Work Text:
"Ready na?"
Tumango si Renjun pagkatapos higpitan ang lock ng helmet niya. Sinilip ni Yangyang si Renjun sa side mirror para makita kung totoo ngang ready na ito bago sila umalis. Nakakalipas na ang 10 segundo na hindi pa rin umaandar ang motor ni Yangyang, tinapik na siya ni Renjun.
"Hoy, sabi ko okay na. Tara na!"
"Hindi ka ba kakapit sa akin?"
"Ha?" sigaw ni Renjun dahil hindi niya narinig si Yangyang. Tinaas nito ang shield para mas marinig niyang magsalita ang kasama.
"Sabi ko kumapit ka nang mahigpit!" Ibang sagot ni Yangyang.
'Sayang hindi niya narinig.'
"Oo, nakakapit ako sa likod! Dali na, malelate ako!" Napabuntong hininga na lang si Yangyang bago paandarin ang motor.
Sabado ngayon at dapat wala siyang gagawin dahil wala siyang pasok pero itong best friend niya, si Renjun, bigla siyang tinawagan para magpahatid sa school dahil may meeting ito. Bilang kaladkaring kaibigan, wala naman siyang nagawa kundi pumayag. Kailan ba siya tumanggi kay Renjun? Hindi pa ata kahit isang beses.
10 minutes lang nang makarating sila sa main driveway ng university. Agad bumaba si Renjun at tinanggal ang helmet para isauli kay Yangyang. Inaayos ni Renjun ang helmet niya nang mapansin naman agad ni Yangyang ang nagulo nitong buhok. Inabot niya ito para ayusin kaya napatingin naman si Renjun sa kanya.
"Thank you, Yang!" Nakangiti nitong sabi sabay abot ng helmet kay Yangyang.
"Wala 'yon. Kala mo naman hindi tayo magkikita mamaya. Hulaan kong magpapasundo ka ulit."
Tumingala si Renjun para tignan ang kalangitan. Medyo makulimlim ngayon at mukhang uulan mamayang hapon kaya baka hindi siya magpasundo kay Yangyang. Ayaw niya naman mabasa ito dahil lang sa nagsundo sa kanya.
"Baka hindi muna, Yang. Mukhang uulan oh."
"May payong ka bang dala?" Tumango naman si Renjun.
"Sige. Kaya mo na 'yan magisa. Malaki ka naman na. Ingat na lang," natawa si Renjun kaya hinampas niya ng mahina si Yangyang sa braso.
"Sige na, pasok na ako. Thank you ulit pre. Ingat sa byahe!" Nakangiti nitong paalala bago tumakbo papasok sa building. Hinintay muna ni Yangyang makapasok si Renjun sa building bago nawala ang ngiti niya.
"Pre ampota. Sakit ah, tsk." Iiling-iling niyang sabi sa sarili bago paandarin ang motor pauwi.
"Aga natin ah," bungad ni Jaemin pagpasok ni Renjun sa meeting room.
"Syempre, may naghatid eh!" pang-asar ni Chenle na kakapasok lang rin kasunod ni Renjun.
"Oh? Sino naman?" excited na tanong ni Jaemin habang sinusundan ng tingin si Chenle papunta sa upuan niya.
"Sino pa?"
"Ano ba kayo? Wala 'yon," pagtanggi ni Renjun pagkaupo niya sa upuan.
"Si Yangyang! Hahaha. Itanggi mo pa, Rj. Nakita ko kayo kanina habang naglalakad ako papasok ng gate."
Totoo namang nakita talaga ni Chenle si Renjun na kausap si Yangyang sa driveway kanina. Actually, tinuro kasi ni Jisung kaya napansin ni Chenle at nakilalang si Renjun at Yangyang nga iyon.
"Si best friend nanaman. Nako, Rj, bakit hindi mo kasi jowain si Yangyang? Mukha naman siyang mabait," matinong tanong ni Jaemin.
"He's annoying at hindi siya mabait. Tigilan niyo nga ako! Tapusin na natin itong report nang makauwi na ako ng maaga. Uulan pa oh!"
"Iwas topic! Hahaha," tawa nong dalawang kagrupo niya.
Napabuntong hininga na lang si Renjun dahil hindi na rin naman na bago ang mga ganitong asaran sa kaniya. Simula ba namang freshmen sila ay lagi na tinatanong ng mga nakikilala niya kung jowa niya ba si Yangyang. Palagi niya namang tinatanggi at ang sunod na reaction dyan ay,
"Bakit hindi?!" kesyo ganito, kesyo ganyan naman daw si Yangyang kaya nagtataka sila bakit hindi.
Ewan rin ni Renjun.
Minsan, dinadahilan niya ang pagiging heartthrob ni Yangyang sa school. Coming from the College of Engineering, isa si Yangyang sa mga famous students ng university nila. Future Aeronautical Engineer na may magandang fashion sense, pogi at matalino pa, hindi talaga maikakaila na maraming babaeng nagkakagusto sa kanya. Madalas isipin ng mga kaibigan ni Renjun paano niya naging close ang katulad ni Yangyang. Magkaiba kasi sila ng course.
Renjun is taking Secondary Education, together with Jaemin and Chenle. Ang normal niyang kwento ay nagkakilala sila ni Yangyang noong freshmen admission sa university. Naligaw kasi si Renjun noon. Nasaktuhang si Yangyang at ang kaibigan nitong si Hendery ang napagtanungan niya kung paano ang pasikot sikot sa malaki nilang university. Simula noon, minsan nagtatanong si Renjun kay Yangyang kung saan ang mga faculty sa school dahil doon rin pala siya nag-senior high school. Madalas, nakakasalubong niya ito sa bawat sulok na lugar sa school kaya hindi na niya naiwasan maging close kay Yangyang.
Ngayong third year na sila, masasabi ni Renjun na mas close pa sila kaysa sa matagal ng kaibigan niyang si Haechan.
Inabot silang tatlo ng 5 pm para lang matapos ang presentation nila sa monday. Nakapagpractice na rin sila ng mga sasabihin at possible answers kapag tinanong sila ng kanilang professor about their report. Dahil sa malakas ang kutob ni Renjun na uulan, bandang 4 pm nang umulan nga ng malakas. Kaya ngayon, hinihintay na lang nilang humupa ang ulan bago umuwi.
"Grabe na-drain utak ko doon." Sumandal si Chenle sa upuan at nagstretch dahil sa buong hapon siyang nakayuko at nageedit sa laptop.
"Parang gusto ko ng ice cream." Pinatong ni Jaemin ang dalawang braso niya sa table para ihiga ang ulo sa ibabaw nito. Mukhang hindi pa huhupa ang ulan kaya naisip niyang matulog na lang muna.
"Malamig na nga ang panahon tapos gusto mo pa ng ice cream."
"Pake mo ba, Rj. Mind your own cravings."
"Bahala kayo dyan. Gusto ko na lang umuwi. Nag-aalala na jowa ko." Chineck ni Chenle ang phone niyang sunod sunod ang chat messages ni Jisung pagbukas niya ng mobile data.
"Sana all may jowang nagaalala," tamad na sabi ni Jaemin.
"Sus, di mo pa kasi sagutin si Jeno. Halata namang crush mo rin." Umiiling na sabi ni Renjun.
"Manahimik ang walang jowa please."
"Ha? So, sinagot mo na?" Takang tanong ni Chenle.
Blankong tinignan lang siya ni Jaemin at nagkibit balikat. Nagtinginan si Chenle at Renjun sabay lapit kay Jaemin para tanungin ang kaibigan sa kung ano na ang status nila ng manliligaw nitong si Jeno.
"Hoy, Jaem!!!" Niyugyog ni Renjun si Jaemin para pansinin sila nito.
"Seryoso ka ba, Jaemin?!" gulat ni Chenle.
Hindi rin inisip ni Chenle na itatagal lang ng 3 weeks ang panliligaw ni Jeno. Nagpustahan pa naman sila ni Jisung kung gaano katagal ang kaya ni Jeno bago sumuko. Mukhang manlilibre siya ngayon ng dinner.
"Hoy sumagot ka! Tangina, ayoko matalo kay Jisung!" Tumawa si Jaemin nang marealize niyang pinagpustahan nanaman siya ng mga kaibigan niya.
"Oo na, oo na! Ito na! Sasagutin ko na. Bitawan mo nga muna ako, Rj!" Humingi ng pasensya si Renjun dahil napalakas ata ang pagyugyog niya kay Jaemin. Excited lang naman siya dahil sa wakas, makakaahon na sa friendzone ang kaibigan niyang si Jeno.
Nireto lang naman ni Renjun si Jeno kay Jaemin.
"Kami ay..."
"Nasaan sasakyan mo?"
Dumating si Yangyang na may dalang malaking payong. Nagchat siya kay Renjun na susunduin niya pa rin ito sa school dahil wala siyang tiwala na may dalang payong si Renjun at nagdahilan na may bibilhin rin sa daan. Wala naman magagawa si Renjun kahit tumanggi pa siya. Okay lang rin naman sa kanya ang umuwing kasama si Yangyang.
"Hindi ko dala. Naulan eh. Commute na lang tayo." Tumango lang si Renjun at sumukob na sa payong ni Yangyang.
Pinansin ni Renjun na nagpalit ng damit si Yangyang ngayon. Nakasuot ito ng simpleng black hoodie at shorts kumpara sa normal nitong suotan na long sleeves at ripped jeans. Hindi rin ito nakasumbrero ngayon kaya halatang bagong gising lang ulit at dumiretso na para sunduin siya. Pero suot pa rin nito ang hindi nakakahilong pabango na gusto ni Renjun na laging naaamoy. Hindi tuloy maiwasan ni Renjun na titigan ang kaibigan.
"Hoy, may problema ba? Nakatulala ka dyan." Kahit ang normal na boses nito ay iba ngayon. Mas lumalim at biglang naging attractive sa pandinig ni Renjun.
Umiling iling siya at inisip na baka gutom lang ito.
"Wala. Nag-dinner ka na?" Nagsimula na silang maglakad palabas ng university.
"Hindi pa. Tara ba? Saan mo gusto? Ano gusto mo kainin?" Sunod sunod na tanong ni Yangyang.
"Kahit ano," tipid na sagot ni Renjun.
"Walang ganon dito lods. Gusto mo magpagawa ako ng Kahit Ano Restaurant?" hinampas siya agad ni Renjun dahil nagbibiro nanaman ito.
"Aray! Joke lang eh haha."
"Seryoso kasi. Para ka namang ewan," pagtataray ni Renjun.
"Anong seryoso don? sabi mo kahit ano eh."
Pagkalabas nila ng gate ng school, may isang sasakyan ang mabilis na dumaan kaya biglang hinigit ni Yangyang si Renjun palapit sa kanya para hindi ito masagip ng sasakyan. Gulat man si Renjun sa ginawa ni Yangyang, mas nanaig pa rin ang inis niya sa driver ng kotseng nagooverspeed.
"Gago 'yon ah! Alam nang schoolzone dito ang bilis magpatakbo! Dapat hinuhu--"
"Oh, kalma. Ang mahalaga ligtas ka."
"Sinong hindi maiinis don?! Buti na lang hinigit mo ko kundi baka tumba na ako ngayon."
Hindi na tinaggal ni Yangyang ang yakap nito sa balikat ni Renjun dahil tinotopak nanaman si Renjun. Sa ganito lang minsan hindi makontrol ni Yangyang si Renjun. Pero okay rin iyon sa kanya dahil ganito ang mga type niya, palaban.
"Hayaan mo na, Renj. Haharangin 'yon sa unahan ng mga traffic enforcer. Sa akin ka na lang magfocus."
Kumunot ang noo ni Renjun sa sinabi ni Yangyang. Bakit naman siya magfofocus sa kanya? Ano meron?
"Sa daan dapat nagfofocus. Tumitingin dapat sa dinadaanan."
