Work Text:
Dear Santa,
Kumusta po? Ako ay mabuti.
Ako si Peter Parker.
Sabi ni Tita May na ikaw ay nagbibigay ng mga regalo para mabubuting bata at sabi ni Tito Ben ay nagsasabi magaling ako. Kaya dapat bigyan mo ako ng regalo, diba?
Wala ng nanay at tatay ko. Sabi ni Tito Ben hindi sila makakauwi. Nasa langit sila. Sabi ni Tita May hindi mo na sila maibabalik.
But….Nakuha ko na ang mga regalo sa Christmas nila. Ang regalo ni Nanay ay isang macaroni frame at Tatay ay isang tie-dye T-shirt. Ako mismo ang gumawa ng mga ito!
Gusto ko bibigay sila mama at papa. But, hindi kaya. Kaya mo ba? At pakisabi kanila na mahal ko sila.
Mahal din kita, Santa,
Peter Parker
