Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2024-10-31
Words:
3,948
Chapters:
1/1
Comments:
31
Kudos:
135
Bookmarks:
15
Hits:
1,530

huwag muna tayong umuwi

Summary:

Kaya nga ginagawa ni Mark ang lahat ng ito kasi hindi niya matanggap… Hindi niya matanggap na wala na ang kasintahan niyang si Donghyuck. Hindi niya matanggap kaya umabot na siya sa punto na pati pagsuway sa mga pamahiin ay gagawin niya para lang maramdaman ulit ang mga yakap ni Donghyuck.

Notes:

hello, here’s a mahae fic for halloween! 🎃

this fic is inspired by a tweet na nakita ko last march. naisip ko agad ang mahae kaya i decided to write a fic about it, enjoy reading po!

nakuha ko rin ang title sa kanta ng bini… alexa plz play huwag muna tayong umuwi! HAHA

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Tahimik lang na pinagmamasdan ni Mark ang mga gusaling nadaraanan nila habang pauwi sila ng pamilya niya sa kanilang bahay. 

 

“Kumakain ka pa ba?” tanong sa kaniya ng nanay niya. “Dadaan muna tayo sa malapit na kainan dahil baka nagugutom ka na.”

 

‘May pagkain na ako rito.’ ‘Yan ang gustong isagot ni Mark sa nanay niya pero mas pinili na lang niyang manahimik at pinanatili ang tingin sa bintana.

 

Kahit hindi niya tingnan pabalik ang nanay niya ay ramdam niya ang pag-aalala sa tingin nito. Dagdag pa ang kapatid niyang mas lalong isiniksik ang sarili sa kaniya at niyakap siya. “Kuya, pabilisan ulit tayo kumain mamaya, okay? Kapag nanalo ka, ipapahiram ko na sayo ‘yung slime ko.” sabi nito.

 

Hindi ulit umimik si Mark at tipid lang na nginitian ang nakababatang kapatid tapos binalik na rin agad ang tingin sa bintana.

 

“Pero Mama, why do we have to buy food pa? Diba may natira pang food sa house kanina before we left?” inosenteng tanong ng kapatid niya.

 

Agad namang sumagot ang ina nila. “Why, ayaw mo ba ng ice cream?” sabi nito.

 

“Gusto ko! Chicken too–”

 

Bigla namang nagsalita ang tatay ni Mark. “Tsaka kailangan kasi natin magpagpag. Sige ka, baka biglang sumunod sayo si Kuya Hyu–” Natigil ang tatay ni Mark sa pagsasalita, naalis na rin ang tingin ni Mark sa bintana kaya naman nagtama ang tingin nila sa salamin.

 

Agad namang tumikhim ang nanay niya at iniba agad ang pinag-uusapan. “Oh, andito na pala tayo! Who wants some ice cream?”

 

“Me! Me! Me!” masiglang sabi ng kapatid niya.

 

Pagkatapos nilang mag-park ay agad nang nagsilabasan ng kotse ang magulang ni Mark at ang kapatid niya. Habang si Mark ay hindi naman gumalaw mula sa pagkakaupo niya, wala siyang balak bumaba dahil may pagkain na siya at sa bahay niya na lang ito kakainin.

 

Pero agad namang napansin ng magulang niya na hindi siya sumuod at kaya agad siyang binalikan ng nanay niya. “Mark?” malumanay na sabi nito, sabay marahang haplos sa mukha niya. “Kain tayo, nak? O sa bahay ka na lang? Pero samahan mo kapatid mo doon sa loob, alam mo naman ‘yun at gustong-gusto ka kasama kumakain.”

 

Totoo naman ‘yan pero wala kasi talaga siyang gana… ganang kumain, magsalita at kumilos. Halos bitbitin na nga siya ng tatay niya kanina para lang mapasakay siya ng kotse nila.

 

Ilang araw na ba siyang ganito? Hindi na niya alam dahil ni anong oras na o araw e wala na siyang alam. He felt like his life stopped after that happened.

 

Tipid siyang nginitian ng nanay niya nang hindi siya sumagot. “Bilhan mo na lang kapatid mo ng bond paper, may Pandayan dyan sa tabi. Kanina pa nagkukulit kapatid mo na bilhan ko siya.” sabi nito.

