Actions

Work Header

autopilot

Summary:

Wala na dapat siyang ikagugulat o ikatataranta. Hindi siya pwedeng magulat. Hindi siya pwedeng mataranta. Autopilot na lang, kung kinakailangan. At nang makita ni Basilio kung sino ang ipinasok sa ER niya, nagpasya siyang kalimutan muna ang lahat ng taong kilala niya.

Autopilot na lang. Kailangan eh.

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Work Text:

“The latter, who had held the medical student in awe ever since the day he had seen Basilio perform surgical operations with the same nonchalance as if chickens had been concerned…”

Jose Rizal, Kabanata 6, El Filibusterismo, salin ni Leon Ma. Guerrero

Nang makita ni Basilio kung sino ang ipinasok sa ER, nagpasya siyang kalimutan muna ang lahat ng mukhang kilala niya. Wala siyang kaibigan, wala siyang kapamilya, wala siyang shota na dinakip at kasalukuyang political prisoner for two months and counting. Autopilot, kumbaga, tutal doon naman na siya nasanay, tutal ganoon naman na ang SOP niya nowadays lalo na’t padalas nang padalas ang mga pagkakataong may dinadala sa kanila nang duguan, bugbog-sarado at nasa bingit ng kamatayan, at pabata nang pabata ang mga biktima. Palapit nang palapit sa kamatayan. Wala na dapat siyang ikagugulat o ikatataranta. Wala na dapat siyang ikagugulat o ikatataranta. Wala na dapat siyang ikagugulat o ikatataranta, paulit-ulit niyang iniisip; pinilit niyang huwag na lang pansinin ang pagbilis ng tibok ng sarili niyang puso, ang pamamawis ng kanyang palad sa ilalim ng kanyang latex gloves, pinilit niyang lunukin ang sigaw na namumuo sa lalamunan niya, kasi ayon sa mga EMT na kasama niya, bukod pa sa mga pasa at sugat at pamamaga sa mukha ng pasyenteng kakapasok lang, mayroon siyang rib fractures at potensyal na punctured lung kung kaya’t may kaunti siyang kahirapan sa paghinga, at hindi talaga dapat si Basilio ang gagamot sa taong ‘to pero wala nang ibang pwedeng tawagin sa ER sa oras na ‘yon at wala na siyang choice. Wala na dapat siyang ikagugulat o ikatataranta. Autopilot. Parang lumabas ang diwa ni Basilio sa katawan niya dahil gumagalaw ang bibig niya nang ‘di niya naririnig ang sarili niyang boses—kailangan ko ng CT at X-Ray, ASAP, sabay tanong sa pasyenteng ‘di na halos makapagbukas ng mata sa sobrang pamamaga ng ano po bang nararamdaman natin? Mahirap huminga, ang sakit sa dibdib, Basi—titingnan ko po muna ‘yung dibdib niyo para ma-confirm, pero—at napasinghap si Basilio sa laki ng pasa na namumuo sa katawan ng pasyente, kulay lila at asul na ang balat sa kanang bahagi ng kanyang tagiliran—mukhang tama ngang mayroon kayong nabaling buto sa dibdib at baka nabutas ‘yung lungs niyo. Titingnan din natin ‘yung mga pasa sa mukha ninyo at kung may iba pa kayong injuries after ko kayong i-stabilize, pero pwede niyo po bang sabihin sa akin kung anong nangyari sa inyo? Nabugbog. Nakabota silang lahat, pinagsisipa nila ako hanggang sa hindi na ako makahinga, tsaka lang sila tumigil. Garalgal ang boses niya. Bahagyang naramdaman ni Basilio ang pag-akyat ng hapunan niya sa lalamunan niya, pero pinilit niyang tanungin ang pasyente, sinong sila? Mga METROCOM? Sundalo? Hindi ko na alam. Mga sundalo. Wala nang oras si Basilio para murahin ang mga sundalong ‘yan dahil oras nang kunan ng X-Ray at CT scan ang pasyente at dahil sila lang ang tao sa ospital mabilis ang proseso at tama nga ang EMT, tama ang hinala niya, mayroon siyang tatlong fractured na buto sa rib cage, sa bandang kanan, at ayon naman sa CT scan e isa sa mga baling butong ‘yon ang tumusok sa baga ng pasyente at unti-unti nang nagkakaroon ng leak ng hangin sa dibdib niya at unti-unti na ring dumadaing ang pasyente sa sakit, at pagbalik na pagbalik nila sa ER e ‘di na namalayan ni Basilio na naninigaw na siya’t nanghihingi ng chest tube at localized anesthesia, we need a Thorascotomy, na nagpapahid na siya ng antiseptic sa tagiliran ng pasyente, na nagtuturok na siya ng anesthesia, na bumubulong na siya ng ipapasok ko na po ito para matanggal ‘yung hangin na naiipon sa chest cavity niyo at hopefully mas dadali ang paghinga niyo, okay, 1, 2, 3, at namuti lang naman ang daliri ng mga nars na may hawak sa kanya pero hindi siya sumigaw, ininda niya ang sakit mula sa paghiwa ni Basilio ng kanyang balat hanggang sa pagpasok ng tubo sa dibdib niya. Nararamdaman ni Basilio ang mga mata ng pasyente sa mukha niya, pero hindi niya ito tinitingnan, hindi niya kayang tingnan, mababasag ang pokus niya at baka bigla na lang siyang pumalahaw. Nabawasan po ba ‘yung kahirapang huminga, tanong niya sa pasyente habang sinisiguradong nasa tamang posisyon ang tubo, habang tinatahi niya ito sa balat niya. Tumango ang pasyente, bagaman hindi pa rin tinitingnan nang diretso ang kanyang injury. Ikinabit ni Basilio ang gauze. Tumingin sa nars na nakatayo sa kabilang dulo ng kama — isa pang x-ray, para lang makita natin kung tama ‘yung positioning. Simulan na rin natin ‘yung pag-admit sa pasyente for monitoring, wala po ba kayong kasamang pwedeng makausap? Tiim-bagang na iniwasan ni Basilio ang pagtingin sa mga mata niya. May pwede pong tawagan, ‘yung tito ko po. Sige. Bale i-issue ko na yung papeles na kailangan, tapos the nurses can take it from there.

