Work Text:
“Ano ba naman ‘tong magkaibigan na’to hindi mapaghiwalay?” sabi ng kaibigan nila, paano ba naman eh halos buong araw sila lang ang magkadikit. Mind you, there are a lot of them in the friend group pero ano? Sila lang dalawa lagi magkatabi, na para bang may mundo silang sarili. Kung tatanungin mo kung ano ba sila, magkaibigan lang daw. Friends? More than friends? Magkaibigan lang talaga.
“Ano bang problema mo at kanina mo pa kami napapansin? Halika rito at tumabi ka kung naiinggit ka” sabi naman ni Haechan sa kaibigan niya.
Well, if you want to know the truth ayaw niya talagang tumabi itong si chenle sa kanilang dalawa ni mark, paano ay minsan lang ‘to magkita. They crave for each other, as a friend… siguro? Hindi rin naman pinapansin ng mga kaibigan niya ‘to dahil nga ay nasanay na rin sila. Sa tuwing magkikita sila konti na lang mag hahalikan na yung dalawa sa lapit.
Kung tatanungin niyo kung nasan sila, nasa condo ni jaemin na busy magluto. Get together daw nila ‘to dahil hindi sila nagkita- kita ng ilang months since katatapos lang ng midterms and then ilang weeks lang biglang finals na ulit. So here they are catching up and telling each other’s nonsense stories. Little did they know the two had their own world in the corner.
“Hi, how are you my pookie bear honey bunch?” tiningnan siya ni haechan na para bang konti na lang ay susuntukin niya na si mark, mark is always annoying when it comes to haechan. He has the best reaction ever kaya lagi n’ya ‘tong ginagawa.
“Anong pakana mo na naman mark? Dahil naiinis na ako ngayon pa lang” he really is, kitang kita sa mukha niya ang inis, walang nagawa itong si mark kung hindi tumawa at pisilin ang pisngi nito.
“Napaka cute mo talaga, come here na baby get closer haechan. You’re getting to far to me” ano nga ba ang magagawa ni haechan, eh matagal niya na ‘tong gusto. Yung kaibigan niya na sikat sa lahat ng department. He’s not going to lie, his heart races a bit.
“Miss na miss mo ba ako at gusto mo akong katabi?” mapapasabi ka nalang talaga ng ganyan dahil biglang nag ‘my mind went blank’ ‘tong utak ni haechan sa sinabi ng kaibigan niyang biggest flirt ng taon pero ginagaslight ang sarili na walang gusto sa kaniya dahil kaibigan lang daw siya. Tingnan natin kung saan ka dadalhin niyan sige.
Mark lean on his shoulder and bite it at the same time.
“Sinasabi ko sayo Mark, isa pa. Naiinis na ako ah? Kapag ako hindi nakapag timpi” he just heard laugh from behind, sa sobrang bilis gumalaw ni mark hindi na niya namalayan na sumiksik na pala ito sa likod niya para siguro maiwasan ang dapat mangyari.
“Sorry na, sana ma-forgive ako” oh he can’t resist this, Mark is so cute. If makikita niyo lang yung nakikita ng mga mata ni haechan baka gusto niyo rin gawin ang iniisip niya.
He wants to kiss Mark so bad right now, in this position that no one will notice. Oh, not in this state that i am completely sober. Halikan niya nalang daw siguro kapag may tama ng alak para may dahilan para sabihin na nadala lang ako ng alak, lasing lang talaga ako. Typical na may gusto sa kaibigan ang datingan.
They just stare to each other, na para bang may contest sa kanilang dalawa kung sino ang unang bumitaw ng tingin ay siya ang talo.
Mark is really mesmerize with haechan’s moles in his face, ang sarap halikan lang yan ang nasa isip ni Mark tuwing makikita yung mukha ng kaibigan niya. Kung pagkukumpara mo ay mas maliit ang mukha ni Haechan kay Mark kaya laging hinahawakan nito.
“You know what, kapag marami raw mole sa mukha ibig sabihin lagi kang hinahalikan sa past life mo. Lalo na kung saan naka- locate ‘tong mole na ‘to” habang hinawakan ni Mark ang mga ito, they’re really close, close enough to kiss each other and end the tension between them.
How can this beautiful friend of mine doesn't have a boyfriend or girlfriend?
