Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Series:
Part 2 of gabi 'verse
Stats:
Published:
2023-12-02
Words:
3,403
Chapters:
1/1
Comments:
8
Kudos:
164
Bookmarks:
17
Hits:
2,256

sa liwanag ng buwan

Summary:

Wonwoo stops on the fourth aisle. Agad niyang tinakpan ang ilong sa nakita.

“Mingyu naman, nasa library tayo. Bawal ‘yan!”

Tumingin sa kanya ang kaklase mula sa pagkakaupo sa sahig at ngumiti nang malaki. Mingyu pats the space beside him na para bang niyayaya niya itong tumabi sa kanya.

“Pwede ‘yan basta ako. Kaclose ko ‘yung librarian kaya pumayag siya, basta wag daw ako magkakalat.”

“Okay, sige, pinayagan kang magpasok ng pagkain dito.” Hinilot ni Wonwoo ang sentido niya. “Pero cracklings, really? Mahiya ka naman!”

Finals week na at pagod na pagod na si Wonwoo. Mingyu comes to save the day with his warm hugs, razor sharp wit, and vinegar pusit.

Notes:

second installment for the atin ang gabi universe. this can be read as a standalone fic pero kung gusto niyong basahin ang part 1 (cue the puppy eyes), click here <3 enjoy reading!

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Wonwoo tends to get really sensitive kapag exam week.

Hindi naman siya maarte. Hindi siya gaya ng kaibigan niyang si Seungkwan na kailangan pa ng overpriced iced coffee at dapat i-post muna sa IG story bago magreview. Isa lang naman ang kailangan niya tuwing mag-aaral na siya: 

Katahimikan.

Mabilis lang siya ma-distract, kaya tuwing mag-aaral siya dapat walang anong klaseng ingay. Walang music, walang nagsasalita, walang mga batang naglalato-lato, walang nagvivideoke na kapitbahay, walang kahit anong tunog na mag-aalis ng atensyon niya sa inaaral niya.

Ito rin ang dahilan kung bakit ni minsan hindi siya sumasama sa mga ayang group study ng mga kaibigan niya. Bukod sa maingay na nga ang mga ito, hilig pa nilang mag-aral sa coffee shops.

“‘Yung totoo, starbucks ‘to o palengke?”

“‘Yan ang usong white noise ngayon, Won.”

“Ayoko dito, ang ingay.”

“Tiisin mo, gusto namin ng aircon. Tsaka hindi naman masyado ah? Sa sementeryo ka na lang kaya?”

“You guys ever heard of a library?”

Kahit pumwesto pa siya sa mainit na lugar buong oras na nagrereview siya, ayos lang. Kahit pa maraming tao. Basta may sarili siyang pwesto at walang maingay. ‘Yan lang ang kondisyon niya sa pagrereview since high school.

Not until today, dahil nadiscover ni Wonwoo na may isa pa pala siyang hindi kayang tiisin as he slams his book of Digital Logic close at tumayo para hanapin ang kanina pa nagpapasakit sa ulo niya.

Iniwan niya ang ID niya sa lamesa para walang kumuha ng pwesto niya, at sinimulan niyang isa-isahin bawat hilera ng librong malapit sa kanya.

Wonwoo stops on the fourth aisle. Agad niyang tinakpan ang ilong sa nakita. 

“Mingyu naman, nasa library tayo. Bawal ‘yan!”

Tumingin sa kanya ang kaklase mula sa pagkakaupo sa sahig at ngumiti nang malaki. Mingyu pats the space beside him na para bang niyayaya niya itong tumabi sa kanya. 

“Pwede ‘yan basta ako. Kaclose ko ‘yung librarian kaya pumayag siya, basta wag daw ako magkakalat.”

“Okay, sige, pinayagan kang magpasok ng pagkain dito.” Hinilot ni Wonwoo ang sentido niya. “Pero cracklings, really? Mahiya ka naman!”

Sumasakit na talaga ang ulo niya sa asim na kanina niya pa naaamoy. Kulob ang library dahil naka-aircon ito, at humahalo ang amoy ng kinakain ni Mingyu sa diffuser na nasa reception desk lang malapit sa kanila.

Hindi na-aappreciate ni Wonwoo ang collaboration ng mia maison fresh bamboo at vinegar pusit na pinaparanas sa kanya ni Mingyu ngayon.

