Chapter Text
As soon as Sunghoon clicked the play button, the door of the passenger seat opened. Dali-daling sumakay si Sunoo sa tabi niya na agad lumapit sa aircon kahit na nakatutok na ito sa upuan niya.
"Seatbelt," paalala ni Sunghoon habang hinihila rin ang kanya.
"Wait lang," sabay taas ng palad, nakadirekta kay Sunghoon. "Teka, pahangin muna ako."
Sunghoon shook his head while a small smile grew on his lips as his right hand tried to look for a tissue inside the mini compartment near the handbrake. Parang hindi nagreklamo sa kanya si Sunoo kanina dahil saktong-sakto sa oras na napag-usapan nila ang pagdating niya. Hindi naman niya kasalanan. Umalis naman siya sa opisina nang maaga, sadyang biglang sobrang traffic lang talaga.
"Oh," pag-aabot ni Sunghoon ng tissue kay Sunoo. Sa lahat ng pinagpapawisan at iritable na ang mukha, napapaisip si Sunghoon kung paanong hindi niya mapigilan ngumiti kahit ganito ang nakikita niya kay Sunoo.
Matagal na siyang nagwagwapuhan kay Sunoo, but it's not like ito lang ang gwapo sa mundo.
O baka siya lang.
Si Sunoo lang yung gwapo na kayang makapagpangiti kay Sunghoon nang kusa. Huy Sunghoon, get a grip!
Humigpit ang hawak ni Sunghoon sa tissue na hawak pa rin niya in the midst of his sudden "Sunoo thoughts running freely inside his mind." At kahit aminado siya sa cuteness aggression para sa katabi, he was way too denial to admit it loudly. Imbes na iabot nang maayos ang malapit nang malukot na tissue sa kamay niya, Sunghoon dabbed it directly to Sunoo's sweaty nose which scrunched immediately upon the contact. He chuckled triumphantly.
"Uy," saway ni Sunoo sabay salo sa tissue bago pa ito mahulog. Binaba muna ni Sunoo ang visor ‘tsaka pinagpatuloy ang pagpahid sa pawisang mukha gamit ang inabot sa kanya ni Sunghoon. "Ang hina yata ng aircon mo ngayon?"
"Nakataas naman," sagot ni Sunghoon dahil sinet naman niya ito kanina pero chineck pa rin niya kung tama ang pagkakaalala niya. Tiningnan niya si Sunoo para tumango as sign of confirmation pero nang makitang nakatingin ito pabalik sa kanya at hindi pa rin makangiti dahil sa init, nilakasan niya ang switch para mas lumamig kaagad at maramdaman nito ang hangin.
"Okay na?"
Tumango si Sunoo pero nanatili pa rin ito sa pwesto: malapit ang mukha sa mismong aircon. Hinawakan ni Sunghoon ang balikat nito para itulak nang marahan papunta sa sandalan ng upuan.
"Seatbelt ka muna para makaalis na tayo, baka ma-late ka na."
Pagkamention ni Sunghoon sa salitang “late”, agad na umirap si Sunoo ‘tsaka mabilis na hinila ang seatbelt at i-lock ito. "Pustahan, papunta palang sila, nasa parking na tayo ng mall," hamon ni Sunoo na tinawanan ni Sunghoon bago paandarin ang sasakyan.
"Ayoko, daya mo. Sure ka ng malelate sila e."
"Nanghingi sila ng oras at meet up place, nagbigay ako. Alam din nilang on time ako palagi, ha? Pero grabe, isasara ko na lang yung likod kanina, nasa bahay pa daw yung isa. Hindi naman ako nagkulang magpaalala kaninang 8 AM palang?"
Natawa si Sunghoon. "Unfriend mo na 'yan," sulsol nito, "binibigyan ka ng stress at trust issues."
"Malapit na. Pero kapag nahila ko buhok niya mamaya, feeling ko okay na ako," gatong ni Sunoo bago nakitawa.
"Patience. Sunoo, patience," biro ni Sunghoon.
"Totoo ba 'yan? Paalala ko lang na ang suggestion mo kanina ay friendship over," pagkatapos ay umiling si Sunoo.
"Joke lang 'yon, baka isumbong mo pa ako."
"Pero kung ikaw nasa pwesto ko, half true 'no?"
Sunghoon laughed but didn't deny it. "Isa lang ba malelate?"
"May dalawang on the way na raw kaso traffic daw na as in ten minutes na sila sa crossing. Yung isa naman walking distance lang sa mall so pupunta lang daw kapag at least may isa ng nakarating sa amin."
"Mukhang walang makakarating sa inyo on time."
"Ako kaya," confident na sagot ni Sunoo. But he clicked his tongue almost immediately. "Bakit ka kasi na-late?"
"On the dot," pagtatama ni Sunghoon. Nilingon niya sandali ang katabi na well-adjusted na sa kinauupuan nito ngayon at mahinang sinasabayan ng ulo ang beat ng kantang kasalukuyang tumutugtog. "Tampo ka?"
"Ngiti ka pa diyan," bulong ni Sunoo na tinawanan lang ni Sunghoon. "Bakit ba ang traffic?" Pag-iiba ni Sunoo sa usapan, napansin din niya kasing hindi gumagalaw sa labas.
"Dunno," tanging sagot ni Sunghoon habang tinatapik ang mga daliri sa manibela. Doon niya lang naalala na may baon siyang tubig. Kaagad niya itong inabot kay Sunoo pero tulad kanina, dinikit niya ang plastic bottle sa mukha nito. This time, sa malambot nitong pisngi.
"Lamig! Ano na naman 'to?" Naguguluhang reklamo ni Sunoo pero inabot pa rin naman. It was easily replaced with concern when Sunoo recognized it. "Buksan ko? Nauuhaw ka ba?"
"Nope. Sa iyo 'yan. Pinagpawisan ka kanina. Feeling ko nakalimutan mong nauuhaw ka dahil sa baon mong daldal."
"Oh," gulat na reaksyon ni Sunoo bago nagliwanag ang buong mukha dahil sa pagngiti. Mabilis niyang binuksan ang bote para makainom bago maabutan ng muling pag-andar ng trapiko. Tumingin si Sunoo kay Sunghoon at hinintay itong tingnan siya pabalik saka excited na winagayway sa harap nito ang hawak. "Thank you!"
For a second, Sunghoon seriously believed that the time stopped for a while. A happy Sunoo is more than an eye-candy; it was like a happy pill that filled Sunghoon heartily.
"Sa susunod, isang galon na dadalhin ko para mas thankful ka," Sunghoon joked in attempt of calming his giddiness but his eyes betrayed him, crinkles forming at the end due to excessive laughing.
"Ulol."
Mabagal pa rin ang usog ng trapiko pero payapa naman sila sa mga sumunod na oras. Either nag-aasaran o nakikinig sa playlist na sinet ni Sunghoon.
"By the way, habang may nakikita pa akong pwedeng mag U-turn, check natin mga dala mo," suggest ni Sunghoon na agad namang tinanguan ni Sunoo.
"Lisensya?"
"Check."
"Email confirmation ng accommodation?"
"Printed na tapos nasa back pocket ng backpack."
"Cellphone?"
"Hawak ko."
"Wallet?"
"Nasa bulsa ko ngayon yung main tapos yung back up nakaipit sa isang pants na binaon ko."
"Commercial muna. Ang dami mo yatang dala? Dama ko yung bigat pagkasalansan mo ng bag kanina sa likod."
"Sunghoon," simula ni Sunoo sa seryosong boses. Alam na kaagad ni Sunghoon na walang lugar para sa kontra ang stand ni Sunoo. "Necessities 'yon ‘tsaka wala akong dalang hand bag, nando'n na kasi lahat."
"Ilan ba dinala mo? Baka walang paglagyan gamit ng mga kasama mo."
"Malaki na sila. Buhatin nila o sila magpabuhat sa bag nila," sabay tawa ni Sunoo.
"Tapos kapag bumili pa kayo ng pasalubong do'n—hay, na-overestimate mo yata 'tong kotse."
"Hindi na lang kita bibilhan para may space sila pauwi. Okay na?"
"Huwag ko na lang kaya ipahiram 'to sa 'yo?"
"Tampo ka?" Pang-asar na tanong ni Sunoo ‘tsaka tumawa. May ilang milliseconds na nablangko si Sunghoon bago natawa na rin nang marealize na ginaya siya ng katabi sa sinabi, pati tono niya kanina ay kinopya.
"Nga pala, start mo for at least five minutes itong sasakyan kada umaga," pagbabalik ni Sunghoon sa usapan.
"Okay~"
"Yung sinabi ko sa iyo nung isang araw, yung fuel gauge? Check mo palagi. Huwag mo i-cram pagpaparefill, probinsya pa naman 'yon, hindi mo kabisado yung lugar. Ano ulit type ng fuel?"
"Diesel,” pagkatapos ay humarap si Sunoo sa katabi. “Bakasyon ba talaga 'to? Bakit may assignment ako?" Biro nito.
"Napapaisip na talaga ako ha… baka umuwing may gasgas 'to."
"Tindi ng trust issues," sabay kamot sa ulo ni Sunoo bago tumingin sa salamin sa visor at inayos ang magulong buhok. Nilingon niya si Sunghoon pagkatapos, nakatutok lang ang tingin nito sa harap dahil tuloy-tuloy na ang biyahe nila. Pero kahit gano’n ay nagawa nitong ngumiti na parang nang-aasar na hindi na pinatulan ni Sunoo dahil bukod sa no bite naman talaga ang usapan nila, baka madistract lang ito sa pagmamaneho.
Nagpatuloy sila sa pagchecheck ng mga dinala ni Sunoo hanggang sa napunta sa kung saan-saan ang kwentuhan nila nang mapansin ni Sunoo ang salit-salitang paghigpit ng kapit ni Sunghoon sa manibela tapos mabilis na tinatapik ang mga daliri rito.
