Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationships:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2025-01-08
Words:
2,561
Chapters:
1/1
Comments:
1
Kudos:
23
Bookmarks:
2
Hits:
262

Nakauwi Na

Summary:

When the world gets too tiring to handle, Justin always finds himself going home to Stell.

Notes:

Hi Everyone! Happy New Year! I'm back again with a short Jahstell AU cause I just miss them so much and probably one of my diversion for my excitement for SAW cause it's coming very soon!

This is written in Tagalog and I'm not that good at it so forgive me if you spot any errors. Enjoy! :)

(See the end of the work for more notes.)

Work Text:

 


 

 

Nakakapagod. Sa dami ng ginawa ko ngayong araw, parang gusto ko nang humiga sa malambot kong kama. Hindi naman sa nagrereklamo ako, Blessing nga kung tutuusin na madami parin akong natatanggap na projects kumpara sa dati pero kasi nakakapagod talaga.

 

Nakaupo lang ako ngayon sa Tent ko, hinihintay na matapos ang show. Isang act nalang at magco-closing na, tinignan ko ang manager ko na mukhang pagod rin at naisip ko bigla yung bahay ko. Uuwi nanaman akong walang sasalubong sa'akin, ayokong umuwi doon, malulungkot lang ako. 

 

Kapag ganito na ayokong umuwi sa sarili kong bahay, isang bahay lang ang nasa isip kong uwian. Kinuha ko ang cellphone ko, hinanap ang pangalan niya sa contacts at nag type, pero napatigil ako...

 

Okay lang kaya sa kaniya? Hindi ba siya maiinis kung doon ulit ako makitulog? Inaamin ko na lagi akong nagpupunta sa kaniya pag ganitong pagod na pagod ako pero.... baka kasi ayaw na niya o nakukulitan na siya saakin. Nag-alinlangan tuloy ako. 

 

'Di ko kasi alam sa sarili ko kung bakit kapag sobrang pagod ako sa mundo, sa presensya niya lang ako napapanatag. Siguro dahil matagal na kaming magkasama o dahil siya ang pinaka malapit kong kaibigan. 

 

Kaibigan..... Tama, Kaibigan. 

 

"Jah?"  

 

nagulat naman ako nang marinig ko ang boses ng manager ko, "Ba't tulala ka diyan? okay ka lang ba?" Nag-alala niyang tanong kaya agad akong umiling "Okay lang po ako, Ate Leah" tumango naman siya "Sige, maya-maya akyat na daw kayong lahat sa stage, closing na"  

 

Pagkasabi niya nun ay parang nabuhayan naman ako ng dugo. Salamat naman at makaka-uwi na ako. Iniisip ko pa lang na sa kaniya nanaman ako uuwi, dumadagundong na agad 'tong puso ko. Nakakainis naman, ba't ganito?

 

Habang nasa stage ako at nagpapaalam sa mga fans na dumalo, walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang umuwi. Nang matapos na ay agad akong iginiya sa artist van namin, kinuha ko agad ang cellphone ko pagka-upo ko. Baka kasi magulat na andun nanaman ako. aabisuhan ko muna. 

 

Pagkatapos ko siyang I-text ay isinara ko na yung phone ko, "Jah? Diretsyo ba tayo sa bahay niyo?" Narinig kong tanong ni Ate Leah, tinignan ko lang siya at mukhang na-gets niya naman agad kaya tinanguan niya ako at ngumiti. 

 

"Kayna Stell natin ida-drop si Justin" Sabi niya kay Kuya Yuri, nahiya tuloy ako nang tignan ako ni kuya sa rearview mirror niya ng nakangiti. Mukhang sanay na 'rin ata siya. Ilang minuto pa ay nakita ko na papasok na kami sa parking. Bumaba ako at nagpapaalam na kayna Ate Leah at nagpasalamat na rin, sinukbit ko ang bag ko at pumanhik na sa Unit ni Stell. 