Sana siya nalang daw at ayaw niya rin naman makitang may ibang kasama tong si Haechan, napaka- seloso, matampuhin at gusto sa kanya lang attention ng kaibigan niya. Ano ba sila? Sila lang makakasagot niyan.
While they’re busy with each other, at akala niyo kung sila lang ang nakakaramdam ng tension? No, because all of their friends were looking at them like they were part of the most intense staring contest of the century. Hindi na nila kayang hindi pansinin dahil may something talaga, na parang hindi na ‘to yung normal na tinginan lang kapag magkasama sila. There’s more than with those stares.
Jaemin finally interrupted because he needs Haechan to the kitchen, paano ba naman eh walang tumutulong sa kanya, lahat eh busy. Busy magpahinga at mag lampungan sa gilid- gilid.
“Pwede ko bang mahiram yung kaibigan mo? Mark, kahit saglit? Pahiram naman ng asawa mo” agad naman napalingon itong si mark na para bang ayaw ipahiram itong katabi niya.
“Ayaw ko nga, nandyan naman si Jeno, Renjun, Chenle o kaya si Jisung. Bakit si Haechan pa?” ayaw niya talaga ipahiram sa lagay na ‘yan. Kanina pa sila magkasama ah, hindi nagsasawa.
“Bawal po bang si Haechan ang gusto ko sa kusina? Siya lang po kasi yung marunong magluto dito aside sa akin, baka gusto mo ikaw ang tumulong tutal at ayaw mo pakawalan yang katabi mo” ano pa kaya ang sasabihin ni jaemin para lang mapapayag ‘tong si Mark.
As if naman na sasama tong lalake na to eh itlog nga lang hindi pa naluluto, ilaga nga raw ang itlog pero wala yung shells. Isipin mo kung paano niya ginawa yun, halos tawagin na ni jaemin lahat ng santo nung nakita niya kung paano yun ginawa.
“Ayoko, balik mo agad yan ah! Kapag hindi lagot ka sakin” oh god, ayaw niya talaga kaso wala lang talagang choice.
Hindi naman talaga magluluto yung dalawa, dahil tinapos na lahat ni jaemin yung gawain. Ihahain na lang tapos ayos na. Gusto niya lang talaga makausap tong si haechan na malandi niyang kaibigan pero…. Parang wala sa wisyo at nakatulala lang. Parang hindi rin to makakatulong.
“Mukha kang ewan, ayos ka pa ba?” saka lang natauhan tong kaibigan niya
“Malamang, mukha ba akong hindi ayos”
Hindi siya mukhang ayos, mukha siyang ewan. Hindi maipaliwanag ni jaemin kung ano itsura ni haechan ngayon. Paano ba naman eh nagkakatitigan at kung ano nangyari sa kanilang dalawa ni mark. Sobrang oa man kung tawagin pero parang may kakaiba raw.
“Jaemin, feel ko talaga may kakaiba. Hindi lang to yung dating ano, na para bang normal lang samin ganon. Ngayon kasi hindi ko maipaliwanag eh parang may nag iba, ako ba yun o si mark? Normal pa ba to sa magkaibigan?”
“Ngayon mo pa talaga naitanong yan ah, sa tagal niyong magkaibigan ganyan na talaga kayo tapos nung may naramdaman kang kakaiba saka ka nagtanong” halos lahat nga sila ay nagtataka kung magkaibigan pa ba sila o sila na talaga.
Wala talagang makakapagsabi, unless may umamin
“Alam kong magulo utak mo sa nangyari kanina kaya hindi mo maipaliwanag ng maayos, kung ako rin hindi ko masasagot yan, si Mark lang. Mas maganda na mag- usap kayong dalawa para maliwanagan ka sa sa mga nangyayari. If everything didn’t go well nandito lang ako” tama naman si Jaemin dahil kailangan din niya maliwanagan, na para bang nagtataguan lang sila ng nararamdaman
Sa kanilang lahat si Jaemin ang close sa dalawang ‘yan, kaya nga nagkakilala ang dalawa dahil kay Jaemin, kaya siya rin unang nakaramdam na mayroong kakaiba sa dalawang yan. Hindi normal sa magkaibigan lang ung mga gawain nila, pero siguro dahil nasanay na rin sila kaya pinapa- walang bahala na lang nila. Sabi nga ng dalawa magkaibigan lang kami, wag niyo lagyan ng malisya!
“Tara na ron, para na rin makakain at iinom pa tayo. Though hindi to dinner pero laman tiyan na rin”
Hay nako, malungkot na lumabas ‘tong si haechan galing sa kusina ito namang si mark may haechan radar alam niya na agad kung sinong lumabas at pagkakita niya pa lang ay agad itong nabahala, malungkot ba naman lumabas yung asawa m- kaibigan pala.
“Hoy! Ano ginawa mo dito? Bakit parang hindi na masaya? Demonyo ka talaga, panira ka ng gabi, hindi na masaya tong asawa. Uwi na kami sa mga anak namin. Tandaan mo yung araw na ‘to Jaemin” sabi agad nito kay Jaemin na para bang may ginawang masama ‘to.
“Makapag bintang! bakit nakita mo ba? Palong- palo ka naman, sana hindi nalang kayo pumunta ng asawa mo at nag family bonding nalang kayo sa bahay mo” jokingly said kay mark at tumawa nalang ito, normal na sa kanila to, lalo na sa dalawang yan.
“Hey, what happened?” Mark poked Haechan’s cheek if he’s really not in the mood but Haechan didn’t react, baka wala talaga siya sa mood kaya hindi niya na lang pinansin.
He proceed to get some food sa kanya pati kay Haechan, automatic na yon, siguro may kulang sa routine niya kapag hindi niya nakuha ng pagkain yung isa. Hay nako, mag- asawa nga si Jaemin, tama ka!
“Bilisan niyo kumain at iinom pa tayo, wag muna maglampungan yung mag- asawa para mapabilis tayo” Jeno jokingly said at inom na inom na, siya ba naman nag sponsor ng iinom nila para lang pumayag na uminom. Mga kuripot pero kapag nandyan na yung alam palong- palo naman na para bang walang kinabukasan.
As what Jeno said mabilis lang talaga sila natapos, mga inom na inom talaga eh ‘no. nothing much happened during dinner dahil siguro gutom na rin sila, pero hindi nawala yung bangayan ni Chenle at jisung lagi nalang. Rinding- rindi na mga nakakarinig sa kanilang lahat.
Well, sa kabilang banda yung dalawa ay… tahimik lang pero sobrang lagkitan ng tingin na para bang hindi magkatabi. Tingnan na lang natin kapag nalasing tong dalawa na ‘to
“Walang aangal kung puno na agad ibibigay sa inyo, paano’y umiikot nga ta-tatlo lang naman umiinom. Pito tayo tapos tatlo lang nalasing nun” lakas bumoses ni Jisung palibhasa isa siya sa mga nalasing nun at hindi marunong tumanggi sa tagay
“Ang bo- boses lang sana eh yung malalakas uminom, at saka yung may ambag” nagsalita naman sa gilild niya si chenle, kaya hindi matatahimik ‘tong gabi na ‘to. Asahan mong habang umiinom sila eh hindi maiiwasan mag- away yung dalawa na ‘yan
“Are you gonna drink, baby? Kung oo hindi na lang ako iinom ng marami para maihatid kita pauwi, hindi naman tayo pwede dito dahil hindi na rin tayo kasya” here we go again we Mark’s soft voice while talking to Haechan.
Ayan na naman siya, paano ako makapag isip ng maayos kung ganyan niya ako kausapin? Ano ba talaga kami? May nararamdaman na ba talaga siya sakin o sadyang mabait lang siya? Kasalanan ‘to ni tita bakit niya pinalaki ng mabait anak niya
“Syempre, basta ikaw bahala sakin. Pinagpaalam mo pa naman ako kay mama demonyo ka!” syempre walang malisya na sabi ni Haechan para hindi halatang malakas tibok ng puso niya tuwing nagsasalita si Mark ngayon
“Tama na yan at simulan na natin uminom, lumalalim ang gabi mga oa kayo hindi ako nagpaalam na overnight. Mahilig sa spontaneous alam naman sobrang oa ng nanay ko sa ganito” syempre si Jisung ulit ‘yan, paano eh siya talaga ang inom na inom dahil nga mag pinsan sila ni jeno naaya niya lang talaga.
Sabi nga nila lumalalim na ang gabi kaya makikita kang may lasing na, hay nako Jisung. Pero si Mark mukha yatang walang balak uminom talaga, nakailang bote na ang mga kaibigan niya pero siya nasa isang baso pa rin at parang nasa kalahati pa lang kasi sabi niya nga kung iinom si haechan hindi na lang ako iinom at ihahatid ko pa siya
Sa kabilang banda ito si haechan mukhang may tama na, nakailang bote naman na rin siya. Hindi naman sa gustong- gusto ni mark na lasing si haechan pero extra clingy kasi itong si haechan kapag lasing katulad nalang nito..
Nakalingkis itong si Haechna kay Mark, nakasiksik pa sa leeg, hindi pa siya lasing tipsy lang. Hinahayaan lang naman ni mark at alam niya sa sarili na gusto niya rin 'to.
“Hey baby, hindi pa tayo uuwi? Mukhang lasing ka na” bulong ni Mark kay Haechan habang nakasandal ito sa kanya, iling lang din naman ang natanggap niya
“Baby, diyan ka lang mag cr lang ako, halos bagsak na rin yung iba. Ikaw ba? Diyan ka lang ah, kung hindi mo kaya iglip ka muna kahit saglit” Mark just smiled to him, agad din namna siyang umalis para mag cr
Hindi rin naman nag tagal sa cr si Haechan at pumunta siya sa kusina para lang uminom ng tubig, kailangan niya ng tubig. Kung hindi pa siya iinom baka kung ano nalang gawiwn niya kanina habang katabi niya si Mark, dami pa makakakita. Okay lang daw kung silang dalawa nalang
Naabutan niya si mark nakaupo na para bang natutulog na, nakasandal pa ito sa couch at kumot nalang ang kulang. Lumapit si Haechan upang siguraduhin kung natutulog ba ito, ang iba rin nilang kaibigan ay nakatulog na rin. Balak niya rin gisingin na itong si Mark para makauwi na sila pero parang iba ata yung gusto niya gawin
Totoo ba siya, sobrang pogi ng mukhang yan sarap gawan ng sariling relihiyon. I-kiss ko yang labi na yan kung hindi lang ako lasing…. Hindi lang ako lasing..?
Just what he thought he just leaned forward to mark and stare to his face, ano ba meron sa mukha ni Mark at gusto niya halikan? O sadyang may tama lang talaga siya? Pero kanina niya pa gusto halikan ‘tong kaibigan niya. Without thinking twice Haechan just do it anyway sabihin niya nalang na lasing lang ako, hindi ko na alam nangyayare
“Wala naman siguro mawawala” he thought
So, he did what he thought earlier, he kissed mark it was really short but hindi niya inaasahan na tutugon ‘tong si Mark
Akmang aalis si Haechan pero biglang hinawakan ni mark ang mukha nito, he thought na itutulak siya para itigil but mark kiss back, haechan mind went blank for a second that he didn’t realize that they’re close to making out. The shocking situation is they are kissing passionately na para bang may feelings involve
“Sarap mo baby, pero tayo kana at nakatingin sa’tin si jaemin” bulong nito at agad naman umayos ng tayo si Haechan para tingnan si Jaemin… si Jaemin na masama? Disgusted? Probably…
Explain yourself to me Haechan kung ano yung nakita ko kung hindi… ako ang magtatanong kay mark kaya sundan mo ako sa kusina para mag- usap tayo
“May magkaibigan bang hahalikan mo for no reason? Sa lips pa talaga?”agad na tanong nitong si Jaemin, hindi agad binigyan ng oras si Haechan para huminga o kaya para mag- isip diretso tanong agad.
Katulad ng ginawa niya kanina, hinalikan agad.
“I lost control” most vague answer na natanggap ni jaemin galing kay haechan. Pero totoo naman na nawalan ng control ‘tong si Haechan dahil sa alak? O gusto niya talagang halikan.
“Anong I lost control ka r’yan? Muntik na nga kayo mag laplapan kanina” the most intense part pa talaga yung nakita niya. Both of them didn’t saw it coming na tutugon itong si Mark dahil alam nila na tulog na ito.
“Siraulo ka ba? Malay ko bang gising pa siya nun!”
Then Mark came and Jaemin just roll his eyes dramatically sa natanggap niyang sagot at sa nakita niya. Paano eh first time niya makakita ng ganun sa tropahan nila, akala niya eh tago- tago lang ng feelings pero nakakita siya ng nag laplapan sa condo niya pa.
“Uwi na kami ng asawa ko jaemin, lasing na eh. Maraming salamat sa painom, may bigla nga lang nang-hahalik sa gilid. Ingat kamo sila sa susunod ah. Thank you ulit!”
