Work Text:
Nakaupo sa isang sulok ng kama si haechan sa kaniyang kwarto. halatang ginagambala ng kung ano mang nasa isip nito. sino ba naman kasi nga ang hindi mamomroblema? Malapit na kasi birthday ng manliligaw niya, bukas na to be exact, at kung iisipin niyo bakit hindi siya mapakali? Hindi niya rin talaga alam. Wala pa rin kasi siyang idea sa kung ano ba ang dapat na iregalo sa isang idolo na hinahangaan ng lahat kumbaga mayroon na siya nang lahat – damit, relo, bag jusko name it – kumpleto na si Mark niyan.
Oo, tama, ang natatanging rising superstar ng generation na ‘to lang naman ang manliligaw ni Haechan. Ang yabang ko naman dun, sa isip isip ni Haechan habang inaalala ang bagay na ito.
Natigil ito sa pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone nito na nakapatong sa kaniyang mga hita.
Markie calling…
Kung mayroon lang siguro siyang kasama sa mga oras na 'to, agad mapapansin nun kung gaano nagningning ang mga mata ni Haechan nang makita nito ang pangalan ng manliligaw.
“Hello,mark?, sagot nito.
“Hi, pretty.”, hindi napigilan ni Haechan ang mapangiti sa pangalang tinawag sa kanya ng kausap. Kahit kailan ay hindi pumapalya si Mark na iparamdam sa kaniya na maganda siya, sa bawat araw na nagdaan ay hindi nito nakakalimutan purihin ang mga bagay na para sa kanya ay hindi naman kaaya-aya. Mark always make him feel so special and loved. Sa palaisipang ito ay biglang nagkaroon ng idea si Haechan sa kung ano ang pwede niyang i-regalo sa manliligaw.
“Haech? Dyan ka pa po?”, pagtawag sa kanya ng kausap.
“Ay yes Markie, hello, yes yes nandito pa ako. Anong atin?”, tanong nito.
“Busy ka ba mamaya?”
“Hindi naman, why?”
“Oh, uhm, can I take you out on a date, then? Pinagbigyan kasi ako ng manager ko na mag-rest muna..”, sambit nito na sinundan ng isang pekeng ubo, halatang kabado.
“Mark, chill, ako lang to. Tuloy mo na sasabihin mo”, natatawang saad ni Haechan sa kausap.
“Ok ok uh, rest day ko bukas and I can’t find resting that interesting unless it’s… with you”, tuloy tuloy na banggit nito.
“Sus yun lang pala. of course, I’ll go on a date with you later”, pigil ang kilig na sagot ni Haechan.
Tila ba ay nakahinga nang maluwag si Mark sa sagot ng binata, “I’ll see you later then, az”, pagpapaalam nito at saka ibinaba ang tawag.
Sampung minuto bago mag-alas dyes ay nakarating na si Mark at nagsimula nang kumatok sa pintuan nila Haechan.
"Oh Mark, anak, ikaw pala yan", bungad ng babaeng nagbukas ng pinto.
"Good evening po, tita. Lalabas po sana kami ngayong gabi ni Haechan kung okay lang po sa inyo", sagot ni Mark matapos mag-mano't magbeso sa nanay ni Haechan.
"Ikaw talaga. Hindi mo na kailangan ipagpaalam pa yan, alam kong ligtas anak ko sa iyo. Oh siya teka tatawagin ko muna. Pasok ka para mahintay mo siya", sagot nito.
"Ay hindi na po, tita. Dun ko na lamang po siya hihintayin sa labas, thank you po", magalang na saad ni Mark.
"Mark, anak, diba sabi ko mama na ang itawag mo sa akin? Nako ikaw talaga, oh sige teka lang ha", nakangiting sambit ng ina sa nobyo ng anak. Doon din naman kasi ang punta nun, ika ng nanay ni Haechan sa isip nito.
Tanging tango at tipid na ngiti ang naisagot ni Mark bago ito lumakad kung saan naka-park ang kaniyang kotse at doon taimtim na hinintay ang binata.
“Haechan, anak, andito na ang manliligaw mo!”, pagtawag sa kanya ng kanyang ina.
“Opo ma, pababa na ako”, tugon nito.
Nang makarating sa baba si Haechan ay agad siyang sinalubong ng isang pilyang ngiti ng kanyang ina, “Nak, alam mo yang si Mark pansin ko kahit kailan ay hindi pumapalya na pumunta rito satin on time kahit pa napakabusy. Kailan mo ba balak sagutin yan?”, pang-aasar nito.
Tatawa-tawang lumapit ang binata sa ina at bumulong, “Ngayon po, ma. Birthday gift ko po sa kanya”. Walang naisagot pabalik ang ina marahil ay nagulat sa plano ng anak kung kaya’t binigyan na lamang siya ng beso sa pisngi ni Haechan at saka dumiretso sa labas kung saan naghihintay si Mark habang nakasandal sa kotse nito.
“On time ka talaga lagi ha? Buti pinayagan ka ng manager mo, sinuhulan mo siguro?”, pang-asar na bungad ni Haechan nang makalapit sa masugid nitong manliligaw.
Bago sumagot ay nilapatan muna ng isang halik sa noo ni Mark ang binata. “Az, walang suhol to. siguro natuwa lang siya sakin na maaga kong natapos mga recordings ko tsaka alam mo na… diba ano ko na bukas?”, sagot nito.
Well, totoo naman yun. Maaga talaga siyang natapos at sadyang gabi na siya nagpunta kila Haechan para hanggang kinabukasan ay kasama niya ito, birthday salubong kumbaga ang gagawin nila. Buti na lang din kamo hindi strikto ang manager nito at saka kilala rin naman nito si Haechan kaya walang problema.
“Ano? Anong ano mo na?”, pang-aasar ni Haechan sa kasama. “Hindi mo ba alam?”, mahinang sagot ng kasama.
Natawa na lamang si haechan sa biglaang paglungkot at pagbagsak ng balikat ng binata. Just so you wait, mahal ko. “Tara na muna, 10 pm na oh”, pag-aaya nito.
Payapa ang kanilang byahe, tahimik ngunit ay komportable. Habang ang isang kamay ay busy sa pagmamaneho, ang kabila naman ay hawak hawak ang malambot na kamay ng nakababata na may matamis na ngiti sa mga labi habang nakatingin sa mga dumadaang kotse sa labas.
“Markie, pwede ko ba mahiram cellphone mo? Ig live tayo! Kilala naman ako ng mga fans mo eh”, pag-aaya ni Haechan dahil sakto biglang nagkaroon ng aberya sa daan, natraffic tuloy sila. Mukhang male-late pa nga sila sa pupuntahan nila kasi lagpas alas-onse na pala.
Binitawan muna saglit ni Mark ang kamay ng binata upang makuha ang cellphone sa bulsa nito. “You already know my passcode, Az”, sambit nito pagkaabot ng cellphone sa kasama at saka binalik ang pagkakahawak sa manibela. Of course, Haechan knows Mark’s passcode, it’s his birthday after all.
“Hi guys! Makiki-epal muna ako dito sa instagram ni Markie ha!”, masiglang bungad ni Haechan nang simulan nito ang ig live. “Guys, tanong kayo! May time pa naman kami para sagutin mga yan, medyo matatagalan ata kami, traffic pa eh”, dagdag nito.
“bakit po kayo magkasama ni mark?” “nag-aya siya guys kasi ano na raw niya bukas, ano ba yung ano na yun? may idea ba kayo?”
“bakit po tinawag na bff fries kung pwede namang friends fries?” “tito boy, ang sagot ko po ay pink”
"kung ang english ng baka ay cow na ba talaga ang para kay mark?" "ano raw? ginawa mo ba akong baka medyo na-slow ako dun ibang tanong naman"
"mahal niyo po ba si markie namin?" "mahal ko ba ang markie natin? secret walang clue po maimbyerna na lang kayo kakaisip chos"
“kuya haechan, curious lang po ako. bakit po az tawag sa inyo ni mark?” “oh markie, bakit daw az? curious din talaga ako guys bakit az eh di naman bonifacio last name ko”
"Markie”, tawag ni Haechan sa kasama. “Hi ka nga muna rito, ig mo to oh tsaka sagutin mo bakit daw az tawag mo sa akin”, dagdag nito.
“Oh, you already started it na pala. Hey guys! Oh uhm I call him az kasi, wait okay please don’t be weirded out by my reason. Naisip ko lang kasi, one day, while I’m with him yung alphabets."
“Huh? Ano naman connect ng az dun?”
“Kasi diba po masarap pakinggan sa mga pamangkin natin ang alphabet song pag wala silang nakakaligtaang letter? Mas okay pag complete. Ganun ka sakin, Haech. You complete me, from a to z”, pagtutuloy nito habang nakatingin sa mga mapungay na mata ng nakababata.
Nagtitigan ang dalawa ng ilang segundo bago umiwas si Haechan habang may matamis na ngiting naglalaro sa mga labi nito at saka bumaling muli sa cellphone na nasa harap. Saktong pagtingin nito sa harap ay napansin nitong 11:58 pm na pala, dalawang minuto na lang.
“Guys, hindi ko alam ganito pala ka-cheesy 'tong idol niyo?”, pilyong saad nito.
Isang mahinang tawa na lamang ang sinagot ni mark at hinawakang muli ang kamay ng kasama. “Ay guys oh, biglang nanghahawak ng kamay. Ganito pala maging boyfriend ang isang Mark Lee? Edi dapat pala masanay na ako, agree ba kayo?”, mahinahong sambit nito habang sa cellphone pa rin ang tingin.
“Boyfriend? Haech, what do you mean?”, takang tanong ni Mark.
“11:59…. 12:00! Happy birthday, Markie! And yes, boyfriend, you heard it right. Sinasagot na kita. Thank you for your patience, Markie ko. Sana naging special pa rin tong araw na ‘to kahit na ganitong stuck pa rin tayo sa traffic”, natatawang sambit nito ni Haechan.
“Oh my god… Az, wala akong masabi except for thank you. Thank you… just thank you. Alam mo, your yes is the best birthday present I have ever received. I so love you, az.”, sagot ni Mark habang may mga luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata nito. Sobrang saya niya lang talaga. Sobra sobra.
“Mahal, why are you crying? Oh my gosh ka!”, natatawang sambit ni Haech sabay punas sa luhang tumulo sa mga mata ng nobyo.
“You, cry baby! I love you so much more, ikaw talaga!”, malambing na dagdag nito saka hinila para sa isang yakap ang kasama.
Nagyakapan ang dalawa, hindi alintana ang mga sigaw ng mga fans ni mark na nakaantabay pa rin sa ig live nila. Nang maghiwalay ay lalapatan na sana ni Haechan ng isang halik sa labi ang nobyo ngunit ay bumaling muna ito sa cellphone na nasa harap nila.
“Ay andyan pa pala kayo? Istorbo naman kayo sa bebe time eh!”, pagbibiro nito. “Oh siya sige, hanggang dito na muna yung ig live ha? Salamat guys sa pagsama sa birthday salubong ni Markie ko! Ay feeling ig live ko eh no? chariz, Markie, say your thank yous na before natin i-end yung live”, tuloy-tuloy na saad nito at saka bumaling dito.
“Hey again, oh my god, you guys have witnessed me crying over this pretty boy sitting beside me. But anyway, thank you! Magagalit ang manager ko for spoiling this but I have prepared something for all of you so please wait for that ha? Also, be kind to my az especially now that we’re officially together na po. Thank you again, guys. I appreciate all of your birthday greetings to me and see you again on my or our next live, bye!”, paalam ni Mark at saka pinatay ang ig live.
“Happy birthday, mahal ko”, pagbating muli ni Haechan saka nilapatan ng isang matamis na halik sa labi ang nobyo. “Thank you so much, Az. Mahal na mahal kita”, sagot ni Mark nang magbitaw sa halik at pinagsandal ang kanilang mga noo.
Andami nang nangyari at stuck pa rin sila sa traffic. Makakapunta pa ba sila sa pupuntahan nila? Hindi natin sure, siguro, baka, pwede. Pero at least, sila sigurado sa isa’t isa. SANA ALL.
