Chapter Text
Jewel groaned at the knocks on his bedroom door followed by a sleepy but deep voice.
“Bangon na, Jewel.”
As someone who’s stubborn, he replied with five more minutes. “Bahala ka, kung gusto mo ma-late, desisyon mo ‘yan.” Pocheolo, who happened to be his roommate, replied.
Jewel is not a morning person, pero sinusubok talaga siya ng mundo nang bigyan siya ng alas siyete sa isang subject at ang sumunod naman ay mamaya pang alas dos, nakakaputangina ‘di ba? Hindi niya kayang gumising ng alas singko tuwing martes at ang mga natitirang araw ay tanghali pa ang pasok niya kaya naman pati alarm clock sinukuan na siya at ang tanging human alarm clock niyang si Pocheolo ang tagapagligtas niya. Ayaw man niyang aminin dahil ma-pride siya, at lalo na dahil kung may kinaiinisan siya buong buhay niya, si Pocheolo na agad ang sagot niya.
Ang babaw naman kung kinaiinisan niya si Pocheolo dahil lang ginigising siya nang maaga, ‘di ba. Totoo naman, isa man ‘yon sa mga factor pero matagal na talaga silang ganito. Aso’t pusa ang tingin ng mga tao sa kanila sa eskuwelahan pero hindi naman ‘yon totoo dahil si Pocheolo, hinding-hindi niya pinapatulan kung ano mang pagtataray, pantatarantado, o ano mang kalokohan ang gawin ni Jewel sa kaniya na ikinasasama naman ng tingin ni Jewel sa kaniya.
Palagi man ang bangayan kahit saan man sa sulok ng kanilang paaralan, ibang-iba si Pocheolo at Jewel kapag nasa apartment nila sila. Noong una, kung paano tratuhin ni Jewel si Pocheolo sa school ay ganoon rin sila pero nanawa na lang si Jewel at natutunan paano tumira kasama si Pocheolo pero ang catch? Hindi dapat malaman na nasa iisang bubong sila nakatira.
Pagkalabas ni Jewel ng kuwarto, bumungad sa kaniya si Pocheolo na nag-aayos na para pumasok. “Nagsaing na ako at may ulam na d’yan. Kumain ka bago pumasok, kung ayaw mo ng ulam magluto ka na lang. Una na ako.”
Tumango lamang si Jewel at pumunta sa kusina nila nang marinig niyang nagsalita ulit si Pocheolo. “Nga pala, nabanggit sa akin ni Tito na hindi mo sinasagot tawag niya. Kamustahin mo, nag-aalala rin ‘yon, Je.”
“Nickname basis na pala tayo?” Pag-iiba ni Jewel sa usapan na ikinataas ng kilay ni Pocheolo.
“Sa dami ng sinabi ko ayan lang na-absorb mo?”
“Huwag mo akong tawagin n’yan hindi tayo friends.”
Napabuntong hininga na lamang si Pocheolo. “Huwag mo ako libangin, kausapin mo tatay mo, Jewel. Ayan na, Jewel na ah.”
“Huwag mo nga ako utusan.”
Hindi na kaya ni Pocheolo at tumango na lang na akala ni Jewel ayos na. Ganyan naman kasi si Pocheolo, hindi siya pinipilit, pero nag-iba yata ang ihip ng hangin. “Hindi ako nag-uutos, bahala ka. Mamaya pagbukas ng pinto akala mo ako ‘yon, si Tito na pala. Alis na ako.”
Ayan ang ayaw ni Jewel, palagi kasing tama si Pocheolo.
—
Hindi alam ni Jewel kung paano sumulpot bigla si Seungkwan at Wonwoo sa harap niya. Tapos na ang klase niya na nagtagal lamang ng tatlong oras. Inaaksaya niya ang oras niya sa maliit na gazebo sa bandang garden ng school nila kaya’t laking gulat niya na nasa harap na pala niya ang dalawang kaibigan.
“Jewel, huwag mo na masyado isipin si Pocheolo, baka matalapid ‘yon, oy!” Asar ni Kwan na ikinatawa ni Wonwoo at ikinasimangot ni Jewel.
“Ikaw, may iniisip lang ‘yung tao, si Pocheolo agad!” Singhal ni Jewel.
Tama naman si Kwan pero hinding-hindi aaminin ni Jewel ‘yon, malamang. Ang dahilan kung bakit siya nakatulala ay partly because of Pocheolo and a lot because of his father. Mang-aasar pa sana si Seungkwan nang lumapit naman si Jisoo, isa pa nilang matalik na kaibigan.
“Soo, si Jewel, tulala nang naabutan namin.” Si Wonwoo naman ngayon ay akala mo nagsusumbong.
“Broadcast mo pa, Jeon! Huwag ka na nga sumama kay Mingyu, sa daming i-aadopt mo, pagiging madadal pa.” Hirit ni Jewel at iniyuko ang ulo na mas lalong ikinatuwa lamang ni Wonwoo. Achievement niya na inisin si Jewel.
“Okay lang ‘yan, Han. Iniisip ka rin ni Pocheolo.”
“Wala kang dulot, Hong Jisoo, magtago ka na kay Seokmin at kakalbuhin talaga kita!”
Nagtuloy-tuloy pa ang bangayan nilang magkakaibigan hanggang sa kinailangan na umalis ni Seungkwan at Wonwoo dahil si Kwan may klase pa at ‘yung isa naman ay may kikitain daw.
Nagyaya si Jisoo na bumili muna sila ng meryenda ni Jewel sa tabi ng school, mayroon banchetto kung saan halos lahat ng mga estudyante ay naririto kapag walang klase.
Pinanonood ni Jisoo ang kaibigan niyang pinaglalaruan ang stick ng kwek-kwek nito at mukhang malalim ang iniisip.
Inilapit ni Jisoo ang gulaman na pinasabay ng nakakatanda. Tahimik namang nagpasalamat si Jewel at uminom, si Jisoo naman gulong-gulo na sa kaibigan.
“Han, baka nasa klase lang si Cheolo, huwag mo masyado isipin.” Panimula ni Jisoo. Alam naman ni Jewel na nagbibiro lang si Jisoo pero wala namang mawawala kung hahayaan niya na mailabas ang bumabagabag sa kaniya.
“Soo, si Pocheolo, alam mo naman na close sila ni Papa, ‘di ba?”
Tumango si Jisoo. “Sabi ni Pocheolo sa akin, kausapin ko na raw si Papa.”
“Kakausapin mo na ba?” Mahinang tanong ni Jisoo.
“Si Pocheolo, Soo, nakakainis na palagi siyang tama. Nakakainis na kahit saan ako magpunta siya ang bukambibig. Pocheolo dito, Pocheolo doon. Nakakainis na kahit saan, walang may ayaw sa kaniya. Nakakainis na kahit anong katarantaduhan gawin ko sa kaniya, naiintindihan niya. Nakakainis na hindi siya nagagalit. Nakakainis lahat ng ginagawa niya at mas lalong nakakainis na nakikita niya ako at kung saan ako nanggagaling.” Pahina nang pahina ang boses ni Jewel habang binabanggit isa-isa ang mga salitang hindi niya alam na maisasambit niya.
“Han, alam mong biro lang namin nila Kwan at Won na iniisip mo si Pocheolo kanina pero totoo pala.”
Napailing at mahinang natawa si Jewel. “Gusto mo na ba siya?”
“Ha? Saan mo naman napulot ‘yan? Sinabi ko lahat ng kinaiinisan ko kay Pocheolo tapos tatanungin mo ako kung gusto ko ba siya? Hibang ka na, Soo!” dire-diretso ang pagsasalita ni Jewel na ikinataas ng kilay ni Jisoo.
Sa isip-isip ni Jisoo, Ako pa ang hibang sa lagay na ‘to ah?
“Ikaw lang makakasagot n’yan. Nga pala, kakausapin mo na ba si Tito? I mean, handa ka na ba?”
“Wala naman akong choice.”
Tahimik nang kumakain ang dalawa nang maalala ni Jisoo na kailangan na niyang umalis dahil may napagkasunduan na meeting sila ng mga kasama niya thesis, graduating na kasi. Si Jewel, ayun ay naiwang tulala at tahimik pa rin.
Bumalik lamang siya sa wisyo nang tumanog ang cellphone niya, binuksan niya ito at ang sumalubong ay ang text ng kaniyang ama. Napabuntong hininga na lamang siya at nagpasalamat at hindi ito tawag.
Jewel, umuwi ka bukas at mag-uusap tayo.
Umirap na lamang si Jewel sa hangin at nag-reply ng simpleng ‘okay’ with a thumbs up emoji. Nagmunimuni muna siya bago umuwi, naisip niya na magpakabusog muna para diretso tulog na lang mamaya. Tamang-tama naman at nakita niya si Pocheolo na papunta sa gawi niya, inantay niyang makalapit ito bago taasan ng kilay.
“Sungit.” Salubong ni Cheolo sa kaniya.
“Oo na, Pocheolo, uuwi na ako bukas at kakausapin si Papa, okay na?”
Mahinang tumawa si Cheolo at tinabihan si Jewel. Ang posisyon nila ngayo ay nakaharap si Jewel sa lamesa habang si Cheolo ay nakasandal ang likod dito. Inayos ni Pocheolo ang bag niya bago kausapin ang katabi niyang ngumunguya pa ng fried siomai.
“Nagkausap na kayo?” Tanong ni Cheolo.
Umiling si Jewel. “Nagtext lang na umuwi ako, kaya uuwi ako. Sumama ka kaya? Ikaw naman nagpupumilit kanina e, alam mo na, damage control.”
“As if naman makakatulong ako.” Tawa niya.
“Sumama ka na, hindi naman ako matagal na makikipag-usap doon.”
“Dati ayaw na ayaw mo na nasa paligid ako, tignan mo ngayon sino ang nagmamakaawa.”
Nagpintig naman kaagad ang tenga ni Jewel doon at hinampas ang braso ni Cheolo. “Ang dami mong sinabi. Bahala ka sa buhay mo, leche.”
Ngisi naman ang isinukli ni Cheolo sa pag-ikot ng mata ni Jewel. Nakatitig pa rin ang nakakatanda sa kaniya kaya mabilis niyang inilipat ang tingin sa fried siomai na akala mo bigla sumarap dahil doon lamang ang titig ni Jewel. Ginulo ni Cheolo ang buhok ni Jewel na ikinaasar naman ng isa.
“Oo na, oo na. Gabi pa naman tayo aalis, ‘di ba?”
“Ewan ko sa’yo, ako na lang aalis.”
“Okay, ingat, Je.” Huling hirit ni Cheolo bago tumayo at magpaalam na tutungo na sa klase.
—
“Bukas ng umaga, Jewel, ah? Daan ako sa inyo.” Si Wonwoo. Nagpapatulong kasi ito para sa isang subject na kailangan ng interviewee, sadyang hindi na kaya ng oras kaya ipagpapabukas na lang ang interview nila ni Jewel.
“Anong oras? Specific naman, Won!” Tanong ni Jewel. Kailangan niya talagang malaman dahil dapat nakaalis na si Cheolo para hindi maabutan ito ng kaibigan, mas gugustuhin pa niyang mabugbog kaysa malaman na nasa iisang bubong silang nakatira ng nag-iisang Pocheolo Ysmael Choi.
“Mga alas dies hanggang alas onse. Vacant ko, sakto naman at hanggang alas otso ka lang ‘di ba?”
“Sandali,” agad na kinuha ni Jewel ang cellphone niya at binuksan ang conversation nila ni Pocheolo sa text, ayaw niya kasing i-add ito sa facebook at ganoon din yung isa.
Jewel:
anong oras klase mo bukas?
Pocheolo (bother):
4-A2-CE_schedule.pdf
Jewel:
???
anong gagawin ko d’yan?
Pocheolo (bother):
para hindi mo na ako hagilapin
you’re welcome, Je :)
Jewel:
ang feeling mo talaga, choi!!!
Binuksan pa rin naman ni Jewel ang file ng schedule ni Cheolo at tinignan ang para bukas.
“Kaninong sched ‘yan? Akala ko ba hanggang alas otso ka lang?”
Agad na pinatay ni Jewel ang kaniyang phone at umiling. “Chat ka na lang, Won, kapag papunta ka na, ah?”
Halata pa rin ang pagdududa sa mga mata ni Wonwoo pero nanahimik na lamang at muling ipinaalala kay Jewel ang gagawin nila. Hindi rin naman nagtagal at umalis na ito, nakahinga nang maluwag si Jewel nang hindi na nangulit ang kaniyang kaibigan tungkol dito.
