Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationships:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2024-04-25
Words:
2,075
Chapters:
1/1
Comments:
2
Kudos:
20
Hits:
678

Tara, Sayaw?

Summary:

mikhcey. bffs. prom. tara, sayaw?

Notes:

it's unfinished. expect errors as i wrote this a long time ago and only slightly changed it for the sake od the characters.

+ it's written in a way like a script but it's not really a script haha

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Nakita ni Stacey ang poster ng Christmas Ball event na isang pakulo ng student body government ng kanilang eskwelahan para sa mga estudyante bago sila magbakasyon dulot ng pasko.

Sinend ni Stacey ang post ng student body government patungkol sa event sa kanyang matalik na kaibigan na si Mikha.

STACEY

Babi!!! Tignan mo! Christmas Ball daw yieeeee.

MIKHA

Wow, ang dami nilang time para mag-prepare ng ganyang event ha.

STACEY

May budget yata sila hahahaha. Punta ka?

MIKHA

Hindi naman ata required yan so baka hindi na lang.

STACEY

Hala siya. Kahit na hindi required, ayaw mo ba ma-experience? Diba wala tayong prom nung high school? Mukhang ito na redemption arc natin oh!

MIKHA

So, pupunta ka?

STACEY

Oo naman noh! Sayang din, mukhang maganda naman yung event eh. ‘Di mo ba sasamahan yung maganda mong kaibigan? Iiwan mo lang ba ako mag-isa?

MIKHA

Baka ako pa iwanan mo, Staks. Nararamdaman kong baka may isama kang date dyan hahaha.

STACEY

Uy, hindi ah promise. Saka kung meron man, why not? HAHAHAHA. Basta sasabihan kita kung meron man, hindi naman kita iiwan lang ng walang paalam kaya, sama ka na please? Samahan mo ko, tayo na lang mag-date.

MIKHA

Pag-isipan ko muna. Baka mamaya kasi may ibang plano din kami ng fam sa 21. Sabihan na lang kita.

STACEY

OKAY OKAY! Kaya the best ka aking bff, lalabs, loml, aking alindog.

MIKHA

Weirdo hahaha. Kitakits nalang mamayang flag cem.

 

 

Naglalakad na papunta sa kanilang eskwelahan si Mikha. Hindi siya ganun kaaga dumating kaya medyo marami na din na mga estudyante ang nasa grounds. Tirik ang araw dahil umagang-umaga at sa libo-libong mga tao na nasa paligid, napadpad ang kanyang mata sa isang babae na mas lalong gumanda nang lumapat sa kanyang mukha ang sinag ng araw.

Si Stacey.

Dahan-dahang lumapad ang mga ngiti ni Mikha nang pagmasdan nya ang kaibigan. Hindi naman batid kay Mikha ang kanyang nararamdaman para kay Stacey. Matagal na nya itong gusto ngunit dahil sa takot na mawala ang kanilang pagkakaibigan, itinatago na niya lamang ito, hanggang sa...

Ang ganda mo.

Paano kung umamin na ako sa’yo?
May mawawala ba kung aamin ako?
Mawawala ba tayo?

Ang ganda mo.

Christmas ball… Umamin na kaya ako sa araw na iyon? At least pagkatapos, bakasyon naman agad. Hindi ko na siya muna makikita-

Naputol ang pag-iisip ni Mikha nang mapansin siya ni Stacey na kanina pa siya hinihintay. Kinawayan niya ito at ipinalapit sa kanyang tabi.

STACEY

Kanina ka pa? Bakit ‘di ka dumiretso dito?

MIKHA

Ah, kasi ano. Napatigil ako kasi.. Ang silaw sa pwesto mo, bakit dito ka naman pumila?

STACEY

Okay na yan, tiis ganda kung maganda naman view mo kay crush.

MIKHA

Ha?

STACEY

Ay, hindi ko pa pala nasasabi sayo hehe. Tingin ka sa harap, sa may bench.

MIKHA

Oh, ano meron?

STACEY

Kita mo yung babae dyan na maganda? Ayun yung nakaputi. Crush ko yan hihi, sakin yan ha! ‘Wag ka mang-agaw, hanap ka ng sarili mong crush.

MIKHA

(Biglang sumikip ang dibdib ni Mikha)

Maganda nga, parang type ko din, Staks.

STACEY

TANGINA KASASABI KO LANG, MIKHS!

MIKHA

Gago, ‘wag ka nga maingay. Joke lang eh. Ganda naman pala ng taste mo eh, bading ka.

STACEY

Nana, alam ko sinabi ko kanina na ikaw date ko sa ball pero, pwede ko ba siya yayain?

MIKHA

(Napatingin lang sa sahig si Mikha habang pinapakalma ang puso)

Mukha ba nanay mo ko? Bakit sakin ka nagpapaalam?

STACEY

(Pouty na sagot ni Stacey)

Eh syempre, ikaw yung babi bestie ko! Ikaw din niyaya ko nung una tapos ganito.

MIKHA

(Sena finds her cute despite what she feels)

Oo na, alam mo naman na support kita sa kahit ano. Basta kapag ayaw sayo, sakin na lang ha?

STACEY

ULOL! HAHAHAHAHA. The best ka talaga! I love you, babi! Pa-kiss nga!

MIKHA

(Smiles weakly)

Bading ka. Umayos ka na nga, magsisimula na flag cem.

Baka sa susunod na lang aamin.
Baka hindi na lang.
Huwag na lang.

 

 

Mag-isa si Mikha na pumunta sa canteen. Simula nung flag ceremony, hindi na niya lagi napapansin si Stacey dahil abala ito sa pakikipag-usap kay Jhoanna, kanyang crush. Balak ni Stacey na yayain si Jhoanna sa kanilang Christmas Ball bilang date.

Nagkakausap lamang si Mikha at Stacey kapag may kwento ito tungkol kay Jho o nalalaman na lang ni Mikha kung kamusta si Stacey mula sa kanyang mga tweets na ang laman lang din ay puro si Jho.

Kumakain ng payapa si Mikha nang biglang…

STACEY

MIKHAAAAAAA!

(niyakap niya ito)

MIKHA

(nagulat ito at nahiya dahil maraming nakatingin sa kanila sa lakas ng boses ni stacey)

Staks, ano ba, nakakagulat ka naman.

STACEY

Na-miss kita aking alindog, my jollyhotdog.

MIKHA

Para kang gago.

STACEY

Wow, wala man lang I miss you too? Grabe ka na babi, ayoko na, itigil na natin to.

MIKHA

Papansin. Ba’t ka nandito?

STACEY

Sungit mo naman, Mikhs. Gusto lang naman kita maka-bonding kasi tagal na natin di nagkikita! ‘Di mo ba ko namiss?

(Pout)

MIKHA

Oo na, namiss din kita.

STACEY

(smiles widely and scoots closer to mikha)

May dala akong Jabee. Sayo tong Sundae, gusto mo yan diba? May fries and burger din ako dito, kuha ka lang.

MIKHA

(smiles widely too)

Okay.

STACEY

Nga pala. Natanong ko na si Jho.

MIKHA

About saan?

STACEY

Yung sa ball and guess what? MAY DATE NA KOOOOOOO!!!

MIKHA

(smiles bitterly)

May tapang ka naman pala.

STACEY

Oo naman noh! Ako ang no.1 bading sa atin. Ikaw ba?

MIKHA

Ano meron sakin?

STACEY

May isasama ka bang iba? Date?

MIKHA

Wala. Saka parang wala na din ako gana pumunta dun.

STACEY

Ha? Seryoso ba? Nana, kung gusto mo pwede ka naman samin sumama ni Jho.

MIKHA

Ayoko maging third wheel, tanga. Okay lang ako. Maglalaro na lang ako sa bahay para bawas gastos din.

STACEY

Okay pero ano, may favor ako.

MIKHA

Ano yun?

STACEY

Hindi ko naman hihingin tulong mo kung hindi ko talaga sobrang kailangan diba? Um, ano kasi. Wag ka tatawa ha.

MIKHA

Ano nga? Pabitin ka pa.

STACEY

Ano, um. Pwede mo ba ako turuan sumayaw?

MIKHA

(halos mabilaukan sa kinakain niyang fries)

STACEY

Sabi ko wag ka tumawa eh. Oo na alam ko hindi ako magaling sumayaw.

MIKHA

Sakin ka pa talaga nagtanong? Alam mo naman na hindi ako sumasayaw.

STACEY

Eh, ikaw lang naman mapagtatanungan ko. Nakakahiya kaya magtanong sa iba!

MIKHA

Wow, may hiya ka pa pala. Saka ano ba, hindi nga din ako marunong sumayaw so ano mangyayari satin?

STACEY

Expected ko na din naman yan kaya naisip ko, what if mag-practice tayo both? Win-win situation din naman. Matututo tayo sumayaw tapos malay mo may mahanap ka or may magyaya sayo maging date nila, so at least, alam mo na!

MIKHA

Ewan ko sa’yo. Ayoko na nga umattend ng ball tapos ganyan mga idea mo.

STACEY

Bilis na kasi. Pleaaaaaase? Lilibre kita ng 1 month. Promise! After bakasyon nga lang ha? Tapos pwede mo din ako utus-utusan after! Gagawin ko lahat ng gusto mo! Basta samahan mo lang ako matuto. Sige na please, Babi ko?

MIKHA

Paano naman ako makakahindi sa’yo kung ganyan ka?

Okay. Basta ganito na lang. Samahan mo ko mag-binge watch ng One Piece in 1 month, after bakasyon.


STACEY

(nanlaki mata)

Sure ka? Yun talaga gusto mo? Mas gusto mo pa manood kesa sa libre ko? Final na talaga? Hindi ka na magbabago ng isip?


MIKHA

Alam mo, kung ayaw mo manood, hindi din kita tutulungan. Ganon lang naman kadali yu-


STACEY

CALL! AKO NA BAHALA SA PULUTAN HABANG NANONOOD! Madali lang din naman ako kausap.

(smiles widely)

Start tayo mamaya agad, if okay lang? Sa bahay tayo, wala naman tao dun.


MIKHA

Okay. Wait mo na lang ako, may need lang ako asikasuhin after class, mabilis lang.

 


STACEY

Welcome to my humble abode!


MIKHA

Para naman di pa ko nakapunta dito.


STACEY

KJ mo naman!

Naupo sa sofa si Mikha at tila ba’y feel at home na ito dahil ilang beses na din siya nakapunta dito. Nagpalit ng damit sa taas si Stacey at kumuha ng ilan sa kanyang mga damit para ipahiram sa kaibigan.


STACEY

Oh. Magpalit ka muna para di pagpawisan uniform mo.


Mikha

Thank you.

Nagpalit ng damit si Mikha at nang bumalik ito sa sala, nakita niya si Stacey na naghahanap ng tutorial sa YouTube kung papaano sumayaw.


MIKHA

Hoy. Ano hinahanap mo dyan?


STACEY

Tutorial kung paano sumayaw.


MIKHA

‘Wag ka na maghanap.


STACEY

Ha? Eh paano tayo matututo?


MIKHA

‘Wag na nga kasi. Alam ko kung paano.


STACEY

(nanlaki ang mga mata)

SABI MO KANINA HINDI KA MARUNONG?!


MIKHA

Hindi naman kasi talaga. Pero ano, nahila kasi ako ni Sheena dati sa first day ng dance club. Lakas kasi ng trip non tapos ayun, tinuro nila kung paano mag-waltz.


STACEY

(pinipigilan tumawa)


MIKHA

Sinasabi ko na eh. Kaya ayoko sabihin sayo na nangyari yun kasi pagtatawanan mo lang ako. Ano, gusto mo ba matuto o ano?


STACEY

Grabe ka naman sakin. Akala ko ba wala dapat secrets sa isa’t isa? Saka, hindi naman kita huhusgahan. Siguro tatawa lang ako sa una pero hindi kita huhugsahan promise.


MIKHA

Tangina mo.


STACEY

HAHAHAHAHAHA, joke lang, babi. Ito na serious na.

(brought out her hand and smiles mischievously)

Tara, sayaw?


MIKHA

(holds her hand)

Tara.

Para matapos na to.

 

♬BINIBINI BY ZACK TABUDLO PLAYS♬


MIKHA

(nilagay ang kamay ni stacey sa balikat at ang kanyang kamay sa bewang nito)

Marami namang ways kung pano mo siya isasayaw, ikaw na bahala kung paano mo siya gusto hawakan habang sumasayaw kayo pero sa ngayon, hawak ka muna sa balikat ko.


STACEY

(only nods, seriously)


MIKHA

(finds her cute but does not point it out)

Sundan mo lang ako. Dahan-dahan lang para hindi natin matapakan isa’t isa.


STACEY

Okay.

Isang hakbang sa Kanan.
Isang hakbang sa Kaliwa.


MIKHA

Madali lang diba?


STACEY

Ganito lang ba talaga siya kadali? Baka dinodogshow mo ako ha.


MIKHA

Ang hirap mo maging estudyante. May trust issues.

Isang hakbang sa Kanan.
Isang hakbang pa-abante.

Aray.


STACEY

Shit! Sorry, masakit ba? Okay ka lang?


MIKHA

Hindi, okay lang.


STACEY

Sure ka?


MIKHA

Oo. Okay nga lang ako, parang di mo naman ako naapakan dati pa. Saka kapag aabante ako, aatras ka, okay? Ganun din kung aatras naman ako saka ikaw aabante.

Tara, tuloy natin?


STACEY

Okay, sorry ulit.

Isa pa.
Isang hakbang pa-kanan.
Isang hakbang pa-abante.

Dahil sa takot na baka maapakan niya ulit si mikha, tutok si stacey sa kanilang mga paa. Habang si mikha, sinulit ang sandali para pagmasdan ang kaibigan ng matagal. Napatingin pabalik kay mikha si stacey at nagulat si mikha kung kaya't si stacey naman ang nakaapak dito.


STACEY

ARAY KO! PAKSHET KA


MIKHA

SORRY!


STACEY

Ang sakit mo magturo beh.


MIKHA

Sorry. Ikaw kasi eh.


STACEY

Kasalanan ko pa pala? Shuta ka


MIKHA

HAHAHAHAHAHA. Sorry na nga. Ito na promise, focused na.

Isa pa ulit.
Isang hakbang pakanan.
Isang hakbang pa-abante.
Isang hakbang pa-kaliwa.
Isang hakbang pa-atras.

 

At sa bawat paglawak ng mga ngiti katatawa at bigat ng paghakbang ng kanilang mga paa ay unti-unti rin lumalalim ang pagtingin ni Mikha sa kaniyang kaibigan.

 

Pero...

 

Kahit kailanman, hinding hindi niya ito malalaman.

 

 

Katulad ng sinabi niya kay Stacey, nanatili lamang talaga sa bahay si Mikha at tutok sa kanyang computer na naglalaro habang hindi na namalayan ang oras.

8pm.

Ang tagal ko na din palang naglaro, nagugutom na ‘ko.

Binukas ni Mikha ang kanyang phone upang tingnan ang mga stories, posts o tweets ng kanyang mga schoolmates o kaibigan tungkol sa Christmas Ball.

Mukhang masaya naman.

Kamusta na kaya si Staks? Sobrang saya niya siguro haha.

Paano kaya kung pumunta ako? Isasayaw kaya niya ‘ko?

Ano ba tong iniisip ko. Makakain na nga lang.

Kumuha ng makakain si Mikha at nang akma na siyang kakain, biglang tumunog ng malakas ang kanyang phone at sa gulat ay natapon niya ito.

AY PUTANGINA!

Shuta, yung puso ko!

Sino ba tong tumatawag?

“staks <3”

Dali-daling sinagot ni mikha ang tawag.


MIKHA

Staks?


STACEY

[silence but the background noise of the ball could be heard]


MIKHA

[napatingin sa screen to check if the call got through]

Staks? Andyan ka ba? Ano meron? Kamusta yung ball? Nasayaw mo ba si Jho?


STACEY

[humikbi]

Mikhs…


MIKHA

[napatayo]

Staks, nandito si babi. Nandito ako. Puntahan ba kita dyan?


STACEY

Yes, please


MIKHA

[nagmamadali]

Okay, dyan ka lang kung nasan ka, ha? ‘Wag mo na ibaba yung call hanggang wala pa ko dyan. Papunta na ko, Staks.

Notes:

this was supposed to be a fic for ssamkkura and it's long overdue na, i wanted to release it still kasi parang sayang yung slight kilig hahaha + thought it fitted mikhcey :)