Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Series:
Part 2 of mga bakla ng taon
Stats:
Published:
2024-10-29
Updated:
2024-10-29
Words:
2,613
Chapters:
1/?
Comments:
1
Kudos:
10
Bookmarks:
1
Hits:
333

ako'y babalik, babalik sa'yo

Summary:

ang kwento ng dalawang boomerang na si donghyuck at jeno

Notes:

HELLO HWUAHSUAHWA 2 years na rin since sinulat ko tong 1st chapter na to and unfortunately di ko pa rin tapos yung buong story dahil life /happened/ (tas tinatamad rin ako magsulat hehe) tbh di ako 100% sure na matatapos ko siya pero 100% sure akong di ko siya matatapos this year HUASHUAHSAUS BAD NEWS AFTER BAD NEWS AMPOTEK

anyway!!!!!!!! gusto ko na kasi talaga to ilabas kahit na 10% pa lang to ng whole story na nasa utak ko sorry nasa 100k words na yung nasa utak ko pero pag nasa tapat na ko ng laptop parang nagkaka-amnesia ako bigla hala ang daming daldal HAPPY JENDONG DAY

summary + tags are not final and this can probably be read as a prologue to a much longer story [pag natapos ko... pag hinde edi one-shot na lang sha hehe peace (^ー^)v]

(See the end of the work for more notes.)

Chapter Text

“Uy, may nagbabalik!” sigaw ni Hyunjin pagpasok ni Donghyuck sa room na gaganapan ng meeting mamaya ng Engineering Society.

“Gago ka, hindi ka pa rin nagbabago!” sagot ni Donghyuck kay Hyunjin sabay yakap sa nag-aabang na si Yeri.

“Bakla, isang sem ka lang nawala. ‘Wag kang O.A.” singit ni Yeri at sumunod sa pagyakap sa kanya.

First year pa lang kasi ay kasali na si Donghyuck sa org nilang Engineering Society at naging chief pa ng public relations committee. Pero dahil sa dami ng subjects na kinuha niya last sem ay 'di na kinaya ng kanyang powers at nag-break muna siya. Ngayon ay hindi pa siya officially tinatanggap pabalik pero dahil close naman sila ng president na si Mark Lee ay for sure wala naman ‘tong magiging angal sa ilegal na pag-attend ni Donghyuck sa meeting.

“Wala pa 'yung iba?”

“Wala, nasa class pa,” sagot ni Yeri na biglang yumakap ulit sa kanya. “Kaya ‘wag ka nang aalis, ah! Konti na lang kaya tayo rito.”

“Bakit, sinong nag-resign?”

“Diba si Jaemin last sem? Ngayon naman si Gigi then indefinite leave si Jeno,” sagot ni Hyunjin na bumalik na sa tapat ng laptop niya.

“Ay bakit daw?” pang-iintriga ni Donghyuck.

“Nagbawas ng org si BS Org at tayo ang sacrificial lamb.” Hindi na nagulat dito si Donghyuck dahil sa pagka-haggard ni Giselle tuwing nakakasalubong niya ‘to ay sure na siyang one day ay susuko na ang BS Org ng taon.

“Si Jeno naman ‘di raw kaya isabay sa training niya,” ani Hyunjin.

“Malaki chance nilang mag-champion this year diba?”

“Oo, teh! Pinakita sa ‘kin no’n 'yung training regime nila. Ball is life na talaga si MVP.”

Magtatanong pa sana si Donghyuck nang magbukas ang pinto at pumasok doon ang pinag-uusapan nilang lalaki. Bakas sa mukha nito ang gulat nang makita silang dalawa.

“‘O ba’t ka pa nandito, ‘kala ko ba ayaw mo na sa ‘min?” parang tangang pag-sadgurl ni Yeri.

Humalakhak si Hyunjin habang tumatayo. “Wait lang, Jen.”

Pumasok nang tuluyan si Jeno at napalapit sa pwesto nila Donghyuck. Maliit lang kasi ‘yong room at nasa unang desk malapit sa pinto nakapwesto sina Donghyuck. Dito ay malapitang natitigan ni Donghyuck ang mukha ng lalaki.

Hay, ang gwapo pa rin talaga.