"Renj, ano nga gusto mo dinner? Dali libre ko na." Binalik ni Yangyang ang topic sa kung ano ang kakainin para lang madistract si Renjun.
"Kung ano na lang gusto mo." Hindi rin kasi makapili ng kakainin si Renjun ngayon dahil nasira ang mood niya. Hahayaan niya na lang magdesisyon si Yangyang.
"Paano kung ikaw ang gusto ko?"
"Ha?" napatigil sila ng lakad dahil hindi narinig ni Renjun ng klaro ang sinabi ni Yangyang.
"Sabi ko paano kung wala akong gusto? Sige na, Renj. Ikaw na mag-isip. Sabi mo nga dati, indecisive ako," suko ni Yangyang. Hirap kasi bumanat kay Renjun eh. Kulang na nga siya sa confidence, manhid pa 'tong si Rj.
"Akala ko kung ano eh. Siguro..." Nagsimula na ulit sila maglakad pero ngayon, ang iniisip na ni Renjun kung ano ang isasagot sa tanong ni Yangyang. Hindi sa pangalawa, kundi sa nauna.
Narinig niya naman kasi talaga. Gusto niya lang sana ipaulit para maconfirm kung tama ba ang narinig niya.
"Parang gusto ko ng ramen tapos kainin natin sa bahay."
"Sure. Ikaw magluluto ah. Baka masunog ko apartment mo eh haha."
Hinintay ni Renjun kung magrereact ito pero mukhang hindi ata alam ni Yangyang ang context ng inalok niya.
'Bakit napaka-slow mo pumick-up, Yang? Argh.'
After they bought their ingredients from the nearest convenience store, dumiretso na sila sa apartment ni Renjun. Solo lang na nakatira si Renjun dito dahil malayo ang mismong bahay ng pamilya ni Renjun sa university na pinapasukan niya.
Naunang pumasok si Renjun sa apartment niya syempre. Sa pagmamadali na makapagluto na agad dahil gutom na siya, hindi na naayos ni Renjun ang sapatos niya sa shoerack kaya si Yangyang na ang gumawa. Alam ni Yangyang na sobrang organized ni Renjun sa mga gamit niya kaya pati siya nahahawa rin lalo na kung bumibisita ito sa apartment ni Renjun.
One time nang bumisita si Renjun sa dorm ni Yangyang, nagpaalam siyang maliligo lang saglit. Pagtapos niya maligo, sobrang linis na ng kwarto niya. Nakatanggap nga lang siya ng sermon kay Renjun dahil sa kalat ng kwarto niya. Simula noon, lagi na naglilinis ng kwarto si Yangyang tuwing pupunta si Renjun sa dorm nila.
"Yang, set up mo na lang 'yong table," rinig ni Yangyang na utos ni Renjun mula kitchen.
Yangyang immediately set up the table with utensils and plates. Minsan talaga nagugulat si Yangyang kung paano siya nababago ni Renjun. Kung sa dorm nila na may maguutos sa kanya ng ganito, never niyang susundin. Kaya nga siya sinabihan ni Hendery, his roommate, ng prinsipe dahil hindi talaga siya maasahan sa gawaing bahay.
Laking pasalamat talaga ni Hendery na makilala ni Yangyang si Renjun.
After a couple of minutes, luto na ang ramen at nakahain na sa dining table. Tahimik silang kumakain nang mapansin ni Yangyang kung gaano na kakalat kumain si Renjun. May mga dumi pa ito sa labi na hindi niya pa napapansin. Kumuha siya ng tissue, tumayo at abutin ang mukha ni Renjun para punasan ito.
Pangalawang gulat na 'to ni Renjun sa mga ginagawa ni Yangyang ngayong araw. Nagtataka tuloy siya ano ba meron ngayon bakit ang bait bait nito sa kanya. Simula kanina pang umaga ay hindi siya inaaway nito na madalas nilang ginagawa sa school. Nakakahalata na tuloy si Renjun.
'Baka may kailangan siyang sabihin?' isip niya.
Nagpasalamat si Renjun sa ginawa ni Yangyang at bumalik na sa pagkain na hindi na siya sinabihan ng kung ano ano. Sa isip ni Renjun, baka bad mood ngayon si Yangyang. Pero namamansin naman siya at hindi naman siya tinatarayan katulad dati. Why is he acting weird today then?
"Yang..."
"Hmm?" inangat nito ang ulo na sinundan ng tingin galing sa kanyang phone.
"Wala ka bang gagawin ngayon?"
Umiling iling ito sabay balik ng tingin sa kanyang cellphone. Hindi nagugustuhan ni Renjun ang atmosphere nilang dalawa dahil imbes na chikahan siya ni Yangyang, busy ito magscroll sa cellphone niya habang nakain. Renjun thinks it's rude lalo na kung nagtatanong ang kausap mo tapos ikaw hindi nakikinig. Parang gusto niya na awayin si Yangyang.
"Wala naman kaya nga ako andito eh."
"Ahh. Kala ko busy ka eh. Gusto ko pa sana mag ice cream after kumain." Hinihintay ni Renjun na magreklamo si Yangyang sa kanya dahil nagramen na, magiice cream pa. Ano 'yon, hot and cold foodtrip? Nakakangilo 'yon.
"Sige lang. Ako na bibili mamaya." Tumango na lang si Yangyang habang busy pa rin sa phone niya. May kachat na ata ngayon, pansin ni Renjun dahil nagtatype na ito ng gamit isang kamay lang at sunod sunod pa.
"Yang," tawag ulit ni Renjun para pansinin siya.
"Bakit?" sabi nito na hindi nakatingin sa kanya.
Hindi sumagot si Renjun dahil naiinis na siya na puro na lang cellphone ang inaatupag ni Yangyang. Marami pa naman sana siyang ikekwento kaso di niya maumpisahan dahil binabadtrip siya ni Yangyang. Kung magcecellphone lang rin naman siya edi sana umuwi na lang siya at sa chat na lang sila magusap.
"Yangyang, ano ba?" iritang sabi ni Renjun. Natigilan naman si Yangyang sa ginagawa niya at tinignan si Renjun na badtrip na.
"Bakit? Ano ba 'yon?" inosenteng tanong ni Yangyang. Hindi niya alam bakit naiirita si Renjun sa kanya. Ang ingay kasi ng GC nilang magtotropa kaya hindi niya mabitawan. Lalo na't kinakausap siya ni Hendery sa chat.
"Tapusin mo kaya muna 'yang kinakain mo? Puro ka cellphone parang ayaw mo ko kasama." Padabog nitong hinalo ang ramen niya bago kumain.
Biglang naguilty si Yangyang sa sinabi ni Renjun. Hindi niya alam na ganito na pala ang nararamdaman nito. It's not his intention to ignore him. Sadyang nawili lang siya sa gulo ng GC nila.
'Gagi, nagalit ata.'
"Renj, gusto mo tubig?" alok ni Yangyang at tumango lang si Renjun na hindi siya tinitignan.
Kumuha si Yangyang ng dalawang basong iced water at binigay kay Renjun 'yong isa. Kakaupo pa lang ni Yangyang nang tumayo na si Renjun dahil tapos na siya kumain. Hindi na ito namansin ulit. Kinuha niya iyong tubig at dumiretso ng living room para buksan iyong TV.
'Potek, galit nga. Pano ba to...'
Naisipan ni Yangyang manghingi ng tulong sa GC nila na mas lalong umingay nang magtanong siya ano pwedeng pang peace offering sa nagtatampo.
𝐭𝐫𝐮𝐞𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐤𝐃𝟎𝐆
Yang2x
ano gamot sa nagtatampo?
Heng
milktea ![]()
Dj
ano nanaman ba kasi ginawa mo?? ginagalit mo si rj eh ang matampuhin niyan
Ten
Yang bilhan mo ng food
Yang2x
kakakain lang namin ng ramen eh
Kun ge
Hi ano meronnn???
Winwin
itong si yangyang ginalit nanaman si rj hahahaha
Heng
milktea nga yang ayaw mo maniwala eh
Yang2x → Heng
sayo lang gumagana 'yon namo
Ten
HAHAHA ICE CREAM NA LANG
Yang2x
ay oo nga sabi niya pala yan kanina
Kun ge
Next time Yang wag mo kasi inisin si Rj. Sobrang manhid mo kasi di mo tuloy napapansin si Rj hahaha
Dj → Kun
hoy gago ang ingay mo
Yang2x
Ha?
Heng
de wala hahahahs good luck sa suyo prince hirap pa naman manuyo lalo na kung wala kayong label ![]()
Ten → Heng
PASMADO KA HAHAHAHA
Winwin
![]()
Dj → Heng
manahimik ka nga porket may iba nang crush yung crush mo eh
Heng → Dj
at least hindi ko pinangarap maging kabit ![]()
Ten
FOUL HAHAHAHAHAHA
Kun ge
Hoyyyyyy magaaway pa mga gagong to
Dj
![]()
Yang2x
bala nga kayo jan
Napailing na lang si Yangyang sa mga kalokohan ng mga kaibigan niya. Tinapos niya ang pagkain at nilagay sa may hugasan. Dahil konti lang naman, hinugasan niya na rin ang mga pinagkainan nila. Dagdag ligtas points rin sa sermon ni Renjun.
After niya maghugas, nagpaalam siya saglit kay Renjun nang madaanan niya sa sala na lalabas lang siya saglit at babalik rin naman. Tumango lang si Renjun dahil busy siya manood sa TV kaya dumiretso na si Yangyang. Agad siyang pumunta sa pinakamalapit na convenience store para bumili ng ice cream pang peace offering. Mostly ng mga kinuha niya ay ang mga favorite flavors ni Renjun. Okay na ang madami kesa naman magkulang at baka toyoin ng malala si Renjun. Balak niya pa naman doon na matulog ngayong gabi.
Pagbalik niya, nanonood pa rin si Renjun ng isang show. Ni hindi siya tumatawa or what kahit nakakatawa naman ang palabas. Sa isip ni Yangyang, nagalit niya ata si Renjun ng sobra kaya tinabihan niya na ito sa sofa.
Halos sobrang pigil naman ang ginagawa ni Renjun na pansinin si Yangyang lalo na nang makita na may dala itong supot ng mga ice cream. Parang nawala agad tampo niya. But no, minsan na nga lang siya magpabebe lulubos lubosin niya na.
"Renj, ice cream oh. Binili ko mga gusto mo."
Nilingon niya si Yangyang na mukhang asong nagmamakaawa na pansinin siya. Medyo hingal pa ito dahil tumakbo ata para lang makabili ng ice cream. Tinititigan niya lang si Yangyang kaya inoffer ni Yangyang ang lahat ng binili niya.
"Ito, chocolate. Kung ayaw mo naman ito may cookies and cream. Meron rin naman vanilla at strawberry. Ano ba gusto---"
"Ikaw."
Napatigil si Yangyang sa paghalungkat sa plastic bag nang marinig ang sinabi ni Renjun. He looks up to see him dahil baka nagkamali lang siya ng rinig.
"Ako?"
"Oo. Attention mo lang, Yang. Okay na ako," diretsong sabi ni Renjun. Magsisinungaling pa ba siya eh sinasampal na sa kanya ng kaba niya na gusto niya nga si Yangyang.
He likes him more than a friend. Inaamin niya na.
"G-Gusto mo ko? As in... more than friends?" hindi makapaniwalang tanong ni Yangyang.
"Magtatampo ba ako kung hindi? Maiinis ba akong hindi mo ko pinapansin kahit sa simple bagay lang? Magpapahatid sundo ba ako sayo kung ayaw kita makasama? Tingin mo bang makakatulog ka dito kung hindi ako komportable sayo? Yang... ang manhid mo lang."
Yangyang went silent sa mga narinig niya. All this time, akala niya siya lang itong buang na may gusto kay Renjun since freshman year. Akala niya pare parehas lang ang trato ni Renjun sa lahat ng mga kaibigan niya, kasama siya. Dami niyang inakala.
"Kung hindi ka rin naman magsasalita, akin na iyang ice cream. Kakainin ko na---" aabutin pa sana ni Renjun iyong plastic bag ng ice cream pero hinila siya ni Yangyang. His hand holding the back of his neck and gently pulls him closer to kiss him.
A moment of silence nang marealize ni Renjun na Yangyang just kissed him and now smiling like a happy kid in front of him.
Does that mean...?
"Akala ko ako lang nababaliw ng patago sa mga nararamdaman ko. Bakit ngayon mo lang sinabi?"
Hinampas niya sa braso si Yangyang dahil hindi iyon ang inaasahan ni Renjun na unang sasabihin nito pagkatapos siyang halikan.
"Napakagago mo talaga, Yangyang!" Nakabusangot nitong hampas kay Yangyang. Grabe gulat ang naramdaman ni Renjun tapos ginanon niya lang? Tumatawa pang sinasalo Yangyang ang mga hampas ni Renjun.
Nang mahawakan ni Yangyang ang dalawang kamay ni Renjun para tumigil na siya, sumeryoso na ang expression nito habang nakatingin sa mga mata ni Renjun.
"Gusto rin kita, Renj. Gustong gustong gustong gustong gustooooo kita! Freshman pa lang tayo, tangina gusto na kita. Ayoko lang umamin dahil akala ko hanggang friends lang tayo pero simula noon, hindi ako nagkulang na ipahalata sayong gusto kita."
Hindi alam ni Renjun kung ano irereact sa mga sinasabi ni Yangyang kaya pinili niya na lang manahimik. Inaabsorb niya pa ang confession nito. Hawak pa rin ni Yangyang dalawang kamay niya para di siya makawala.
"You changed me into someone better I never thought I would be. Sabi ko kasi, you deserve someone na mas aalagaan ka pero hindi ko naman kayang may ibang umangkin sayo kaya I tried to be better na lang. Alam ng mga kaibigan ko kung gaano kita kagusto, Renjun. Pasalamat akong hindi nila ako binubuking kasi sabi ko, ako mismo aamin sayo balang araw." Renjun started to feel emotional.
Hindi alam ni Yangyang na matagal na rin nilang alam na may gusto rin si Renjun kay Yangyang. Alam ng lahat na may gusto sila sa isa't isa maliban sa kanilang dalawa.
Inilapit ni Yangyang dalawang kamay ni Renjun sa kanya, opens his palms and puts them in his face, cupping his cheeks to let Renjun feel how sincere he is. Ramdam ni Renjun na namumula si Yangyang lalo na't ang init ng mukha nito.
"I'm not totally into boys except you. You opened a lot of doors for me, Renj. Wag mo sabihin na wala sayo ang attention ko dahil simula pa lang ikaw na nakatira sa puso't isipan ko." Yangyang gives kisses to Renjun's palms and moves them to intertwine around his neck.
"You're so cheesy," natatawang sabi ni Renjun. Yangyang wraps his hands around Renjun's waist and pulls him closer to him.
"Ayos ba confession ko? Pinagisipan ko 'yon ng matagal," nakangiting sabi nito.
"You really know how to make me feel things, no?" Renjun hugs him and Yangyang just chuckles.
"Renj, can I hear the words? Please?" Nagtatakang tinignan ni Renjun si Yangyang.
'Ha? Ano 'yon?'
"Alin ba?"
"I love you."
'Ahhhhh. Potek paano ba?' Namumulang tanong ni Renjun sa isip niya.
"Ano..." Ganito ba talaga? Mahirap sabihin lalo na kung di mo naman talaga siya nasasabi pa dati?
"What?"
"Kasi..."
"I said, I love you, Renjun." Napansin ni Yangyang na hirap itong sabihin ni Renjun. Magpanggap kaya siyang nagtatampo? Hmm.
"Renj, ano na? Hindi mo kaya?"
"Kaya! 'Yon lang pala eh. I..." Nacicringe talaga si Renjun sa loob loob niya.
'Tangina nakalimutan kong ganito pala kapag may jowa na. Cringe!'
"What? Ang tagal, naiinip na ako. What if umuwi na kaya ako?" Pabirong maktol ni Yangyang.
"Hoy! Anong uuwi?! Kala ko ba dito ka matutulog?"
"Kung di mo naman ako mahal, bakit pa ako matutulog dito? Sabihin mo lang, Renjun." Effective nga ang pagtatampo niya dahil nagiguilty na si Renjun.
Even though the words feel foreign to him, Renjun knows that he needs to say them to justify his feelings. Jusko, Renjun sasabihin mo lang. Kaya mo 'yan!
"I... loveyoutooYang!" mabilis niyang sabi sabay takip ng mukha dahil sa kahihiyan.
Tumawa ng malakas si Yangyang at dahang tinatanggal ang mga kamay ni Renjun na nakatakip sa mukha niya.
"Bakit ka nahihiya? Ang cute mo Renjun. Hahahaha," tawang tawa si Yangyang sa reaction ni Renjun.
"Okay na 'yon ah!"
"Ay, hindi! Isa pa. Bagalan mo lang," natatawa nitong tanggi. At this point inaasar na lang siya ni Yangyang.
"Mukha mo," sabay kuha ng plastic bag. Kakain na lang si Renjun ng ice cream. Bahala na kung magtampo si Yangyang.
"De joke lang. Okay lang naman, Renj. I can wait. Sapat na iyong mga kilos mo. Hindi naman ako manhid." Sumiksik si Yangyang sa kanya sabay alok sa kanya ng ice cream na kakatanggal niya lang sa plastic.
Kumagat naman si Renjun doon at sumandal na sila pareho sa sofa. Inilipat ni Renjun sa isang movie ang panonoorin nila habang nakain ng ice cream. Tumahimik na ulit pero naisip ni Yangyang kung ano na label nila.
"Renj, ano na tayo?" bulong nito dahil tutok na ito sa panonood.
"Tayo na," diretsang sagot ni Renjun.
"Hindi na ba ako manliligaw?"
"Pwede naman."
"Sige, pwede ba manligaw?"
"Sinasagot na kita." Tumawa nanaman silang dalawa dahil sobrang bilis sumagot ni Renjun. Magdadalawang isip pa ba siya eh gusto niya naman si Yangyang since day one.
"Mahal na mahal talaga kita, Renjun Huang!" sabay halik sa pisngi nito.
"Ano ba, halik ng halik eh. Manood ka na nga ng maayos," iritang sabi ni Renjun samantalang si Yangyang hindi nakinig sa kanya at mas lalong inakbayan pa siya.
"Yes, love."
"Tama na, nacicringe na ako."
"Bakit, love?"
"Yang!"
Hanggang sa hindi na nakakapgfocus sa panonood dahil puro sila asaran at harutan. Nang matahimik ulit, nagkaroon ng opportunity si Yangyang para makapagchat sa GC nilang magkakaibigan.
𝐭𝐫𝐮𝐞𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐤𝐃𝟎𝐆
Yang2x
wag niyo kong kausapin
kami na : )
Then he puts his phone in DND para hindi maistorbo ng sunod sunod na chat ng mga kaibigan niya. Susulitin niya muna ang gabi na kasama ang jowa niya. Nang maramdaman niyang nakatulog na si Renjun habang nakasandal sa kanyang balikat, maingat niyang pinatay ang TV at binuhat si Renjun papuntang kwarto para makatulog ito ng maayos. Inihiga niya ito ng komportable at tinabihan ito.
Pinagmasdan ni Yangyang ang maamong mukha ni Renjun. He brushes his hair and realizes this is what it feels like to have someone to be in love with. It feels good taking care of them. Pinangako ni Yangyang sa sarili na hindi siya mapapagod alagaan si Renjun because he knows he will do the same thing for him too. That's when he knew he would love him forever.
"Good night, love."