“Hehe. Sorry po.” Mahinang bulong ni Mingyu na nakapeace sign pa.

“Parang ‘di naman.”

“Tama.” Munching on the last piece of his chips, tumayo na si Mingyu at nagpagpag ng polo. “No regrets, napatigil kita sa pagrereview e. Overtime ka na, sir.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Wonwoo sa narinig. 

“So the goal was to make me stop studying for finals na magsisimula na in four days?”

“No. Dagul is a person.”

“You think you’re funny?”

Kung nasa tamang pag-iisip lang ngayon si Wonwoo, tatawanan niya pa si Mingyu. Gusto niya ‘yung mga birong ganon e. 

Baka nga kinilig pa siya nang onti, kasi hinihintay siya nitong matapos mag-aral para sabay silang umuwi kahit pa nagsabi siya kaninang hindi siya sasabay at sasagarin niya ang oras sa library.

But Wonwoo’s running on two hours of sleep, na installment pa nga dahil nabuo lang ‘yan ng mga idlip niya kanina tuwing vacant. Hindi niya matandaan kung kelan siya last kumain, at hindi niya rin alam kung gigising ba siyang may trangkaso bukas dahil masakit na talaga ang katawan niya mula pa noong isang araw.

Sanay si Wonwoo sa ganito. He knows how sensitive he can get tuwing exam week—lalo na kapag finals week, dahil dito na siya naghahabol sa lahat. Alam niyang sumusungit siya at tumatalas ang tabil ng dila niya at napagbubuntungan niya ng inis lahat ng mang-iistorbo sa kanya.

He’s aware of how much of an asshole he could get, and the people around him seem to be aware of this too, kaya walang nanggugulo sa kanya tuwing exam week, not even his family, and he’s really grateful for that.

Pero hindi sanay si Wonwoo sa ganito—hindi siya sanay na may harap-harapang umaamin ng pang-iistorbo nito sa kanya. Hindi siya sanay na inuubos niya ang energy niyang mainis sa taong hindi man lang mukhang guilty sa ginawa nito imbes na ibuhos niya ‘yung lakas niyang ‘yon sa pagrereview.

Hindi siya sanay na may pumupunas ng mga luha niya ngayon at hinihila siya palapit. Hindi siya sanay sa mga brasong nakapalibot sa kanya ngayon.

“Hey, hey, ‘wag ka iiyak bossing.” 

Mingyu places a hand on Wonwoo’s nape to guide the latter’s head toward the crook of his neck. “Kaya gusto na kita patigilin e. Kailangan mo na magpahinga, masyado mo nang sinasagad sarili mo.”

Hindi alam ni Wonwoo na umiiyak na pala siya. Hindi niya rin alam kung bakit, at hindi niya rin alam kung paanong sobrang nakakawala ng pagod ang kamay na humahagod sa likod niya ngayon.

Mas idiniin ni Wonwoo ang mukha niya sa leeg ng isa sabay singhot. Naipunas na niya ang luha at sipon niya sa kwelyo ng kaklase pero at this point, wala na siyang pakialam.

Mingyu smells like a mix of fabcon at Safeguard na beige. Ang comforting. Ang bango.

“Ang asim mo, Gyu.”

“Hmm, mas malapit ang bibig mo sa ilong mo.”

“Gago.”

Lumayo na si Mingyu at pinunasan ang namuong pawis sa noo ni Wonwoo with the back of his hand. 

“Hintayin mo ‘ko sa labas, kunin ko lang gamit mo saglit.”

Wonwoo shakes his head. “I’ll stay here until nine. Ayaw ko pang umuwi.”

Hindi siya makakapag-aral sa kanila. Bukod sa masyadong maingay mula loob ng bahay hanggang sa mga kapitbahay, wala rin siyang sariling space.

Nakakapag-aral lang siya tuwing madaling araw kapag tulog na ang lahat at wala nang tao sa kusina nila, and he can’t afford to wait until midnight and waste that much time. 6pm pa lang. 

“Hindi ka pa naman uuwi. Kakain pa tayo.” Mingyu answers with a sigh. “Friday naman ngayon, Won. Pahinga ka kahit ngayong gabi lang, mukha ka nang mahihimatay oh. Please?”

Hindi rin sanay si Wonwoo sa ganito: sa mga taong pinapangunahan siyang magdesisyon, sa unang pagkakataong ayos lang sa kanyang pinapangunahan siyang magdesisyon, at sa bilis ng tibok ng puso niya ngayon.

