwede niyang pagdudahan ngunit hindi ang pagmamahal ng kanyang Mama at mga kapatid.
"E ako ba mahal mo?" Taas kilay niyang tanong kay Mark.
"Hyuck, kagaya ng sabi ko peace loving akong tao pero I don't mind kung ikaw ang magsusungit sa akin." Umingit siya at bahagyang tinakpan ni Mark ang bibig niya. "Makinig ka muna sa akin, please?"
Wala siya nagawa kundi tumango sa lalaki.
"Lagi akong tambay sa inyo, ako taga-kain ng sisiw sa balut kasi ayaw mong masayang. Aga-aga ko laging sunduin ka. Lahat ng gusto ng Hyuck ko, ibinibigay ko. When did I ever say no to you, hmm? Tell me, mahal ba kita o hindi?"
"Mahal," pabulong niyang sagot dito. "Love mo ako. Pero is it a bad thing na pati ikaw ini-spoil na rin ako ng sobra? Kaya baka nag-iinarte ako ng ganito lagi kasi sinasanay niyo ako."
Aware naman si Donghyuck na minsan ay magaspang talaga ang ugali niya. Masungit siya at cold sa mga taong hindi niya ka-close. But he's warmth and sunshine pagdating sa pamilya't mga kaibigan niya.
"Walang kaso 'yon, love ko. Alam kong nag-iisip ka na naman," tukso ni Mark. "Huwag mong gagawin sasakit ulo mo."
Sinipa niya ang lalaki na panay ang tawa ngayon. God. He can't even bring himself to get angry with Mark dahil puno ang puso ni Donghyuck na siya ang dahilan ng ligaya nito.
"Mahal mo ba talaga ako ha?! Kanina mo pa ako niloloko. Kayo ni Mama Bear, sumusobra na kayo ha! Bukas pagtutulungan niyo pa ako ng mga kapatid ko."
"At ayan na naman po si sungit, nagtampo na ulit. 'Lika na kain na tayo ng balut. Gusto mo ba mag-movie? Anong gusto niyan?"
"Changed my mind, Markie ko. Ayaw ko nang kumain. Ikaw gusto ko, kiss and cuddle?"
Binalumbon sila ni Mark sa kumot at sa mainit nitong yakap na agad dinuyan si Donghyuck sa pagitan ng pagpikit at paggising.
Dahil araw-araw ay buhay ang bawat panaginip kapag si Mark ang kanyang kapiling.
Humalik siya sa panga ng lalaki at naramdaman ang guhit ng ngiting pumatak sa labi at balat ni Donghyuck. Labels be damned kung lagpas sampung taon na pero ganito pa rin siya kamahal palagi.
– 4 –
Officially, tapos na ang work week niya pero unlike the past few weeks ay hindi siya excited umuwi dahil wala si Mark na susundo sa kanya. Nasa out of town conference ito at baka bukas pa ng umaga ito babalik ng Maynila.
"Saan na pala 'yung sumusundo sa 'yo? Boyfriend mo ba 'yon si pogi, di ba hindi naman?"
Hindi nakaligtas sa pandinig ni Donghyuck ang mga mahadera niyang mga ka-opisina at agad na siyang hinila ng kaibigang si Yerim patungo sa elevator. Kaya lang, sa kasamaang palad ay hinabol sila ng mga tsismosa.
"I-reto mo naman ako," siniko pa siya ng mahadera at nakihagikgik sa mga kaibigan nitong halata niyang type ang Markie niya. "Di ba hindi naman kayo?"
"Mahiya naman kayo kay Hyuck, paano kung sila pala?!" Sabat ni Yerim at sinaway na lang niya ito.
"Hayaan mo na sila," natatawang bulong niya bago pilit na ngumiti sa nga ka-trabaho niyang intrigera.
Paglabas ng elevator ay tila siya nasa eksena ng pelikula dahil may nakatayong pamilyar na lalaki malapit sa glass panels. Kilala niya ang pamilyar na suot nitong salamin at ang bagong kulay nitong buhok.
Mabilis na tumakbo si Donghyuck, alam niyang pinanonood siya ng mga kaopisina, mga taong umaasa sa ultra mega friend niyang si Mark. Pero pasensya na lang sila.
Because no matter what everyone does, Donghyuck got the boy they are wishing for.
"Markie ko!" Hiyaw niya at agad na nagliwanag ang mukha ni Mark bago siya sinalo ng bisig nito payakap. "Akala ko ba bukas ka pa uuwi?!"
"At ma-miss ka pa lalo? Ayaw ko nga. I'm here na, surprise my love? Miss mo ako?"
Ngumuso siya bago tumango. "Miss sobra tapos mga officemates kong type ka, sabi i-reto ko raw sila sa 'yo. Gusto mo ba 'yon?!"
Kunwari ay nag-isip pa si Mark ngunit hinalikan nito ang pagsasalubong ng kilay niya. "Depende siguro? Masungit ba sila pero cute maglambing? Masarap ba sila magluto? Baby ko ba sila? Kung hindi, di rin sila pasado sa akin."
Humagikgik si Donghyuck at wala nang pakialam na hinalikan ang labi ni Mark sa harap ng maraming tao.
"Ako masungit pero cute. Love mo ako?" Nilingon pa ni Donghyuck ang co-workers niya. Kumaway pa si Yerim at nag-flying kiss bago umalis habang inirapan lang niya ang grupo ng mga maldita.
"Lagi namang mahal kahit peace loving ako. Uwi na tayo?"
Hinila niya si Mark papasok ng kotse at hindi na matanggal ang ngiti nang yakapin siya ng lalaki.
"Sa wakas. I'm finally home, Hyuck my love."
~
"Alam mo nakakapagod kang kausap, Donghyuck Lee ha! Ano 'tong chika na kayo na ni Mark?! Naghahalikan daw kayo sa office building mo? Ang dudumi ninyo!"
Umismid siya kay Renjun at nanatiling patay-malisya habang kumakain ng in-order nilang lunch habang nakahiwalay sila Mark ng lakad ngayon.
"Ano na naman, paaaminin mo ba kami anong relasyon namin? Ano kami? May gusto ka rin ba ipa-blind date sa aming dalawa?"
Siniko siya ng kaibigan at narinig niya ang tawa ni Yangyang sa kabilang panig ng bahay.
"Gaganda ng sagot mo kung sapatusin kita?! Imagine how tired we are? Hindi pa ba pagod pamilya niyo kasi kami hilong-hilo na?! Sampung taon na kayong ganyan mula pa high school tayo?"
Napasimangot siya at tumitig nang mataman kay Renjun. "Ito rin, seryosong tanong. Is it really important na i-disclose namin kung ano kami ni Mark? Hindi ba pwedeng for so long nakalimutan na namin bigyan ng pangalan 'tong ginagawa namin?"
"Honestly, ewan ko rin," sagot nito. "Siguro kasi we're rooting for the both of you ever since? Saka para secured ka rin? Like reassured ka sa kung ano man 'yang relasyon niyo?"
Huminga ng malalim si Donghyuck. Labels are nice kung iisipin mo dahil totoong doon ka lang naman mapapanatag. Pero sa tagal nila na magkaibigan ni Mark, he knows hindi lang naman basta ang relasyon nila.
"Assured naman ako palagi, Renj," bulong niya. "Paano ako magdududa if Mark never gives me any reason para matakot? Regardless of our status, siguro naman everyone knows matagal na kaming nagmamahalan di ba?"
Ngumiti si Renjun at napailing. "Alam mo, mapapa-sana all na lang lahat sa inyo e. Kitang-kita naman. Pareho kayong loko-loko sa isa't isa. You're very crazy for each other."
Sa totoo lang ay wala namang eksplanasyon kung bakit ba sila napunta ni Mark sa ganoong punto. Attached to the hip sila since high school, kahit nag-kolehiyo ay walang nagbago. Until they've become codependent with each other.
Pati magulang nila ay nasasanay na walang araw sa isang linggo na hindi sila magkasama. Hanggang sa makalimutan na nilang pag-usapan ang sasabihin kapag tinanong kung sila ba.
Dahil wala namang espesyal noong umamin sila ng feelings, walang sparks, hindi tumigil ang mundo, walang kaba dahil ganoon sila kakomportable sa isa't isa. It's long overdue dahil sa totoo lang, alam naman ni Donghyuck na he's bound to fall in love with his best friend and best enemy, his confidant, his comfort person.
