Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Series:
Part 2 of pakisabi sa mga tala
Stats:
Published:
2024-11-23
Words:
3,057
Chapters:
1/1
Kudos:
7
Hits:
107

pakisabi na lang sa kanya

Summary:

ang kwento kung saan mahal ni jisung ang bestfriend niya at umabot na sa puntong paulit-ulit nalang ang tanong sa isipan niya. ano nga ba ang ginagawa niya sa buhay niya? naghihintay, nagpapakatorpe?

Notes:

hi!!! itinuloy ko na kasi di mawala sa isip ko huehue :>> hindi naproofread ulit kasi nga gusto ko lang mailabas lahat t^t sana okay pa rin tho hehe anyway….

now playing: paki sabi by sunkissed lola

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

Ilang linggo na ang lumipas mula nung kaarawan ni Chenle at tunay naman na naging busy na ang lahat sa kani-kanilang buhay. Sa katunayan, sa grupo tatlo nalang naman silang nag-aaral, si Renjun na nagmamasters, at si Jisung at Chenle na nasa huling taon na ng kolehiyo kung kaya’t sila ang madalas magkita dahil nasa iisang unibersidad lang naman sila. Ngunit, walang papantay sa mag-bestfriend na sinigurado talaga na sa lahat ng GE subject ay magkaklase sila. Kaya eto si Jisung hirap na hirap sa gagawin sa buhay niya. Sa totoo lang, never naman naging mahirap dahil eto na ang kinalakihan at kinasanayan niya– ang mahalin ang kaibigan. 

“Hoy, ano ba? Nakikinig ka ba?” Pinitik pa ni Chenle ang daliri sa tapat ng kanyang mukha. 

“Huh? Ano ulit ‘yon?” Tanong ni Jisung dahil lumipad na naman ata ang utak niya. 

“Wala na, ikaw na yung nakakainis, hindi na yung prof natin na kailangan daw natin maghiwalay sa next project kasi hindi daw pwedeng by partner lang so nilipat niya tayo sa ibang grupo! Ano ‘yon wala ba siyang tiwala sa powers ng Aqua-Sagi duo?” ani Chenle habang abala tumusok sa Potato Corner niya. 

“Nice.” Nice, baka mas makapag-isip ako kung makakatakas ako sayo gaya ng sabi ni Renjun. 

“Nice? So ganon, sawa ka na ba sakin? ‘Di mo na ba mahal bestfriend mo?” Hirit ni Chenle na kunwaring magsisimula na ng away.

Biglang huminto si Jisung at seryosong sinabi, “Mahal.” Ano ba ang iniisip niya at sinabi niya pa ‘yon? Pero totoo naman kasi! Mahal naman niya ang kaibigan! Bago magtuloy-tuloy ang internal monologue niya ay hinampas na siya ni Chenle sa dibdib.

“Gago!” Sigaw nito at tumawa, halatang medyo na-awkward ito dahil pagkatapos non ay ang sunod-sunod na pagkain na lang niya sa sour cheese fries niya at mabilis na naglalakad. 

 

Umiling na lamang si Jisung dahil oo nga, gago talaga! Kinakabahan tuloy siya at baka kung ano na ang iniisip ng kaibigan pero totoo rin naman talaga eh. Kaso hindi ko na dapat sinabi ‘yon... Yumuko ang ulo niya habang naglalakad, at lahat ng pakiramdam na kinikimkim niya ay biglang naging malupit na bagyong tumama sa kanya.

Sino ba ang niloloko ko? Matagal na kong lumagpas sa linya ng pagkakaibigan. Paano ko pa ba itatago ‘to sa sarili ko? Hindi ko na kaya. Ang hirap naman maging Aquarius, masyado siyang self-aware. Alam ni Jisung sa sarili niyang hindi na basta kaibigan si Chenle sa kanya. Kung noon ay kaya niyang itago ang mga nararamdaman, ngunit parang mas lumala ang tama niya Matagal nang nawala ang boundary, at ngayon, masyado nang masakit ang paghihintay. Eto na ba yung sinasabi nila na minsan talagang iibig ang bading sa het? Pero dedma kasi para siyang sasabog.

