Actions

Work Header

Decision Paralysis

Summary:

If the best options you could have are laid out in front of you, the question wouldn't be, "who to choose?" but rather, "why should I choose?"

Notes:

FINALLY ANG PINAKAMIMITHI KONG SEKENTIN AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA

Chapter 1: You're Beautiful (Eh 'Di Thank You)

Summary:

Matagal nang iniirog ni Paulo si Ken, mula pa nang hindi ito matuloy sumali sa banda nila. Matagal na rin ang pagsintang pururot ni Justin kay Ken, mula pa noong una silang magkita.

At alam nilang dalawa na sila ang mahigpit na magkaribal sa puso ni Ken Suson. Pero bakit hindi rin nila maiwasang titigan ang isa't isa?

Notes:

(See the end of the chapter for notes.)

Chapter Text

Gaya ng ibang araw, nakatambay ang banda ni Paulo sa bleachers ng gym sa kanilang unibersidad. Kilala ang banda nila sa campus at sa mga karatig nilang paaralan, palagi rin kasi silang tumutugtog sa events sa kanilang school at kung saan sila maimbitahan.

Ang dami ring nahuhumaling sa banda nila mapalalaki o babae man, tuwid o hindi, matanda, bata, may ngipin o wala. Bukod kasi sa nag-swimming ang apat sa baha noong nagpaulan ng talent si Lord, saksakan rin kasi ng guwapo at ganda ng miyembro nila.

There’s Laura, ang kanilang rhythm guitarist na nanghahatak ng sapphics, kaso may jowa. At ang jowa ay ang kanilang drummer na si Janine or Jan. Lakas ring manghatak ang bahista nilang si Josh, kaso may jowa ulit. At ang huling miyembro at frontman-slash-lead guitarist nilang si Paulo na all walks of life talaga ang inaakit. Paano ba naman, guwapo na, maganda pa.

Kaso walang jowa.

Ayon lang.

Paano magkaka-jowa eh gayong nakatanga ito sa court sa mga oras na iyon. Paano ba naman magkaka-jowa si Guwagandang Paulo na hhinahabol hindi lang ng aso, pati na rin ng ¾ ng populasyon ng campus nila kung wala naman itong ibang nakikita kung ‘di si Ken Suson, team captain at wing spiker ng kanilang men’s volleyball team.

Nga lamang ay kasama yata sa ¼ na hindi tinatablan ng alindog ni Paulo si Ken. “Hindi man lang tumingin dito oh,” nakangusong bulong niya sa sarili.

Josh looked at him with a frown. “Okay ka lang? Naglalaro ‘yong tao bakit titingin dito?” nagugulumihanang tanong ng kaibigan niya.

“Kasi nandito ako,” simpleng tugon ni Paulo na hindi pa rin inaalis ang mga mata kay Ken. He bit his lower lip when he saw how Ken took off, jumped high, and hit the ball towards the other side of the court. Grabe ‘yong flex ng braso, gagi…

“Bakit? Bola ka ba para tingnan?” Napairap muna si Paulo nang marinig ang sinabi ni Jan bago tingnan ang naglalampungan niyang kabanda. Nahiya na lang ang hangin sa sobrang dikit ng dalawa.

“Bawal na bang magbiro, ha?” inis niyang tanong dito.

Lalo lang siyang nabuwisit nang magtinginan ang tatlong niyang kabanda na may jowa at tawanan siya. “Huwag kami, Pau. Birong totoo ‘yang sa’yo eh,” tatawa-tawa pa ring saad ni Laura.

“Ano ka naman, Men? Bola para titigan tapos sisigaw ng mine? Kawawa talaga ‘tong si Paulo eh,” gatong pa ng nobya nitong si Jan.

“Bilugin ka namin, Pau. Tapos i-set kita,” dagdag pa ni Josh kaya’t lalong bumunghalit ng tawa ang mga kaibigan niyang kaunti na lang ay gusto na niyang itakwil.

Buti na lang at may nahagip siyang plastic bottle at hinagis iyon kay Josh. Sa kasamaang palad ay nakailag ito…

“… Mr. Nase, please avoid littering,” at tinamaan ang kanilang Student Council president na nasa likod pala ni Josh.

Gulat na napatingin ang apat sa bagong dating. Parang bumbilyang nakuryentehan na nagliwanag ang mukha ni Josh bago ito tumayo. “Irog ko! Anong ginagawa niyo ni Jah dito?!” masiglang bati nito sa nobyo at kasama ng kanilang SC President na si Stell.

Stell giggled and hugged his boyfriend. Great, dalawang couple na ang nasa harapan niya, hindi nakakatuwa. Lalo pa at masama ang tingin sa kaniya ni Justin.

Justin de Dios, the Student Council president. Third year pa lamang ito, silang dalawa ni Ken actually. Si Paulo naman ay nasa huling taon na ng kaniyang pag-aaral kasama ng mga kabanda.

Justin was the typical prim and proper student. Kaibigan yata nito ang lahat ng estudyante sa kanilang campus. Napakabait pa, approachable, matulungin. Prototype ng pagiging good boy, butihing anak, at mabuting mamamayan ng bansang Pilipinas.

Pogi rin. Sobrang pogi nga eh. Matangos ang ilong na hihilingin mo na lang na maging uod ka para makapag-slide sa nose bridge nito. Cutie pie rin.

Pero hindi niya ito kasundo. At mukha namang hindi rin siya nito kabati.

Halata naman siguro dahil sinita siya nito pagkatapos ay parang besties na binati sina Laura at Jan. Kita mo talaga ugali ng batang ‘to. Sa isip-isip ni Paulo bago umirap. Bata amp. Halos magkakaedad lang kayo.

Eh kasi nga mukha siyang good boy, tipong pinapabaunan pa ng ina ng lunch box.

Pero magkaka-age nga kayo.

Eh cute nga—

“Mr. Nase,” naputol ang pakikipag-away ni Paulo sa sarili nang marinig ang boses ni Justin. “Itong boteng hinagis mo, pakipulot.”

Napakurap si Paulo bago niya naalalang tinamaan nga pala ito ng bote sa tiyan. Sa pagkakatanda niya ay hindi naman malakas ang pagkakahagis niya, sakto lang. Tipong si Josh ang tatamaan kaya bubukol lang ng kaunti.

Napangiwi sa sarili si Paulo bago siya tumayo at kuhanin ang bote. “Sorry, si Josh talaga papaltukin ko eh,” paghingi niya ng paumanhin habang pinupulot ang bote na nasa paanan nito.

“Sure,” tipid na tugon ni Justin. Nang dumiretso siya nang tayo ay saka niya napansin ang pasimpleng paghimas ni Justin sa tiyan nito.

Nakaka-guilty kainis. “Do you need to go to the—”

“Stell, baba na ako,” hindi na natapos ni Paulo ang sinasabi niya nang magpaalam agad si Justin. Nginitian nito ang mga kabanda ni Paulo at tinanguan lang siya.

Kunot noong nasundan na lang niya ng tingin ang nakababata. But he’s still worried so he went down the bleachers too, following Justin.

“Pau! Jam pa ba tayo later?”

Ngunit bago pa siya naging mapagkawanggawa sa kapwa, narinig na ni Paulo ang boses ng kaninyang sinisinta, iniirog, nilalahams for a year.

Paulo looked behind him and the sight took his breath away. Ken was jogging towards him, his hair kept with a thin headband, his moreno skin glistening with sweat.

At nang makalapit na ito ay nakumpirma niya ang kaniyang hinala. Paano bang ang bango pa rin ng taong ‘to kahit pawisan?! “Ken,” bati niya sa binata, kunyari kalmado lang.

“Tuloy? Isasama niyo ako mag-jam mamaya?” Ken asked him with a pout on his lips.

Ken was supposedly their keyboardist and vocalist kaya nila nakilala ang binata. First year pa lang ito nang mabuo ang banda nila, ngunit nang magkaroon ng conflict sa schedule dahil student-athlete na talaga itong pumasok sa kanilang unibersidad ay kinailangan nitong bitawan ang pagbabanda.

Ngunit maraming pagkakataong sumasama ito sa kanila na mag-jam at tumugtog kapag wala itong training o laro kaya’t hindi naman nalayo ang loob nila kay Ken.

Hindi talaga nalayo, nahulog pa nga si Paulo eh.

Paulo gave the younger a smile. “Anong oras ba tapos niyo?” tanong niya rito. “Like usual?”

Ken nodded his head and looked behind him to glance at his team. “Mhm. Wala naman kaming meeting. Sunod ako sa studio?”

“May gagawin ka pala, sana hindi ka na nag-promise na sasamahan ako mamaya sa SC office.”

Sabay silang napalingon nang marinig ang boses ni Justin. Buong akala ni Paulo ay nakaalis na ito, nawala na sa isip niyang hinahabol nga pala niya si Justin. He noticed that Justin was holding the side of his tummy, marahil iyon ang parte na tinamaan niya ng bote.

“Jah? Shit oo nga pala, sorry,” Ken said and was about to walk closer to Justin.

But the younger stepped back and looked at the two of them with a huge pout on his lips that made his cheeks look even fluffier. Bakit lalong nagiging cute ‘tong si de Dios?

“Huwag na. Nauna mo yatang plan ‘yan eh. Sige na,” Justin said dismissively before he walked out of the gym.

“Tampo ‘yon gagi,” rinig niyang bulong ni Ken sa sarili bago punasan ang mukha gamit ang laylayan ng suot nitong t-shirt.

Exposing his abs.

Naipilig ni Paulo ang kaniyang ulo. Focus, John Paulo. Utang na loob. “Alin ba nauna mong tanguan?” tanong ni Paulo kay Ken.

Ken looked at Paulo apologetically. “Nauna kasi kay Jah… may times kasi na naiiwan siya mag-isa sa SC office kasi may mga tinatapos na files. Sinasamahan ko kapag gano’n,” paliwanag nito bago napabuntong hininga.

Napakasipag mo naman, Pres. Paulo thought. But then he shrugged dahil ano bang pakialam niya kay Justin de Dios? Karibal niya ito kay Ken kaya wala siyang pakialam sa cute na friendly na hardworking SC President nila.

“Nauna pala ‘yon eh. Eh ‘di cancel muna tayo today,” turan ni Paulo bago nginitian ang binata. “Ikaw kasi. Naka-oo ka na pala sa iba.” Parang ayoko ng tunog no’n ah?

Ken sighed and looked at him with puppy eyes kaya’t gustong sapukin ni Paulo ang sarili. Na-sad ang bebe?! Ikaw kasi, Jampawlo parang tanga! “Eh gusto ko rin kasi makasama kayo ulit nina Laura. Nakaka-miss mag-jam. Kaso gusto ko ring samahan si Jah,” Ken said in a sullen tone.

Think, Paulo. Think! “Alam ko na,” saad ni Paulo kahit wala pa naman talaga siyang naiisip na solusyon. Pabibo lang, gano’n.

At effective naman dahil bahagyang nabuhayan ang itsura ni Ken. “Ano ‘yon?”

“Ano… ah… ayon!” Paulo exclaimed as he gave Ken a huge smile. “Samahan ko kayo ni Pres mamaya. Hintayin ko kayo. Tapos saka na lang tayo mag-jam after. Okay ba ‘yon?” Paulo cheerfully suggested. Talino mo talaga, Nase.

Lalo lang niyang napatunayang sobrang talino niya nang ngumiti ng malawak si Ken. “Sige! Isama natin si Jah sa jam total friend naman niya si Stell.”

And Paulo’s smile faltered. Ayon lang. “Oo nga,” he said as he dryly chuckled. “Isama natin para masaya.”

~~~

Padabog na naupo si Justin sa tabi ni Stell. Pagkagaling niya sa gym (para sumilay kay Ken, pero secret lang nila ni Stell iyon) ay dumiretso siya sa comfort room para tingnan kung may pasa ba ang tinamaan ng boteng hinagis ni Paulo kanina.

Mayroon nga. Buti hindi sobrang malala.

“Bakit pangit mood mo? Nakita mo naman si Ken? Akala ko ba sunshine honeybunch mo ‘yon?” tanong ni Stell sa kaniya.

Kasalukuyan silang nasa SC office at sila lamang ang tao roon, nakaupo sila sa may bilog na lamesa, si Stell ay mukhang naggagawa ng essay, si Justin naman ay nabuburyo sa buhay.

Justin huffed and crossed his arms before he looked at Stell. “Okay na sana mood ko kaso nandoon rin si Paulo,” he said before he frowned and whined. Napasubsob siya sa lamesa at hindi pa rin maipinta ang kaniyang mukha. “Manhid talaga si Ken, ano?” he added that made Stell chuckle.

Nagkakilala silang dalawa ni Ken nang parehas silang mag-enroll sa unibersidad na iyon. Mag-isa lang si Justin na nag-enroll at hindi siya sanay dahil buong high school niya ay hindi na nila kailangang mamroblema pagpapalista dahil Science section naman siya. That’s why Justin felt so lost during their enrolment in college.

Hindi niya alam kung saan siya pupunta ng mga oras na iyon, hindi naman niya magawang magtanong sa iba dahil barka-barkada ang mga ito at nahihiya siya. But Ken Suson came that day to save him. Nasa sulok siya ng admin building lobby na marahan siya nitong kulbitin.

“Mag-isa rin ako, tara na lang magkasama mag-enrol para mag-dalawa na, ‘di ba? Nalilito rin ako eh.” Naalala niyang sabi ni Ken sa kaniya. Hindi na nga naman sila mag-isa kasi magkasama na. Meant to be kasi kami.

They exchanged numbers and socials that day kaya’t hindi naputol ang kanilang komunikasyon at mas lalo pang yumabong ang kanilang pagkakaibigan. But when naman po yayabong the pag-iibigan? Justin thought that made him whine again.

“Hindi sa manhid si Ken, Jah. Wala rin naman kasi sa inyo ni Paulo ang umaamin sa kaniya. If I were him too, tingin ko lang sa ginagawa niyo eh friends ko kayo at mabait lang kayo sa akin,” turan ni Stell habang nagsusulat sa papel nito.

Napanguso naman si Justin at tumingin ng nagpapaawa kay Stell. “True na ba? May gusto talaga si Nase kay Ken?” nag-aalalang tanong niya sa kaibigan.

Stell just hummed and then looked at Justin. “Oo, nabanggit ni Josh sa akin. Alam mo naman, basta alam no’n chika agad sa’kin. Alam noong tatlo, noon pa may gusto na rin si Paulo kay Ken.”

Lalo na lamang gustong mapaiyak ni Justin at maglupasay. “Paano na ‘to? Anong laban ko kay Nase if ever we confess? Talented ‘yon—”

“Talented ka rin, Justin.”

“—matalino pa! Champion ‘yon siya ng poetry writing, ‘di ba?! Nationals?!”

“Matalino ka rin, Jah. Mula first year dean’s lister ka na. Kita mo nga SC President ka na kahit third year ka lang? At nanalo sa regional university film fest short film niyo. Huwag mo nga maliitin sarili mo? Ang tangkad-tangkad mo eh,” kontra ni Stell sa kaniya na habang tumatagal silang magkausap ay umaasim ang mukha.

Justin sighed as if he’s experiencing the biggest obstacle in his life. “Pretty si Paulo eh, guwapo rin… ako ito, tamang cute lang,” he whispered before he buried his face on his arms and fake cried. “Stell! Anong panama ko kay Paulo?! Kaya no’n ipagsulat ng kanta si Ken ako ito, ako’y tutula mahabang-mahaba lang ang alam!”

Napapitlag si Justin at napatuwid nang upo dahil sa biglang paghampas ni Stell sa lamesa. “Anong tamang cute lang? Pogi ka, de Dios! Maraming may crush sa’yo sa campus!”

“Mas marami kay Pau.”

“Oh and? That doesn’t mean na hindi fair at pantay ang bakbakan niyo! Ogag,” inis na sabi ni Stell na parang siya ang pinaka-affected sa lahat ng nangyayari. Well, ito naman talaga dahil sa kay Stell umuungot si Justin at dito rin umuungot ang nobyo nitong si Josh na sumbungan ni Paulo. Gitna, walang lusot.

Lalo lang napanguso si Justin. May sasabihin pa sana siya ngunit narinig nila ang sunud-sunod na katok sa pinto ng SC office.

Justin stood up from his seat lazily and walked towards the door. Hindi na siya nag-abala pang ayusin ang pagkakabusangot ng kaniyang mukha dahil baka kung sino lang naman ang kumakatok.

But his frown turned into surprise when he saw who’s knocking. “Ken? Bakit? Akala ko may lakad ka?” tanong niya rito bago napatingin sa kaniyang relo. Alas tres lang. May huling klase pa siya ng alas kuwatro hanggang alas sais.

Ken shook his head and looked at him apologetically. Ken hindi mo need puntahan pa ako to tell me that you choose him over me. It’s painful na, masakit na. Eno—

“Tuloy tayo later, ha? Samahan pa rin kita rito. Alas sais ‘di ba? Morning training lang naman kami kasi pahinga rin kami talaga. Kakatapos lang ng season eh. I’ll be outside your room later,” dire-diretsong saad ni Ken bago lumapit sa kaniya at hawakan ang kaniyang braso. The volleyball captain even pouted and looked at him with pleading, doe eyes that he couldn’t really resist. “Tampo ka? ‘Wag ka na tampo, please? Sasamahan pa rin naman kita.”

Lord, ano pong pagsubok ito… Justin cleared his throat and looked the other way. “A-Ano… akala ko may pupuntahan ka?”

“Na-adjust. Para masamahan pa rin kita. Magwo-worry lang rin ako knowing you’ll stay here alone hanggang 8 p.m.,” Ken said and even leaned his head on Justin’s shoulders. “Jah, ‘wag na tampo. Sorry, nawala sa isip ko,” Ken even said those words cutely.

Palibhasa kasi alam mo kung ano ang kahinaan ko! Alam mo kung paano ako kuhanin. Pag-eemote ni Justin sa kaniyang utak.

But he’s the calm and collected Justin de Dios, kaya’t humugot lamang siya ng malalim na hininga bago nilingon ang naglalambing (sana) na si Ken. “Oo na. Hindi naman ako tampo eh,” Justin said.

“Hindi raw tampo eh rinding-rindi na ako sa’yo kanina pa,” malakas na sabi ni Stell mula sa loob ng opisina.

Justin blushed and looked behind him only to glare at Stell. Pinandilatan niya ng mata ang kaibigan ngunit inirapan lang siya nito.

Muling hinarap ni Justin si Ken at kita niya ang guilt sa mukha nito. Justin held Ken’s hand immediately and squeezed them. “No, don’t worry na. Hindi naman ako super tampo,” he said and gave Ken a reassuring smile. “Sure ha? Sasamahan mo ako mamaya.”

“Oo nga po. With fries pa at drinks,” Ken proudly said. Napangiti na rin ng malapad si Justin dahil iyon ang madalas nilang kainin kapag magkasama sila.

“Okay. May klase ka na, ‘di ba?” malumanay niyang turan dito.

Ken nodded his head. “Mhm. Nga pala. May sasabihin ako.”

“Hmm? Ano ‘yon?”

“Ganito kasi,” panimula ni Ken bago nito pinisil ang kamay niya. “Later sasamahan kita ‘di ba? Okay lang isama ko na si Paulo? Para tatlo tayo, ‘di ba? Tapos after natin here, diretso tayo with their band. Makiki-jam tayo,” pagtutuloy ni Ken habang ang mga mata nito ay tila nangungusap na pumayag siya. “Okay lang ba?”

Parang nag-bungee jumping ang puso ni Justin dahil sa narinig niya, bumaba, umangat ulit, at naiwan sa ere na nakalambitin. Wala na… talo na ako… Ngunit nginitian pa rin ni Justin ang binata. Wala naman siyang ibang choice, gusto niya rin naman kasing makasama si Ken, at kaibigan rin nito si Paulo.

Tila nagka-background music bigla ang sitwasyon niya habang kaharap si Ken ng mga oras na iyon. Hindi nga lang masayang love song para sa nag-iibigan. Oo nga pala… not nga pala tayo… hanggang dito na lang me… dreaming to be yours po. Gusto na lang rin matawa ni Justin dahil sa kalokohan pa ring naiisip niya kahit parang na-sandwich siya ng langit at lupa.

Justin nodded his head and exerted all of his self-control not to sigh and drop on the floor. “Sure. Parang masaya rin makapanood ng live jamming,” he said, trying so hard to make his tone lively.

Hindi rin naman yata nakita ni Ken ang dalamhati sa kaniyang cute na mga mata. Napakaganda ng ngiti nito sa kaniya bago ito lumakad paatras. “Ayon! Okay na! Promise, masaya maki-jam. See you later, Jah!” tuwang-tuwa na sabi nito bago masayang nilayasan siya.

Justin closed the door and slowly turned around to look at Stell who’s smirking and shaking his head. “Masaya bang maki-jam sa banda ng jowa mo?” Justin asked in a dramatic tone.

Stell chuckled and shrugged. “Ako masaya. Ewan ko lang kapag ikaw ang nandoon with Paulo and Ken.”

With Paulo and Ken? Sasaya ba siyang makita ang kaniyang pinakamamahal na masaya sa piling ng iba?

OA mo Jah. Kaya pa ‘yan. Fighting lang sa buhay.

~~~

“Teka, ibibili ko kayo ng inumin,” Ken said nbefore he stood up and walked outside the Student Council office.

At naiwan ang magkaribal doon.

Ilang minuto na rin silang magkakasamang tatlo, at hindi nila alam kung manhid ba talaga si Ken dahil si Justin at Paulo ay damang-dama ang awkwardness sa hangin, tagos sa subcutaneous layer ng kanilang balat.

No one was talking within the next few seconds of them being alone inside the office.

Ngunit tumikhim si Paulo dahil hindi na nito kinakaya ang katahimikan. “Ano. Sorry pala kanina,” he said without looking at the younger that seemed to be so engrossed checking the project proposals submitted to him by other university organizations.

Justin hummed as a response. “It’s fine.”

“Nagpasa ba?”

“Hmm. Kaunti lang. Hindi naman na masakit eh.”

Tumango-tango na lamang si Paulo dahil hindi na nito alam ang sasabihin. Saka lang nito tiningnan si Justin na nakakunot ang noo, bahagyang nakaawang ang bibig, at seryosong-seryosong nagbabasa.

And Paulo thought, Justin really looked so elegantly beautiful.

Sa kabilang banda ay wala naman sa binabasa ni Justin ang atensyon niya. Hindi niya mawari ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang kaba niya dahil sila lamang ni Paulo ang nasa loob ng opisina.

Hindi niya rin mawari kung bakit mas lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib nang maramdamang nakatitig si Paulo sa kaniya.

At kapag kabado si Justin, kung anu-ano na lamang ang nasasabi niya.

“Nase,” Justin said monotonously before he looked up from the papers he’s pretending to read. He almost flinched when his eyes met Paulo’s stare. Ang ganda ng mata, grabe na ‘to.

“Bakit, de Dios?” tugon ni Paulo sa kaparehas na tono niya.

Marahang ibinaba ni Justin ang mga papel na hawak sa lamesa bago siya tumingin sa pinto para siguruhing wala pa si Ken. “Alam ko namang may gusto ka kay Ken. Bulag na lang ang hindi makakapansin,” Justin said confidently.

Paulo was a bit taken aback but he maintained his composure. “And? I know you like Ken too.”

Saglit silang nagsukatan ng tingin. In other words, nagtitigan.

It was Justin who tore his gaze first away from Paulo’s pretty eyes. “I would’ve told Ken na ayaw kitang kasama rito. Pasalamat ka you’re pretty.” Justin’s eyes widened when he realized that he said it out loud.

Akala ni Justin ay yayabangan siya ni Paulo. But the older blushed a little and looked away to hide his reddening face. “Eh ‘di thank you. Ayaw rin naman kitang kasama, I would’ve told Ken na naka-set na ang jam kaya dapat ako ang mauna. Be thankful you’re beautiful too kaya ako pumayag sa set up na ‘to.”

“…Eh ‘di thank you rin.”

None of them spoke after that exchange. Parehas nilang pinag-iisipan kung tama ba ang kanilang narinig at sinabi.

Pero totoong nangyari nga dahil ramdam na ramdam nilang dalawa ang pamumula ng kanilang mukha.

“May the best man win na lang siguro,” Paulo whispered.

“Hmm. Sige, may the best man win po,” and Justin answered.

“Sorry, guys natagalan—mainit ba? Bakit ang pula ng mukha niyo?”

 

Notes:

Ken's dilemma sa next chapter! Good noit! Thoughts niyo?