Nagmamakaawa si Mingyu sa kanya na magpahinga siya. Who the fuck does that?

Naiinis na naman si Wonwoo. Sa sarili niya, kay Mingyu, at sa napakagwapo nitong mukha.

Nagsimula na siyang maglakad palayo para kunin ang mga gamit na iniwan niya habang bumubulong.

“Stupid. Stupid Mingyu. Stu—“

“Grabe, iniwan ako oh!”

“Shut up!”

Mabuti na lang at wala na masyadong tao sa section na ‘yon dahil rinig na rinig ang bangayan nilang dalawa at ang pagtakbo ni Mingyu para makipag-unahan papunta sa pwesto ni Wonwoo kanina.

Hindi ito pinatulan ni Wonwoo, hindi niya rin binilisan ang lakad niya, kaya naman naunang makarating ang isa. 

Pinanood niya lang si Mingyu na buksan ang libro kung saan may naka-ipit na ballpen at nakatuping yellow paper. He scans the paper for a second, tsaka nito binuksan ang inusog na ballpen and crosses something out.

Tsaka lang binilisan ni Wonwoo ang lakad para makita niya kung anong binabago ni Mingyu sa scratch paper niya.

“Kita mo ‘tong pre at clr sa magkabilang dulo ng flip flop mo?” Panimula ni Mingyu. “Sila dapat ang una mong gagawan ng output waveform tuwing nakahigh sila, tsaka palang ‘yung flip flop mismo. Tapos, dalawang magkaibang truth table ‘to. Eto…”

Mabilisan lang itong sinagot ni Mingyu tsaka nito inabot sa kanya ang papel. Nagsimula na namang maluha ang mga mata ni Wonwoo.

Tangina. Ilang araw na niyang inaaral ‘yan e, bakit hindi niya pa rin maintindihan?

Mukhang napansin naman ito ni Mingyu kaya dahan dahan siya nitong pinaupo. Hinila rin niya ang extrang upuan sa may kabilang lamesa at tinabihan si Wonwoo.

Mingyu gently takes the paper from his grasp. Inayos niya ang pagkakalukot nito at inilapag sa lamesa.

“Ganito. Balik tayo sa basics ha?”

Sampung minuto.

It only took Mingyu ten minutes to teach him the topic na ilang araw na niyang kinakastressan at sa wakas, naiintindihan na niya. 

Dapat siguro kay Mingyu na siya magbayad ng tuition simula ngayon.

“Gets na?” Nakatingin lang si Mingyu sa kanya na para bang ready na ulit magturo kung may hindi pa siya naiintindihan.

“Shet, ang bobo ko.” Wonwoo bangs his head on the table, at sa pangalawang beses, nasalo na ni Mingyu ang noo niya. “Bakit ngayon ko lang naintindihan.”

“Hindi ka bobo. Hindi naman kasi ‘yan talaga naturo.”

Nilingon niya si Mingyu, making his left cheek rest on the other’s palm na pinangsalo nito sa ulo niya kanina.

“E ba’t ikaw alam mo ‘to?”

Mingyu only shrugs. “Youtube.”

“Isang linggo ko nang sinusuyod ang yt, wala naman ako nakitang ganitong example na magkahalo na.”

“Purr. And that’s on collaboration of the year.”

“Purr amputa. Arf arf ka dapat e.”

Mabilisang hinila ni Mingyu ang sariling kamay kaya bumagsak ang ulo ni Wonwoo sa lamesa.

“Aray gago ang sakit.”

“Mas nakakahurt ka.” Mingyu glares at him. “‘Di mo man lang naisip magtanong sa ‘kin. Parang ‘di kaklase oh. Kala ko pa naman friends na tayo.”

And that’s where you’re wrong , gustong isagot ni Wonwoo, dahil maraming beses na niyang naisipang magpaturo kay Mingyu. 

Katapos ng unang interaction nilang alay lakad pauwi months ago at naging aware na siya (read: nagkaroon na ng pake) sa existence ni Mingyu, nadiscover ni Wonwoo na hindi lang pala ito isa’t kalahating sira ulo, the guy is really smart too. 

Sa tatlong subject niya lang kaklase si Mingyu ngayong sem—sa tatlong major subjects na naging routine nang iyakan ni Wonwoo after every assessment—at kasama si Mingyu sa tanging limang taong palaging pumapasa. 