As much as Sunoo wanted to wait for Sunghoon to bring up the concern on his own accord, he couldn't help but to take the initiative to speak up. Mukha kasing matatae si Sunghoon kaya hindi mapakali.
"Okay ka lang ba?"
"Ha?" Gulat na tanong ni Sunghoon.
"Bakit parang hindi ka mapakali? Na-cCR ka ba?"
"Hindi ah! Parang medyo malamig lang," tanggi ni Sunghoon.
Napatingin si Sunoo sa aircon. Nanlaki ang mata niya saka inabot ito, "Ay hala! Hindi ko pala nabalik sa dati yung switch, baka kaya ka nilalamig."
Sunghoon let out a deep sigh. A few minutes after, Sunoo went back to observing Sunghoon. Aside from licking his lower lip a few times, Sunghoon looked calmer now. Right?
"Paano kung itanong nila kung kanino 'tong kotse?" Kaswal na tanong ni Sunghoon.
"Sabihin ko nakuha ko sa tabi-tabi," Sunoo answered playfully.
"Ayaw mo ba sabihin na kinuha mo sasakyan ng jowa mo?"
"Ayoko ‘tsaka parang ang yabang kaya."
"Bakit naman?"
Sunoo hummed before replying, "Baka sabihin pinagmamalaki kong may mayaman akong jowa."
"’Di naman ako mayaman saka hindi pa 'to fully paid," agad na sagot ni Sunghoon.
Natawa si Sunoo. "Kuha ka pa ng kotse, ah?"
"Kung hindi ako bumili, kanino ka manghihiram, sige nga?"
"Anong ako? Ikaw manghihiram para sa 'kin," sabay lumakas ang tawa ni Sunoo.
"Kita mo? Involved pa rin ako."
"So?"
"So? Hindi ba… sila magtatanong?"
Nagegets na ni Sunoo kung tungkol saan ang pinag-uusapan nila.
"If ever, ano ba dapat sabihin ko?"
"Yung totoo?"
"Na humanap ako ng jowang may kotse para may pang out of town kami?"
“Bakit ganyan?” Sunghoon whined. Kahit side view lang ang kita dito, alam ni Sunoo na magkasalubong na ang mga kilay nito. Sayang, gusto niyang makita yung full view ng mukha ni Sunghoon. Gwapo kasi kahit anong mangyari.
"Ganda pala ng title ko sa iyo? Tunog may kaya pero uto-uto," sabi ni Sunghoon sa mahinang boses.
Unti-unting bumagsak ang ngiti ni Sunoo. Umabante siya nang kaunti para hanapin ang mukha ni Sunghoon. "Joke lang, 'to naman! Huy, galit ka? Joke joke lang 'yon."
"Sana dumating yung time na makausap natin nang maayos ang isa't isa," Sunghoon sighed dramatically, shaking his head afterwards. Sunoo felt a pinch of relief. Magiguilty na sana siya nang sobra pero mukhang nasa same level pa rin sila ng gaguhan ni Sunghoon. Kaya rin siguro isang taon na sila.
"Coming from you? Parang hindi mo ako in-offeran ng isang galon na tubig next time nung nag thank you ako sa iyo kanina? Ang ganda pa ng ngiti ko no'n?"
Parang nasamid si Sunghoon pagkarinig nito. Napaubo na lang siya noong parang sumabit ang nakaambang tawa. "Sharp ng memory mo, ah? Quits na pala e, bati na tayo."
"Ano ka, bata? Ayoko na nga," mariing pinikit kaagad ni Sunoo ang mga mata dahil alam niyang contrary ang mga sinabi niya. His thoughts were confirmed when he heard Sunghoon copy his words playfully.
Pero tulad ng naisip niya kanina, nasa same level lang sila ni Sunghoon kaya sila nagtagal. That's why when Sunghoon spoke again with a certain tone, Sunoo knew they had to be level-headed this time.
"Alam na ba nila?"
"Hindi pa."
"Ah," Sunghoon nodded. "Same reason ba?" Mabilis nitong dugtong.
"Yep." Pakiramdam ni Sunoo, naka-set automatically ang bibig niya para magbigay ng sagot sa mga tanong na hindi na bago sa kanila.
Hindi sila legal sa side ng isa't isa, either sa family or friends. Mutual agreement. At first, wala lang sa kanila. They were happy and content with their lowkey and private relationship. Kahit na pareho silang wala sa mukha ang magseseryoso sa relationship, both of them were actually dedicated in keeping it harmonious and alive. Agree sila sa agam-agam na bakit magpapakilala kaagad ng taong baka temporary lang naman sa mga taong matagal na nilang pinapahalagahan. In fact, si Sunghoon pa ang nagvoice out nito.
Sunoo won't deny feeling a pang of hurt when he first heard it, but how could he water his sadness when in reality, he fully understood Sunghoon's point, sharing same sentiments as well after assessing it for a short while. Hindi naman kailangang magmadali kahit na seryoso na sila sa isa't isa simula pa lang. They could take their time to grow, know, and love each other as time passes.
Kaso lang, ang magaling na si Sunghoon mabilis pala makapag adjust. Mabilis naging more than a hundred percent sure kay Sunoo. Three months palang yata pero umamin na si Sunghoon sa kanya na nadulas ang bibig nito minsan sa barkada hangout kaya iniimbita na rin si Sunoo ng mga kaibigan ni Sunghoon. Nakakahiya man, Sunoo wanted to stick with his beliefs so he politely declined every invitation.
Mapa-direct man o indirect na attempt para tanungin at kumbinsihin si Sunoo na maging open sa mga nakakakilala sa kanila, nagawa na yata ni Sunghoon. Kaya lang, hindi pa talaga ready si Sunoo. Unfortunately, hindi rin niya alam kung saan nanggagaling yung hesitations when all this time, Sunghoon has proven himself trustworthy. Sunoo thought that it was a "me problem", but when he mentioned this accidentally to Sunghoon, sinaway lang siya nito.
Para kay Sunghoon, hindi naman ito problema in the first place. Wala naman daw mali kung ganito si Sunoo, iba-iba naman kasi ng pacing ang mga tao.
Sunghoon would appreciate an assurance from Sunoo in front of other people, but he wouldn't mind waiting if Sunoo would take his time to be truly sure and genuine of his feelings. Magtatampo lang daw si Sunghoon kung bibigyan siya ng half-assed consent sa public appearance nila together. Talaga nga namang napakadaming alam.
Going back to the present, sa tingin ni Sunoo masyado lang siyang nasanay na may nakaprogram siyang response. Hindi niya lang alam kung paano ipapakita yung talagang nararamdaman niyang sagot ngayon.
"Okay," tahimik na sagot ni Sunghoon.
"Galit ka ba?"
"Hindi. Assured naman ako sa 'yo," paninigurado ni Sunghoon sa kanya bago siya ngitian na parang hindi karereject lang. Uminit ang mga mata ni Sunoo sa sobrang straight to the heart na sincerity ni Sunghoon.
"Ows?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Sunoo pero dinaan na lang niya sa biro. Ayaw niyang umiyak out of nowhere. Sayang ayos niya tapos hindi pa siya macocomfort agad ni Sunghoon kasi ilang minuto pa ang layo nila sa mall.
"Oo nga. As long I know where you're standing, okay na ako do'n."
“Nakaupo ako e.”
“Galeng.”
"’Di ko naman alam na gusto mo palang inuupdate ka a," patuloy na pang-aasar ni Sunoo para hindi na siya maiyak.
Hindi kasi sila yung tipo na sobrang attached to the hip. Tingin ni Sunoo, mas mataas yung probability na mapagkamalan silang magtropa kung may makapapansin man sa kanila. Baka nga mukha silang nasa iisang group of friends pero hindi yung super close at nagkataon lang na magkatabi.
Maya-maya, gumaganti na rin ng pang-iinis si Sunghoon. Pareho lang talaga ng takbo ang mga utak nila. Magkatulad din competitive.
Inabot sila ng higit sampung minuto bago nakapagpark. Papasok sila sa mall dahil doon sa loob ang napag-usapang meet up place ng mga kaibigan ni Sunoo samantalang mauunang aalis si Sunghoon at magcocommute na lang pauwi.
"Sunoo."
"Hm?" Nagsend muna ng message sa group chat si Sunoo bago binaba ang cellphone at nilingon si Sunghoon.
"Last reminder na, pinakamahalaga…"
"What what?"
"lngat sa pagmamaneho," pinatay ni Sunghoon ang makina ng sasakyan saka inabot ang susi kay Sunoo. Nanatili ang paghawak niya sa kamay nito pero hindi masyadong mahigpit dahil baka masaktan ito mula sa susing nasa pagitan ng mga palad nila. "Wala kang karelyebo. Kung pagod ka na, hanap ka kaagad ng stopover. Okay?"
Mariing tiningnan ni Sunoo sa mata ang katabi bago kinuha ng kabilang kamay ang susi habang nanatiling magkakonekta ang mga kamay nila. Binigyan niya ng tight-lipped smile of assurance si Sunghoon saka nakipag shake hands na parang katatapos lang ng isang contract signing. "Noted po."
With the same hand holding Sunoo's, Sunghoon pulled him into a hug.
"Bakit may yakap?" Natatawang reklamo ni Sunoo pero hindi naman siya gumalaw palayo. Natural, hindi binibilang ni Sunoo ang bawat beses na yinakap nila ang isa’t isa. Pero kung talagang pag-iisipan niya, less than ten lang siguro yung maaalala niya.
Bakit walang yakap pabalik? Gustong itanong ni Sunghoon pero nahihiya siya. Kaya naman hinigpitan na lang niya ang yakap kay Sunoo hanggang sa seryoso na ang reklamo nito. Ginaya lang ito ni Sunghoon saka tinawanan bago pinakawalan ang katabi na kunot noong inayos ang nalukot na damit.
"Sige, tawa pa, Sunghoon."
–
"May jowa ka pa paalala ko lang," bungad ni Sunghoon mula sa kabilang linya.
"Ha? HAHAHAHAHAHAHA!"
"Tumawag lang ba ako para pagtawanan mo?"
Sunoo felt giddy kahit na wala pang sampung segundo ang pag-uusap nila ni Sunghoon ngayon. Pigil na pigil lang ang lakas ng tawa niya dahil tumakas lang siya sa mga kasamang nakatambay ngayon sa living room para sagutin ang tawag ni Sunghoon.
Finally, after one breakfast, one lunch, and two dinners, may gumalaw na rin sa kanilang dalawa at nag-initiate ng pag-usap.
"Bakit ka ganyan?" Patuloy na pang-aasar ni Sunoo.
"Ano? Nangangamusta lang."
"Clingy mo."
"Nangangamusta nga lang." Parang narinig ni Sunoo ang tuldok sa diin ng pagkakasabi ni Sunghoon.
"HAHAHAHAHAHAHA! 'Di ka naman kasi ganyan." Umupo si Sunoo sa kama, nakasandal ang likod sa headboard habang nakapatong sa kutson ang mga binti na parang sumasayaw pa dahil natutuwa talaga siya kay Sunghoon.
"Kumusta na baby ko?"
"Tunog okay naman ako, hindi ba hindi obvious?"
"Hindi ikaw, yung kotse ko. Ilan na kaya gasgas no'n?"
Napabalikwas ng upo si Sunoo. "O ayan lumabas ang totoo. Kotse talaga kinukumusta mo. Don't worry okay naman daw siya," pagkasabi nito ay ngumuso si Sunoo.
"Pinainit mo ba kaninang umaga?"
"Ha?"
"Ha?" Nagtatakang tanong pabalik ni Sunghoon. "I mean, inistart mo naman kaninang umaga yung sasakyan? 'Yung bilin ko sa 'yo?"
"Hala…" nanlaki ang mga mata ni Sunoo bago hinilot ang noo. Hindi niya naalala!
"Hala, nakalimutan mo 'no?" Sunghoon asked knowingly, uttering a playful tsk to stress his observation further. Sunoo wanted to shush him, lowkey pa kasing nangungunsensya. Sucks for Sunoo, alam niyang mali siya kaya hindi siya maka-rebut. Buti na lang si Sunghoon 'tong kausap niya, hindi naman ito seryosong nagagalit.
"Sorry." Still, humingi siya ng tawad dahil alam niyang iyon ang dapat.
"E 'di hindi pala okay baby ko?" Tanong ni Sunghoon. Walang kabakas-bakas ng kahit anong sama ng loob, as in parang nangangamusta lang, pero hindi pa rin mapanatag si Sunoo.
"Wait—sorry, nakalimutan ko. 'Di kasi kami gumamit ng sasakyan kanina," mabilis siyang bumangon at hinanap ang tsinelas habang mahigpit ang hawak sa cellphone na nakadikit sa tenga.
"Wait? Uy, anong—wait, anong gagawin mo?" Narinig ni Sunghoon ang ingay ng galaw ni Sunoo pati na rin ang pagbulong ng 'asan na ba yung susi' na nagbigay ng ideya sa kanya kung anong binabalak nitong gawin kahit hindi nila nakikita ang isa't isa ngayon.
"Paandarin ko?" Sagot ni Sunoo.
"Ngayon?"
"Malamang?"
Napailing si Sunghoon. "Ten PM na. Bukas na lang, mapapagalitan ka ng ibang guests diyan," pigil niya kay Sunoo. For sure, nakatayo na ito ngayon at hindi mapakali.
"Pero okay lang ba ‘yon?"
"Okay lang ‘yan, don't worry. Biro lang yung hindi okay baby ko, 'di naman masisira 'yan sa isang araw na walang painit unless…"
"Unless? Unless ano?"
"Nagasgasan mo na?"
"Uy, hindi nga! Maingat naman ako gumamit. 'Yung bilin mo lang talaga nakalimutan ko. Ikaw e, 'di mo ko tinext kanina," baling ni Sunoo sa kausap bago nagpasyang umupo sa dulo ng kama.
Sunghoon smiled, hindi na niya pinigilan kasi hindi naman nakikita ni Sunoo. "Parang kanina lang sabi mo clingy ako, ah?"
Agad na sumagot si Sunoo. "Sa sobrang clingy mo nangumusta ka sa akin kinabukasan ng gabi mula noong huli tayo nag-usap. Kailan ulit yung huli na 'yon? Sa SLEX! Kung hindi pa ako tumawag kasi muntik magkamali ng exit!"
Tuluyang napahalakhak si Sunghoon kahit na hindi pa tapos magsalita si Sunoo kaya nasabihan din siya nito.
"Tawa pa, sige. Masaya ka e."
"In my defense, gusto ko lang na mag-enjoy ka diyan. Alangan naman gumala ka diyan na puro cellphone inaatupag mo."
"As if magrereply ka sa akin constantly," Sunoo pointed knowing Sunghoon’s habit in (not) replying.
"May point ka pero still, unpredictable yung haba ng mga daldalan natin.”
"Hmp," hindi napigilan ni Sunoo, "’Di ko pa rin inexpect na gano’n katagal mo ako kayang tiisin."
"Ikaw talaga clingy sa atin," tudyo ni Sunghoon.
"Hala hala, nambibintang?" Sinubukan ni Sunoo na magtunog offended pero sa tingin niya, para lang siyang batang nagmumukmok dahil hindi napagbigyan.
"Pero enjoy ka diyan, ah?" Seryosong bilin ni Sunghoon sa kanya. "Don't worry about me kahit 'di mo pa tinatanong kung kumusta ako dito." And just like that, balik kalokohan na naman ito.
"Sus, trabaho-bahay lang naman routine mo tapos tulala sa sala minsan kung hindi pa kita tatabihan."
"Sige, sabi ko nga okay lang ako. Nasa malayo ka na ang galing mo pa rin mang-realtalk."
Huminga nang malalim si Sunoo bago humiga, umuugoy ang mga paang nakausli sa higaan.
"Miss na kita."
Dumaan ang dalawang segundong katahimikan.
"Choppy."
"Ano ba 'yan?" Without even concealing any emotion in his voice, hindi napigilan ni Sunoo na itaas ang mga paa at sipain ang ere. Nakakahiya!
"HAHAHAHAHAHAHA!" Ito naman ang turn ni Sunghoon na tumawa nang tumawa. Gumaganti pa nga yata.
“Mukhang okay naman tayo parehas. Bye na.”
“Sandali lang HAHAHAHAHAHAHA!”
“’Di ko talaga alam bakit naging tayo,” umiling-iling si Sunoo.
“Uy bakit ganyan na sinasabi mo? Ito naman e, what if choppy talaga?”
“Choppy ba talaga?”
“Hindi.”
“O ‘di ba?”
“Pero ang funny kasi,” bumwelo si Sunghoon para magpalusot. “Ito yata first time na nagsabi ka na miss mo na ako? Hindi ako makapaniwala.”
“Kasasabi ko lang tapos ayaw mo maniwala.” Medyo tumataas ang boses ni Sunoo kaya napahawak siya sa lalamunan.
“Exactly! Akala ko nagkamali ako ng rinig pero nung nasense ko yung finality sa tono mo, that's when it hit me na seryoso ka.”
“Oo talagang seryoso ako kaya salamat sa basag trip.”
Sunghoon chuckled. “Tapos parang may hinihintay ka pa?”
Napakunot ang noo ni Sunoo. With all honesty, hindi alam ni Sunoo kung anong ibig sabihin ni Sunghoon. Nahihiya pa rin kasi siya na medyo naiinis kaya kung ano na lang ang sinagot niya kay Sunghoon. “O nasaan?”
“Miss na rin kita.”
Sunoo was caught off guard. Nahigit niya ang hininga sa sinabi ni Sunghoon. Sinubukan niyang magsalita pero wala siyang masabi. Hinila na lang niya ang unan na naabot ng kamay niya ‘tsaka pinatong sa ibabaw ng mukha. Sa ilalim ng malambot na bagay na pinipisil-pisil niya ngayon, ngiting-ngiti na naman siya.
“Pag pala nasabi mo na, ang dali lang?" Namamanghang sabi ni Sunghoon na naunang magsalita sa kanilang dalawa nang mapansin na natahimik si Sunoo, mukhang walang balak sabihin.
Sunoo removed the pillow from his face to catch his breath. Tumikhim muna siya bago sumagot para magmukhang hindi affected ang boses niya. “Ilang words lang ‘yon, ah? Bakit parang hirap na hirap ka?”
Nahihiyang natawa si Sunghoon, “’Di ko rin alam.” Sunoo heard him shuffle, baka tulad niya ay nakahiga rin ito. “Baka dahil palagi tayong magkasama?” Hula ni Sunghoon.
“Hindi kita kasama sa trabaho?”
“Namimiss mo ba ako kapag nasa trabaho ka?”
“Oo.”
Napangiti si Sunghoon. “Ngayon mo lang din nabanggit ‘yan.”
For some reason, kahit na hindi niya nakikita si Sunghoon, pakiramdam ni Sunoo pareho silang nakangiti ngayon dahil sa takbo ng usapan nila. “Hindi pala tayo openly affectionate sa words natin, ‘no?”
“Gets mo na ba kung bakit ako natawa kanina?”
“Oo,” Sunoo giggled, “pero basag trip ka pa rin.”
“Sorry,” malambing na suyo ni Sunghoon.
Sunoo felt his heart constricted from the inside, but only because he was really happy. He was elated on how it felt pure and warming. Gusto niyang sumigaw o kaya ay suntukin ang hangin pero alam niyang hihingalin siya, baka magtaka pa si Sunghoon o kaya asarin na naman siya. Dapat cool lang.
“Miss mo ba talaga ako?” Tumayo si Sunoo at nagpasyang maglakad-lakad sa kwarto para maibsan ang nararamdaman niya. “Hindi ka nag goodnight kagabi. Hindi ka rin nagtanong kung nakarating na kami—”
“Nakita ko yung tagged photos mo pagkarating n’yo diyan, laki nga ng ngiti mo tapos nakapag change clothes ka kaagad. Kaya pala ang laki ng bag na dala mo? Akala ko wala ka ng balak umuwi.”
“Okay, next. Dami sinabi pero ‘di pa rin ako kinontact. ‘Di ka rin nag good morning kanina. Hindi ka nangumusta nung tanghali tapos ‘di ka nagtext nung oras ng gising mo sa hapon tuwing weekends.”
“Ay, nagbibilang siya o,” Sunghoon replied with amusement. Actually, tunog flattered pero sinusubukang inisin si Sunoo. “Nagbabakasyon ka ba talaga? Sumbong kaya kita sa mga kasama mo.”
Sabi na nga ba, Sunoo thought. ‘Di rin gets ni Sunoo kung bakit palaging ginagamit ni Sunghoon yung ‘isusumbong kita’ laban sa kanya e hindi nga sila kilala o may contact sa side ng isa’t isa.
“Kung kaya ng introverted self mo e ‘di gawa.”
“Uy,” gulat na reaksyon ni Sunghoon. “Hindi mo ‘ko pipigilan?”
Sunoo smirked as he felt the upper hand return to him. He didn’t have any plans yet but he’s ready. Sunghoon wanted a relationship that is not hidden from others. Sunoo took his time to gain enough courage already. Ipagmamalaki niya si Sunghoon.
“Bakit, kakayanin mo ba makipag usap sa kanila?” Sunoo continued challenging his guy.
"Oo," Sunghoon answered firmly. "Ikaw tatanungin ko ngayon. Okay na sa iyo na ipakilala ako?"
"Sinong may sabing ipapakilala kita?"
"E paano nila ako mapapansin kung hindi mo 'ko ipapakilala. Sabihin pa creep ako."
"That's the point," biro ni Sunoo, earning a frustrated wow from Sunghoon. Pero agad nagtino si Sunoo at seryosong nagtanong, "Pero kaya mo na ba? Okay lang sa 'yo?"
"Oo at oo."
"Sige, pagbalik namin."
"Okay," Sunghoon replied. "Ows, talaga?"
Sunoo sighed. "Hindi ko na uulitin sinabi ko."
"Anong mayroon sa hangin diyan? Dapat pala matagal ka na nagbakasyon?" Tanong ni Sunghoon na halata ang shift sa boses. He sounded so excited to Sunoo's ears.
"Oo nga. Dapat matagal na ako nagbakasyon kasi ngayon ko lang nalaman na yung jowa ko kaya palang tiisin na hindi man lang ako kinukumusta."
"Ayoko lang din makaabala, alam ko namang nag eenjoy ka diyan. Minsan ka lang magkapersonal time na talagang pinaghandaan at inabangan mo."
"Hay, ako ba talaga palaging mag-fi-first move sa atin?"
"Teka, hindi ah!"
"Oo kaya, hinihintay mo yata na ako unang magtext sa iyo."
"Ako kaya—ay wait…"
"Sus, naghahanap pa ng palusot. Basta 'pag walang greeting bukas, walang painit sa baby mo."
"Blackmail!"
Napahilot sa pagitan ng mga mata si Sunoo. Ito na naman sila. "Palagi na lang ba malilihis sa ibang topic usapan natin?"
"Kidding," agad na sagot ni Sunghoon kahit natatawa pa rin. "Seryoso na," at saka palang ito tumikhim.
Hinawi ni Sunoo ang buhok na tumatama sa mata niya bago tumingin sa pader ng kwarto pero wala doon ang pokus niya. He took a deep breath before speaking. "Hindi ka abala kahit anong oras ka magtext o tumawag, gusto ko nga iyon honestly."
“Naks.”
“Sira. Pero ayon nga, huwag ka mag-alala. Hindi naman masisira sched ko. Hindi ka abala. Alam ko namang mahal na mahal mo ako.”
Surprisingly, hindi ito itinanggi ni Sunghoon. "Sorry for hesitating too. Ang hirap—AHHH!"
Napatalon sa gulat si Sunoo pero agad rin natawa. Kinuha niya ang earphones at sinaksak sa hawak ng cellphone. Ang lakas ng boses ni Sunghoon tapos sumigaw pa. He didn't have the heart to be offended, though. He understood the reason why Sunghoon felt the need to shout and express what he feels. Sa totoo lang, nararamdaman ni Sunoo ang pananakit ng pisngi niya. Kanina pa kasi siya nakangiti kaya nakabanat din ang bawat muscle sa mukha niya pero okay lang, masayang-masaya naman siya.
"Hindi ko lang alam kung paano ko ipaparating na miss na kita? Sabi mo nga kanina hindi naman ako ganito. Pareho tayong hindi ganito actually," dugtong ni Sunghoon pagkatapos ng ilang minutong pagpapakalma niya sa sarili.
"Siguro masyado na tayong magkasama. Panahon na siguro para maglagay ng space—"
"Ikaw rin hindi seryoso kausap e!"
Ang lakas ng naging tawa ni Sunoo mula sa kabilang linya. Tapat na tapat yata ang bibig nito sa mic ng cellphone. Pero hindi inilayo ni Sunghoon ang sariling cellphone mula sa tenga. The volume means that Sunoo was really happy, and that alone was Sunghoon's standard of something good to listen to.
"Yung mga joke mo pa hindi nakakatawa," dugtong ni Sunghoon habang hindi pa tapos tumawa si Sunoo.
"Sige," sandaling huminahon si Sunoo para makasagot. "I'll be straight."
"Uy, huwag," pabirong bawi ni Sunghoon. It sounded funny on his mind kaya nagtuloy-tuloy palabas sa bibig niya.
"’Di na tayo matatapos dito," kunwaring nawawalan na ng pasensyang sagot ni Sunoo kahit katatapos niya lang tumawa nang sobra.
"Sabi sa 'yo unpredictable magiging haba ng usapan natin."
"Pero a simple text would do." Pagkarinig nito ay umayos ng umupo si Sunghoon at seryosong nakinig kay Sunoo. "It doesn't have to be lengthy or sweet. Kung gusto mo 'ko i-text, feel free. Kung gusto mo magrandom dump ng thoughts go lang din," paalala ni Sunoo.
"You too. Alam kong hindi tayo sanay sa... ganito," Sunghoon paused for a while because it felt new to his tongue and ears. "Yung direct use of words and endearments? Kasi nga palagi naman tayo magkasama tapos medyo out of character pa. Pero if it's one of your languages, okay lang. It may not seem like it pero I'll receive it well."
"Talaga ba? Dapat give rin."
"Naman," Sunghoon nodded as he rested his head at the back of their couch. Pagka uwi ni Sunoo, may katabi na ulit siya rito.
Later that night, they switched to video call. Medyo nagkaroon pa sila ng discussion (another set of bickering) kung bakit hindi nila ginawa ito nung simula pa lang. Sunoo saw Sunghoon sitting without doing any pastime except from talking with him. Halos magcamouflage na ito sa puting upuan at pader dahil nakaputing pang itaas din ito.
From the other screen, Sunghoon confirmed what he has observed before that Sunoo was always in motion. Kung hindi siguro gano'n kalapit ang mukha nito sa camera, baka kabisado na niya ang design ng buong kwarto ng tinutuluyan ni Sunoo at ng mga kaibigan nito dahil naglalakad-lakad ito habang nag-uusap sila. Naka-side nga lang ng higa si Sunoo ngayon. Ngawit na siguro.
Pala kwento talaga si Sunoo, hindi pa nakakatulong na Sunghoon's eyes were always encouraging him to continue. Sunghoon was the kind of avid listener na mahilig din mangantyaw. But sometime along the way, a realization hit Sunoo that him being a chatterbox might burden Sunghoon. Kahit sinasabayan siya ng daldal nito, lamang pa rin yung mga oras na tahimik lang ito. So Sunoo tried to adjust, putting himself in Sunghoon's shoes to learn his language of sitting in silence and observing things. It was actually nice, albeit rather opposite of what he was used to see only.
Sunoo was able to see and practice the beauty of acts of service sleeping inside him. Iba pala yung kilig kapag nagkataong may alam siya sa isang bagay at nag-assist out of concern kay Sunghoon pero lumiliwanag ang mga mata nito kapag nagpapasalamat sa kanya. Palagi pang pinapaalala ni Sunghoon ang mga nagawa ni Sunoo para sa kanya from time to time, as if one-time of giving credits to where it's due wasn't enough. That's when Sunoo realized that along the way, Sunghoon has also made an effort to know and love Sunoo the way he wanted it to be even without saying it directly.
Sunoo started sharing how his day went while Sunghoon listened attentively. Sunoo thought of lowering the volume kasi ang lakas ng boses at tawa ni Sunghoon minsan, kaso namimiss niya na talaga ito. Buti na lang nag-earphones siya, at least hindi makaaabala sa mga tinakasan niyang kaibigan sa labas ng kwarto.
Hindi namalayan ni Sunoo na nakatulog na pala siya habang nagkukwento si Sunghoon tungkol sa paglilinis ng shared unit nila sa sobrang boredom. Sunoo was right. Sunghoon had the same set of routine. But he knew Sunoo wasn't bored of his stories or anything, oras lang talaga ng tulog nito tapos malamang napagod pa sa mga gala. So Sunghoon really didn't mind being slept on. He misses it, too, hearing the sound of breathing close to soft snoring of Sunoo beside him.
"You did well today. Ako ang magiging human alarm mo bukas. Sleep tight, Sunoo."
