Actions

Work Header

bawat piyesa

Summary:

Bumaba na si Jisung sa kotse. Kasabay nang pag-apak ng mga paa niya sa lupa ang paglakas ng hangin na tila ba binabalaan siya nito na huwag ng tumuloy. Inobserbahan niya muna ang paligid, may mga bagong tayong bahay na ang nakapalibot sa playground na nagsilbi nilang tambayan noong sila’y hayskul pa lamang. Tanaw din ang eskwelahan kung saan sila nagtapos. Unti-unti na siyang naglakad patungo sa lugar ng kanilang pagtitipon. Wala ng atrasan ‘to.

 

o isang 7dream au kung saan sinubukan ni jisung pagtagpi-tagpiin ang bawat piyesa ng kanilang pagkakaibigan na sinira ng nakaraan.

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Chapter 1: unang piyesa

Chapter Text

May 18, 2022

 

Bumaba na si Jisung sa kotse. Kasabay nang pag-apak ng mga paa niya sa lupa ang paglakas ng hangin na tila ba binabalaan siya nito na huwag ng tumuloy. Inobserbahan niya muna ang paligid, may mga bagong tayong bahay na na nakapalibot sa playground na nagsilbi nilang tambayan noong sila’y hayskul pa lamang. Tanaw din ang eskwelahan kung saan sila nagtapos. Unti-unti na siyang naglakad patungo sa lugar ng kanilang pagtitipon. Wala ng atrasan ‘to.

 

“Oh, ayan na pala si Jisung. Bilisan natin para matapos na agad ‘to.” Wika ni Renjun. Halata sa mukha niya na hindi siya kumportable sa presensya ng mga tao na nakapalibot sa kanya. Nanatili namang tahimik ang paligid.

 

“Since idea mo ‘to Donghyuck, bakit hindi ikaw ang mauna?” Dagdag naman ni Chenle. Donghyuck? Really Lele? Not even Hyuck? Isip ni Jisung. Ganoon na ba talaga kalayo ang loob ng bawat isa? Parang kailan lang, nagrereklamo pa si Donghyuck ‘pag hindi Haechan ang tawag sa kanya ng barkada.

 

“Bakit ako? 'Diba si Jeno yung nagplano ng araw na ‘to?” Sagot niya pabalik.

 

“Sinabi ko bang ituloy natin? Tinupad ko lang ang pangako kong paalalahanan si Mark tungkol sa araw na ‘to.” Jeno argues.

 

“Tangina naman magtuturuan pa, akin na nga yung pala!” And there goes Renjun’s patience. Kinuha niya ang pala mula sa mga kamay ni Mark at nagsimula nang maghukay. Sumunod naman si Jaemin sa kanya at nanatili naman ang iba sa kani-kanilang pwesto.

 

Maya maya pa ay lumapit si Jisung kay Chenle. He really didn’t want to talk to him but the silence is just torturing him inside. Since kay Chenle siya pinakamalapit noon ay siya ang naisipan niyang kausapin. Maybe start a small talk, or even try to mend their bond? 

 

“Kamusta?” Pagbati ni Jisung kasabay ng pagsiko niya sa braso ni Chenle. It's far from the old clingy greetings they did when they were in high school. Dati, ang paggulo sa buhok ni Chenle ang bungad niya dito dahil alam niyang hair conscious ang kaibigan. Sa kabilang banda, bigla na lang tatalon si Chenle sa likod niya para gulatin ang kaibigan, na kahit hamak na mas malaki si Jisung sa kanya ay mas gusto niya pa ring nakaakbay dito.

 

“Ok lang.” Malamig nitong sagot. Ok, I’m starting to regret my decisions.

 

“San ka na nagwo-work ngayon?” Dagdag niya ulit. Hoping that this question will break the ice between them. 

 

“Makati.” 

 

Failed.

 

“Oh, balita ko business specialist ka na ah.” He tried again. Isa na lang and I will stop.

 

“Never thought na hanggang ngayon manhid ka pa rin Jisung. Do I look like I want to talk to you?” At dito na nga bumagsak ang expectant na mukha ng binata. All he wanted was to talk, at ano ang napala niya?

 

“That’s mean Chenle.” Napalingon naman ang dalawa sa nagsalita. 

 

“Gusto lang naman ni Jisung na kumustahin ka, act decent Chenle, hindi na tayo mga bata.” Dagdag pa ni Mark na nasa harap na nila ngayon. 

 

“'Yun nga Mark, hindi na tayo mga bata. Hindi ako nagpunta dito para makipagkaibigan ulit kaya pwede ba don’t lecture me about how to act kasi hindi na tayo yung mga bata noon, hindi na ikaw yung kuya.” Sagot ni Chenle na nagpatahimik sa dalawa. This is not Chenle. Isip ni Jisung. Anong nangyari sa bestfriend niya? They were inseparable before but now, they can’t even start a small talk?

 

“Sorry.” Mahinang sagot ni Mark. His face dropped, tila ba nawala na ang munting kumpiyansa niya sa sarili. Lumayo na si Chenle at pumunta sa kinaroroonan ni Jeno. And Mark, bakit ganoon na lang ang pakikitungo ni Chenle kay Mark? As far as Jisung remembers, Chenle has the most respect on Mark. 

 

“Mark,”

 

“Ok lang, deserve ko naman.”

 

 

“Oh, eto na yung sa'yo Jisung.” Sabi ni Renjun habang inaabot sa kanya ang isang capsule. 

 

“Salamat.” Jisung replied. Tumango lang sa kanya si Renjun at lumayo na rin. Tinitigan lang ni Jisung ang capsule. Kulay pula ito dahil iyon ang paborito niyang kulay noong hayskul. 

 

Binuksan na niya ang capsule at bumungad sa kanya ang isang envelop at isang litrato. It’s the polaroid picture he took with Chenle. Parehas silang nakangiti nang malawak sa larawan, yung ngiting wagas ba kung tawagin nila. Nakasuot silang dalawa ng black suit kung saan naka-neck tie pa si Jisung habang nakasuot naman ng itim na sunglasses si Chenle. May hawak hawak silang papel kung saan nakasulat ang isang logo at pangalan ng isang kumpanya.

 

CJ Clothing Line.

 

Nostalgia engulfed Jisung. Ito yung mga panahong pinagawa sila ng business plan na by partner. At dahil masyado pa silang bata noon ay sineryoso nila ang balak na kumpanya kaya niya siguro nilagay sa memory capsule ang imahe na ito. To see whether they would be able to fulfill this promise in the future. Pero anong nangyari? Ni hindi na nga niya makausap si Chenle ng maayos ngayon, tuparin pa kaya ang naudlot nilang pangarap?

 

Ibinalik niya ang litrato sa kahon at sinimulan na niyang buksan ang envelop na naglalaman ng sulat niya sampung taon na ang nakalilipas.

 

To Pareng Jisung 10 years from now,

 

Hoy! Gagi pa’no ba ‘to sinusulat? Lakas kasi ng trip ni Kuya Haechan kung ano ano na lang pinapagawa sa’tin! Sigurado hindi mo na maalala yung araw na ‘to kaya bibigyan kita ng summary. Una grade 9 ka pa lang, kaklase mo pa rin si Chenle tas yung iba grade 10 na. Ayan ok na yan. Pero ano, serious na tayo lods pare Jisung haha buhay ka pa naman siguro hanggang ngayon? kung hindi baka dahil sa kakakain mo yan ng tusok tusok kasama sila Chenle ‘pag uwian na. Shuta may assignment pa ko na ipapasa bukas Haechan naman kasi hayst, ‘pag naman ‘di ka nakatapos ng pag-aaral sisihin mo si Haechan, Lee Donghyuck pangalan no’n. Terror pa naman teacher sa math. Serious na nga talaga ayon, una sa lahat, dapat masaya ka ha. Gawin mo lang lahat ng nasa bucket list natin, nandun yon sa drawer ng brief mo, may papel na maliit don pahanap na lang lods. Next naman, tuparin mo yung pagiging accountant para ‘pag business expert na si Chenle ikaw magiging accountant nung company niyo, CJ Clothing Line diba ang angas ng datingan. Tapos bibigyan mo pa ng discount yung tropa kapag may papagawa sila na accounting related nuks! Third, yung love life mo pre AAAAA gagi kakilig sino kaya jowa mo ngayon yieee bahala ka na sa love life natin pogi ka naman yan na lang ambag ko alagaan ko skin mo yieee. Third, wag ka sanang maging miserable huhu pls lang pareng park jisung in the future ayusin mo buhay mo, tama na sa pagiging mahiyain lumabas ka sa comfort zone mo!! hindi sa lahat ng oras kasama mo si Chenle na pwede mong taguan sa likod!! Hindi pwede na sila Kuya Renjun, Kuya Mark, Kuya Jeno, Kuya Jaemin, Kuya Haechan at Chenle lang kaibigan mo gagi makipag interact ka nga sa iba!! Hala what if di na kami friends in the future, I mean tayo? HOY eto yung last na wish ko ha poging Jisung in the future! Please lang, kahit anong mangyari, ‘wag na ‘wag mong iiwan yung anim na yan! Tandaan mo may utang ka pa kay Kuya Jeno na 500 kasi wala kang dalang pera nung gumala kayo! Nag-promise ka rin kay Kuya Jaemin mo na magmomodel ka sa kanya once na naging professional na photographer na siya sa hinaharap. Magpapa-commission ka pa kay Kuya Renjun gagi sana ‘wag mahal singilin sayo ‘no. A-attend ka pa ng kasal ni Kuya Mark at Kuya Haechan mo, ref daw iregalo mo sa kanila choosy pa nga mga epal! At kay Chenle, pls parang-awa ‘wag mo iiwan yan gago ka! Best friend mo yan, kaya kahit anong mangyari, walang iwanan ha, i trust you bro. yun lang hehe ang haba na pala.

 

- Poging past self mo

 

Napangiti si Jisung pagkatapos mabasa ang sulat. All he can think of is the fact that things changed. Na maski siya nagbago rin. But he will try, susubukan niyang tuparin ang mga hiling ng labing limang taong gulang na Jisung. 

 

 

May 18, 2012

 

“For the first time mukha kayong matino ha,” Wika ni Renjun habang inaayos ang necktie ni Chenle.

 

“Hanep na crossover, tatay figure na pala si Poseidon ngayon.” Sabi ni Haechan na kararating lang. Nasa Activity Center sila ngayon dahil doon na parehas gaganapin ang Greek Gods Pageant ng grade 10 at Business Plan Presentation ng mga Grade 9. 

 

“Dumi ng pusod mo!” Pagsingit naman ni Jeno sa usapan. Eros kasi ang costume ni Haechan, at kanina pa siya nagpapacute, shooting arrows and blowing kisses at everyone. 

 

“Hindi valid opinion ng mga labas ang dede! Yuck takpan mo nga yan gago ang laswa Lee Jeno!” Agad namang kinuha ni Jeno ang jacket niya para takpan ang sarili. Really, bakit sa lahat ng Greek Gods, si Apollo pa ang napunta sa kanya? And from all the costumes, why did he get the most revealing one? 

 

“Sa’n si Mark?” Tanong ni Jisung. May itatanong kasi siya tungkol sa isang bagay sa report na hindi niya maintindihan.

 

“Nagbibihis pa kasama si Jaemin.” Sagot ni Haechan. 

 

“Ano ba yan? Do you need my help my dear junior?” Dagdag niya.

 

“‘Wag kang makikinig d’yan Ji, puro kalokohan lang alam niyan.” Sabi naman ni Renjun na kasalukuyang inaayos ang spear na ginawa niya para sa pageant.

 

“Excuse me? Mas mataas nga grade ko sa’yo sa ESP!” 

 

“Do’n ka nga lang ‘di bagsak!”

 

Maya maya pa ay dumating na din si Mark kasama si Jaemin. And wow, ang pogi ni Jaemin sa suot niyang Hades inspired fit. 

 

“Gago Jaem! Kinabog mo si Aphrodite! Ang pogi pogi mo huhu,” Sabi ni Haechan. Umikot naman si Jaemin at umaktong parang prinsesa.

 

“As far as I remember ako ang jowa mo?” Wika ni Mark na si Zeus ngayon. And now, he’s pouting.

 

“Selos naman ‘to! Syempre gwapo ka din Maki!”

 

 

“Oh ano dala niyo na ba yung letters niyo?” Tanong ni Haechan sa lahat. Nasa ilalim sila ng hugis parisukat na puno ng sampalok na nasa tapat lang ng playground. Dito sila madalas tumambay dahil lilim nga sa ilalim ng parisukat na puno at tahimik ang lugar dahil kaunting mga bata lamang ang naglalaro sa palaruan.

 

“Hades nanghiram ka na ba ng pala kila Kuya Orly?” Tanong ni Haechan kay Jaemin. Ngumuso naman ito sa kinaroroonan ng pala.

 

“Handa ka na bang maghukay Apollo?” Tumango naman si Jeno.

 

“Yung mga capsule Poseidon nasaan?”

 

“Muntanga ka! Tapos na yung pageant in character ka pa rin!” Sabi ni Renjun kay Haechan na hanggang ngayon ay may hawak pa ring pana.

 

“KJ neto! Oh, eto na yung mga capsule mga dakilang gods ng Olympus at sa dalawang business man d’yan,” Inabot naman ni Haechan ang mga capsule sa bawat isa.

 

“Red akin, fave ko ‘yan Kuya,” Inabot naman ni Haechan kay Jisung ang nag-iisang pulang capsule.

 

“Ilagay niyo na ha, amin na yung iyo Jeno maghukay ka na.” Kinuha niya kay Jeno ang sulat, akmang sisilipin na ito ni Haechan ay nagsalita naman si Jeno.

 

“‘Wag mo babasahin yan gago ka baka ihampas ko ’tong pala sa’yo.” Seryosong sabi ni Jeno. 

 

“Yes boss!” Sumaludo pa nga si Haechan, takot na lang niya kay Jeno.

 

Pagkatapos maghukay ni Jeno ay nilagay na nila ang mga capsule sa hukay. Bago tabunan ay nagsagawa pa nga ng oath si Haechan. Baka daw kasi maging missing in action ‘tong mga ‘to kaya he prepared a small oath taking event para masigurado na pupunta sila after 10 years.

 

“Itaas ang kanang kamay and repeat after me, I, Donghyuck Lee,” Wika nito.

 

“I, Donghyuck Lee,” Wika ng anim.

 

“Gago pangalan niyo kasi!”

 

“I, pangalan,”

 

“Funny ka na niyan Jeno?”

 

“Tangina mo,”

 

“Ayusin na kasi.” Sabi naman ni Mark na nagpatigil sa pag-aaway ng dalawa.

 

“I, Donghyuck Lee,”

 

“I, Mark Lee,”

 

“Yie kasal yan magka-apelyido na agad?” Kinikilig na sabi ni Chenle. Lahat sila ay nakataas pa rin ang kanang kamay.

 

“Enebe!” 

 

“Pota ayusin n’yo na nga!” Renjun said.

 

“I, Jeno Lee,”

 

“Thirdwheel ampota,”

 

“Gago ka ba?”

 

“I, RENJUN HUANG,” Nilakasan na ni Renjun ang boses niya para matigil na ang  bangayan ng dalawa.

 

“I, Jaemin Na,”

 

“I, Chenle Zhong,”

 

“I, Jisung Park,”

 

“Ano nga ulit sunod do’n?” 

 

“Putangina mo Haechan,” Kinuha naman ni Haechan ang kodigo niyang nakatago sa bag.

 

“Ay eto, do solemnly swear, that I will make time to open this capsule 10 years from now, on May 18, 2022, so help me God.” The others repeated what Haechan said. Binaba na nila ang mga kamay nila at nagsimula nang tabunan ang hukay kung saan nakalagay ang mga capsule. Humagulgol pa nga si Haechan at Jaemin na para bang namatay na tao ang tinatabunan nila imbes na kahon ng mga sulat.

 

“Sandali lang sana ‘yon ang dadaldal niyo kasi!” Sabi ni Renjun. 

 

“10 years pa, baka makalimutan na natin yan.” Mark said. Tumango-tango naman ang lahat and they collectively stared at someone. It isn’t a lie that Jeno is the most responsible among them. Siya yung tipo ng tropa na nagpapakopya ng assignment o maski quiz sa mga kaibigan niya. Siya nga yung dahilan kung bakit kasabay pa rin nila grumaduate ng Junior High si Haechan ngayon.

 

“Bakit?” Tanong niya. He looks like a confused dog habang nakatingin ang anim sa kanya.

 

“You know Jeno, ikaw pinakamatandain sa’ting lahat kaya dapat ipaalala mo sa’kin ‘tong araw na ‘to 10 years from now.”

 

“Gege,”

 

“Ano uwi na ba tayo?” Tanong ni Renjun sa barkada. Nangangati na kasi siya sa costume niya at mukha silang tanga ngayon.

 

“Bili muna tayong maruya kila Aling Cila tapos tambay tayo dito, kunin ko yung camera ko tas pictorial tayo.” Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi ni Jaemin. 

 

“Sama ko sa bahay niyo Jaem, hiram ako jacket.” Renjun slings his arms on Jaemin’s at umalis na sila.

 

“Kami na ni Lele bibili ng maruya, softdrinks ba gusto niyo?” 

 

“Libre mo Jisung? Mehehehehe,” Pambuburaot ni Haechan.

 

“Sige sige,”

 

“Ay wow, rich kid ka nga pala Ji,” 

 

“Kitakits na lang dito ha! Bilisan niyo!”

 

 

May 18, 2022

 

“Putangina bakit ba nagpunta pa ko dito?” Narinig niyang sabi ni Chenle. Agad agad itong naglakad palayo at sumakay ng kotse. Hindi na narinig ni Chenle ang pagtawag ni Jeno sa kanya. Walang nagsalita sa kanilang lahat, dahil alam na alam nila ang nararamdaman ni Chenle ngayon.

 

“Sino ba kasing nakaisip na magandang plano na ituloy pa ‘to?” Tanong ni Renjun sa kanilang lahat. 

 

“Sa lahat ng nandito ngayon, si Chenle ang pinaka-nasaktan. You all owe him an apology.” Nakayukong sabi ni Jeno. Walang sumagot sa kanya dahil alam nilang tama si Jeno. Chenle deserves an apology, even if it’s long overdue. 

 

“Nagulat na lang ako nung sinabi niyang pupunta siya, kasi kung ako ‘yon, siguradong hindi ako pupunta.” Dugtong pa ni Jeno. 

 

“Iniwan ako eh, kaya ba’t pa ko babalik?” Jeno let out a sad smile. Naglakad na rin ito palayo, naiwan ang lahat na tulala. Napansin na lang ni Jisung ang paghikbi ni Renjun sa gilid niya.

 

“Kasalanan niyo ‘tong dalawa.” Sabi ni Renjun habang nakatingin kay Mark at Donghyuck.

 

“Wow Renjun, sinabi ba naming lumayo ka? You did that on your own, ikaw ang unang nang-iwan!” Sigaw ni Donghyuck. Isa lang ang alam ni Jisung, pagkatapos maghiwalay nila Mark at Haechan, naging busy na ang lahat sa pag-abot ng sari-sarili nilang pangarap, kaya ganito sila ngayon, hiwa-hiwalay. Ano ba talagang nangyari?

 

“Kuya tama na,” Inalalayan ni Jisung si Renjun na patuloy pa rin sa pag-iyak.

 

“Eto pa isa, palibhasa kasi wala kang alam sa nangyari.”

 

“Kasi ‘di kayo nagsasabi Kuya.”

 

“Kasi nga ayaw ipaalam ni Chenle sa’yo kasi masasaktan ka daw! Do you think me and Mark broke up in good terms? Na kaya hindi na nagpaparamdam si Renjun sa inyo ay dahil busy siya sa studies niya? Yung kay Jaemin medyo kapani-paniwala pa.” 

 

“A-ano?” 

 

“Jisung the reason we’re like this today is because of our issues! We didn’t drift apart dahil busy tayong lahat! At sobrang manhid ka para hindi mahalata ‘yon!”

 

“Tama na nga Donghyuck! Putangina naman!” Hindi napigilan ni Mark na magmura. 

 

“Jisung umalis ka na at ako na ang bahala dito.” 

 

“Pero Kuya Mark,”

 

“Please Jisung?” Mark pleaded. Halatang pagod yung mukha niya. Kaya napilitan na lang na umalis si Jisung. But deep inside, he’s going to figure out all the things that happened in the past.