Mark has become someone constant sa buhay niya. Sa dami ng nagbabago sa mundo, ang lalaki at ang damdamin niyang hanggang ngayon ay nag-uumapaw pa rin para rito ang nananatiling matatag.
Kaya paano siya matatakot o magdududa na ipagpapalit siya kung baliw sila sa isa't isa? Walang lugar ang kahit anong uncertainties kung sa loob ng isang dekada, Mark never fails to make him feel na kamahal-mahal siya all the time.
At lagi't lagi namang ibinabalik ni Donghyuck ang sagot, doble, triple at higit pa ang pagmamahal na ibinibigay niya.
Kaya nga marahil nag-work itong relasyon nila. Maaaring sa iba nga ay nakakahilo at nakalilito sila pero they do everything, they find ways to work everything out kasi wala namang excuses pagdating sa pagmamahal.
At kahit kailan ay hindi rin naman magsasawa si Donghyuck. Paulit-ulit na sasabihing sampung taon na silang umiikot sa mundo ng isa't-isa ngunit ganoon pa rin ang pakiramdam ng puso kay Mark. Wala nang kaba ngunit patuloy ang mga paru-paro sa paglangoy sa sikmura.
Bawat hagod ng daliri sa balat ay kasing-init pa rin kagaya noon. Matagal na sila ngunit araw-araw ay bago ang damdamin nila. Hindi iyon natitinag.
"Nasagot na ba 'yung tanong mo? I will never get scared nor doubt, Renren. Masyado akong mahal na Mark na pati puso ko wala nang kakayahan na mangamba."
Dahil iyon naman ang nag-iisang totoo at tiyak. Wala nang maisip na sagot si Donghyuck kundi iyon lamang.
"Sa akin lang, bigyan niyo na kami ng kapayapaan hindi 'yung iniinggit mo ako sa stability ng relasyon niyo! Dami-dami nagtatanong kung single pa kayo ta's sinasagot lang namin e nagmamahalan kayo. Nako, baka sa susunod magulat na kami ikakasal na kayo ha!"
Ngumisi siya kay Renjun at mukhang gusto na siya nitong tampalin ngayon. "Di ako opposed sa idea na 'yan. Sabihin ko kay Markie pag-uwi."
"Susmaryosep! Bahala na nga kayo sa buhay niyo! Kapag nangyari 'yan, makakatikim ka talaga sa aking baklita ka!"
Malakas siyang napatawa at pinisil ang pisngi ng kaibigan. Sanay na sanay na siya pagbabanta nito but he clearly understands na Renjun is just looking out for him. "Labyu too, my friend."
– 5 –
Maingay na sa kusina nang magising si Donghyuck. Ayaw pa sana niyang bumangon gawa ng puyat sa trabaho ngunit kumakalam na rin ang sikmura niya.
Pagbaba ay naabutan niyang naroroon na si Mark at nakapalibot dito ang tatlo pa niyang kapatid.
"O gising na pala ang mahal na prinsipe," bungad ng kanyang ina at mabilis siyang niyakap ng mga bagets. Nako po Mark hijo, pagsabihan mo nga 'yang panganay ko at ginagabi na ng uwi kaka-trabaho! Balak na yata pakasalan ang kompanya nila!"
"Kuya, good morning. Ano oras na po ikaw umuwi?"
Humikab si Donghyuck at kinusot ang buhok ng kanilang bunso. "Si Mama Bear talaga! Nagsabi naman po ako after ng meeting, kakain kami ng mga boss."
Pagkatapos na maghilamos at mag-ayos sandali ay agad siyang yumapos sa likuran ni Mark. "Aga mo yatang manligaw ngayon?"
Itinuro ni Mark ang pisngi at pinuno niya 'yon ng matutunog na halik. Pikon na pikon naman ang mga kapatid niya na masama ang tingin sa kanilang dalawa "Good morning, mahal. Ayaw mo bang nandito ako?"
"Gusto naman. Nagulat lang ako kasi weekend e usually sa gabi ka pa dumadating."
Ngumiti ang lalaki sa kanya at saka pinagsalikop ang kamay nilang nasa sikmura nito. Nakapatong ang baba ni Donghyuck sa balikat ni Mark habang panay ang singhot niya sa leeg nito. "Nagluto ng almusal si Mommy, miss ka na raw kaya dalhan ko raw kayo ng pagkain."
