Actions

Work Header

dito, sa ilalim ng buwan

Summary:

— kung saan hindi maintindihan ni handrei (vernon) kung bakit inis na inis siya kay ethan (dino). maingay, magulo, mahangin, papansin, lahat na!

crush niya nga rin, e. hindi niya talaga maintindihan.

Notes:

hello! this is from my socmed au "dito, sa ilalim ng buwan" on twitter. i decided to write it again and post the original ending.

this will be written in three chapters since hindi ko pa tapos emz.

enjoy, hitan poppers :)

 

twt

Work Text:

"Yan, post!" kapapalit lang ni Ethan ng profile picture niya sa Facebook. Wala pang sampung minuto nang makatanggap siya ng maraming likes at comments. Nangunguna pa ang mga kaibigan niyang walanghiya.

 

Ethan Lee changed his profile picture 

[attachment] 📸: Boss Iyang

comments:

Liu Yangyang: MAY CREDITS FROM MY FAMOUS FRIEND naiiyak ako
Crispy Pata With Rice: 165 reax in 10 mins ampotek anong shabu mo
Kim Yerim: tanginang pangalan 'yan mark

 

"Para talaga kayong gago." natatawang sabi ni Ethan. Nakatambay sila ngayon sa may field kasi wala pang susunod na klase.

"Dami mong reactors palagi, Itan. Sana hindi sila mawala kapag need na natin ng respondents." sagot ni Yeri, 'yung kaibigan niyang leader nila sa paper. 

"Oo nga! Tanggalin pangalan niyan kapag walang nagsagot." si Jan. Napairap pa siya habang nakatingin kay Itan.

Bilang OA mag-react, napahawak si Itan sa dibdib niya at nanlalaki ang mata. "GURABEEE?! BAKIT AKO?! Si Iyang sasayaw daw sa labas ng uni para makahatak ng respondents!"

Umalis si Yangyang sa pagkakaupo, kinagat ang labi niya at gumiling na parang ewan. "Kahit.... ikaw ay magalit.... sa'yo lang lalapit.... sa'yo lang aawit..."

Nagtawanan sila nang sobrang lakas na akala mo walang ibang tao sa field. Mahinang tinulak ni Jan si Mark at sinabihan na tumahimik.

"Uy, si Yuan 'yun 'di ba?" turo ni Yangyang sa lalaking nakatayo sa hindi kalayuan. "Oo. 'Yung crush ni Itan dati."

"Past is past Giselle!" 

Totoong may gusto si Ethan kay Yuan dati. Kaklase niya noong high school, kababata na rin. "Medyo" nagkaroon sila ng something pero hindi naman masyadong nagtagal. Si Ethan pa nga ang nagpa-realize kay Yuan na may gusto siya sa best friend niya. Si Junfei.

Nag-uusap at nagbabatian pa rin naman sila hanggang ngayon, kahit magkaiba sila ng department sa college. Mabilis din naman siyang naka-move on. 

"Tara bili tayo coke. Para makasalubong natin si Yuan. Yieee." pang-aasar ni Mark. Tumayo si Ethan para sumunod, uto-uto rin. 

"Sama ako! CR na rin tayo sa may main para may aircon. Ang bantot kapag sa gym."

 

Naglalakad sila sa may lobby ng main building, dahil galing nga kasi sila sa CR na may aircon. Maraming estudyante ngayong oras dahil tanghali na rin, kaya't marami ring bumabati kay Ethan na nakakasalubong nila.

Kilala siya dahil sa pagiging member at choreographer ng dance troupe ng university. Nanalo rin siyang Mr. Intrams ng department nila noong first year, at mukha niya rin ang nakalagay sa Business and Accountancy section ng university website.

Ethan moments.

"Padaan po!" medyo malakas na sabi ni Yangyang. Palabas na sila ng lobby nang may nagkukumpulan na mga second year sa dadaanan nila. Nagkukwentuhan yata sila kung gaano kahirap ang exam.

"Excuse me lang po dadaan ang pogi!" natatawang sambit ni Ethan. 

"Kapal ng mukha."

Napalingon silang tatlo dahil sa narinig pero hindi nila nakita kung sino ang nagsabi. Nakalagpas na sila sa lobby at pabalik na sa field, pero nagrarant pa rin si Ethan na sinabihan siyang makapal ang mukha. Tinatawanan lang siya ni Yangyang at Mark kasi ngayon lang iyon nangyari.


"I swear, Julia. Sobrang annoying talaga. Nakita namin siya kanina, sabi niya excuse po dadaan ang pogi?! My god."

"Sige, Han. Ilabas mo lang." sagot ni Julia na kumakain ng siomai habang naglalakad sila. 

"And then he laughed!"

"Tangina huhu" kunwaring naiiyak na sabi ni Taehyun. "Sabi ni Han ang kapal daw ng mukha ni Ethan. Feel ko narinig nila?!'

Inabot ni Beomgyu kay Han 'yung cellphone niya para ipakita ang nasa News Feed. "Nakita mo na ba 'tong bagong DP niya?!" "Yeah. Nag-heart react nga ako."

Muntikan nang matapon ang siomai ni Julia sa gulat at tawang-tawa si Taehyun at Beomgyu sa narinig. Sanay na sila sa karupukan ng kaibigan nila.

"I removed it naman kaagad kasi we're not friends! I'm moving on." pag-irap ni Handrei.

He's trying nga kasi na mag-move on pero, hindi ba't siya ay tao lang na nadadarang at natutukso rin?

"Goodluck sa moving on stage mo. Sana makasabay mo siya sa jeep mamaya." sabi ni Taehyun.

Oh my god I hate this friendship. "Never ko pa siyang nakasabay kaya that's impossible."

"Tara na nga! Aalis daw kami ni Kuya Yuan kasama si Kuya Bigs." ubos na ang siomai ni Julia kaya nag-aya na siyang umuwi.

"See you bukas!"

Magkakaiba silang apat ng way pauwi kaya mag-isa na lang si Han papunta sa terminal ng jeep. Minsan sinasamahan siya ni Beomgyu hanggang doon pero may gagawin pa raw kasi siya. 

Han likes photography. He always brings his camera with him.

Gustong-gusto niyang kumuha ng mga litrato ng nasa paligid niya. Katulad ngayon, he took photos of the sunset, the kids playing, and the busy streets.

He wants to hold his own exhibit someday.

Nakarating na siya sa terminal at kaagad na pumila. Kumukuha siya ng barya para nakahanda na mamaya at ibibigay na lang sa driver, nang lumingon 'yung lalaking nasa harapan niya. 

What the hell?

Si Ethan.

 

groupchat lang

tangina mo beomgyu

nakasabay ko nga siya

magkatabi kami ngayon sa pila rito sa terminal

AYOKO NA

nagmomove on yung tao

he smells good T___T

sige na nga crush ko pa rin

taehyun: h

beomgyu batumbakal: GO BADING

lia cute: SLAY

 

Biglang nag-ring 'yung phone niya kaya nagmamadali niyang sinagot ang tawag. "Hello po Ma? Nasa terminal pa po ako, pauwi ng apartment. Bakit po?"

"Dadaan daw kasi ang tita mo at may pinapabigay ako sa'yo. Sana nandoon ka na kapag dumating siya."

"Okay. Mga thirty minutes po siguro kasi nagpupunuan pa. Mabilis naman na po." kahit ang totoo ay isang oras pa yata bago siya makasakay kasi mag-aalas singko na at ang haba na ng pila.

Ibinaba na ang tawag at naghihintay na lang siya. Dalawampung minuto na ang lumipas, nandoon pa rin si Han. Kanina pa siya tingin nang tingin sa relo, nakakahiya naman kasi kung siya pa ang hihintayin sa apartment.

May dumating na jeep pero hindi pa siya aabot sa punuan. 

"Uhm, gusto mo mauna ka na?"

Napalingon siya sa nagsalita. And Handrei being Handrei, kunwari hindi niya narinig. "Ha?"

"Nagmamadali ka yata." Ethan laughs, "Dalawa na lang daw ang kulang para mapuno at hindi ka aabot. Palit na lang tayo."

"Hindi, huwag na." Mahinang sagot nito kahit na gusto na niyang makasakay.

"Sige na, I insist. Baka ma-late ka pa ng uwi."

"Sure ka? Okay lang?"

Tila nakukulitan na ito sa kanya. "Kulit mo rin. Oo nga, sige na badtrip na si manong oh."

"Thank you." 

Sumakay na siya sa jeep at paglingon niya sa labas ng bintana ay may nakatingin sa kanya.

Ethan flashed a smile and waved at him. "Ingat ka."


"Galit na naman si Yeri." nagrereklamong bungad ni Yangyang kay Ethan pagkarating niya. "Bakit daw?"

"NAIIYAK NA AKO KULANG PA TAYO SA RESPONDENTS!"

"Sasayaw nga si Iyang!" sabay na sabi ni Ethan at Mark, kaya napatawa sila at tumayo si Yangyang.

"Huy tangina mo seryoso na nga kasi!" pero kagat labi niya iyong sinabi habang gumigiling. Nagtawanan na naman sila kaya't sinabi na ni Yeri  ang magic word.

"Puro kayo kagaguhan. Hindi talaga ako magpapainom sinasabi ko sa inyo!"

Parang nahimasmasan silang lahat dahil doon. Kaya sumigaw si Jan."HOY SERYOSO NA KASI!" 

"Wow hayok. Kay siguro Jan pangalan mo kasi nanJAN lang kapag inuman." sabat ni Mark. 

"Ikaw Mark pangalan mo kasi putangina mo." 

Sa group of friends ni Ethan, si Mark at Jan ang palaging nag-aaway kasi, wala lang. Inaasar nga na baka raw magka-developan sila pero "kadiri" raw. Who knows?

"At this point, gamitin na talaga natin ang fame ni Itan para complete na respondents natin." si Giselle. Tatlong araw na nilang pinipilit si Ethan pero nahihiya siya.

"Dali na, 'tan. Ilagay mo sa post na i-aaccept mo friend request nila kapag nagsagot ng form natin." "Oo nga dali!"

Pinagdikit na ni Yeri ang palad niya at nagmakaawa kay Ethan. "Dali na, Itan! Next week coke at alfonso na kaharap mo."

"ITO NA NGA 'E! Gago nakakahiya." 

Kinuha ni Ethan ang phone niya at nagsimulang mag-type ng status. Nakakahiya amputa.

 

Ethan Lee

Good day!
We are 3rd year BS Accountancy students, and we are looking for respondents to answer the survey form for our research paper. Thank you!

(i-accept ko friend request kung sino po ang magsagot hehe)


1.4k reactions 134 comments 545 shares

 

"Ayan okay na ha! Last na talaga 'yan."

"HALA GAGO-" 

"Bakit?" inusisa nila si Yangyang na gulat na nakatingin sa phone niya. "May hater ka na sa Twitter!!!"

"Patingin nga ako!"

 

han
@handrei_98

lol ginamit ang fame at ang "accept" card to have respondents huh yuck ew kainis

replying to @handrei_98

where's the form

 

Nagtawanan ang mga kaibigan niya dahil doon sa tweet. Ito na nga ba ang sinasabi niya! 

"Ayoko na huhu utas so much." comment ni Giselle kaya nagtawanan ulit sila. 

"Hoy hindi ko naman kasi talaga intensyon!" 

"Labanan mo! Ako bahala dali." pang-gagatong ni Yangyang kaya kinuha ang phone niya para buksan ang Twitter. 

 

itan
@ichanszc

quote retweet to @handrei_98

hindi naman po :( nasa comments po ang form hehe ano po fb niyo para ma-accept ko?

 


"HANSOL ANDREI CHWE! ANONG GINAWA MO?" 

"Kadating mo lang Lia sumisigaw ka na agad!"

"Shut up, Beomgyu! Si Han kasi, inaway si Ethan sa Twitter!"

Napairap si Han sa inis. "Nakakainis naman kasi talaga! Tsaka I didn't know naman na makikita ng friends niya."

Napasulyap siya roon sa screen ng phone ni Julia at nakita niyang nag-reply pala si Ethan sa tweet. 

"Look! Ang annoying talaga?!" 

"YIEEEE kilala na siya ng crush niya! What if I told you that I've fallen?" pang-aasar ni Beomgyu.

Kulang lang 'to sa hampas 'e. Gaganti na sana siya nang may lumabas na notification sa iPad niya.

"He accepted my friend request- What? Nag-message siya?" 

"AYAN NA AYAN NA. DIYAN NAGSIMULA LOLO'T LOLA KO." 

 

Ethan Lee

You're friends on Facebook

Lives in Block 2 Lot 11 Bakit ko sasabihin
Studies BS Accountancy, 'pag hindi pinalad ay yabmat na lang

 

Hi!

luh seen :(

hay sige 'wag na nga. hindi na kita ichachat. bye :)

 

hello ulit!

uy

what do you want ba?

galit! gusto ko lang makipag-friends

weird mo. sino ka ba?

sino raw ako pero siya ang nag-add sa'kin

para namang utang ko sa'yo ang pag-accept mo. edi unfriend me

 

"Ang harsh mo naman! Kausap mo na nga crush mo oh!" nagulat si Han nang hampasin siya ni Beomgyu, kaya agad niyang ginantihan. 

"Eh ang annoying kaya! Walang sense kausap."

"Walang sense pero namumula ka riyan." pang-aasar ni Julia. "Ayan na nagreply na!"

 

HAHAHAHAHA ito naman. biro lang e

okay. pwede bang sabihin mo na ang sasabihin mo?

ah ano

ano kasi

ayon. hindi ko naman ginamit 'yung mga reactors ko para magkaroon kami ng respondents! grabe siya. napag-utusan lang

??? okay? bakit ka nag-explain

sa tweet mo kasi!!! i feel judged

may word bang ganoon?

anyway. pogi kong 'to, manggagamit ako?

ang hangin mo talaga. so annoying. bye

luh bye raw pero nagtatype

thank you pala

saan?

sa accept?

tangina you're so annoying

🦁🦁🦁

lion! 

la yon you're welcome

hindi kasi bye na nga

HAHAHAHAHA FOR WHAT BA?

nung pinauna mo ako makasakay nung isang gabi? thanks.

HALA IKAW PALA 'YUN

yeah thanks bye

friends na tayo ah!!!

seen means yes

 

Kinabukasan, kasama ni Han si Taehyun. Magkaiba kasi ang course nilang dalawa kanila Julia at Beomgyu. Vacant pa kaya naisipan nilang tumambay muna sa caf.

Kumakain sila nang may may biglang nagsalita na medyo malakas ang boses. Napapikit si Han nang makilala niya kung sino iyon.

"HI HAN! Kain ka mabuti, from your pogi na friend!" 

What the fuck.

Nasamid si Han dahil doon kaya't inalok siya ni Taehyun ng tubig habang tumatawa.

Nakakainis talaga! Ang daming taong nakakita at nakarinig. Gusto niya na lang magpalamon sa lupa.

"Nag-uusap na kayo?" 

"Oo. Nag-message siya sa'kin pero ayun lang!" 

"Bakit ang defensive mo? Friends na pala kayo ha." 

