Chapter Text
00. the beginning
Nababalot na ng kadiliman ang kalangitan ngunit ngayon pa lamang uuwi si Wonwoo galing trabaho. Pagod at bagsak na ang katawan nito dahil sa trabaho.
Ito'y naglalakad papasok sa subdivision kung saan nakatayo ang bahay na pinamana sa kanya ng kanyang magulang. Habang naglalakad hindi na nito maiwasan na iparamdam sa kapaligiran na ito'y pagod.
Tatlong bahay na lang bago ang bahay nito nang bigla siyang napahinto dahil sa naririnig na tunog. Sinundan niya ang tunog at nagulat sa nakita.
Isang pusang kulay puti na nagtatago sa halaman. Ito'y may kaliitan, mukhang bagong panganak at may karumihan na nang konti ang balahibo.
May higit sampung minuto ang nagtagal bago na pagdesisyunang kunin ni Wonwoo ang pusa at iuwi sa bahay niya.
Pagod na ang binata ngunit nagawa pa nitong linisan ang pusa bago asikasuhin ang sarili.
Wala itong alam sa pag-aalaga ng hayop dahil n'ung bata naman siya hindi siya mahilig sa mga hayop kaya sa Google niya isinasalalay ang lahat.
"Alam kong medyo maling desisyon ang mag-ampon ng pusa kasi sarili ko nga hindi ko naaalagaaan pero sige. I'll take my own challenge."