Scientist na nga ang tawag ni Wonwoo dito sa utak niya dahil noong isang beses siyang nautusan na magdistribute ng quiz papers at nakita niya ang kay Mingyu, wala siyang naintindihan sa mga solution sa papel ng isa pero nakacheck lahat.

Mga anak ng diyos nga naman.

“Hindi mo kasi ako pinapansin sa room.” Ang naging sagot na lang ni Wonwoo.

“Hindi mo rin naman ako pinapansin ah!”

“Okay, true.”

“Hanggang ngayon nga e.”

Napasigam na lang si Wonwoo sa narinig at nagsimula nang magligpit ng gamit.

Paano ba niya sasabihing kaya niya iniiwasan ang mga attempt na makipagusap ni Mingyu sa kanya sa room ay dahil sa shiniship siya ng mga tropa niya sa kanya?

Wala na ngang ibang bukambibig si Soonyoung kundi minwon katapos niyang ikwento sa kanila ang gabing ‘yon at nagcomment si Seungkwan ng ‘parang bagay kayo’ , paano pa kung may interactions pa sila sa room?

The last thing Wonwoo wants is for Mingyu to become uncomfortable with his presence dahil lang sa walang preno bunganga ng mga kaibigan niya. 

Ni hindi niya nga alam kung may jowa ba si Mingyu. Paano kung friendly lang pala talaga siya at ganyan siya sa lahat ng friends niya? ‘Yung tipong ihahatid ka, hahatian ka ng earphones, hihintayin ka, yayakapin ka pag umiiyak ka, makikiusap na magpahinga ka—

Parang inaantok na si Wonwoo.

“Oh tignan mo,” Pinigilan siya ni Mingyu sa pagsara ng bag niya at pinasok nito ang calculator na nawala sa isip ni Wonwoo. “Hindi mo na naman ako pinapansin.”

One thing about Wonwoo being at the peak of his exam stress is that hindi basta-bastang nawawala agad ang pagkayamot niya kapag naintindihan na niya ang mga inaaral niya. Kailangan niya munang maidaan ‘yon sa maayos na tulog at sapat na pahinga.

Kaya naman hindi na naman niya napigilan ang bibig niya nang sabihin niyang—

“Ganyan ka ba sa lahat ng tao?”

Neither of them talked for a while, pero bago pa man mabawi ni Wonwoo ang sinabi, naunahan na siyang magsalita ni Mingyu.

“Hindi.” Mingyu smiles at him and bops his nose with his index finger. “Sa ‘yo lang.”

Wonwoo’s brain has yet to register the tingling feeling at the tip of his nose nang tumayo na si Mingyu at inagaw ang backpack nito sa kanya.

“Tara na. Saan mo gusto kumain?”

Nagsimula nang maglakad palayo si Mingyu. Hinayaan lang muna ito ni Wonwoo na makalayo nang konti bago tumayo sa kinauupuan niya at sumunod.

Ito na ang naging view niya tuwing pauwi: ang likod ni Mingyu na may nakasabit na mga bag sa magkabilang balikat nito.

At tuwing pauwi na sila, may isang tanong na nangunguna sa isip ni Wonwoo.

Ayos lang bang masanay siya sa ganito? 

(Ayos lang bang payagan ang niya ang sarili na masanay sa ganito?)

“Why? Libre mo?”

Mingyu looks over his shoulder. “Oo.”

The glass door slides open. Mingyu doesn’t wait for him at nauna na itong lumabas to save the elevator na nasa kabilang dulo ng pasilyo.

“Totoo?” Wonwoo answers noong nakapasok na sila pareho ng elevator. He presses on the ground floor button dahil busy si Mingyu i-adjust ang strap ng bag niya. “Ano meron? May kasalanan ka sa ‘kin no?”

He feels Mingyu’s hand ruffling his hair just as the elevator dings. “Wala ah. You just did well today.”

Nauna na namang lumakad si Mingyu bago pa man ma-digest ng utak ni Wonwoo ang narinig.

Stupid Mingyu, bulong ulit ni Wonwoo sa sarili, but only in his head this time. Mukhang gawain ni Mingyu magsabi ng kalokohan tapos iiwan siya nito at hindi niya papanindigan. Ang laki mong paasa.

“Sabi mo ‘yan ah! Sige, gusto ko sa ano, ‘yung mga niluluto sa harap ko ang pagkain.”

Hindi na napigilan ni Wonwoo ang sarili na ngumiti. Punong puno kasi ang tiktok niya ng teppanyaki videos, at dahil natural na sa kanya ang ugaling mapandamay, sinesend niya kay Mingyu lahat ng dumaan sa fyp niya. 

Hindi kasi mapagpatol si Mingyu, ‘di gaya ng mga kaibigan niyang mga apo ni Henry Sy na g! agad ang reply sa lahat ng mamahaling pagkaing sinesend ni Wonwoo without any thoughts in his head. 

‘Di ba pwedeng gusto niya lang talagang magmanifest na makaranas balang araw ng fine dining experience?

“Sure, ‘yun lang pala e.”

Sa sobrang busy ni Wonwoo alalahanin lahat napanood niyang umaapoy na steak, hindi niya namalayang nakalabas na sila ng campus at ginagabayan na siyang tumawid ni Mingyu.

Agad silang nakasakay ng jeep. Hindi na kumuha si Wonwoo ng pambayad niya dahil salitan sila ng isa sa pagsagot ng pamasahe at si Mingyu ang nakatoka ngayon. Tsaka pa lang niya naalala ang sinagot sa kanya ng isa nang nakita niya itong dumudukot ng wallet sa bulsa. 

“Wait, really?”

Napatingin naman si Wonwoo sa wallet ni Mingyu. Makapal ito ngayon, mukhang binayaran na siya ng kaklase nilang si Joshua na ginawa siyang model para sa small business niya.

(“Gagi, Won, model na ‘ko! Pogi ko talaga pakshet.” “Correction: hand model.” “Ganun na rin ‘yon, basher!“ “‘Di ka ba napaisip kung ba’t ‘yung kamay mo kinuhang model pero ‘yung mukha mo hindi?”)

Tanda pa ni Wonwoo kung paano siya nagmukbang ng mga salita noong araw na ‘yon dahil kinagabihan, nagrelease si IG user @linggonangumaga ng portrait shots ni Mingyu na may suot na white and blue beaded bracelet, and two days later, ang dating 90 followers ni Joshua ay nadagdagan ng dalawang zero.

Nagtampo pa nga si Mingyu sa kanya dahil hindi raw nakalike si Wonwoo sa pa-face reveal pic niya. Hindi masabi ni Wonwoo na hindi siya talaga masasali sa 23k na naglike dito dahil nireport niya ang post.

“Oo nga, wala ka talagang tiwala sa ‘kin.” Sinubsob ni Mingyu ang mukha niya sa gitna ng dalawang backpack na kandong niya. 

Naawa naman na si Wonwoo sa kanya at kinuha ang isang bag. Kukunin niya pa sana ang isa pero niyakap na ito ni Mingyu kaya hinayaan niya na lang. “Antok ka?”

Umiling lang si Mingyu. Naglabas na ito ng earphones kaya naman inabot ni Wonwoo ang ulo nito sabay isinandal sa may kanang balikat niya.

Mingyu holds in one side of the earphone in his palm, tsaka nito ipinatong ang nakabuklat na kamay sa may hita ni Wonwoo. He then wears the other one habang inaayos ang pagkakasandal ng ulo niya.

Walang sinabi si Mingyu, pero sa ilang linggo na rin na ito ang naging routine nila, he doesn’t have to say anything for Wonwoo to know na hinahayaan siya ng isa mamili kung kukunin niya ito o hindi. After all, isang beses pa lang naman niya ‘yan tinanggap.

Sabi kasi sa kanya ni Seokmin dati noong tinanong niya ito kung bakit hinarana lang niya ang mama nila nung birthday nito samantalang nagpakahirap pa si Wonwoo magdesign sa love letter niya, “we let music speak our thoughts for us when we can’t weave them into words. Oh english ‘yan.” At naging ganon na rin ang naging paniniwala ni Wonwoo.

Kaya it just feels so intimate to hear the songs Mingyu listens to, lalo na kung sasabayan niya ang isa na pakinggan ang mga ito.

Pakiramdam niya handa si Mingyu na papasukin siya sa mundo niya, and Wonwoo isn’t sure if he’s ready for that just yet.

Hindi siya sigurado kung handa ba siyang masanay sa ganito.

Hindi siya sigurado kung sasanayin ba siya ni Mingyu sa ganito o kung babawiin din ba niya sa huli.