Sa harapan ni Donghyuck ay nagsisimula nang kumain ng almusal ang pamilya niya habang nanatili siyang nakayakap sa likod ni Mark at panay ang small talks nila.
"Sobrang bango mo naman, suddenly ayaw ko nang kumain. Akyat na lang tayo sa kwarto?" Humalik pa siya sa tainga ng lalaki at halos mahilo nang manginig ito sa yakap niya.
Akmang tatakas sila ngunit nahuli siya ng kanyang Mama Bear at tinaasan sila ng kilay. "Ikaw Donghyuck Lee kapag hindi ka tumigil talagang tatamaan ka sa akin! Kumain muna kayo nitong manugang ko hindi 'yung ang aga-aga e naghaharutan kayo!"
"Mama naman," reklamo niya. "Mamaya na lang po. Aagawin niyo lang si Mark sa akin e."
Tinawanan siya ni Miyong. "Hindi naman magpapaagaw 'yan si Kuya Mark. Pero ano ba kayo mga Kuya? Kayo na ba? Ikakasal na ba kayo?"
Sumimangot siya rito. "Wala kang allowance sa akin next week sige." At mabilis na nag-zipper ng bibig ang kapatid niya kahit mukhang gusto pa siya nitong asarin.
"My love, inaaway nila ako!" Ngitngit niya kay Mark na halos sampahin na niya ang likod.
"Ang panganay ko, hindi ko alam kung saan pinaglihi! Para ka namang unggoy na nakasabit diyan kay Mark, ni hindi ka pa nga naliligo!"
Nakiliti siya nang bahagya siyang lingunin nito at singhutin ang leeg niya.
"Si Mama Bear talaga, kahit wala akong ligo mabango kaya ako!"
Hinila niya na si Mark sa hapag-kainan para hindi na humaba ang usapan at pinagsandok ito ng pagkain. Akala ni Donghyuck ay mapapayapa na siya ngunit tuluyan na siyang nabulunan sa mga salitang nagmula sa Mama niya.
"Alam niyo, magpakasal na kaya kayong dalawa? Doon din naman kayo pupunta!"
Imbes na magreklamo ay inunahan na siyang sumagot ni Mark at baka mauna pang mahimatay si Donghyuck sa mga pinagsasasabi nito. "Pakakasalan ko naman po talaga 'tong si arte, Tita. Susuyuin ko lang mamaya. Lambingan na rin."
"Yuck kayo, Kuya! Nakakasuya ang mga taong in love!"
Umirap siya sa kabila ng kaba. "Paano naman ako magpapakasal, Ma? E wala namang lumuluhod at nagtatanong sa akin para mag-yes at I do. Wala rin akong singsing."
Hindi niya pinansin ang mainit ni titig ni Mark sa kanya hanggang sa matapos silang kumain at mag-stay sila sa sala. Panay rin ang tinginan ng lalaki at ng Mama ni Donghyuck.
Nang makaligo ay nakabalumbon pa sa tuwalya ang buhok niya at hinalikan ang panga ni Mark.
"Problema mo? Kanina ka pa tahimik? Huwag mong sabihin na dinibdib mo 'yung mga sinabi ni Mama tungkol sa kasal? Alam mo namang nagbibiro lang 'yon."
"E paano kung hindi kami nagbibiro ni Tita? Paano if gusto ko nang magpakasal ka?"
Hinuli niya ang mata nito bago siniko sa tagiliran. Tahimik ang bahay, parang lalabas ang puso sa dibdib ni Donghyuck dahil sa takbo ng usapan. "Baliw ka ba? Baka ma-miss mo ako kapag nagpakasal na ako? Sigurado ka ba riyan, aking mahal?"
Inirapan siya ni Mark bago nilaro ang mga daliri niya. "Ako nga kasi 'yung groom mo, kutusan kita gusto mo?"
Doon na tumulo ang luha ni Donghyuck at inilahad ang kaliwang kamay niya sa lalaki. Huminga siya ng malalim bago pinanood ang pagluhod ni Mark sa malamig na sahig at inilabas ang kulay pulang kahita sa harapan niya.