—
Inaantok at gustong-gusto na umuwi ni Cheolo ngunit hanggang alas otso pa ng gabi ang tapos ng kaniyang klase. Paano ba naman kasi, isiniksik sa isang araw ang halos karamihan ng subjects niya, ‘di bale at half day lang naman bukas. Ayan ang pampalubag loob niya.
Papikit-pikit na siya nang mabuhayan dahil pinagkalooban sila ng prof nila ng fifteen minute break sa tatlong oras nilang klase. Tila buhay na buhay na ulit si Cheolo lalo na nang makatanggap ng text mula kay Jewel.
Napakunot ang noo nito nang mabasa na tinatanong ni Jewel ang schedul niya para bukas, hindi naman sila ganito kaya bilang isang malakas ang tama sa utak, binigay niya ang buong schedule niya buong sem kahit hindi naman hinihingi ng nakababata. Siguradong asar na naman si Jewel , pagkaisip-isip niya.
“Paps, tila nangingiti ka d’yan, ah?” Istorbo ni Miko kay Pocheolo.
“Ewan ko sa’yo, Mingyu.”
“Ay aray, na-government name ni Paps.” Arte niya.
Sabay na naglalakad palabas ng building si Cheolo at Miko na pauwi na. Nag-uusap ang dalawa sa gagawing program na long term project nila, sinusubukang bumuo ng concept hanggang sa kung saan-saan na napunta ang usapan nila.
Sa buong apat na taon ni Pocheolo sa kolehiyo, isa si Miko sa mga pinagkakatiwalaan niya. Sa paningin niya, masyadong mabuti si Miko sa mundo kaya’t kahit na ilang buwan lamang ang tanda niya rito, parang nakababatang kapatid niya na si Miko.
“Dito na ako, Paps, ingat ka.” Paalam ni Miko nang huminto sila sa building ng mga education majors.
Tumango si Cheolo. “Ingat kayo ni Won, Miko. Start na tayo bukas.”
“Oo, Paps. Huwag ka sana ipatawag ng org!”
Tumawa si Cheolo. “Magdilang anghel ka sana.”
—
Kailan man hindi nagdilang anghel si Miko.
“Miko, hindi ko alam anong malas meron ka pero kailangan ako sa org. Cancel nga klase, ito naman.”
Umupo si Miko sa tabi ni Cheolo. Hinihingal pa nga dahil nagmadali papasok pero cancelled naman ang klase.”
“Okay lang, Paps. Ako na muna sa flow, tuloy mo na lang mamaya. Dala ko naman laptop ko.”
Ano bang nangyayari ngayong araw?
Naagaw ang atensyon ni Cheolo sa pagtype ng kaniyang cellphone nang napamura si Miko.
“Miko, bakit? Ayos ka lang?” Bakas ang pag-aalala sa boses ng nakatatanda.
“Tangina. Paps, naiwan ko laptop ko.”
“Seryoso? Gagi, hindi ko dala akin kasi nagtext nga org. Kaya mo bang balikan?”
“Negats, kapag bumalik ako wala rin ako magagawa kasi may hahabulin ako kay Miss Eise na quiz mamayang dose.”
Binalingan nang tingin ni Cheolo ang oras. Pasado alas nuwebe na. Napapikit na lamang si Cheolo at napadasal na sana wala pa si Jewel sa bahay nila.
“Alam mo naman saan ako nakatira, ‘di ba?” Tumango si Miko. Lingid sa kaalaman ni Jewel, minsan nang nakapunta si Miko sa kanila.
“Ito susi, dalian mo na lang para may magawa ka pa.”
“Salamat, Paps! Balik ko mamaya susi.”
Kumaripas ng takbo si Miko palabas at tinahak ang daan papunta sa tirahan ni Cheolo. Hindi niya lang maamin dala ng kaba ngunit malabo na ang memorya niya kung saan ito. Sana lang ay tama ang tinatahak niya dahil planado na nila ni Cheolo ang lahat. Kapag hindi sila magsisimula ngayon ay kinakailangan na naman nilang magplano ulit dahil sa oras.
Namataan ni Miko ang pamilyar na tindahan sa kanto kaya’t alam niya na tama ang tinatahak niya. Napasabi na lang siya ng mahinang ‘thank you, Lord’ dahil hindi siya nawawala kundi kakain na naman ito ng oras at sabi pa naman ng Kuya Cheolo niya na dalian niya.
Habang sinisigurado na ito nga ang tindahan na ‘yon, napansin niya ang isang lalaking kapareho ng wangis ng isang tao na talagang kilalang-kilala niya.
“Wonwon?”
Nilapitan niya ito at siniguradong ito nga ang nobyo niya. Ano naman ang ginagawa ng kaniyang Wonwoo rito e nabanggit nitong ipapanayam niya si Kuya Jewel? Hindi naman siguro magsisinungaling si Wonwoo sa kaniya? Si Wonwon niya ‘to e.
“Wonwon?”
Lumingon naman si Wonwoo sa tumawag sa kaniya, imposibleng hindi ito ang Miko niya dahil ito lamang tumatawag na ganito sa kaniya. Ano naman ang ginagawa ni Miko rito e may klase ito?
“Miko? Anong ginagawa mo rito? Akala ko ba may klase ka?” Sunod-sunod na tanong ni Wonwoo.
Napataas naman ng kilay si Miko. “Huh? Ikaw ang anong ginagawa rito? Wonwon, akala ko ba may interview ka kay Kuya Je?” Sunod-sunod rin ang tanong nito.
“Oo nga, papunta ‘to kay Kuya Je. Inaakusahan mo ba ako, Miko?”
“Huh? Taga rito pala si Kuya Je?”
Tumango muli si Wonwoo. “Oo, tapos kakaliwa lang d’yan sa tinutuluyan niya na. Teka nga, ano ba ginagawa mo rito? Akala ko ba may klase ka?”
Nang marinig ni Miko ang direksyon papunta kina Kuya Je nila ay parang may pumindot ng light bulb sa utak niya. Bakas ang sorpresa at kaguluhan sa ekspresyon nito kaya’t nagtaka na rin si Wonwoo.
“Kung sinasagot mo ako, Mingyu Kim!”
“Ha? Paano? Sandali nga. Wonwon, pinapunta ako ni Kuya Cheolo sa kanila para kunin laptop niya.”
Tinaas ni Wonwoo ang kaniyang kanang kilay. “Oh?”
“Wonwon, ang direksyong sinabi mo, ayon din ang daan papunta kina Kuya Cheolo.”
“Oh? Ano namang pinaparating mo d’yan?”
“Magkasama sa iisang bahay si Kuya Cheolo at Kuya Je.” Diretsong sabi ni Miko.
“Imposible naman ‘yan. Baka same dorm lang. Malisyoso ka lang masyado, Miko.”
Napabuntong hininga na lamang si Miko. “Hindi dorm type tinutuluyan nila, alam mo ‘yan. Ayaw maniwala, tara.”
Marahang hinatak ni Miko si Wonwoo patungo kina Cheolo. Hindi pa rin kumbinsido si Wonwoo at ayaw naman niya pagdudahan ang Kuya Je niya.
Patuloy lamang sa paglakad, nauuna si Miko ngunit nakahawak pa rin siya sa kamay ng nobyo. Huminto sila sa isang bahay na kulay berde ang gate. Marahang tinulak ni Miko si Won para kumatok. “Sigurado ako, ayan ang bahay na tinutuluyan ni Kuya Cheolo. Katukin mo na.”
“Bahay ‘to ni Kuya Je! Anong sinasabi mo d’yan?”
“Ang kulit, Wonwon. Sige na katukin mo na si Kuya Je.”
Hindi pa rin naniniwala si Wonwoo pero pinidot niya pa rin ang doorbell.
Nakarinig sila ng sigaw na sandali lamang mula sa loob. Boses ‘yon ni Jewel.
Ang hindi inaasahan ni Wonwoo ay ang sunod na sinambit ni Jewel nang buksan ang pinto.
“Kkuma, nauna ka pa talaga sa akin. Hindi ‘yan si Pocheolo.”
Tila nanlaki ang mata ni Wonwoo at tumingin kay Miko na may mapang-asar na ngisi.
“Kuya, magkano p—”
Naputol ang sinasabi ni Jewel nang makita si Wonwoo kasama si Miko na gulat na gulat ang itsura.
