Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2023-12-12
Words:
1,613
Chapters:
1/1
Comments:
4
Kudos:
184
Bookmarks:
13
Hits:
2,731

Will you marry me?

Summary:

Kung saan paulit-ulit si Seungcheol sa tanong na, "Will you marry me?" kay Jeonghan.

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Work Text:

Linggo ngayon, katatapos lang nila maglaba at nagpapahinga sila sa maliit na terrace ng kanilang nabili na bahay two years ago. Actually, hindi pa sila tapos maghulog pero limang buwan na lamang naman at kanila na ‘yon. Pinagsasaluhan nila ang isang bote ng coke kasalo at singkwenta pesos na hot monay na binili ni Seungcheol sa kalapit bahay nilang bakery, na may katerno na pritong itlog na niluto ni Jeonghan.

Tahimik nilang pinagmamasdan ang mga batang masayang naglalaro sa kalsada, nakikinig sa malakas na kwentuhan ng mga tricycle driver sa may kanto, tumatango sa mga kakilala na napapalingon sa gawi nila. They were spending their usual lazy Sunday afternoon, not until Seungcheol decided to break the silence between them.

“Will you marry me?” kaswal na tanong nito habang sinasalin ang natitirang laman ng bote sa baso nilang dalawa.

Napatigil naman sa pag-nguya si Jeonghan at nalipat ang tingin kay Seungcheol. “Oo nga,” tugon ni Jeonghan sabay irap dito at balik pag-nguya sa kinakain.

Narinig naman niya ang mahinang pagtawa ni Seungcheol at muling bumalik sa panonood sa mga bata. Pasimpleng tinapunan ni Jeonghan ng tingin ang binata. Bagama’t ilang beses na siya nitong tinanong ukol sa pagpapakasal, hindi pa rin maikakaila ang lakas nang pagkabog ng dibdib niya.

Nu’ng unang beses siyang tinanong nito, kagigising niya lang mula sa pagkaka-idlip, tanda niya pa may panis na laway pa siya no’n, tapos bumungad sa kaniya ang mukha nito. Ang laki ng ngiti ng labi na labis niyang ipinagtataka.

Katatapos lang nila mag-ayos ng mga gamit nila no’n, dahil kalilipat lang nila kaya naman as soon as they finished eating their late lunch nakatulog agad siya. Pagkakaalala niya rin, hindi ito nakaidlip kahit mas puyat ito sa kaniya. Kaya naman he was confused na kahit siya ‘yung nakatulog, si Seungcheol ay pagkalaki-laki ng ngiti sa labi.

“Will you marry me?” mahinang saad nito sa kaniya kasabay nang pag-ayos nito sa ilang hibla ng buhok niya na tumatabing sa mata niya.

“Sabog ka ba?” balik tanong niya rito.

Siguro dahil hindi pa talagang gising ‘yung diwa niya that time plus nakakasilaw ‘yung kagwapuhan nito kaya naman ‘yun ‘yung mga salita na lumabas sa bibig niya, idagdag mo pa na tila hinahalukay ang tiyan niya dahil sa tatlong salita na ‘yon ni Seungcheol.

Akala nga niya bigla itong maglalabas ng singsing kaya dali-dali siyang bumangon para sana magawa ‘yung infamous takip-ng-bibig-eyes-watery-while-saying-yes, kaso pagkatapos niyang tanungin kung sabog ba ‘to ay tumawa lang ito nang pagkalakas-lakas at niyakap siya. After no’n? Back to normal, balik paga-ayos ng mga gamit.

Ilang araw din pinilit kalimutan ‘yon ni Jeonghan. Bagama’t handa naman siya umoo rito, mukhang si Seungcheol pa ang hindi ready sa kanilang dalawa. Bukod sa wala naman itong singsing na inilalabas, puro tawa lang ito pagkatapos magtanong. Okay lang naman sa kaniya, after all, bukod sa marriage certificate? Tila mag-asawa na naman sila. Four years na sila magka-relasyon, dalawang taon bilang mag-live in partner. So he couldn’t ask for more, bonus na siguro ‘yung ayain siya nito magpakasal tapos ‘yung malakas na pagbayo nito thrice a week or every night lalo na kapag parehas silang ganado.

Kaso hindi pa man nakakalipas ang isang linggo muli na naman itong nagtanong. Tandang-tanda niya ‘yon dahil binibigyan niya ito ng homily habang tinutupi nang maayos ang mga labahin nila at damit nito na nagkalat sa iba’t ibang sulok ng bahay nila. Sobrang bwisit na bwisit siya rito.

Biyernes ‘yon ng gabi, kauuwi lang nila parehas sa trabaho, nauna lang ito ng ilang minuto dahil pinag-overtime siya sa work, walang bayad kaya naman mas mainit pa kay Pirena ang ulo niya.

Pagkapasok na pagkapasok niya ng bahay nila, bumungad ‘yung medyas nito na nakabagsak lang sa sahig kaya naman hindi pa man lumalapat ang paningin niya rito ay nagdire-diretso na ang bunganga niya.

“Seungcheol, naglagay na nga tayo ng laundry basket dito sa likod ng pintuan, hindi mo pa nagawang ilagay ‘yung pinagbihisan mo? Gaano ba kabigat ‘yang bayag mo at hirap na hirap ka maglakad ng dalawang hakbang para i-shoot man lang kahit medyas? Tangina naman. Galing mo magpasok ng tamod pero labahin hirap na hirap ka. Ang gago naman!” sermon niya rito.

Nilingon niya ito na prenteng nakaupo sa kanilang couch habang may hawak na sobre, hindi man kalinawan ang mata ngunit alam na alam niya na sweldo nito ang laman no’n. Pero inis pa rin siya kaya naman binato niya rito ang hawak niyang polo shirt at sinalo naman ito ni Seungcheol ng may ngiti sa labi, tapos nagniningning pa ‘yung mga mata. Parang gago talaga.

“Will you marry me?” muling tanong nito sabay tayo sa pagkakaupo at pinalibot ang naglalakihan nitong mga braso sa bewang niya.

Dahan-dahan naman nawala ‘yung inis na nararamdaman niya. Kasi ganu’n naman ‘yung epekto nito sa kaniya. ‘Yung tipong kahit bwisit na bwisit siya maghapon, isang yakap lang mula rito unti-unting kumakalma ‘yung naga-alburoto niyang utak at damdamin.

Yumakap siya pabalik dito at ibinaon ang mukha sa leeg nito. “Ikaw maghihiwalay ng puti sa de color mamaya ha?” bulong niya rito.

At gaya ng dati, muli lang siya nitong tinawanan at um-oo.

Simula no’n parang nakasanayan na rin niya ‘yung biglaang pagtatanong nito ng, “Will you marry me?”. Kahit nasa labas sila at busy siya sa pagpupunas ng pawis nito, bigla itong magtatanong. O kaya kahit nasa bahay sila ng mga magulang niya at nakikipaglaro sila sa mga pamangkin nila, bigla siya nitong hihilahin at bubulungan.

Meron pang instances na nasa jeep sila, dahil halos puno na, hindi sila nagkalapit. Magkatapat sila no’n, ramdam niya ang paglalagkit ng balat dahil sa init tapos bigla itong nag-message sa kaniya. Tinatanong ulit kung papakasalan niya ito kaya naman ni-reply-an niya lang ito ng “:P” after ma-receive nito ang reply niya, napahagikhik na naman ito dahilan para mapa-ngiti rin siya.

Simula no’n parang naging inside joke na nila ‘yung tanong na ‘yon ni Seungcheol, kaya naman hindi na niya sineryoso. Trip lang talaga siguro nito. Weird na trip pero siya rin naman may mga unusual na tinatanong dito gaya ng, “Mas magaling ba akong chumupa kaysa sa ex mo?”

Kung gaano siya kasigurado na mas magaling siya sa pag-romansa sa malaking tite nito ay ganu’n din siya kasigurado sa pagmamahal na mayroon siya para kay Seungcheol.

Kabisado na niya ang likaw ng bituka nito, ‘yun ‘yung pagkakaalam niya pero once they started to live together na-realize niya na ang dami pa niyang bagay, habit, ugali na natutuklasan mula rito. At isa na nga roon ang biglaang pagtatanong nito sa mga oras na pinaka hindi niya inaasahan.

At sa bawat oras na ‘yon, hindi nagbabago ang epekto nito sa puso at sistema niya.

Para siyang natatae.

Biglang nanlalamig ‘yung pagkatao niya.

Tila tumakbo siya nang pagkalayo-layo sa lakas ng kabog ng dibdib niya.

Tapos mapapalitan ng confusion.

Mapapaisip siya, ano na naman ang pumasok sa isip nito para tanungin siya nito.

Pilit niyang pinagku-kumpara ang mga oras na nagtatanong ito.

Pero walang nagkaka-tugma, lahat magkakaiba.

Laging biglaan.

Hindi niya masundan ‘yung pattern o kung may pattern man siyang sinusundan.

Siguro kung may halos pagkakaparehas man ‘yung mga oras na tinatanong siya nito ng, “Will you marry me?” ito ay sa tuwing ginagawa nila o ginagawa niya ‘yung daily routine niya.

Gaya nu’ng isang linggo, parehas silang maaga ang pasok kaya naman sabay silang nagt-toothbrush. Parehas silang nakatitig sa salamin habang busy ang kamay nila sa pagkuskos sa mga ngipin nila, nagkasalubong ‘yung tingin nila kaya naman otomatikong nginitian niya nito, kaso imbes na ngumiti pabalik, tinigil nito ang pagse-sepilyo at nagsalita.

“Will you marry me?” bagamat seryoso ang tono ng boses, kita naman sa mata nito ang nagu-umapaw nitong pagmamahal at respeto para kay Jeonghan.

Hindi na dapat siya nagugulat sa tanong nito kaso kakaiba ata ang lamig ng umaga na ‘yon, idagdag mo pa na topless ito kaya naman unlike the usual pangbabara or sarcastic answers na binibigay niya rito. Iba ang sinagot niya.

“Oo naman,”

Simula nu’ng araw na ‘yon, araw-araw na ‘tong nagtatanong, ginawang good morning at good night ‘yung will you marry me. At kung hindi napapagod ito magtanong nang paulit-ulit, hindi rin naman siya tumigil kasasagot ng, “Oo nga.”

Lumipas muli ang isang linggo. Linggo na naman. This time lomi naman ang pinagsasaluhan nila sa terrace ng kanilang bahay. Marami pa rin mga bata sa kalsada, maingay pa rin ang mga tricycle driver sa kanto, may mangilan-ngilan silang kakilala na napapadaan sa lugar nila na binabati nila. Tipikal na linggo. Medyo hapo sa paglalaba at pagsasampay pero masaya at kuntento. Maliban siguro sa bagong pintura ang tapat na bahay, wala naman kakaiba or bago.

Kaya naman nu’ng binasag muli ng Seungcheol ang katahimikan at tinanong siya nito habang busy siya sa paghihiwa ng sili sa platito, otomatiko siyang sumagot ng oo.

Pero imbes na tawa ay naagaw nang pagtayo nito sa upuan ang atensiyon niya.

Wala naman bago sa araw na ‘yon pero tila mas lumakas ang kabog ng dibdib niya ng lumapit ito sa tagiliran niya.

Mas nanlamig ang buong pagkatao niya ng may kuhain ito sa bulsa.

Mas tila nagwala ang kalamnan niya ng lumuhod ito.

At mas nangilid ang luha niya ng buksan nito ang maliit na kahon na hawak nito.

“Will you marry m-me?” ulit na tanong ni Seungcheol, napiyok pa dahil sa pinipigilan na luha.

Wala naman bago sa araw na ‘yon, maliban siguro sa amoy ng bagong pintura sa katapat na bahay.

Maraming bata sa kalsada ang patuloy na naglalaro.

Maingay ang mga tricycle driver sa kanto.

Pero sa daliri ni Jeonghan, isang simbolo ng pangako ng pagmamahal ang nailagay.

Walang bago sa paligid, sa mga tao, pero may panibagong yugto sa kwento ng kanilang buhay.

Notes:

sana napansin niyo 'yung pattern ni seungcheol kapag nagtatanong siya at kung bakit inabot ng two years bago niya ilabas 'yung singsing. and yes, matagal ng may singsing si seungcheol!

follow me sa x app @/borta_cheolito hehe