Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2023-08-01
Words:
1,696
Chapters:
1/1
Comments:
2
Kudos:
7
Hits:
56

As It Pours

Summary:

Matagal nang alam ni Sakusa Kiyoomi ang feelings niya kay Wakatoshi. Kaya lang, alam niya ba ang feelings nito?

or an au kung saan kailangan pa siguro nilang magkasakit bago magkiss.

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Work Text:

    Kanina pa nakatayo sa ilalim ng waiting shed si Kiyoomi, bahagyang kinabahan dahil kita niya ang pangungulimlim ng kalangitan. Wala siyang dalang payong, at puti ang suot niya dahil iyon ang uniporme nila. Hindi siya pwedeng mabasa.

    Pauwi naman na talaga siya, kaa kung tutuusin, ayos lang. Pero hindi niya matanggap na uuwi siyang basa ang paa–lalo ang medyas.

    “Nasaan na ba kasi si kuya?” bulong niya sa sarili, nakatitig sa cellphone na kulang na lang ay ibato niya sa inis sa kapatid na kanina pa raw nakaalis sa bahay nila. 

    Kung hindi lang ito magagalit, kanina pa siya nagbook ng sariling susundo sa kaniya. Gusto niya nang umuwi.

    What if… what if lang naman. 

    Si Wakatoshi kaya ang tawagan niya?

     Hindi pwede, busy iyon. Isa pa, hindi niya alam kung kasama ba sa usapan nila ang paghatid o pagsundo sa ganitong sitwasyon.

     Pero si Wakatoshi ‘yon, Kiyo. The same Wakatoshi who went to your condo in the middle of the night just to kill the cockroach in your bathroom.

    Iba ‘to. Madali iyon dahil pareho lang sila ng condo building ni Wakatoshi. 

    Napahilamos na lang siya sa naging takbo ng utak niya. Akmang muli niyang susubukang tawagan ang kapatid nang ito na ang kusang tumawag.

    “Nasaan ka na?” bungad niya.

    “Hintayin mo na lang si Ushijima. Nakausap ko na.”

    “Sino?”

    Bago pa siya makaaangal ay nakita niya nang naglalakad mula sa kabilang daan si Wakatoshi. The man was clad in pale yellow polo shirt na medyo fitted, at khaki pants. Wala kasing uniporme sa department nito kaya naman halos araw-araw niya itong nakikita sa ganitong pormahan.

    Pero hindi nakakasawa. Wakatoshi could wear the very same shirt everyday, and Kiyoomi’s eyes would remain on him. Malakas masyado ito sa kaniya.

    Like right now. Tumatawid lang naman si Wakatoshi papalapit sa kaniya pero pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagiging high schooler na lihim na may gusto rito. 

    May gusto pa rin naman siya rito, pero iba na kasi ang sitwasyon.

    It has just gotten more complicated, pero gusto niya.

    “Kiyo, why didn’t you tell me nasa campus ka pa?”

    Doon siya natauhan. Kiyoomi blinked few times before he finally found his feet. “Susunduin dapat ako ni kuya,” maikling sagot niya. “And I thought you had a meeting?”

    Umiwas ito ng tingin. “Postponed.”

    Hindi manhid si Kiyoomi.

    He knew when Wakatoshi’s acting like he’s not supposed to. Hindi siya manhid para hindi maramdaman ang mga pahiwatig nito. Kiyoomi could  him just fine when he says something a fake boyfriend should not, especially kung wala namang ibang tao sa paligid.

    A show. That’s all this should be. Fake relationship thing kung saan kailangan ni Wakatoshi ng ihaharap sa magulang at other colleagues para hindi siya ireto kung kani-kanino

    Cliche? Oo, sobra. Ang kaibahan lang siguro nito ay bago pa man siya maaya ni Wakatoshi, gusto niya na ito. Hindi siya papayag kung hindi.

    If being a fake boyfriend was what all Wakatoshi could offer to him, he'd accept it. Gladly. In a heartbeat.

   Kaso, iba kasi masyado si Wakatoshi. If Kiyoomi didn’t hold himself tight enough to the ground, baka lumipad siya masyado, pero masasaktan din dahil mali ang magiging bagsak niya.

    Ang hirap na siya lang ang apektado.    

    He didn’t want to assume, and unless he’s been told what this means, doon lang siya magiging desidido sa gagawin.

    “Is it okay if we go to the parking lot? Sa likod pa kasi, walang available diyan kanina.” Itinuro nito ang empty space sa likod ni Kiyoomi. 

    Tumango siya. Of course, it’s okay. It’s the least thing he could do for someone giving him a favor.

    “Tara–”

    Unfortunately, before he could finish his sentence, the rain he was expecting finally fell. He was literally stopped on his tracks as his eyes shifted to Wakatoshi na nakatingala sa ambon.

   "Oh. Wait for me here, I'd get the ca–"

    "No, it's okay. Takbuhin na lang natin para hindi ka na iikot," sagot niya.

    Maging siya ay hindi makapaniwala sa naging sagot niya. Nakikita niyang unti-unting lumalakas ang ulan, wala siyang choice, mababasa talaga siya.

    Pero kasi–basta kasama niya ito.

    Hindi niya na hinayaang umalma si Wakatoshi. Rather, he took a step forward, clutching his things on his chest. When he felt the other walking behind him, he started fastening his pace. He could feel the cool dances of the wind hitting his face, it was as if there was nothing there but him, acting like a main character in a series as Wakatoshi followed behind.

    Lumalakas ang ulan, nararamdaman niya na ang unti-unting paagpuddle ng tubig sa ilalim ng sapatos niya pero hindi siya tumigil sa pagtakbo, dahil hindi rin naman huminto si Wakatoshi.

    "Wait up, Kiyo. Let's wait, magkakasakit ka niyan," rinig niyang sabi ng kasama mula sa likod.

    "Hindi 'yan kung lalakas bigla at mabubuhusan tayo," he simply said.

    Wakatoshi stopped, he looked at him as amusement danced in his eyes. "Am I hearing you right, Kiyo?"

    Tanong niya rin iyon sa sarili niya.  

    Kiyoomi also stopped running to stare at the man. His fist clenched on his bag when the rain got stronger. "Wala ka nang choice, nandito na."

    This time, natawa na si Wakatoshi sa sagot niya, still with amusement. It wasn't the first time he saw him laugh, but the first time seeing him being drenched. His hair was down, as his eyes formed crescents from laughing.

    Nakatitig lang siya rito, pero ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

     Wakatoshi, let me in.

     Please.

     "Fine, nandito na tayo eh." Muli itong tumawa. "But are your things okay? Should I carry it so you can enjoy the rain?"

    Umirap si Kiyoomi, inalis ang basang buhok sa mukha niya. "I didn't say maglaro tayo sa ulan. Ang sabi ko hayaan lang."

    May naglalarong ngiti sa labi nito bago sumagot. "Okay, love." He chuckled. "But make to clean yourself later, okay? May pasok ka pa bukas.”

    A silent gasp escaped his lips as he stared at Wakatoshi's smiling face. Humigpit lalo ang kapit niya sa gamit dahil siya lang ang nakakakita no'n ngayon. At gusto niya itong ipagdamot.

    "Kabisado mo ba schedule ko?" biro niya bago tumalikod aat nagsimulang maglakad sa ilalim ng ulan.

    Sumunod sa kaniya ito. "Yes, of course. Is it bad?"

    Gulat siyang lumingon dito. "Huh?"

    "Yeah, I also memorized it so I know when you're available tuwing im-meet natin sila mama."

     Oo nga pala.

    Binilisan niya ang paglalakad hanggang finally, nakarating din sila sa parking lot.

    "Wait, stay there." Itinuro nito ang similar waiting shed na pinanggalingan nila.

    Hindi na siya  nagreklamo. Pakiramdam niya ay lahat ng pag-asa ay naglaho sa katawan niya. Pinanood niya si Wakatoshi na tumakbo papunta sa sasakyan nito. Kinuha nito ang itim na payong mula sa likod, at naglakad nang may dalang tatlong puting tuwalya.

    "Here, patuyo ka munang konti. Malinis din 'yan so you don't have to worry."

    Tahimik niyang kinuha ang isang tuwalya. Malaki ito at makapal kaya kung tutuusin ay kaya na nitong alisin ang tumutulong tubig sa katawan niya. Hindi niya kayang tingnan si Wakatoshi kaya naman habang pinupunasan ang sarili ay nakatalikod siya rito.

    He was at peace, kahit na malakas ang kabog ng dibdib niya saa isiping nasa likod niya lang si Wakatoshi.

    Not until he felt a hand on his hair. His eyes widened, as he physically reacted to the touch. Literal siyang nanigas habang pinapakiramdam ang ginagawa ni Wakatoshi sa buhok niya.

     Wakatoshi, hanggang dito lang ba talaga 'ko?

      "Anong ginagawa mo?" bulong niya, mahina. Sobrang hina na hindi niya alam kung naririnig siya. Hindi niya alam kung gusto niya bang marinig siya.

     Wakatoshi, pakinggan mo ako.  

    "Drying you up? Bakit ka bumubulong?"

    Nanginginig si Kiyoomi. Sa bawat araw na kasama niya ito, padelikado nang padelikado. Sa bawat araw, gusto niyang sabihing gusto niya 'to, pero natatakot siyang mawala ang pinanghahawakan niya.

    "Bakit?" Hindi niya mapigilan ang sarili.

    “What–"

    Nagsalubong ang kilay ni Kiyoomi. Hinarap niya ito, at nang magtama ang paningin ay bigla siyang nagsisi. Pero wala na, nandito na siya.

    "Kaya kong punasan ang sarili ko, Wakatoshi," simula niya.

    "I know–”

    "Kaya kong hintayin pa si kuya kada kailangan ko ng sundo. Kaya kong bumili ng gusto kong kainin sa madaling araw. Kaya kong tiisin ang discomfort ko sa crowd. Wakatoshi, I've been accustomed to doing things alone–so bakit mo ginagawa 'to?" Nakatitig lang siya sa mata ng kausap. He was hoping, wishing, that his thoughts were not playing with him.    

    Tahimik si Wakatoshi na nakatitig sa kaniya pabalik. Mga ilang segundo, at nang muntik nang umalis si Kiyoomi, saka ito nagsalita.

    "I thought I've been clear." Kalmado ang boses nito. "I'm sorry. Just... doing things for you seemed so natural for me. I didn't think as I do them dahil matagal ko nang gustong gawin ang mga 'to para sa'yo."

    "Oh, eh bakit nga?" Muling nagsalubong ang kilay niyaa. Nagpapasalamat na lang siya sa lakas ng ulan, ay halos magga-gabi na kaya wala nang tao rito.

    Sabihin mo lang kung bakit. Please, sabihin mo lang.

     "Kasi nga gusto kita." Huminga ito nang malalim. "It's not like me to enter relationship like this, pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo nang hindi ka nawe-weirdo-han sa'kin. We're not that close to begin with, at ito lang ang naisip kong paraan para mapalapit sa'yo."

    Napapikit na lang si Kiyoomi. Ang bilis ng tibok ng puso niya kanina ay unti-unting kumalma sa narinig. Finally.

    Finally.

    "Totoong kailangan ko ng tulong, but I wouldn't go around asking anyone for a fake relationship. I just used the situation to get close to you better–"

    "Shut up, I already understand" he cut him off. Alam niya na. Nasabi na nito. Si Kiyoomi naman ang kikilos. "Thank you for finally saying it. Dry yourself bago ka pa magkasakit."

    "Kiyo?"

    Ang kaninang tila nanahimik na ulan ay bumalik habang siya ay pinatuyo muli ang sarili. Ganito pala talaga kalakas ang ulan kanina, pero ang naririnig niya lang ay si Wakatoshi.

    "What do you mean?" bulong ni Wakatoshi sa likod niya.

    Hinarap niya ito. "Gusto kita. Matagal na. So, dry yourself dahil pagkatapos ng ulan na 'to, we'll be starting on a clean slate."

 

Notes:

writing this one for myself as i try to write in my language again. also, for a friend who likes ushisaku na naging push para maisulat ko na si wakatoshi. ^^