But then, Mingyu never retracted his hand from where it’s placed on his thigh. Nakabukas pa rin ang palad nito. Nandon pa rin ang hawak nito. 

Hinihintay pa rin siya nito.

Wonwoo finally takes the earphone as he realizes one thing.

(Hinihintay lang siya ni Mingyu.)

 

Hindi ka ba sigurado

Sa nararamdaman mo?

'Wag na masyadong mag-alala

Damhin lang ang damdamin mo

 

Wonwoo’s still not sure of a lot of things, pero isang bagay lang ang nakakasigurado siya ngayon.

Kung magtatagal man ito o hindi, handa na siyang maging parte ng buhay ni Mingyu.

 

Kung 'di pa ikaw, eh sino pa ba?

Kung 'di man ikaw, walang gustong iba

 

Kung mananatili man ito nang matagal o hindi, sigurado na siyang gusto niyang maging parte ng buhay niya si Mingyu.

 

Basta alam ko mahalaga ka

At sa buhay ko, ika'y magpahinga



***



“Pucha, bakit tayo nasa Angel’s Burger?!”

“Sabi mo gusto mo ng niluluto ‘yung pagkain sa harap mo?”

Nilagay ni Mingyu ang mga bag nila sa mga ekstrang upuan at umupo na ito. Nang nakatingala na siya sa nakasabit na menu, naglakad naman si Wonwoo papunta sa kanya at pabiro itong hineadlock.

“Shit—hoy masakit—”

Hindi niya alam kung paano pa nakakatawa si Mingyu kahit ubo na ito nang ubo. Natawa na lang rin si Wonwoo nang makitang namumula na ang mukha nito.

“Sakit ba? Hirap maging ogag ‘no?”

“Actually medyo madali lang—awat na pakyu!”

Napatigil sila nang mapansin ang tindera na nakatingin na sa kanila at parang bagot na bagot na sa buhay. Isang mahinang ‘sorry po’ na lang ang nasabi nilang dalawa, pagkatapos ay tinuro ni Wonwoo kay Mingyu kung anong gusto nito at hinayaan na niya ang isa na umorder.

Wala nang nagsalita sa kanila pagkatapos non, pareho lang silang nakatitig sa patty na dinidiin sa lutuan gamit ang spatula.

Kadalasan, hindi komportable si Wonwoo sa ganitong katahimikan ‘pag may kasama siya. Kaya kahit hindi siya madaldal, kahit na mahirap, he tries his best to start another conversation tuwing may natatapos na isa kung hindi ‘yon gagawin ng kasama niya. Mas gugustuhin na niyang mahirapan kesa tiisin ang awkward na hangin sa paligid niya.

Pero kay Mingyu, hindi niya nararamdaman na kailangan niya ‘yong gawin. Ang komportable ng katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa ngayon. 

Ang gaan kahit wala siyang gawin. Walang kahirap hirap.

With Mingyu, parang ang dali lang ng lahat.

“Pili ka.” Inusog sa kanya ni Mingyu ang dalawang nakaplastic na burger. 

“Alin dyan ‘yung buy one? Akin ‘yon.” sagot ni Wonwoo habang inaayos ang mga inumin nila. “Sa ‘yo ‘yung take one.”

“Hirap maging ogag ‘no?” Binuksan ni Mingyu ang dalawang burger. Kinagatan niya ito pareho at inabot kay Wonwoo ang nasa kanan. “Ito ‘yon. Ata. Sana.”

Dahil walang ibang customer kundi sila, tawanan at asaran lang nila ang naririnig sa buong lugar. Nakisali na nga rin ang tindera sa biruan nila dahil dinaldal ito ni Mingyu habang hinihintay matapos na kumain si Wonwoo.

“Para kang ibon kumain.”

“Puta ka.”

Wonwoo finally decides that he wouldn’t mind getting used to this.

Lumipas ang ilang oras. Lumiliwanag na ang buwan. Lumalalim na rin ang gabi. 

“Tara na?”

And as the moonlight hits Mingyu’s face, mas lalo nang lumilinaw sa isip ni Wonwoo kung gaano niya kagustong manatili sa tabi nito.

“Tara.”

Notes:

sa unang kagat inggit na ba ang lahat EME kung umabot ka dito, thank u so much for giving this fic a chance! <3

promotional tweet | ask me anything! | playlist

Series this work belongs to: