Work Text:
aking bhosxz lele xoxo
hoy
andito na ako sa baba
wait lang 😊🖐🏻
pababa naaaaa 😌🤗
ANG TAGAL
nagsasapatos pa po 🥺🥺
CHENLE ASAN KAAAAAAA?! 🥲🥲🥲
gagi bat mo ko iniwan 😭😭🤧🤧
nasa isang kanto pa lang ako dalian mo
tigilan mo nga yang mga emojis mo ang sakit sa mata
OMG WAG KA AALIS DYAN 😠😠😠😠
nagagalit ka?
hindi po boss ano ka ba ito na nga tumatakbo na 🏃🏻🏃🏻😌☺🥰💗💖
Tumatakbong niliko ni Jisung ang isang kanto para maabutan niya si Chenle na nakabusangot na habang nakatayo at hinihintay siya. Nakapamulsa pa ito pero kahit ganyan 'yan ang cute pa rin nito sa paningin ni Jisung. Sobrang liit talaga ng pasensya ni Chenle kaya buti na lang mahaba ang kay Jisung. Walang wala 'to sa mga ginagawa niya noong nililigawan niya pa ito noong freshman year.
Kahit ano mang pagsusungit niyan ni Chenle, isang lambing lang ni Jisung bumibigay rin naman agad.
Hingal na sinabayang maglakad ni Jisung si Chenle. Inalok naman siya ni Chenle ng tubig niyang nakalagay sa tumbler niyang aquaflask. Kinuha naman iyon ni Jisung at uminom.
"Grabe naman hingal mo, bal. Hindi pa naman ako nakakalayo."
"Sa bahay pa lang kasi nagmamadali na ako," sarado niya ng tumbler at siya na rin nagbitbit para hindi gaanong mabigatan si Chenle habang naglalakad.
"Sabi ko kasi sayo, agahan mo ang gising."
"Parang hindi mo ko pinuyat kagabi ah," reklamo nito kay Chenle. Sinamaan siya ng tingin nito kaya naman napailing si Jisung at binawi rin ang sinabi.
"Joke lang, haha. Panget lang talaga sleeping schedule ko."
"Sana sinabi mo para pinauna na kitang matulog. Okay lang naman kahit di mo ko sabayan magreview." Naramdaman ni Jisung na parang nalungkot si Chenle kaya inakbayan niya ito at hinimas ang braso nito para icomfort.
"De, okay lang 'yon, bal. Hindi rin naman ako makakatulog kapag di ko naririnig boses mo habang nagbabasa ka eh." Inangat ni Chenle ang tingin kay Jisung dahil mas matangkad ito sa kanya. Nginitian naman siya ni Jisung kaya napangiti na rin siya.
Ganito lang lagi sila pagpapasok sa university. Sinadya pa nilang magkasabay ang class schedules nila ngayong second semester. Chenle is taking Secondary Education while Jisung is taking Mass Communication. Maliban pa dyan, member ng broadcasting club si Jisung at dating member ng dance club ng university. Hindi nga tinanggap ng dance club ang resignation ni Jisung dahil mawawalan sila ng best dancer at center kaya binigyan na lang siya ng hiatus. Tinanggap niya naman kasi sobrang busy niya na. Panahon na rin kasi ng thesis. Ayaw na rin sana ni Jisung sumayaw dahil nawiwili na siya sa broadcasting club lalo na't siya ang isang dj ng afternoon show nila sa school radio. Dahil diyan, mas lalong naging famous si Jisung sa buong university na kinailangang intindihin ni Chenle.
Hindi naman talaga maikakaila ni Chenle na pogi na, talented pa ang boyfriend niya. Kaya nang manligaw ito sa kanya noong first year sila, hindi niya talaga maisip kung ano nakita ni Jisung sa kanya. Isa lang naman siyang normal na magaaral ng university. Ni isang club wala siyang sinalihan. Halos tambay lang siya sa library nila after classes kaya naaabutan niya ang afternoon show ni Jisung sa school radio every Friday and Saturday ng 5-6 pm. Hindi pa si Jisung noon ang dj pero isa siya sa mga nagtetechnical kaya malaking bagay na rin na kahit papaano, matagl nang sinusupportahan ni Chenle ang show nila.
Ngayong third year na sila, halos naging sikat na rin si Chenle bilang jowa ni Jisung. Lagi pa silang nafefeature na cutest couple sa mga blogs at magazine sa university nila. Naging campus couple sila na hindi inasahan ni Chenle dahil hindi naman siya ganon ka affectionate kay Jisung in public, di katulad ni Jisung sa kanya. Si Jisung rin siguro ang dahilan ng kasikatan nila kasi sobrang proud nitong jowa niya si Chenle. Siya nga ata ang nagpakalat sa buong university kahit noon ay sabi nila lowkey lang sila. Wala rin naman nangyare, mas kumalat pa nang ipagsigawan ni Jisung sa school radio na taken na siya.
"Ano oras uwi mo ngayon?" tanong ni Chenle pagkapasok nila sa Educ Building. Hinahatid kasi siya ni Jisung araw araw. Pabor rin naman kay Jisung dahil katabi lang ng Educ Building ang Arts Building kung saan ang first class niya madalas. Tapos 'yong English Building isang tawiran lang.
"Hindi ako sure eh. Chat na lang kita," hiwalay ni Jisung sa pagkakaakbay nito kay Chenle.
"Chat mo ko ah. Libre ko dinner. Congrats, nanalo ka sa pustahan! Sinagot na ni Jaemin si Jeno." Nanlaki mga mata ni Jisung dahil tama ang hula niyang three weeks lang tinagal ng panliligaw ni Jeno kay Jaemin.
"Weh?! Sabi ko sayo, bal eh! Marupok 'yon si Jaemin." Tumawa silang dalawa at nag-apiran.
"Sayang. Kala ko, tatagal sila ng isang buwan sa ligawan stage."
"Eh, sina Renjun at Yangyang? Kumusta na?" Hinila ni Jisung si Chenle sa tabi ng hallway dahil may dumadaang mga estudyante papasok sa kani-kanilang mga klase. Meron rin namang mga nasa tabi tabi na nagchichikahan tulad nila.
"Sila na rin ata eh? Nabalitaan ko kay Kuya Kun."
"Akalain mo 'yon? Nagmamahalan na rin mga kaibigan natin. Hahaha," hindi makapaniwalang sabi ni Jisung. Sila nga naman kasi ang tulay ng mga kaibigan nilang nagjojowaan ngayon.
Nasaktuhang naging classmate pa ni Chenle si Jaemin kaya naging close sila agad at nahila nila si Renjun sa grupo nila. Nireto ni Chenle si Jeno kay Jaemin (idea ni Chenle kaya tinulak ni Renjun si Jeno) na tropa ni Jisung. Kaibigan ni Renjun si Yangyang na tropa sila Kun at iba pa. Nagsanga sanga na ang circle of friends nila at syempre, pinag match rin nila ang mga single nilang kaibigan kaya masaya silang may mga nagkakatuluyan.
"Oo nga eh," buntong hininga ni Chenle.
"Oh, bakit?" napansin ni Jisung ang low energy ni Chenle.
"Wala lang. Naisip ko lang na sana tumagal sila."
"Parang tayo?" taas na kilay ni Jisung, nangaasar.
"Kala mo naman napakatagal na natin. Isang taon pa lang tayo, hoy."
"Matagal na 'yon, bal. 'Yong iba nga hindi umaabot ng taon. Alam mo ba bakit tayo tumatagal?" nakangiting tanong ni Jisung. Kumunot naman ang noo ni Chenle bago nagtanong pabalik.
"Bakit?"
"Kasi mas mahal kita. Mas lalo kitang minamahal habang tumatagal. Yieee, kilig na 'yan." Tinarayan lang siya ni Chenle at inirapan. Sobrang corny talaga ni Jisung kaya hindi alam ni Chenle bakit siya kinikilig sa mga bulok na banat nito.
"Neknek mo! Lagi mo ngang nakakalmutan monthsary natin. Tigilan mo nga ako, Jisung."
"Hoy! Nagkakataon lang naman 'yon, bal. Ikaw naman. Lagi naman ako bumabawi eh." Tinarayan lang siya ulit ni Chenle kaya hinawakan siya ni Jisung sa kamay para palapitin ito sa kanya.
Namaster niya na ata ang pagaaral ng Art of Pagsusuyo. Kung may jowa ka ba namang toyoin katulad ni Chenle, susuyuin mo talaga araw araw, oras oras. Buti na lang magaling sa ganyan si Jisung. Para saan pa ang panonood niya ng mga kdrama noong high school siya kung hindi niya naman magagamit diba?
"Promise, hindi ko makakalimutan next time!" taas ng kamay ni Jisung na parang nagpapanata.
"Sure?" taas na kilay ni Chenle. Nakangiting tumango tango lang si Jisung sa kanya.
"Siguraduhin mo lang, Jisung. Kundi hindi kita papansinin kahit kelan." Pagbabanta ni Chenle. Magdadalawang taon na kasi sila ngayong buwan kaya big deal kay Chenle na magcelebrate sana sila kahit simpleng hangout lang sa mismong araw.
"Cross my heart, mamatay man ako!"
"Gago, anong mamatay? Sige na. Pasok na ako. Tumakbo ka na papuntang building niyo baka ma-late ka pa." From the panata pose to the saludo pose naman na kala mo nasa ROTC pa rin si Jisung.
"Yes, sir!"
Napatawa naman si Chenle sa weirdo niyang boyfriend. Tumalikod na siya para maglakad at pumunta na sa first class niya pero tinawag ulit siya ni Jisung.
"Boss!"
Lumingon si Chenle dahil napalakas ang sigaw nito kaya napatingin rin ang mga ibang estudyanteng dumadaan.
"Ano?"
"May nakakalimutan ka ata." Napakamot sa batok si Jisung na parang nahihiya sa irerequest niya.
"Ha? Ahh, iyong tumbler ko. Akin na." Lumakad pabalik si Chenle para kunin ang inabot ni Jisung na tumbler.
"Thanks. See you later---"
"Wait, meron pa!" pigil ni Jisung kay Chenle.
"Ano?"
"Wala ka pa bang nakakalimutan, bal?" inisip naman ni Chenle kung ano ang dapat niyang sabihin pero wala siyang maisip maliban sa malelate na siya kung tatagal pa 'tong hulaan nila.
"Wala. Ano ba 'yon? Sabihin mo na lang."
"Ano..." hinimas niya ang baba niya na parang nagiisip ng malalim at lumilingon sa kanan na parang may tinitignan.
"Ano nga? Dali magiistart na class ko," reklamo ni Chenle.
"De, wala. Sige. Pasok ka na. Kita na lang tayo mamaya." Inikot niya si Chenle patalikod para maglakad na ito papunta sa first class niya.
Umiling lang si Chenle sa inaakto ng jowa niya kaya naglakad na siya. Hindi pa man tuluyang nakakailang hakbang nang marealize niya ang pinupunto ni Jisung kanina. Lumingon siya para tignan kung naglalakad na ba ito palabas ng building. Nang makitang hindi pa ay tinawag niya at tumakbo papunta sa kinatatayuan ni Jisung. Nakapamulsa siya at nakataas ang mga kilay habang tinitignang tumatakbo si Chenle.
Nang maabot ni Chenle si Jisung, he tiptoed and kissed Jisung's left cheek all in one minute at nakangiting nagpaalam habang kumakaway. Biglang nawala ang gulat ni Jisung nang marealize na ginawa nga ni Chenle ang request niya kanina na hindi niya masabi. Ngumiti itong halos di na makita ang mga mata niya at masayang naglakad papuntang first class niya.
Aminin man nila o hindi, minsan niya lang talaga nachachansingan si Chenle. Hindi siya affectionate. Ni hindi rin clingy. It's not a problem to Jisung naman. Kaya kapag pinapakita ni Chenle ang sweet side niya, grabe na lang kiligin talaga si Jisung.
Isang halik lang ni Chenle, may dahilan na agad si Jisung para gumanda ang buong araw niya. Sumisipol pa itong naglalakad papuntang first class nang may umakbay sa kanya mula sa likod.
"Mukhang masaya ka pre, ah."
"Tangina mo, Mark! Tinalunan mo ba naman ako. Nakakasira ka ng umaga eh," akmang sumakit ang likod ni Jisung kaya tumawa naman si Mark at nanghingi ng pasensya.
"OA mo naman! Sorry! Hindi naman malakas iyon. Anyways, bibisita ka ba sa dance club mamaya?" Sinabayan na siya ni Mark papasok ng Arts Building. Tuluyan ngang nawala ang good mood ni Jisung nang marinig ang alok ni Mark.
"Hindi. Ano naman gagawin ko doon?" pagtanggi nito.
"Iniinvite ka nila Kuya Taeyong para magjudge sa mga nagaudition."
"Ayoko, may radio ako mamaya."
Pagdating nila sa second floor, pinatigil muna siya sa paglalakad ni Mark. Nakapamulsa habang nakasandal sa pader si Jisung habang tumitingin tingin sa mga dumadaan sa corridor. Iniiwasan niya kasi ang mga tanong ni Mark.
"Kahit saglit lang, dude. Alam mo namang part ka pa ring ng club kahit isang taon ka nang inactive."
"Bakit ayaw pa kasi nila ako paalisin? Di na talaga kaya pre. Sobrang busy ko na sa studies may thesis pa kami tas sa broadcasting club." Buntong hininga ni Jisung. Alis na alis na talaga siya pero hindi siya makahanap ng tyempo.
"Ewan ko rin eh. Umaasa pa rin sila na bumalik ka. Nanghihinayang ata sayo." Inirapan niya si Mark dahil ganon naman lagi ang rason nila sa kanya.
"Bahala sila. Okay na ako ngayon."
"I know, Ji. Alam mo namang support lang ako sa mga ginagawa mo basta masaya ka." Mark pats his shoulder and gives him a reassuring smile.
"Yeah, I know. Ano palang ginagawa mo dito? Wala ka naman klase dito ah." Jisung changing the topic.
Ngayon niya lang kasi nakita si Mark na bumisita ng Arts Building. Napakabihira talaga lalo na't isa siyang Business Administration student.
"Ha? Ah wala. Napagutusan lang maghatid ng bagay," kabado nitong sabi. Hindi talaga magaling magsinungaling si Mark.
"Sus, ako pa lokohin mo. Sino bibisitahin mo dito? Hulaan ko. Fine Arts? Archi?" pang aasar ni Jisung kay Mark. Namula si Mark dahil nagpapanic na ito sa loob loob niya. Nabuking agad siya ni Jisung. Wala pa naman siyang balak ipagkalat.
"W-Wala! Una na nga ako. Malayo pa next class ko." Tinawanan siya ni Jisung at sinabihan na aasahan niya ang confession ni Mark sa radio show niya someday.
Nagpaalam na si Mark na pilit pang tinatanggi na wala talaga siyang agenda pero umakyat pa nga ng third floor kung saan madalas ang mga Fine Arts students. Hindi naman talaga main building ni Jisung ang Arts Building pero dahil may art subject siya, kaya siya andito.
Papasok na sana si Jisung sa klase niya nang magvibrate ang phone niya kaya agad niyang chineck iyon. May notification lang na nagpop up sa phone niya.
Reminder: HAPPY ANNIVERSARY JICHEN 💚
February 11, 2023
'Shit! Tangina nakalimutan ko. Bukas na pala 'to.'
Sungchan
ano pre? nakabili ka na?
oks na pre. kunin mo na lang mamaya. daanan mo dito sa soccer field may practice pa ako eh.
thank you ng marami pre sagot ko inom next time 🥰
oo na haha happy anniv na lang
Tinago na ni Jisung ang phone niya bago pa mahuli siyang nagcecellphone sa klase. Nagpasuyo kasi siya kay Sungchan na pwedeng iregalo niya kay Chenle para bukas. Natataranta tuloy si Jisung ngayon kung ano pwede niyang isurprise kay Chenle. Halos kasi ng surprise na nakita niya sa mga vloggers ay nagawa niya na kay Chenle noong every monthsary nila. Madalas nga lang late dahil nakakalimutan niya ang date na naging sila.
Natapos ang maghapong klase ni Jisung kaya dumiretso na siya sa school radio station. Binati siya ng mga djs at technicians. Sa university nila, broadcasting club ang naghahandle ng school radio kaya mga members rin ang nagddj don or hosts. Bawat programa nila ay approved by the president of the school. Pagpasok niya, kakatapos lang ng program ni Doyoung at rolling na ang commercials.
"Standby na, Ji!" sigaw ng director nila ngayon na si Johnny.
Pumwesto na si Jisung sa upuan at sinuot ang headphones. Five minutes na lang ay magwewelcome remarks na siya para sa afternoon show nilang tinawag na 'Secret Scrolls'. Kung saan, nagsesend ng anonymous confessions at requested songs ang mga estudyante ng university. Mostly mga rant lang ng mga estudyante, madalas mga love confessions na nagnename drop pa ang iba. Filtered na rin naman ito ng ibang members ng club para iwas offense. Tatanggalin na sana ito after last sem pero pinaglaban ng mga students na sa ganitong paraan na nga lang sila naeexcite pumasok at mawili na hindi iniintindi ang mga school works nila, ipagkakait pa. Kaya naextend ang contract ng show hanggang next year.
"Good afternoon, listeners! We're now back with another day, another scrolls to read. Nakakatuwa naman ang number ng confessions na pinapadala niyo sa amin. Pero syempre, ten lang ang limit kaya malay mo, kung hindi ngayon, baka sa susunod pa na mababasa ang letter mo. Abang abangan lang dito sa Secret Scrolls sa normal timeslot at 5 pm every Friday and Saturday. I'm Dj Jisung, your secret keeper." Jisung continued introducing some scripted lines.
He skimmed the ten pages of confessions that he needs to read today. Halos mga umaamin lang sa mga crushes nila ang mga napili ngayon pero napahinto siya sa isang papel na sobrang ikli ang confession.
"That was a great song by mrld! The last confessor has a good taste, I see. Now, we're down to the last scroll to read. Sabi niya, 'If I could turn back time when I met him, I wouldn't think twice about choosing him again. Dj Ji, parequest naman ng Tahanan by Adie. I just want him to know that no matter what happens, I will come home to him. Thank you po. Love, C.'"
Hindi alam ni Jisung kung bakit siya nakangiti habang binabasa ang confession. Ayaw niya man asahan, pero parang kay Chenle galing ang confession. Kaso naalala niya na never pa nagsubmit ng confession si Chenle sa show niya. Tsaka, malabong gawin iyon ni Chenle pero umaasa pa rin siyang balang araw, mababasa niya ang confession nito sa show niya at hopefully, he'll write about him.
Natapos ang buong show at almost six pm. After closing remarks at pag-roll ng commercials, inayos agad ni Jisung ang sarili para dumiretso sa last class ni Chenle. Susunduin niya ito at sabay silang uuwi.
"Anong meron, Ji at parang ang saya mo ngayon?" tanong ni Johnny na director ng radio station.
"Wala naman, kuya. Magaanniversary lang naman kaming ng baby ko bukas."
Johnny giggled before saying, "Wow! Himala at hindi mo nakalimutan. Ano naman paganap mo?"
"Wala nga akong maisip eh. May maisasuggest ka ba, kuya?"
"Syempre! Ganito gawin mo..." Tumabi siya kay Johnny para mas marinig ang mga sasabihin nito.
Chenle texted Jisung that he's already in front of the soccer field. Huling chat kasi ni Jisung ay magkita daw sila sa soccer field dahil may errand lang siya saglit. Wala pang limang minuto ay nakita niya nang tumatakbo si Jisung palapit sa kanya. Nakangiti agad ito na halos hindi na makita ang mga mata. Inaamin ni Chenle na ito ang favorite view niya kay Jisung. Whenever he is either walking or running towards him, all smiles like he's so happy to see him and can't wait to be with him after hours of not being with each other.
"Hi, bal! Kanina ka pa?" Inagaw ni Jisung mga hawak ni Chenle, tumbler at ang bagong paperwork na binigay sa kanila kanina para siya na magbitbit.
"Hindi naman. Kakarating ko lang. Tara Mcdo." Nagsimula na silang maglakad nang nakakapit si Chenle sa braso ni Jisung.
"Whatever you want, boss!" Masigla nitong sabi. Napakunot noo si Chenle sa energy ni Jisung ngayon.
"Anyare sayo? Napaka-energetic mo naman."
"Wala lang 'to. Masaya lang ako na kasama ka," sabay nakaw ng halik sa pisngi ni Chenle. Hinampas siya ni Chenle dahil nagpPDA nanaman sila na ayaw niya.
"Ano ba! Mahiya ka nga sa mga tao!"
"Hayaan mo silang mainggit, hahaha."
Normal na sa dalawa ang magharutan kapag naglalakad pauwi o papunta kung saan. Wala namang mas hihigit pa para kay Chenle na malamang lagi siyang may makakasama sa lahat ng bagay na gusto niyang gawin. Before he met Jisung, he was really a loner. Bahay at school lang ang pinupuntahan. Nang makilala niya si Jisung, dinadala siya nito kung saan saang lugar para lang tumambay o kaya gumala. Let's say, Jisung colored Chenle's monochrome college life. In return, binigyan ni Chenle ng reason kung bakit bumabangon si Jisung araw araw lalo na't nakilala niya si Chenle noong panahong ayaw niya na gawin lahat ng bagay na nagustuhan niya dati. Nawalan siya ng gana kumbaga. But when Chenle came, he realized he could still have something to hold on to continue his chaotic life.
Chenle became Jisung's rest in his chaotic and busy world.
Kumain sila sa Mcdo ng dinner at pinagkwentuhan lang buong araw nila. Nabanggit rin ni Jisung na may nagconfess kanina na letter C ang nickname. Syempre sinabi niya na akala niya si Chenle ang nagpadala non pero tinanggi naman ni Chenle. Tsaka na daw siya magsesend ng confession kapag kailangan na.
Umuwi rin sila after ng dinner. Halos magkapitbahay lang rin ang mga dorms nila. Sinuggest nga ni Jaemin na bakit hindi na lang sila magsama sa isang dorm para mas makatipid sila dahil halos hindi rin naman sila mapaghiwalay. Kahit gusto ni Jisung ang ideang 'yon, mas nirerespeto pa rin niya ang space ni Chenle. He wants them to miss each other at least dahil hindi sila magkasama sa iisang bubong.
Huminto sila sa tapat ng dorm building ni Chenle at binalik ni Jisung ang mga gamit na binibitbit niya para kay Chenle. Chenle go two steps higher from the stairs kaya mas matangkad siya ngayon ng konti kay Jisung nang magpaalam siyang papasok na siya sa loob.
"Byeee, ingat ka, bal. Thank you sa paghatid." Ito ang laging sinasabi ni Chenle kapag nagpapaalam na siya kay Jisung dahil nakauwi na siya.
"You're welcome and chat mo ko kapag ayos ka na ah. Or kung gusto mo ng kasama magreview."
Tumango si Chenle at tuluyan nang pumasok sa loob ng dorm. Jisung started to walk home. Malapit pa lang siya sa dorm nang matanaw niya si Jeno na kakalabas lang ng dorm building nila.
"Jeno!" sigaw niya para makuha ang attention ni Jeno.
Nakita siya nito at huminto para kumaway. Nang makalapit si Jisung, nakipag-apir muna ito dahil ngayon na lang ulit sila nagkita.
"Ginagawa mo dito? Binisita mo si Jaemin?"
"Oo, hinatid ko lang." Nahihiya nitong sabi kaya inakbayan siya ni Jisung para komprontahin.
"Ikaw ah, hindi mo sinasabing kayo na pala. Thanks pre, nanalo ako sa pustahan namin ni Chenle." Tumatawang sabi nito kay Jeno. Jeno smirked at Jisung. Alam na rin naman niya dahil nakwento ni Jaemin.
"Balita ko magaanniversary na kayo ni Chenle ah. Ano ganap?" bawi ni Jeno. Bigla namang nawala ang ngiti ni Jisung sa tanong ni Jeno.
"Wala nga eh. Wag na lang kayo maingay pre. Kunwari nakalimutan ko ulit."
"Gago ka ba? Mababadtrip nanaman 'yon si Chenle kasi nakalimutan mo nanaman."
"Hindi 'yan. Kilala ko 'yon. Basta wag niyo na lang ipaalala. Kunwari nakalimutan niyo na lang rin. Damayan niyo naman ako," pagkukumbinsi ni Jisung. Tinignan ni Jeno ang kaibigan at mukha kang seryoso itong wala nga siyang gagawin. Dahil naawa siya, magpapanggap na lang rin siyang nakalimutan siya. Dadamay niya na rin si Jaemin sa kalokohan nila. Madaldal pa naman iyon.
"Sige lang, basta wag mo paiyakin. Parehas tayo malalagot nito eh." Nakipag-high five si Jisung kay Jeno dahil sumang ayon ito.
"Oo, babawi naman ako agad. Wag na lang kayo maingay. Damayan niyo lang ako."
Pagkatapos nang usapan nila, nagpaalam na si Jisung na papasok na siya sa loob ng dorm at magkita na lang sila sa school bukas. Sabado bukas pero may mga pasok sila. Ganon naman talaga kapag college ka na. Wala na ang pahinga sa weekends.
Pagpasok niya sa dorm unit niya, kinuha niya agad ang phone para magcheck ng messages. Una niyang chinat ang GC nilang magkakaibigan.
Or should he say, mga kasabwat niya para bukas.
jichen fanclub 💚
Jisung
remind ko mga pare ang gagawin ah. kapag tinanong kayo ni chenle bukas, bahala na kayo magpalusot. ☺
Sungchan
kingina talaga nito oh
bibigyan pa ng sakit sa ulo si chenle
Mark
what if wag na natin gawin?
nakokonsensya ako gago
Jisung
parang di naman kayo mabiro mga gago to 🥺
di ko naman gagawin habang buhay eh
bukas lang 😭
Jaemin
ano nanaman ba 'to Jisung
Jisung → Jaemin
ay di ko pa pala nasabi sayo
Sungchan
wag daw pansinin si chenle bukas jaem
Jaemin
bakit naman?
Mark
para daw magtampo kasi isusurprise niya
Jaemin
ay oo nga palaaaa
bukas na anniv niyo
Jisung
yes yes yesss 😌😌
Jaemin
pass ako dyan
classmate ko 'yon
mahirap hindi pansinin si chenle 🥺
Jisung
paano pa ako bukas 😭😭😭😭
kakayanin ko lang nga eh 😭🤧😭🤧😭
Mark → Jisung
siya nakaisip tas siya rin naman ang hindi kayang gawin baliw
Sungchan
bahala na bukas
iiwasan ko na lang si chenle na makita
Mark → Sungchan
good idea par hahahaha
Jisung
baka naman hindi ko kayo mahagilap bukas 😠😠😠
magkikita pa tayo sa radio station
Jaemin
kasama ba ako dyan?
Jisung → Jaemin
hindi pero pwede na taga cheer HAHAHAHA
Jaemin
tangina niyo panget niyo kabonding
Sungchan
HAHAHAHAHAHAHA
next time kasi pagpractisan mo na ulit 'yang piano mo
Mark
idederetso ko na bitbit ko bukas sa station
Jisung
sige mga lods kitakitz bukas 🤗💗
sana hindi siya magwala HAHAHAHA
Maaga pa lang, nakaayos na si Chenle para sa pagpasok sa school. Hindi na siya nakapag 'good night' kay Jisung kagabi dahil nakatulog siya habang nagvivideo call sila. Ngayong umaga naman, hindi pa ito nagsesend ng 'good morning message'. Kaya inunahan na ni Chenle.
bal <3
good morninggggg bal ❤
gising ka na?
sasabay ka ba sa akin?
Napansin ni Chenle na hindi pa naseseen ni Jisung sa mga message niya. Lagi naman online si Jisung kaya mabilis rin iyon magreply sa kanya kaya dito pa lang, hindi na maganda pakiramdam niya.
bal <3
jisung
susunduin mo ba ako?
hoyyyyyy ano naaaaaaa
JISUNNGGGG
BALA KA JAN MAUNA NA AKO
Inis ni Chenle na tinago ang phone niya at nagsimula nang maglakad sa university. Umaga pa lang badtrip na siya. Tinulugan na nga siya kagabi, hindi pa siya nirereplyan. Ayaw niya rin naman sugurin ito sa dorm dahil baka ma-late pa siya.
Hahanapin niya na lang si Jisung sa university mamaya after class. 'Yon ay kung mahahanap niya.
This day is special pa naman. It's supposed to be their second anniversary and Chenle wants to spend it normally like just simply going on a date. Ayaw niya na sana nang magarbong celebration dahil sapat na ang kasama niya si Jisung buong araw hanggang gabi. Yayayain niya pa naman sana ito magmovie marathon sa dorm niya. Mukhang masisira ang plano niya dahil hindi pa rin nagseseen si Jisung ng mga messages niya.
'Baka naman ay nakalimutan niya ulit?' Mas lalo lang siyang nainis.
Hindi naman siya nageexpect pa na maging maalalahanin si Jisung sa mga ganitong special dates dahil makakalimutin talaga ito pero kakasabi niya lang kasi noong isang araw na malapit na ang anniversary nila. Hanep namang nakalimutan niya pa rin. Nakakapagtampo nga talaga.
Morning classes went by and Chenle still hasn't received any messages from Jisung. Tinanong niya na si Jaemin at Renjun during classes kung nakita ba nila ito o kaya alam kung nasaan siya. Vague answers lang ang mga natanggap niya.
"Hindi eh. Simula kaninang umaga, hindi ko pa siya nakikita," sabi ni Renjun.
"No idea, Le. Sabi niya lang kahapon magiging busy siya ngayon. Hindi niya ba sinabi sayo?" tanong ni Jaemin na hindi naman makatingin sa kanya.
"Hindi nga siya nagrereply eh," pa-taray nitong sagot. Napansin ng dalawa ang tono ni Chenle. Hindi na talaga siya natutuwa. Ghinoghost ba siya ng boyfriend niya?
'Ano nanaman bang kalokohan 'to Jisung? Nakakainis ka na.'
"Sige, magtatanong na lang ako sa iba. Mauna na kayo maglunch." Nagpaalam si Chenle para gamitin ang buong break time niya sa paghahanap kay Jisung sa university.
Una niyang pinuntahan ang mga klase ni Jisung ngayong araw. Lahat sila ang sabi nakaalis na daw ito kanina pa at hindi nila alam kung saan pumunta. Napapasabunot na si Chenle sa buhok niya kakatanong kung nasaan si Jisung. Pareparehas lang ang sagot nila. Kesyo nakaalis na, or hindi nila alam kung nasaan.
bal <3
tangina mo talaga kung hindi ka magpapakita sa akin ngayong araw
ASAN KA BA??? JI WAG MO NAMAN AKO PAGURIN KAKAHANAP SAYO OH
JISUNG KAHIT MAGSEEN KA LANG TALAGA
Sinunod ni Chenle ang soccer field kung nasaan si Sungchan, ang best friend ni Jisung. Nagtanong siya sa mga players doon. Sabi nila naka lunch break daw si Sungchan at hindi rin nila alam kung sino ang mga kasama. He sighed for the nth time today dahil wala nanaman siyang napala. Kung saan saan na siya naghahagilap parang hindi niya makita si Jisung.
Pumunta siya ng broadcasting club at nakita doon si Doyoung na kausap si Johnny kaya nilapitan ni Chenle para hanapin ang boyfriend niya.
"Pasensya na, Chenle. Hindi rin namin alam kung nasaan si Jisung. Sabi niya lang kahapon, magkita kita na lang kami sa station." Johnny answered him straight to the point. Well, medyo totoo naman ang mga sinabi niya.
"Akala ko nga kasama mo eh. Hindi mo ba nitext or chat?" Doyoung giving him alternatives as if hindi pa ni Chenle nagagawa iyon.
"Kaya nga ako nandito ay dahil ginawa ko na ang mga iyon. Ni isang seen, hindi man lang magawa!" Tumataas na ang boses ni Chenle. He's really frustrated that his boyfriend is making him worry like shit. This is the first time it happened to them kaya di niya alam ang gagawin.
Iniisip pa lang ni Chenle na hindi niya makasama si Jisung sa isang araw o makita man lang, pakiramdam niya magkakasakit siya. He hates this kind of feeling that Jisung made him feel. Parang gusto niya na lang umiyak sa isang tabi hanggang sa mahanap siya ni Jisung sa gilid.
When the lunch break was over, hindi na siya nakakain kakaikot sa university. He decided to just continue his afternoon classes. Bahala na kung ano mangyayari. Sasapakin niya na lang si Jisung kapag nagpakita na ito sa kanya.
Buong klase ay lutang siya. Pasilip silip siya sa phone niya if Jisung had seen his messages pero mukhang nilolong press lang siya nito kahit tinadtad niya na ito ng messages.
bal <3
jisung please kahit sabihin mo lang kung ano ginagawa mo
nababaliw na ako dito kakahanap sayo
magparamdam ka naman 😭😭😭
alam mo ba kung anong araw ngayon?!?!?
tas ngayon mo pa ako igghost grabe ka na accla 😭
Wala pa rin paramdam. Sinubukan niya nang tawagan pero laging out of reach. Nakapatay ata ang phone ni Jisung kaya hindi narereceive ang mga calls niya. Konti na lang talaga mababaliw na siya.
Natapos ang afternoon classes ni Chenle na kahit wala naman siyang masyadong ginawa, pakiramdam niya sobrang nadrain siya. He's so tired thinking if Jisung is alright. If Jisung had eaten lunch kasi siya hindi pa. If Jisung had done his normal routine of going to his club activities. Kung nakainom na ba ito ng tubig o kaya kung okay lang ba ito na wala siya sa tabi niya. Hindi kasi nagawa iyon ni Chenle ngayong hindi nagpaparamdam si Jisung. Nasa university lang rin naman silang dalawa pero hindi sila nagkikita.
Nakasalubong niya si Renjun at Yangyang pero hindi niya na sila pinansin. Diretso na lang ang tingin ni Chenle papuntang library. Matutulog na lang siya doon. Kung hanapin man siya ni Jisung, alam nito kung saan siya makikita.
"Love, samahan mo kaya si Chenle? Tignan mo oh, parang depressed na." Umiiling iling na sabi ni Yangyang kay Renjun.
Hindi rin sumang ayon si Yangyang sa gusto ni Jisung dahil kahit laging pikunin si Chenle, ayaw niya naman makitang malungkot ito. Hindi na nakatiis si Renjun na ichat si Jisung na itigil na ang kalokohan niya bago pa tuluyang mainis si Chenle.
Jisung Parkz
I think you need to run now, Ji. Chenle's close to crying. Gago ka talaga. Kung ano mang surprise 'yang iniisip mo, dalian mo na!!!
Sineen lang ni Jisung ang chat ni Renjun kaya napailing na lang sila. Nagchat si Jaemin sa kanya na nasa station na sila at any minute ay maguumpisa na silang tumugtog.
"Pinapapunta tayo ni Jaem sa station." Tumango lang si Yangyang kaya nagmadali na silang pumunta doon.
While Chenle slumped down on the table, pinagmamasdan niya lang mga dati nilang pictures ni Jisung. Ngayong mag-isa siya, narerealize niya na sobrang laki na ng ambag ni Jisung sa buhay niya. Halos lahat na ng bagay ay ginagawa niya ng kasama si Jisung. Naging clingy na sila sa isa't isa kaya ngayong hindi niya nakasama si Jisung maghapon, halos mangiyak ngiyak siya sa pagaalala. Iyong galit niya ay napawi na ng pagaalala. Gusto niya nang makita si Jisung at yakapin ito. Kahit hindi na nito sagutin mga tanong niya basta lang ay magpakita siya sa harap ni Chenle. Magiging okay na siya.
'Grabeng tama mo kay Jisung, self. Hindi ka na makakaahon dito.' He reminded himself.
Maga-alas singko na ng hapon at maguumpisa na ang Secret Scrolls show ng school radio. May time pa naman sana si Chenle na tumakbo papuntang station para tignan kung nandoon si Jisung pero wala na siyang energy para gawin pa iyon. Pinili niya na lang pakinggan sa library ang show.