 

“Meron ako—” Bago pa makaangal si Mark ay inabutan na siya ng pera ng mama niya at iniwan na siya ulit sa kotse. Wala namang nagawa si Mark kundi sundin ang utos nito kaya napababa siya ng kotse ng wala sa oras.

 

Lumilipad ang utak niya habang bumibili siya, hindi na nga niya alam kung tama ba ‘tong nadampot niya. At dahil wala siya sa sarili ay tinatanguan na lang niya lahat ang sinasabi ng cashier.

 

“Sir, sigurado talaga kayo na bibili kayo ng limang rim ng bond paper?” tanong ng cashier. Hindi masyadong naintindihan ni Mark ang sinabi nito pero tumango pa rin siya, ang tingin niya kasi ay nasa isang libro lang.

 

‘Matagal nang sinasabi ni Hyuck ‘yang libro na ‘yan, bilhin ko kaya?’ isip niya, napangiti nang maisip ang kasintahan niya.

 

Pupuntahan na sana niya kung saan nakalagay ‘yung libro nang bigla ulit magsalita ‘yung cashier. “Sir, ayos lang ba kayo?” tanong nito.

 

“Huh?” nagugulahan niyang sabi. Pero bago pa makapagsalita ulit ang cashier ay napansin na niyang imbis na pera ang inaabot niya rito ay nag-aabot siya ng mga resibo para pambayad. “Shit, sorry.” agad niyang sabi at nag-abot na ng totoong pera.

 

Pagkatapos non ay walang buhay niyang kinuha ang mga binili niya, hindi na napansin na napasobra pa ang mga ‘to at agad na bumalik sa kotse para hintayin ang pamilya niya.

 

Pagkabalik niya ay napansin niya ang paperbag na dala niya pauwi na naglalaman ng pagkain. Tipid siyang napangiti, kakainin niya ‘yan mamaya.






 

 

“Kakain ka na?” tanong sa kanya ng nanay niya pagkarating nila ng bahay, nakita kasi siya nito na agad dumeretso sa kusina. “Bihis ka muna sa taas, nak.”

 

“Iinom lang po ako.” pagsisinungaling niya. Alam naman niya ang dahilan kung bakit siya pinagpapalit ng damit ng nanay niya, bawal daw kasi.

 

Tumango naman ang nakatatanda at umakyat na para makapagbihis na ito, kaya naman naiwan si Mark sa baba. Mabilis niyang inilabas ang pagkain sa paperbag at umupo na agad para makakain.

 

Hindi naman talaga gutom si Mark, kakainin niya lang talaga ‘tong sopas in the hopes of something. 

 

Dahan-dahan niyang hinihigop ang sabaw ng sopas kasabay ng pagtulo ng luha mula sa mata niya. Hanggang ngayon hindi pa rin niya tanggap, hindi niya alam kung matatanggap niya. 

 

Kaya nga ginagawa ni Mark ang lahat ng ito kasi hindi niya matanggap… Hindi niya matanggap na wala na ang kasintahan niyang si Donghyuck. Hindi niya matanggap kaya umabot na siya sa punto na pati pagsuway sa mga pamahiin ay gagawin niya para lang maramdaman ulit ang mga yakap ni Donghyuck.





 

“Ano ‘yang kinakain mo?” Natigil naman si Mark sa pag-iisip nang marinig niya ang yabag ng paa ng nanay niya. Hindi niya ito kinibo at nanatili lang siyang nakayuko habang kumakain. “Tsaka sabi ko sayo magpalit kana agad ng damit pagkarating natin dito at baka sundan ka pa ng patay. Jusko ka, Mark Lee.”  

 

Doon naman nakuha ang atensyon ni Mark. That’s the point. Napailing siya at mahinang natawa. Sana nga, sana nga talaga.

 

“May ulam pa rito, gusto mo ba?” rinig niyang sabi ulit nito. Rinig din niya ang ingay ng mga kubyertos, mukhang pinaghahanda pa siya nito ng panibagong pagkain. “May kare-kare pa, tinirhan kita kasi naisip ko nga na baka gusto mo matulog dito. Sabi ni Tita Daisy mo na kahit sa apartment niyo e hindi ka umuuwi.”

 

“Natutulog ka pa ba?” nag-aalalang tanong ng nanay niya. Naramdaman niya rin ang paglapit nito sa bandang likuran niya at dahan-dahang siyang yinakap nito. “Nandito lang kami ng Papa mo, hmm?”

 

Naiiyak na naman siya. Tangina, ilang araw na siyang umiiyak, kailan ba ‘to matatapos? Matatapos pa ba ‘to? 

 

“Saan mo galing ‘yang sopas mo? Huwag mo sabihing—” Lumayo sa kanya ang nanay niya at dumeretso sa basurahan para kumpirmahin kung tama ang hinila nito. “Anak naman!” sabi nito nang makita ang pinaglagyan ng sopas na kinakain niya ngayon.

 

“Alam mo namang bawal mag-uwi ng pagkain galing sa patay, ano bang pumapasok sa isip mo?!” nag-aalalang sabi nito at napahawak na sa sariling sentido. 

 

Hindi na nagulat si Mark sa biglaang pagsigaw ng nanay niya at sa reaksyon nito. Relihiyoso kasi ang pamilya nila kaya hindi na bago ang pagsunod sa mga pamahiin at kaya naman ganyan na lang din ang reaksyon ng nanay niya sa pagsuway niya, lalo na’t simula bata pa lang ay hindi naman nagkaproblema ang mga magulang niya sa kanya pagdating sa mga ganyan.

 

Ngayon lang naman, kahit isang beses lang. Susubukan lang niya kung totoo. Tsaka ano naman kung sundan siya ng yumao niyang kasintahan? Si Donghyuck naman ‘yun. Kahit hindi na yakap, masilayan niya lang ulit ang ngiti nito ay okay na siya.







 

 

Pagkatapos niyang kumain ay agad siyang dumeretso sa lumang kwarto niya, hindi na siya nakatira dito dahil dalawang taon na silang live-in ni Donghyuck. Medyo natagalan pa siya bago makaakyat dahil sinermonan pa siya ng nanay niya, nagpaalala ng mga kung ano-ano at nagbilin para raw hindi siya sundan ng patay.

 

Syempre hindi niya sinunod, agad siyang dumeretso ng higa at hindi pa rin nagpalit ng damit. 

 

Nakatitig lang siya sa kisame, gusto na niyang matulog kasi baka bukas e magising siya na nasa tabi na niya ulit si Donghyuck at baka panaginip lang ang lahat.

 

Na baka pag sinuway niya lahat ng mga bawal e dalawin siya ni Donghyuck sa personal o kaya kahit hindi na harap-harapan, kahit pa sa panaginip ‘yan ay tatanggapin na ni Mark. 

 

Pero hindi niya maipikit ang mga mata niya dahil kada gagawin niya ito e bumabalik ang mga alaala ng mga nangyari.

 

Bumabalik lahat ng emosyon na naramdaman niya noong araw na nalaman niya na wala na si Donghyuck, lahat ng sakit na hanggang ngayon e nandito at para bang imbis na mabawasan e mas sumasakit sa araw na dumaraan.

 

Bumabalik ‘yung araw na naisipan ni Mark na sumagot ng isang call mula sa isang unknown number without knowing may ibabalita itong makakapagbago ng buhay niya. 

 

“Sir, are you a relative of Donghyuck Lee?” sabi ng isang babae pagkasagot ni Mark sa tawag.

 

Kumunot ang noo ni Mark, nagtaka siya dahil hindi naman niya ito mabosesan pero bakit mukhang kilala nito si Donghyuck? “Yes, this is his boyfriend. Ano pong meron?”

 

“He’s currently in the hospital right now,” sabi nito kaya mas lalong naguluhan si Mark. Nurse kasi si Donghyuck at mas nakakapagtaka kung wala ito sa hospital. “And kayo po ‘yung nasa emergency contact niya.”

 

Tuloy-tuloy sa pagsasalita ang babae, telling him na naaksidente raw si Donghyuck at malala raw ang inabot nito. Something that Mark can’t process in three minutes kaya buong call ay nakatulala lang siya.




 

Bumabalik lahat ng sakit noong pagdating niya sa hospital e nakita niya si Donghyuck sa ICU na halos hindi niya na masilayan kasi ang daming nakalagay na kung ano-ano sa katawan nito.

 

“He’ll be fine.” sabi ng nakatatandang kapatid ni Donghyuck. Parehas nilang pinagmamasdan si Donghyuck na nakahiga, ang dami-daming tubo, gamot at aparatus na nakalagay sa katawan nito. Naiiyak na lang si Mark habang iniisip lahat ng sakit na nararamdaman ng nobyo niya ngayon.

 

Pero he knows that Donghyuck is a strong person kaya he smiled to Doyoung kasi naniniwala rin siya na aayos ang nakababata. Si Donghyuck pa ba?




 

Bumabalik din lahat ng emosyon niya nang kausapin siya ng doctor para ibalitang wala na si Donghyuck. 

 

Totoo pala ‘yun, akala ni Mark sa mga pelikula lang nangyayari ‘yung parang binagsak ‘yung puso mo mula sa mataas na palapag at parang nasira buhay mo kasi nawalan ka ng minamahal. 

 

Bumabalik ‘yung alaala kung paano niya pinilit gisingin si Donghyuck, kung paano niya alug-alugin ang katawan nito dahil baka binibiro lang siya ng doctor.

 

Na baka hindi totoo ang lahat, na baka paggising ni Donghyuck e balik sila on being a normal couple who’s just trying to save up for their future.



He was going to propose to Donghyuck on their 8th anniversary.

 

Pero sobrang fuck up ng tadhana dahil imbis na proposal ang pinaplano niya e mga documents ni Donghyuck ang inaayos niya. Imbis na bulaklak na ibibigay niya kay Donghyuck sa araw na ‘yon ang ipapa-arrange niya, mga funeral wreaths ang inaasikaso niya.

 

Ang sakit sakit kasi noong umaga bago nangyari ‘yung aksidente e nangako pa si Donghyuck na magluluto siya ng paboritong nilang dalawa na pagkain.

 

“Early out ako today, mahal.” sabi ni Donghyuck habang inaayos ang necktie ni Mark. “Anong oras uwi mo? Balak ko kasi magluto sisig e.”

 

Lumiwanag naman ang buong mukha ni Mark. Ang tagal na rin kasi noong huling nagluto si Donghyuck, sobrang busy kasi nito sa trabaho. “Aagahan ko mamaya, mahal.” 

 

Inagahan nga ni Mark ang pag-uwi sa araw na ‘yon, nauna pa nga siya kay Donghyuck. Akala niya natagalan lang si Donghyuck kasi bumili pa ‘to ng sangkap para sa lulutuin nito pero mali, iba na pala ang nangyari.

 

They were supposed to end that day happily and in love pero iba kumilos ang tadhana. Tinapos niya ang araw na ‘yon na wala sa tabi ni Donghyuck, umiiyak na pinagmamasdan ang walang malay na binata with a clear glass separating them.

 

At eto na naman siya ngayon, tinatapos ang araw na hindi katabi si Donghyuck. Nakikipagtitigan sa kisame at umiiyak habang hinihiling na masamang panaginip lang ang lahat ng ito at bukas paggising niya e nasa tabi na niya ulit si Donghyuck.

 

Hindi na niya kaya ang sakit na dala ng bawat araw na wala si Donghyuck kaya humantong na siya sa puntong ginagawa niya na lahat ng mga bawal.

 

‘Huwag mag-uwi ng pagkain galing sa patay’, ‘Magpalit agad ng damit kapag galing sa patay’ ‘Yan ang mga bilin ng mga matatanda kung ayaw mo raw sundan ka ng patay but that’s exactly what he wants.

 

“Maghihintay ako, mahal.” umiiyak na sabi ni Mark, inilabas niya ang singsing na ibibigay niya sana dapat kay Donghyuck. “Maghihintay ako kahit gaano pa ‘yan katagal.”




 

Mapait na napangiti si Mark pagkagising niya dahil ganon pa rin, andoon pa rin ‘yung sakit at wala pa rin si Donghyuck sa tabi niya. 

 

“Maghihintay pa rin ako, mahal.” tipid na sabi niya, nakatitig ulit sa singsing habang marahan itong hinahaplos.





 

 

 

Agad namang bumalik si Mark sa bahay ng magulang ni Donghyuck, medyo marami na ang mga tao kahit umaga pa lang, last day na rin kasi.

 

Nadaanan niya habang papasok siya ang mga kaibigan nila ni Donghyuck, ramdam niya ang tingin ng mga ‘to at pag-aalala sa mga mukha. 

 

“Nag-almusal ka na ba?” tanong ng isang kaibigan nilang si Jeno. Tumayo ito mula sa pagkakaupo para lapitan siya at marahang tinapik ang balikat niya. Jeno softly smiled at him. “May sandwich dito, gusto mo ba kumain?”

 

Sunod-sunod ding lumapit ang mga iba pa nilang kaibigan, sinusubukan siyang kwentuhan, pakainin at patulugin. At ang tanging kaya lang ni Mark na gawin ay tipid na ngitian ang mga ‘to, para hindi na mas lalong mag-alala ang mga tao sa kanya.

 

Pagkatapos non ay balik na siya sa pakikipagtitigan sa mukha ni Donghyuck. Ganda pa rin. Ang ganda pa rin nito kahit tulog kaya despite all the pain he’s feeling right now e gumagaan ang loob niya tuwing nakikita ang mukha ni Donghyuck. 

 

Parang tulad lang ng dati kung saan kapag pagod na pagod siya galing trabaho at ang tanging nakakapagpagaan lang ng loob niya ay ang pag-uwi kay Donghyuck. 

 

Pero at the same time hindi niya mapigilan ang mga luha sa mata niya na handang tumulo kahit anong oras. Naiiyak din siya tuwing nakikita ang mukha ni Donghyuck, natatakot dahil baka ‘yon na ang huling sandali na masisilayan niya nang malapitan ang mukha ng binata.

 

‘This can’t be the last time, mahal.’ Nakatitig lang si Mark kay Donghyuck, unti-unti na ring bumabagsak ang mga luha niya. Ang sakit… Hindi niya matanggap. 

 

Walong taon niya kasing kasama si Donghyuck, mula kolehiyo sila hanggang sa makapagtapos at makapasok sa mga pinapangarap nilang mga trabaho. 

 

Donghyuck used to tell him that both of them will live together until they are gray and old. Naniniwala si Donghyuck na mabubuhay siya nang matagal.



“Kapag namatay ako, ayaw kong malulungkot na kanta ‘yung ipapatugtog sa lamay ko. Boring! Ayaw niyo ba magpatugtog ng ‘Versace On The Floor’?!” sabi ni Mark, kumakain sila ni Donghyuck habang nag-uusap tungkol sa kung ano-ano.

 

Natawa naman si Donghyuck sa sinabi niya at mahinang hinampas siya sa balikat. “Pero ikaw mahal, may song request ka ba kapag namatay ka? Ako bahala, kakausapin ko si Kuya John para lang mag-DJ.” pabirong dagdag ni Mark.

 

“Tanga,” sabi nito. “Tsaka mo na ako tanungin tungkol sa ganyan kapag 50 years old na ako, kahit nga 70 pa. Masyado pang maaga para pag-usapan ang lamay ko, matagal pa ako mabubuhay.” sagot ni Donghyuck sa tanong ni Mark.

 

Napangiti si Mark. “Really? Naniniwala ka na matagal kang mabubuhay?” tanong niya rito.

 

Tumango-tango si Donghyuck. “Oo naman!” saad niya. “Healthy living kaya ako! Also, marami pa akong pangarap… Marami pa tayong pangarap kaya sa susunod ko na iisipin ‘yan!”

 

“Lamay planning, lamay planning.” dagdag ni Donghyuck, he even playfully rolled his eyes. “Pwede namang wedding planning na muna?! Kailan kaya magpro-propose ‘yung boyfriend ko— Joke lang, mahal. Wala pa pala tayong ipon.”



 

“Daya mo, mahal. Ang daya ng mundo.”









 

 

“Mark,” tawag ng nanay ni Donghyuck kay Mark. Agad naman itong nilingon ni Mark at tinabihan ang nakatatanda. “Uuwi ka ba?” tanong nito.

 

Tumango si Mark. “May kukunin lang po ako sa apartment namin ni Hyuck. Susubukan ko rin pong matulog para may lakas ako bukas.” pagsisinungaling niya. Wala naman talaga siyang kukunin sa apartment nila at alam din niyang hindi siya makakatulog.

 

May gusto siyang subukan… ‘Huwag kang dederetso sa bahay, magpagpag ka muna dahil baka sundan ka ng patay.’ Isa pa ‘yan sa mga bilin ng mga nakatatanda kaya sa huling pagkakataon ay titingnan niya kung totoo ba ang mga sinasabi ng mga ito tungkol sa mga pamahiin na ‘yan. 

 

Baka may nagawa siyang mali kaya hindi ito gumana kagabi. Baka natakot si Donghyck sa mga sermon ng nanay ni Mark kaya hindi gumana.

 

Susubok siya sa huling pagkakataon. Wala naman mawawala dahil si Donghyuck lang din naman ‘yon.

 

Kaya pagkatapos niyang kausapin ang nanay ni Donghyuck ay nagpaalam na siya rito na umuwi. “Panigurado ay wala kang pagkain sa apartment niyo kaya dumaan ka muna sa malapit na kainan, ha?” bilin pa ng nakatatanda.

 

Alam na ni Mark kung ano ang ibig sabihan niyan at wala siyang balak sumunod pero nginitian niya pa rin ang nakatatanda para lang makampante ito bago siya tuluyang umalis.






 

 

“Maghihintay lang ako, mahal.”

 

Napagdesisyonan ni Mark na maglakad nang gabing ‘yon, trenta minutos lang naman ang layo ng bahay ng magulang ni Donghyuck sa apartment nila.

 

Para rin makapag-isip siya… Napagtanto niya na ngayon na ang huling gabi ni Donghyuck. Ang bilis ng araw pero at the same time parang sampung taon na niyang dinadala ‘tong sakit.

 

This is the first time in a while where he lost someone that is important to him, that’s why he doesn’t know how to handle or what to do with the pain. He doesn’t even remember what he felt when his grandparents passed away because he was just a kid back then.

 

He doesn’t even remember that this is what it felt when losing someone.  Hindi naman ganito kasakit noong halos tatlong buwan niyang hindi nakita si Donghyuck kasi nag-cool off sila nung third year college sila, it’s like ten times or even a hundred more painful than that. Hindi niya alam na para ka pa lang sinaksak ng napakadaming kutsilyo sa puso, walang dugong lumabas and it’s just all pain.

 

Will the pain even stop? Life goes on sabi ng nakararami pero paano? Kaya ba niya?

 

He doesn’t even know what to do after tomorrow. Ilang araw pa siyang iiyak? Anong gagawin niya kapag lumubog na ang araw bukas at siya na lang mag-isa sa apat na sulok ng apartment nila?




 

Then he felt something… something very familliar.

 

Kaya natigil siya sa paglalakad at napako sa kinakatayuan niya. It’s cold and firm… Tumingin siya sa kamay niya at nakita niya kung ano ito.

 

Napangiti siya, saktong-sakto talaga ang kamay ni Donghyuck sa kamay niya. Hinigpitan niya ang hawak dito na para bang wala siyang balak na bitawan ito, na parang kahit anong oras e maiiwan na naman siyang mag-isa ulit.

 

Hindi na napigilan ni Mark ang pagbagsak ng mga luha niya, kasabay sa pagbagsak ng mga dahon mula sa puno na nadaraanan nila. He’s really here.

 

Hinarap niya si Donghyuck at nginitian. “Hi…” garalgal na sabi ni Mark, hindi siya matigil sa pag-iyak. Nagpakawala siya ng malakas na buntong-hininga nang tuluyang makita ang mukha ni Donghyuck… He can’t believe that Donghyuck is really here. 

 

Hindi siya sinagot ni Donghyuck pero ramdam niya ang pagpisil nito sa kamay niya, mas lalo namang lumaki ang ngiti sa labi ni Mark. Hinawakan niya ang binata sa mukha gamit ang isang kamay at marahang hinaplos ito.

 

“Ang ganda mo, mahal.”

 

Binaba niya ulit ang kamay niya para kunin ang panyo sa bulsa niya at para mapunasan ang mga pulang bagay sa mukha ni Donghyuck. Pilit niya ‘tong pinupunasan pero kahit anong gawin niya e hindi ito maalis-alis. Hanggang si Donghyuck na mismo ang pumigil sa kanya.

 

Nginitian lang siya nito pagkatapos at nagsimula na maglakad ulit. Sinigurado ni Mark na dahan-dahan lang ang kanilang paglakad dahil natatakot siya… Natatakot na baka agad silang makarating sa apartment nila at matulog. Baka paggising niya e wala na naman si Donghyuck sa tabi niya.

 

Kaya nang makita niya ang palaruan malapit sa apartment nila ay agad siyang huminto sa paglalakad. Para lang tumagal ang oras, ayos lang kahit hanggang bukas o hanggang sa makawala e nandito sila. Ayos lang basta hawak niya pa rin ang mga kamay ni Donghyuck. 

 

Umupo sila doon sa isang mahabang upuan, dito sila madalas tumambay tuwing umaga at pagkatapos nilang mag-jogging.

 

“Nagugutom ka ba?” tanong ni Mark sa kasintahan. “Nag-uwi ako ng pagkain galing sa inyo. Kain tayo?” sabi niya sabay labas sa sopas at ulam na palihim niyang binalot kanina. Ngayon na lang ulit siya nakaramdam ng gutom, ngayon na lang din siya kasi parang nagkaroon ng buhay.

 

Pero hindi siya ulit sinagot ni Donghyuck… Ayos lang, kahit siya lang ang magsalita sa kanilang dalawa, basta hindi lang aalis ulit si Donghyuck sa tabi niya.

 

“Tingnan mo, napaso ako kanina.” nakangusong sabi ni Mark sabay pinakita kay Donghyuck ng kamay niya. Kwinento niya rito paano siya napaso at saan siya napaso… Siya lang nagsasalita buong magdamag.

 

Kwinekwentuhan niya ng kung ano-ano si Donghyuck habang si Donghyuck ay nakatingin at nakikinig lang sa kanya, sana. 

 

Sa kalagitnaan ng pagkukwento niya e biglang tumayo si Donghyuck at naglakad palayo. Agad namang kinabahan si Mark kaya mabilis niya itong sinundan at agad na kinuha ang kamay nito. 

 

“Dito muna tayo, mahal.” pigil ni Mark kay Donghyuck. Lumunok siya, naiiyak na naman. “Wag muna tayong umuwi, maaga pa naman.”

 

Nilingon siya ni Donghyuck at nilapitan. Hinawakan siya nito sa mukha sabay sabing… “Inaantok na ako, mahal.”

 

Sa buong gabi na magkasama sila e ito ang unang beses na nagsalita si Donghyuck. Kaya lumunok ulit si Mark, dahan-dahang tumango kay Donghyuck. Anong magagawa niya kung si Donghyuck na mismo ang nagsabi? 

 

Dahan-dahan.

 

Mabagal lang ang mga lakad nila habang pauwi.

 

Tahimik ang buong paligid at mga mahihinang hikbi lang ni Mark ang tanging naririnig. 

 

Parang kada hakbang nila e papalapit sila sa katapusan.

 

Wala na rin nagawa si Mark noong pagkapasok nila sa apartment ay inutusan siya ni Donghyuck na magpalit ng damit para makatulog na sila.

 

“Tatabihan kita.” sabi nito. Kaya ano na lang ang magagawa ni Mark?

 

Wala na rin siyang nagawa noong pagkahiga nila ay marahang pinaglaruan ni Donghyuck ang buhok niya. Alam na alam ng binata na ‘yan ang mabisang pampatulog sa kanya. 

 

Pero nilalabanan niya ang antok, pilit niyang binubuksan ang kanyang mga mata para titigan sa mukha si Donghyuck. 

 

Kinakabisado niya ang hulma ng mukha nito, ang pakiramdam tuwing hahawakan niya ito.

 

Kung ano ang ang hugis ng labi nito, ang pakiramdam tuwing naglalapat ang mga labi nilang dalawa.

 

Ang pwesto ng mga nunal sa maganda nitong mukha, kung paano niya isa-isahin na halikan ang mga ‘to. 

 

Kinakabisado niya ang lahat ng tungkol kay Donghyuck.

 

“I love you, Donghyuck.”

 

Pinagdikit ni Donghyuck ang mga mukha nila. “Okay lang, Mark. Okay na, hmm? Magiging okay din ang lahat.” sabi nito sabay yakap nang mahigpit sa kanya.

 

Pagkayakap sa kanya ni Donghyuck ay agad na naman nagsilabasan ulit ang mga luha sa mata niya, para siyang batang umiiyak sa harap Donghyuck. Sobrang higpit ng hawak niya rito, ayaw niyang pakawalan.

 

Hanggang si Donghyuck na mismo ang kumawala. Hanggang sa unti-unti na niyang naramdaman lahat ng pagod na naipon sa katawan niya nitong mga nakaraang araw. Hanggang sa kusa nang pumikit ang mga mata niya.

 

Ngiti ni Donghyuck ang huli niyang nakita bago tuluyang makatulog, boses din ng binata ang huli niyang narinig.

 

“Mahal na mahal din kita, Mark.”

Notes:

happy halloween & thank you for reading! 🎃