Umiling siya habang umiirap. "Asa siya. Nakakainis. Friends lang?"

"ALAM MO PATOLA KA RIN EH." 

Kahit si Han ay hindi niya maintindihan ang sarili niya.

 

"Naks. Tabi ulit kami sa pila."

For the second time today, napapikit na naman si Handrei nang marinig ang familiar na boses. Iniiwasan niya nga ang isa pagkatapos noong nangyari kanina tapos, ito na naman?

"Ay galit si friend. Hahaha hindi na ako sisigaw!"

"Why did you do that kasi."

"Wala lang! Pauwi ka na, friend?"

"Oo."

Napakamot sa batok si Ethan. "Ang tipid mo naman. Hay, Ethan na 'to oh- Joke lang eh! Galit ka talaga sa'kin?"

"Ang ingay mo kasi. Ang hangin mo pa."

Bilang OA, napahawak si Ethan sa dibdib at umaktong parang nasasaktan. "Aray."

"I'm sorry. Napapansin ko lang kasi."

"Joke lang! Ang ganda ng camera mo." 

Napangiti si Han sa narinig. He really likes it tuwing may nakakapansin at nagsasabi tungkol sa mga hilig niya.

"Thanks! You want to try it?"

"Hindi na. Baka mabagsak ko pa tapos pagbayarin mo ako."

Lumipas ang oras, ang dami na nilang napagkwentuhan. Hindi rin alam ni Han pero, hindi sila nauubusan ng pinag-uusapan. Para bang ang tagal na nilang magkakilala.

Tatlong jeep na ang napuno at umalis, makakasakay na rin sila sa wakas.

Pasakay na sana sila nang ilagay ni Ethan ang kamay niya sa ulo ni Handrei, ngunit hindi naman ito nakadikit.

"Baka lang mauntog ka."

Tangina, ang puso ko.


Handrei's last class just ended and he's on his way to meet Beomgyu. Nagkayayaan kasi at silang dalawa lang ang available. 

Oh.

Paliko na sana siya pero nakita niyang magkakasalubong sila ni Ethan, kaya he went to approach the other. 

"Hey—"

He was cut off when Ethan went past him and didn't even give him a glance.

Dire-diretso lang ang isa at hindi siya nilingon. "Wow, okay."

Tangina ano 'yun? Sa simula lang magaling?

Nawalan siya ng gana kaya sinabihan niya si Beomgyu na huwag na lang muna silang tumuloy. 

Nag-desisyon na lang siya na umuwi.

 

 

Malapit na ang Accountancy Week. At dahil nga parte sila Ethan ng dance troupe, balak nilang mag-perform.

Pero unang araw pa lamang ng meeting ay may hindi agad sila napag-kasunduan. Nagkasagutan sila noong isang ka-member niya, si Yeonjun, kaya't masama ang timpla niya. 

Mahilig si Ethan sumayaw. Alam niya na magaling siya rito. Kaya hindi niya mapigilang hindi mainis kapag hindi siya sineseryoso.

 

accounters

 

iyang

oks na kami ni yeonjun, huwag ka na umiyak

yerimiese: naol mainitin ulo

boss iyang: BOSS ITAN KWOAH

boss iyang: buti naman!!! *nag-dougie*

maku: sayang! si iyang na sana ang bubuo ng sayaw kung hindi kayo nagbati

jan: oo nga

boss iyang: JUST LIKE A ZOO

HAHAHAHAHAHA NATAWA

prac agad bukas ha, iyang at gigi

giselle: ok

boss iyang: ok lang parang kagat lang ng pating

ge na, uwi na ako bago pa ako ayain ni maku mag-mineski

maku: ALAM AGAD AMPOTA

may isang tao pa kasi na need ko mag-sorry hahaha

 

Pumunta si Ethan sa terminal, nagbabakasakaling maabutan niya 'yung paghihingian niya ng sorry

Aminado siyang hindi niya pinansin si Handrei kanina dahil sa init ng ulo and he feels guilty about it. Wala namang kasalanan ito sa kaniya pero nadamay pa.