Inaabangan niya na ang magsasalita after ng commercials at mas lalo lang siyang nadisappoint nang marinig si Doyoung as the dj for the show. Humingi ng pasensya si Doyoung sa mga naghahanap kay Jisung dahil siya muna ang magsusubtitute as dj ngayong araw. May importante lang daw kasing gagawin si Jisung.
Nakaramdam nanaman si Chenle ng inis nang marinig iyon. Gaano ba kaimportante ang gagawin ni Jisung kaysa sa kanya? Naiiyak na sa galit si Chenle kaya bad mood niyang pinapakinggan ang show. Pati mga iilang ibang estudyante na kasama niya sa library ay tumitingin tingin sa kanya dahil sa nagdadabog na siya ng mga gamit niya. Kahit iyong student librarian ay hindi siya makausap dahil sa nakakatakot niyang aura.
Naisipan ni Chenle na idistract na lang ang sarili nang mapahinto siya sa boses na nagsalita sa speaker.
"Ahmm... I'm sorry but I have to be the guest for today." Nagulat siya, kahit ang mga kasama niya sa library, nang marinig nila si Jisung sa speaker.
"May babatiin lang kasi sana ako eh... kaso mukhang nagalit ko ata." Tumawa ito na parang kabado siya sa mga pinagsasabi niya.
Hindi alam ni Chenle ang mararamdaman niya for the nth time today. It feels like he doesn't know what he's doing the whole day. Kanina, naiinis siya then he switched on being angry, then he felt like crying and ngayon, gusto niya na lang magwala.
'I really hate you, Park Jisung!'
"Happy second anniversary, bal! I'm really reallyyyy sorry if I have to ignore you the whole day. I just wanted to know what will you do if I disappear someday in your life. I heard what you did and believe me when I tell you that I'm itching to run to you the moment I heard you were looking for me everywhere."
Chenle felt his eyes crying kaya yumuko siya para hindi mahalata ng mga kasama niya sa library. He's been dying to let it all out kanina pa pero tinitiis niya lang kaya sumama lalo ang pakiramdam niya. Ang bigat pala sa dibdib kapag pinipigilan mong umiyak.
"I understand if you're mad right now. May karapatan ka naman. I promise na hindi ko na 'to gagawin ulit. So, to make it up to you..." Narinig nilang nagseset up si Jisung ng gitara sa background kaya may mga kinilig na mga estudyanteng nakaabang rin sa gagawin niya.
"Bal, I know how much you love hearing me sing kaya here's a cover for you of your favorite song these days. Chenle, alam kong nasa library ka ngayon. I just hope you're listening." Then Jisung started strumming his guitar and other instruments joined him.
"Omg, it's their band! Jisung and his friends!!!" rinig ni Chenle sa dalawang estudyanteng nagchichismisan.
"Ang ganda talaga ng boses ni Jisung like for real!!!"
"Sobrang talented niyaa talaga!! What else can't he do?"
Chenle had enough. Tumayo siya at kinuha ang bag niya sabay takbo palabas ng library. Pupunta siya ng station. He's on his way to meet his lover. Wala na siyang pake kung may mga bumabati sa kanya sa daan. Ni hindi niya nga mapunasan ang mga luha niya. What he wants right now is Jisung in his arms.
Jisung is singing Demonyo by juan karlos. He knows how much Chenle has listened to it these past few days. Jisung knows how he was in love with this song that he sometimes sings it during their late night video calls and Jisung will fall asleep hearing him sing. That's their normal night routine ngayon na Jisung is the one singing it not just to him but also letting the whole university hear him is making Chenle feel more butterflies towards Jisung. He's down bad for the boy.
Walang sabi sabi na binuksan ni Chenle ang pinto sa radio studio at hinihingal na pinapanood si Jisung, together with his friends na hindi niya rin mahagilap kanina maliban kay Jaemin, na tumutugtog sa loob ng recording booth. Nagulat si Johnny nang makita siya, hindi dahil sa hindi pa tapos ang kanta pero nasa studio na agad si Chenle, kundi dahil humihikbi na ito. He's so tired that he just fell on his knees on the floor, crying. To the rescue naman sina Renjun at Yangyang pati sila Kun at Ten.
"Chenle!" sigaw ni Renjun kaya napatingin ang mga nasa recording booth sa glass window kung saan makikita ang mga nasa labas sa studio. The chaos made the band stop playing and Doyoung catching the midair cut. He suddenly gave ending remarks and rolled some commercials.
On the other hand, Jisung drops the guitar and runs to get out of the booth. Napatigil siya sa nakita niyang umiiyak na Chenle sa lapag tapos pinapatahan pa ni Kun.
'You fucked up big time, you stupid!' Inis ni Jisung sa sarili niya. First time niyang makitang umiyak nang ganito kalala si Chenle. Natatakot tuloy siyang lapitan at baka galit nga ito sa kanya.
But when he whispered his name, "Chenle..." inangat agad ni Chenle ang ulo niya at kahit blurry pa ang vision niya, tumayo siya para yakapin ng mahigpit si Jisung. He cried harder while Jisung held him tighter.
"Chenle... I'm here now. I'm really sorry. I'm sorry, my angel. Forgive me. Hindi na ako aalis." Jisung kissed Chenle's head while he caressed his back to stop him from crying. Baka kasi hindi na ito makahinga.
"Gago, naiiyak ako. Ganito pala makawitness ng true love." Siniko ni Xiaojun si Hendery dahil nagawa pa nitong sumingit sa moment ng dalawa nilang kaibigan.
"Hintayin mo, next dyan ikaw naman iyong iiyak dahil may jowa na crush mo." Inirapan lang ni Hendery si Xiaojun pero hindi niya naiwasang tignan kung nasaan si Jaemin. Nakatayo ito malapit kay Jeno na kakarating lang rin.
Pag-ibig nga naman.
"Guys... mission failed. Pasensya na, haha," hingi na paumanhin ni Jisung sa mga kaibigang niyaya niya sana para sa mini celebration ng anniversary nila sa radio station. Others decorated the studio and put some pictures of Chenle and Jisung. May mga foods rin para sa lahat at may bento cake sana na ireregalo ni Jisung kay Chenle. But since Chenle is still trying to calm down, hindi nila alam kung matutuloy pa ang mini celebration.
"Bal, okay ka na?"
Jisung moved them in the long sofa in the studio. Kandong na niya si Chenle dahil ayaw na nito bumitaw sa kanya. Ang inaasahan lang ni Jisung ay magagalit si Chenle na sobra sobra at isusurprise nila ito pagpasok niya ng studio. But they never knew that Chenle would cry instead of just being annoyed kaya wala silang nahandang plan B.
"I-Ikaw... Alam mo ikaw, namumuro ka na sa akin." Hampas ni Chenle kay Jisung sa braso. Masakit pero tinanggap ni Jisung kasi deserve niya iyon. Pinaiyak niya ba naman ito.
"Sorry na nga eh. Testing lang 'yon, bal. Just a prank! I never knew you'd cry this much. I'm really sorry, mahal." Jisung fixes Chenle's hair and wipes his cheeks. Namumugto na mga mata nito kakaiyak. Tapos itong si Jisung ay nginingitian lang siya.
"Never do it again. If you do, I swear to God, Jisung Park! I'll kill you." Pagbabanta ni Chenle.
"Yes, I will never do it again. Promise, peksman, mamatay man!" Jisung is trying to lift up the mood. When Chenle smirked, Jisung felt the urge to squish his cheeks and plants him kisses on the cheeks.
"Magugulat ka ba kapag sinabi kong namiss ko mga kaharutan mo?" Chenle asked.
The other guys left them some space para magusap while some of them ay nagbibiruan na at kumakain na ng pizza. Jisung said to at least consume the food na lang at magpicture mamaya kapag okay na si Chenle.
"Namiss mo ko? Bal, hindi mo lang alam na mas miss na miss kita. Ang boring ng buhay ko kapag wala ka. Walang nangungulit sa akin."
"Ah, so makulit ako? Ano ka pa kung ganon?"
"Hindi naman sa ganon, bal. Ikaw naman, nagjujump ka sa ibang conclusions. I just wanna say, I love you so much I can't live without you." Chenle smirked again dahil sa corny na banat ni Jisung.
Maybe he just missed him so much na kahit ano pang corny pick up lines sabihin nito, kikiligin lang siya. What matters is Jisung is back in his arms. His anxiety laid down at nakakatawa na siya ulit. Chenle hugged Jisung one more time.
"I hate to say this pero ayokong nahihiwalay ka sa akin, Ji. Please don't leave me again. Mababaliw ako nang tuluyan kung mawawala ka. What happened today taught me a lot of lessons why you are so important to me. Mahal na mahal kita na hindi ko kayang magfunction na hindi kita nakakasama." Chenle confessed to Jisung. Pinipigilan niyang umiyak pero nagulat siya nang matahimik si Jisung at nakasandal lang ang ulo sa may leeg niya.
Chenle suddenly felt Jisung's face become wet at tahimik lang itong humihikbi. Medyo nagpanic si Chenle dahil Jisung naman ang umiiyak ngayon kaya hiniwalay niya si Jisung para punasan ang mga pisngi nito. Seeing Jisung cries is not new to Chenle dahil nakita niya na rin umiyak ito noon sa kanya. What makes him nervous is because this time, mas sincere ang pagiyak ni Jisung. He truly felt sorry sa prank na ginawa niya kay Chenle.
"I really love you, Chenle. I will stay with you forever. Ngayon ko lang naramdaman kung gaano ako kaimportante sa isang tao. Masaya lang ako na sayo nanggaling iyon. This is the most memorable anniversary we had."
"Malamang! Ighost mo ba naman ako buong araw. May sira ka rin talaga eh," tumawa na si Jisung sa pagmamaktol ni Chenle. He's back on his normal attitude that Jisung loves to tease.
"Ikaw kasi eh, tinataboy mo ko in public. Akala ko tuloy di mo na ako mahal." Jisung faking his sad expression. Tinarayan lang siya ni Chenle as if naniniwala ito sa kaartehan niya.
"Sino ba ang sumisigaw sa public ng kung ano ano, ha? Minsan nakakahiya ka kasama pero buti na lang mahal kita." Kinilig si Jisung sa banat ni Chenle kaya kiniliti niya ito at nagsimula nanaman silang magharutan. Napansin iyon ng mga kaibigan nila kaya nakaramdam silang bati na ang dalawa.
"Oh, okay na pala sila eh!" sadyang sigaw ni Sungchan. Inasar na ng iba ang sina Jisung at Chenle kaya nagkakatawanan na ulit sa loob ng studio.
Inabot ni Mark ang bento cake ulit na may candle. Sinindihan iyon ni Johnny gamit ang lighter at kinantahan ng Happy birthday silang dalawa.
"Bakit happy birthday?" nagtatakang tanong ni Chenle but he still continued clapping together with them.
"Kasi 2 years old na tayo?" sagot ni Jisung. Siniko siya ni Chenle kaya tumawa na lang rin sila pareho at sabay na hinipan ang bento cake na may sulat na 'Happy Anniversary, JiChen 💚.'
Everybody cheered and kanya kanyang picture sa dalawa na may flash pa ng mga camera or phones. The rest of the celebration was pushed through nang mabalik ang topic sa magjowa. They were eating the rest of the food while pinakwento lang si Jisung at Chenle kung paano nagkakilala hanggang sa mga memorable moments nila together.
This is by far the most memorable celebration Chenle and Jisung had for years. Much more memorable than their respective birthday celebrations. Chenle silently vowed to love the man he's with and Jisung silently vowed as well to protect Chenle's happiness and care for his whole being.
No one can tear them apart.
bal <3
ji, where are you?
nakauwi ka na?
yes boss ❤
pahinga ka muna 🤗🤗🤗🤗
balik ako mayang hapon
may itatakbo lang ako sa uni
okay
sumakit ata likod ko
ay HAHAHAHAHA
pasensya na bal nasobrahan ko ata 😅
okay lang
next time be gentle
sure sure 😳☺🥰❤
balik ka dito asap
miss na kita agad
AYE AYE BOSS MISS U TOO 💚❤💋 LOVE U TOO 🥰💋💋💋❤