Pero alam din niyang mahirap maging matalino minsan. Dahil sa sobrang self-awareness, hindi niya maiwasang magduda sa sarili. Hindi ba siya nagiging selfish? Kung mahal niya si Chenle, at wala naman itong nararamdaman sa kanya, baka mag-iba na ang lahat. Gusto niyang sabihin kay Chenle, pero ang takot na masira ang lahat ay mas malakas sa bawat salita na gusto niyang iparating. Mukhang kailangan na ata niya muli ang payo ni Renjun. 

 

“Oh, ba’t parang kiti-kiti ka na naman diyan, Jisung? Ang daming upuan, ba’t walang mapaglagyan ‘yang pwet mo?” Pagsita sa kanya ni Renjun na nagttype sa kanyang laptop at tumatapos ng gawain. 

“Eh busy ka pa, kuya. Mamaya nalang pagkatapos mo.”

“Hay nako! Kung paikot-ikot ka lang din naman habang gumagawa ako, ‘di ko rin matatapos kasi hilo na ko sayo. Kaya spill mo na ‘yang panibago mong issue sa feelings mo.”

“Ano ba yan, kuya? Alam mo agad?” ani Jisung na nagpataas lang ng kilay ni Renjun. Umupo na ang nakababata sa sofa at bumuntong hininga bago magsalita muli.

“Eto na nga, narealize ko kasi na hindi ko talaga alam kung paano iddifferentiate yung nararamdaman ko or yung ginagawa ko, paano ko biglang ititigil? Paano ko iibahin? Kasi parang simula noon pa… ganito na naman ako kay Chenle.” 

Tumigil si Jisung at dinampot ang unan sa pagitan nila ni Renjun at niyakap ito ng maghigpit. ““Kapag nag-move on ako, mag-iiba ako. At makikita ‘yon ni Lele. Natatakot ako. Ayoko magbago.” 

Nagtuloy-tuloy ang pagkkwento ni Jisung kay Renjun sa kanyang mga pinagiisip, at naramdaman ni Jisung na parang nagbukas na siya ng pinto ng mas malalim na pag-iisip. 

“Hay, ang bunso namin!” Ginulo ni Renjun ang buhok ng nakababata. "Alam mo," pagsisimulang muli ni Renjun. "Hindi ko rin alam kung anong eksaktong nangyayari sayo, kung ano yung exact feelings mo pero sa isang bagay lang ako sure. Hindi mo kayang pigilan ang nararamdaman mo forever, kaya kahit anong takot mo, hindi mo rin dapat gawing dahilan yun para patagilid na lang maghintay kay Chenle. Lalo na kay Chenle.

Napahinto si Jisung at napaisip, "Bakit, kung halimbawa ba, sinabi ko kay Chenle, anong mangyayari?"

Tumaas ang balikat ni Renjun at napanguso ito, “Hindi ko alam sa side niya kasi nagsabi na siya mismo ng preference niya e.” 

Sa pagkakatong ito ay hinarap niya si Jisung at hinawakan ang kamay nito, “Pero para sayo naman, mas magiging magaan ‘yan, hindi mo na kailangan ikulong sarili mo sa nararamdaman mong nagsusumigaw na ilabas mo na. Kung masyadong mabigat, sabihin mo na. At kung ano man ang endpoint no’n, kailangan na tanggapin na lang natin. Hindi kita pinapaasa ha kaya sasabihin ko na rin ‘to, hindi lahat ng mahal natin, para sa atin.”

Napahinga ng malalim si Jisung. Alam naman niya ‘yon . Masakit lang masampal na ‘yan ang realidad. Ngumiti siya kay Renjun, “Ang swerte niyo ni Kuya Jaemin ‘no parang hindi niyo na kailangan magtanong pa.”

Biglang bumukas ang pinto ng dorm nila at isang malakas na boses ang bumungad, “At bakit naririnig ko na naman ang pangalan ko?” Napailing na lang si Renjun nang marinig ang boses ng nobyo. 

Nang makaabot si Jaemin sa sala ay huminto ito sa paglalakad at tinignan ang dalawa at tumaas-taas pa ang kilay bago ito tuluyang tumalon sa sofa habang sumisigaw, “Family time! Daddy’s home!”

“Kairita ka talaga!” Tinulak ni Renjun si Jaemin. “Bakit ngayon ka lang?”

“Traffic kasi, my bebe loves mwaps mwaps.” Kiniss pa niya sa pisngi si Renjun. Bago harapin si Jisung na umaaktong nandidiri,  “At bakit ganyan ang mukha ng anak ko, may nangbully ba sayo sa school ha?” 

“Love problems ‘yan. Alam mo na yon.”

Tumakas na si Jisung sa pagitan ng dalawa at tumakbo sa kwarto niya bago pa siya mainterogate muli. That’s enough feelings for today, guys. Sigaw ng Aquarius sun niya.

 

Nagmamadali ngayon si Jisung papuntang faculty center para sa consultation niya sa thesis niya. Sa totoo lang, wala pa itong maayos na tulog. Pagsabayin daw ba ang deadline ng thesis at ng nararamdaman niya. Baliw lang eh no. Ay wala naman palang deadline feelings niya pero kasi nga ever since talaga na sinabi ni Chenle na straight siya para siyang nauubusan ng oras. Ay tangina, tama na nga. Grabe talaga, utak ng mga Aquarius, para talagang browser na may nakabukas na isang damakmak na tabs. 

Pinindot niya ang elevator button dahil ayaw na niyang hagdanin pa paakyat ng 4th floor, baka mahilo na siya sa pagod. Habang naghihintay siya ay para bang naghahallucinate na siya sa pagod, bakit parang naririnig ko si Chenle? Wala namang klase yun ngayon ah. 

Lumingon siya sa likod niya at nakita sa dulo ng hallway ang kaibigan, may kasama itong babae. Kilala na niya ito, si Eli, ang orgmate ni Chenle. Ito rin yung tinutukoy ni Haechan na nachichismis kay Chenle.

Hinarap nalang muli ni Jisung ang elevator at nagmamadaling pindutin ang button nito na akala mong mapapabilis ng pagpindot niya ang pagbaba at pagbukas nito. Tangina, bakit ganito nararamdaman ko? Bakit parang gusto ko magtago sa kanya?

“Jisung!” Sigaw ni Chenle. Nagpapanic na si Jisung. Napahawak siya sa string ng hoodie na suot niya na para bang ginugugol ang ilang segundo sa simpleng pagkakalapat ng tela sa kanyang mga daliri. Tangina, ang bagal naman bumukas neto. 

“Hoy Jijipot!” Muling sigaw ni Chenle at mukhang mas lumalapit na ito. Ding! Tunog ng elevator, hudyat na nandoon na ito sa floor nila.

“Huy, don’t shout. Baka hindi naman si Jisung ‘yan. Hindi naman lumingon eh.” Saway nung kasamang babae ni Chenle. 

“Si Jisung ‘yan! Hoodie ko yung suot niya eh. Tignan mo,” ani Chenle. Nagmamadaling pumasok si Jisung sa loob at mabilis na pinindot ang close ng elevator doors, umangat ang tingin niya at nagtama ang mata nila ni Chenle habang tuluyan nang sumasara ang pinto. 

Naramdaman ni Jisung ang tensyon sa buong katawan niya. Fuck. Ano ba ang ginagawa ko? Pumikit siya saglit, at kahit ilang segundo lang yun, parang ang bigat na agad sa dibdib niya. Ihahanda nalang niya siguro ang sarili sa magiging tanong ni Chenle kung sakali mamaya pero sa ngayon mas kailangan niya ihanda ang sarili niya para harapin ang thesis adviser niya. 

Mas kinakabahan si Jisung kasi hindi nagparamdam si Chenle sa kanya nung araw na ‘yon. Hindi ito nagmessage, hindi nito kwinestyon kung ano man ang nangyari nung hapon na ‘yon. Buong gabi siyang hindi mapakali sa kakaisip kahit na naging okupado pa ng ibang gawain ang oras niya binabagabag pa rin siya ng nagawa niyang hindi pagpansin sa kaibigan. 

 

Nagkita nalang sila muli sa klase na magkasama sila, ngunit hindi rin siya nabigyan ng panahon lapitan ito dahil nga pagpasok niya ay pinapunta na sila ng propesor nila sa kani-kanilang grupo. At pagkatapos ng klase ay bigla na lamang nawala si Chenle. 

Nakatulala nalang si Jisung mag-isa habang kumakain ng siomai rice niya sa amphitheater. Galit ba siya? Malamang Jisung Park! Sinong hindi magagalit sa ginawa mo? Ang gago!

Biglang may bumungad na milk tea sa tapat niya, “Mukha kang kawawa diyan.” Sabi ni Chenle at tumabi ito sakanya. 

“Oy…” Pagbati ni Jisung sa kaibigan. 

“Anong oy? Para kang tanga, parang ang awkward non. Hay nako, Jiji!” Tinulak ni Chenle ang kaibigan gamit ang kanyang balikat.

“Hindi ka ba galit?”

Lumukot ang mukha nito at umaktong nagiisip kaya’t medyo namamawis naman ang kamay ni Jisung sa kaba. “Hindi, tampo siguro pero yun lang yon. Snobber ka na pala e.”

“Sorry talaga, Le. Pagod lang talaga ako nung time na ‘yon.” Pagpapaliwanag ni Jisung sakanya. Lumukot ang mukha ni Chenle at tila lumalim ang iniisip. Napansin ni Jisung ang pagbuka at muling pagsara ng bibig nito na tila ba may sasabihin ngunit napigilan ang sarili. 

Ngumiti lang si Chenle, “Okay lang. Wala ‘yon, nakakapagod naman talaga ang dami nating ginagawa masyado eh. Gusto mo maglaro mamaya? Unwind lang ganun!” Hindi na tumanggi si Jisung dahil sa totoo lang miss na niya ang bestfriend niya. 

Parang bumalik naman na sila sa dati, laging sabay pumasok, sabay kumain sa ibang araw na sabay ang vacant nila, sabay umuwi, or hinihintay lang talaga ni Jisung katulad ngayon. Nakaupo siya sa isang bench at nagbabasa ng papel na gagawan niya ng reflection mamaya pagkauwi. 

“Jisung, hi! Long time no see ha.” Bati sakanya nung orgmate ni Chenle na kasama nito noong nakaraan. Napatayo siya at niyakap siya nito bilang pagbati. Ngumiti si Jisung at sinagot ito ng, “Right, long time no see nga, Eli.”

“By the way, have you seen Chenle?” Lumingon lingon pa ito sa paligid tila hinahanap ang bestfriend ni Jisung. 

“Ah, nasa klase pa niya diyan sa Velasco. Iniintay ko nga eh.”

“Oh okay! Please relay my message nalang na he has to go sa birthday party ko this weekend! You should come too if you are free. Some of my orgmates nga have a crush on you eh, dami kayang nagpapalakad sayo through Chenle.” Hinampas pa nito ng bahagya si Jisung. Napakunot ang noo ni Jisung dahil wala naman nakkwento ang kaibigan tungkol dito kung tutuusin sa daldal nito never naopen ni Chenle ang topic na ‘yan.

“Eli, pinagsasabi mo diyan? Baka lumaki ulo ni Jisung.” Singit ni Chenle sa usapan. Medyo seryoso pa ang tono nito pero may halo pa rin na kakulitan. Sa totoo lang, di mabasa ni Jisung ang tono nito. 

“Ayan ka na pala, Le! Basta punta kayo, okay? I have to go na, nandyan na driver ko. Byeeee.” Pagpapaalam ni Eli sa magkaibigan. Nagflying kiss pa ito ng marami bago tuluyang lumakad palayo sa kanilang dalawa. 

 

Habang naglalakad sila papunta sa apartment niya ay hindi maiwasang mapansin ni Jisung ang pagkatahimik ng kaibigan. Nakapako ang mata sa nilalakaran at tila hinihila na lamang ang paa dahil sa bigat ng bawat hakbang. 

“Ano tingin mo kay Eli?” Tanong ni Chenle na bumasag sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. 

“Huh?” Nagtatakang hinarap ni Jisung si Chenle. Hindi maipagkakaila na para bang may pumitik sa puso niya. Totoo kaya ang chismis ni Haechan? Na pinagtatambal palagi ang dalawa dahil may something? Tangina, eto na ba yon?

“Ay joke. ‘Wag na pala.” Pagbawi ni Chenle sa kanyang katanungan na hindi maisantabi ni Jisung kaya nahulog na naman siya sa patibong ng pag-iisip. Gago, hindi pa ko handa. Kung sakaling si Eli nga ang natitipuhan ni Chenle, or kung may gusto na nga ba ito. Sa totoo lang, sa tagal nilang magkaibigan never silang nagkaroon ng seryosong crush, tipong si Kathryn Bernardo at Nadine Lustre lang ang napagusapang crush nila. Jokes on you, Jisung. Si Chenle kaya crush mo. 

 

Sa wakas natapos na rin ang term na ito, malaya na si Jisung sa mga paghihirap niya– well, sa acads pero hindi sa feelings niya na hanggang ngayon ay parang tinataningan buhay niya. Mga dalawang linggo na ang lumipas mula nung huling hangout nila ng bestfriend niya. Hindi manhid si Jisung kaya alam niyang may nagshift sa pagitan nila ni Chenle mula nung party ni Eli kaya lowkey niya rin itong iniiwasan na hindi na naman din kailangan dahil sobrang busy din talaga nila. Okay pa ba talaga kami? Baka kasi si Jisung na naman ang naglalagay ng meaning. Mga Aquarius nga naman, lahat binibigyan ng kahulugan. 

Iniisip ni Jisung kung sasalubungin niya si Chenle dahil sa pagkakaalam niya ay may huling presentasyon pa ito sa isang major subject na matatapos mamayang 6PM. Sunduin ba niya ‘to at ayain na kumain? Yun naman ang gawain talaga nila every after term. Napahinto si Jisung dahil sa realization. Hindi kami nakapagset this time. 

“Jusko, ano na ba nangyayari sa buhay ko?” Malakas na sabi ni Jisung sa loob ng kwarto niya na akala mo’y may makakarinig sa hinanaing niya. Tumayo si Jisung papunta sa kanyang desk upang kunin ang capo ng gitara, pampalipas oras dahil maaga pa naman para magtungo siya sa campus. 

Nagsimula na siyang kapain ang chords ng kantang tumatakbo sa isip niya ilang araw na. Pakisabi na lang sa kanya na wala nang mas hahalaga. Pakisabi na lang sa kanya na wala nang mas sasaya pa. Pakisabi na lang sa kanya na mahal ko siya. 

Nakakainis na kuhang kuha ng kanta ang nararamdaman ni Jisung. Napatigil siya, dahil sa totoo lang ilang linggo o buwan na niya ‘tong dilemma simula nung birthday ni Chenle. Natatakot siya sa lahat. Natatakot siya sabihin dahil malinaw na nga sa kanya na binura ang pag-asa niya. Natatakot rin siya pag dumating yung panahon na magka-girlfriend si Chenle, ayaw nalang niya isipin ang magiging reaksyon niya. Natatakot nalang rin siya dahil minsan madalas parang sasabog na siya dahil sa nararamdaman niya. At higit sa lahat, dahil ramdam niya na nagiba ang ihip ng hangin sa pagitan nila, natatakot siyang mawala si Chenle sa kanya bilang isang kaibigan. ‘Yan na naman siya sa sakit niya, pwede na siya maging dictionary sa totoo lang. 

Biglang bumukas ang pinto, at narinig niya ang boses ni Chenle. "Ano 'yang malalim na iniisip mo? Mukha kang namatanda, Jisung."

 

Nagulat si Jisung pero pilit na ngumiti.  "Wala. Ang aga mo naman natapos." 

"Nagmakaawa na akong mauna kasi gusto ko nang mag-relax. Napagod na ako, pero mukhang ikaw yata mas stressed pa rin?"

Umiwas ng tingin si Jisung at mahinang tumawa. Abala sa pagkalkal kuno ng string ng gitarang hawak niya.  Isang malakas na paghinga mula kay Chenle ang narinig sa kwarto bago nito binagsak ang gamit sa sahig na siyang ikinagulat ng nakababata. 

Kabaligtaran ng dahan-dahan ang ginawa niyang paglapit sa kaibigan, hinawakan niya ang balikat nito at diretsahang sinabi, “Tapatin mo nga ako, Jisung. Okay ka lang ba talaga?” Nakapatong ang isang tuhod sa kama ni Jisung at nakatingin sa mga mata ng kaibigan.

Mahinang hinawi ni Jisung ang dalawang kamay ng kaibigan sa kanyang balikat at tumalikod. Takot na naman siya. Takot siyang mabasa ng kaibigan. “Ano ka ba? Stressed lang at pagod sa finals.” Sambit nito, sinundan pa niya ng birong, “Ulanin ba naman ako ng sandamakmak na papel tapos yung thesis proposal ko pa.”

Pero hindi siya tinantanan ni Chenle. "Ji, huwag mo na ako paasahin na finals lang 'yan. Alam ko na may iba kang iniisip. Ilang buwan na kitang nahuhuli, kaya 'wag mo na akong i-ghost dito kasi pinalampas ko na ‘to nung minsan."

Umiiwas ng tingin si Jisung, kunwari’y abala sa pagtugtog ng gitara, pero ramdam niyang hindi siya makakatakas. Hindi na siya makakatakas. Tangina, hindi siya titigilan ni Chenle hangga’t d nito natutumbok ang kung ano mang hindi niya alam.  

"O, ano? May sasabihin ka ba o kailangan ko pa maghintay hanggang thesis defense mo?" Magaan ang bigkas ng salita ni Chenle ngunit gumuguhit ito. Ramdam ni Jisung ang pagkaseryoso nito kahit na mukhang pabiro ang mga salitang binitawan.

Nanlalamig at namamawis na ang kamay ni Jisung sa totoo lang. Nagagawa pang kumanta ng utak niya parang tanga talaga. Nasa utak niya ang bawat linya ng nararamdaman niya: Pakisabi na lang sa kanya na wala nang mas hahalaga. Pakisabi na lang sa kanya na mahal ko siya.

Pero paano ba magsisimula? Paano ba sasabihin nang hindi siya masisira? "Ano ba kasi ang ibig mong sabihin?" sagot ni Jisung, nagtatangka pang umiwas. Pero halata na kay Chenle ang kaba sa boses niya.

“Sorry, am I pushing you too much? Pasensya na. Hindi ko dapat ipilit. ” Tumayo si Chenle mula sa pagkakaluhod ng isang tuhod niya sa kama. Dinampot na nito ang bag na kanina’y binagsak niya. 

Naiwang tulala si Jisung. Nanatili siyang nakaupo, parang may mabigat na bagay na bumagsak sa dibdib niya. Napansin niyang tahimik na ang kwarto, pero ang isip niya’y puno ng tanong: Ano ba ang nangyayari? Anong meron? Alam na ba ni Chenle ang nararamdaman ko?

Notes:

thank you ulit sa pagbabasa!

on queue: tataya by cup of joe

Series this work belongs to: