Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Series:
Part 3 of gabi 'verse
Stats:
Published:
2024-10-31
Words:
4,632
Chapters:
1/1
Comments:
8
Kudos:
122
Bookmarks:
13
Hits:
1,389

sa likod ng mga tala

Summary:

Kasabay ng pagpikit niya, naramdaman ni Wonwoo ang pag-angat ng ulo ni Mingyu mula sa balikat niya para silipin siya. Inabot nang ilang segundo bago ito sumandal ulit.

Then, he hears Mingyu whisper.

“Ang wish ko ngayong birthday ko…”

Nilakasan ni Mingyu ang volume ng kanta, but Wonwoo still hears his next words clearly.

“...ay magkaron ng mahaba pang oras na kasama ka.”

Mingyu asks for his time. Wonwoo decides that the world can wait.

Notes:

third installment for the atin ang gabi universe. supposedly a 0406 entry pero ngayon lang natapos :( this can be read as a standalone fic pero if you want to check out the series, click here! (〃` 3′〃)

enjoy reading! <3

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

“Ano na, Mingyu? Matatapos ka pa ba dyan?”

“E kung tulungan mo kaya ako?”

“Take your time, boss. At your own pace.”

Isang mahinang tapik sa balikat lang ang isinagot ni Wonwoo sa masamang tingin na binato sa kanya ni Mingyu, then he goes back to playing with the brightness level of his phone’s flashlight na tinututok niya ngayon sa isa. Kanina pa nagpatay ng ilaw ang sinehan, ilang beses na ring na-play ang mtrcb warning ad, pero hindi pa rin tapos si Mingyu ayusin ang pagkain nila.

Hindi naman sa nagrereklamo si Wonwoo, medyo lang, at kahit gaano pa ka-entertaining titigan ang side profile ni Mingyu habang nagtatanggal ng buhol ng plastic bag, pasimula na ang palabas at mas gusto niya pa ring panoorin ang movie na binayaran niya kesa sa mukha ng kaklase.

“Baba mo ‘yung ilaw.” Lumingon sa kanya si Mingyu. “Alam kong pogi ako, pero ‘wag mukha ko ang ilawan mo.”

Tsaka lang napansin ni Wonwoo na na-iangat na pala niya ang phone sa mukha ng isa, pero hindi pa rin niya ito binaba.

“Ulol.”

Mingyu isn’t facing him entirely, pero tamang-tama ang anggulo ng pagkakalingon ng isa sa ilaw ng phone niya that he now looks like he has an entire galaxy in his eyes.

Hindi pa rin alam ni Wonwoo kung bakit nandito sa tabi niya ngayon ang kaklase at wala sa loob ng bahay ni kuya.

Sabagay, hindi naman kasi baluktot ang tagalog ni Mingyu.

“Hala. Kumikinang ako sa paningin mo, ‘no?” Mingyu flutters his lashes at him at ngumuso pa. Inabutan na niya rin si Wonwoo ng kutsara. “Sorry, hindi ko maitago ang aking sparkling charisma.”

Wonwoo snatches the spoon out of his hand, pati na rin ang balot ng tinapay na hawak ng kabilang kamay ni Mingyu. 

“Oo, kumikinang.” He takes the bread clip off at binuksan ang supot. Iniabot niya ang unang slice kay Mingyu. “Kumikinang ina ka.”

Hindi naman pinansin ni Mingyu ang binibigay ni Wonwoo sa kanya at inagaw lang ang buong tinapay.

“‘Di ako kumakain ng pwet.”

“You are so wrong for that. ‘Pag mahal mo, kainin mo—”

“Who do you think they are to each other?”

Natahimik na silang dalawa nang magsimula na ang palabas. 

Pinatay na ni Wonwoo ang ilaw ng phone niya habang si Mingyu naman ay patagong nagpapahid ng palaman sa dalawang slice ng tinapay na nakapatong sa hita nito ngayon. Muntik pa niyang mahulog ang bote ng cheez whiz na nakasandal lang sa tyan nito kaya nang madistract ito, sinamantala ‘yon ni Wonwoo at kinuha lahat ng pagkain ng isa.

“Three points po para kay Wonwoo, Kuya. Tatlo po patong ng tinapay niya, parang may patago sa weekly budget.”

“You do not disrespect my queen like that!” Sagot ni Wonwoo nang makuha ang reference seconds later. “Two points po para kay Mingyu kasi mahilig siya magluto.”

“Huh?”

“Wawa ka naman, you wouldn’t have survived Melai’s batch.”

Ibinalik na ni Wonwoo ang tingin niya sa screen.

“They’re not even talking to the white guy.”

“Maybe they are tourists and the white guy is their tour guide.”

Wala pa naman silang masyadong na-miss. Nasa opening pa rin ang movie, still with the same three characters in the frame and third-person voices na hinuhulaan pa rin kung anong relasyon nilang tatlo.

Five minutes into the movie, mabilisang kinuha ni Wonwoo ang phone niya mula sa bulsa nang maramdaman ang sunod sunod na pagvibrate nito. He unconsciously frowns at the swarm of notifications at mukhang napansin ito ni Mingyu.

“Ano meron?”

Napabuntong hininga na lang siya bago sagutin ang isa. “Canvas.”

Bahagyang lumapit si Mingyu para sumilip sa screen niya. Saglit itong nakatitig, mukhang binibilang kung ilang notif ng submission ang ikinakunot ng noo ni Wonwoo bago tumango at nakipindot.

Mingyu drags his index finger from the top of the screen at pinindot ang do not disturb mode, pero agad din niya itong binawi at ni-long press. Saglit itong lumingon sa kanya na para bang nagpapaalam when the menu pops up, at nang makitang nakatingin lang sa kanya si Wonwoo, he taps on the add new focus button.

Pinanood lang siya ni Wonwoo na gumawa ng custom focus na pinangalanan pa niyang mingyu time at siya lang ang nag-iisang allowed contact notification. Pagkatapos ay ibinalik lang nito ang tingin sa pinapanood nila nang walang ibang sinasabi. 

Hindi niya ito sinave, as if letting Wonwoo decide kung willing ba siyang ituon ang buong atensyon niya kay Mingyu—as if letting him know that it’s okay kung hindi.

Saglit niyang tinitigan si Mingyu. And when the latter turns his head to smile at him, naisip niyang dalawang oras lang naman ang palabas.

Wonwoo taps on the paw print icon and presses save.

(Wonwoo decides that the world can wait.)

The movie passed by in a blur; the end credits scene rolls, pero parang wala namang natatandaan si Wonwoo dahil nadidistract siya kada may side comment si Mingyu na para bang gumagawa ng reaction paper on the spot kaka-overanalyze ng bawat nangyayari sa screen. 

Hindi makakalimutan ni Wonwoo kung paanong nag-rap si Mingyu during the handrail scene at kung paanong hindi na napigilan ng kamay niya na pasakan ng tinapay ang bunganga ng isa dahil sa inis.

Hindi dahil sa daldal ni Mingyu, kundi dahil sa sinabi nito.

“Minsan, may mga bagay talagang abot kamay mo na pero hindi mo naman pwedeng hawakan, ano?”

For some unknown reason, hearing those words coming from Mingyu—whose arm had brushed against his the whole time, dahil halos nakasandal na ito sa kanya kanina—didn’t sit right with him.

Or maybe he knows why, but Wonwoo may have spent the last two hours trying to convince himself na hindi niya nga alam.

(And another to admit na alam niya kung bakit, dahil natapos niya ang palabas but the only thing Wonwoo remembers is how he badly wanted to have a reason not to clench his fist just so he won’t wipe Mingyu’s tears away.

Pero kung kailan niya ‘yon aaminin sa sarili niya, ‘yon ang hindi alam ni Wonwoo.)

Bumukas na ang ilaw sa sinehan. Mingyu wipes the leftover tears on his cheeks with the back of his hand bago ito nagsalita, still facing the screen.

“Ang ganda, no?”

“Yeah.” Wonwoo answers without looking at the screen, now facing Mingyu. “Ang ganda nga.”

Ah, sinong mag-aakalang si Mingyu lang pala ang magpapalabas ng mga salitang kanina niya pa ipinagdadamot sa sarili niya?

“Tara na?”

Hindi na alam ni Wonwoo kung may kailangan pa ba talaga siyang aminin sa sarili niya.

“Tara.”

 

 

***

 

 

 

“Won, naalala mo pa ba ‘yung sagot ko dun sa kung anong biggest fear ko?”

“Ipis?”

“Gags, ‘di yan.”

“My bad, flying ipis nga pala.” Wonwoo lets out a chuckle when Mingyu looks over his shoulder para lang tignan siya nang masama. “Joke lang, tangek. Grief, ‘di ba?”

Paano ko makakalimutan , gusto pa niyang sabihin, pero paano ba ipapaliwanag ni Wonwoo sa kanya na naiisip niya ang sagot nito kahit sa mga oras na hindi naman dapat?

He thinks of Mingyu’s answer tuwing may libro siyang natatapos, tuwing may pagkain siyang nauubos, tuwing binabalik na niya kay Mingyu ang hiniram niyang hoodie ng isa. 

Naaalala niya ang sagot ni Mingyu tuwing naglilinis siya ng kwarto at nakakakita ng tambak ng mga gamit na hindi niya tinatapon just because he thinks may paggagamitan pa siya nito sa susunod, then he finds himself having an even harder time to throw things away dahil maiisip niyang at one point, they have served their purpose, at kahit na tapos na si Wonwoo dito, hindi na niya ito magawang itapon na lang kasi he’s reminded of one person na takot mawalan.

Kaya imposibleng makalimutan ito ni Wonwoo, not when the only thing he can think of is Mingyu’s answer sa mga oras na tulad nito ngayon—tuwing naglalakad na sila pauwi para mag-abang ng masasakyan, with Mingyu walking ahead of him, isang strap lang ng bag ang nakasabit sa balikat nito at isang pares lang ng earphone ang nakasuot sa tenga gaya ng unang araw na makasama niya ito.

At sa tuwing pababa na ang araw at dumadampi na ang liwanag nito sa balat ng isa, that’s when Wonwoo wonders where he’ll put all these feelings down on the day he has to let go of this sight too. 

“Yeah. Tapos ‘yung movie kanina?” Mingyu’s voice pulls him out of his thoughts. “Grabe, it’s like watching my biggest fear materialize, at sa malaking screen pa talaga.”

“True. Poor guy tried for years, white man did it in one day.” Hindi tuloy mapigilang maisip ni Wonwoo kung naranasan na ba ‘yon ni Mingyu. “Naranasan mo na ba?”

“‘Yung?”

Hindi agad nakasagot si Wonwoo. He doesn’t exactly know what to call it dahil hindi niya rin alam ang gusto niyang malaman mula kay Mingyu. Sinabi naman na ng isa noon na naranasan na niya ang kinakatakot niya. 

Pero sa paanong paraan?

Naranasan na ba ni Mingyu maiwan? Bitawan? Sukuan? Maagawan?

Wonwoo settles for the answer that leaves a pang in his chest. 

“Magmahal.”

Lumuluwag na ang daan, lumilinis na rin ang kalsada. Binagalan ni Mingyu ang paglalakad hanggang sa matabihan na niya ito.

“Magmahal… gaya ba sa movie kanina? Ma-in love?”

“Oo.”

“Nakakahiya sa edad kong ‘to pero… “ Bahagyang natawa si Mingyu. “Hindi pa.”

Ang bigat sa konsensya ni Wonwoo na gumaan ang pakiramdam niya sa naging sagot ng isa.

“But I thought you said danas mo na?”

Patuloy lang silang naglakad. Nakahanap na rin si Mingyu ng latang sinisipa sipa niya habang mukhang nag-iisip ng isasagot sa tanong ni Wonwoo.

“In a literal sense.” Sinipa na ni Mingyu ang lata palayo. Tumuro ito sa may halaman ng santan sa kabilang dulo ng kalsada. “Kita mo ‘yung butterfly dun? Lolo ko ‘yun.”

Hindi alam ni Wonwoo kung anong isasagot niya kay Mingyu. “Gago ka ba?”

“Bakit? Sabi mo they’ll always linger. Baka sinasamahan lang tayo ni lolo pauwi.”

“Hirap kausap amputa.” Pabirong sagot ni Wonwoo dahil unti-unti nang nawawala ang ngiti sa mukha ng isa. “Nakakainis ka, alam mo ‘yon?”

Hinila siya ni Mingyu papalapit sa kanya gamit ang handle ng backpack nito para makipagpalitan ng pwesto. Si Mingyu na ngayon ang nasa gilid ng daan.

“Mas nakakainis ka kaya. Nakakainis na tama ka, kasi they do linger.” Diretso lang ang tingin ni Mingyu. “Hindi ko mabura sa isip ko ‘yung burol, ‘yung mga pagbisita namin sa ospital, ‘yung huling beses na magkasama kami na hindi sa loob ng ospital… “

Now, Wonwoo has never been good at comforting people—and he takes pride in that kahit gago man pakinggan. He prides himself in the fact na he doesn’t get the urge to comfort people kapag nakakita siya ng malungkot o ng umiiyak. Baka pwede niya pang tapikin sa balikat o pahiramin ng panyo, but that’s just that. All he’ll ever do is acknowledge it when someone’s hurting, at sumubok na ‘wag nang makidagdag pa sa iniisip nila.

He could never imagine how hard it must be to be controlled by empathy. Sapat naman na siguro ‘yung nakikisimpatya siya, ‘di ba? Why would he go through lengths just to make someone feel a little bit better? 

Kung hindi naman niya maaalis lahat ng bigat na dinadala nila, ano pang silbi ng pagsubok na bawasan ito?

But for the first time, Wonwoo finds himself wishing na sana, kahit konti lang, nakakatulong ang presensya niya.

He brushes the back of his hand on Mingyu’s, gaya ng ginawa niya noong unang beses niyang nakasamang maglakad pauwi ang isa.

Sana, kahit konti man lang, mabawasan niya ang sakit na dinadala ni Mingyu.

“Ikaw ba, Won? Danas mo na ba?”

“Which one?”

“Magkaron ng lolo na butterfly.”

Nahampas na lang ni Wonwoo ang isa dahil hindi niya alam kung pwede niya bang tawanan ang biro nito. “Gago amputa!”

“Joke lang, e. Pero pareho siguro?”

“Not yet.”

Nakita niyang napangiti si Mingyu sa sagot niya. Wonwoo has half the urge to ask kung alin don ang nagpangiti sa isa.

Kung bang dahil hindi niya pa naranasan mawalan, o dahil hindi niya pa naranasan magmahal?

Tsaka niya napagtantong hindi naman kahit kelan naging madamot si Mingyu sa mga ngiti niya, lalo na pagdating sa kanya.

Wonwoo lets himself hope.

“Hmm.” Nakangiti pa rin si Mingyu. “E thoughts mo sa movie? ‘Di pwedeng ako lang ang may comment!”

Napapitas na lang ng mga bulaklak si Wonwoo sa nadaanan nilang halaman ng santan habang nag-iisip ng isasagot. Kasi naman, anong isasagot niya don kung na kay Mingyu lang ang atensyon niya sa buong oras na ‘yon?

Bumalik ang isip niya sa pwet ng tinapay na tinanggihan ni Mingyu kanina bago nagsimula ang palabas. 

“Uh… I learned na hindi porke nauna ka ay pipiliin ka.”

Mukhang tinanggap naman ni Mingyu ang sagot niya. 

“Sakit mo, idol. Pero I agree,” Dumikit sa kanya si Mingyu at nakipitas na rin ng bulaklak. “Imagine pining for years tapos ipagpapalit ka lang sa malapit.”

“Yeah.” Kung alam lang sana ni Mingyu na ang pangalawang slice ng tinapay ang tinutukoy niyang malapit. “So sad—oy chansing ka ah.”

Hindi pa tapos si Wonwoo mag-isip ng walang kwentang reply nang biglang kunin ng isa ang kamay niya. Mingyu wraps a string of flowers around his wrist. Tumingin muna ito sa kanya at ngumiti bago pagdugtungin ang magkabilang dulo.

“Pretty.”

Napatigil silang pareho sa paglalakad.

Ah, Wonwoo thinks, so this is how it feels like.

“Um—I mean, ‘yung ano,” Mingyu splutters, para bang nabibilaukan sa sariling mga salita. Wonwoo couldn’t take his eyes away on the red crawling up his neck. “‘Yung bracelet!”

Ganito pala ang pakiramdam ng mga nakawalang paruparo sa tyan ng isang tao.

Seeing Mingyu panic makes his heart beat even faster, at dahil isa’t kalahating gago si Wonwoo, naisipan niyang asarin ang isa para pakalmahin ang puso niya.

“E ako?” Humarap siya kay Mingyu. Pinangsalong-baba niya pa ang kamay na nilagyan nito ng bulaklak at kumurap nang mabilis. “Do you think I’m pretty?”