“Hi,” Jeno greeted shortly with a small smile on his face.

“Uy, joke lang ‘yon! Papanoorin ko lahat ng games niyo this season, promise." Pagbawi ni Yeri sa sinabi kanina.

Umiling lang si Jeno habang nagngingiting tumingin sa kanila. Nang makasalubong ang mga mata ni Donghyuck ay tila nanigas ito at napatayo nang maayos. Saglit na kumunot ang noo nito at umiwas ng tingin, ang ngiti sa mga labi ay biglang napawi.

Napanguso na lang si Donghyuck at bumalik sa pakikipag-kwentuhan kay Yeri habang ang utak niya ay lumulutang. Talent niya naman 'yon. Ang topic ngayon ng braincells niyang madalas gumagana tuwing nakakakita ng pogi ay si Jeno Lee.

Medyo nalungkot naman si Donghyuck nang malamang nag-leave ito sa org nila saktong kababalik niya lang. Pero hindi naman siya sumali ng org para lang mag-sight ng mga pogi, ‘no!

Well… SLIGHT. Noong first year kasi ay kasabay niya na itong sumali sa EngSoc. Naalala niya pang sobrang sipag niya sa pag-attend ng meeting noong una dahil makakasilay siya sa napakagwapong mukha nito at ang ilan sa mga poging seniors nila.

But that was freshie!Donghyuck. Haggardo Versoza, nginudngod sa lupa ng tunay na buhay third year Donghyuck na siya ngayon. Hindi niya naman magagamit ang skills niya sa kama sa pagsagot ng board exam ng CE, ‘no.

Saka pansin niya ring all throughout the two years na magkasama sila sa org ay may pagka-ilang si Jeno sa kanya. Outside of talking to him tuwing kailangan, hindi siya pinapansin nito kahit na sinusubukan ni Donghyuck na maging close dito noon.

Katulad na lang noong one faithful day in the year of our lord 2021:

 

Kakatapos lang ng meeting ng Engineering Society tungkol sa mga plano nitong gawin para sa engineering week next month. Excited na si Donghyuck kahit na sasakto ang linggong ‘yon bago ang midterms week nila. Freshmen pa lang kasi siya kaya fresh pa and ready to handle the demands of college life.

Paglabas niya ng room ay bumungad sa kanya ang madidilim na ulap. Nagsimula na ring umambon kaya dali-daling nagsilabasan ng mga payong ang mga orgmates niyang kalalabas lang din.

“March pa lang pero umuulan na?” Manghang tanong ni Yeri.

“Climate change, teh,” sagot niya rito.

“Gagi, wala akong dalang payong,” ani Hyunjin na halos baliktarin ang bag niyang isang notebook lang ang laman. “Ikaw, Jen?”

“Wala rin.” Pag-iling ni Jeno. May tinext ito sa phone niya at hula ni Donghyuck ay ang best friend niyang si Jaemin ito na hindi umattend ng meeting kanina.

Sa narinig ay nang-aasar na nilabas ni Yeri ang itim na payong niya sa harap ng dalawa.

“Huy, pasabay sa may sakayan lang!” sinubukang hablutin ni Hyunjin ang payong pero agad na naka-iwas si Yeri.

“Ayoko nga!”

“Dali na! Madadaanan mo naman ‘yon papuntang dorm mo.”

Habang nagrarambulan ang dalawa ay pasimpleng lumapit si Donghyuck kay Jeno na nakakunot ang noo sa cellphone.

After one sem na silay lang ang nagagawa niya, chance niya na ‘to para makausap ang ultimate crush niya, ‘no!

“Uy, gusto mong sumabay?” Nang gulat na mapatingin sa kanya si Jeno ay pinakita niya ang payong niya.

Donghyuck patiently waited for an answer with a smile on his face but as the silence between them stretched into seconds, he couldn’t help but speak again.

“Saan ka ba nasakay?” Tanong ni Donghyuck kahit alam niyang may kotse ito papasok sa school.

“Uhm, may kotse ako,” tila naiilang na sabi nito. “Saka si Hyunjin—” naputol ang sasabihin nito nang makitang nakalabas na ng building ang kaibigan na pinipilit sumilong sa payong ni Yeri na nilalayo ito sa kanya. “Oh.”

