Actions

Work Header

Cloud of Someone

Summary:

Do you still remember someone from your childhood despite the fact that you already met a bunch of people? Well, even though Junhui is forgetful, he will never ever forget this someone from his past.

Notes:

hello!! how's life going? ito na naman po tayo sa another episode of Personal Experiences na Hinaluan ng Fiction: Past Memory ni Author Edition. kung nababasa mo man ito Conan at feeling mo ikaw ito, hmu sa twitter (@snxtlye) lol. anyway, kamusta ka naman? kaya pa ba ang work? kaya pa ba ang first week bilang estudyante na naman? pinost ko ito kasi baka i-ghost ko po kayo dahil start na ng classes namin bukas T_T good luck everyone! padayon po hehe

 

forget stress and just enjoy reading ><

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Sa hindi maipaliwanag na ingay nagising ang isang batang lalaking nagkukusot pa ng mata. Hindi niya alam ang nangyayari pero isang bagay lang ang alam niya...

 

 

Manganganak na ang tita niya.

 

 

 

Everything happened so fast. Parang kanina lang ay nagising siya sa ingay na nangagaling sa pagkakagulo ng parents niya dahil sa tita niya at ngayon nasa hospital na sila.

 

 

 

Madilim pa lamang ang paligid at alam na alam ng batang ito iyon dahil nasa labas sila ng hospital ngayon.

 

 

 

Hindi sila pwedeng pumasok ng kaniyang kapatid sa loob dahil there's a big chance na baka mahawaan sila ng kung anong sakit ang nasa loob ng hospital na iyon.

 

 

 

Sa totoo lang, malawak naman ang hospital na ito. Hindi lang isa ang building, hindi rin dalawa, kundi marami talaga. Para itong malawak na paaralan sa kaniya na pwedeng takbuhan kung kailan mo gusto.

 

 

 

 

"Anak, sleep ka na muna." ani ng isang magandang babae na nakasuot ng ternong pajama habang nakatali ang buhok gamit ang lapis. Ito ay nakaupo sa bangkuan na nasa ilalim ng puno kung saan nakapatong naman ang ulo ng batang lalaki sa hita nito. "I'm sorry anak, if we woke you and your brother up."

 

 

 

 

"Don't worry about it, mama. I'm fine, actually I'm not sleepy at all." he rose up and showed his biceps to his mama. It made her mama laughed.

 

 

 

 

"Mama," pagtawag pansin ng bata sa ina. "Where's my brother?"

 

 

 

 

Napangiti naman ang kaniyang ina sa kaniyang saad. Hinaplos nito ang hiyang sa toddler shampoo na buhok ng anak.

 

 

 

 

"He's with tatay, do you want to see him?" he nod as for his answer.

 

 

 

 

His mother insisted on giving him a piggy back ride. Hindi naman ito gaano kabigat at gusto naman nito i-enjoy ang moment with him.

 

 

 

 

"Where's papa, mama?" karamihan talaga sa mga batang nasa edad niya ay nagiging palatanong kaya hindi na nagtaka ang kaniyang ina sa marami nitong tanong.

 

 

 

 

"His inside the hospital, inaasikaso niya ang mga papeles ni tita mo."

 

 

 

 

"Where's nanay?"

 

 

 

 

"Nanay is with your tita and her baby."

 

 

 

 

Nagpantig naman ang tenga ng bata noong marinig ang tungkol sa magiging baby ng kaniyang tita.

 

 

 

 

"Is the baby's here?" masigla nitong sambit. Dama ng kaniyang ina ang pagkaligalig nito dahil bahagya itong gumalaw sa tuwa.

 

 

 

 

"Hindj ko pa alam, anak ko," sambit ng ina bago siya ibaba nito sa harap ng chapel. Kita sa glass window ang kaniyang tatay (lolo) at ang kaniyang kapatid na nakahiga. "We're here."

 

 

 

 

Binuksan ng ina ang pinto kaya mabilis na tumakbo ang bata sa pwesto ng kaniyang tatay. Napansin niyang natutulog ang kaniyang kapatid sa hita nito na may nakabalot na jacket.

 

 

 

Sa edad niya hindi niya naman talaga alam ang nangyayari. Kung sa kaniya, masaya ito, sa pamilya niya naman ay hindi.

 

 

 

Sa katunayan, hindi pa naman kabwanan ng kaniyang tiya. Hindi pa naman dapat puputok ang panubigan nito. At hindi pa naman dapat sila nagka-camping sa labas ng hospital.

 

 

 

Nag-aaalala ang pamilya niya sa nangyari pero hindi naman pansin ito ng batang lalaking nakatulog na pala sa gitna ng kwentuhan ng kaniyang ina at ang kaniyang lolo.

 

 

 

Kinaumagahan, nagising na lamang ang bata na nakahiga sa upuan kung saan sila nakatambay ng kaniyang ina bago ito pumunta sa chapel n'ung madilim pa lamang ang kalangitan.

 

 

 

Nilinga nito ang paligid at du'n niya nakita ang ina na binabantayan ang kapatid na nagtatatakbo.

 

 

 

Pinagmasdan niya lang ang sinaryo hanggang sa lingunin siya ng kaniyang ina na binigyan siya ng ngiti na kasing tamis ng honey.

 

 

 

Nilapitan siya ng ina at binigyan ng halik sa noo. Inabutan naman siya ng kaniyang nakababatang kapatid ng sandwich at cup noodles.

 

 

 

Lumipas ang umaga nila ng puro takbo, dumating naman ang tanghalian hanggang maghapunan at siyang pagsapit ng dilim.

 

 

 

At umulit lamang ulit ang kanilang ganap kinabukasan. Nadatnan na naman niya ang kapatid na tumatakbo. Napansin siya ng ina at inabutan ulit ng kapatid ng umagahan nito na tapsilog.

 

 

 

Dumaan ang tanghalian at sinigang ang ulam nila ngayon na kahapon ay chicken mula sa Jollibee.

 

 

 

Akala ng batang lalaki ay lilipas na naman ang araw niya ng sinusundan ang kapatid sa pagtakbo ngunit hindi naman siya nagkakamali.

 

 

 

Sinundan niya lang ang kapatid sa pagtakbo na naging dahilan para mapunta sila sa tabing building kung saan hindi pa nila napupuntahan.

 

 

 

At saktong du'n sila nakakilala ng bagong kaibigan.

 

 

 

 

"Taga-saan naman kayo?" ani ng batang kakakilala lang nila ng kapatid. Maputi ito na may mala-fox ang hulma ng mata, matangos din ang ilong nito at kasing tangkaran niya lang.

 

 

 

 

"Doon," turo ng kapatid niya sa malayo. "Ikaw, saan ka nakatira?"

 

 

 

 

Napangisi naman ang bata n'ung marinig ang tanong dahil alam na alam na niya ito sagutin. Napatulala naman ang dalawang magkapatid dahil kabisado ng bata ang address ng bahay nila.

 

 

 

 

"Ano ba mga pangalan niyo?" pagbato naman nito ulit ng tanong sa dalawa.

 

 

 

 

"Ako! Me is Soonyoung and here's my kuya." sambit ni Soonyoung ng may ngiti sa mga labi.

 

 

 

 

"Hi! I'm Junhui, older brother of Soonyoung and you, what is your name?" ani Junhui sabay lahad ng kamay.

 

 

 

 

Napasinghal naman ang batang mestizo sa asta ni Junhui. Hindi siya nayayabangan kay Junhui dahil magaling ito mag-English pero natutuwa siya dahil may makakausap na siya in English.

 

 

 

 

"I'm Wonwoo," sabay kuha at shake hands sa kamay ni Junhui. "It's nice to meet you both."

 

 

 

 

"Ano pala ginagawa mo rito, Wonwoo?" maangas na banat ni Soonyoung habang naglalambitin sa bakal. Agad naman siyang sinaway ng kapatid na si Junhui dahil delikado ang pagsabit niya.

 

 

 

 

"Kuya wonwoo..." singhal ni Wonwoo kay Soonyoung. "I'm older than you and I'm here because of my dad."

 

 

 

 

"Bakit, how old are you na ba? At bakit nandidito ang dad mo?" sunod-sunod na tanong ni Soonyoung habang ang kapatid niya ay pinapanood lang siya makipag-engage with someone.

 

 

 

 

"I'm 5 years old turning 6 ye—"

 

 

 

 

"I just turned 6 this month, I'm older than you." pagputol ni Junhui sa sinasabi ni Wonwoo.

 

 

 

 

"I'm turning 6 this July." nakangiting sabi ni Wonwoo. "You are one month older than me."

 

 

 

 

Habang nauubos ang oras, lumalalim naman ang araw. Nauubosan na rin ng sasabihin ang dalawang nakakatanda. Ubos na ang ikekwento nila at tulog na ang kapatid ni Junhui dahil sa pagod kakatakbo buong araw.

 

 

 

 

"When kayo aalis dito?" tanong ni Junhui na ikinalingon ni Wonwoo.

 

 

 

 

"Sabi ni mom ko bukas daw ay uuwi na kami" malungkot na sagot ni Wonwoo.

 

 

 

 

Nanghihinayang siya na kung kailan last day na ng dad niya rito du'n pa siya nakahanap ng friends.

 

 

 

 

"Gan'on? Kami kasi I don't know pa but we are not going home yet kahit bukas."

 

 

 

 

Katahimikam na naman ang bumalot sa dalawang batang nakupo sa gilid ng wheelchair hill. Ang isa ay nagbabato ng bato at ang isa naman ay naghihimas ng bato.

 

 

 

 

"Gusto mo hati tayo rito?" napalingon naman si Junhui nang biglang magsalita si Wonwoo.

 

 

 

 

Pinapanood niya lang ang bata sa kung paano nito baliin ang pendant ng necklace niya. Isa itong stainless steel dogtag pendant na may nakaukit na W sa gitna. Manipis lamang ito at kayang baliin.

 

 

 

 

"How mo mabe-break iyan? Baka masu—" tatapusin pa sana ni Junhui ang sasabihin ngunit natigilan din nang biglang makarinig sila ng crack.

 

 

 

 

Nakita niyang dalawa na ang hawak na pendant ni Wonwoo. Isang nakakabit pa rin sa leeg niya at isang binibigay sa kaniya.

 

 

 

 

"For you," sabay lagay ni Wonwoo ng pendant sa palad ni Junhui. "I hope you and I will meet again in the future."

 

 

 

 

Napangiti naman dito si Junhui at bibigyan na sana ng good bye hug si Wonwoo ng biglang nag-snap sa harapan niya ang katrabaho.

 

 

 

 

"Hoy! Naaalala mo na naman 'yung batang nakita mo rito sa hospital n'ong bata kayo ni Soonyoung 'no? Tama na iyan, hinahanap ka na ng pasyente mo, Nurse Favorite." dakdak ni Jihoon na kababalik lang mula sa pasyente niya.

 

 

 

 

"Ito na nga, sabi ko nga hindi na magre-reminisze." ani Junhui sabay tapik sa balikat ni Jihoon at nag-umpisang maglakad paalis sa nurse counter.

 

 

 

 

Junhui can't believe that after more that 1 decade, he's be back at this hospital. Hindi dahil manganganak na naman ang tita niya kundi dahil bilang alipin ng medikasyon.

 

 

 

Sa dinami-rami nga naman ng hospital na tatanggapin siya, rito pa talaga. Ang hospital kung saan unang sumaya at nadurog ang 6 years old na sarili niya.

 

 

 

 

"Nurse Favorite, do you hear me?"

 

 

 

 

Agad namang napalingon si Junhui sa kaniyang pasyente nang hatakin nito ang laylayan ng scrub niya.

 

 

 

 

"Opo naman," aniya bago ibalik ang atensiyon sa daluyan ng dugo ng bata. "Nasaan pala ang bantay mo?"

 

 

 

 

"My bantay?"

 

 

 

 

"Yes po."

 

 

 

 

"My bantay today is my papa po. He went outside po, nurse."

 

 

 

 

He was actually anticipated to see this child's father. Sa 4 days ba naman nitong naka-confine ni isang beses hindi niya nakita ang ama nito.

 

 

 

Tumungo naman si Junhui bilang sagot na busy pa rin sa pagsuri ng vital signs ng bata at iba pang dapat suriin.

 

 

 

Dahil napansin ng bata na hindi nakikinig at extra busy ang Nurse Favorite niya, hindi na siya nagdalawang isip na hilain ang laylayan ng scrub nito.

 

 

 

At hinila pa,

 

 

 

Hanggang sa medyo nawala na sa ayos ang scrub ni Junhui na naging dahilan para makita ng bata ang kaniyang necklace.

 

 

 

 

"Ethan, can you wait for a seco—"

 

 

 

 

"I think I've seen that necklace before, Nurse Favorite."

 

 

 

 

Napatigil si Junhui sa pagsusulat nang marinig ang sinabi ng pasyente niya.

 

 

 

 

"Saan mo po nakita?"

 

 

 

 

Hindi sumagot si Ethan. Napansin ni Junhui na inaabot nito ang isa sa mga drawer sa right side ng higaan niya. Agad namang lumapit si Junhui rito para tumulong sa pag-abot.

 

 

 

 

"Alam ko po nakita ko na iyang necklace mo po dati." napahinto naman ang bata sa paghahanap ng hindi alam ni Junhui na bagay.

 

 

 

 

"Kay dad—"

 

 

 

 

Bago pa matapos ni Ethan ang sasabihin ay biglang bumukas ang pinto na siyang iniluwal ng isang lalaking naka-polo na kung saan naka-rolled up ang dalawang long-sleeves nito, naka-black slack, maputi, matangkad, nakasalamin.

 

 

 

Napatayo ang kanina'y nakaluhod sa harap ng drawer na si Junhui nang makita ang kumikinang na pendant ng necklace ng lalaki.

 

 

 

Ang lalaki naman ay nakatingin din sa kaniya — sa necklace niya na may parehas na biyak ng pendant ng lalaki.

 

 

 

"Dada Wonwoo!!" sigaw ni Ethan dahilan para lapitan siya ni Wonwoo at bigyan ng yakap.

 

 

 

 

"Nurse Favorite, nurse favourite, this is my Dada Wonwoo po." pagpapakilala ng batang walang kamalay-malay na itong Dada Wonwoo niya ang batang nagbigay ng pendant niya.

 

 

 

 

"I'm Nurse Junhui Wen, I'm the nurse in charge to Ethan. It's nice to meet you...?" sambit ni Junhui sabay lakad ng kamay sa harap ni Wonwoo.

 

 

 

 

"Engineer Wonwoo Jeon, Ethan's uncle. It's nice to finally meeting you again, Nurse Favorite." ani Wonwoo bago hawakan ang kamay ni Junhui for a shake hands.

 

 

 

 

Junhui never felt this kind of happiness into his life. Junhui gave Wonwoo his sweetest smile, so does Wonwoo.

 

 

 

More than one decade ago, he wished to God one thing; Bring my playmate back. He meant his cousin but thank God, he didn't made his wish clear.

 

Notes:

how was it po? did you enjoy the story? leave your feedbacks, if you have any :)