Ilang segundo rin ang nakalipas na nakatitig lang si Mingyu sa kanya. Nangangawit na si Wonwoo, nasisilaw na rin siya dahil sakto ang tama ng pababang sinag ng araw sa mukha niya mula nung pinagpalit ni Mingyu ang pwesto nila kanina.

Nakaramdam na ng hiya si Wonwoo.

“Sor—”

“Very. Unang kita ko pa lang sa ‘yo sa room non nung first year.” Sagot ni Mingyu. “Hanggang ngayon naman. I still think you’re the prettiest person in every room.”

It was Wonwoo’s turn to stare.

Napayuko si Mingyu, nakangiti, na para bang inaalala niya ‘yung oras na unang beses niyang nakita siya nito. Wonwoo doesn’t know what to think of it.

Nagsimula na siyang maglakad.

“Hala! Hey pretty, wait for me!”

Mas binilisan niya pa ang lakad nang narinig niyang tumawa si Mingyu. Naalala niya bigla ang sinasabi sa kanya palagi ni Seungkwan na balang araw ay makakahanap rin siya ng katapat niya sa lakas niyang mang-asar. 

Mukhang ito na ang araw na ‘yon.

“Si ganda naman,” Katabi na niya ngayon si Mingyu. “Bakit ka nagpalit ng kulay?”

Nilingon niya si Mingyu. “Huh?”

“Kulay red ka na ngayon e.”

Hinila niya pababa ang isa sabay hineadlock.

“Gag—” Tumatawa pa rin ito. Wonwoo hides his smile behind Mingyu’s hair na kumikiliti ngayon sa leeg niya. “Ganyan ka pala kiligin ah—aray!”

Pinagtitinginan na sila ng mga nakakasalubong nilang maglakad. Wonwoo can only imagine what they look like to them. Two grown men na nagpipisikalan sa gilid ng kalsada pero malakas ang tawa. 

Parang mga tanga , isip ni Wonwoo, ang cute siguro namin.

“White flag!” Sigaw ni Mingyu sa kanya, sounding out of breath dahil sa kakatawa. “May jeep na na paparating!”

“Weh, red flag ka e.” Binitawan siya ni Wonwoo. He stretches a hand out para patigilin ang paparating na jeep. “Ilan na kaya ang nasabihan mo ng maganda.”

“Tatlo.”

Parang biglang pumait ang panlasa ni Wonwoo. “Ayos.”

“Si mama, kapatid ko, tsaka ikaw.”

“Ays.”

Tumigil ang jeep sa tapat nila. Pasakay na sana siya nang hatakin siya bigla ni Mingyu at tinulak papalakad sa harap. “Sa harap tayo.” 

Hindi na nagreklamo si Wonwoo. Pinauna siyang paupuin ni Mingyu sa tabi ng driver at kinuha ang bag niya bago ito sumunod sa kanya. Nagbayad na lang siya ng pamasahe nila habang inaayos ni Mingyu ang pwesto niya, at nang humarap siya ulit sa isa, nakita niyang nakadantay ang isang paa nito sa labas na ginawa niyang patungan ng mga bag nila.

“‘Di ka na kasya oh. Bakit ba kasi dito mo gusto?”

Humarap si Mingyu sa side mirror at sinuklay ang buhok. “Wala na sa likod.”

“Meron kaya.” Napansin ni Wonwoo ang nakatuping kwelyo ng isa kaya inayos niya ito. “Dalawa, magkatapatan.”

“Ayaw ko sa kanan.”

“Edi ako dun. Sa kaliwa ka.”

“Ayaw ko sa kaliwa.”

Binatukan na lang siya ni Wonwoo. “Dati ka bang durugista?”

“Ngayon pa lang, actually.” Suminghot si Mingyu at humarap sa kanya sabay kanta, wala pa sa tono. “Adik sa ‘yo…”

“Batak na batak oh.”

“Sinong nagbabatak. Bad ‘yan.”

Hindi na nakasagot si Wonwoo nang i-abot sa kanya ng driver ang sukli niya. Pagkabulsa niya ng mga barya, nakapa niya ang maliit na box na dapat ay ibibigay niya kay Mingyu.

Nawala sa isip niya. Binilhan niya nga pala ng batteries si Mingyu dahil napansin niyang hindi gumagana ang relong suot ng isa. Ihuhulog niya dapat ‘yon sa bag ni Mingyu pag hindi ito nakatingin at kanina sa sana sa sine magandang gawin ‘yon.

Hindi naman niya kayang basta na lang ibigay ‘yon kay Mingyu ngayon. Nahihiya pa rin naman siya. Isa pa, hindi niya alam anong isasagot niya kay Mingyu pag tinanong siya nito kung bakit niya ito binilhan at kung paanong napansin niya pa ‘yon.

Panigurado aasarin lang rin siya ni Mingyu.

Pasimpleng umubo si Wonwoo. “Gyu. Kung birthday mo ngayon, anong gusto mong gift?”

“Kiss.”

Napasinghap nalang si Wonwoo. Tangina naman.

“Ayusin mo, tanga. House and lot? Brand new car? Pangkabuhayan showcase?” Umiwas na siya ng tingin habang nagsasalita. “A new watch… or maybe just batteries… kasi ‘di ko pala afford ‘yung una. Hehe.”

Nilingon na niya si Mingyu at nakitang nakatingin na ito sa relo niya.

“Ah. Napansin mo pala ‘to.”

“Yeah. Nung nagrerev tayo sa lib last week, tingin ka nang tingin dyan pero kinukuha mo rin phone mo katapos to check the time. Nakakalimutan mo atang sira. So, um…”

Wonwoo takes the box of batteries out of his pocket. “...I may have bought you this?” 

Nakatingin sa kanya si Mingyu na para bang hindi nito alam kung mabibilib siya o madi-disappoint.

“Wow.” Umiling ito before pointing a finger at Wonwoo. “Nakakatakot ka.”

“Huh?”

That wasn’t the reaction he was expecting from Mingyu at all.

“Ilan na kaya ang naganyan mo?”

Wonwoo tilts his head at the familiar question. 

“Nabilhan ng batteries? Wala. Ikaw pa lang.”

“Hindi.” Umiwas ng tingin si Mingyu, seemingly unaware of the tiny pout making its way on his face. “Pinagtutuunan ng pansin.”

Hindi na napigilan ni Wonwoo na ngumiti.

“Wala. Ikaw lang.”

Hindi siya sinagot ni Mingyu. He only takes the box from Wonwoo’s hand.

“Thanks, ganda. Pero…” Inangat ni Mingyu ang kamay niyang nakasuot ng relo. “I like it this way.”

Now, that’s an answer that Wonwoo was half-expecting.

Hindi na siya nagtaka sa sinabi ni Mingyu. Nahalata na rin naman niya kasing sadya nang hindi inaayos ng isa ang relo nito, and Mingyu likes fixing things. 

Mahilig magkumpuni ang isa ng kung anu-ano. Siya ang nag-ayos ng nasirang calcu ni Wonwoo. Si Mingyu rin ang nag-ayos nung nanginginig ang back cam ng phone niya at nilagyan niya lang ito ng magnet sa likod.

Kaya hindi na rin napigilan ni Wonwoo magtanong. “Why?”

Mingyu purses his lips for a second bago sumagot.

“May nabasa kasi ako dati sa Twitter. Sabi niya ‘di raw siya nagsusuot ng gumaganang relo kasi nag-aayos ng sirang relo ‘yung tatay niya nung buhay pa. Parang, kahit tapos na ang oras ng taong mahal mo sa mundo, habang buhay parte na sila ng pagkatao mo.”

Binaba na ni Mingyu ang kamay niya; Wonwoo waited for him to continue.

“Kay lolo ‘tong relong ‘to. Gumagana ‘to nung pinamana niya sa ‘kin ‘to, e. Hindi na raw kasi niya makita ‘yung numbers kaya akin na lang.” Bahagyang natawa si Mingyu. “Alam mo ba, Won? Tumigil ‘to sa pag-andar saktong katapos niyang mailibing. Then I remembered the tweet. Kaya hindi ko inaayos. Para tuwing nakikita ko ‘to, I’m reminded of what I’ve lost—” 

Mingyu, the brightest person Wonwoo’s ever known, stops to correct himself. 

“—of what I had. Kahit tapos na ang oras ng taong mahal ko sa mundo, habang buhay siyang parte ng pagkatao ko.”

Wonwoo links his pinky with Mingyu’s, dahil hindi siya sigurado kung pwede niya bang hawakan ang kamay nito.

“Your lolo seems like a good person, seeing na you love him a lot. I’m sure he’s in a better place now.”

“Siya kasi nagpalaki sa ‘kin.” Tinignan ni Mingyu ang daliri nilang magkasabit tsaka ngumiti. “Kawawa lang siya dahil bawal tumagay sa langit.”

“Tangina talagang humor ‘yan.” That was Wonwoo’s cue para bawiin ang kamay niya. Nagbibiro na ulit si Mingyu. “‘Di mo sure, alcohol ang dugo ni Hesus ‘di ba?”

“Kaya pala siya bumangon on the third day. It was the yeast.”

“On yeaster, Christ is risen.”

“Gago!”

Wala nang nagsalita sa kanilang dalawa katapos nilang mapansin na kanina pa sila nililingon ng driver. Nakangiti lang si Wonwoo na nakatingin sa harap, at maya maya pa ay naramdaman niyang sinandal ni Mingyu ang ulo nito sa balikat niya.

And to make things fall into place, kahit na natagalan, inabot na sa kanya ni Mingyu ng kabilang pares ng earphones niya gaya ng nakagawian.

Wonwoo didn’t hesitate to take it this time.

Kung puwede lang sanang humiling na ’wag ka na munang aalis

Sulitin natin ang araw nating dalawa

Kasabay ng pagpikit niya, naramdaman ni Wonwoo ang pag-angat ng ulo ni Mingyu mula sa balikat niya para silipin siya. Inabot nang ilang segundo bago ito sumandal ulit.

Then, he hears Mingyu whisper.

“Ang wish ko ngayong birthday ko…” 

Nilakasan ni Mingyu ang volume ng kanta, but Wonwoo still hears his next words clearly.

“...ay magkaron ng mahaba pang oras na kasama ka.”

 

At sa pagsapit ng gabi, ibubulong, "Kailan muli?"

Magkakalayo na, paalam muna

 

Nakapikit pa rin si Wonwoo. 

His mind replays how the day went. Kung paanong nakita siya ni Mingyu na umiiyak sa hagdan habang pinupulot ang mga pinaprint niyang lab reports, how Mingyu decided na di na sila papasok ng Rizal at sasama sa kanya si Wonwoo, kung paano sila namili ng movie na papanoorin sa sine ( “Sabi ni Hansol maganda daw!” “Who’s Hansol?” “Katext ng katabi ko sa jeep kanina.” ).

Kung paanong nandito siya ngayon, nasa byahe pauwi at magaan ang paghinga as if he wasn’t crying his heart out just hours ago, habang sinasandalan ng nagpapahingang Mingyu.

Wonwoo realizes kung bakit ang gaan ng paghinga niya pag kasama niya si Mingyu.

Dahil pag kasama niya si Mingyu, parang walang humahabol sa kanya.

 

'Di malimutan ang saya sa 'yong mata, ah-ah

 

Wonwoo hopes that he gets to make Mingyu feel the same way too—na pwedeng pwede magpahinga si Mingyu sa kaniya tuwing napapagod siya. 

Sana, napaparamdam niya rin pabalik ang pahinga na nabibigay palagi ni Mingyu sa kanya.

Patapos na ang kanta. Wonwoo figures na nakatulugan na ito ni Mingyu dahil lumuwag ang pagkapit nito sa phone, and just as he catches it with his hand, the screen lights up.

 

Messenger

Seungcheol Choi: hbd pre nakalimutan ko ahahaha sana matupad lahat ng wish mo mwah

 

Birthday pala talaga ni Mingyu.

Sa ilang buwan na lagi silang magkasama, ngayon lang napansin ni Wonwoo na hindi nila nabanggit sa isa’t isa ang mga birthday nila.

Ang dami niya pang hindi alam kay Mingyu.

But it’s okay, Wonwoo tells himself, dahil marami siyang oras para alamin lahat ng hindi niya alam kay Mingyu. He has a lot of time to share everything Mingyu wants to know about him. 

Marami siyang oras para makabawi kay Mingyu.

(He’s willing to give all of his time just to make all of Mingyu’s wishes come true.)

 

Ngiti sa labi'y 'di na mawala-wala

 

Bahagyang dumuko si Wonwoo para sumilip sa bukanang katabi ni Mingyu. Malalim na ang gabi, kita na ang kislap ng iilang mga butuin mula sa pwesto nila.

He looks at Mingyu through the side mirror. Mukhang malalim na rin ang tulog nito at mukhang nananaginip pa dahil ngumunguya rin ito, pero hindi ito magawang tawanan ni Wonwoo, not when he’s busy admiring how Mingyu’s face is bathed in the soft glow of the stars and it’s almost dizzying when he realizes na pwedeng siya pa lang ang nakakakita nito.

Muling sinilip ni Wonwoo ang kalangitan kasabay ng paghiling na sana, sa likod ng mga tala, may nakakarinig ng lahat ng hiling ni Mingyu. 

At sana, ibigay nito sa kanya ng langit lahat ng gusto niyang makuha. Lahat ng gusto niyang maabot. 

Sana, ibigay nito sa kanya lahat ng magagandang bagay sa mundo.

And if by chance the universe refuses to grant Mingyu’s every wish, Wonwoo thinks na ayos lang rin, dahil siya na ang tutupad ng mga ‘yon sa abot ng makakaya niya.

At sisimulan niya ngayon.

Wonwoo kisses the top of Mingyu’s head.

 

Hanggang sa pag-uwi nating dalawa

 

“Happy birthday, Mingyu.”

 



***

 

 

 

“Gyuuu, ouchie na ang aking feet. Hindi ka ba naaawa.”

“Hindi.” Hindi man lang tumigil si Mingyu sa paglalakad para lingunin siya.  “Malapit na lang talaga, legit na ‘to.”

“Dapat lang, dahil malapit na rin kitang sapakin.”

“Oy, ikaw may gustong ihatid ako ah.”

“Pwede naman kasi tayong magtrike?!”

Hindi talaga alam ni Wonwoo kung bakit sa ilang buwan na niyang kasama si Mingyu, hindi pa rin siya nadadala tuwing sinasabi nitong kaya namang lakarin ang isang lugar e ilang beses na siyang nabibiktima nito.

Pinangako ni Wonwoo sa sarili niya na sa susunod, mag-aangkas na lang siya at hihintayin na lang niya si Mingyu sa pupuntahan nila.

“Tanginang walking distance ‘yan.” 

Lumingon na sa kanya si Mingyu, at tumawa lang ito nang makitang nagpapadyak na si Wonwoo na parang batang pinagalitan habang naglalakad.

“Bakit mo ba kasi naisipang ihatid ako?”

“Para tuparin ‘yung birthday wish mo.”

Wonwoo sees a gray tabby cat na nakahiga sa may takip ng drum ng basura. Agad niya itong nilapitan at inilahad ang palad niya para amuyin ito ng pusa.

“Look, Gyu, tilapia cat.” 

Nang kiniskis na ng pusa ang ulo nito sa kamay ni Wonwoo, hinarap na niya si Mingyu at ngumiti, only to see the latter staring right back at him. 

“Won…”

He sees an array of emotions flash through Mingyu’s eyes and for the first time in a while, nahirapan si Wonwoo na malaman kung ano ba talagang nararamdaman ng isa.

Nakatitig lang ito sa kanya na para bang gulat, na para bang nalilito, na para bang—

“Wag mo nga akong tignan nang ganyan.”

—na para bang ‘pag inalis niya ang tingin niya kay Wonwoo ay mawawala na lang ito nang parang bula.

Mingyu only clenches his fist sabay iling, and Wonwoo finally understands it now.

Natatakot si Mingyu.

Iniwan na ni Wonwoo ang pusa para lapitan ang isa. “Is that cat always here?“

“Oo, pinapakain kasi ‘yan ng katabing bahay kaya ‘di umaalis.” Mingyu tilts his head, visibly confused for an entirely different reason this time. “Bakit?”

Wonwoo places both of his hands on Mingyu’s shoulders. Pinaikot niya ang isa paharap sa daan nila kanina at tinulak palakad.

“Bili muna tayo treats. Papakainin na natin siya araw araw.”

Kita niya ang pag-angat ng pisngi ni Mingyu mula sa likod nito. 

Naiintindihan na niya ang gustong ipahiwatig ni Wonwoo.

“May isa pang wish ‘di ba? ‘Yung kiss ko?”

“Puta ka.”

Tinupad naman ni Wonwoo lahat ng hiniling nito sa kanya kanina.

Pero hindi na ‘yon kailangan malaman ni Mingyu.

Notes:

kung umabot ka dito, thanks for giving this fic a chance!

kung umabot ka pa rin dito, salamat sa paghihintay :)

promotional tweet | ask me anything! | playlist

Series this work belongs to: