Actions

Work Header

From Dawn To Dusk

Summary:

Let's have a stroll down memory lane as we take a glimpse of Fausto Kaizer (Ken) and Jie Lauren (Justin)'s younger years.

(If you happen to come across this fic, the first/main AU is on twitter in this link: https://twitter.com/kokur00/status/1494644322351738884?t=YM02OWgMLkd_wOaDq8Cg-Q&s=19)

Notes:

OMG HI! Never really thought I'd be writing this but here we are. Thank you so much for loving my babies. 🖤💚

Para not tayo maconfuse lalo sa mga hindi naman mababasa Kismet sa Twitter, here's the characters:

Ken as Fausto Kaizer
Justin as Jie Lauren
Pablo as Paulo
Stell as Lester
Josh as Jax/Jack

Thank you ate Fritzi for the commish of this prequel! 😭

(See the end of the work for more notes.)

Chapter 1: This Is Kismet

Summary:

How did their Kismet start?

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

"Jie, anak gising may pasok na."

 

Mumukat-mukat si Jie na tinignan ang kaniyang ina. The eleven-year-old boy yawned before he sat up. "Ayaw ko pumasok, Ma," Jie whined before he looked up at his mother.

 

"Kuya! Pasok na!"

 

Napatingin silang mag-ina sa pinto nang pumasok doon ang anim na taong gulang na kapatid ni Jie na si Leigh.

 

The young girl ran towards her brother and climbed up the bed. "Let's go na! Nagcook si Mama pancakes!" Leigh said and pulled Jie's arm.

 

Napailing na lamang si Jie ngunit tumayo rin naman bago binuhat si Leigh. "Ang kulit naman napakaaga."

 

"Kuya Jie, baho hininga mo," nakangiwit na sabi nito bago takpan ang ilong. Their mother laughed at what Leigh said while Jie pinched his sister's nose.

 

"Aray! Pula-pula 'yan maya!" inis na sabi nito bago hinampas ang braso ng kuya nito.

 

It's Jie's turn to laugh before he walked out of his room. "Pula-pula na? Ay kawawa naman si Leigh."

 

"Wawa ako."

 

"Eh 'di hindi na papasok kapag kawawa."

 

"Hindi pwede!" patiling tugon ni Leigh bago nagpumiglas sa pagkakabuhat niya.

 

Nakasunod lamang sa kanila ang ina nilang naiiling na lamang. "Jie, aasarin na naman iyang isa kapag umiyak na naman," sita ng kaniyang ina sa kaniya.

 

Tatawa-tawang hinayaan na lamang ni Jie na bumaba ang kapatid. "Liligo na po ako muna. Nagpainit ka na tubig, Ma?"

 

"Oo kanina pa andoon. Maligo ka na hulong at gaganhaw pa 'yon," sagot ng kaniyang ina bago sundan ang nagtatakbong si Leigh. "Leigh! Baka madapa!"

 

Dumiretso naman si Jie sa CR para maligo na at gumayak.

 

First day, first year high school. Mas lamang kay Jie ang kaba kaysa sa pananabik dahil sa wakas ay high school na siya. He got accepted to the school's science curriculum—pinakamataas na section sa paaralan.

 

Nang matapos maligo ay nagbihis narin siya agad. Wala pang uniform kaya ang inihandang damit ng kaniyang ina ang sinuot niya. Basta na lang rin niya kinuha ang bag mula sa upuan sa study table niya.

 

Jie, Leigh, and their Mom ate breakfast together. Nang matapos ay binihisan naman ng kaniyang ina si Leigh para ihatid silang magkapatid papunta sa school nila. 7AM ang time niya at ganoon rin si Leigh na grade 1 na.

 

Nauna siyang ihatid ng mga ito. "Babye Kuya! Pasalubong!" magiliw na paalam ni Leigh bago siya niyakap. 

 

Natawa naman si Jie sa kapatid at gumanti ng yakap. "Papakabait ha!"

 

"Kaw din! Abait!"

 

"Oo naman si kuya pa ba?" sagot niya. Jie stood up and leaned towards the driver's seat to hug his mother. "Bye, Mama."

 

"Ingat Jie. Magtext kapag pauwi na ha? Niloadan kita," paalala ng kaniyang ina bago halikan ang kaniyang pisngi.

 

"Ako din! Kiss!" Leigh said and leaned towards her laughing brother. Leigh gave him a very loud smooch that made Jie and his mother laugh. "Bye bye Kuya."

 

"Bye bye baby. Ingat po, Ma!"

 

Nang makalabas si Jie sa sasakyan ng kaniyang ina ay naglakad siya papuntang gate. There are a lot of students, looking so happy for their first day of school.

 

Tinignan ni Jie ang oras sa kaniyang 3310 Nokia na cellphone. 6:30. Maaga pa naman, pwede pa siyang mag-ikot.

 

In which he did. Alam na niya kung nasaan ang canteen at food stalls, may nakita rin siyang kwek kwek-an sa ilalim ng grandstand na nasa gitna ng paaralan.

 

Kaya't hindi niya namalayang 6:50 na pala.

 

Ganoon na lamang ang takbo ni Jie papunta sa classroom niya na nasa kabilang dulo pa kung nasaan siya.

 

He got there five minutes before 7AM. Marami nang kaklase niya ang nasa loob. Nakayukong pumasok si Jie at naghanap ng bakanteng upuan.

 

He saw one at the very end of the classroom, sa may aisle. Doon siya dumiretso at naupo. Napalingon si Jie sa katabi niyang nakasubsob sa arm chair.

 

Antok pa siguro. Same po.

 

"Good morning, first year, Science class!" 

 

Napalingon silang lahat sa unahan nang marinig ang boses. "I'm Sir Marvin and I'll be your Math teacher as well as your adviser."

 

"Now, I need you to get a ¼ sheet of paper, write your names, phone number, and birthday. Okay?" their adviser instructed them. Kaniya-kaniya namang kuha ng papel ang lahat ng estudyante.

 

Jie also took his bag ang looked for his 1⁄4 pad paper. Binilhan siya ng kaniyang ina ng lahat ng sizes niyon.

 

Hala naiwan ko sa lamesa ko… Jie thought dahil nakalkal na niya ang bawat sulok ng kaniyang bag ngunit hindi parin niya makita ang kaniyang papel. Naalala niyang ginamit niya nga pala iyon para drawing-an nitong nakaraang gabi.

 

Nahihiya man, humarap si Jie sa katabi na abala nang nagsusulat. "Ahm… pwede makahingi ¼? Naiwan ko kasi akin…" mahina niyang sabi.

 

"Oo naman. Wait," the boy said and ripped two papers from his pad. "Ito oh," turan nito at inabot sa kaniya ang papel.

 

But their eyes widened when something happened right after their hands touched.

 

Jie's name 'Lauren' slowly appeared on the other boy's right pinky finger. Jie also felt a slight burn on his own left pinky finger.

 

And a name 'Fausto' appeared on his in red ink.

 

Soulmate ko siya…?

 

"Lauren…"

 

Noon lamang napatingin si Jie sa mukha ng katabi. The other boy — who's name is Fausto — was also looking at him. His beautiful brown eyes were wide whille his mouth was open.

 

"Fausto."

 

"Pass your papers!"

 

Parang nagising sa mahabang tulog ang dalawa. "K-Kunin mo na 'yan Lauren, magsulat ka na bilis!" sabi nito bago ilagay ang papel sa armchair niya.

 

Jie followed what the other said. Nagmamadali siyang nagsulat bago iniabot sa unahan nila ang kaniyang papel.

 

Kapwa sila tahimik nang maiabot na nila ang mga papel at isa-isang tinatawag ang mga kaklase nila para magpakilala.

 

"Ikaw si Lauren."

 

Napalingon muli si Jie sa katabi. The boy was touching the mark on his right pinky finger while his eyes were focused in front.

 

And Jie thought, no one actually called him Lauren because he's so used to being called Jie.

 

And this boy calling him that name sounded so natural, it's as if he's been calling Jie that name even from their past lives.

 

Or maybe he really did. Maybe they're Fausto and Lauren from centuries ago that were meant to meet again.

 

Jie gave the other boy a wide smile. "Ikaw si Fausto."

 

The other pouted his lips, nangalumbaba ito bago tumingin sa kaniya. "Sanay ako sa Kai eh. Pero sige, ikaw lang puwede," Kaizer said nonchalantly before he smiled at Jie as well.

 

"Next… Suson, Fausto Kaizer D."

 

Tumayo si Kaizer bago ito naglakad papunta sa unahan.

 

Jie watched how Kaizer fiddled with his fingers while introducing himself in front. "Ah… I'm Fausto Kaizer, but please call me Kaizer or Kai. I'm 12 na. Ano pa ba… ahm… I like Math po Sir, at saka po sports. Athlete po ako noong elem, soccer po at badminton. Ah… mahil— English pala. I like music and love playing instruments. I want to be an architect. 'Yun lang po," Kaizer rambled before he walked back to his seat.

 

"Architect… that's nice Kaizer," nakangiting sabi ng kanilang adviser. "Next, De Dios, Jie Lauren T."

 

Tumayo naman si Jie bago siya ang naglakad papuntang unahan.

 

"I'm Jie Lauren or just Jie. I'm 11 years old, I enrolled early in grade 1 kaya I'm here. Ahm, I love art and I like to draw and I love painting and ah… I love Science. Ayun lang po," pagpapakilala niya bago nagmamadaling umupo sa tabi ni Kaizer.

 

"Mas bata ka sa'kin!" bungad sa kaniya ng katabi.

 

Jie frowned and pouted his lips. "One year lang naman eh."

 

"Kahit na, 12 na ako eh."

 

"Oh big deal ba 'yon?"

 

"Hindi naman pero mas old parin ako."

 

"Eh 'di mauuna kang tumanda kaysa sa akin, gano'n."

 

"Lah, one year lang eh," sagot ni Kaizer bago siya irapan.

 

Jie giggled. "Oh 'di ba? One year lang eh."

 

"Sabi ko nga, makinig ka na nga kay Sir, Lauren. Masita pa ako kasalanan mo," kunwa'y inis na turan nito bago itinuon ang atensyon sa nagsasalita nilang guro.

 

Jie giggled again before he looked at their teacher as well. "Okay, Fausto."

 

"Good."

 

 

"OMG! Ang astig oo nga akala ko sulat lang ng ballpen, soulmate nga kayo!" malakas na sabi ni Charmaigne habang nananghalian sila.

 

Kaizer and Jie met and befriended the other two students sitting in front of them, Paulo and Charmaigne. Napagdesisyunan nilang apat na sabay-sabay na lamang kumain sa araw na iyon.

 

Sumubo muna ng kanin si Kaizer bago titigan ang sariling daliri. "Bakit ko naman isusulat name niya? Trip trip gano'n?" sabi niya bago irapan si Charmaigne.

 

The girl chuckled. "Akala ko lang eh. Kasi ang nakita ko lang namang ganiyan eh 'yong kina Mommy," sabi nito bago nagpatuloy kumain.

 

"Ako rin. Ang galing naman. Paano lumabas?" tanong ni Paulo sa kanila.

 

"Nagkahawak kami ng kamay eh nung nanghingi ako ng one fourth sa kaniya," pagkukwento naman ni Jie.

 

"Ngi, Jie buraot first day na first day," pang-aasar ni Charmaigne dahilan para magtawanan sila.

 

"Hindi kaya! Nalimutan ko pad paper ko kasi!" pagtatanggol naman ni Jie sa sarili na tinawanan lamang nilang tatlo.

 

"Ay, pahingi ako number niyo. First friends ko kayo dito eh sa ibang school kasi nag-enroll friends ko," Charmaigne said before she took her phone from her pocket.

 

"Kumain muna tayo, mamaya na 'yan," sabi naman ni Paulo.

 

Sinunod naman nila ito at tinapos muna nila ang kanilang pagkain habang nagkukwentuhan.

 

On their way back to their classroom, Charmaigne insisted again to exchange numbers. Nagpalitan naman silang apat ng number.

 

"Dahil soulmate ko si Fausto dapat nasa unahan number niya," turan ni Jie habang nagtatype sa cellphone nito.

 

"Tingin ano ilalagay mo," usisa niya bago silipin ang phone nito.

 

"Ayan, ganito nakasave," Jie said and showed it to Kaizer.

 

aaa.Fausto :)

09120713712

 

"Oo nga, 'no? May smiley! Ako din pala," turan ni Kaizer bago inayos ang pangalan ni Jie na nakasave sa phone niya.

 

Kaizer saved Jie's phone number as …Lauren :P.

 

"Anong feeling ng may soulmate na?"

 

Kapwa napatingin sina Jie at Kaizer sa tanong ni Charmaigne.

 

Ano bang pakiramdam?

 

Parang nakumpleto.

 

Parang may parte sa kaniya ba biglang dumating kaya't parang nawala sa kaniya ang pakiramdam na may hinahanap na hindi niya alam na nararamdaman pala niya.

 

Parang nakita niya ang taong alam niyang masasandalan niya habang buhay at sa mga susunod pa

 

Pakiramdam niya ay matagal na silang magkakilala.

 

At pakiramdam niya'y parang hindi na niya kailangang matakot gumising sa umaga na nag-iisa.

 

Assuring. Relieving.

 

"Ano feeling? Wala lang," pero iyon ang naging tugon ni Kaizer sa tanong ng bagong kaibigan.

 

Jie nodded his head and looked at Kaizer first before looking at Charmaigne. "Oo nga."

 

Paulo raised a brow towards them but he only shrugged.

 

Si Charmaigne naman ay tumango-tango lamang na tila ba nag-iisip. "Ganun?"

 

"Oo, ganoon."

 

"Akala ko naman mala-magical, 'omg ikaw soulmate ko I can feel it in my heart!' parang ganiyan," Charmaigne said with a disappointed look on her face.

 

Natawa na lamang sila sa sinabi nito.

 

"Fausto, samahan mo ako mamaya sa canteen ha? Ibibili ko lang si Leigh nung malaking lollipop na nakita ko," Jie told Kaizer before his hands held Kaizer's forearm.

 

"Leigh? Kapatid mo?" tanong ni Kaizer bago tumango. "Sige. Gusto ko rin bumili nung palamig sa stall bago umuwi."

 

"Oo, bunso namin. Grade one na. Minsan punta ka sa'min para mameet mo! Mabait 'yon pero makulit."

 

"Hmm… sige papapaalam ako sa Tita ko," sagot ni Kaizer. He took Jie's phone as well. "Palaro ako Space Impact, pwede?"

 

Jie nodded his head. "Sige lang. Asan Mama at Papa mo?"

 

"Nasa abroad parehas eh."

 

"Maki-mama ka na lang muna kay Mama ko."

 

"Ang galing, hindi pa nga ako kilala ni Mama mo grabe ka makaoffer."

 

"Ih! Papayag naman 'yon, mabait naman si Mama."

 

"Ayaw."

 

"Si Fausto oh parang ewan."

 

"Paalam ka muna sa Mama mo."

 

"Sige ha."

 

"Pero gusto ko mameet si Leigh, wala kasi akong kapatid. Single naman tita ko wala ring jowa," sabi ni Kaizer bago gigil na pinindot ang phone ni Jie. "Ayaw ko na nga! Mag-Snake na lang ako."

 

"Bulok mo naman Fausto."

 

"Hindi ako bulok, Lauren. Mukha ba akong prutas?"

 

 

5:30PM, Jie opened the door of their house and skipped towards his room. Mabilis siyang nagbihis at lumabas para hanapin ang kapatid.

 

"Leigh! May ubong si Kuya!" anunsyo niya kaya't narinig niya ang dali-daling si Leigh mula sa kwarto nito.

 

"Kuya! Asan, asan?!" Leigh asked Jie excitedly. Nang makarating ito sa tabi niya ay hinila nito ang laylayan ng damit niya.

 

"Nasa bag ko, kuhanin natin mamaya," Jie said and pulled Leigh to sit down on their sofa. "May nameet akong friend, Leigh. Tapos wala siyang sister. Gusto mo ba isa pang Kuya?"

 

"Oo naman! Mas marami ubong!"

 

Jie chuckled before he ruffled his younger sister's hair. "Matalino ka talaga. Asan mama?"

 

"Kauwi lang namin, asa kwarto," sabi ni Leigh bago tumayo. "Kuha ko na pasalubong sa bago mo Kuya ha?"

 

"Sige na. Punta ako kay Mama," sabi niya. The younger squealed before she ran towards his room. "Leigh huwag takbo!"

 

"Nyenye!"

 

Nailing na lamang si Jie sa kapatid bago lumakad sa kwarto ng ina.

 

Jie saw his mother reading a pocketbook. Nilapitan niya ito bago tumabi rito at yumakap. "Ma, may kwento po ako."

 

His mother removed her glasses and put down the pocketbook first before facing him and hugging him as well. "Andine ka na pala. May tinapay sa kusina, kuya. Maya-maya ako magluluto. Anong kwento? Kamusta ang school?"

 

"Nameet ko na soulmate ko."

 

"Eh? 'Di nga?" gulat na tanong ng ina bago tingnan si Jie.

 

Ngumuso si Jie bago ipakita ang kaniyang daliri na may pangalan ni Kaizer. "Ayan oh, lumabas na oh. Fausto oh."

 

"Ang aga niyo naman nagkakilala."

 

"Opo, Mama. Morning no'n eh— aray! Mama nangungurot!" reklamo niya bago sana lalayo sa ina ngunit maagap itong nayakap siya.

 

"Pilosopo kasi. Kamusta naman?"

 

"Mabait siya. Ay Mama, wala iyong parents niya kasi nagwowork abroad," panimula ni Jie bago tiningala ang ina. "Puwede Mama ka rin niya?"

 

And his mother gave Jie a very knowing smile before she nodded. "Sige okay lang naman. Pero makilala ko muna, 'di ba?"

 

"Malapit lang bahay niya dito sa atin! Lakad lang. Palibhasa tamad ako lumabas eh. Pero niyaya ko siya punta rito sa Sabado. Okay lang ba, Mama? Okay lang?"

 

Natawa na lamang sa kaniya ang kaniyang ina bago pisilin ang kaniyang pisngi.

 

"Okay lang naman siyempre, soulmate mo 'yon eh. Punta kamo siya dito."

 

"Yehey!"

 

Notes:

Baka i-save niyo number ni Kaizer ha year 2009 pa 'yan chariz HAHAHAHAH