Work Text:
Ano nga ba ang magandang gawin pagkatapos ng ilang araw na kapaguran from classes and training? Magpamasahe? Kumain ng masarap na dinner? Well, yes, mapapawi naman siguro ng mga ‘yan ang pagod na nararamdaman ng isang tao.
Pero para kay Mark, ang the best way siguro na pampawala ng pagod at stress ay makita at mayakap lang ang paghinga niya at ‘yun ay walang iba kundi ang nobyo niyang si Donghyuck.
Pagod? Tanggal talaga ‘yan!
E kaso kahit how much they want to see each other every day, the universe won’t allow them. Both of them are busy rin kasi talaga, si Mark na may klase tapos may training pa habang si Donghyuck naman ay sobrang busy rin talaga as a Film student, kung wala siya fini-film ay baka may ine-edit naman ito.
Ang mahirap pa ay hindi pa sila same ng pinapasukan na university. ‘Yung isa nasa Katipunan habang ‘yung isa naman ay nasa Taft. Kaya ayan na minsan ay once a week na lang sila nagkikita.
Kaya naman ngayon ay gusto na lang talaga matapos ni Mark ang training niya dahil alam niyang pagkauwi niya ay si Donghyuck ang sasalubong sa kaniya sa condo niya. Doon kasi ito matutulog dahil wala naman silang pasok o gagawin ngayong darating na araw ng Linggo.
Noong nagbibigay na ng reminders ang coach nila ay halos hindi na nga siya makinig. Hindi mo naman siya masisi dahil huling kita pa niya sa boyfriend niya ay noong nakaraang dalawang linggo pa. Sumakto pa na hindi umaayon kay Mark ang mundo nitong mga nakaraang araw. That’s why he’s hoping that seeing Donghyuck will put him in a better mood.
Habang lumilipad ang isip niya ay bigla na lang niya naramdaman na may sumiko ng braso niya. Si Hendery ‘yon kaya nilingon niya ang kaibigan at tinaasan ito ng kilay. But before Hendery can answer him, all of them heard their coach cleared his throat while looking at Mark.
“Are you still here, Lee?” striktong tanong nito kay Mark. “Get yourself together. What’s with you these days?”
Mabilis namang napaayos si Mark ng tayo “Sorry, Coach.” tipid na sabi niya sabay yuko.
Binigyan lamang siya ng warning look ng coach nila bago ito bumalik sa pagsasalita. Nakahinga naman nang maluwag si Mark noong wala na ulit ang atensyon sa kaniya.
Badtrip, pang-ilan na ba niya ‘yan? Ilang beses na ba siyang napagalitan ng coach nila ngayong linggo? Siya ata ang trip ng nakatatanda nitong mga nakaraang araw dahil siya na lang lagi ang nakikita nito. Konti na lang pati mali sa training ng mga kateam niya ay sa kaniya pa isisi.
Pagkatapos naman ng mga ilang paalala ay pinayagan na ang Ateneo Blue Eagles na umuwi, sa Monday na ulit ang next training nila. Nagpakawala naman si Mark nang malakas na buntong-hininga habang pabalik siya ng bench para kunin ang tumbler niya.
Napansin naman siya ni Hendery, binigyan siya nito ng mahinang tapik sa balikat. “You good?” nag-aalalang tanong sa kaniya ng kaibigan niya. Tinanguan lang niya ang binata at tipid na nginitian.
Pagkatapos non ay dumeretso siya agad ng shower room para makaligo na. Binilisan lang niya ang pagligo at dumeretso na ng uwi. Hindi na nga siya nakapagpaalam kay Hendery dahil sa sobrang pagmamadali niya. It is really a long week for him.
Pagkarating ni Mark sa condo niya ay naabutan niyang bukas ang mga ilaw. Napangiti naman siya agad kahit papaano dahil sign na ‘yon na andito na rin si Donghyuck.
Pero wala ang nakababata sa sala kaya in-assume niyang nasa kwarto niya ito. Sinamantala naman ito ni Mark at kaya umupo muna siya sa sofa at pumikit. Magpapaalis lang muna siya ng masamang enerhiya sa katawan dahil ayaw niyang mahawa o madamay si Donghyuck sa pagkawala ng mood niya.
Noong mahimasmasan siya kahit papaano ay pumunta na siya sa kwarto niya para puntahan si Donghyuck at para makapagbihis na rin ulit. Papaano ay pauwi na lang siya ay may nasangga pa siyang maduming pader noong papunta siya ng kotse niya kanina sa parking at ayan, kailangan niya ulit tuloy magpalit.
What a week for him nga naman.
Pero gad naman siyang napangiti nang makita niya si Donghyuck pagkapasok niya ng kwarto.
Bumungad kay Mark ang boyfriend niyang tutok na tutok sa cellphone nito na paniguradong naglalaro na naman. Naka-headphones pa ito kaya hindi siguro nito napansin ang pagdating niya.
“Baby?”
Hindi ata talaga siya nito naririnig at kahit noong sinubukan niya itong tawagin ulit ay wala pa rin talaga. Napailing na lang si Mark at nagbihis na lang muna, mamaya na lang niya ito kukulitin.
Habang naghahanap naman si Mark ng damit ay narinig niya ang ingay mula pagtanggal ng headphones, mukhang tapos na ang boyfriend niya sa nilalaro nito. Hindi niya muna ito nilingon at kumuha muna ng t-shirt sa cabinet niya.
Tinanggal naman agad ni Mark ang t-shirt niya nang makahanap na siya ng susuotin. “Hi… You are here na pala,” rinig ni Mark na sabi ni Donghyuck kaya lumingon siya rito. “Kanina ka pa?”
Pinagpatuloy niya ang pagsusuot ng damit. “Medyo, you are not paying attention to me nga e.” sabi niya na may konting hint ng pagtatampo sa boses.
“Sorry!” mabilis na sagot sa kaniya ni Donghyuck. Nakita naman niya na biglang nag-panic ang binata at kinuha ulit ang cellphone nito, mukhang simula na naman ng round sa nilalaro nito. Napanguso naman si Mark nang mawala na ulit ang atensyon ni Donghyuck sa kaniya. “I was playing kasi e. Kumain na ba ikaw?”
“I was playing kasi e…” panggagaya niya kay Donghyuck. “Let’s eat na, later na ‘yang game na ‘yan.”
“I’ll finish this lang, last round naman na e.” Pokus pa rin ito sa nilalaro niya habang si Mark ay halos humiwalay na ang labi sa mukha nito dahil sa sobrang pagnguso.
Kaya naman umupo si Mark sa tabi nito at sinimulan ang pagpapapansin. “You don’t want to eat with me, baby?” kunwaring nagtatampong sabi niya.
Napalingon naman si Donghyuck sa kaniya at pabiro siyang inirapan nito. “Sabi ko I’ll finish this lang?” natatawang sabi sa kaniya ni Donghyuck.
“Hindi mo siguro ako na-miss,” parang bata na sabi ni Mark. Ibinagsak niya ang katawan niya sa nakababata kaya naman nakatanggap siya ng malakas na hampas mula rito dahil nagulo nga naman niya ito sa paglalaro. “We didn’t see each other for two weeks, baby.”
“Super kulit!” sabi ni Donghyuck. Inayos ni Mark ang pwesto niya at hiniga ang sariling ulo sa dibdib ni Donghyuck at mahigpit itong niyakap.
Nagpakawala rin siya ng malakas na buntong-hininga noong naging komportable na siya sa pwesto niya. Namiss niya ‘to, namiss niya si Donghyuck.
Ganun lang sila for ilang minutes, tanging tunog lang ng aircon at ang game na nilalaro lang ni Donghyuck ang maririnig. Nakapikit lang ang mga mata ni Mark habang yakap-yakap nang mahigpit ang kasintahan.
“Super tired from training, baby?” tanong sa kaniya ni Donghyuck habang naglalaro pa rin ito.
Hindi naman kumibo si Mark at umiling lang, hinigpitan pa niya lalo ang yakap kay Donghyuck. They don’t need to talk much dahil kapag ganyan ay maiintindihan na siya ni Donghyuck dahil tumatahimik lang naman si Mark kapag wala lang naman siya sa mood.
“Do you mind telling me what happened?” tanong ng binata nang hindi niya ito sinagot. See?
“It’s nothing,” mahinang sabi ni Mark. Nakapikit pa rin habang isinisiksik pa lalo ang sarili kay Donghyuck. “Namiss lang kita.”
“Namiss din kita. Let’s eat na?” Alam niyang hindi satisfied si Donghyuck sa sagot niya but the younger let the topic go. Alam nito na ayaw pang pag-usapan ni Mark.
Nag-angat naman ng tingin si Mark kay Donghyuck at sinamaan ito ng tingin. “So now you wanna eat? Kung kailan I’m already comfortable here?” pagbibiro niya.
Tinawanan lang siya ni Donghyuck at mahinang pinisil ang pisngi niya. “I’m done playing na po and I cooked some food din kanina when I arrived here.” Naramdaman niya ang pag-alog sa kaniya ni Donghyuck para paalisin siya pero niyakap niya lang ito nang mas mahigpit. “Baka that’s cold na already. Ayaw mo na ba ng luto ko?”
“Hindi mo pa nga ako kini-kiss today… ” nagtatampong sabi niya kay Donghyuck.
“How will I kiss you e ayaw mo naman tumayo diyan.” Pagkarinig naman niya sa sinabi ni Donghyuck ay agad niyang inangat ang ulo niya at binigyan ito ng napakalaking ngisi.
Agad naman bumalik ang kunot sa noo ni Mark nang ngitian lang siya pabalik ni Donghyuck at talagang tinulak pa siya sa mukha.
Bigla namang nanlambot ang mukha ni Mark nang pakatitigan niya sa mukha si Donghyuck. He smiled at Donghyuck while directly looking at the younger’s eyes.
“I love you, baby.” Mark said directly to Donghyuck with a hint of softness in his voice. And just like that, all the negativity and bad energy on his body are gone.
“I love you too.” Donghyuck’s both hands palmed each side of his face and showered him with kisses all over the face starting with his lips. Pinikit naman ni Mark ang kaniyang mga mata at dinama ang bawat halik na binubuhos ni Donghyuck sa kaniya.
♡
Pagkatapos nilang kumain ay umupo naman ang dalawa sa sofa ng condo ni Mark at pinagpatuloy ang pag-uusap nila. Nag-uusap lang sila tungkol sa mga kung ano-anong bagay na ginawa nila netong mga nakaraang linggo na hindi nila naikwento sa text.
Nakasandal si Donghyuck sa dibdib ni Mark habang pinaglalaruan ng nakatatanda ang mga daliri niya habang nakaakbay rin ito sa kaniya. Pinapakinggan niya si Mark na nagkukwento kung bakit parang wala ito sa mood pagkarating nito kanina.
Bukod kasi sa hindi sila nagkita ng dalawang linggo ay hindi rin sila masyadong nakakapag-usap sa iMessage. Ayos lang naman sa kanilang dalawa 'yon dahil ina-update pa rin naman nila ang isa’t isa sa mga importanteng bagay. Naiintindihan din naman kasi nila na pareho silang busy and they have things to prioritize in life.
“Monday ba ‘yun? When I messaged you na I was late sa training namin,” banggit ni Mark. Naalala naman agad ni Donghyuck ang sinasabi ng nakatatanda, nag-send pa nga ito ng picture na alanganing nakangiti habang naka-thumbs up e. “Feeling ko that was the start na uminit ‘yung ulo ni Coach sa akin kasi after that I was late again for the next two days.”
Kumunot naman ang noo ni Donghyuck sa sinabi ni Mark dahil he knows that Mark was never the type to be late on his trainings. “Huh?”
Napansin niyang napahawak si Mark sa sariling ulo, mukhang naalala ang dahilan bakit ito late sa mga trainings. “I was catching up with my quizzes and classes kasi diba nga, I both have trainings for UAAP and Gilas.” paliwanag ni Mark.
“Edi your reason is valid naman pala?”
“I don’t even think that me being late was the reason na he’s mad at me e. At this point I don’t even know na why is he mad kasi what the hell,” Huminga muna nang malalim si Mark bago nito tinuloy ang pagkukwento niya.
“The other day he was saying na I am not improving daw sa training... Na I was slacking daw ganon? Tangina, I don’t know… Tapos hanggang kanina pinapagalitan pa ako and now I’m questioning myself if all my efforts are enough to help us win this upcoming season.”
Inalis ni Donghyuck ang pagkakaakbay ni Mark sa kaniya at pinahiga niya ang kasintahan sa hita niya. Sinuklay niya ang buhok ni Mark gamit ang mga kamay niya at nakita naman niyang napapikit ito.
“You are doing great, okay? You know naman na it’s a new season again in a month and baka he is just full of emotions right now kaya he can’t see na his words are not helping his players anymore. One bad day won’t define you naman as a player and all the things you did and do for your team.”
Wala man masyadong alam si Donghyuck sa basketball ay alam naman niya kung gaano kamahal ni Mark ang sports na ‘yon at kung ano ang efforts nito para rito. Kasi kung siya ang tatanungin ay malaki ang naging improvement ni Mark dahil halos lahat ng oras nito ay ialay na niya sa trainings at sa team niya.
Kilala rin niya si Mark, his boyfriend won’t sit down knowing he’s not improving. He makes every single day a chance to improve himself.
UAAP Season 86 was a bittersweet season for Mark dahil kahit nakuha nito ang individual award na UAAP Season’s MVP ay hindi naman nakuha ng Ateneo ang inaasam nilang two-peat championship.
Naalala ni Donghyuck ‘yung pagiging emotional ni Mark during the Finals Game. Mark was silently crying on Hendery’s shoulder, they were both crying, while the whole arena was filled with maroon confettis.
“I saw all your efforts! Remember last season? Two weeks after the season ay nag-training kana agad mag-isa kasi you want na makabawi ka and kayo next season? Don’t be too hard on yourself, baby. You are doing fine naman, hmm? You’ll get that championship again before you graduate.”
Umalis si Mark mula sa pagkakahiga sa hita niya at naramdaman na lang niya ang mga kamay nito sa magkabilang pisngi niya. Binigyan siya ng madiin na halik sa labi ni Mark bago pinagdikit ang mga noo nila.
“What’s with you and your words? They always calm and help me.” sabi ni Mark sa kaniya bago siya hilain nito para sa isang halik.
They ended that night with more kisses and cuddles. Pagkagising naman nila ay nag-ayos sila ng sarili dahil balak nila mag-date buong araw dahil sa Lunes ay balik na naman ang dalawa sa pagiging busy at panigurado ay bihira na naman ang pagkikita nila.
Kinakabahan nga si Donghyuck dahil baka sa sobrang busy niya ay hindi siya makanood ng mga laro ni Mark, sobrang lapit na kasi ng UAAP at ang dami niya pa rin ginagawa. Next week pa ata ilalabas ang schedule ng mga laro kaya naman hindi pa niya maplano ang schedule niya. Ipinagdadasal talaga niya na tumugma ang schedule niya at ang mga laro ni Mark.
Graduating na kasi siya, actually silang dalawa ni Mark, kaya sobrang busy talaga. Huling season na rin kasi ito ni Mark kaya gustong-gusto talaga niyang kumpletuhin ang mga laro ng boyfriend niya.
Noong Season 86 kasi ay halos hindi niya panoorin si Mark ng live dahil hindi pa siya ganun kakomportable for some valid reason na nangyari dati. Ah basta, ayaw na niya alalahanin ‘yun!
Nakailang nood lang siya ng live noong Season 86. Dalawa siguro per round kaya bale apat tapos isa lang nung semis pero atleast kinumpleto niya ang finals. Naiintindihan naman siya ni Mark at alam naman ng nakatatanda saan siya nanggagaling.
Pero kahit naman na hindi siya nanonood ng live ay sinigurado naman niyang nanonood siya sa TV or basta dun sa app na binayaran niya pa! Grabe, 75 pesos ‘yun kada buwan! Mura lang naman at may pera naman siya kaso naisip niya na kung students ang target audience ng UAAP, bakit sobrang pahirapan manood ng mga laro?
Muntik na nga siya manood doon sa mga illegal streaming pero kasi bigla-bigla na lang siya may maririnig na tumatawa sa stream.
“Bahala na nga.” Pinatong niya ang kaniyang ulo sa table niya. Nasa condo niya siya ngayon at ka-videocall si Mark na busy kumakain. Kakatapos lang ata ng training nila tapos siya naman ay busy sa paggawa ng script.
Thursday ngayon on a random week of September, siguro tatlong linggo bago magsimula ang UAAP Season 86 Men’s Basketball Tournament. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ina-announce ang Round 1 Schedule at opening day pa lang ang alam ni Donghyuck. Kahit nga si Jaemin ay wala rin daw balita.
“What’s wrong, baby?” tanong sa kaniya ni Mark dahil mukhang napansin nito ang pagiging stress niya. Maingay ang background ni Mark ngayon dahil kasama nito ang buong team at kumakain sila. Most probably ay tinatamad nang umuwi si Mark ng condo nito kapag ganyan at matutulog na lang sa dorm ng mga players.
Ateneo has a dorm naman talaga for their athletes pero ang kwento sa kaniya ni Mark na kaya he decided to have his own condo ay para he can still have his own space and privacy. Kaso may mga times na hindi na ito umuuwi ng condo lalo na kapag sobrang pagod talaga sa training.
“Do you have your game schedule na ba? Or even sa inyo hindi pa sinasabi?” tanong ni Donghyuck kay Mark. He started typing on his laptop again to add something on his script pero nabalik ulit ang tingin niya sa iPad niya nang marinig niya si Hendery.
“Hi, Hyuck!” Katabi ito ni Mark na kumakain din. Natawa na lang si Donghyuck nang ilapit ni Hendery ang mukha nito sa camera para kumaway sa kaniya, may chicken pa ‘to sa bibig! Kumaway na lang siya pabalik rito.
“We saw the schedule na kanina e. I’ll send it to you later before I go to sleep,” sabi naman ni Mark. Lumiwanag naman ang mukha ni Donghyuck dahil sa wakas! “Baby, kumain ka na ba pala?”
Ganyan lang ang ginagawa nila kapag nakakahanap sila ng oras in their busy life. Tatawag ‘yung isa sa kanila kapag nagtutugma ang oras nilang dalawa tapos mag-uusap lang sila ng mga kung ano-ano. Minsan din they try to call each other kahit may ginagawa sila, kahit walang nagsasalita ay okay lang naman.
Ginagawan nila ng paraan ang busy schedule nila kasi gusto nila.
♡
Two days before Ateneo’s first game…
Nagtatakang binuksan ni Donghyuck ang package na inabot sa kaniya ng guard kanina sa baba ng condo building niya. Chineck niya ang cellphone niya kung may in-order ba siya pero wala namang dumating ngayon.
Tiningnan niya kung kanino ito galing at nagtaka naman siya nang makita niya ang pangalan ni Jaemin as the sender. Napaisip siya na bakit kailangan pa ito ipa-deliver ng binata kung pwede naman silang magkita anytime?
Binuksan niya ang package at nagtaka naman siya dahil puro damit ang laman nito. Pamilyar ang design ng shirt dahil binanggit na ito ni Jaemin sa kaniya dati, shirsey ito ni Mark na binebenta sa official merch store ng Ateneo.
Napakamot siya ng ulo habang tinitingnan ‘yung damit, pinapasuot ba ni Jaemin ‘yan sa kaniya? Akala niya ‘yun na ang huli pero nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang jersey ni Mark. Natandaan niya ang design na ‘to dahil ‘yun ang jersey ni Mark noong una sila nagkita last Season 85 Finals Game 3.
‘Pinahingi ko kay Hendery mga jersey ni Mark! You can wear them while watching Mark’s games this season!’ ‘Yan ang nakalagay don sa note na iniwan ni Jaemin.
Namula naman ang buong mukha ni Donghyuck while thinking of wearing these clothes while watching Mark. Nahihiya siya!
Bahala na talaga at baka mag stick nalang siya sa plano niya na mag-blue shirt. Pwede na daw ‘yun para hindi agaw atensyon.
...or maybe he can wear them during the finals series. If! Makapasok ang Ateneo!
Napanguso naman siya bigla nang maalala niya na baka hindi na naman niya ma-complete attendance ang mga games ni Mark. Chineck niya ulit ‘yung schedule ng Round 1 at talagang ‘yung isang game ni Mark ay tumapat pa talaga sa isang quiz niya sa major.
“Badtrip!”
Round 1, Game 1: ADMU vs NU
Kasama niya ngayon ni Donghyuck si Jaemin at nasa MOA Arena na sila ngayon at pumipila sa entrance para makapasok na sa loob.
“Jaemin, good luck!” Narinig nilang sigaw nung isang babae na nasa pila rin.
“Ako maglalaro?” natatawang sagot ni Jaemin kaya naman natawa na lang din ‘yung babae.
“Hala! Hi Donghyuck, ikaw pala ‘yan!” Napalingon naman si Donghyuck doon sa isang babae na tumawag naman sa kaniya, agad niya itong nginitian at kinawayan din.
After presententing their ticket to the guard they immediately went to their seats. The game started late kasi nag-overtime daw ‘yung game before ADMU vs NU.
Donghyuck is hoping that Mark and every other players will end the season with no injury, just a smooth, healthy and good season for everyone. Syempre kasama na rin ang championship for Ateneo.
Naging maayos naman ang unang laro ng Ateneo at nanalo sila against NU. Hindi na masyadong naguguluhan si Donghyuck sa mga nangyayari inside the court at naiintindihan na rin niya talaga. Hindi katulad ng dati na wala talaga siyang maintindihan.
“Oh for sure they will show you niyan sa screen!” Tama nga si Jaemin dahil pagkatapos ipakita na Player of the Game si Mark sa laban nila ngayon vs NU ay sa kaniya na tinapat ang camera. Nagkunwari na lang siya na gumagamit ng cellphone kaya naman tawang-tawa sa kaniya si Jaemin.
Pagkatapos ng game ay nag-aya si Jaemin na bumili muna ng pagkain bago puntahan ang bus ng team nila Mark para lang daw mag-Hi kahit papaano. Isang beses lang, gusto lang daw makigulo ni Jaemin doon sa mga tao na naghihintay at sinama niya na rin si Donghyuck.
“Congrats!” Humalik siya sa pisngi ni Mark nang lapitan siya nito, may nakaharang pa na barricade sa kanilang dalawa.
“Thank you, baby. Saan kayo kakain ni Jaemin?” tanong ni Mark sabay halik sa noo niya.
Nagkibit-balikat lang si Donghyuck. "Text me, hmm?" dagdag ni Mark.
Pagkatapos nun ay nagpaalam na sila sa isa't isa. Niyakap siya ulit ni Mark pero agad niya rin itong binatawan at hinayaan niya nang makipag-usap ang kasintahan sa mga fans ng team nito.
Round 1, Game 4: ADMU vs UP
Tapos na ang laro at talo ang Ateneo sa UP, it was their first loss this round after winning their first 3 games. Nagkulang ang Ateneo sa depensa at halos hindi nila mabantayan ang mga players ng UP. It was a close game naman, tatlo lang ang lamang ng kalaban.
“Hi po,” Napalingon naman si Donghyuck nang may tumawag sa kaniya habang naglalakad siya sa MOA para maghanap ng makakainan. Mag-isa lang siya na nanood ngayon dahil may klase daw si Jaemin. “Pwede po paabot kay Mark? Hindi ko na po kasi naabutan ‘yung bus nila.”
Agad naman ngumiti si Donghyuck doon sa babae at kinuha ‘yung paperbag na inaabot nito. Sinubukan niyang silipin ‘yung loob at mukhang pagkain dahil nakalagay sa parang box.
“Cookies po ‘yan. Pwede po kayo makikagat! Okaya sainyo na po, hayaan niyo na si Mark!”
Natawa naman si Donghyuck sa sinabi ng babae. “Thank you! Daan ako sa condo niya mamaya to give this.”
Donghyuck
you did well today!
still a good game for you
ay someone gave u a box of cookies pala
her name is nika? obfmark?
idk pero yan nakalagay hehe
i ate one kasi she said it’s okay!!
nilagay ko sa ref mo
Mark
thank you baby
thanks for watching my games
kahit you are busy
pero nireref pala ang cookies?
Round 1, Game 8: ADMU vs FEU
Hindi nakanood si Donghyuck sa laban ni Mark ngayon dahil he has to finish something that is due tomorrow at kapag nanood ito ng laro ni Mark ng live ay paniguradong mawawalan siya ng oras sa ipapasa niya.
Huling laro na lang naman na nila Mark para sa Round 1 kaya babawi na lang siya ulit ng Round 2. He’s watching the game din naman sa TV niya while doing his script. Multitasking!
Kaso sa sobrang pagod niya ay nakatulog na siya. Hindi na nga niya natapos ang game ni Mark dahil sa kapaguran, 7 pm na rin kasi nagsimula ang laro nito dahil nag-overtime ‘yung mga ibang laro bago ang ADMU vs FEU.
Kaya naman naabutan ni Mark si Donghyuck na natutulog noong pumunta siya sa condo nito. He decided to visit his boyfriend after his game, binaba lang niya ang mga gamit niya sa condo niya at dumeretso na siya sa condo ni Donghyuck.
Naisipan niyang ilipat na si Donghyuck sa kama para hindi sana mangalay ang leeg nito. Also, mukhang hindi pa kumakain ang boyfriend niya kaya he decided to order na lang some food for the both of them at gigisingin niya na lang ito mamaya.
Hindi niya pinagkakatiwalaan ang sarili niya para siya ang magluto ng hapunan nila ni Donghyuck, kaya food delivery it is!
Pagkatapos niyang ihiga si Donghyuck sa kama nito ay naisipan niya munang linisan ang condo ng binata. Mukhang busy talaga ang boyfriend niya dahil may mga plato pa na nakatambak sa lababo nito.
Inuna niyang linisin ‘yon bago inayos ang living room ni Donghyuck. Dahan-dahan niyang inayos ang mga gamit nito, kagaya ng laptop na itatabi lang niya sa gilid dahil alam niyang papatayin siya ni Donghyuck kapag may mali siyang napindot diyan.
“Mark?” Napatigil naman si Mark sa pagwawalis nang tawagin siya ni Donghyuck, kalalabas lang nito sa kwarto at baka naalimpungatan dahil nakagawa ng ingay si Mark kanina.
Nalapitan naman niya ito agad at hinalikan sa labi. “Sleep ka pa dun, baby.” Hinawakan niya sa bewang si Donghyuck para hindi ito matumba dahil mukhang inaantok pa talaga ito.
Tahimik na nakasandal lang si Donghyuck kay Mark dahil wala pa ito sa sarili.
“Shit, I need to finish pala the script!” Lumayo naman si Donghyuck kay Mark at mabilis na naglakad sa pwesto nito kanina kung saan niya ito naabutan pagkarating niya.
Sakto naman ay nag-message na ‘yung nagdedeliver na nasa baba na ‘yung pagkain nila. Agad naman ito kinuha ni Mark at tumaas rin agad para makakain na sila.
“Can you eat ba while doing that?” Pinalipat niya si Donghyuck sa dining table para malaki ang space nila at para makakain pa rin ito.
“You guys won ba kanina? I don’t know what quarter ako nakatulog eh.” Donghyuck said, still focused on his laptop. Inabot naman ni Mark ang plato na may pagkain na kay Donghyuck. “Thanks.”
“Yeah, I got my third POG today.”
“What? Oh my god, I’m sorry! Hindi ako nakanood!”
Natawa naman si Mark at nilapitan si Donghyuck para punasan ang bibig nito. “Baby, it’s fine. Sabi ko naman sayo na you don’t have to watch all my games lalo na if you are busy.”
♡
“Baby, wag naman sa leeg. I have a morning game bukas.”
Kasalukuyan silang nakatambay ngayon sa condo ni Mark. Nasa sofa sila ngayon at kung ano-ano ang ginagawa! Nasa taas ngayon ni Mark si Donghyuck at konti na lang talaga ay mamarkahan na niya ang leeg nito.
Donghyuck’s favorite place talaga! Baka tumira na siya sa leeg ni Mark kung pwede lang.
Nakahiga lang siya sa taas ni Mark kanina at nakasubsob ang ulo niya sa leeg nito. Busy si Mark dahil may binabasa itong notes sa cellphone niya, humahabol sa mga na-miss nito sa mga klase niya dahil nga UAAP season na naman.
Walang pasok si Donghyuck kaya pinuntahan niya si Mark at naabutan niya nga itong busy. Kaya naman ayan, leeg na lang ni Mark ang pinagkaabalahan niya!
“Ay sorry…” He’s not really sorry because after five minutes he’s doing it again!
♡
Round 2, Game 1: ADMU vs UE
Hindi alam ni Donghyuck kung matatawa ba siya o ano. Mark is currently wearing an inner shirt right now bukod sa suot nitong jersey dahil nga sa mga kalokohan niya kahapon.
Hindi nga alam ni Donghyuck kung may use ba ‘yon dahil hindi naman natapkan ang mga dapat matakpan. Pero hindi naman halata kasi tinakpan naman ‘yon kanina ni Donghyuck gamit ng concealer, ipanalangin na lang ni Mark na pawis proof ‘yon!
Napaiwas na lang siya ng tingin dahil halos hindi niya na talaga mapigilan ang tawa niya nang makita niyang sinamaan siya ng tingin ni Mark habang nagwa-warm up ito bago magsimula ang laro. Hanggang sa patron seats ay kitang-kita siya ni Mark!
“Hindi kaya naiinitan si Mark?” narinig niyang sabi ng nasa likod nila na nanonood rin.
Hindi na talaga napigilan ni Donghyuck ang tawa niya dahil noong naglalakad na sila ni Jaemin papunta ng parking lot pagkatapos ng game ay nakareceive siya ng message galing kay Mark. Selfie ito habang nakasimangot ang mukha at nakasuot ng turtle neck na damit. Not the usual clothes na suot ni Mark after every game.
Round 2, Game 4: ADMU vs UST
Kasama ngayon ni Donghyuck ang nakababatang kapatid ni Mark, siya ang kasama niya ngayon sa panonood ng game ng Ateneo dahil busy si Jaemin.
Volleyball player naman ‘tong kapatid ni Mark at sa Ateneo rin nag-aaral. Noong nagpaulan siguro ang nasa itaas ng talento sa sport ay salong-salo ng dalawang magkapatid habang si Donghyuck ay tulog na tulog.
“Where do you wanna eat?” tanong ni Donghyuck kay Yunjin. Tapos na ang game at panalo ang Ateneo. Naisipan nilang dalawa na kumain na muna ng lunch bago niya ito ihatid pabalik sa Ateneo. “Your Kuya will eat with us ata at baka hindi na siya sumabay on their bus.”
At wala pang isang minuto pagkatapos banggitin ni Donghyuck si Mark ay nakita na nila ito na naglalakad papunta sa direksyon nila.
Mukhang bago ligo pa ito dahil medyo basa pa ang buhok. Mark is just wearing casual clothes. Nakasuot ito ng black shorts and an oversized printed shirt, only carrying his phone and wallet. Pinadala niya na siguro ang mga gamit kiya sa mga kateam niya. He’s also wearing his glasses, probably too tired to wear his contacts anymore.
Lumapit naman si Mark sa dalawa. Una niyang nilapitan ang kapatid niya, niyakap niya ito at pabirong ginulo ang buhok.
Sunod siyang lumapit kay Donghyuck para yakapin rin ito nang mahigpit, who’s currently busy looking for a place to eat. Pabiro niya pa itong binulungan ng ‘Kiss ko?’ kaya naman nakakuha siya ng malakas na kurot mula kay Donghyuck sa tagiliran.
“ Wow... So I’m gonna thirdwheel sa inyo?”
♡
To make it short, Ateneo Blue Eagles reached the Final Four. Sa buong first and second round ay dalawa lang ang naging talo nila, ‘yun ay against UP noong first round. Hindi na naulit noong second round pero tinalo naman sila ng NU.
Kaya noong nakapasok sila ng semi-finals ay mas pinagbutihan nila. Ginamit nila ‘yung dalawang talo na ‘yon bilang inspirasyon para pagbutihin pa nila at manalo sa semis.
Natalo naman nila ang UP sa semi-finals kaya makakatapat nila ang DLSU sa finals.
It happened so fast, isang linggo lang ata pagkatapos ng semi-finals ay finals game na nga agad. Everyone waited for this to happen. Mark and the whole team were so happy that they are in the finals again and they are ready to get that championship back on their hands.
Kaya naman Ateneo won the first game of the finals. May isa pa silang laro na kailangan nilang ipanalo para matawag na talaga silang champion, pwede ring dalawa pa kung matatalo sila ng La Salle sa second game.
♡
Finals Game 2: ADMU vs DLSU
Donghyuck is nervous because this might be Mark’s last game for his UAAP career. Dahil nga nanalo ang Ateneo noong Game 1 ay kailangan nilang manalo ulit ng isa pa para makuha ang championship, the first team to win two games is the winner.
Kaya naman Ateneo is aiming to get that championship today against La Salle pero at the same time ay hindi dapat sila pakampante dahil alam naman nilang babawi ang mga ‘to. It’s the finals series, sino ba naman ang gustong magpatalo nang ganon-ganon na lang diba?
Dahil nga this might be the last game for this season ay inuna na ng UAAP staff ang awarding for the individual awards. They will be awarding the Rookie of the Year, Mythical Five, Season’s MVP at mga kung ano-ano pang award from the sponsors.
Katabi ngayon ni Donghyuck si Jaemin at nasa MOA Arena sila, inagahan talaga nila dahil alam nilang ngayon ang individual awarding.
“Our second awardee for our Mythical Five selection is a very reliable player, who showed his all around excellence this season… from the Ateneo Blue Eagles, Mark Lee!”
Automatic namang napatayo si Donghyuck sa kinauupuan niya at napasigaw nang tawagin si Mark. Pasensya na lang talaga doon sa nakaupo sa likod nila, nadala lang ng emosyon.
Napangiti naman ulit si Donghyuck nang ipakita sa screen ang highlights ni Mark buong season. Nabalik din agad ang tingin niya sa gitna ng court nang makita na niya si Mark na naglalakad papunta sa gitna para kunin ang award nito.
“Averaging 13.7 points, 7.6 rebounds, 1.5 assists, 2 steals, a star of his own and definitely a big factor for his team to reach the finals again. Let’s welcome again, Mark Lee!”
Nakita niyang may hinahanap ang mata ni Mark sa crowd at napangiti na lang si Donghyuck nang magtama ang tingin nilang dalawa. Donghyuck gave Mark a thumbs up and a big smile after seeing Mark wave the trophy that he is holding.
Donghyuck can’t help but to be proud of Mark, nakita niya rin kasi talaga ang paghihirap at effort ni Mark all throughout the season. Natandaan niya na bago magsimula ang season na ‘to ay grabe ang doubt ni Mark sa sarili niya at tinatanong pa nito ang sarili kung deserve ba niya lahat ng mga nakukuha niya.
Ang laki rin talaga ng binigay ni Mark na expectation at pressure sa sarili niya lalo na nung in-assign pa ito ng coach nila bilang captain for Season 87.
Pero tignan mo nga naman ngayon, nanalo pa ito ng individual award at nasa finals na ulit ang team nila. Pero alam niyang wala namang pake si Mark sa mga individual awards na ‘yan dahil ang main goal pa rin talaga nito at ang team nila ay ang championship.
The awarding continued at hindi na masyado nakinig si Donghyuck dahil minemessage niya ang dalawa niyang kaibigan na si Yangyang at Eric dahil alam niyang pupunta ang mga ‘to para manood.
Nabalik na lang ang atensyon niya sa nangyayari nang magulat siya sa pagsigaw ng katabi niyang si Jaemin. Napalingon siya dito at tatanungin na sana kung ano na nangyayari pero busy talaga ito sa pagsigaw.
“…we all know that every player did their best everytime they get the chance to play on the court but this person stood above the rest. Let’s welcome our Season 87’s Most Valuable Player from the Ateneo Blue Eagles, Hendery Wong!”
Natawa na lang talaga si Donghyuck nang makita niyang nangunguna sa pagsigaw ang kaibigan niyang si Jaemin. Nahampas pa siya ni Jaemin noong clappers na dala-dala nito.
After the individual awarding ay agad din nagsimula ang laro. Bumalik tuloy ang kaba sa dibdib ni Donghyuck at Jaemin. Hinihiling talaga nila na sana manalo na ang Ateneo para hindi na maextend ang kaba sa dibdib nila.
Pero tama nga ang hinala ni Donghyuck kanina, babawi at babawi nga talaga ang DLSU ngayong second game kaya naman talo ang Ateneo at may third game pa.
Sabay na nagpakawala nang malakas na hininga si Donghyuck at Jaemin, nagkatinginan pa silang dalawa at sabay na natawa na lang din sa isa’t isa.
“Well, I think extended ang kaba natin hanggang next week.”
Finals Game 3: ADMU vs DLSU
Donghyuck woke up that day feeling so nervous again, not for himself but for Mark and his team. It’s Ateneo’s last game for UAAP Season 87 and also the last game of Mark as a UAAP athlete.
Mark still has one more playing year until next year but he decided to not use it anymore. Naging mahirap na desisyon ‘yon para kay Mark dahil ayaw pa rin naman niya talagang umalis kaso ayaw na niyang sayangin ‘yung mga opportunity na inaalok sa kaniya.
But he still has a final mission before he leaves… to get that championship for his university, Ateneo.
Donghyuck is proud of him for whatever the results are later. Champion or not, he’s still proud of Mark and the rest of the team. But it’s not bad naman to wish for a championship for them, right? ‘Yon din naman ang goal sa mga tournament e.
Donghyuck
good luck on your game later!
i love youuuu
don’t break a leg pls like literally
Mark
thank you baby :(
i love you
i’m kinda nervous haha
but dinner later after the game?
Donghyuck
you are doing great!
see you later!!
Umuwi muna si Donghyuck sa bahay ng magulang niya dahil maaga pa naman at mamaya pang 6 pm ang laban nila Mark. Kukuha lang siya ng damit dahil wala na siyang natira sa condo niya.
Nagulat naman siya nang makita niya ang kuya niya na nanonood ng TV sa living room nila. “Why are you here?” tanong niya rito habang inaalis ang sapatos niya.
“Kumukuha na naman ng grocery niya dito!” Napaangat siya ng tingin nang marinig niya ang papa niya, siya na ang sumagot sa tanong ni Donghyuck. Lumapit naman si Donghyuck dito para magmano at humalik sa pisngi. “Kain kana dun, there’s food pa ata there.”
Tumango naman siya at bago siya dumeretso ng kusina nila ay mahina niya munang sinipa ang kuya niya na tahimik na nanonood. Natawa na lang siya nang malakas nang batuhin siya nito ng isang throw pillow.
His Kuya Doyoung is currently attending Law School right now, sa Ateneo pa rin ito. While his kuya’s boyfriend, Jaehyun, is in Japan right now for his professional career.
“You wanna sama sakin later?” tanong niya sa kuya niya nang makita niya ito na naglalakad papunta ng ref. “UAAP, nood tayo? I have an extra ticket.”
“I have things to do. Bakit hindi na lang mga blockmates mo ang isama mo diyan?” sagot sa kaniya ni Doyoung, nakikagat pa ‘to sa kinakain niya.
Napatigil si Donghyuck, parang nangyari na ‘to dati but the other way around. “My friends are busy e. I’m with Jaemin naman, sama ka?”
“You are with Jaemin naman na pala. Pwede na ‘yan!” Napairap naman si Donghyuck sa naging sagot ng kuya niya.
“I was with you sa last game ni Kuya Jaehyun sa UAAP tapos ngayon ayaw mo ako samahan.”
Alam niya na bakit parang pamilyar ‘tong mga nangyayari ngayon sa kaniya. It already happened before but it was his Kuya Doyoung na pinipilit siya manood ng isang UAAP game tapos ngayon ay siya na ‘tong nag-aaya. Time flies nga naman.
“Come with me na kasi!”
Inirapan naman siya ni Doyoung bago naglakad pabalik sa living room nila. Gets niya na ‘yun, payag na ang kuya niya kapag ganon. Napa-yes naman nang mahina si Donghyuck bago niya pinagpatuloy ang pagkain niya.
Pagkatapos niya kumain ay agad na din siyang nag-ayos ng sarili at hinintay ang kuya niya na napakabagal kung kumilos. Tinanong niya ito kanina kung manonood ba si Jaehyun dahil alam niyang nasa pinas ito ngayon for two weeks pero inirapan lang siya ng kuya niya, nag-away na naman siguro ang mga ‘to!
Grabe talaga ang nagagawa ng LDR sa mga tao! Kinakabahan nang konti si Donghyuck dahil alam niyang aalis din si Mark paibang bansa para sa professional career nito.
Kaso mas matimbang na ngayon ang pagiging kampante ng puso niya. Sa sobrang daming assurance na binibigay nila ni Mark sa isa’t isa ay sapat na ‘to para hindi siya kabahan sa mga susunod na mangyayari sa buhay at relasyon nila.
They will make it work kasi they want it to work.
After so many hours ay nakarating na rin ang dalawang magkapatid sa MOA Arena, doon kasi gaganapin ang Finals Game 3.
“Hyuckie, here!”
Lumingon naman si Donghyuck sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa kaniya. Lumaki naman ang ngiti niya nang makita niya si Jaemin pero napahinto muna siya sa isang row sa patron seats dahil andoon ang magulang at kapatid ni Mark.
Agad naman siyang lumapit sa mga ‘to para magmano sa magulang ni Mark at bigyan ng isang yakap ang kapatid ng boyfriend niya.
“Okay lang po ba kayo sa pwesto niyo?”
“Yes anak, we are good here. Upo ka na sa pwesto mo at baka mangawit ka pa diyan. We’ll see you and Mark later na lang ulit.”
Tumango naman si Donghyuck sa sinabi ng mama ni Mark at mabilis na naglakad papunta sa uupuan niya. Medyo nakaharang na rin kasi siya sa daanan ng mga tao.
Noong makaupo na si Donghyuck sa pwesto niya ay nakaramdam na ulit siya ng kaba sa dibdib niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya, kala mo siya ‘yung maglalaro mamaya!
Madiin niyang ipinikit ang mata niya at humiling sa itaas na sana matapos ni Mark ‘tong season na ‘to na walang injury or anything. Dumagdag pa siya na kung pwede pati championship ay ibigay na kila Mark.
“Baka gusto niyo huminga?” Sabay naman napalingon si Donghyuck at Jaemin kay Doyoung. Both of them laughed and shaked their heads at Doyoung.
Napairap si Donghyuck sa sinabi nito. “You are like this kaya before!”
Bumalik naman ang kaba sa dibdib ni Donghyuck nang magsalita na ang host ng game.
“You are now watching the Finals Game 3 with this season’s two best teams but we all know that only one team can be hailed as a champion for Season 87’s UAAP Basketball Tournament. This is a do-or-die game between the De La Salle Green Archers facing their rival, the Ateneo Blue Eagles!”
Lumakas ang sigawan sa loob ng arena, both crowd are giving their best cheer for the team that they are rooting. Ateneo and La Salle are very much known rivals in the UAAP, mapa-basketball man ‘yan o volleyball, laging inaabangan at tinututukan ng mga tao.
Laging puno ang venue kapag ang dalawang team na ‘to ang naglalaban. Napupuno ang buong lugar ng mga naka-blue and white at sa kabilang side ay mga naka-green and white naman.
“…this is their last chance to bring back the championship in Taft after so many years. Let’s welcome the De La Salle Green Archers!”
Noong makita ni Donghyuck ang mga players ng La Salle ay bigla siya napakamot ng ulo. Naalala niya bigla na sister school nga pala ito ng pinapasukan niyang university, ang CSB… tapos nasa blue side siya ng crowd ngayon. Natawa na lang talaga siya, wala na siya magagawa e!
“…now that they return to the finals, will they be able to reclaim the championship back in Loyola? Put your hands together for the Ateneo Blue Eagles!”
Kusa namang napatayo si Donghyuck sa kinauupuan niya nang magsimula na ang malakas na hiyawan nang lumabas ang mga manlalaro ng Ateneo. He couldn’t help but smile when he saw Mark entering the court.
Mas lalo lumaki ang ngiti niya nang magtama ang tingin nila ni Mark. Pasimple siyang kumaway rito at sinuklian naman siya ng ngiti ni Mark. Kinindatan pa siya ni Mark kaya naman napairap na lang siya sa kinatatayuan niya.
Pagkatapos namang tawagin lahat ng mga manlalaro ng team ay nagsimula na rin agad ang laro.
Hindi pa masyadong intense ang mga nangyayari sa unang quarter ng laro pero lamang ang La Salle ng limang puntos. Andon pa rin naman ‘yung kaba sa dibdib ni Donghyuck pero hindi pa siya ganon ka-intense.
Hindi naman maiwasan ni Donghyuck na mapatulala minsan kay Mark kapag nakakashoot ito. Noong unang beses niyang napanood si Mark na naglaro ay hindi niya pa masyadong maintindihan noon kung bakit gwapong-gwapo ang mga tao sa mga naglalaro ng basketball.
Well… gets niya na ngayon! Donghyuck finds Mark ten times attractive right now that he is playing. Kung paano tumakbo si Mark sa loob ng court, ang mamasa-masa nitong buhok dulot ng pawis at ang seryosong mukha ng boyfriend niya habang naglalaro.
It’s embarrassing for him to admit but everyone is right! Pumopogi pala talaga lalo si Mark kapag ginagawa nito ang pinakahilig niyang gawin sa mundo, ang paglalaro ng basketball!
“Hey, do you wanna go sa restroom?”
Nabalik naman sa reyalidad si Donghyuck nang alugin siya ng katabi niyang si Jaemin. Tinignan niya at tinaasan ng kilay. “What again?”
“Restroom, sama ka? Your kuya and I will go there.” ulit ni Jaemin. Umiling naman si Donghyuck at hinayaan na lang ang mga ‘to. Tinatamad na siya umalis sa pwesto niya.
Tumingin siya sa taas para tingnan ang screen, halftime break na pala. Tumingin-tingin muna siya sa buong paligid, nakita naman niya ang mga fans ni Mark sa bandang taas niya at kinawayan siya ng mga ‘to. May dala-dala kasi itong mga cutouts ng mukha ni Mark kaya nalaman niya.
Kumaway naman siya pabalik sa mga ‘to at nginitian. Madali niyang kinuha ang cellphone niya sa kaniyang bulsa para kuhanan sila litrato dahil ise-send niya mamaya kay Mark.
Pagkatapos naman ng ilang minuto ay nagsimula na ang third quarter ng laro. Doon na talaga kinabahan si Donghyuck at napapatayo na siya sa upuan niya kada makaka-shoot ang sino man sa Ateneo.
Noong isang minuto na lang bago matapos ang third quarter ay hindi mawala ang tingin ni Donghyuck kay Mark na may hawak ng bola ngayon. Kita niyang tumakbo ito papalapit ng ring para mag-shoot at napasigaw na lang si Donghyuck sa frustration nang ma-block si Mark nang kalaban.
Bumawi naman si Mark kaagad at sunod-sunod na nagpaulan ng tres.
Sa huling tres ni Mark bago ang buzzer ay pinakita pa ito sa screen, kumindat ito habang naglalakad patalikod at nakaturo sa crowd.
“He is so...” bulong ni Donghyuck sa sarili niya after ng shot na ‘yon ni Mark. Napairap na lang siya sa kinauupuan niya lalo na nang maghiyawan ang buong MOA Arena dahil sa ginawa ni Mark.
The fourth quarter started more intensely than the other quarters since ito na ang huli. Nagpapalitan lang ng score noong una pero noong nag-timeout ang La Salle ay lamang na ang Ateneo ng pitong puntos. Anim na minuto na lang rin ang natitira sa oras bago matapos ang laro.
Kahit ganyan na ang lamang ay hindi pa rin mawala ang kaba sa puso ng lahat. Everything can happen in a game at kayang-kaya habulin ‘yan lalo na madami pa namang oras.
Kahit nasa malayo si Donghyuck ay kitang-kita pa rin niya ang eagerness para manalo sa mata ni Mark lalo na noong tuloy-tuloy na itong nakakapuntos.
“Yes, oh my god!” sigaw ni Donghyuck nang makapuntos na naman si Mark.
Kaso noong dalawang minuto na lang ang natitira ay biglang lumamang ng tatlong puntos ang La Salle kaya napa-timeout ang coach ng Ateneo.
Nakahinga nang maluwag si Donghyuck nang mag-timeout dahil parang mawawalan na siya ng hininga kanina sa sobrang intense ng laban.
Sumandal siya kay Jaemin na mukhang pagod na pagod na rin kakanood. Pero sigurado siyang mas pagod si Jaemin kesa sa kaniya, grabe kasi ang energy nito! Konti na lang ay tumalon na ‘to papunta ng court para siya na ang maglaro.
Nagulat naman si Donghyuck nang bigla siya sikuhin ni Jaemin sa tagiliran. Tiningnan niya ito pero nginuso lang ni Jaemin ang screen kaya naman napatingin si Donghyuck doon.
Naka-focus ang camera kay Mark na kasalukuyang nakikinig sa instruction ng coach niya. Nakakunot ang noo nito habang umiinom ng tubig.
Pogi. Hindi maiwasan ni Donghyuck na kiligin at mapangiti.
Nanlaki naman ang mata niya nang makita ang sarili sa screen. Ayan na naman, nangyari na ‘yan dati sa kanila! Buti na lang ngayon ay sila na talaga ni Mark at hindi na maling hinala ang mga tao tungkol sa kung anong meron sa kanila.
Ngumiti na lang siya nang tipid sa camera kahit nahihiya siya. Mas lalo siyang nahiya kasi lumakas ang sigawan ng mga tao. Nakahinga na lang siya nang maluwag noong binalik na sa laro ang focus ng camera.
With the remaining minutes of the game ay walang ginawa sila Donghyuck kundi sumigaw, mapatayo sa mga pwesto nila at konti na lang ay ibato na nila ang mga hawak nila sa kamay dahil sa sobrang intense ng laro.
Tumingin si Donghyuck sa scoreboard para tignan ang natitirang oras… isang minuto na lang pala ang natitira at 88-84 ang score, lamang ang Ateneo. Kahit ata bente pa ang lamang ng Ateneo ay baka hindi parin mawawala ang kaba sa dibdib ni Donghyuck.
Baka siguro kapag narinig na talaga niya ang buzzer ay doon na siya makahinga nang maluwag.
Noong huling 28 segundo na lang ang natitira ay magkahawak na ang kamay nila ni Jaemin sa sobrang kaba. Nakapikit na ang kanang mata ni Donghyuck at konti na lang ay hindi na siya manood.
24 seconds… Nasa kamay ni Hendery ang bola, bantay sarado ito ng dalawang player mula sa La Salle… 12 seconds… Tumingin ito sa magkabilang gilid niya at nakita nito si Mark..
Pinasa ni Hendery kay Mark ang bola at mabilis naman itong tumakbo papunta ng right wing, his favorite spot on the court…
and with that... MARK LEE FIRES A THREE!!
“Oh wow! It’s like a déjà vu to his second year here in the UAAP, Mark Lee ending the finals game again with his three point shot on the right wing!”
A loud buzzer was heard all over the arena. Blue and white confetti can be seen all over the place and never ending joy and tears from the blue and white crowd.
It’s really like a déjà vu of the first time they met, kitang-kita si Mark sa gitna ng court na nakaluhod at umiiyak ng dahil sa tuwa habang pinapanood siya ni Donghyuck na nasa crowd naman.
Malaking pinagkaiba talaga siguro ngayon ay wala ng pagkalito sa nangyayari ang nararamdaman ni Donghyuck ngayon. Nag-uumapaw na rin ang saya sa puso niya para kay Mark, sobrang proud na proud din siya rito.
Nagyakapan silang dalawa ni Jaemin sa sobrang tuwa. Alam ni Donghyuck na proud na proud din si Jaemin sa boyfriend nitong si Hendery.
Noong pwede na bumaba ang pamilya at mga kaibigan ng mga players ay sumunod na rin kaagad sila Donghyuck pababa. Nahirapan pa siyang hilain ang kuya niya dahil nakita nito si Jaehyun sa baba na mukhang nanood din pero nasa ibang pwesto. Tama nga ang hinala ni Donghyuck, nag-away nga ang dalawa!
Pero hindi niya na problema ‘yon dahil nasaan na ang boyfriend niya?! Tumingin siya sa paligid at sakto naman ay nakita niyang ina-awardan na ang Ateneo Blue Eagles.
Naghintay lang siya sa gilid kasama ng pamilya ni Mark at kinukuhanan niya rin ng litrato ang boyfriend niya. ‘Yan ang stage boyfriend!
“He came forward to become his team’s hero for this finals series, a very reliable player all throughout the season and made name for himself in the UAAP community,”
Napaayos naman ng tayo si Donghyuck nang magsimula na ang host sa pagpapakilala sa Finals MVP.
“Please welcome your Finals MVP, Mark Lee!”
Hindi alam ni Donghyuck kung ilang beses na ba siyang naging teary eyed ngayong gabi. May nakakaiyak ba sa pagnood ng basketball game? Pero sobrang proud niya lang talaga kay Mark.
Mas emotional pa ata siya kay Mark. Halos maiyak na siya noong makita niya si Mark na naglalakad papunta sa gitna na may medal sa leeg at para kunin ang trophy nito for being the Finals MVP.
“Anything to say there, Finals MVP? Your message to the Ateneo and UAAP community?”
Mark cleared his throat before getting the microphone from the host. You can see in his eyes that he’s still emotional with the championship and also getting emotional because it might be the last time he’ll play for the blue and white.
“I don’t really know where to start…” Mark took a deep breath before continuing his speech. “It’s really been a long journey for the team and for me… and I wanted to say thank you to everyone who are always there to support me and the rest of the Ateneo Blue Eagles.”
Napalingon si Donghyuck sa gilid niya nang biglang may pumalupot na kamay sa braso niya. Pagtingin niya rito ay nakita niya ang mama ni Mark na seryosong pinapakinggan ang anak nito.
“Thank you also to the coaching staff, to my parents and my sister who became my support system in my four years here in the UAAP… and of course, to my Donghyuck… Hi!”
Napatakip naman ng tenga si Donghyuck sa biglaang pagsigaw ng crowd. Napatakip rin siya ng mukha, hindi niya alam kung dahil ba sa kilig o ano! Medyo nahihiya siya dahil katabi niya pa ang mama ni Mark.
“Lastly, to God who is always there for me and for the team. This is all for Him!”
Babalik na sana si Mark sa pwesto niya nang bigla siya buhatin ng mga teammates niya. Hinagis ito nang dalawang beses sa ere bago ibaba.
After they put him down, Mark went in front of the Ateneo crowd and bowed to them. He mouthed ‘Thank you’ while waving his hands to everyone and the crowd gave him a round of applause.
What a beautiful four years for him in the UAAP, Ending his UAAP career with two championships and four individual awards.
...and a cute boyfriend that is waiting for him in the crowd!
Mahigpit na nagyakapan ang dalawa nang sa wakas ay nakalapit na sila sa isa’t isa. Hinalikan ni Donghyuck ang pisngi ni Mark kaya mas lalo namang humigpit ang yakap ni Mark sa kaniya.
Mark felt relieved after hugging Donghyuck at parang nawala lahat ng kaba at pagod sa katawan niya. This feeling is his home and Donghyuck might be the best thing that happened to him.
Mas lalo naman niyang naramdaman ang pagkapanalo niya nang abutan siya ni Donghyuck ng bouquet na naglalaman ng paborito niyang bulaklak na tulips.
“Congratulations MVP!”
