Work Text:
Maraming tanong si Jihoon ngayon. First on the list: bakit kaya niya naisipang magresign sa trabaho at piliing maging jeepney driver for a day?
A. Bored sa buhay si accla. (Napaka-unfair ng mundo, ang mga mayayaman kapag nabore pwedeng maging jeepney driver for fun? Pero kapag ang mahirap yung nabore, hindi naman siya pwedeng magbook ng flight to Japan.)
B. Gusto niyang firsthand ma-experience ang struggle ng isang jeepney driver para naman believable ang susunod niyang isusulat sa blog niya. (Ayaw niya maging fake news spreader (?), what a commendable organism!)
C. Celebration dahil finally nakawala na siya sa toxic niyang workplace! At bonus pa dahil may offer agad siya sa dream job niya! (Kakaiba talaga ang celebration sa vocabulary ng mayayaman— trying something new yarn?)
Para itong type ng exam na mahirap hulaan dahil feeling mo tama lahat ng sagot tapos wala pang all of the above sa choices. Tapos noong nagcompare ng sagot ang mga kaklase mo, ikaw lang ang sumagot ng C!
Nirentahan ni Jihoon ang jeep for 5k a day. Way na niya rin ito to give back to others kasi naman teh sa mahal ng gas ngayon lugi pa ang driver! Sa ginawa ni Jihoon nakatulong na siya by giving the driver an income, nakapagpahinga pa ito.
At dahil gusto talaga ni Jihoon ang full blown experience of being a jeepney driver, pinatugtog niya ang jeepney love story ni Yeng sa pangmalakasang speaker ng jeep.
Sumakay ako sa jeepney
Ikaw ang nakatabi
Di makapaniwala
Nalungkot si Jihoon nang pumara na ang last niyang pasahero. Ala una palang ng tanghali, katirikan ng araw at lugi pa siya sa dami ng nabili niyang mineral water at kwek-kwek. Wala pang isangdaang piso ang kinita niya!
Kanina may nag-123 pa, alam ito ni Jihoon dahil halatang-halata na ayaw nitong makipag-eye to eye contact sa kanya sa salamin ng jeep. Hinayaan na niya dahil mukhang wala pa rin itong benta sa dala dala nitong taho.
Nakahinto siya sa kahabaan ng traffic nang may biglang sumakay. Naka-all black pa gagi parang galing ng lamay.
Nasa dulo ito ng jeep nang dumukot ng pera at akmang iaabot ang bayad sa non-existent na katabi. Tangina weirdo, isip isip ni Jihoon. Nakapagsakay pa ata siya ng lasing.
“Bayad pooooooo”
Sinilip ni Jihoon ang lalaki na nakalahad ngayon ang kamay at hawak ang isang libong buo.
“Putangina bayad sabi!”
May nakikita ba siyang ‘di ko nakikita?
“Kuya wala kang katabi.”
“Ay haha wala ba? Gagi sorry akala ko meron! Tangina eto na naman ako sa mga akala ko.”
Luh, puta. Lasing ba ‘to? Alas dos palang ah.
Umipod ang lalaki papunta sa harapan ng jeep nang marealize niyang mukha siyang tangang nag aabot ng bayad kahit mag-isa naman siya.
“Eto bayad ko sir! Keep the change! HAHAHA see? I’m very kind.”
Tinanggap ni Jihoon ang bayad, at dahil sinabi nitong keep the change, aba, edi keep the change! Ang mahal mahal ng gas! This is God’s way of paying him back.
“You look familiar.”
Sabi ng lasing habang sinusulyapan si Jihoon sa salamin. Tangina, babanat pa ata siya Lord?
Napansin naman ni Jihoon na singkit ang lalaki. Aba, chinito yarn? Hoy Yeng Constantino! Tama ka na accla! Dami mo na promotion sa fic na ito.
“Gagi haha. Kamukha mo yung crush ko! Pero rich kid yun eh! Hahaha kaya hindi ikaw yun hahahahaha kaya nga di ako makaporma eh. Sino ba naman ako? Anak lang ako ni marites na may-ari ng sari-sari store!”
Natawa si Jihoon. Seryoso kayang Marites ang pangalan ng mama niya? Sobrang in character naman if true nga.
“Ang puti mo naman para maging jeepney driver? Nag-gu-gluta ka ba? Gagi suki ka ba ni Belo?”
“So anong sinasabi mo? Na puro maiitim ang jeepney driver? Ang sama naman ng ugali mo para mag-stereotype!”
Nanahimik ang lasing. Parang binuhusan ito ng malamig na tubig. Maya-maya ay nalukot ang labi nito at hindi na alam ni Jihoon kung bakit bigla bigla nalang itong umiiyak.
“Hala gagi! Huy gagi huwag kang umiyak baka harangin tayo sa checkpoint!”
Nagpapasalamat si Jihoon at nasa kahabaan pa rin sila ng traffic sa EDSA. Kung hindi, hindi niya alam kung paano masusurvive ang sabay na pagdadrive at pakikipag-usap sa lasing na pasahero. Tanginang collab ‘to, di magandang joke ‘to Lord!
“Paano kasi magkaka-shortage na raw sa asukal! Huhuhu. Yun na nga lang tanging sweet sa buhay ko! Paano na yung tindahan ni Marites!”
Ha? Napakamot sa ulo si Jihoon. Mukhang marami-rami siyang isusulat sa blog niya. Wala na siyang nagawa noong nag-umpisang magkwento (translation: magrant) ang lasing sa kanya. Napagkamalan pa ata siyang si Papa Dudut.
“Alam mo yung crush ko na yan? Tangina niyan eh! Ginawa ko lahat para diyan! Alala ko nung highschool kami sumali siya sa Arts Club, tapos alam mo ginawa ko?”
Tumingin sa kanya ang lasing sa salamin ng jeep. Parang hinihintay nitong itanong niya kung ano nga ba ang ginawa niya nung highschool? Hindi siya nag comment syempre, pakialam naman niya?
Akmang iiyak ulit ito kaya inuhan na siya ni Jihoon. Tanginang ‘yan, eto pala kapalit ng isang libo. Eto ba yung upgraded version ng “eto piso hanap ka kausap mo.”
Dapat pala binalik nalang niya yung sukli. At yan, kids, ang example ng karma ng mga swapang. Don’t be like Jihoon, okay?
“Sige, so anong ginawa mo?”
Akmang itutuloy na nito ang kwento nang bigla itong nag-wait sign! Tanginang yan yung stress ni Jihoon. Yan ang napapala ng kaka-try something new niya eh.
“Wait lang eto na favorite part ko sa kanta ni Yeng.”
Umubo-ubo pa ito sabay— “Manong driver
Wag mo nang ibalik ang sukli ko
Manong driver
Di mo ba alam walang babaan to”
Napamura nalang nang mahina si Jihoon.
Nang makarecover ito sa pagkanta, bumanat na naman ang lasing sa pagkukwento.
“So ayun na nga! Sumali siya sa Arts Club! Edi syempre sumali rin ako! HAHAHAHAH eh ang alam ko lang i-drawing tite sa armchair! Yung mga armchair samin na may drawing na tite, gawa ko yun lahat pwede mo i-display sa gallery!”
Hindi alam ni Jihoon pero sabay na silang tumatawa ng lasing ngayon. Putangina sinong sasali sa Arts Club tapos tite yung ipang-a-audition?
“HAAAHAHA GAGO edi syempre hindi ako tinanggap! Kinulayan ko pa man din yung tite ng pink at brown para naman artistic!”
“Tapos nung graduation namin hahahahaha valedictorian siya edi syempre siya yung mag-speech…utang na loob hinaan mo nga ‘yang kanta ni Yeng nagkukwento yung tao eh, apakabastos!”
Syempre sinunod yun ni Jihoon, syempre kasi invested na rin siya sa misadventures ng lasing na anak ni Marites na may-ari ng sari-sari store.
“So ayun na nga valedictorian siya edi siya yung nagspeech! Eh gusto ko pareho kaming active sa graduation kaya kinausap ko yung teacher namin na ako nalang yung manunumpa! Tapos gago para pala sa Salutatorian yon? Eh yung Salutatorian namin non si Wonwoo, puta edi siya na! Akala mo naman kung sinong pogi eh bumibili nga siya ng lucky me pancit canton sa amin araw-araw! Take note! Original flavor!!!! Tangina, sinong kakain ng pancit canton original?”
Napataas ng kilay si Jihoon. Okay, kids, eto na ang item number 2 ng exam natin for today. Please encircle the best answer among the choices.
Bakit kaya tumaas ang kilay ni Jihoon?
A. Dahil kilala niya si Wonwoo. Kaklase niya ito nung highschool.
B. Dahil valedictorian siya nung highschool at kasali siya sa Arts Club.
C. Kung iko-connect the dots natin ang A at B, makakabuo tayo ng panibagong tanong.
At para nga sa ating bonus question, for twenty points… si Jihoon kaya ang crush ng lasing?
