Chapter Text
Maagang inilabas ang listahan ng mga klase. Laking tuwa ang naramdaman ni Jungwon noong nakita niya ang pangalan ng kanyang crush. Para siyang nabuhayan ng loob, buong akala na niya kasi ay lilipat na ito ng eskwelehan tulad ng iba nilang mga batchmates at dahil nga hindi naman sila close ay wala siyang balia tungkol dito.
Napag-isipan na nga niyang magmove-on dahil sa dalawang taon na pagkacrush niya kay Sunoo ay wala naman siyang progress. Karaniwang makapal naman ang mukha niya pero ewan niya ba pagdating talaga kay Sunoo ay hindi niya magawang umimik.
Nahihiya kasi siya dito dahil achiever ito at kilala sa eskwelahan dahil madalas itong masali sa mga paligsahan simula noong high school pa lang sila. Hindi naman batugan o pabaya si Jungwon sa pag-aaral pero pakiramdam niya ay pagdating sa larangang pang-akademiko ay malayo-layo ang agwat nila sa isa’t isa.
He only tended to exert extra effort to the things that interest him, like dancing, and football kaya duon rin siya mas kilala pero parang walang kwenta naman yung pagiging sikat niya kung kahit nga sa Facebook ay hindi pa sila friend ni Sunoo!
Nagsend naman siya ng friend request pero dalawang taon nang nabubulok iyon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ito na-a-accept. Jungwon comforted himself by saying that Sunoo wasn’t that active on Facebook anyways since he hasn’t changed his profile picture in years kahit nuong graduation.
It was still that picture of him standing by the Tokyo Tower. Jungwon knows because he has checked religiously. Sunoo also didn’t have any public activity like shared posts and the like kaya he has reached the conclusion na hindi lang talaga ito active.
Ganyan talaga mga tipo ni Jungwon, yung walang social media presence.
Pero ngayon tila hinatid na mismo ng tadhana ang crush niya sa kanya kaya hindi na niya palalagpasin pa ang pagkakataon. Hind niya hahayaang matapos ang school year na ito na na hindi sila nalalapit sa isa’t isa.
Nagkita-kita silang mga kaibigan para maglaro ng basketball sa subdivision nila Heeseung, sasama raw kasi ang nakababatang pinsan nito na si Riki. It wasn’t really Jungwon’s sport of choice but he played it just to bond with his friends.
“Kita ko yung class list, kaklase pala natin si Sunoo ah.” Balita sa kanya ni Sunghoon noong nagpapahinga na sila sa gilid ng court. Patuloy lang si Riki sa pakikipaglaro sa mga dayo, natuwa kasi ito sa katangkaran at liksi niya.
Hindi mapigilan ni Jungwon ang ngiti niya, “Sabi ko sa inyo meant-to-be talaga kami eh.”
“Ulol. Sabi mo nga last week magmo-move-on ka na eh.” Pambabasag ni Heeseung sa kanya.
“Sinabi ko lang pero di ko ginawa.” Jungwon replied.
“Kahit magkaklase pa kayo kung torpe ka rin wala rin kayong mararating.” Jake told his friend.
“Hindi na ako magiging torpe,” Sabi ni Jungwon which got him a bunch of unbelieving noises from his friends. “Hindi na nga! Binigyan na ako ng sign ng universe.”
“Sana by height yung seat plan para magkatabi kayo.” Pang-aasar ni Sunghoon dito pero imbes na mainis ay natuwa lang si Jungwon sa suhestisyon nito.
Sa pagtatansya ni Jungwon ay halos magkasingtaas lang rin sila ni Sunoo, baka mas matangkad lang siya ng unti pag tuwid ang tayo niya…
“May sinabi ka ring tama.” Nakipag-apir pa nga si Jungwon sa kaibigan.
“Pero sigurado kayo hindi sila nung Jay ah? Balak mo pa ata maging kabit.” Jake brought up.
Ah si Jay, yung kaibigan ni Sunoo na laging nakabuntot sa kanya. Madaming chismis ang pumapalibot sa kanila. Kesyo nagliligawan na raw ito Grade 7 pa lang, meron ring balita na naging sila na raw noong Grade 9 pa lang sila pero naghiwalay raw bago mag-graduation…
Kahit gaano kadami pa yan ay hindi paniniwalaan ni Jungwon ang mga haka-haka!
Kaklase rin nila ito ngayong taon pero dedma sa kanya, hahayaan niya na lang sila Heeseung kaibiganin ang lalaki para rin mapalapit siya kay Sunoo. Plus pogi points na rin.
“Hindi yan, nakasama ko si Jay sa council last year, hindi naman sila sweet kahit na lagi sila magkasama.” Pagtanggi ni Heeseung.
“Baka tinatago lang, alam mo naman yung prefect natin dati…” Pagkakatwiran naman ni Jake.
“Ano ba pre?” Pinanlakihan ni Jungwon si Jake ng mata, “Bat ba gustong-gusto mo maging sila? Bula lang ba ako sayo dito?”
Nagtawanan ang mga magkakaibigan.
“Sinisigurado ko lang tol at baka mapa-away ka pa, boang ka pa naman.” Tinapik ni Jake ang kaibigan sa balikat.
“Kahit naman sila puppy love pa lang yan, pwede pa manghimasok tong idol ko.” Pang-eenganyo ni Sunghoon sa kaibigan na gustong-gusto naman ni loko.
“Asawa nga naaagaw, boyfriend pa kaya?” Pagbibiro ni Jungwon.
Binatukan siya ni Heeseung, “Tarantado.”
“Wag mo akong batukan!” Agad na umiwas si Jungwon, “Pag ako di tumangkad di ko mabibigyan ng forehead kiss si Sunoo.” Tinawanan na lang ng mga magkakaibigan si Jungwon.
“Kung ako kay Sunoo tatakbo na ako.” Heeseung shook his head exaggeratedly.
Sa wakas ay dumating na ang araw na pinakahihintay ni Jungwon, ang unang araw ng klase. Maaga siya nagising para ihanda ang sarili niya. Pinili niya pa yung pinakaplantsadong uniporme niya at nag-abala pang mag-ayos ng buhok.
“This is the first time I saw you excited to go to school.” Jungwon’s father commented as he saw his son walkaround all over their house to get himself prepared.
“Gusto ko sulitin yung tuition na binabayad niyo.” Palusot naman ni Jungwon.
His mother chuckled, clearly not believing her own son, “Taon-taon naman kami nagbabayad at ngayon ka lang naging excited.” She pointed out.
“Kaklase ko kasi mga kaibigan ko ma.” Sabi na lang niya. Di naman siya nagulat na magkakaklase sila kasi sabay-sabay pa nga sila nag-enroll at saka sawa na siya sa mga itsura nun dahil madalas naman sila magkita kahit noong bakasyon.
“Wag kayo masyado makulit at baka paghiwalayin na naman kayo ng section.” Jungwon’s mom reminder her son. Noong Grade 8 kasi ito ay kinalat ang apat na magkakaibigan dahil pagpinagsama-sama sila ay gulo talaga ang nakasunod sa kanila.
“Hindi na yun mauulit mommy, big boy na kami.” Jungwon promised as he looked at himself at the mirror for the last time. “Okay na ba? Pogi na ba?”
“Mas pogi pa rin ako pero pwede na.” His dad replied humorously which got both his son and wife rolling their eyes at him fondly.
“Una na ako. Bye.” Paalam ni Jungwon sa mga magulang niya, not forgetting to kiss them on the cheeks.
Senior high school and Sunoo Kim, here I come!
Nakansela ang flag ceremony sa biglaang pagbuhos ng ulan kaya pinaderetso na sila sa kanya-kanya nilang mga classroom. Wala pa namang naunang instruction ang adviser nila kaya umupo lang kahit saan ang mga estudyante.
Hindi pa tinangkang pumasok ni Jungwon sa classroom hangga’t hindi niya nakikita si Sunoo na pumasok dahil gusto niya malaman kung saan ito uupo. Sinamahan naman siya ng mga kaibigan niya sa hallway at nag-usap-usap muna sila. Hindi muna nakisali si Jungwon sa daldalan nila kasi nga ay may inaabangan siya.
Maya-maya ay may dumaan ng mabango sa harap ni Jungwon at diretsong pumasok sa pintuan. Amoy baby. Jungwon blinked in succession when the door was closed with a light thud.
He immediately opened the door and peeked his head in and saw his crush settling at the very back of the classroom.
“Papasok ka ba Jungwon?” Tanong ng isa niyang kaklase na si Soobin na nakaupo malapit sa pinto. “Baka lumabas yung aircon.”
Ang lamig-lamig na nga nanghihinayang pa sa aircon, kitang may mahalagang inaatupag si Jungwon.
“Bat lalabas? Wala namang paa yan.” Sagot ni Jungwon dito pero sinara na rin ang pinto bago pa ito makasagot sa kanya.
“Pasok na ba tayo pre?” Sunghoon asked when he noticed Jungwon just standing in front of the door.
“Si Sunoo ata yung kakapasok lang, tara na ba?” Tanong rin ni Heeseung. Ayon lang rin naman kasi ang hinihintay nila.
Jungwon rubbed his hands together and glided it through his uniform making sure that there were no creases, “Mauna na kayo sa loob para hindi halata. Tiran niyo ako ng upuan sa tabi niya ah.”
Jake chuckled, “Parang mas halata kung papaiwan ka pa, pero sige.”
Nagsipasukan na ang mga kaibigan niya pero bago pa sumara ang pinto ay may lumabas ulit, si Sunoo.
Ano kaya ang pupuntahan nito? Baka si Jay.
Sana hindi si Jay.
Tuluyan ng pumasok si Jungwon sa classroom at agad nagtungo sa pwesto ni Sunoo at mga kaibigan niya.
“Dyan si Sunoo,” Ngumuso si Sung para ituro ang upuan na may nakaupong white and blue na totebag.
Yan ba ang hilig na bag ni Sunoo, di backpack?
Wala pang laman na bag ang upuan sa may kanan ni Sunoo pero may panyo sa ibabaw, unang araw pa lang may nakawala na ng panyo.
Hindi ito pinansin ni Jungwon at nilagay na ang gamit niya sa lapag para makaupo na.
Dahan-dahan nang napuno ang classroom ng iba pa nilang mga kaklase, mga upuan na lang sa harap ang natitira.
Paglipas ng sampung minuto ay bumalik na rin si Sunoo sa classroom nila at agad nitong napansin ang mga nakaupo sa paligid ng upuan niya. Bahagyang kumunot ang noo nito at naglakad na papalapit sa kanila.
Jungwon gulped in anticipation as Sunoo got closer. He heard his friends quietly snickering around him but he ignored them especially since he caught Sunoo’s gaze.
A small and polite smile was fixed on Sunoo’s lips when he arrived right in front of Jungwon, “Hi Jungwon.” Bati nito sa kanya.
Alam niya pala pangalan ko?
Sasaya na sana si Jungwon pero may kadugtong pa pala ang pagbati nito, “Pwede ka ba makipagpalit kay Jay? Siya lang kasi ka-close ko dito.”
Unang usap si Jay agad ang binabanggit. Anak ng pating naman oh!
“Ah, kaklase ba natin siya?” Nagmaang-maangan si Jungwon, “Parang wala naman siya.”
“He’s running a bit late lang pero he’ll be here soon-“ Sunoo started saying but the classroom suddenly fell silent.
“Good morning class. Settle down na.” Andyan na pala ang adviser nila.
Wala nang nagawa si Sunoo kung hindi lunukin na lang ang mga sasabihin niya pa at umupo na lang.
Jungwon was grateful for their adviser’s arrival kasi hindi niya alam pano tatanggihan si Sunoo.
Noong tumahimik na ang klase ay nagpakilala na ang adviser nila, “I’m Baekhyun Byun, your adviser for this year. I’ll be taking today’s attendance before I ask you guys to introduce yourself.”
A series of sighs could be heard from the whole class at imbis na mainis ay natawa lang ang adviser nila, “Get used to introducing yourselves kasi ayan ang gagawin niyong buong araw.”
A knock fell on the door before he could proceed.
“Good morning. Sorry for being late po.” At dumating na nga si Jay.
“Kaya pala may sobrang upuan pa,” Mr. Byun tutted, “I won’t mark you as late since first week Pa lang but I hope you don’t make it a habit, Mr.?”
“Jay Park po sir.” Sagot ni Jay, “Di na po mauulit.” Jungwon heard a disbelieving scoff from beside him.
Salamat Jay at late ka.
“Go ahead and sit down na Jay para makapagtawag na ako for attendance.” Mr. Byun nodded at the teenager who scurried to go to the only empty seat left which was directly across their adviser.
“I’ll be with the class until the period after recess since I need to not only get to know you guys but also orient you.” Mr. Byun began speaking again, “The seat plan would be decided by you guys, I trust that everyone would be mature enough to discipline themselves kahit na katabi niyo mga kaibigan niyo.”
Sunoo’s small groan was heard by Jungwon, who didn’t have it in him to feel bad.
Sunoo you might not know it now, but this is the stars aligning for us.
“After recess papaikutin ko yung seat plan so please sign for yourself. I’m giving you guys time to finalize before we implement it for the rest of the semester.” Dagdag pa ng adviser nila.
Pwede po bang i-finalize na ngayon?
The attendance was checked and finally the introductions will be starting. “Magsimula tayo mula sa likod for a change. Let’s start from the left corner. Just state your name and why you wanted to be in STEM.”
Everybody turned to the left corner to stare at Sunoo who confidently stood up. Tumalbog pa nga ang buhok nito pagkatayo niya.
Cute.
“Good morning everyone!” He said cheerfully, “I’m Sunoo Kim and I wanted to be in STEM because I’ve always dreamed of becoming a doctor.”
Baekhyun was happy to see that they were starting off with a very lively student, “Sunoo Kim, I’m sure that there are a lot of aspiring doctors here as well. Any specialty in mind?”
“I want to be a pediatrician if papalarin.” Sunoo readily replied with a smile and their adviser nodded in response letting him know that he can sit down already.
“Next.”
“Good morning.” Agad ng tumayo si Jungwon at muntik pa nga ito matumba sa pagmamadali niya na ikinatawa naman ng mga kaklase niya.
“Di ka naman masyadong excited magpakilala?” Pabirong tanong ni Baekhyun sa estudyante, mukhang sport naman ito.
“Kanina pa nga po ako excited,” May pilyong ngiti sa labi nito, “I’m Jungwon Yang pero you can call me Uno na lang or Won. Gusto ko mag-STEM kasi I want to be pursue aerospace engineering sa college.”
“Wow, we have a future pilot with us pala.” Ngumiti si Baekhyun at tinanguan si Jungwon para makaupo na ito.
The rest of the period went on like that. Maraming mga pamilyar na tao ang nasa klase nila pero marami-rami rin ang mga bagong estudyante.
Jungwon was liking Mr. Byun so far dahil mukhang hindi naman ito gaano ka-strikto at maayos siyang nakikitungo sa klase.
Hindi pa gaanong nadaldal ni Jungwon si Sunoo dahil ayaw naman niyang mapagalitan sa unang araw ng klase.
Di niya rin ito naayang sumama sa recess dahil ang bilis nitong nawala pagtapos ng klase.
“Ano pre? May nararating ka na ba?” Umakbay si Sunghoon sa kaibigan habang palabas sila ng classroom para bumaba sa cafeteria.
“Easy lang, baka mabigla ko eh.” Sagot naman ni Jungwon.
“Doctor saka pilot, bagay na bagay.” Sabi ni Jake.
“Power couple talaga.” Agad naman na sumangayon si Jungwon.
Lumipas ang recess at maagang umakyat si Jungwon. Baka kasi pag nahuli siya ay may umangkin na sa pwesto niya.
A little later, Sunoo and Jay arrived together but Sunoo headed towards his seat but stopped in front of Jungwon.
May inabot ito sa kanya, “For you.”
Lord, ito na ba? Kaya ba hindi ako binilan nila mommy ng steam deck kasi may mas maganda kang regalo para sakin?
“Thank you.” Di mapigilan ni Jungwon ang ngiti niya nang tinanggap ang kahon ng curly tops.
“So about your seat, can Jay switch with you?” Malambing na tanong sa kanya ni Sunoo.
At talagang di pa pala sumusuko ang isang toh. Pwes, di rin siya susuko.
Umiling si Jungwon, “Di ka naman mamamatay pag di mo nakatabi jowa mo.”
Agad sumimangot si Sunoo, “First of all hindi ko jowa si Jay.”
Salamat sa confirmation.
“Second of all, you don’t have to be so rude about it. I was asking nicely.” He continued. “Akin na nga yan.” Pagbawi nito sa bigay niya.
Nilayo ni Jungwon ang curly tops niya, “Wala nang bawian. Akin na toh.”
“Pasensya ka na kay Wonie, Sunoo. Gusto ka lang talaga tabihan niyan.” Laglag ni Jake sa kaibigan.
“Well ayaw ko siya tabihan.” Pagsusungit nito.
“Aray!” OA na sigaw ni Heeseung.
“Naniwala ka naman kay Jake.” Binuksan na ni Jungwon ang kahot at nagsimula nang kainin ang mga curly tops niya at baka bawiin pa, “Ayaw ko lang mapunta sa harap.”
“Wag ka maniwala diyan Sun, excited nga pumasok yan kasi kaklase ka namin.” Sumingit pa si Sunghoon.
Sunoo just rolled his eyes at them, hindi naniniwala sa mga pinagsasasabi nila.
While their first interaction didn’t really go as planned, Jungwon was still happy that he got to interact with Sunoo. Nabigyan pa nga siya ng tsokolate nito kaya panalo na rin siya kung tutuosin.
Besides, he has a whole year to woo him anyways.
