Work Text:
Hindi naman talaga sinasadya ni Donghyuck, alam naman niya ang complications and consequences ng pagkakagusto niya best friend niya.
According na rin sa unreliable sources ni Donghyuck, alam niya rin na 6/10 sa taong nahulog sa best friend nila ay hindi happy ang ending, dahil mas madalas nga na ending lang. Na sa isang maling pag-amin, pati pagkakaibigan na nabuo ng maraming taon ay masisisra, magugulo, at maglalaho na parang bula.
Pero si Mark kasi ‘yon. Si Mark na binibigyan siya ng Potchi no’ng Grade 7 sila tuwing mataas scores niya sa mga exam. Si Mark na tinuruan siya mag gitara no’ng Grade 8 sila kasi naging paborito niyang kanta ang Teardrops on my Guitar ni Taylor Swift. Si Mark na hinihintay matapos ang practice niya sa choir para sabay silang umuwi no’ng Grade 9. Si Mark na no’ng Grade 10 sila ay binuhat siya mula school gym hanggang clinic dahil nawalan siya ng malay nang matamaan siya ng bola ng volleyball.
Si Mark.
Puro na lang si Mark. Si Mark na walang malay na may gusto sa kaniya ang bestfriend niya.
Hindi naman talaga sinasadya ni Donghyuck, pero kung tatanungin mo siya kung pinagsisisihan niya ba na nagkagusto siya kay Mark ay mabilis pa sa alas kwatro ang magiging paghindi niya. Kasi nga si Mark Lee na ‘yon e.
Si Mark na binilihan siya ng isang pint ng vanilla ice cream para gumaan loob niya kasi mababa grade niya sa Physics noong Grade 11 sila. Si Mark na tinanggihan ang mga nag-aya sa kaniya maging partner sa prom nila no’ng Grade 12 para parehas silang solo flight no’ng gabing ‘yon. Si Mark na noong first year college sila ay in-adopt ‘yong kuting na nakita niya sa may 7-Eleven dahil allergic siya at gegerahin siya ng landlady niya pag nag-uwi siya ng pusa sa dorm.
Kaya heto siya ngayon, daig pang may utang sa best friend niya kung maiwasan ito.
Nagpapasalamat na rin si Donghyuck na magkaiba sila ng program ng kaibigan. Kasi kung nagkataon ay hindi niya alam ang gagawing pag-iwas.
Tulad ngayon, last day ng midterm nila at sa wakas ay tapos na niya itake lahat ng exams niya, balak na lang sana niya bumalik sa dorm para humilata, dahil kahit Biyernes na ngayon ay pang sunod na Biyernes na ang pagod niya.
Pero paano niya iiwasan si Mark, kung saulo ng lalaki ang schedule niya. Nakita niya ito na nakatayo sa may hallway sa labas ng room niya, may hawak na supot mula sa Jollibee. Nakasuot ito ng plain white shirt na hapit na hapit sa braso, denim pants, black Vans at sakbat din nito ang kaniyang black backpack na pinili ni Donghyuck para sa kaniya bago magbukas ang school year.
Bakit kasi hindi tinake ni Renjun subject na ‘to, edi sana kasama ‘ko siya ngayon. Isip niya at maglalakad na sana sa kabilang direksyon ng tinawag siya nito. “Hyuck!”
Kaya walang nagawa si Donghyuck kung hindi ang lumingon kay Mark at ngumiti. “Mark, nandito ka pala. Hindi kita nakita,” pagsisinungaling niya.
Umiling si Mark habang nakangiti bago itinaas ang paperbag na hawak niya. Grabeng ngiti ‘yan. It makes Donghyuck want to drop everything now, ‘cause he see sparks fly whenever he see Mark smile. “Peach Mango Pie? Reward, dahil tapos na ang exams.”
Gusto sumabog ni Donghyuck, dahil alam na alam talaga ni Mark kung paano siya kunin. “Thank you,” Donghyuck muttered, bago kinuha ang isang Peach Mango Pie at nagsimulang maglakad palabas ng campus. “Musta exams?”
“It’s okay, nasagutan ko naman lahat. Grabe lang ‘yong isa kong minor subject, masyadong pa-major,” reklamo ni Mark na ikinatawa ng isa. “You?”
“Ayos lang din, pero yung pagod ko sagad sa kaluluwa.” Sagot ni Donghyuck at kumagat sa mainit init pang pie.
“So, no gala for today?” Tanong ni Mark, bago pinunasan ang gilid ng labi ni Donghyuck. Hindi alam ni Donghyuck kung anong gusto niyang gawin, ang huminto ba sa paglalakad or bilisan ang kaniyang lakad para makalayo kay Mark, bago pa maging sobrang obvious ng namumuong blush sa pisngi niya. Gago naman kasi, bakit ba kasi ganito kaalaga sa kaniya bestfriend niya.
Donghyuck tried his best to gather his thoughts and regain his composure in a short time. “Pass muna ako, nasabi ‘ko na rin kina Jaemin na hindi ako makakasama sa ganap hanggang bukas kung mayroon man.”
Tumango si Mark. “Then, hatid na lang kita sa dorm mo.”
“‘Wag na, walking distance lang naman dorm ko here.”
“I insist,” sagot ni Mark at nauna pang maglakad kay Donghyuck.
Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad at pagdadaldalan sa daan ay nakarating din sila sa dorm ni Donghyuck. Kasalukuyan niyang hinahalwat ang kaniyang bag para hanapin ang kanyang susi. “Gusto mo bang tumambay muna?”
Mark shook his head and stepped closer to the younger and tucked Donghyuck’s hair behind his ears. Hindi makahinga si Donghyuck. Feeling niya malalgutan siya ng hininga. “No na, just rest, hmm?”
Lumayo si Mark sa kaibigan at mukhang masisinok naman si Donghyuck dahil sa pinaghalong kaba at kilig.
“Sleep, Hyuck. Lumalaki na eyebags mo, mukha kang panda,” Asar ni Mark at tumawa.
“Gago ka! At least cute pa rin ako,” Depensa ni Donghyuck bago inirapan ang kaharap.
“Tama, cute ka pa rin. Cute ka naman talaga palagi,” Sagot ni Mark. “Sige na alis na ‘ko.” Paalam nito bago tinalikuran si Donghyuck na nakatulala sa may pintuan ng dorm niya.
Fuck, hindi ‘to tama. Kailangan ko talaga muna iwasan si Mark at gagalingan ko na next time. Isip ni Donghyuck.
The next time, turned out to be a supposed night out dahil alak na alak na ang barkada niya. The night is young, and Donghyuck, together with Renjun, Jisung, and Chenle were humming Sabrina Carpenter's Espresso over the bar's loud speaker.
“Nasan na daw sina Jaem at Jen?” Tanong ni Donghyuck bago lumagok ng Long Island Iced Tea na inorder niya 20 minutes ago.
“Parating na, hinintay daw nila jowa mong hilaw kasi kay Mark sila sumabay,” Sagot ni Renjun habang nakatingin sa kaniyang phone.
“Anong jowang hilaw?! Pauso ka!” Depensa ni Donghyuck sa kaibigan.
Tumawa si Jisung sa reaksyon ng kaibigan. “Tama naman, kuya Hyuck.”
“‘Wag ka ngang gatong kakasama mo ‘yan kay Chenle.”
Inirapan naman siya ni Chenle sa narinig. "Bakit totoo namang jowa mong hilaw ‘yon si Mark ah? Pati syempre sa ‘kin sasama ‘yang si Jisung, ako boyfriend e, subukan niyang sumama sa kabit niya at pipingutin ko talaga tenga niya,” Angil nito at saka nilaklak ang mojito sa harap niya.
“Relax baby, pati ako nadadamay,” Saad ni Jisung habang pilit na hinahabol ang kamay ng kasintahan.
“Manahimik nga kayo, ‘di ako makagpa-focus!” Saway ni Renjun.
“Focus saan?”
“Ano pa ba? Edi sa paghahanap ng boylet na mabibiktima niya for tonight,” Sagot ni Donghyuck sa tanong ng pinakabata. “Beh dahan dahan, mahaba pa ang gabi, baka mabali leeg mo kakalingon.”
“Nagsimula na kayo? ‘Di niyo man lang kami inintay?” Biglang singit ni Jaemin sa likod ni Renjun na ikinagulat nito.
“Ang tagal niyo kasi!” Reklamo ni Donghhuck, bago umusog sa upuan para paupuin ang mga kaibigang bagong dating.
Dumampot si Jeno ng french fries na nasa table ng barkada. “Si Mark kasi bagal mag drive.”
Umupo si Jaemin sa tabi ni Jisung, samantalang si Jeno ay dumeretsyo sa counter para umorder.
“Si Mark?” Tanong niya kay Jaemin na ngumunguya na rin ng finger foods na inorder ni Chenle.
“Nagp-park pa, wag ka mag-alala,” Sagot nito at ngumisi, na inirapan naman ni Donghyuck.
“Sinong nagsabing nag-aalala ako?” Pabalang niyang sagot.
“Sinong nag-aalala?” Tanong ni Mark na ngayon ay nakatayo na sa may likuran ni Donghyuck at saka ginulo ang buhok ng nakababata. Mark’s voice was muffled by the music but it was clear in Haechan’s ear.
“Mark!” Haechan whined at iniiwas ang ulo sa kamay ni Mark, who chuckled and sat beside the younger.
“What did you order?” Mark whispered at Haechan’s ears. “Nakarami ka na?” Dugtong nito at saka inayos ang buhok ni Donghyuck na ginulo kanina.
Ang ingay ng paligid, from a Rihanna song blasting from the speakers, to the cheers of intoxicated people in the dance floor, to the shouts coming from the other side of the bar where a group of people were playing body shots. Pero ang tanging naririnig lang ni Donghyuck ay ang lakas ng tibok ng puso niya.
Muling naramdaman ni Donghyuck na kakapusin siya ng hininga dahil sa lalaking kaharap niya. “Puta,” saad ni Donghyuck.
“What? Are you okay?” Takang tanong ni Mark. "Lasing ka na ba Hyuck?"
Gustong umiling ni Donghyuck, but his body was frozen. He couldn't even look away from the gorgeous gorgeous man in front of him who was tilting his head with worry evident in his round twinkling eyes.
Napalunok si Donghyuck, bago dali daling tumayo. “Alis na 'ko,” Malakas niyang paalam para marinig ng mga kaibigan.
Mark grabbed Donghyuck's hands. “Is everything alright?” Mark asked, his perfectly arched eyebrows raising, and Donghyuck felt shivers running down his spine from the touch. Hindi naman ‘yon ang unang beses siyang hinawakan ni Mark, pero simula no’ng narealized ni Donghyuck na may gusto siya sa best friend niya, bawat haplos nito ay parang nakukuryente siya.
Mababaliw yata si Donghyuck. No, scratch that, kasi baliw na nga yata siya kay Mark. “Oo, bigla ko lang naalala na may paper pa ‘kong due bukas.”
“Anong sinasabi mo?” Tanong ni Renjun bilang silang dalawa ang magkaklase sa barkada.
Nagpapanic na tinignan ni Donghyuck ito. “‘Yong paper natin sa Intro to Microecon!”
“Huh?” Naguguluhang tanong ni Renjun, marahil ay wala naman talaga silang paper na due bukas. Pero pinandilatan lang siya ni Donghyuck ng mata, subtly sending crisis signal sa kaibigan niya.
Nagpasalamat naman siya nang mukhang nagets ni Renjun ang ginagawa niya. “Gaga ka, di mo pa tapos 'yon? Gusto mo ba bumagsak kay Sir Park?”
“Oo beh hindi ‘ko pa tapos, hindi mo kasi pinaalala sa 'kin.”
“Ewan ko sa ‘yo, ang haba no’n umuna ka na!”
“Guys, alis na 'ko,” Muling paalam ni Donghyuck.
“Agad? Kararating lang namin,” Reklamo ni Jeno na kakabalik lang at may hawak na dalawang glass ng vodka.
Biglang tumayo si Mark na hawak pa rin ang kamay ni Donghyuck, na nagsisimula ng pasmahin sa kaba. “Hatid na kita. Nakainom ka na ‘di ba?” Wika nito at kinuha ang leather jacket ni Donghyuck sa couch na inupuan nila.
“Wag na!” Aligagang sagot niya. “Kararating mo lang Mark, ni hindi ka pa nga nakakashot, kahit isang beses.”
“Delikado Hyuck,” Abla ni Mark.
“Mag-Grab naman ako, okay? Stay here and enjoy the night,” Malambing na paliwanag ni Donghyuck at pinisil pa ang kamay ni Mark na nakahawak sa kaniya.
“You sure?” Mark asked and put Donghyuck's jacket around the younger’s shoulder.
Tumango na lamang si Donghyuck, kasi mukhang pipiyok na siya sa sobrang pagpigil ng nararamdaman niyang kilig. Ngumiti siya sa kaibigan para makumbinse ito.
“Mark mag order ka na, ako na maghahatid kay Hyuck palabas ng bar,” Utos ni Renjun.
Nagpaalam si Donghyuck sa mga kaibigan after saying sorry that he had to leave early. Tinaasan pa nga siya ng kilay ni Jaemin, na sigurado siyang tatadrarin siya sa text mamaya.
“Take care, Hyuck. Please text me when you get home,” Pahabol ni Mark.
Naglakad na si Renjun habang hila hila si Donghyuck palabas ng bar. “Gaga ka, you owe me one.”
“Thanks, Junie.”
“Bakit ba kasi uuwi ka na agad, wala naman talagang due bukas.”
Bumuntong hinginga si Donghyuck nang sa wakas ay nasa labas na sila ng bar. Saka pa lang din niya binuksan ang Grab app para magbook. “Hindi ko kaya Renj, baka malasing ako at mapaamin nang wala sa oras.”
“So naiwas ka? Hina mo naman, para hindi ikaw ang Donghyuck na kilala ko.”
“Halata ba?” Nag-aalalang tanong niya.
Tumawa si Renjun at saka kinurot ang pisngi niya. “Oo, kaya mas galingan mo ang acting next time.”
Sakto namang dating ng Grab ni Donghyuck. “Una na ‘ko. Enjoy the night, makahanap ka sana ng masarap ngayong gabi.”
Humagikgik naman si Renjun sa sinabi ni Donghyuck. “Go home and think, Hyuck. HIndi mo pwede laging iwasan si Mark.”
“Sige na,” Donghyuck said and entered the car.
Hindi mo pwede laging iwasan si Mark. ‘Yan ang paulit ulit na sinasabi ni Renjun sa utak niya. Maaring totoo na hindi niya habang buhay maiiwasan si Mark. Kaya susulitin na niya hanggang kaya niya pa.
Monday
Maki (11:08 AM)
Hyuck, lunch tayo?
Hyeoki (11:32 AM)
nooo, I can’t org meeting
Maki (11:36 AM)
Okay, enjoy your lunch. Good luck!
Hyeoki (11:40 AM)
you tooo
Tuesday
Maki (6:28 AM)
Good morning!
Hyuckiee, should I bring you breakfast?
Hyeoki (6:32 AM)
halaaa, nasa school na ako
eat well tho
and good morning pala hehe
Maki (6:36 AM)
Aga naman, ingat Hyuck.
Wednesday
Maki (3:35 PM)
Done na class mo? Hatid kita.
May dala akong peach mango pie for you.
Hyeoki (3:40 AM)
peach mango pieee, want koo
but I had to stay pa, may group project akoo
enjoy the pmp for meee
Maki (3:42 PM)
Haha okay. Good luck.
Text me when you get home.
Thursday
Maki (5:51 PM)
Hyuckie, I kinda miss you.
Miss ka na rin ni Rangrang.
Dinner tayo?
Daanan kita sa dorm mo.
Hyeoki (6:02 PM)
Rangrangg, my babyyy
Marr, sorry. I can’t, kasama ko si Renj
bili raw siya outfit
para sa second date nila no’ng nakilala niya sa bar last time
Maki (6:05 PM)
Okay, ingat kayo.
Text mo ‘ko if need niyo ng sundo.
Four days, four days na silang ‘di nagkikita ni Mark. Hindi alam ni Donghyuck kung matutuwa ba siya dahil so far, successful naman ang pag-iwas niya sa best friend niya. Pero reading Mark’s text, saying na miss na siya nito ay mukhang manghihina si Donghyuck. Gusto na lang niya takbuhin ang distansya mula sa mall hanggang sa condo ni Mark. He missed him so bad, and Rangrang, their cat, or his cat that Mark adopted because he’s allergic.
“Anong problema mo? Mukha kang na scam ng 30K,” Komento ni Renjun habang nagtitingin pa rin ng cardigan na babagay sa nauna niyang biniling damit.
“Miss na raw ako ni Mark. He even sent a picture of himself with Rangrang,” Sagot niya at tinignan ang kaibigan. “Miss ko na rin siya Renj. Miss na miss ko na rin siya.” Gusto na lang umiyak ni Donghyuck sa parusang binibigay niya sa sarili niya.
“Miss ko na siya, pero hindi ko pa siya kayang harapin. Baka pag nakita ko siya bigla ko na lang siyang yakapin at sabihing gusto siya,” Mahinang saad niya. Gusto matawa at maiyak ni Donghyuck at the same time, he felt so pathetic that he wanted to cry in the middle of a store full of pastel colored clothes.
Bumuntong hininga si Renjun at niyakap ang kaibigan. “Natatakot ako Renj, what if magalit siya, what if lumayo siya, kasi hindi niya ako gusto. I can’t bare with that, ngayon pa nga lang na iniiwasan ko siya para na akong mababaliw kasi hindi ko siya nakakasama. What if pa kaya kapag tuluyan siyang lumayo sa ‘kin because of this stupid feelings.”
“Breathe Hyuck, it won't happen,” Alo ni Renjun sa kaniya.
“How can you be so sure?” Donghyuck asked tightening the hug. Wala na siyang paki-alam kung hinuhusgahan na sila ng mga sales lady sa store na ‘to.
“Kasi parehas ko kayong kaibigan. Come on, give Mark more credit. He’s not someone like that, and you know that.”
Friday
Maki (2:25 PM)
Hi! Gala tayo?
Kinda wanna see your face.
I haven’t seen you for almost a week, Donghyuck.
Hyeoki (2:28 PM)
Mar, sorry talaga
I can’t today
May gala me kasama sina Jaem
Bawi ako next time promise!
Maki (2:30 PM)
Okay, enjoy your day.
Hope to see you soon.
Guilty. Sobrang nakokonsensya na si Donghyuck sa ginagawa niyang pag-iwas sa best friend niya. Kasi hindi naman kasalanan ni Mark na may gusto siya dito. Hindi naman kasalanan ni Mark na marupok siya. It's not Mark’s fault that Donghyuck fell for his thoughtful gestures, comforting voice, and gentle touches.
Walang kasalanan si Mark. Kasalanan ‘to no’ng nagpauso ng sabi sabing your partner should be your best friend. Kasalanan rin talaga ‘to ni Taylor Swift, at nang lintek na All Too Well na ‘yan kaya pati si Donghyuck ay lost in translation at na-inlove sa best friend niya. Imbes na ituring na best friend ang magiging jowa niya ay ginusto na lang niyang jowa-in ang best friend niya.
“So, ano ngang agenda natin for today?” Tanong ni Renjun bago sumipsip sa kaniyang grapefruit honey black tea na in-order nila dito sa isang coffee shop somewhere in the heart of Manila na dinaig pa ang sizzling plate ng sisig sa sobrang init.
Umirap naman si Jaemin habang pumipiraso ng cheesecake na inorder ni Donghyuck. “Ewan ko d’yan kay Donghyuck ang arte arte. Samahan daw natin siya para hindi halatang iniiwasan niya si Mark.”
Halos mabulunan naman si Chenle sa narinig. “Hindi ka pa ba halata sa lagay na ‘yan ‘teh?”
Bumuntong hininga si Donghyuck at tinitigan ang mga kaibigan.
“Bakit kasi ayaw mo na lang umamin?” Tanong ni Jaemin habang pinapaikot ang straw sa kaniyang iced americano.
“Kasi ayaw ko siyang maging stranger whose laugh I could recognize anywhere, ” Mahina at pakantang sagot ni Donghyuck at yumuko.
“Tangina mo, seryoso kasi,” Mura ni Jaemin na naging dahilan para pagtinginan sila ng ibang tao sa coffee shop. Nag bow at nginitian naman ang mga ito ni Renjun bilang paghingi ng sorry.
“Seryoso nga! Ang pangit naman no'n, halos kalahati ng buhay ko nandyan si Mark pero dahil umamin ako, pati pagiging kaibigan niya hindi ko magagawa."
“Bakit ba kasi siguradong-sigurado kang hindi ka rin gusto ni Mark, e si Mark 'yon. Si Mark na binilihan ka ng tsinelas no'ng lumubog paa mo sa imburnal kasi first time mong malasing no'ng na-miesta ka sa 'min,” Saad ni Renjun at natawa naman si Chenle sa naalala. "Siya pa nga nag-uwi ng sapatos mo kasi ang baho at mapapatay ka ng nanay mo.”
"Ang tanga mo n'on 'teh, pramis. Pero dagdag ko lang ah, si Mark 'yon, 'yong jowa mong hilaw na pinagtitira ka upuan para magkatabi kayo sa bawat lamesang kakainan o tatambayan natin," Gatong ni Jaemin habang pinaglalaruan ang lipbalm na hawak niya.
Tumango tango naman si Chenle bilang pagsang-ayon. “Tama, and if that's not love for you, then hindi ka pinalaki nang tama ni mareng Taylor, kasi 'di ba on every table I'll save you a seat eme.” Tawang tawa naman sina Jaemin at Renjun sa facial expression ng pinakabata. “Ito pa, tanda mo ba no'ng muntikan na niyang suntukin si Sungchan dahil sinubukan kang landiin kahit alam naman ng lahat na hang-up pa rin siya kay Shotaro. Ang laking tao ni Sungchan, beh.”
"On a serious note,” Renjun interrupted. Taray serious note, may pa-quiz ba bago umuwi? “We're not pressuring you okay, kung ayaw mo umamin it's your choice, kung hindi ka pa handa it's also okay, pero wag mo siya iwasan. Kasi baka hindi ang pag amin mo ang makasira sa inyo kung hindi 'yang pag iwas iwas mo na 'yan." Malumanay na sabi ni Renjun at saka kinuhanan ng litrato ang nangangalahati na niyang cup. Pero mas lalo yatang napressure si Donghyuck.
Umayos ng upo si Chenle at ibinaba ang kaniyang venti sized strawberry cheese tea. “Pero guys ah, no one is asking the right question.” Inayos rin nito ang kaniyang buhok. “Paano mo ba narealize na gusto mo talaga si Mark? Baka naman kasi lito ka lang since ikaw na nga ang nagsabi, almost half of your life kasama mo na si pogi.” Tinignan siya ng mga kaibigan nang sabay sabay habang nakataas ang kilay.
Gusto niya rin sana taasan ng kilay si Chenle kasi tinawag niyang pogi si Mark, pero totoo naman kasi, bulag at mga in-denial lang ang tatanggi.
“No’ng last midterm season, sabay kami mag-aral sa unit niya, ta’s alas dos na ng madaling araw, bigla niya akong pinagtimpla ng kape, ta’s binigay niya ‘yon sa ‘kin with his sparkly sparkly round eyes,” Paliwanag niya. “Alam niyo ‘yon, ‘yong mata niyang parang nangungusap and at the same time kumikinang. Ewan, biglang bumilis tibok ng puso ko ta’s biglang bumulong si Mareng Taylor nang please don’t be in love with someone else.”
“Loka, ‘yong kinang ng mata na sinasabi mo, tama lang ‘yon ng ilaw mula sa yellow lamp niya sana hindi ka agad nagpalinlang,” Ani ni Jaemin.
"Or maybe matagal ko na siyang gusto, pero no'ng time na 'yon ko lang inamin sa sarili 'ko, na I actually want him to carve his name in my bedpost and I don’t want him like a best friend ." Tugon ni Donghyuck at napa buntong hininga na lamang si Jaemin at Renjun.
“Paano matatapos ang silence and patience, pining and desperately waiting era niyo kung walang aamin?” Tanong ni Chenle. Napangiti naman si Donghyuck, kaya favorite niya ang pinakabata kasi sinasabayan trip niya kay Taylor Swift.
“Tama na nga ‘yan, basta whatever happens, we’ll always be with you, okay?” Pagbabalik ni Renjun sa tamang direksyon ng usapan nila. Mabuti na lang talaga at kaibigan nila si Renjun kung hindi wala siguro silang matinong usapan magkakaibigan.
“Korek, kung hindi ka niya gusto, aba siya ang lugi. Hanap kita ng pogi sa mga blockmates ni Jeno,” Saad ni Jaemin at nginitian si Donghyuck.
Tumayo si Chenle at niyakap si Donghyuck. “Hm, and if you’re open to dating someone younger reto kita sa blockmates ko or sa blockmates ni Jisung.”
Saturday
Maki (1:03 PM)
Hyuck, can we talk?
Punta ako sa dorm mo.
Hyeoki (1:08 PM)
Marr, ano pag-uusapan?
can’t tho, umuwi ako Batangas
let’s talk when I get back
Donghyuck felt uneasy. Ito ang unang beses na hindi nagreply si Mark sa pagtanggi niya. Mukhang tama nga si Renjun na ang pag iwas niya sa best friend niya ang makakasira sa kanilang dalawa bago pa siya umamin.
He felt like shit. Kasi hindi nman talaga siya umuwi sa kanila, kasi heto siya ngayon, nakahiga sa kama sa dorm niya thinking — overthinking even.
Naisipan ni Donghyuck na pumunta na lang sa apartment nina Jeno at Jaemin para makipaglaro sa tatlong Lu para mabawasan rin pagkamiss niya sa pusa nila ni Mark na si Rangrang.
Donghyuck was fixing his hair no’ng makarinig siya ng katok sa front door. Nagtataka pa siya kasi wala naman sinabi iba niyang kaibigan na pupunta sila sa dorm niya. Iniisip niya rin kung may parating ba siyang parcel.
“Wait lang,” sigaw niya habang naglalakad para mabuksan ang pinto.
Pagbukas niya ng front door, Donghyuck felt like his world stopped. There was Mark, wearing an oversized grey shirt, match with a black cotton short. Naka slides slippers ito at magulo ang buhok. Pero ang hindi nakatakas sa mga mata ni Donghyuck ay ang makapal nitong eyebags sa ilalim ng mukhang pagod na mga mata ng lalaki.
Donghyuck gulped. “Mark, anong ginagawa mo dito? May problema ba?”
Mark sighed and leaned his head on the younger’s shoulder, in front of Donghyuck’s dorm. Leaving the younger flustered at hindi alam kung saan ip-pwesto ang mga kamay. “I texted tita to ask kung nasa Batangas ka nga, pero she said no. So I was hoping na makita kita rito sa dorm mo, and luckily nandito ka nga.”
Mark stood straight and caressed the younger’s cheek using the back of his hands. “Can I go inside?”
Bumalik sa wisyo si Donghyuck at dali-daling umatras para papasukin si Mark sa loob. “Yes,” mahinang tugon niya.
Mark scanned the room, iniisip kung may nagbago ba sa tinutuluyan ni Donghyuck sa loob ng halos isang linggo nilang hindi pagkikita.
“Gusto mo bang juice?”
Umiling si Mark at tumayo sa harap mismo ng nakakabata. Mark was staring at him again, with those tired but still sparkly and round eyes. Mark was looking at Donghyuck as if memorizing every detail of the younger’s face, from the shape of his eyes to the curve of his lips, to the exact location of every mole on Donghyuck’s face.
“Why did you lie Hyuck?” Mark asked, voice exhausted.
Donghyuck don’t know what to say. His brain was not working properly from guilt, longing, and fear.
"Bakit mo ba ako iniiwasan? Pag pinupuntahan kita sa dorm mo, hindi mo 'ko pinagbubuksan. Tuwing inaaya kita lagi kang may ibang dahilan. Hindi mo rin sinasagot tawag 'ko. Mababaliw na ako sa kakaisip kung may nagawa ba akong mali, kaya please, mag-usap naman tayo oh," Malambing na paki-usap ni Mark, walang galit o panunumbat sa boses nito. Tanging lungkot at pangungulila.
Dahil naipit sa sitwasyon, Donghyuck’s emotion explode.
"Bakit kita iniiwasan? Kasi pagod na ako, pagod na akong magpanggap na hindi kita gusto, na walang epekto sa 'kin bawat haplos at titig mo," Napahilamos si Donghyuck ng kanyang mukha, dahil ito na nga, 'yong moment na 6/10, according sa kaniyang unreliable sources, ay nauuwi sa isang pusong luhaan.
"Gusto 'ko lang sana ng konting space, konting time hanggang sa kaya na kitang harapin nang hindi na ako umaasa na baka magustuhan mo rin ako,” Dagdag niya, bawat salita’y mas mahina sa nauna.
Sinalubong niya ang mainit na tingin ni Mark. “Oo, gusto kita,” sa wakas na pag-amin niya. "You don't have to like me back, at least ngayon nasabi ko na. So please understand, kung bakit kita iniiwasan. Ako pa rin naman 'yong best friend mo, I just need time, so I can act like your best friend again, without these feelings, making me feel stupid and awkward."
Bumuntung hininga si Mark. Hindi rin maintindihan ni Donghyuck kung galit ba ito o sadyang hindi lang ito makapaniwala sa mga sinasabi niya. Mark stepped closer to the younger and scooped his face using his two hands. ‘Yan na naman. ‘Yong mararahang haplos ni Mark na hindi niya alam kung bibigyan niya ba ng kahulugan.
Mark was dumbfounded.
"God, Hyuck I want to kiss you right now," Mark said almost losing his composure. His voice filled with controlled eagerness and relief.
"You don't know how worried I was no'ng iniiwasan mo 'ko. I kept thinking, fuck, did I do too much? Did I yearn too much? Sumobra ba ang mga actions 'ko? Nahalata na ba niyang may gusto ako sa kaniya. Is this a silent answer na he doesn't like me back? Hyuck, I almost lost my mind." Pag-amin ni Mark, shoulders finally relaxed. Sleepless nights, overthinking mind, and an aching heart finally caught up with his body.
Parang umugong ang tenga ni Donghyuck sa narinig. “Ha?” He asked dumbly.
Mark sighed and grabbed the younger’s hands. “Gusto kita Hyuck, baka nga mahal na kita. Basta, narealize ko na lang na gusto kita laging alagaan, ayaw kong nahihirapan ka, nasasaktan din ako pag malungkot ka, pero sa tuwing masaya ka mas masaya ako na masaya ka. Gustong gusto kita, Hyuck,” Mark confessed with a shy smile.
Donghyuck pouted. “Sira ulo ka, bakit hindi mo sinabi agad? Alam mo bang takot na talot ako kasi baka hindi mo ako gusto, na baka hindi mo na ako gustuhing maging kaibigan kasi ayaw mo sa ‘kin, na baka lumayo ka. HIndi ko kakayanin Mark.”
“Hinding hindi ako lalayo Hyuck. Can I hug you?”
Donghyuck nodded eagerly.
“I'm sorry you had to feel all those things because I don't have the courage to confess. Thank you for being brave for us Hyuckie,” Mark pulled Donghyuck closer, inhaling the younger’s scent.
Lumayo si Donghyuck sa pagkakayakap ni Mark. Ngunit hindi naman binitawan ng lalaki ang kamay niya. “Hindi porket gusto kita, tayo na. Renjun raise me better than that. Ligawan mo muna ako,” Tila nagtatampong wika niya at napatawa naman si Mark habang tumatango.
“Of course, kahit araw araw pa, kahit sagutin mo na ‘ko, liligawan pa rin kita.” Tugon ni Mark that left Donghyuck wonderstruck and blushing .
7-Eleven Shareholders
Wednesday
Nana
@Dongie bading paawat ka naman
Hindi ka ba nagsasawa jan sa jowa mong hilaw
Lele
‘teh, tatlong linggo ka na naming di nakikita!!!
samantalang nung iniiwasan mo si Mark
kung saan saan mo kami kinakaladkad
Andwae Park
@Lele babe, hayaan muna natin sila
Baka ineenjoy pa nila yung moment nila
Injuniee
@Dongie oo nga, kung hindi kita kaklase
baka miske anino mo hindi ko na rin nakikita
Nono
@Makue ,‘tol ano?
Tinanan mo na ba si Hyuck?
Porket nakaamin ka na hindi mo na kami pinapansin
Gusto mo ba send ko kay hyuck mga yearnings mo sa kanya
Dongie
@Nono please pasend sa ‘kinnn
Makue
Hindi ‘ko kailangan itanan si Hyuck.
Kasi boto sa ‘kin si Tita.
Dongie
ang yabangg mooo
hindi pa kita sinasagot okayyy
Lele
gross
pakibalik na lang sa silence, patience, pining and desperately waiting era niyo
please please
Tumawa si Donghyuck sa mga chats ng mga kaibigan. “‘Wag mo pansinin barkada natin, I’m not pressuring you na sagutin ako, Hyuckie.” Wika ni Mark bago tumabi kay Donghyuck na nakaupo sa couch niya. They are hanging out at Mark’s condo, gusto kasi niya manood ng movie at mas malaki raw TV ni Mark sa condo. “Take your time, and let’s just enjoy.”
“I know, Markie,” Donghyuck giggled bago inabot ang bowl ng french fries na sinalang ni Mark sa air fryer. “Sasagutin kita naman soon.” Donghyuck winked at isinandal ang kaniyang likod sa dibdib ni Mark, who immediately make a space for Donghyuck. He also wrapped his arms around the younger’s shoulder.
“Ano panonoorin natin?”
“Ponyo.”
“Na naman? Okay.”
Donghyuck just wanted some more time, for them to naturally transition to just being best friends to being lovers. Pero mukhang wala naman magbabago sa kanila nang sobra ni Mark, kasi noon pa man, aminado naman si Donghyuck na iba talaga ang kilos nila sa isa’t isa. Ganoon pa rin sila, each other’s best briend, best supporter, number one shoulders to lean on, someone whom they share secrets and dreams with. Siguro bonus na lang na pwede na niya nakawan ng halik si Mark from time to time.
Soon he can say that Mark is the best thing that has ever been mine.