Ang gago lang.

Lumingon-lingon siya pagkarating sa terminal. At ayun, nakita niya ang pamilyar na lalaking nakatalikod. Suot ang itim na backpack, at may hawak na camera sa kamay. 

Lumapit siya at pumunta sa likuran nito.

"Psst."

"Huy, Han."

"Grabe parang others. Handrei!"

Hansol took a deep breath. Sobrang iritado na siya kanina pa. Dahil sa hindi pagpansin sa kanya ni Ethan, ang tumal ng jeep, rush hour na, at nagpakita pa ang isang 'to.

Lintek. Ginagago ata ako ng araw na 'to.

"Ngalay ka na? Malapit na tayo makaupo." paglalambing ni Ethan. 

Ramdam niyang badtrip talaga si Han kaya he's trying. At kasalanan niya naman. "Hay, snobber ang friend ko."

"Sabi nung hindi pumansin sa'kin kanina at hindi man lang ako nilingon. Huwag mo nga akong kausapin." saad ni Han at umirap.

"I'm sorry, Han. Ang pangit lang talaga ng mood ko kanina kasi hindi kami nagkaintindihan nung kaibigan ko. Pasensya kung nadamay ka pa. Lumingon ako kanina para bumalik kaso nakaliko ka na. Sorry po, friend."

Pinagdikit ni Ethan ang palad niya at inilapit ang mukha kay Han. "Libre kita ng pamasahe!"

"Huwag na. May barya ako."

"Uunahan kita magbayad. Gusto mo magbayad na ako kaagad sa konduktor bago pa tayo makasakay!"

Napairap na naman si Han sa sobrang kakulitan nitong isa. "Para kang baliw."

"Sorry na kasi. Please please please please?"

"Okay— tumabi ka may dadaan." sabay hila ni Han.

"Hehe kamusta naman araw mo bukod sa nabadtrip ka sa'kin?"

Parang walang nangyari, magkaibigan na ulit sila at parang hindi nauubusan ng mga kwento. Hina rin ni Handrei.

Kinuwento ni Ethan na malapit na nga ang Accountancy week nila, at inimbitahan niya si Han na manood ng performance nila. 

Sinabi ni Handrei na busy sila pero sa last day pa naman daw at magtatampo si Ethan kapag hindi siya pumunta. 

"Para makita mo kung gaano ako kagaling sumayaw. Taena, Ethan na 'to oh?"

"Ang hangin mo, nakakainis."

Naikwento rin ni Handrei na may gagawin silang portfolio, requirement nila bago mag-bakasyon. Nag-iisip pa siya ng gagawin at sinabi rin ni Ethan na wala siyang maibibigay na idea. Support lang.

"Nakaisip na ako. Lookbook siguro?"

Hinila niya si Ethan papalapit sa kanya.

"Be my model?"

 

 

"Ayusin mo!"

Pumayag si Ethan na maging model para sa look book na gagawin ni Handrei. Bukod sa gusto niyang makatulong, pogi rin daw kasi siya kaya bagay siya rito. 

Kasalukuyan silang nasa rooftop ng apartment building na tinitirhan ni Handrei. Wala silang pasok ngayon kaya marami silang oras para mag-photoshoot.

"Maayos naman ah! Teluk nito. Tingin nga ako."

"What's maayos dito?! Tignan mo nakatawa ka oh, sabi ko serious!"

Tumawa si Ethan. "Wow, conyo. And daming comment naman ng photographer na 'to!"

At syempre, umirap si Han. Anong bago?

"Sabi mo kanina ang tahimik ko. Tapos ngayon, maingay. Let's stop na nga!"

"Ito naman! Ang cute mo kasi kaya ako natawa. Game, seryoso na."

Kanina pa siya inaasar ni Ethan pero wala naman siyang magawa kasi tinutulungan rin naman siya noong isa. And to be honest, Ethan is doing well sa photoshoot kahit binanggit niya na it's his first time doing this.

And that made Han proud of himself. Kinikilig na rin kasi crush niya, first time mag-model for him? Wow.

He's thankful na pumayag si Ethan. Muntik niya na ngang bawiin dahil nakakahiya at masyadong halata pero pumayag din naman ang isa. Kaya't nag-iisip siya kung anong ibabayad niya.

"There! Nice, galing mo. Isod ka rito sa tabi."

"Ako lang 'to, Han. Isang hamak na pogi. Mapapangiti 'yung pagpapasahan mo nito kasi ang gwapo. Ethan moments!" at kinagat ni Ethan ang labi niya.

"Hangin amputa."

"Galit na naman! Pero ano? Pogi nga?"

"Oo na."

Mas lalong lumawak ang ngiti ni Ethan dahil doon. "Pogi pala ha! Na-record ko iyon. Tignan mo naka-video 'yung phone ko sa gilid hehe."

"You're so annoying!!!"

 

 

Tatlong araw na mula noong nag-photoshoot sila Handrei at Ethan, kaya tatlong araw na rin silang hindi nagkikita. Busy si Ethan para sa event ng department nila, at si Han sa mga backlogs niya.

"Walanjong buntong hininga 'yan." 

Kasama ngayon ni Ethan si Yuan, nagka-ayaan kasi silang dalawa. Wala lang. 

"Chat mo na tanga." sabi nito ulit sa kanya. 

"Ayoko. Baka may ginagawa."

"Gusto mo na?" 

"Ang kulit mo naman, Yuan. Kayo na ba ni Junfei?" pag-balik niya ng tanong habang natatawa. 

"Gago, hindi nga ako makaamin. Hindi ko pa kaya. Baka maging sila Disi at Walo na, hindi pa rin ako nakakaamin."

Mas lalong natawa si Ethan kaya nakatanggap siya ng batok. 

"Ayoko pa." pag-amin nito. "Ayoko pang aminin sa sarili ko na gusto ko si Handrei kasi dapat, 'yung sigurado ako. Kung aaminin ko man, gusto ko sa kanya ko sasabihin."

"Wow, seryoso. Naka-move on na talaga siya sa'kin."

"KADIRI KA. Tara na nga may practice pa kami!"

Ethan knows that there's something going on between him and Handrei. Sa halos araw-araw na magkasama sila, they grew closer and learned a lot about each other. Alam niyang hindi lang sila basta magkaibigan. Mayroon bang magkaibigan na hinahatid ang isa gabi-gabi?

Pero... ipinag-sasawalang bahala niya muna sa ngayon. He wants to enjoy every moment. 


hac
@mgalarawhan

they look good together

 

Handrei runs a secret Twitter account, like a photo dump. Doon naka-post 'yung mga litrato na kinukuha niya. And most of them are Ethan's photos.

He sighs as he locks his phone.

Nakuha niya na 'yung feedback ng prof niya for his portfolio, and they liked it. He received a good grade and good comments. Balak niya sanang ipaalam kay Ethan kaso baka busy ang isa. He said he'd wait. 

Pero nakita niyang magkasama si Ethan at Yuan noong lunch, at nakalimutan niya ang dapat na sasabihin niya.

Bakit naman siya magtatampo, 'e matagal na silang magkakilala? Bakit naman siya magagalit, kung walang sapat na dahilan? 

Bakit naman siya magseselos? 

Do I like him? 

He ignored himself at nagdesisyon na lang na umuwi. Wala na rin naman siyang gagawin for the day and his friends are busy. 

Habang naglalakad ay nadaanan niya 'yung practice room ng Accountancy dancers. Nakita niya doon si Ethan na seryosong sumasayaw. Bago pa siya makita nito ay umalis na siya. 

I don't know.

 

 

"Hoy, Itan! Saan ka pupunta? Hindi pa tapos ang practice!" sigaw ni Yeonjun nang makitang kumaripas si Ethan ng kilos pagkasabi niya ng break time. 

"May gagawin lang ako na biglaan!!!" sigaw nito pabalik habang nagpapalit ng damit.

"Totoo ba 'yan? Next week na 'to ha." 

"Buo naman na 'yung sayaw natin! May kailangan lang talaga akong gawin ngayon. Babawi ako bukas promise!" 

Binilisan na niyang tumakbo at ang huling narinig niya ay ang mura ni Yangyang. 

Wala naman talaga siyang gagawin. Nakita niyang dumaan si Han sa practice room nila at hindi na siya nagdalawang isip na sundan. 

Natawa na lang si Ethan, tinatanong ang sarilin kung bakit niya ito ginawa. Hindi niya rin alam.

 

 

At nakita niya si Handrei. Kaagad niya itong nilapitan. "Pauwi ka na?"

"Tangina naman, Ethan! Bakit ka nanggugulat?!" Nakatanggap siya ng hampas sa braso.

"Ang hina lang naman noon, lods! Pauwi ka na nga?"

"Obvious ba?!"

"Galit amp." Pang-aasar ni Ethan. "Kain tayo! 'Di ba may utang ka sa'kin kasi ako nag-model sa portfolio mo."

"Ha? Kakadaan ko lang sa practice room niyo tapos hindi pa naman tapos, bakit nag-aaya ka?" 

"Ah, ano. Kasi. Tapos na raw hehehe."

"Totoo ba 'yan? Saan mo ba gustong kumain?" Tanong ni Han. Nagkunwaring nag-isip si Ethan at nilagay pa ang daliri sa sentido.

"Kumakain ka ba ng pares?"

Hindi siya nakakuha ng sagot, at kitang-kita sa mukha ni Han ang pagtataka.

"Okay, hindi mo ata alam. Tara na sa terminal."

"Akala ko ba ililibre kita, bakit uuwi na tayo? I can search naman kung ano 'yung pares and makakain ko naman siguro kaya okay lang. I did not bring my whole allowance ha!"

Natawa si Ethan sa bilis nitong magsalita. Cute.

"Sa terminal tayo kakain, may ganoon doon. Pati mura lang, hindi nga lalagpas sa 50 pesos iyon 'e. Okay lang ba sa'yo?"

"Ah, I know that! Pero hindi ko pa na-try before."

"Nice. 'Yung photoshoot ay first time ko, kasama kita doon. Tapos ngayon na first time mo rin, ako kasama mo."

Fuck, ang puso ko. 

Pagkarating nila, bakas pa rin sa itsura ni Han ang pagtataka pero kasama niya naman si Ethan, so it's going to be fine. It's actually their first time eating together.

"Lods, naglalaway ka."

"Imbento ka, hindi naman!" 

"Dito ka oh. Hintayin muna natin matapos 'yung iba."

Umupo si Han at tumingala kay Ethan. "Thank you."

"Lion."

Nagsimula na rin silang kumain at hindi inakala ni Ethan na magugustuhan ni Handrei. He looks happy and satisfied. "Lods—"

"Thanks for bringing me here! Sana matagal mo nang ginawa."

Natigilan si Ethan doon. 

"Ano, pwede naman tayong kumain dito kung gusto mo. Simulan natin ngayon." 

"That sounds nice." 

Malakas ang kabog ng dibdib ni Ethan, hindi niya maintindihan kung bakit. Ito na ba 'yun?

Bahala na.

"Han." pagtawag niya. 

"Hm?"

"Hindi ko alam kung anong ginagawa ko pero kung ikaw naman ang dahilan ng mga 'yon, ayos lang."