Actions

Work Header

Secret

Summary:

Kwento sa buhay ni Junhui on a random Friday dahil siya ay sumakses!

Notes:

hi!! long time, no post AAAA!! na-miss ko kayo saur muchhhh!!! how's life, my loves? okay pa ba ang 2025 mo? grabe ang bilis ng panahon ha!! april na ka agad hehe nga pala! magpahinga ka this holy week ha! you deserve that, sabayan mo rin ng pagbabasa ng mga au ko hehehe

mini life update lang, buhay pa naman ako and dapat mga march pa lang tapos na ito at naka-post na hoho now ko lang tinuloy since naka-health break from univ hehehe!!! possible na may kasunod itong random wonhui happenings na fic na ito saur get ready HAHAHAHHA

anyway!!! enjoy and have fun :)))

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

"Jun, sa dorm ni Wonwoo muna kayo ni Joshua tumambay ha? Roon niyo muna kami hintayin hanggang matapos class namin."

 

 

 

"Sige lang, Cheol." ani Junhui habang nakangiti. Kalalabas lang nito galing sa laboratory dahil tapos na ang klase.

 

 

 

"Naglinis na rin ako roon para komportable kayong pumwesto."

 

 

 

"Naglinis ka? Eh! Balak nga namin ni Joshua maglinis ng electric fan." angal sabay lingon sa likuran. "Wait lang, kunin ko na muna gamit ko. Nag-aayos pa lang si Joshua sa loob." Tumungo naman si Seungcheol dahilan para bumalik ulit ang isa sa loob.

 

 

 

Sila kasi ay may get together pagtapos ng klase nila Seungcheol. Siya, si Joshua, Si Seungcheol at ang apat nitong asungot na si Wonwoo, Vernon, Minghao at Mingyu—speaking of!

 

 

 

"Nasaan si Gyu?" pambungad ni Junhui pagkabalik ulit. Dala na nito ang kaniyang hiking bag at phleb kit.

 

 

 

"Hindi na makakasama, nagka-emergency kasi sa kanila. Need niya samahan si Tita sa hospital kasi nakagat ng pusa." ani Seungcheol. Nag-alala naman bigla ang isa.

 

 

 

"Nako! Sana okay na si Tita. Kamo bawi na lang siya next alis natin." binaba na ni Junhui ang kaniyang bag sa gilid ng bench at umupo sa tabi ni Wonwoo.

 

 

 

Sa totoo niyan ang tunay talagang magkakaibigan ay si Junhui, Seungcheol at Joshua. Sariling kaibigan naman ni Seungcheol iyong apat, habang nasa iba at iisang circle of friends din si Joshua at Junhui. Dahil magkakaibigan nga ang tatlo, nasabit na rin pati mga kaibigan ni Seungcheol kaya ngayon magkakasama na sila.

 

 

This is not actually the first time na aalis together but this will be the first time na maiiwan muna sila Junhui kay Wonwoo. Actually, kinukupal talaga nilang dalawa ang isa. Minsan nga naisip nila na baka gusto na sila sampalin ni Wonwoo dahil sa tuwing nakikita nila ito at nakikita sila parang biglang sumusungit ang mukha.

 

 

Pero tignan natin, sabi nga nila, 'Looks can be this evening'. Eme! 'Looks can be disceiving'. Ay tama ba iyang kasabihan ko? 'Don't judge a book by it's cover' kasi!

 

 

 

"Sige na, pumasok na kayo, Cheol, ni Minghao." pagtataboy ni Junhui nang lumabas na si Joshua galing lab. 

 

 

 

Sa katunayan, magkaka-block sila noong first semester kaya sila naging magkakaibigan. Ngayong second sem, magkakaiba na sila ng block kaya iba-iba na rin ang schedule nila. Kaya ngayon papasok na ang dalawa samantalang si Junhui, Joshua, Wonwoo at Vernon naman ay tapos na ang klase (subalit magkakaiba sila ng subject na pinasukan). Kaya nga ang set-up nila ay maghihintay ang dalawa sa dorm n'ung isa.

 

 

 

"'Ge! Ingat kayo ha! Chat ako kapag tapos na klase namin!" sabi ni Seungcheol sabay pasok sa lab. Si Minghao naman ay tumungo lang bago pumasok.

 

 

 

"Wons, milktea tayo." pag-aaya ni Junhui n'ung tumayo na sila.

 

 

 

"Kaka-milktea ko lang kagabi." aniya.

 

 

 

"Kahit na! Mag-milktea ka pa rin!" pamimilit ni Joshua. "Ikaw, Vernon? Milktea tayo ha!"

 

 

 

Umiling naman ang isa at natawa.

 

 

 

"Uuwi iyan sa dorm niya. Hindi siya sasama mag-milktea."

 

 

 

"Ay?" pagre-react ni Junhui.

 

 

 

"Icha-chat ko na lang siya kapag pupunta na siya sa dorm." sagot ni Wonwoo at d'un nag-umpisa maglakad. Tumungo na lamang ang dalawa dahil wala ng masabi.

 

 

 

Habang naglalakad sila ay agad na inabot ni Junhui ang kaniyang phleb kit kay Wonwoo. "Dalhin mo." aniya rito na tinignan muna siya bago kunin ang phleb kit niya. Sinabihan din ni Junhui si Joshua na ibigay ang phleb kit kay Wonwoo para wala na ring dalahin ang isa.

 

 

Nagpatuloy sila sa paglakad. May kaniya-kaniya silang diskusyunan lalo na ang dalawa na sina Junhui at Joshua na pinag-uusapan ang kaganapan kanina n'ung PathFit.

 

 

 

"Ikamamatay ko yata ang core exercise tapos sinabayan pa ng laboratory. Combo talaga!" angal ni Joshua.

 

 

 

"Pangit schedule natin pero ayos na rin kesa may saturday class."

 

 

 

(*˘︶˘*).。*

 

 

 

Nang makarating silang apat sa kanto, agad namang nagpaalam si Vernon dahil siya ay uuwi na sa dorm niya.

 

 

 

"Chat na lang kita, pre!" ani Wonwoo na nakipag-fist bomb pa rito bago umalis ang isa.

 

 

 

N'ung lumingon si Wonwoo sa kanilang dalawa agad niya itong sinabihan ng "Lakad.", kaya naglakad ulit ang dalawa.

 

 

Nagpatuloy ang usapan ng dalawa hanggang sa makarating sa bilihan ng milktea. Ang kasama nila ay nakabusangot pa rin as usual.

 

 

 

"... Anything else po?" ani ng staff sa milktea shop. Naka-order na kasi ang dalawa ng milktea nila.

 

 

 

"Anong gusto mo? Turo mo na, kami na bahala riyan." pag-aaya ni Joshua sa binata na nag-aalangan.

 

 

 

"Dalian mo na, pambayad din namin iyan sa panggugulo sayo ngayong araw." ani Junhui kaya biglang nag-isip ang isa sa kaniyang order.

 

 

 

"Caramel frappe sa akin."

 

 

 

"Tapos po isang caramel frappe na large. Thank you!" pagbalik ni Junhui ng atensiyon sa staff.

 

 

 

Habang naghihintay ng order sa milktea shop. Lumabas muna ang dalawa para maghanap pa ulit ng memeryendahin. Napapailing na lamang ang isa at napapabulong, "Napakagastos talaga."

 

 

 

"Oh!" ani Joshua nang makitang hirap na hirap na bitbitin ni Wonwoo ang dalawang milktea, dalawang phleb kit at isang frappe.

 

 

 

Agaran namang kinuha ni Junhui ang bitbit nitong frappe at milktea. "Bakit hindi ka nagsabi na dumating na pala ang order?" Na kagat-kagat ang plastik na may lamang tinapay

 

 

 

Inalis ni Wonwoo ang plastik sa bibig nito at hinawakan.

 

 

 

"Nasa labas kasi kayo." pagmamataray ng isa.

 

 

 

Napataas naman ng kilay ang dalawa at nagsabi ng sorry. Natawa naman ang isa sa asta nila at pinauna na maglakad

 

 

Habang nasa dorm ang tatlo, kung anu-anong kabobohan ang kanilang pinaggagawa. Nag-settle lamang ang palagid nang mapagdesisyunan nilang manood ng anime. Iyong nakakaiyak sana pero mukhang romance pa yata ang napili nila kaya napapasinghal si Junhui at kinikilig naman si Joshua.

 

 

 

"Papunta na raw iyong dalawa." pagpapaalam ni Wonwoo sa dalawang hindi maalis ang tingin sa laptop dahil masyadong immerse sa pinanonood.

 

 

 

"Pasunudin mo na si Vernon." ani Joshua nang hindi man lang dinadapuan ng tingin ang isa.

 

 

 

Ginawa naman n'ung isa ang utos ni Joshua. Kaya nagsidatingan na sila sa dorm, ang kaso nga lang, hindi pa nila tapos ang pinanonood.

 

 

 

"Shua, mamaya niyo na lang ituloy iyan. Aalis na tayo." pag-aaya ni Seungcheol dito.

 

 

 

Sa katunayan, malapit lamang ang kanilang pupuntahan. Ngunit gabi na rin kasi, may mga tropa pa silang kailangan umuwi dahil may naghihintay na ateng masungit, may magulang na ila-lock ang gate kapag hindi umuwi before curfew at may dorm na hanggang anong oras lang ang curfew. Kaya kailangan na nilang kumilos.

 

 

 

o((*^▽^*))o

 

 

 

"Tol, ikaw na bahala riyan sa dalawa." paalam ni Seungcheol kanilang tatlo.

 

 

 

Uwian time na kasi at si Wonwoo na naman ang naatasan na ibalik ang dalawa sa kanilang pinanggalingan. Si Seungcheol kasi ay hindi na sila masasamahan dahil ang ate niya ay hinahanap na siya. Si Vernon naman medyo nauna nang umuwi dahil anong oras na at Si Minghao na napakaaga umuwi dahil masasaraduhan ng gate.

 

 

 

"Sige, ako na bahala." fist bomb ni Wonwoo kay Seungcheol. "Ingat, tol." aniya rito.

 

 

 

"Jun, Shua, ingat kayo. Ako bahala riyan kay Wonwoo kapag hindi kayo nakauwi nang ligtas." huling pamamaalam niya bago tumakbo patawid. Natawa naman ang dalawa rito.

 

 

 

"Shua, ihatid ka muna namin bago ako ihatid ni Wons sa sakayan. Baka masaraduhan ka ng gate." sambit ni Junhui rito habang naglalakad sila papunta sa dorm n'ung isa.

 

 

 

"Sure ka ba? Malayo ka pa eh." pagdadalawang isip ni Joshua habang naglalakad.

 

 

 

"Oo naman! Isa pa malapit ka na rin naman sa nilalakaran natin." natawang sabi ni Junhui habang si Wonwoo ay nakamasid lang sa kanilang dalawa.

 

 

 

Nang makarating sa dorm ni Joshua, agad na itong nagpaalam at itinaboy sila nang mabuksan ang gate. Pinagmamadali niya na kasi ang dalawa dahil anong oras na rin. Natawa ang dalawa kaya umalis na rin silang dalawa at nag-umpisang maglakad.

 

 

 

Habang naglalakad, "Buhatin mo." abot ni Junhui kay Wonwoo ng kaniyang phleb kit. Tinanggap naman ito ng isa kaya, "Pati bag ko na rin."

 

 

 

Nagkatinginan silang dalawa kaya agad na binawi ni Junhui ang sambit.

 

 

 

"Joke lang." natatawa niyang sabi.

 

 

 

"Hindi na. Ako na riyan." ani Wonwoo sabay hawak sa bag ni Junhui dahilan para tanggalin niya ito.

 

 

 

"Palit na lang tayo ng bag." agad na sinuot ni Junhui ang bag ni Wonwoo n'ung inabot n'ung isa ang bag niya.

 

 

 

Nagsimula na ulit silang maglakad nang maayos nila ang kaniya-kaniyang suot na bag. Halatang hindi kay Junhui ang gamit na bag dahil nakalawlaw ito hanggang hita niya, indikasyon na mas matangkad ang totoong may-ari ng bag.

 

 

 

"Kamusta araw mo?" pambabasag ni Wonwoo ng katahumikan.

 

 

 

Napalingon naman si Junhui sa gawi ng binata. "Huh?"

 

 

 

"Kamusta ka kako?" hindi alam ni Junhui ang isasagot sa binita dahil siya ay nabigla.

 

 

 

"O-okay naman." nauutal nitong sambit na biglang natawa. "Ikaw? Kamusta araw mo? Nakunsume ka ba namin?"

 

 

 

"Okay lang naman ako, masaya ako na ako ang nagbantay sa inyo." ngiti ng isa bago pantayan ang lakad ni Junhui at dahan-dahang dinidikit ang kamay ng mapantayan ito.

 

 

 

Natawa naman si Junhui sa pasimpleng gawi ni Wonwoo kaya siya na ang gumawa ng tamang gawain. He slipped his hand inside Wonwoo's and slowly interwined their fingers bago yumuko at ngumiti ulit.

 

 

 

"I missed you." bulong ni Wonwoo kay Junhui kaya napahinto sila sa paglalakad.

 

 

 

Magkaharapan ang dalawa ngayon na natatawa sa kagagahan nila. Agad na niyakap ni Junhui si Wonwoo na sinuklian din ng isa. Wala na silang pake kung sa harap ng dorm ni Vernon sila gumagawa ng eksena.

 

 

 

Miss nila ang isa't-isa, ano magagawa natin?

 

 

 

"Pakagat nga." bulong ni Junhui habang magkayakap pa sila.

 

 

 

Napangiti naman si Wonwoo rito dahil ang cute lang ng boyfriend niya.

 

 

Kung hindi lang sila naglalaro ng tagu-taguan sa mga kaibigan nila, talagang taob ang lahat dahil ipagmamayabang niya talaga ang cute niyang boyfriend.

Notes:

kamusta po?? lemme know your thoughts!! don't forget to leave a kudos ^^

Series this work belongs to: