Chapter Text
5 years of relationship is enough for marriage right? But sometimes it isn't. Sa iba oo, pero sa iba hindi.
Minsan, kahit gaano katagal ang relasyon n'yong dalawa kung hindi talaga kayo ang para sa isa't-isa maghihiwalay at maghihiwalay pa rin kayo. Kasi hindi natin pwedeng ipilit yung taong hindi naman talaga para sa atin. Hindi natin malalabanan si tadhana. Dahil siya lamang ang makakapag desisyon kung sino ang para sa atin. Kaya nag-aantay tayo sa tamang tao. Yung taong dapat nating alagaan hanggang sa pagtanda. Yung taong bubuhusan natin nang wagas na pagmamahal. Pero syempre hindi naman natin pwedeng ubusin yung pagmamahal na 'yun. Kasi kailangan din nating magtira para sa sarili natin. Kasi kung hindi, ikaw ang kawawa sa huli.
𓍯𓂃𓏧♡
Drift Away: A jeongcheol au by mss_tinnn