Hindi naupo si Basilio hangga’t di niya nakikitang maayos ang pagkakalagay niya ng chest tube—which, maayos, ayon sa X-Ray na dumating sa kanya a few minutes later. Sinulatan niya ang pasyente ng order sheet, pero nag-request siya na baka pwedeng ibang doktor na ang tumingin sa pasyente niya at, kung wala, baka pwedeng secondary na lang siya. Pwede naman daw, lalo na nung sinabi niya kung sino yung pasyente. Nanlaki lang naman ‘yung mata nung nars na sinabihan niya. Medyo nakahinga na siyang maluwag, at hindi na lang muna niya inisip ang pasyente habang nag-aabang sila ng kwarto, hindi muna niya tiningnan kasi shift pa rin niya at hindi pa siya matatapos until 2 hours later pa, at akala niya madaling ipagpatuloy ‘yung ginagawa niyang ‘di pagpansin, pero biglang dumating ang sinasabing tito ng pasyente, at gusto niyang umiyak. Basilio? Wika ni Fr. Florentino, na hindi na nakapagpalit ng pantulog. Gusto niyang umiyak. Basilio, anak, ikaw ba ‘yan? Kamusta siya? Siya ba talaga? Gustong pumalahaw ni Basilio, gusto niyang yakapin si Tito, pero naka-uniporme pa siya, at talagang napakabigat ng name badge at white coat at stethoscope niya. Kahit namamaga at puro pasa ang mukha niya, kahit hindi na halos makita ang tunay na kulay ng balat niya sa ilalim ng mga pasa at latay sa katawan niya, kilalang-kilala na siya ni Basilio. Kabisado na niya ang bawat kurba, bawat nunal at peklat sa katawang ‘yon, kabisado na niya ang natatanging init at pakiramdam nito sa ilalim ng mga palad niya, kahit pa man naka-gloves siya. Alam ng puso niyang hindi pa rin bumabagal sa pagtibok ang sagot sa tanong ni Fr. Florentino.

Sana hindi na lang siya nag-duty. Wala na siyang ibang gustong gawin kundi tabihan ang pasyente niya, hawakan ang kamay niya, pagmasdan ang mukha niya, magalit, umiyak, kasi dalawang buwan na siyang nawawala at sa unang pagkakataon na umuwi siya, basag-basag pa ang mga buto niya at butas pa ang baga niya at ngayon lang nataranta nang ganito si Basilio. Ngayon lang nanginig ang mga kamay niya, ngayon lang niya ginustong magwala sa tinagal-tagal niyang naging doktor sa putang inang ER na ‘to, sa putang inang panahon na ‘to. Inaalala niya ang sinabi ng pasyente niya—putang ina rin ng mga sundalong may gawa nito sa kanya, kasi ano pa bang naging kasalanan niya kundi ipaglaban ang katotohanan at kalayaan? Kailan pa naging kasalanan ang maging manunulat at mamamahayag? Siguro dapat nga magpasalamat siya’t nakauwi pa si Isagani nang buhay sa kanya. Ilang buwan na rin niyang pinaghahandaan ang sakit na aabutin niya kapag nakarating sa kanya ang balitang wala na si Isagani—either pinalaya at nawala na nang tuluyan at hindi na nahanap, o uuwi na lang sa kanya bilang bangkay, o mababalitaan na lang niyang inatake sa puso sa kulungan kahit wala naman talaga siyang sakit sa puso. Hindi niya alam kung matutuwa siya o magagalit o maiiyak o—

Pinilit ni Basilio na ngumiti, kahit nangingilid na ang luha sa mga mata niya. Hindi siya puwedeng umiyak sa harap ng kahit sinong related sa pasyente. Okay naman po si Isagani for now.

Notes:

Strange times are afoot—the son of the very dictator Isagani was fighting against in this fic occupies the highest seat of power in the country, trying to ‘restore’ his family’s name while the political & economic situation in this country grows worse and worse as each day passes with him in power. It is clear that he does not care for the country. It is clear that the only reason he ever ran for president was to wash his and his family’s hands, to rid them of the blood that stains their names.

And even when they want us to forget, we remember.

We remember the atrocities of Marcos Sr.’s Martial Law. We remember the stories and the names of the many activists and organizers who died under his regime. And by remembering, we keep their history alive.

And when we remember, we take action—posting and reading this is a great first step, but there must be other steps taken. The streets and the masses will welcome you warmly when you find them. :)