Iyon din ang hudyat at naglapitan ang pamilya niya na kanya-kanyang labas ng cellphone at mukhang nila-live pa ng kanyang mama sa family group nila Mark ang nangyayari.
"Nakakatawa tayong dalawa alam mo ba 'yon, Hyuck? Simula high school lahat ng tao sure na magiging tayo pero we didn't give them the satisfaction basta alam lang natin na nagmamahalan tayo."
Suminghot siya at tumango rito. Parang nasa eksena ng teleserye si Donghyuck dahil sa ginagawa ni Mark. Napaka-dyahe ng timing, may tuwalya pa siya sa ulo, may tumutulong tubig sa katawan ngunit wala siyang pakialam dahil ito na yata ang pinaka-perpektong proposal sa buong buhay niya.
"Hindi ko rin alam ang sasabihin sa iba. Hindi tayo particular sa status natin pero araw-araw sana nararamdaman mo kung gaano kita kamahal. Mahal na mahal kita at gusto kong malaman mo na mula noon hanggang ngayon, ikaw lang. You're my partner in all forms."
"I love you," bulong niya kay Mark bago pinahid ang luha sa pisngi nito. "Love kita, huwag ka nang umiyak."
"Hyuck, arte, sungit ko, mahal ko. Sabi mo sa akin kahit anong itawag sa atin, okay lang," garalgal ang tinig ni Mark. "Pero na-realize ko, gusto ko ring maangkin ka sa harap ng lahat. Hyuck, pananagutan kita. Panindigan na natin 'to? Pakasalan mo ako and give me the honor to call you soon-to-be asawa ko?"
"Sira ulo ka," hikbi ni Donghyuck. "Ang pangit-pangit ko ngayon tapos ikaw ang gwapo, napaka-unfair naman."
"Arte ko," lambing ni Mark. "Kahit anong gawin mo, ikaw pa rin maganda sa paningin ko. Sabi mo hindi kita pinaninindigan kaya heto na, Hyuck. Ginagawa ko na. Panindigan na natin sa harap ng buong pamilya. Will you marry me?"
Mabilis na lumuhod si Donghyuck at sinalubong ng halik ang labi ni Mark. Naramdaman niya ang panginginig ng mga kamay nito habang isinusuot ang singsing sa kanya.
Lasang luha ang kanilang mga halik at tinikman nila ang ligaya ng isa't isa. Dinig ni Donghyuck ang iyakan sa bahay nila dahil lahat naman yata ay naghihintay sa kanila.
"Oo naman, Markie. Panindigan na natin 'to. I love you."
Mukhang nagdilang-anghel si Renjun. Anong label-label, tangina, kasalan na agad!
– +1 –
They stayed lowkey ng mga sumunod na buwan. Bukod sa parehong abala si Mark at Donghyuck ay wala ring pagkakataon para lumabas sila kasama ng mga kaibigan. Hindi na rin sumagi sa isip na ipaalam ang estado nila.
Wala rin namang nakakaalam sa epic proposal ni Mark maliban sa immediate family nila na of course ay maligayang-maligaya sa nangyari.
Since then, ginawa na niya ang mga bagay na gustong gawin noong una pa lamang. He asked Donghyuck to move in with him at wala nabf ibang mahihiling pa si Mark sa buhay niya maliban sa iisang bagay.
'Yon ay ang ipagsigawan at ipagyabang si Donghyuck sa mga tao.
Nasa kasagsagan siya ng pagbubutones ng long sleeves niya nang yakapin siya ni Donghyuck ay ito na ang nag-ayos ng suot niya.
"Mukha kang natatae, Markie," biro nito. "Huwag mong sabihin na kinakabahan ka pa sa lagay na 'to? Engaged na tayo, dong. Ngayon ka pa ba matatakot?"
Lumabi si Mark at pinakawalan ang hangin na nakaipit sa dibdib niya. Nakakatawang isipin na noong mga panahong hinahanapan sila ng label ay ang lakas ng loob niya pero ngayong aasawahin na talaga niya si Donghyuck ay para siyang teenager na puno ng paru-paro ang sikmura.
Stable sila ngunit araw-araw nandoon ang panibagong pakiramdam, mga bagong paraan para mas mahalin ang isa't isa. Dahil si Hyuck lamang ang una't huli ni Mark. Mula gusgusin days hanggang ngayong established na tao na sila ay walang nagbago.
Kung mayroon man ay 'yon ang paulit-ulit siyang nahuhulog. Si Hyuck ang bawat araw ni Mark at araw-araw niya itong mahal.
"Wala lang, kinikilig yata ako? Kasi first time kita papakilala na partner and fiancé na. Si Hyuck pala, asawa ko."
Hinampas siya ni Donghyuck at pulang-pula ang pisngi nito. Kabaliktaran talaga silang dalawa ng tipikal na mga magkakarelasyon. Ngayong engaged na ay saka pa sila parang pa-tweetums pareho.
"Siguro naman hindi mo na ako itutulak mamaya sa mga fans ko?"
Nagkayayaan kasi sa birthday ng isa nilang tropa at sure si Mark na nandoon sina Babylyn na siyang pinagseselosan lagi ni Donghyuck.
"Aba talagang hindi! Manigas sila."
Kagaya noong nag-batch get together ay hindi na nagulat ang lahat nang sabay silang dumating. Hindi na nagulat nang makitang naka-angkla si Donghyuck sa braso niya at ayaw siyang pakawalan buong oras.
"O baka may gusto na namang magtanong sa inyo ng tungkol sa amin?" Natatawang tanong ni Donghyuck habang nakatayo sila pabilog sa isang lamesa at nag-e-enjoy sa pag-inom ng wine.
Naroon ang kwentuhan kabi-kabilaan pero mostly ay tungkol lang sa panunukso sa kanila ng buong barkada ma hindi na bago sa kanila.
Wala sa sariling hinawakan ni Mark ang kamay ni Hyuck at saka humalik doon. Umakbay ang kasintahan sa kanya bago niya nilaro ang singsing sa daliri nito.
"Sus!" Reklamo ni Jeno. "Wala nang use na paaminin pa 'yan. Pabayaan niyo, masaya naman silang dalawa."
Ngunit biglang umawang ang labi ni Renjun habang inoobserbahan sila, sunud-sunod na ang titig ng barkada. Sinundan ng mga ito kung saan nakapagkit ang mata ni Renjun at lahat ay mukhang gulat na gulat sa nakita.
Gusto ni Mark na magpigil ng tawa ngunit hindi na niya napigilan ang may halong kayabangan na ngisi.
"T-Teka, 'langya kayo! S-Singsing ba 'yan? Donghyuck sasapatusin kita, tinuloy niyo talaga?!"
Nakuha nila ang atensyon ng mga bisita na ngayon ay mukhang mas aliw na aliw pang panoorin sila.
Itinaas ni Donghyuck ang daliri na para bang naka-dirty finger, nakatawang iwinagayway bago siya biglaang hinalikan sa labi.
Mabilis ang kabog ng puso ni Mark at mahigpit na kumapit sa baywang ng lalaki bago malambing na ngumiti rito.
"Huwag kayong maglandian, mga bakling!" Reklamo ni Jaemin. "Ano 'yan?! Tinotoo niyo talaga, ikakasal na kayo? Anong meron? Kayo na ba?!"
Tumango si Mark, hinawakan ang kamay ni Donghyuck bago kumislap ang singsing sa umaandap na artificial disco ball lights sa buong kuwarto.
Dinig ang pagsinghap ng lahat.
"Ikakasal na. Everyone, si Donghyuck Lee nga pala. Partner at mahal ko, soon-to-be asawa na rin."
Anong gaan ng pakiramdam ni Mark at muli ay nagbangga ang labi nila bago sila dinumog ng buong barkada.
Hindi niya nakalimutang ibulong kay Donghyuck na mahal niya ito at isang matamis na "mahal din kita" ang sinagot nito sa kanya.
Kumpleto na si Mark. Buong-buo na. Kasal na lang ang kulang.
Sa di kalayuan ay mukhang may tumatawag ng medic. Si Babylyn at Gemmalyn pati na mga fans ni Mark Lee ay napaupo na lang sa iisang gilid.
Sorry na lang sila, Donghyuck Lee finally got the boy mula pa man noon. Walang makakakuha. Walang makakaagaw.
Kanya lang si Mark Lee. Tapon susi.
####