 

Parang nag-alinlangan ako nang planuhin kong kumatok pero nagsabi naman na ako na pupunta ako, kaya kumatok na rin ako. Maya-maya pa ay bumukas na ang pinto at maamong mukha ni Stell agad ang sumalubong saakin. 

 

Mukhang bagong ligo siya kasi medyo basa pa ang buhok niya at may nakasukbit na towel sa balikat niya. Amoy na amoy ko rin ang shampoo at sabon na ginamit niya, kahit kelan talaga ang bango bango niya. Nakakamangha rin minsan. 

 

"Jah! Pasok ka" pagkasabi niya nun ay para namang nawala lahat ng pagod ko sa katawan. Tama nga ako, presensya niya lang talaga ang nagpapanatag sa puso ko. Agad akong pumasok at binagsak sa sofa ang dala kong bag.

 

"Kumain ka na ba, Jah?" Narinig kong tanong niya habang naglalakad papunta sa Christmas Tree niya, nag de-decorate na pala siya, oo nga pala, magpapasko na. "Hindi pa" sagot ko at sumunod sa kaniya "Sabay na tayo? May niluto naman akong sinigang diyan"  

 

Tinignan ko lang siya habang maingat niyang nilalagyan ng decoration bawat sanga ng Christmas Tree. Ang sarap niya talagang panoorin pag seryoso siya eh haha, nakakawala ng pagod. "Masarap ba 'yang sinigang mo?" Pagbibiro ko kaya agad siyang napatigil at tinignan ako ng masama. Hay, nagdidikit nanaman yang makapal niyang kilay. 

 

"Ilang beses mo na bang natikman sinigang ko, Jah? siyempre naman masarap yan. Apaka mo"

 

Natawa nalang ako at naglakad papunta sa kusina. Mukhang bagong luto pa lang to ah, mainit pa. Kung iisipin ko ba na niluto niya 'to para saakin, ang feeling ko na ba nun? Madami kasi eh, pero baka para ulam niya rin bukas?

 

Ang feelingero mo talaga Justin!

 

"Ano? Kain na tayo?" Rinig kong tanong niya habang naglalakad papunta saakin. "Sige, gutom na 'ko eh" Sabi ko nalang at nag-inat kunwari. "Upo ka na, hahainan na kita" Hindi ko alam kung bakit sobrang lambing naman nun pakinggan? O baka ako lang? Hay, pagod lang siguro ako. 

 

Umupo na ako sa hapag habang nilalagay niya isa-isa ang kanin at mangkok ng sinigang sa mesa. 'Di ko tuloy maiwasan na tumingin. Sanay naman ako na nakikita ko siyang ganito lang, yung simple ba, parang ordinaryong tao na kayang kaya mong abutin kumpara dun sa Stage na talaga namang ibang-iba siya. Sanay na ako pero di ko parin maiwasang mamangha.

 

"Ang sarap naman, salamat!" May ngiti kong sabi habang sumusubo, kapag ganitong natitikman ko ang niluto niya, di ko maiwasan na isipin ang mga nangyari dati. Nag-iba na lahat, yung buhay namin, mga taong nakapalibot saamin pero siya, kahit kelan hindi nagbago. Nagmature— Oo pero andiyan parin yung Stell na nakilala ko years ago.  

 

"Marami kang ginawa ngayon no?" Tanong niya, tumango lang ako habang ngumunguso na agad niyang ikinatawa. Tinatawanan lang ako, pagod na nga ako eh! "Ba't naman nakanguso? Hahaha" Hindi ako umimik habang natatawa siya at nang matapos ay bigla niyang inabot ang kanang kamay ko na nakapatong sa mesa. 

 

"Sorry haha, matulog ka ng maaga ngayon, hindi na mag pphone ha?" Para akong naestatwa. Ramdam ko ulit ang malakas na tibok ng puso ko na 'di ko mawari kung ano. Sanay na dapat ako eh! Lagi naman kaming naghahawakan ng kamay, yakap pa nga minsan eh pero hindi parin ako masanay-sanay. 

 

"Stell, My life, my choices! Mag pphone ako!" Pagtataray ko na tinawanan niya ulit. "Kulit mo, bahala ka. Ikaw rin, mas mapapagod ka lang" Sabi niya at pinisil ang kamay ko bago bitawan. Nakakainis naman, ba't ba kasi siya ganito? 

 

Natapos kaming kumain ng matiwasay at pinilit ko siya na wag muna matulog. Ayoko pa, gusto ko pa siyang makasama, pag matulog kasi ako, mag uumaga agad tapos uuwi na ako, ayoko pa, usap pa tayo please. 

 

"'Pag ikaw talaga magising na pagod bukas, kasalanan mo 'yan" umiling lang ako at agad na umupo sa sofa, komportable akong sumandal habang nasa isang kamay ko ang remote ng TV niya. "Ano gusto mong panoorin?" Tanong ko habang umupo siya sa tabi ko. "Hamilton nalang" binalik ko sa mesa yung remote at sumandal ulit habang nanonood. 

 

Ang tahimik, pero ganito talaga kami lalo na pag pagod ako. Alam niya kasi na ayokong magsalita pag ganito pero ang totoo niyan, gusto kong siya ang kumausap saakin kasi gustong gusto kong marinig ang boses niya. Yung boses niya kasi nakakapanatag talaga. 

 

"Sino naghatid sa'yo dito?" Pagbasag niya sa katahimikan. "Si Kuya Yuri" 

"Hindi si Kuya Yani?" Umiling ako, "Busy siya, Marami inaasikaso sa kumpanya, alam mo na" Tumango naman siya habang ang mga mata niya ay nakatutok sa pinapanood. Hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang katawan ko papalapit sa kaniya at unti-unti kong sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Hindi naman siya nagreklamo kaya diniin mo pa ang ulo ko.

 

Napapikit ako nang maamoy ko ang mabango niyang leeg. Naramdaman ko ang pagpatong ng braso niya sa balikat ko at maya-maya ay hinaplos na niya ang buhok ko. Para tuloy siyang nakaakbay saakin at iniisip ko pa lang ang itsura namin ngayon, nag-iinit ang mukha ko. 

 

Ganito talaga siya kalambing, kaya din siguro nawiwili ako na umuwi sa kaniya kapag sobrang pagod ko. 

 

"Doon ka na sa kwarto ko matulog, Dito nalang ako sa sofa" marahan niyang sabi kaya napabalikwas ako sa pagkakasandal "Bakit?"  

"Kasi, pagod ka. Mas maganda na maayos kang makakagalaw sa kama." Pagrarason niya na ikinadismaya ko. Lagi naman kaming nagtatabi sa kama niya pag dito ako nakikitulog ah! Bakit parang ayaw niya akong makatabi?

 

"Oh, ang sama naman ng tingin mo, haha, dito na nga ako. Para makapagpahinga ka ng maayos" natatwa niyang sabi pero sinamaan ko parin siya ng tingin. "Bakit? Lagi naman tayong nagtatabi ah? Bakit ayaw mo na?" Ungot ko, mukha na tuloy akong bata na nagmamaktol. "Sabi ko nga po, para makapagpahinga ka ng maayos"  

"Ayoko! Tabi tayo!" May diin kong sabi. Narinig ko naman siyang tumawa ng konti. Hmp, nakakainis! "Jah naman, parang bata" Hindi ako umimik at Maya-maya pa ay narinig ko siyang bumuntong hininga. 

 

"Oo na, Sige na, Tabi tayo pero sure ka ha?" Tinignan ko siya ulit, bakit parang nag-aalinlangan na 'to tumabi saakin? Inilibot ko ang tingin ko sa mukha niya, Wala namang nagbago diba? Sanay naman kami dapat sa ganito diba? "Ayaw mo na ba akong katabi?" Pabulong kong sabi pero mukhang narinig niya kasi iginiya niya ulit ang ulo ko sa balikat niya. 

 

"Jah, Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang na komportable ka" huminga ako ng malalim. "Komportable naman ako sa'yo eh" mahina kong turan. Naalala ko tuloy na mas nakakatulog ako pag katabi ko siya at nakayakap siya saakin patalikod. Para saakin wala naman yun, komportable lang kami sa isa't-isa. Inaamin ko na ilang taon na rin na parang lalabas ang puso ko sa dibdib ko pag nagtatabi kami pero normal lang naman siguro yun diba?

 

"O sige na, tabi na tayo. Wag ka nang magtampo diyan" Sabi niya at hinaplos ulit ang buhok ko. Maya-maya pa ay nakaramdam na ako ng antok. Itatago ko sana ang hikab ko kasi ayoko pang matulog. Ayoko pang matapos 'tong gabing 'to, kaso nakita niya ata. 

 

"Tulog na tayo?" Umiling ako "Antok ka na eh, Tara na" Umalis ako sa pagkakasandal at tinignan lang siya. Mukhang antok na rin ata siya, mas lalo pa kasing pumungay ang mapupungay niyang mga mata. Ang malamlam na ilaw ang nagsisilbing liwanag namin pero kitang kita ko parin ang magandang mukha niya. 

 

Kung hindi ba siya nag-stay noon, makikita ko pa kaya siya tulad ng ganito? kung pinanghinaan din ba siya ng loob noon, makakasama ko pa siya ng ganito? Siguro hindi, siguro hanggang ngayon, patuloy parin na nangungulila ang puso ko sa presensya niya. 

 

Natigil ako sa pag-iisip nang hinikab ako ulit "Wag na makulit, Tara na, tulog na tayo" Hindi na ako nanlaban nang hilahin na niya ako patayo at sabay kaming naglakad papunta sa kwarto niya. Nang makita ko ang kama ay parang biglang bumuhos ulit ang pagod ko sa katawan. Agad akong humiga at pumikit. 

 

"Ayaw mo pang matulog ah, bagsak ka nga agad" mahina niyang sabi habang natatawa. Hindi ko siya pinansin at nagtalukbong nalang ng kumot hanggang sa naramdaman kong tumabi na siya. Hinihintay kong yakapin niya ako pero lumipas ang isang minuto ay wala parin kaya minulat ko ang mga mata ko.

 

Patay na ang ilaw at nakapikit na siya, ba't Hindi niya naman ako niyakap? Kanina parang ayaw niya akong katabi tapos ngayon di niya naman ako niyayakap! May nagawa ba ako? nagsasawa na ba siya saakin?

 

"Stell?" tawag ko "hmm?" sagot niya habang nakapikit "Ayaw mo na ba saakin?" Bigla siyang napamulat dahil sa tanong ko "Saan galing yan?" napanguso naman ako. "Kanina kasi parang ayaw mo akong katabi, tapos ngayon naman walang yakap o kaya goodnight" napaayos siya ng higa at parang may iniisip na malalim. "May nagbago ba, Stell?" Bigla siyang napatingin saakin at di ko alam kung bakit biglang dumagundong ang puso ko. 

 

"Wala naman, Jah. Wag mo na pansinin. Halika yakapin na kita" sabi niya habang umuusog papalapit pero agad akong lumayo. May iba kasi talaga eh, pakiramdam ko may tinatago siya saakin. "May tinatago ka ba saakin? Ayaw mo na ba saakin?" napapikit siya at kahit di pa man siya magsalita ay alam ko na. 

 

"Kung ganun, pwede mo naman akong tanggihan kanina nung papunta pa lang ako. Maiintindihan ko naman eh" Sabi ko at umupo na, "Jah, 'di naman kasi sa ganun yun"  

"Eh ano?" tumayo ako at humarap sa kaniya, napaiwas siya ng tingin "Basta! Di ko maexplain, 'di ko masabi. 'wag mo na isipin yun, matulog na tayo, hm?"

 

Kumurap ako ng ilang beses at agad akong tumalikod sa kaniya para kunin ang bag ko sa gilid ng kwarto niya. Uuwi nalang ako, naiinis ako sa kaniya. 

 

"Jah naman! Aalis ka ba?" Hindi ako sumagot at humakbang na pero mabilis niya akong hinarangan. Idiniin niya ang katawan niya sa pinto para di ko mabuksan, nakakainis naman eh! "Wala nga lang yun, wag ka na umalis, late na oh." 

 

"Ano ba kasi meron? Sabihin mo na, matatanggap ko naman kung sabihin mong naiinis at nakukulitan kana saakin" umiling siya at humawak sa sentido niya. Di ko talaga siya maintindihan minsan! "Hindi nga kasi dahil dun! Gusto kong andito ka, okay?" napatigil ako sa sinabi niya "Eh bakit?" tanong ko na lang.

 

Tinignan niya ako ng diretsiyo sa mata kaya napaatras ako ng kaunti, bakit parang kinabahan naman ako?

 

"Ano kasi, Jah...... 'di ko masabi kasi talaga! 'di ko alam paano ko sasabihin sa'yo" bigla siyang lumapit saakin at hinawakan ako sa balikat "Alam ko magagalit ka, kaya tinago ko Jah, tinago ko nang ilang taon, pero bakit kasi ang kulit kulit mo ngayon?" Hindi ko maintindihan, wala akong naintindihan sa sinabi niya pero ngayon ko lang siyang nakitang ganito ka gulo. 

 

"Ano ba kasi yun?" Tanong ko, Tumigil siya at huminga ng malalim bago ako titigan sa mata..... "Gusto kita, Jah"  

 

Parang bigla akong nabingi sa sinabi niya, sobrang lakas ng tibok ng puso ko at wala akong marinig kahit ano. Nakatingin lang ako sa kaniya, Hindi ako makapaniwala, Teka lang naman! Narinig ko ba yun ng tama?

 

"Kita mo na? magagalit ka eh! Kaya ayokong sabihin sayo! Ang Tanga Tanga ko" Sambit niya kaya agad ko siyang nilapitan. Pamilyar ang tibok ng puso ko ngayon at alam kong hindi to dahil sa kaba, galit, o pagkagulat. Matagal ko na rin tong nararamdaman, ilang taon na rin, lalo na pag magkasama kami. Para makumpirma ko ay agad akong yumakap sa kaniya. 

 

Nagulat siya pero hinayaan niya ako. 

 

"Tulog na tayo? Antok na ako" sabi ko at hinila na siya pabalik sa kama, alam kong nagtataka siya, miski ako nagtataka rin sa kinilos ko. Nang makahiga na kami ay humarap ako at niyakap siya, kitang kita ko na nag-aalinlangan siya. "Jah, an-"  

 

"Shhh, yakapin mo nalang ako" pagpuputol ko sa sinabi niya, sumunod naman siya habang nakatingin parin saakin "Hindi ka ba galit?" tanong niya pero di ko siya sinagot, mas lumapit pa ako at sumiksik sa dibdib niya. Rinig ko ang malakas na tibok ng puso niya, katulad ng saakin. Natatakot nga ako na baka marinig din niya. 

 

Matagal ko na rin 'tong tinatago, 'di ko lang alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko pero sigurado na ako ngayon. 

 

sa kaniya ako lagi uuwi, kasi nasa kaniya ang puso ko. 

 

"Gusto din kita, Stell" mahina kong bulong at mas hinigpitan pa ang yakap ko sa kaniya. Alam kong narinig niya ang sinabi ko kasi naramdaman ko ang malambing niyang paghagod sa likod ko at ang mahinang dampi ng labi niya sa buhok ko. 

 

Katahimikan ang bumalot saamin, 'Di ko man batid ang kahihinatnan nito, tiyak na walang kasiguraduhan pero isa lang ang alam ko......

 

 

Nakauwi na ang Puso ko.

Notes:

Heya! Thanks for reading! I am so pumped up for SAW! Let's do our best to give all our love and support for our Mahalima!

Oh and please give me feedback here cause I really need to hear from you guys 🥺 or leave me a comment here! 🫶 Thanks again!