Nang mukhang hindi nito alam ang gagawin ay nagsalita ulit si Donghyuck.

“Hatid na lang kita sa parking.”

“Okay lang?”

Donghyuck chuckled, “Oo naman! Ako nga nag-ooffer, diba?”

Napangiti na lang si Donghyuck nang sa wakas ay pumayag ito. Tahimik silang bumaba palabas ng building at nang buksan niya na ang payong niya ay tumabi na si Jeno sa kanya para hindi maulanan.

Shuta. Bakit ang bango!?

Halos mangisay si Donghyuck sa kilig habang nilalakad nila ang maikling distansya sa pagitan ng engineering building at ang parking space malapit dito. Tahimik lang si Jeno habang pinili na lang ni Donghyuck na hindi magsalita dahil baka kung ano pang kagagahan ang lumbas sa bibig niya sa sobrang pagkakilig.

Mamaya masabi niya pang, “Mukha tayong magjowa. Gusto mo tayo na lang?”

O kaya, “Naambunan ka, baka magkasakit ka. Paliguan kita pag-uwi?”

Natigil lang si Donghyuck sa mga pinag-iisip niya nang tumigil si Jeno sa harap ng pulang Innova. Maingat niyang pinayungan ito papasok ng driver’s seat.

Nang makaupo ito ay hindi agad nito sinarado ang pinto. Pansin ni Donghyuck ang pamumula nito na marahil ay dahil sa init ng panahon kahit na umuulan.

“Thank you sa paghatid,” hindi makatinging sabi nito sa kanya.

“You’re welcome. Ingat sa pagdrive.”

Nang ngumiti si Jeno sa kanya ay tuluyan nang lumipad ang isip ni Donghyuck. Wala sa sarili siyang gumilid habang nagmaniobra si Jeno palabas ng parking hanggang sa nakaalis na ang sasakyan nito.

Ilang segundo pang natulala si Donghyuck bago niya napagtantong ni hindi man lang siya inalok nitong idaan pauwi.

 

In retrospect, medyo nakaka-offend ngang hindi man lang siya dinaan nito kahit sa gate kitang may kotse itong dala. Pero si Donghyuck naman kasi ang nag-offer in the first place. Hindi naman siya para manghingi ng kapalit sa kusa niyang ginawa, ‘no.

Pero nakaka-offend pa rin talaga. Slight.

Pasalamat siya gwapo siya!

Pagkatapos ng araw na ‘yon ay ilang beses pang sumubok si Donghyuck na kausapin ito. Ginamit niya pang topic ang UAAP kahit wala siyang alam sa sistema noon at tamang nood lang siya sa mga poging players. Pero para bang inaatake si Jeno ng allergy tuwing lumalapit siya at namumulang tumatakbo paalis.

Kaloka, naisip niya tuloy kung may allergy ba 'to sa mga bakla! Kung makatingin kasi 'to sa dating rainbow hair ni Donghyuck ay akala mo may napakalaking atraso si Donghyuck sa kanya.

Pero ang hindi talaga maintindihan ni Donghyuck ay sa kanya lang ito umaakto nang gano'n! When Soobin introduced them to his boyfriend na senior nila ay parang wala lang naman kay Jeno 'yon. May time pa nga na pumayag itong magpanggap na boyfriend ni Yeri para pagtakpan ang pagiging lesbiana nito sa mga magulang niya.

Saka na-confirm niya na ring ang best friend nitong si Jaemin ay kauri niya at kasalukuyang bading na bading sa best friend ni Donghyuck na si Renjun.

So hindi talaga gets ni Donghyuck bakit kung iwasan siya ni Jeno ay para bang may nakahahawa siyang sakit. Hindi naman sakit ang pagiging bakla, 'no! Akala ba ni Jeno ay pagsisiksikan ni Donghyuck ang sarili niya? Hello, ang ganda-ganda ng lola niyo para maghabol lang. Mahal-mahal ng skincare tapos papapawis lang siya.

