Actions

Work Header

gusto (ba) kita, oh, giliw? (tanong ko sa sarili habang ligaw sa'yong mata)

Summary:

Talo ang iceberg sa Antartica sa bilis ng paglusaw ng puso ni Kiko sa napakagandang ngiti ni Finn. 

Notes:

hi! happy jayke day 🫶🏻

first time ko magppublish ng story under this acc 😄 finally, may ambag na ako sa tags nila XD this is not beta read! enjoy reading and be mindful of the tags :)

(See the end of the work for more notes.)

Chapter Text

Pamilyar na yata ang lahat sa uncertainty na dulot ng graduation. 

Paano ka bukas?

Ano ang gagawin mo?

But that wasn’t the case for Finn. Third year pa lang siya sa kursong Marketing ay nagsisikap na siyang mag-ipon. Balak din kasi niyang kumuha ng Masteral, gusto niya rin kasing subukin ang kapalaran niya sa academe. 

At kasabay ng pag-aaral at pagtatrabaho, nakayanan niya ring magmahal. 

Si Francis. O Kiko.

Just like any other college love story, they met during a university-wide event. It was when Finn was alone during a university fair, silently jamming and banging his head along with the bands performing that night. Si Kiko ay may kasamang tatlong kaibigan at bilang mabait na kamag-aral, sinimulang kausapin ni Kiko ang katabi niya.

“Hi!”

“Mag-isa ka lang?”

Hindi pa ito narinig ni Finn noong una, ang nasa isip niya kasi ay baka ibang tao ang kausap ng lalaking nasa tabi niya, kung kaya’t nagpatuloy lang siya sa pagwagayway ng kanyang kamay sa ere saka dinamang muli ang kantang tumutugtog sa entablado.

“Uy, kuyang kulay dilaw ‘yung buhok!”

Agad namang napalingon si Finn sa kanyang kaliwa, surprised that other people recognize him with his yellow undertone hair. There, he sees a man wearing his college shirt—College of Arts and Sciences—plastering his wide smile and crescent-like eyes directly at him. Despite the pair of glasses being an obstruction of the man’s features, hindi maikakaila ni Finn na may itsura ang lalaking ito. 

Nagtataka pa si Finn noong una kaya’t tinuro niya ang kanyang sarili bilang sagot.

“Oo, ikaw nga. Mag-isa ka lang ba? Gusto mo sumama sa amin?”

At du’n na nagsimula ang lahat. Hiningi ni Francis ang numero ni Finn at masaya naman niyang binigay ito. 

“Kiko na lang itawag mo sa akin,” nakangiting tugon nito. 

Nakilala rin kalaunan ni Finn ang mga kasama ni Kiko noon—si Heeseung, Sunghoon, at Jungwon. Napagtanto ni Finn na mga kaibigan pala ni Kiko ito mula pa noong hayskul sila, at hindi na rin naman na nakakagulat na nakapalagayan niya rin ng loob ang mga ito.

Naulit ang ilang mga sandaling nagkikita si Kiko at Finn. Paminsan-minsan, inaaya ni Kiko si Finn na kumain sa labas ng kanilang unibersidad tuwing tanghali. Nasaktuhan pa ngang sabay ang vacant nilang dalawa sa schedule nila, kung kaya’t madalas silang dalawa rin ang nagkakasama.

Iyon lang din kasi ang libreng oras ni Finn. Abala kasi siya sa library dahil Student Assistant siya ro’n. 

Nakakatawa pa nga, para kay Finn, kasi magmula nang magkakilala silang dalawa, napapansin ni Finn na lagi na itong nasa library nila kahit sa kabilang building ng college nila ay may library din naman. ‘Di-hamak na mas malaki at malamig pa nga.

Sabay na rin sila palaging umuuwi tuwing Thursday at Friday dahil parehong oras ang uwian nila sa mga araw na ‘yon.

“Pst,” tawag ni Kiko kay Finn na sinasauli ang mga librong hiniram ng isang estudyante. 

“Meryenda tayo?”

“Bakit ka ba nanggugulo rito, ha?” Natatawang sagot ni Finn. “Tsaka may shift pa ako. Hanggang mamayang 5 pa ako, ‘di ba? Kumain naman tayo kanina sa siomai-an!” Ani nito matapos na ayusin ang section na kanyang pinagsaolian ng mga libro.

“Wala lang. Sabi kasi ng kaklase ko may masarap na scramble na nagtitinda sa baba. Try natin?”

“Sabihin mo na lang sa librarian niyo na magccr ka lang. Bilis.” 

“Puro ka talaga kalokohan, Kiko. Mapapahamak pa ako sa ganyan mo,” kunwaring dismayadong tugon nito.

 

——

 

Pero ginawa pa rin ni Finn. Tawa-tawa pa nga silang tumakbo mula sa library papunta sa Gate 2 ng unibersidad nila.

“Saglit lang ‘to. Promise.” 

Habang abala si Finn na ubusin ang kulay ubeng scramble na libre ni Kiko, ay siya namang pasimpleng pagsuksok ng puting sobre sa loob ng maliit na bag ni Finn. 

“Sarap ba?” 

Talo ang iceberg sa Antartica sa bilis ng paglusaw ng puso ni Kiko sa napakagandang ngiti ni Finn. 

“Oo.”

“Manong, p’wede po padagdag ng gatas? Bayaran ko po additional!”

Natawa na rin si Kiko sa inakto ni Finn.

Sa totoo niyan, noong araw na nagkakilala sila—crush na ni Kiko si Finn. Kaya nang mapagtantong mag-isa ito noong event, hindi na pinalampas ni Kiko ang pagkakataon upang isama at makilala ang nakababata. Ilang kantyaw rin ang natanggap ni Kiko magmula noon sa kanyang mga kaibigan. Hindi naman kasi si Kiko ‘yung tipong makikipag-usap sa estranghero. Introvert ‘yan, e.

“Finn..”

“Hindi kita masasabayan pag-uwi,” aniya. 

Nalungkot naman si Finn dahil dito. Sabay kasi silang umuuwi dahil si Kiko ay taga Gilmore habang si Finn naman ay taga Antipolo. Madalas, magkasabay sila sa LRT-2 at kahit pinapagalitan ni Finn si Kiko, hinahatid talaga ni Kiko si Finn hanggang sa Santolan station. 

Kapag tinatanong ni Finn kung nagbabayad ba ulit ng ticket si Kiko tuwing hinahatid siya nito, ang sagot lang nito ay tawa. 

Siraulo, ‘di ba?

“Okay lang! Ano ka ba. Di naman ako bata na kailangan may kasabay pauwi,” although for Finn, it might be nice if they go home together.

“Pinapauwi ako nang maaga ni Mama, eh. Sorry talaga.”

“Pero may iniwan ako r'yan sa bag mo. Basahin mo pag-uwi?” 

Nagtataka man ay sumang-ayon na lang si Finn. Ano naman kaya ‘yun? 

 

——

 

Sinikap ni Finn na hindi buksan ang puting sobreng hawak niya mula pa kanina. Sa hindi malamang dahilan, kinakabahan siya—Ano bang laman nito? Bakit parang seryoso naman ‘yung isa kanina? Aalis ba sila?

Ilan lang ang mga ‘yan sa mga tanong na bumabagabag kay Finn. 

Kaya nang segundong tinapak ang kanyang mga paa sa kanyang kwarto, agad niya itong binuksan.

 

Finn,

Ang dami kong pakulo. Hahaha! Wala lang naman ‘to. May gusto lang akong sabihin sa’yo.

Alas tres na ng madaling araw, at sa totoo niyan, nababagabag na talaga ako. Ilang araw kong pinag-isipan kung gagawin ko ba ‘to, kasi ayoko namang hindi muna maging sigurado sa balak ko.

Finn, mahal gusto kita. 

Kung ang depinisyon nila ng pagmamahal pagkagusto ay ‘yung kinakabahan, nagugulumihanan, at umiindayog ang puso, sa akin, hindi.

Tuwing kasama kita, ang tanging himig lang ng puso ko ay Ikaw. Puro lang Ikaw. Nakakainis na nga minsan. 

Hindi kinakabahan, hindi nagugulumihanan, at mas lalong hindi umiindayog. Kapag kasama kita, tanging hinahon lang ang puso ko. Para akong naninirahan sa bahay na puno ng bantay; para akong nakahiga sa bagong-labang kobre-kama at mga punda; na para akong napapaligiran ng mga talang kumikislap at kumikinang sa gabi.

At sana lang talaga ay nandito ka mismo sa sistema ko para malaman mo kung gaano kasarap sa pakiramdam na mahalin gustuhin ka.

Oh—alam kong nakakunot na noo mo r’yan. Hindi ko naman ‘to sinabi sa’yo para ibalik mo ang nararamdaman ko. Gusto ko lang malaman mo kung gaano ka kahalaga sa akin, Finn. ‘Yun lang naman. 

Kita-kits bukas?

 

Kiko

 

——

 

Finn: Gago.

 

Mas lalong hindi nakatulog si Finn sa nabasa niya. Kanina pa siya nagtitipa ng mga salitang p’wede niyang isend kay Kiko, pero Gago lang ang nasabi niya. Aksidente lang niya itong nasend kung kaya’t sinet niya ang cellphone niya sa Airplane mode upang mabawi ang mensahe, ngunit nagsend pa rin ito.

Nagulat pa siya dahil maya-maya lang matapos tanggapin ang kapalpakan niya ay nagreply na ito agad.

 

Kiko: Speechless ka ba, Finn? Na mahal kita?

Finn: Tang ina mo

Kiko: Speechless siya, oh. Mahal mo rin siguro ako ‘no?

Finn: Gago

 

Tuluyan nang pinatay ni Finn ang telepono niya. 

Pinakiramdaman niya ang kanyang sarili at isa lang din ang nararamdaman niya.

Galak.

Sino ba naman kasing hindi magkakagusto sa katulad ni Kiko? Huli na nga nang mapagtantong sikat pala ito sa unibersidad nila dahil Editor in Chief pala ito ng opisyal na dyaryo ng kanilang eskuwelahan. Maraming nakakakilala sa kanya dahil matalino, crushable, at gentleman ito, ayon kay Sunoo na kasabayan ni Finn sa shift niya sa library.

 

——

 

Kinabukasan, masakit ang ulo ni Finn sa kaiisip. Hindi naman niya maikakaila na habang nakakasama niya si Kiko ay nagugustuhan niya na rin ito. Buong gabi, iniisip niya lang kung ano ang dapat niyang sabihin sa nakatatanda—batid naman sa kanya na sinabi ni Kiko ‘yun sa kanya hindi para ibalik ang nararamdaman niya. 

 

Finn: Hoy

Kiko: Good morning, mahal ko :)

Finn: Tangina mo wag ka ngang ganyan

Kiko: Hahaha! Joke lang

Kiko: Napatext ka pala?

Finn: Saan ka

Kiko: Nasa classroom na ako, kararating ko lang. Bakit pala?

Finn: Okay, punta ako dyan

Kiko: Ha? Bakit? 

Finn: Basta

 

Natatawa si Finn dahil sa inaakto niya ngayong araw. Habang papasok ng eskuwelahan ay aligaga ito; maya’t maya ang pagtingin kung kumpleto o tama ba ang ginagawa niya na balak niyang ibigay kay Kiko. 

Alam naman din niyang hindi niya matutumbasan ang mga efforts ni Kiko para sa kanya, pero hindi niya na rin alam—pakiramdam niya kasi ay may dapat siyang gawin o sabihin manlang ngayon mismo. Bagaman wala sa maayos na kondisyon ang kanyang katawan, sinikap niya pa ring pumasok.

Kasalanan mo ‘to, Kiko.

Nang makapunta sa harap ng pintuan ng classroom ni Kiko ay agad niya itong tinext. Ilang segundo lang ay bumungad ang lalaking ayos na ayos ang buhok, suot-suot plantsadong uniporme, at magiliw na tinatapunan siya ng ngiti. 

Hindi naman ito pinagtuunan ng pansin ni Finn.

Pero sa loob-loob niya, hindi niya talaga maitatanggi na tama ang ibang estudyante sa unibersidad nila—gwapo ito.

“Oh, ayan,” aniya saka abot ng paperbag. Sinisikap iwasan ni Finn ang mga matang nagtatanong ni Kiko, pero hinuhuli lang nito ang kanyang tingin.

“Para saan ‘to, Finn?”

“Kunin mo na lang,” sagot ng nakababata. Bakas sa mukha ni Kiko ang pagtataka kung kaya’t sumagot muli si Finn. “Walang bomba r’yan, ‘wag kang mag-alala. Kainin mo lang tapos may sinuksok din ako sa ilalim.”

Matapos magpaalam kay Kiko na kailangan na niyang pumunta sa library at magtrabaho, nakatanggap naman siya muli ng mensahe sa nakatatanda. 

 

Kiko: Hoy ano ‘to

Finn: Alin?

 

Gusto kita, Kiko. Mahihintay mo ba ako?

 

——

 

Lumipas ang ilang buwan, at hindi naman na bago noong naramdaman na rin ni Finn na mahal niya si Kiko. Kalaunan, naging magkasintahan na sila. 

Hindi alintana ang bigat na dulot ng prelims, midterms, at finals sa kanilang dalawa—palagi nilang sinisigurong  maayos nilang tatapusin at sasalubungin ang araw.

Nakakatawa nga, kasi kumalat sa unibersidad nila ang relasyon nila matapos may ilang mga ka-eskwelang nakapansin na palaging minemention ni Kiko si Finn sa mga Facebook posts ng kung sino. 

“Boyfriend mo na si Mr. Pogi ng IS (International Studies)? Grabe ka, sis!” Minsan pang tukso ng kasamahan niyang si Sunoo. Natawa na lang siya bilang sagot saka tumango.

Parehas silang masaya sa piling ng isa’t isa. Palagi silang nag-aadjust tuwing Monday, Wednesday, Thursday, at Friday—minsan, si Finn ang naghihintay kay Kiko na matapos ang klase nito, at minsan naman si Kiko ang gano’n.

It was actually a smooth sailing relationship.

They would walk around the campus holding each other’s hand, eat street foods in the university hallway, and study together may it be in the library or thru video calls.

Tipikal na makikita mong magkarelasyon sa kolehiyo.

Sinisiguro rin nilang dalawa na babanggitin nila ang salitang Mahal kita bago at matapos ang araw. 

Nakakakilig. 

Tuwing monthsary naman nila, hindi naman nila pinagdiriwang ito nang magarbo. Sapat na ‘yung kakain lang sila sa isang fastfood chain. Bonus lang din dahil palaging liham ang inireregalo ni Kiko sa kanya.

Siya rin naman, actually. Hindi nga lang consistent dahil abala siya sa pagiging Student Assistant at estudyante.

 

——

 

Dumating ang huling taon nila sa kanilang mga kurso. Laking-pasasalamat nga nilang dalawa dahil individual ang thesis nila at may pagkakataon silang sabay na gumawa ng kanilang output.

Despite the huge difference between their courses, hindi naman naging mahirap na tulungan nila ang bawat isa.

“Jo,” tawag ni Kiko kay Finn. “Alam mo paano isolve ‘tong sa statistics? Hindi ko dala notes ko,” kamot-ulong ani ni Kiko. Tinignan naman ni Finn ang problem at mabilisang sinagutan ito.

“Basic.”

At nagpatuloy ang ganitong set-up ng dalawa. Palagi nilang sabay ginagawa ang thesis, homework, at maging ang pag-apply sa mga company na tumatanggap ng interns, sabay rin nilang ginawa.

Nang parehas silang natanggap sa Internship na inapplyan nila, nakakilala sila ng ibang tao. It made their connection wide at sa tingin nilang dalawa, it’s really nice to meet new people. Du’n nakilala ni Kiko ang supervisor niyang si Sir Kent.

Sir Kent is a really good mentor. Bukod sa buhay-trabaho, hindi rin maikakaila na napalapit si Kiko rito dahil parehas silang mula sa kursong International Studies. Kasalukuyang may live-in partner ito na palaging niyang nakukuwento, and it piqued Kiko’s interest. His curiosity about living in together grew bigger. 

Minsang tinanong ni Kiko kung ano ba ang magandang dulot ng live-in, ang sagot ng kanyang supervisor ay, “Mas makikilala mo kasi ang partner mo kapag nasa iisang bubong na kayo. Tsaka mas malaya kayong gawin ang mga bagay na p’wede niyong gawin. Mas maiintindihan at mamahalin niyo pa ang isa’t isa.”

Magmula nang ibahagi ni Sir Kent ang kuwento nilang magkasangga sa buhay, hindi na ito naalis sa kanyang isip. Alam naman niyang gagraduate pa lang sila—at masyado pang maaga kung gugustuhin man ni Kiko na ayain ang nobyo na tumira sa iisang bahay kasama siya.

Until one day, Kiko and Finn got to talk about living-in partners.

“Ang cute nu’ng kasama ko sa internship, Jo,” simulang kwento ni Finn. “Live-in sila ng boyfriend niya mula third year. Ang galing nga.”

Masama ba kung sasabihin ba ni Kiko na natutuwa siya, gayong matagal na rin niyang gustong pag-usapan ang bagay na ‘to sa kanyang kasintahan?

“Talaga? Kumusta naman?"

Finn, who is busy scanning his thesis draft for binding, gazed at him and smiled. “Okay raw. Mas naging malapit daw sila. Mas nakilala raw nila isa’t isa.”

“Gusto mo rin bang subukan natin, Jo?” 

Agad namang napalingon si Finn sa nagsalita. Sa hindi malamang dahilan, biglang tahimik ang library na madalas maingay. Tumigil din sa paglipat si Finn ng mga pahina mula sa kanyang thesis draft. 

Nang salubungin ni Finn ang titig ni Kiko, tanging tipid na ngiti at pag-asa ang makikita sa kanyang mukha. 

“Anong ibig mong sabihin?” 

Katahimikan.

Nang hawakan ni Kiko ang kamay ni Finn ay siyang pagluwag din ng hininga ng nakababata. 

“Live with me?”

“Of course only when you’re ready, Jo. Kahit gaano pa katagal ‘yan. Maghihintay ako.” 

 

——

 

Matatapos na ang kanilang internship, naipasa na rin nila ang kanilang thesis, at hinihintay na lang ang araw ng graduation. 

Talagang pinag-isipan ni Finn ang alok ng kanyang nobyo. Gusto rin naman niyang gawin ‘yun kasama siya, ngunit hindi lang siya sigurado kung makakaya ba nila gayong pataas nang pataas ang presyo ng bilihin at hindi rin biro ang padalos-dalos na pagdedesisyon tungkol sa ganitong bagay.

Sa katunayan niyan, hindi naman talaga alintana kay Finn na manirahan sa iisang bubong kasama si Kiko. ‘Yun nga ang totoong gusto niyang mangyari. Nag-aalala lang siya dahil hindi biro ang manirahan mag-isa, pero naisip niya rin,

 

Mas masaya naman siguro kung dalawa na silang magkasama sa nirerentahan niyang studio apartment?

 

——

 

Lumipas ang ilang linggo, natapos na ang kanilang internship, at kinabukasan ay mamartsa na silang dalawa sa entablado. 

Parehas silang gagraduate bilang Magna Cum Laude. 

Nang malaman nila ang balita, agad nilang tinawagan ang isa’t isa. Sabi ni Finn, “May bad news ako sa’yo,” habang sabi naman ni Kiko ay “Jo! Kain tayo kwek kwek sa labas! Libre ko. May sasabihin din ako!”

Kung kaya’t nang mapagtantong parehas pala sila ng ibabahaging balita, hindi nila mapigilang matawa dahil sa inakto ng isa’t isa. Ang dami lang kasi nilang pakulo, ano? 

 

Kasalukuyang nakatambay si Finn sa kwarto ni Kiko. Napagkasunduan nilang sa bahay ni Kiko matulog si Finn para sa graduation nila. Hindi naman ito abala sa mga magulang ni Kiko dahil parang anak na rin kung ituring nito ang kanyang kasintahan. 

Madalas nga’y nagbibiro pa si Kiko na “Ma, bakit parang mas paborito niyo si Finn kaysa sa akin? Hindi yan fair,” na ikinahalaklak naman ng dalawang magkatabi sa sofa na si Finn at ang ina ni Kiko.

They are just hovering random movies on Netflix. Kung ano ang matripan na plot, ito ang pansamantalang ipapalabas hanggang sa magsawa na lang silang dalawa at nagsilbing ingay na lang sa buong kwarto ang pelikula.

“May regalo ako sa’yo. Pero bukas ko pa ibibigay,” panunukso ni Finn sa nobyo. Nang lingunin siya ni Kiko ay bakas ang kunwaring dismaya at malungkot na tingin nito. 

“Bigay mo na. Ayaw ko pa naman binibitin ako,” saad nito. 

Bahagya namang natawa si Finn sa inakto ng kanyang kasintahan. Dahil dito, mas lalo niya pang inasar ang lalaki. 

“Ayoko nga. Bukas na lang. Bahala ka r’yan,” pinipigilan ni Finn na tumawa ngunit hindi na niya napigilan ito nang biglang sunggaban siya ni Kiko upang kilitiin sa magkabilang bewang niya.

“Hoy—hoy! ‘Wag kang madaya! Bakit nangingiliti?!”

“Ayaw mo ibigay ha, sige—bigay mo o kikilitiin kita lalo?” 

“Ayaw ko! Bahala ka! Mas lalo ko talagang hindi ibibigay ‘yun, sige ka!” 

Mas lalo lang kinalat ni Kiko ang kamay sa paligid ng katawan ni Finn upang mas kilitiin ito. 

Bahagya naman siyang napatigil nang biglang inangkla ni Finn ang kanyang mga braso sa batok ng nakatatanda, letting the both of them indulge a defeaning silence.

Nakatitig lang si Finn kay Kiko, pinapakiramdaman ang mga susunod na mangyayari. 

Finn can also feel Kiko’s calloused hands wrapped around his waist, carefully placed to not leave any marks. 

Bigla namang bumigat ang paghinga ng nakababata. Mataman pa rin niyang tinititigan ang lalaking nasa ibabaw niya na para bang hinahamon niya ito sa patagalang titig.

“Can I kiss you, Jo?” 

Hindi na magsisinungaling si Finn—hindi naman bago ang sitwasyong hahalikan siya ni Kiko. Madalas namang nagdadampi ang kanilang labi tuwing maghihiwalay na sila ng daan pauwi.

But Finn could sense that it’ll be different this time. 

Without a word, Finn nodded and anticipated Kiko’s lips. 

Dahan-dahan namang lumapit ang nakatatanda upang halikan si Finn; and once they felt their lips brushing against each other, they both made themselves closer. 

Wala nang pagitan sa kanilang dalawa. Tanging ang masugid na halik, naglalakbay na mga kamay, at pikit na pikit nilang mga mata ang nagsisilbing salitang nais nilang sabihin mula pa noong una—Mahal kita. 

Kung sa paraan ng paghalik ay mararamdaman mo ang nagbabagang damdamin at pusong galak na galak sa pag-ibig, baka ito na 'yun.

Nang sinimulang ilabas ni Kiko ang kanyang dila habang naghahalikan sila ay siya naman itong taos-pusong pagtanggap ng labi ni Finn. Bagaman hindi alam ni Finn ang gagawin, sinabayan na lang niya ang ritmo ng halik na ibinibigay ng nakatatanda.

Hindi na rin maitatanggi na parehas silang naglilikha ng tunog. Ang kaninang kobre-kama na ayos na ayos ay gusot at titiklop-tiklop na ngayon. 

“Mahal kita, Finn. Sobrang mahal kita.”

“I’ll live with you, Kiko.”

 

At sa palagay ni Finn, iyon na ata ang gabing hinding-hindi niya kayang ipagpalit sa kahit na anong memorya.

Notes:

thank you for reading!!!!!! T^T may chapter 2 ‘to but i think next week ko pa mapublish hehe you can check my twt @2JYKE for more hibang jayke fics XD