Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Series:
Part 3 of Personal experiences na hinaluan ng fiction
Stats:
Published:
2022-12-26
Words:
1,353
Chapters:
1/1
Kudos:
18
Bookmarks:
1
Hits:
131

Piyaya

Summary:

Last face-to-face week for 1st sem na ni Junhui pero nagawa niya pa ring ihabol ang kaharutan niya.

Notes:

hello mga anteh! papatawarin niyo ba ako sa salang late nag-post ng christmas gift sa inyo? sana oo kasi huhu isang araw lang naman akong late e.

so ayun nga, kamusta naman ang life? pagod na ba? 'wag muna kakain ka pa sa new year whehehhe keep on fighting lang po! kapag pagod, pwede po magpahinga whehhe.

anyway, I hope you enjoy this ff dahil ito ang regalo ko sa'yo ngayong pasko.

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

As soon as his class got dismissed by their professor, sinimulan niya na ring maglakad papunta sa kanyang kaibigan.

 

 

 

 

 

"Ano na, Minghao?" pambungad niya rito.

 

 

 

 

 

"Sandali lang, inaayos ko pa gamit ko." 

 

 

 

 

 

Junhui just nod and starts to talk again.

 

 

 

 

 

"Ganto gawin natin, kunwari hindi tayo magkakilala para palabasin tayo. Alam mo naman 'yung mga 'yun eh, isa-isa lang pinapalabas." 

 

 

 

 

 

Recess na kasi nila at gusto nila lumabas ng building ngayon. At gusto nila i-try ang luck kung makakalabas nga sila gamit ang kanilang plano.

 

 

 

 

 

"Sige-sige, ayan ang gusto ko 'yung hindi kita kilala." ani Minghao matapos isarado ang bag. "Lika na."

 

 

 

 

 

Natawa na lang si Junhui at sinundan ang kaibigang nauna.

 

 

 

 

 

Medyo hindi pa nga sila nakalabas ka agad dahil ang iba nilang mga kaibigan ay nagbabalak magpabili kaso bilang mga makasarili sila, tinakasan na lang nila iyon.

 

 

 

Habang nasa hagdan pina-practice na nila ang 'Hindi ko 'to kilala walk' at ang line nila na magpapalabas sa kanila na, "Ako lang po mag-isa, kuya."

 

 

 

Kaso as soon as makalabas na sila ng building bigla na sila hinarangan ng guard.

 

 

 

 

 

"Kuya, bibi—" sabi ni Junhui na naunang lumapit sa gate.

 

 

 

 

 

"Bawal ho lumabas."

 

 

 

 

 

"Bakit po bawal? 

 

 

 

 

 

"May sumakit kasi ang tiyan kanina n'ong bumili siya sa labas." paliwanag ng guard. Wala namang nagawa si Junhui kundi tumalikod at lumapit kay Minghao.

 

 

 

 

 

"Ano raw?"

 

 

 

 

 

"May sumakit ang tiyan n'ung kumain ng pagkain na binili sa labas." ani Junhui. "Hindi naman tayo bibili sa pinagbilhan niya eh." bulong nito.

 

 

 

 

 

Lumakad naman si Minghao pa lapit sa guard para kausapin.

 

 

 

 

 

"Pwede po ba kahit diyan lang po? Sa may 7-11 po?"

 

 

 

 

 

"Bawal ho."

 

 

 

 

 

"Dito po?" turo niya sa tapat na tindahan kung saan nakapwesto ang bilihan ng piyaya.

 

 

 

 

 

"Bawal pa rin po." katulad ni Junhui, wala ring nagawa si Minghao kundi tumalikod at lumapit kay Junhui.

 

 

 

 

 

"Paano na tayo kakain?" ani Minghao.

 

 

 

 

 

Natahimik si Junhui 'tsaka biglang lumingon sa gilid na gate ng building nila.

 

 

 

 

 

"Pabili na lang tayo ru'n, baka makita pa natin si Dino." si Dino ang dating kaklase ni Minghao n'ong junior high school na naging kaklase rin ni Junhui n'ong elementary pa siya.

 

 

 

 

 

"Sige." naglakad si Minghao sa gilid ng gate na sinundan naman ni Junhui.

 

 

 

 

 

"Wala naman siya rito." sabi ni Minghao habang nakahawak sa gate.

 

.

 

 

"Oo nga eh, sandali tignan ko rito." sagot ni Junhui at tumakbo sa dulo kung saan na roon ang isa pang gate.

 

 

 

 

 

Nanlaki ang mata nito nang makitang nakabukas ang gate na madalas nakasara for some odd reasons.

 

 

 

 

 

Naintriga naman si Minghao sa paglaki ng mata ni Junhui kaya nilapitan niya ito at ngumiti nang makitang bukas ang gate.

 

 

 

 

 

"Bili ka na." pagtutulak ni Minghao kay Junhui.

 

 

 

 

 

"Tanga, bawal," sabi ni Junhui habang sumisilip sa labas. "Kapag tumapak ako rito sa labas baka makuryente ako." ani Junhui at natawa naman si Minghao sa biro nito.

 

 

 

 

 

Walang nagawa ang dalawa kundi maghintay ng taong kakilala nila para magpabili ng pagkain.

 

 

 

Sakto namang biglang dumaan ang kaklase nilang irregular na kaklase lang nila sa isang subject na si Seungcheol.

 

 

 

 

 

"Kuya cheol!" tawag ni Junhui rito.

 

 

 

 

 

Tinulak naman siya ni Minghao nang mahina. "Huy! Makatawag ka naman diyan, close ba kayo?"

 

 

 

 

 

"Hayaan mo na papabili naman tayo eh." sabi niya sabay tawag ulit sa kaklase, lumingon ito at nilapitan sila.

 

 

 

 

 

"Bakit?" sagot ni Seungcheol.

 

 

 

 

 

"Kuya, pwede mo ba kaming bilhan?" nahihiyang suyo ni Junhui. "Ayaw kasi kami palabasin eh."

 

 

 

 

 

Tumingin lang si Seungcheol sa kanila at tumungo. "Sige, saan ba?"

 

 

 

 

 

"Sa 7-11 sana, kuya." nahihiyang sabi ulit ni Junhui. 

 

 

 

 

 

"Ano ba bibilhin niyo?"

 

 

 

 

 

"Crinkles sa akin, kuya." ani Junhui sabay siko kay Minghao. "Tea sa akin, 'yung nasa bote." 

 

 

 

 

 

"Pwede pa-search na lang ng pangalan? Baka magkamali ako eh." sabi ni Seungcheol sabay abot ng phone niya kila Junhui.

 

 

 

 

 

Hinanap naman nila ito sa internet at ipinakita kay Seungcheol na agad din namang tumungo senyales na naintindihan niya ang mga pinabibili ng mga nakababata.

 

 

 

 

 

"Ito bayad namin, kuya." sabay abot nila ng bayad. "Kung gusto mo rin bumili, bili ka rin. Thank you!!" ani ulit ni Junhui.

 

 

 

 

 

"What if itakbo ko itong pera niyo?" pagbibiro ni Seungcheol sabay alis na kinatawa naman ng dalawa.

 

 

 

 

 

Habang hinihintay nila ang pinabili, walang ginawa ang dalawa kundi magkwentuhan lamang.

 

 

 

 

 

"Tignan mo sila oh nakakandong pa." patagong turo ni Junhui sa lalaking nakakandong sa isang lalaki na nasa tapat lang nila.

 

 

 

(づ ̄ ³ ̄)づ

 

 

 

Ilang minuto ang lumipas at dumating na si Seungcheol na may dalang paper bag ng 7-11.

 

 

 

Lumapit naman sila rito para kunin ang dala nito.

 

 

 

 

 

"Wala 'yung pinaoabili mo, ubos na raw." sabi ni Seungcheol sabay abot ng paper bag at ng bayad.

 

 

 

 

 

"Okay lang kuya. Hindi ka bumili?" sagot ni Junhui.

 

 

 

 

 

"Hindi na." sabi niya sabay alis.

 

 

 

 

 

Nagpaalam naman ang dalawa at nag-thank you.

 

 

 

 

 

"Wala kang pagkain." sabi ni Minghao na kinatungo na lang ni Junhui.

 

 

 

 

 

"Walang crinkles, gusto ko sana ng piyaya..."

 

 

 

 

 

"Ako rin, pero umalis na si kuya Cheol."

 

 

 

 

 

Tumingin naman si Junhui sa kaibigan. "What if magpabili tayo?" 

 

 

 

 

 

Natawa naman si Minghao at biglang um-apir. Nag-umpisa na namang mag-abang ang dalawa sa gate para magpabili.

 

 

 

 

 

"Ate, pabili kami."

 

 

"Kuya..."

 

 

"Pabili po kami..."

 

 

 

 

 

Ang mga katagang kanina pa naririnig ni Minghao. Paano walang gustong kunin at bilhan sila.

 

 

 

Napansin naman nilang may ibang course na dumadaan sa gate na nakabukas na tinitignan lang sila na parang sila ang pinakabaliw na taong nakilala nila.

 

 

 

Nahihiya na rin si Minghao dahil kung sino-sino ang tinatawag ni Junhui para lang magpabili.

 

 

 

Ilang "Ate...", "Kuya, baka naman." at "Bilhan niyo na po kami." bago may dumating na anghel sa kanila.

 

 

 

 

 

"Kuya, papabili kayo?" sabi ng lalaking nakapwesto sa may tapat ng restong nasa tapat lang nila.

 

 

 

 

 

Guminhawa at nanlaki naman ang mga mata ni Junhui dahil sa narinig.

 

 

 

Agad na tumungo si Junhui at pinalapit ito sa gate na bukas pa rin.

 

 

 

 

 

"Kuya, pabili kami." sabi ni Junhui n'ung nagkaharapan na sila.

 

 

 

 

 

"Ano papabili niyo?"

 

 

 

 

 

"Piyaya." sabi ni Junhui. 

 

 

 

 

 

"Anong flavor?"

 

 

 

 

 

"Anong flavor sayo?" tanong ni Junhui kay Minghao. "Ube." 

 

 

 

 

 

"Dalawang ube po, tatlo niyo na kung gusto niyo rin o bili ka rin ng gusto mo." sabi ni Junhui sabay abot ng 100 pesos niya.

 

 

 

 

 

"Ikaw muna magbayad, wala akong barya." sabi ni Minghao. 

 

 

 

 

 

"Sige na, 'wag mo na bayaran." sabi ni Junhui. "Ayan lang, kuya. Salamat!!" 

 

 

 

 

 

Umalis na ang lalaking naglalakad ngunit biglang tumakbo n'ung narinig nila Junhui ang kasama nito na itatakas niya ang pera nila.

 

 

 

Natawa naman sila ngunit naudlot din nang mahuli sila ng guard. 

 

 

 

 

 

"'Wag kayo rito, makikita kayo sa CCTV. Ipapa-guidance ko kayo."

 

 

 

 

 

Napa-sorry naman sila Junhui at babalik na sana siya sa main gate para ru'n na lang iabot ang mga pinamili na saktong bigla itong dumating.

 

 

 

 

 

"Huy, Jun! Ito na." tawag sa kanya ni Minghao na nakuha na ang plastic na may lamang piyaya nila.

 

 

 

 

 

Lumapit naman si Junhui para kunin ang sukli na ibinigay naman.

 

 

 

 

 

"Ilan binili mo?"

 

 

 

 

 

"Dalawa."

 

 

 

 

 

"Hindi ka bumili?" tumungo ang lalaki. "Bakit? Gusto mo kiss na lang kita?" ani Junhui na kinatawa ng lalaki at nang dahilan kung bakit siya natulak ni Minghao.

 

 

 

 

 

"Huy!" pagsaway ni Minghao.

 

 

 

 

 

"Number mo na lang." natatawa pa ring sabi ng lalaki.

 

 

 

 

 

"Sige. 09436196763" mabilis na banggit ni Junhui ang kanyang number. Nataranta naman ang lalaki dahil hindi siguro nito inaasahan na ibibigay ni Junhui ang number niya.

 

 

 

 

 

"Sandali lang." ani ng lalaki sabay open ng messenger app at naghanap ng conversation para ru'n i-type ang number.

 

 

 

 

 

"Sige, 0 9 4 3 6 1 9 6 7 6 3." dahan-dahan na banggit ni Junhui.

 

 

 

 

 

"Sige na, salamat!" ani Junhui sabay hatak kay Minghao papasok sa building nila.

 

 

 

 

 

"Bakit mo naman binigay number mo?" nagulat pero natatawang sabi ni Minghao.

 

 

 

 

 

"Ewan ko rin." kibit-balikat ngunit natatawang sabi ni Junhui.

 

 

 

 

 

Umakyat na sila sa kanilang room at saktong pagbukas nito ng phone niya ay may biglang message na pumasok.

 

 

 

 

 

"Hi, sir! Lazada po at ang item niyo po ay tinatawag na Wonwoo." mahinang basa ni Junhui.

 

 

 

 

 

Sakto ring nasa may bandang bintana siya nakaupo kaya paglingon niya rito ay bigla niyang nakita ang lalaki na kinakawayan siya.

 

 

 

Mukhang may isang grade conscious na naman ang magkakaroon ng inspirasyong mabuhay at ipagpatuloy ang pag-aaral.

Notes:

so.... how was it?? I hope you enjoy po whehehhe

thank you for reading po! love lots, merry christmas and happy holidays!!