“Pwede ko bang malaman ang pangalan niyang crush mo?”
Sumama ang tingin ng lasing. Nakita ni Jihoon dahil nakatitig siya. In his defense, traffic pa rin sa EDSA. At saka masama bang sipatin kung pogi yung lasing na sumali ng Arts Club kahit tite lang ang kayang idrawing, para sa’yo?
Hmm, pwede na. Pogi naman. Kissable lips. Pangit lang malasing, pero magagawan naman yan ng paraan. Again, kids. Just a reminder na hindi kasama sa lesson natin for today ang pagiging marupok ni Jihoon. Masama yan, anak.
“Ayoko nga, hindi ko sasabihin baka agawin mo pa sa’kin si Jihoon!”
“Okay sige, hindi ko aagawin sa’yo si Jihoon.”
Tumahimik saglit sa jeep. Nanahimik kasi si Yeng at naubusan yata ng energy magkwento yung lasing. Kumapit ito sa itaas ng jeep at humawak sa ulo.
“Bakit ka ba naglasing?”
“Taympers manong driver na suki ni belo! Nahihilo ako, puta ang sagwa mo magdrive.”
“Hoy anong masagwa?”
“Eh kasi ang sagwa eh, you’re driving me crazy.”
Tapos ayun, sabay kumindat. Palusot lang pala yung nahihilo ang lasing na gustong manumpa sa graduation, intro lang pala yun para bumanat.
“Hep! Huwag kang kiligin! Para lang yan kay Jihoon. Astig na ba ko niyan manong driver na idol si Yeng?”
Tangina hindi nalang talaga alam ni Jihoon kung ano na bang nangyayari? Lord pinaparusahan mo ba ako dahil hindi maka-masa ‘tong napili kong pampalipas oras? Sobrang burgis ko ba sa paningin mo?
“Ang dami mo naman palang baon na banat eh, bakit hindi mo yan sabihin kay Jihoon mismo?”
Dahil kung sinabi mo yan kay Jihoon edi sana hindi ka nalasing ngayon. Papalagan ka naman eh, nadadala naman sa pakiusap itong manok natin.
“Hindi ka ba nakikinig! Sabi ko nga diba rich kid yun! Nagtatrabaho yun sa big company, tangina hindi nga ako matanggap tanggap dun! Ilang beses kong tinry… wait huhu naiiyak ako. Ilang beses akong nagtry.”
“Hindi ba nga sabi ko sa’yo manong, fino-follow ko yun sa lahat! Alam mo yun, siya si Jesus tapos ako yung disciple niya. Ay ang pangit ng example, sorry Lord, lasing ako wala na ko maisip na iba. Magsosorry nalang ako sa’yo mamaya.”
“de ayon nga! Miski nung college puta, nag-aral ba naman sa Ateneo! Puta, hindi ko kaya yun pang-free tuition lang ang keri ni Marites. Edi ginawa ko nag-apply ako sa scholarship hahahahaha puta di ako alam paano ako natanggap, tumatalino pala ako kapag inlove. Salamat Jihoon naging proud si Marites sakin noon eh pina-tarp ba naman ako ‘congratulations for being a scholar kwon soonyoung’ tapos pinaskil sa baranggay hall hahahahahaa puta marites talaga!”
“gagi sinundan ko pa siya sa bio kahit ayoko mag-examine ng plema tangina bakit ko icocollect yung tamod para akong tanga nanghihingi ako ng sample sa ibang course kasi nakalimutan ko may tite rin pala ako bakit di nalang ako yung mag produce!”
“ang hindi ko matanggap dun, sinundan ko na siya at lahat hindi pa rin kami blockmates!!!! tangina ako lang ata yung estudyanteng paborito mag orientation kasi yun lang yung best chance na magkikita kami! ang unfair ng mundo puta until now di niya ko kilala!”
At ayun nga kids, tuluyan na ngang hindi nakapagreact ang ating bida na si Jihoon. Tangina kanina kwek-kwek lang problema niya, bakit ngayon lalaking lasing na?
Ano ba dapat ang gawin sa ganitong sitwasyon? For 10 points.
A. Aminin sa lasing na kilala na siya ni Jihoon, surprise bitch! Ako ‘to si Jihoon na mahal na mahal ka! (accla si natoy yun, kalmahan mo inamin lang sa’yong sinundan ka sa bio, gumaganyan ka na. eh mas marupok ka pa pala sa peanut brittle)
B. Tumalon sa labas ng jeep at tangayin ang isang libong binayad ng lasing.
C. Magpanggap na walang alam para makakuha pa ng mas maraming impormasyon tungkol sa lalaking patay na patay sa kanya.
“So bakit ka nga naglasing?”
“Wait lang puta excited ka ba? Patapusin mo muna kasi ako! Kitang nasa college part palang tayo eh.”
“Wala ka bang candy diyan? Yung menthol sana feeling ko baho ng hininga ko sa alak eh.”
Tahimik na inabot ni Jihoon ang isang sachet ng mikmik. Sensya na yun lang ang meron siya eh.
“De ayun na nga! Nasabi ko ‘di ba na hindi ako makapasok pasok sa putanginang company niya. Edi syempre hindi naman ako pwedeng tambay, kaya ayun kahit nagwowork ako sa ibang company nagpapa interview ako diyan.”
“Kapag sabado tapos ako bantay sa tindahan ni Marites, pinapractice ko pa rin english ko kasi englishero yung HR! tangina kahit yung bumibili ng yelo kinakausap ko ng english ‘im sorry we don’t have change eh, is it okay that i give you this candy as change instead?’ gagong gago na siguro sakin yung bumibili kaya umuoo nalang. edi win-win samin yun ni marites, extra income hahhahaha”
“tapos nung finally natanggap ako! tangina eto na yung exciting part! nung natanggap ako… malaman laman ko sa first day ko na nagresign na siya!”
“bakit hindi ko yun nabalitaan? lagi akong nakabantay sa fb niya ah, winewait ko kada mag-u-update yung workplace niya. tangina naka-abang na ko dun simula pa nung “works at sa puso ni daniel padilla” pa nakalagay dun!”
“bakit hindi yun nachismis sakin ni marites? nasan siya nung kailangan ko siya? gawain ba yan ng matinong nanay? kung anong chismis ang magbebenefit yung anak niya hindi niya nasagap. bakit hindi niya ginamit ang kanyang full potential? hindi ba siya nag k-12?”
Namumula na ang mukha ni Jihoon kakatawa. Pakiramdam niya nanunuod siya ng sitcom. Kaibahan lang isa siya sa mga characters.
“Para, para diyan sa tabe!”
Ay natapos agad yung sitcom. Eto na ba yung part sa kanta ni Yeng na, “Pero bigla mong
Hinila yung tali
Sabi mo
Manong bababa ako sandali”
Atleast alam mo na yung address Jihoon, think positive.
Kaya imagine mo nalang yung confusion ni Soonyoung nung kinabukasan ay binubulyawan siya ni Marites sa higaan. Akala naman niya uutusan siyang gumawa ng yelo, may bisita raw pala siya.
Bisita? Hindi niya naman birthday ah?
Gago, muntik nga siyang madapa sa hagdan nung malayo palang natanaw na niya si Jihoon na nakaupo sa sofa nila. Tangina, nakaboxers lang siya. (Close your eyes, kids.)
Tangina okay na yan, pakialam naman niya kung makita siya ni Jihoon na nakahubad. Eh nung naglasing siya kahapon, sinumpa niyang yun na ang last time na susundan niya kung nasaan si Jihoon. Sawa na siyang maging aso na sunod nang sunod. Ito na ang kanyang redemption arc.
Eh kaso anong redemption arc? Walang magreredemption arc kung ang unang bungad ni Jihoon pagbaba niya ay: gusto mong magroad trip? inarkila ko ulit yung jeep ni Mang Caloy.
Tangina ilang chapters ba na-skip niya? Sa totoo lang hindi na niya matandaan paano siya nakauwi kahapon. Ikaw ba naman lumaklak ng dalawang bote ng lambanog nang alas dyes ng umaga hanggang alas dos ng tanghali. Na-transport kaya siya sa another universe?
“Ha?”
Nginitian lang siya ni Jihoon.
Wow, nasa ibang universe nga ata siya.
“Eto pala yung sukli ng isang libo mo kahapon.”
At parang tornado na nagflashback sa utak ni Soonyoung lahat ng kagaguhan niya kahapon.
At para sa last item ng ating exam for today, kids. Ano kaya ang mangyayari sa dalawang ito?
A. syempre, yung cliche na “and they live happily ever after.” (wag tayo diyan, scam yan. obvious naman na hindi ito ang correct answer.)
B. nagroadtrip sila to reminisce the past. yung past na si soonyoung lang may alam kasi siya yung may one-sided na pagtingin kay jihoon.
C. wala naman, nag-road trip lang sila, kailangan ba may landian agad eh one day palang siyang kilala ni jihoon?
D. the end.