Kaya gano'n na lang din siguro 'yong gulat niya nang kausapin siya nito nang magkita sila sa club four months ago last semester:

 

Matapos ang dalawang bote ng San Mig Apple at ilang shots ng vodka ay tinawag na si Donghyuck ng kalikasan. Alas diyes na ng gabi at puno na ng tao ang maliit na bar malapit sa campus nila.

He went to the toilet and decided to look for Renjun after. Nabobore na kasi siya dahil puro schoolmates nila ang mga nandito. Sawang-sawa na siyang makipaglandian sa mga nakikita niya rin sa campus.

Walang thrill. Gusto niya ‘yong may distansyang nilalakbay para lang mapuntahan siya.

Pagdating niya sa banyo ay tila nawala ang alkohol sa sistema niya nang makasalubong ang mga mata ni Jeno na kasalukuyang nagbubukas ng zipper sa tapat ng pinakadulong urinal. Mabilis na nagbawi ng tingin si Jeno at binaba ang mga mata sapagkalalaki niya.

Wow. Awkward.

Ngayon na lang niya ulit ito nakita dahil nag-leave muna siya sa org nila buong sem. Kahit na parehong nasa engineering courses ay tila hindi sila pinagtatagpo ng tadhana dahil mabibilang sa dalawang kamay ang pagkakataong nakasalubong ito ni Donghyuck sa campus.

Umakto na lang si Donghyuck na parang walang nangyari at pumunta sa unang urinal na pinakamalayo rin kay Jeno. Inunahan niya na ang lalaking umiwas dahil, aba, quota na siya sa paulit-ulit na pag-iwas nito sa kanya.

Natuto na ang pride ni Donghyuck na kusang lumayo sa mga lalaking ayaw naman sa kanya. Eme! Drama lang.

Dahil nasa labas ng bar ang banyo ay hindi masyadong rinig ang tugtog sa loob nito. Gano’n na lang ang pagpikit ni Donghyuck sa hiya nang umalingawngaw ang tunog ng pag-ihi niya sa apat na pader ng banyo.

Ang ingay ng tite niya, puta!

Nag-uunahan silang lumabas ng banyo at plano na ni Donghyuck na ayain ang best friend niyang umuwi nang maramdaman niya ang presensya ni Jeno sa likod niya. Binilisan niya tuloy ang paglalakad at gano’n na lang ang biglaang pag-atras niya nang may makasalubong na lalaki.

“So—Donghyuck?” Renjun’s eyes moved to the right and, “Jeno?”

“Uy, kanina pa kita hinahanap! Nasa’n ka ba?” Hindi alam ni Donghyuck kung magpapasalamat ba siya o kakabahan sa paglitaw ng best friend niya

Imbis na sumagot ay nagtanong din ito, “Magkasama kayo?”

“‘Di ah, nakasalubong ko lang sa CR,” agad na sagot niya.

Renjun’s eyes narrowed, and he saw the question about to leave his mouth when the person behind him spoke.

“Hi. Renjun, right? Roommate ni Jaem?” Tanong ni Jeno. Maliban sa pagiging roommate ng best friend nito ay magkaklase rin ang dalawa sa P.E. subject nila.

Renjun nodded, and Jeno continued. “He’s here din. Kayo lang ba?”

Renjun answered ‘yes’ and Jeno followed up again, “Do you want to join us? We’re all acquainted naman.”

Sasabat na sana si Donghyuck para tumanggi nang bumaling ang tingin ni Jeno sa kanya.

“You used to be in our org, diba?”

Nanlaki ang mga mata ni Donghyuck at, dala ng tama ng alak, hindi niya napigilan ang sarili na sarkastikong magtanong.

“Kilala mo ako?”

Napabitiw si Jeno sa tinginan nila at namumulang sumagot, “Uhm, yes?”

Donghyuck immediately berated himself in his mind when Jeno refused to meet his eyes again.

“So, gusto niyo ba?” Jeno finally spoke when he appeared to have collected himself. “It’s okay if you don’t want to pero libre kasi—”

“Okay,” Donghyuck agreed.

Doon ay sinalubong na ulit ni Jeno ang mga mata niya. Kinagat nito ang ibabang labi at tumango.

“Okay,” pag-ulit nito sa sagot niya at kumawala ang maliit na ngiti sa mga labi nito. “Do’n 'yung table namin.”

 

Pagkatapos noon ay hindi na ulit sila nagkausap dahil naging abala si Donghyuck sa mga orgmates nilang tuwang-tuwa sa pagdating niya. Sinubukan ni Donghyuck na hanapin ang mga mata nito pero para bang na-reach na ni Jeno ang Donghyuck-quota niya sa gabing ‘yon at hindi na siya kinausap ulit buong gabi.

Pero, shet, hindi pa rin makapaniwala si Donghyuck na nagawang mag-initiate ni Jeno na kausapin siya na unrelated sa org stuff. Ang laking upgrade no’n mula sa dating pag-akto nito na para bang walang Donghyuck Lee na nag-eexist outside Engineering Society. Siguro nga basic courtesy lang 'yon since orgmates naman nila ang nandoon at kilala nila pareho si Renjun.

Pero ang hirap kasing hindi lagyan ng kulay 'yon kitang ex-crush niya si Jeno Lee!

Iyong unang lalaking hinabol-habol niya sa college after swearing to himself during his high school graduation na hindi niya na gagawin 'yon. Paano ba naman kasi, pogi na, hindi pa kupal na orgmate, part ng university basketball team, and consistent Dean's lister pa.

'Yong standards ni Donghyuck, nagmukhang bare minimum sa credentials ni Mr. Perfect, amp.

Pero pakshet, bakit pakiramdam ni Donghyuck ay nakatingin sa kanya si Jeno ngayon na para bang naririnig nito lahat ng kagaguhang tumatakbo sa utak niya.

"Hoy, ba't namamawis ka d'yan? Yuck ka," biro ni Yeri.

"Ang init, eh! Ba't kasi hindi bukas ‘yung aircon, nagtitipid ba kayo?" singhal ni Donghyuck sabay lapit sa aircon na nakapatay.

"Gaga, sabi kasi ni Pres mamayang meeting na buksan."

Hindi ito pinansin ni Donghyuck at binuksan ang aircon. Habang nakatalikod ay pasimple siyang sumilip upang sulyapan si Jeno.

Putangina, nakatingin nga!

"Wooh, tangina, ang init!" Binalik ni Donghyuck ang mukha niya sa tapat ng aircon at umakto pang pinapaypayan ang sarili niya.

"Ito, Jen. Let me know na lang kung may kulang," rinig niyang sabi ni Hyunjin.

Patay-malisyang bumalik si Donghyuck sa dati niyang pwesto habang pinupunasan ang pawis niya.

"Thanks," maikling sagot nito sabay ngiti. Bumaling ito sa pwesto nila ni Yeri at pansin ni Donghyuck ang pamumula ng tenga nito.

"Una na ko, Yeri—" napatigil muna ito bago banggitin ang pangalan niya, "Donghyuck."

"Bye, Jenjen! Mamimiss ka namin," saglit siyang niyakap ni Yeri. "Good luck this season!"

Nang bumaling ito sa kanya ay nabato si Donghyuck sa pwesto niya. Hindi niya pa rin binababa ang mga braso niya kahit na humiwalay na si Yeri sa yakapan nila.

Ano 'to, gago. Pati ba siya yayakapin nito?

Hindi na ba siya allergic kay Donghyuck?!

Nang ilang segundo silang parang tangang naghihintayan lang ay binaba na ni Jeno ang mga braso niya. Umiwas ito ng tingin at napakamot sa batok niya.

"Bye, Donghyuck. Nice to have you back here sa EngSoc."

Jeno smiled so hard his eyes shrank into crescent moons that made Donghyuck's lips part in awe.

Wala nang nagawa si Donghyuck kundi pwersahang ibalik ang ngiti nito bago ito lumakad paalis. Hinabol ng tingin niya ang pigura nitong naglalakad sa hallway hanggang sa lumiko ito at tuluyan nang nawala sa kanyang paningin.

Tangina.

Ang hirap namang hindi maghabol sa isang Jeno Lee!

Notes:

GRAAAAAAAHHHHHHH HAPPY NOHYUCK/JENDONG/NOCHAN DAY!!!!!!!

retrospring

Series this work belongs to: