Actions

Work Header

Rating:
Archive Warning:
Category:
Fandom:
Relationship:
Characters:
Additional Tags:
Language:
Filipino
Stats:
Published:
2025-02-04
Words:
4,937
Chapters:
1/1
Comments:
3
Kudos:
43
Bookmarks:
9
Hits:
351

jisung, at your service!

Summary:

straight nga si chenle pero hindi sinabi ni jisung na susuko siya kaya eto siya ngayon, isang malaking conversion therapy!

straight ka? gagawin kitang bading, boy!

jisung, at your service!

Notes:

(See the end of the work for notes.)

Work Text:

“Huh? Straight daw siya?” Tanong ni Ningning bago ito malakas na humahagikgik na akala mo hindi tinatablan ng night shift. 



“Oo at pinapanindigan niya yun!” Binagsak ni Jisung ang dala-dalang files sa lamesa bago padabog na umupo. Tatatlong chart pa ang kailangan niyang i-update pero anong mas pinoproblema niya? Ang pagiging ‘straight’ ni Doc Zhong .



“Teka, tinanong mo ba?” Tanong ni Ningning na kasabay niya ngayon sa Pediatrics rotation at kaibigan noong med school. 



“Gago ka na ba, Ning? Syempre, hindi. Narinig ko lang sa nurse station kay Kuya Mark eh diba buddy buddy sila nun.” Sagot ni Jisung habang frustrated na ginugulo ang sarili niyang buhok.



“Mas gago ka, teh! Dapat tinanong mo nalang directly.”



“So paano? Lalapitan ko ba siya at sabihing, ‘Doc Zhong, straight ka ba o bading?’”



“Oo nga, ampanget baka maoffend pa pero I swear baka kunwari lang yun or iconvert mo nalang.” Suggestion ng babae na nakangisi ng nakakaloko. 



“Ano yon? PDF? Ganon ganon nalang? Siraulo!” Sambit ni Jisung pero ang totoo niyan ay paglabas ni Ningning, nanginginiti na siya.



Park Jisung. Bading. May crush sa straight!  But wait, there’s more! Conversion therapy business now opens!



Straight ka? Gagawin kitang bading, boy! 



Jisung, at your service! 



 


CONVERSION THERAPY: ATTEMPT 1 

 

“Uy, Doc Park, bakit nandito ka pa? Tapos na shift mo ah.”

 

Napatingin si Jisung kay Jaemin, isa sa mga nurse na lagi niyang nakakasalamuha sa ospital. Tinitigan siya nito mula ulo hanggang paa, tapos biglang umiling na parang may nakita siyang hindi niya maintindihan.

 

“At bakit pormang-porma ka ata sa white polo mo?” dagdag ni Jaemin, nakataas pa ang kilay. Humawak pa ito sa baba niya, kunwari nag-iisip. “Batak na batak ha. Ano ‘to, date?”

 

Pinandilatan siya ni Jisung. Ano bang problema sa pagiging malinis at presentable? Pero hindi niya rin naitanggi sa sarili niya—medyo over nga yata ang fit niya ngayon.

 

“Sinong hanap mo, Doc Park?” singit ni Mark, isa pang nurse na kararating lang para sa shift niya. Nilalapag ang dala-dalang clipboard sa counter ng station. 

 

“Ah, si Doc Zhong, kuya,” casual na sagot ni Jisung, kunwari chill lang. “Isasabay ko na pauwi. May dala naman akong kotse.” 

 

Tahimik lang siyang tinignan ni Mark, bago ito biglang napangisi.

 

“Talaga lang, ha?”

 

Jisung cleared his throat. Putek, ang halata ba?

 

Jaemin crossed his arms. “Oh wow para sa effort ha! Hindi ba out of the way?” Pambibisto nito, natawa nalang si Mark sa pang-aasar ng katrabaho sa intern.

 

“Hoy, hindi! May idadaan rin kasi ako pa-Makati,” defensive na sagot ni Jisung.

 

“Ayan na pala, hinihintay mo.” Ngumuso si Mark upang ituro si Chenle na kassalukuyang nakangiti at tumatalbog-talbog pa ang buhok habang papalapit sa kanila. 

 

“Uy Jwi, sorry natagalan ako. Yung kapalitan ko kasi late na naman. Kainis.” 

 

Ang cute. Ano? Kainis daw? Ako ang naiinis—kasi hanggang ngayon, straight pa rin siya. Kailan ba magiging akin ‘to?!

 

“Una na kami, besties!” Pagpapaalam ni Chenle sa mga nurse na nasa station.

 

“Sige, Le! ‘Wag sayangin ang gas!” Huling hirit ni Jaemin habang may ngiti itong nakakaloko.

 

Pinandilatan pa ito ni Jisung gamit ang singkit niyang mga mata bago tuluyang sinabayan ng lakad si Chenle.



Madami na inilista si Jisung na pwede niya gawin sa so-called conversion therapy na binabalak niya. Is this ethical? Probably not, kasi wala man lang consent ni Chenle na sasabak pala siya sa isang therapy. Pero mas hindi ata tama na hindi siya magugustuhan ni Chenle.

 

Pagkasakay nila sa kotse, na pina-linis niya pa talaga for this very moment, casual lang si Jisung na nagkakabit ng seatbelt, pero sa loob-loob niya, tangina, dapat ba niyang gawin ‘to? Alam niyang hindi naman siya dapat nagpapaka-cringe, pero…

 

Napansin niya dati pa kung paano laging hinihimas ni Chenle ang braso ni Jaemin tuwing nagbibiruan sila sa nurse station. At ngayon, wala si Jaemin. Wala ring ibang distractions.

 

“Bakit nga pala sa Makati ang uwi mo? Eh diba may condo ka na dito sa QC.”

 

Ramdam niyang nakatingin sakanya si Chenle ngayon, probably waiting sa sagot niya. Eto na ang tamang oras

 

Dahan-dahan niyang niroll up ang sleeves niya hanggang bago mag-siko, sakto lang para makita ang epekto ng paggym niya. Kunwari walang malisya. Kunwari ‘di niya alam na nakatingin si Doc Zhong sakanya.

 

“May ihahatid lang din ako kay mama.” Sagot ni Jisung bago ito lumingon kay Chenle nang biglaan. Para may pa-effect ng onti. 

 

“Say hi nalang to tita for me, dalaw ako next time pag di na ko mukhang zombie.” Sabi ni Chenle, na lowkey palingon-lingon sa mukha ni Jisung at sa nakaexposed na forearm niya. Shibal, paborito ‘to ng mga medtech. Ganda ng ugat. 

 

Bigla pang humawak si Jisung sa likod ng headrest niya, para naka-alalay siya sa pag-atras niya mula sa parking. Napalingon tuloy ng diretso si Chenle sa harap kasi shet ang lapit!  

 

Tahimik lang si Chenle nung una, nakatingin sa labas ng bintana habang si Jisung naman ay kunwaring chill sa pagmamaneho. Pero kita niya sa peripheral vision niya—tumitingin-tingin si Chenle.

 

Hanggang sa hindi na siguro kinaya ni Doc Zhong ang sariling katanungan at binasag ang katahimikan, " Ay wow, may time ka pa mag-gym? "

 

Casual. Parang walang malisya. Pero may pagtagal ang tingin sa bisig niyang ngayon ay naka-roll up ang sleeves.

 

Pinipigilan ni Jisung ang ngiti. Putek, gumana nga.

 

"Kailangan fit tayo, doc," sagot niya, kunwari pa-cute lang, sabay flex nang kaunti habang ine-engage ang muscles sa manibela. Dapat maniwala siyang natural lang ‘to.

 

Tumango si Chenle, pero kita sa mukha niya na may iniisip siya. As if nagpi-piece together ng mga bagay-bagay.

 

At doon napagtanto ni Jisung. Tangina, nahulog ka na sa patibong ko, Doc Zhong. Pwedeng delusyon niya o self-motivation. Ewan niya pero basta huli ka na , doc.



 


CONVERSION THERAPY: ATTEMPT 2 

 

Walang dahilan para magreklamo. Ginusto niya ‘to, pinagtrabahuhan niya ito pero medyo nagdadabog si Jisung ngayon dahil sinama siya ng attending nila sa isang conference. Pero putek naman, isang linggo niyang di makikita si Chenle? Bakit naman parang parusa ‘to sa taong wala naman ginagawang masama– bukod sa umibig, which, in fairness, kasalanan din naman niya. 

 

Kasalanan niya na nagbida-bida siya dahil kasabay niya sa rotation si Chenle. Kasalanan niyang nagpakitang-gilas sa department nila. Kasalanan niyang naging golden boy siya sa mata ng mga seniors. Pero sino ba naman kasing nagsabi kay Dr. Lee Ik Jun na ipagkalat pa ang isang beses na tumama siya sa diagnosis na kahit consultants nagkamali? Chamba lang kaya ‘yun. Well, hindi naman. Alam niyang magaling siya. Sa libro, sa practicals, sa lahat—maliban sa pinakaimportante, ang pagnanakaw ng puso ni Chenle.

 

Kaya nga nagtataka siya ba’t di pa siya gusto ni Chenle. Hay nako, pag yung bebe ko talaga medyo pakipot pa. Konting conversion therapy lang ‘yan.

 

Share lang din ni Jisung na noong malaman niya na isang intern lang ang isasama at siya lang ‘yon ay halos gusto na lang niyang sabihin sa attending niya na di siya pinayagan ng mama niya kaso naalala niya lagpas na pala siya sa age validity ng palusot na ‘yon. Naknampucha talaga. Ang dami kayang pwede mangyari sa isang linggo, paano kung magkagirlfriend ang abunjing bunjing niya?! 

 

Kailangan bilisan ni Jisung sa pag-iisip. Ano ang pwede niyang gawin sa panahong ganto?

 

“Doc Park! Nandyan ka lang pala. Dinner daw muna.” Grabe sagabal talaga ‘tong mga senior niya. 

 

Pagkabalik na pagkabalik ni Jisung ng hotel ay nilapag niya ang binili pa niyang burger at fries dahil hindi siya natuwa dun sa kinain nila, hindi lang siya makatanggi kasi nga mga professor niya yon. 

 

Oras na para magbrainstorm kasama si self. Dumiretso na siya sa banyo para makapagfreshen up. 

 

“Grabe mas madali sana kung pwede na lang ako humirit ng ‘Doc, miss mo na ba ko’?” Daldal ni Jisung habang sinasabon ang mukha. “Kulang pa ko sa kapal ng mukha para sa ganon.” 

 

Habang pinupunasan niya ang mukha niya, napahinto siya. Aha. Thirst trap. Yan ang sagot sa mga kulang sa pansin aka Jisung Park. Hindi siya pala-post na tao pero sabi nga desperate times calls for desperate measures.

 

Biniyayaan siya ni Lord ng mukha, kaya utang na loob lang siguro kung gagamitin niya ito para sa greater good—aka mapansin ni Chenle. Ang magandang proportions niya ngayon ay dahil sa Anytime Fitness subscription niya. Thanks sa mga sponsor ko . Pagbibiro niya pa kahit sa utak niya lang ito.

 

Inayos pa niya ang desk at nilatag ang ilang libro na babasahin niya. Props niya ‘to pero totoong aaralin niya din naman yun ngayon. Pinicturan niya ito kasama ang fries na binili. 1st pic secured. Ganyan dapat parang may cover page. 

 

2nd at 3rd picture, yan dapat yung pic na lilinlangin mo mga makakakita. Tipong, the calm before the storm. Umangulo si Jisung kung saan cute at mukhang pa-baby siya tignan. Snap. Snap. Ayos, pwede ng baby ni Chenle. 

 

Oras na para umatake sa parang Jisung knows best, neck flex at messy hair. Hindi pa siya papaawat dumukot pa siya ng fries at ginawa muli ang signature thirst trap pose niya, pero this time isusubo niya kuno ang fries. 

 

To finish off this blow, need balik ka sa pademure so tapang selfie kasama ang libro. Kailangan mukhang hindi sinasadya, yung mukhang wala kang idea sa ginagawa mo. Kailangan mukhang ‘oops, cute pala ako, sorry na.

 

At ang final touch, isang pangmalakasang J. Tajor na kanta. Like I Do tapos isang hirit ng one word caption na “chilling”. Emphasis sa dapat small letters lahat para sleek at cool at malakas maka-GenZ. Panis, isang matagumpay na ngiti ang tumambad sa labi ng isang Jisung Park. Foolproof ata ‘tong thirst trapping skills niya. Kakagat ‘yan si Doc Zhong.

 

@jaemin.nars liked your post.

@jaemin.nars left a comment on your post  : sarap! masikip!

@markieboi802 and 25 others liked your post.

 

Tagal naman ni doc Zhong, dapat ata sinend ko nalang. Bumuntong hininga pa si Jisung at napatayo pa nung makita ang username na pinakahihintay niya.

 

@zclele liked your post.

 

@zclele left a comment on your post : balik na, doc! tambak na gagawin mo hehe



Anong klaseng comment ‘yon?! Wala man lang “pogi mo, baby ko!” pero sige assumero naman si Jisung natranslate ng utak niya yung comment na ‘yon into “MISS NA KITA, BABY! UWI KA NA SA AKIN!”



 


CONVERSION THERAPY: ATTEMPT 3

 

Kakalabas lang ni Jisung mula sa operating room matapos siyang i-spectate ng CV surgeon attending niya sa isang coronary artery bypass case. Isa ito sa mga pasyenteng binantayan niya mula noong dumating pa lang ito sa ospital, kaya fulfilling para sa kanya na makita ang progress nito.

 

Masaya siya, pero grabe na rin ang pagod niya. Dalawang araw na siyang nasa ospital na halos walang tulog, kaya pagdating niya sa on-call room, halos yakapin na niya ang bunk bed. Pero syempre, bago matulog, scroll-scroll muna sa TikTok like the true GenZ he is.

 

Isang karaoke video ang lumitaw sa FYP niya—Pakisabi Na Lang ni Aiza Seguerra. Syempre, hindi niya 'yon papalagpasin. Umupo pa siya para mas maganda ang labas ng boses niya.

 

"Pakisabi na lang na mahal ko siya, ‘di na baleng may mahal siyang iba..." Feel na feel niya ang kanta, medyo napapapikit pa siya sa emotion, kaya hindi niya napansin na may ibang tao nang pumasok sa on-call room.

 

Pagkatapos ng chorus, biglang may pumalakpak. Nagulat siya, napaigtad, at kung mamalasin pa nga naman, nauntog pa siya sa bunk bed.

 

"Ang galing mo naman pala kumanta, Doc Park," bati ni Donghyuck, isang EM resident, na may nakakalokong ngiti.

 

Narinig niya ang hagikgik ni Ningning, pero mas nagising siya nang marinig ang isang boses na hindi niya ine-expect.

 

“Oo nga, doc. Maganda pala boses mo… at favorite mo pala si Aiza Seguerra.”

 

Chenle .

 

Muntik nang mag-crash ang system ni Jisung. Para na siyang sasabog. Hindi sa gantong paraaan niya gusto iparinig kay Chenle ang isa pa niyang alas. Paano na ang plano niyang sweet at cute harana at hindi Aiza Seguerra ang song choice!!!

 

Biglang uminit ang batok niya, pero pilit siyang ngumiti. Para kunwari hindi affected.  Hindi niya alam kung bakit parang mas lalo siyang nahiya ngayong si Chenle na mismo ang pumuri sa kanya.

 

Samantalang si Chenle naman, kalmado sa labas pero sa loob ay hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Hindi niya alam kung dahil ba sa gulat, o dahil may something sa boses ni Jisung na nagpatigil saglit sa kanya. 

 

Sa isang iglap, biglang parang ang liit ng on-call room.

 

Jisung cleared his throat at pilit na tumayo nang maayos. “Uh… salamat?”

 

Ningning smirked. Alam niyang hindi aware si Jisung na kinikilig na si Chenle.

 

Pero siya, kita niya lahat.

 

“CR lang ako.” Nagmamadaling lumabas si Jisung at iniwan ang tatlong doctor.

 

“Ang cute ni Jisung, no Chenle?” Natatawang hirit ni Doc Lee. Kung kaya’t nahampas ni Ningning ang braso ni Chenle. 

 

“True ka diyan, Doc Lee.” Sambit ni Ningning.  “Bagay sila kaso akala ni Jisung, straight ka.” Dagdag nito at hinarap si Chenle.

 

“Huh?” Chenle was confused at first but then it all made sense. Siraulo, eto pala yung sinasabi ni Mark. 

 

 

 


CONVERSION THERAPY: ATTEMPT 4

 

Parang nanghihina si Jisung. Ilang araw na niyang di nakikita si Chenle ni hindi rin siya makapagpansin dahil sobrang busy nila pareho. Bukod pa diyan ay hindi rin sila nagkakasabay ng shift. Di bale , tinatawag na ni Jisung lahat ng santo at lahat ng diyos ultimo mga Griyego at Romano, para lang sa susunod na rotation sila ni Chenle ang partners. 

 

“Anong mukha ‘yan, doc Park?” Mapangasar ang tono ni Ningning. 

 

“One week and a half ko na siyang di nakikita, mag-ooff pa ata akong walang basbas niya. Legal pa ba yun na parang palagi siyang night shift?”

 

“Sus, problema ba yun? Edi sadyain mo mamaya. Magpakain ka or something para makita mo talaga at busog din ako.”

 

Parang nabudol ata ni Ningning si Jisung ah. Siraulong ‘yon sabi niya nandito si Chenle ngayon! Sinakripisyo niya ang gym at naglabas pa siya ng pera para magdala ng pizza at donut sa lahat ng nakaduty ngayong gabi pero paubos na hindi pa niya nakikita si Chenle. 

 

“Si Chenle ba hanap mo?” Nakangiting tanong ni Mark sa kanya. Bagong dating lang din ‘to sa nurse station at mukhang galing pa sa OR. 

 

“Oo, kuya. San na ba yun, mauubusan na siya ng pagkain, wala pa siya.”

 

“Kasama pa ni doc Jun, kakausapin guardian nung pasyente. Papunta na rin yun dito. Ay ayan na pala, doc Zhong hanap ka ni doc Park!” Nanlaki ang mata niya kay Mark kung kaya’t tinapik nito ang balikat niya. Hindi lumilingon si Jisung sa likod niya dahil alam niyang papalapit na si Chenle. Kinuha pa niya kunwari ang clipboard at nagbabasa kuno. Para pogi.

 

Sinundot naman ni Chenle ang tagiliran niya ng makarating ito sa tabi niya. “Uy, hanap mo daw ako?”  

 

“Palagi naman.” Ayan Jisung, yan ang kasunod na step ng conversion therapy ay exposure therapy. Be straightforward as possible. 

 

“Huh? Okay?” Casual na sagot ni Chenle, nakatingin pa ito sa kanya ng diretso na para bang wala lang. At dun nanghina si Jisung. Yun na ‘yon? Tangina, basag agad ako. 

 

Bumuntong hininga si Chenle dahil parang biglang kusang sumara ang sistema ni Jisung.

 

“Miss mo ba ko, doc? Okay lang naman kasi miss na rin kita kasabay ng duty. Balita ko tayo nga raw partners sa pediatrics rotation.”

 

“Talaga?” Nagulat din si Jisung sa reaksyon niya. Biglang saya, biglang sigla. Grabe, sinagot talaga ng lahat ng diyos ang dasal ko. Thank you, Lord. Thank you Greek and Roman gods and goddesses!

 

Unang araw nila sa pediatrics rotation nila at malaki na ang ngiti ni Jisung Park, paano ba naman kasi malalabas niya ang pagiging natural niya sa mga bata. Tama, tama , makikita ni Chenle na pwede na kami bumuo ng pamilya kasi ready ako sa gantong roles. 

 

“Hi po, doctor pogi. No injection po today ha.” Bati agad kay Chenle ng batang babae sa ward. Napangiti si Jisung sa narinig. True ka diyan, bebe girl, pogi nga si doc Zhong.

 

“Ay hello po mga doc!” Bati ng guardian nung bata, tumayo pa ito para magbow sa kanila.

 

“Kamusta naman po ang tulog ni Bella? Nilagnat pa po ba kagabi?” Pagtatanong ni Chenle habang chinecheck ni Jisung ang swero. 

 

“Hi po, doctor pogi number 2!” Bati sa kanya ni Bella at hinila pa ng onti ang coat ni Jisung.

 

“Hello, little girl!” Bumaba ng pwesto si Jisung para magkaeye-to-eye sila ng bata. “No more ouchies?” Tanong nito.

 

Napatingin si Chenle sa kanya mula sa kinatatayuan nito, habang nag-uusap pa rin ito sa guardian. Nakita niyang malumanay ang paraan ni Jisung sa batang si Bella. Ang natural ng koneksyon nila, parang wala lang, parang sanay na sanay siya.

 

“No more po, doc! But I want gummies na again.” sabi ni Bella, sabay taas ng kamay akmang nagpapabuhat. Lumingon si Jisung sa nanay ng bata upang makahingi ng permiso nito na siyang tinanguan naman.

 

Binuhat ni Jisung ang bata, “Sige, promise if you drink your meds without crying, I’ll bring you one tomorrow.”

 

“Yaaay! Thank you, doc pogi number 2!”

Habang naglalakad sila papunta sa shared office ng pediatrics department, napaisip si Chenle  sa kung gaano kabilis makuha ni Jisung ang loob ng mga bata. Yung isang bata ang sungit nung una,  tas ilang sandali lang kay Jisung nakangiti na. Yung isa nga, halos hindi na bumitaw sa coat niya.

 

“Alam mo, Ji. Feeling ko magpepedia ka,” Pagsisimula ni Chenle habang sabay sila naglalakad papunta sa shared office ng Pediatrics department para magkape bago ang rounds. 

 

“Hmm?” Nilingon niya pa si Chenle, “Paano mo naman nasabi?”

 

“You shine with the kids eh. It seems like they see you as an angel and mukhang comfy talaga sila sayo.” 

 

Bingo. Nakita na niya ang isa pang charm ni Jisung.

 

“Well, eto rin naman talaga pipiliin ko. Baka nga pediatric surgeon kasi sobrang limited lang nila.” Sabi ni Jisung habang nakaharap na kay Chenle at patalikod na naglalakad. “Para kasing bagay din dun yung mga limited edition na katulad ko diba?” Dagdag pa ni Jisung kaya napatawa ng malakas si Chenle. 

 

Napailing si Chenle pero bago pa siya makasagot—

 

Pak!

 

Biglang nauntog si Jisung sa pader.

 

Putek, nakakahiya. Promise, Le. I’m much cooler than this.

 

Napakurap si Chenle, nagpipigil ng tawa, bago agad lumapit kay Jisung na nakaupo ngayon sa sofa sa loob ng department office. 

 

“Okay ka lang ba, Ji?” Tanong niya habang hawak-hawak ang ice pack at dahan-dahang nilalapat sa likod ng ulo ni Jisung.

 

“Tulala ka na, huy. Ano, ipapacheck ko na ba ulo mo?”

 

Tangina , isip ni Jisung. Di ako makarecover dito, masyado siyang malapit.

 

“Gagi, wag.” Pinilit niyang ngumiti. “Busy lang ako mag-isip paano kita aayain mag-dinner mamaya after rounds.”

 

“Siraulo.” Nahihiyang hinampas ni Chenle ang dibdib niya at umiling.

 

Finally. Kinikilig na ‘yan sa’kin.



 


CONVERSION THERAPY: ATTEMPT 5

 

Naiwan si Jisung sa department office, kumakain ng cup noodles at nangungulila kay Chenle kahit na kakalabas lang nito dahil siya ang natripan tawagin ng residente. Hindi man lang sila nakakakain pa ng dinner dahil sobrang naging busy bigla. At speaking of dinner, naudlot ang unang dinner sana nila noong first day nila sa pedia at masama pa rin ang loob ni Jisung dahil doon.

 

Kung bakit ba ang bait ng attending nila na ‘to, bakit di nalang naging suplada para sana nagkabebe time sila?

 

‘Di bale na sabay na naman ang duty nila ngayon, kung ano-ano na ring pagpapansin ang ginagawa niya pero wala na bang bago? Baka magsawa na si Chenle sa mga hirit niyang pasulpot-sulpot. I need to think fast.

 

Napangiti si Jisung nang makita niya ang pantry basket organizer na pinagkukunan ng cup noodles at kape. Tumayo siya at inilagay niya ito sa pinakamataas na bahagi ng shelf. Alam niyang matatakam si Chenle sa amoy ng Shin Ramyun niya kaya gugustuhin niya rin gumawa ng kanya. Bumalik na si Jisung sa upuan niya at sumubo, umiiling-iling pa. Napakagaling ko talaga.

 

Sakto naman ang pagpasok ni Chenle na may dala pang clipboard. 

 

“Uy Le, kain!” Pag-aalok niya pa rito, tinaas pa niya ang chopsticks niya. Ngumiti naman si Chenle sa kanya. Walang kamalay-malay sa plano niya. “May mainit pa na tubig yung kettle diyan. Nagpainit ako kasi hindi pa nalalagyan ulit yung dispenser e.” Dagdag pa ni Jisung habang pinapapatuloy kumain.

 

“Oki, salamat!” Sagot ni Chenle sa kanya at nagtungo sa tapat ng shelf. Hinihintay ni Jisung na tawagin siya nito ngunit hindi ito nangyari, sinusubukan abutin ni Chenle mag-isa ang basket. Abot niyo naman ito pero medyo kapos ang height niya para tuluyan niyang makuha ito. At this rate, mahuhulog nalang ang mga laman nito.

 

Tumayo nalang si Jisung at lumapit, inabot niya ang pantry basket habang nakapagitan sa kanya si Chenle.  Lakas maka-kdrama moment. Daig ko na si Kim Soo Hyun neto.  

 

Umikot si Chenle dahil naramdaman niya ang presensya ng lalaki sa likod niya at sa pag-ikot niya na iyon ay aksidenteng tumama ang ulo niya sa ilong ni Jisung.  

 

“Aray!” Sigaw ng nakababata, nabitawan rin nito ang basket dahilan para kumalat ang laman nito. 

 

Mabilis na hinawakan ni Chenle ang mukha ni Jisung out of reflex. “Ano ba naman kasi ginagawa mo sa likod ko?”

 

“Tutulungan lang kita eh.” Fail pa nga ang plano niya today. Napanguso si Jisung sa kinalabasan ng mga binabalak niya.

 

Dapat may kiss pa yan eh! Developed na kaya ang plot sa utak niya. Haharap si Chenle tapos magkakatitigan sila tapos maakit si Chenle ng plump lips niya at ikikiss niya si Jisung. Hay, palpak!

 

Sa sobrang focused niya sa iniisip niya na hindi siya nagtagumpay at sa sakit ng ilong niya ay hindi niya namamalayan na hawak pa rin ni doc Zhong ang mukha niya.

 

“Hay, doc Park. Ang cute cute mo rin pala sa malapitan.” Nakangiting sambit ni Chenle bago niya bitawan ang mukha ng isa at magsimula magligpit ng mga nalaglag nila.

 

Huh? Ano daw? Nanatiling nakatayo si Jisung. Cute daw ako?

 

“Oh, anong nangyari?” Tanong ni Ningning nang makita ang naka-estatwang si Jisung at si Chenle na nagliligpit.

 

“Wala naman.” Sagot ni Chenle habang pinapatong muli ang basket sa shelf. Hinawakan niya ang magkabilang braso ni Jisung at dinadala ito pabalik sa upuan niya. Nilagay niya rin sa kamay ni Jisung ang chopsticks nito. Tinapik pa niya ito na para bang sinasabi na sige na kumain ka na diyan.

 

“Gago ka, Le. Ano ginawa mo? Parang nasira siya.” Bulong ni Ningning habang nagbubuhos siya ng mainit na tubig sa ramen niya.

 

Napakamot si Chenle sa pisngi, “Wala pa nga akong ginagawa. Siya ang merong ginawa.” Sagot ni Chenle sa dalaga na may ngiting nakakaloko.

 

“Gagi,” Natatawang reaksyon ni Ningning. “Gonna taste his own medicine na ba? Kung alam niya lang kung gaano ka rin kabaliw sa kanya.” 

 

 


+1

 

Day off ni Jisung ngayon kung kaya’t nakahilata siya ngayon sa kama, nagiisip kung saan ba siya pumapalpak. Pero nung tinawag siya na cute ni Chenle ibig sabihin napapansin na siya nito diba? 

 

Please sabihin niyo, oo. Crush na ko siguro nun. Ano pa kaya ang pwede kong gawin? 

 

Hindi ko naman pwede lutuan kasi baka isipin pinapakain ko siya ng uling. Binigay na kasi kay Jisung ang lahat pwera nalang ang talent sa paghawak ng magic palayok! 

 

“Jusko, Chenle. Ubos na ideas ko sayo, hindi ka pa ba bading para sakin?” Dumukdok pa si Jisung sa unan niya at pumadyak-padyak. 

 

Bigla namang nagvibrate ang cellphone niya. Gago, mamaya papapasukin pa ko ah. Bumangon muna siya at inayos ang sarili bago tignan ang cellphone. 

 

Chenle My Baby Lalabs sent you a message! 

 

Hala. Baby niya lang naman pala. Nangiti pa si Jisung habang inuunlock ang phone niya. Nanlaki na naman ang singkit niyang mata nang mabasa niya ang message. 

 

“Bakit wala atang conversion therapy today?”  That’s what the message said. 

 

“What the fuck!” Sigaw ni Jisung at binitawan ang cellphone niya. Nakanganga pa siya sa gulat at onti-onting lumalayo dito. 

 

Gago. Tangina. Ano daw? Bakit niya alam? Siraulo, baka ipa-HR ako neto. 

 

Tumunog na naman ang phone niya, indicating another message na dumating. “Oh my God…” 

 

Kinuha na muli ito ni Jisung. “Ano na doctor Park? Slacking off today?” 

 

“Tangina niyong lahat. Gago, anong nangyayari?” 

 

Meet me sa restaurant sa tapat ng hospital at 5PM. Isarado mo na ‘yang conversion therapy eme mo, doc Park.” 

 

Katapusan na ni Jisung . Nagsuot siya ng itim na polo para RIP sa puso niya at sa buong pagkatao niya. Pero para na rin maemphasize ang ripped body niya, baka magbago pa isip ni Chenle. 

 

Tangina ko talaga, naisip ko pang magbiro. 

 

Hindi alam ni Jisung ang dadalhin niya pero tutal alam naman na ni Chenle ay itotodo na niya. Dumaan pa siya ng flower shop para sa isang bouquet ng baby roses. Kung isampal man sakanya ‘to ni Chenle ay iisipin niyang nasampal siya ng mahigit pitong libo dahil ganun rin ito kamahal. 

 

Nakapagpark na siya at ngayon ay naglalakad na siya papasok sa restaurant na tinutukoy ni Chenle. Nakita niya ang binata na nakaupo malapit sa bintana at nakatanaw lang sa labas, looking so pogi in his baby blue Ralph Lauren polo shirt. 

 

He’s looking so baby. Baby ko talaga. 

 

Kinakabahan si Jisung. Sa totoo lang, mas kabado pa siya ng buong araw na ‘to kesa noong revalida niya, kesa noong board exams niya, kesa noong unang hawak niya sa pasyente. Baliw nga ata siya kay Chenle.

 

Tila naramdaman ng isang binata ang matang nakalapat sa kanya kaya napalingon ito sa gawi ni Jisung. Parang naubos ang hangin sa lungs ni Jisung. Ngumiti si Chenle sakanya at kumaway.

 

Ang ganda. Samahan ko pa ‘to sa HR pag magsusumbong na siya pero dapat sasamahan niya din ako sa altar.

 

Huminga muli ng malalim si Jisung at tuluyan na ngang siyang lumapit kay Chenle. Awkward pa siyang ngumiti at dahan dahang inabot ang dala niyang bulaklak. Nakakatawa siguro ang itsura niya ngayon dahil tila nawala lahat ng angas niya sa katawan. 

 

“Thank you.” Sabi ni Chenle habang inaabot ang bulaklak. Sinasadya niyang pagtamain ang kamay nila ni Jisung. Ngumisi pa siya nang makita niya ang mabilis na pagpula ng tenga ng nakababata.

 

“May gusto ka ba sabihin, doc Park?” Seryosong tanong ni Chenle. His eyes unwavering and nanguusisa talaga.

 

“Ano… sorry talaga, Chenle. I have no words to say because it’s true, I planned some stupid things out para mapansin mo. Sorry talaga sobrang crush lang talaga kita. Sorry ang bading, ano ba yan?” Napayuko na si Jisung.  Ano pa bang sasabihin niya eh bisto na siya?

 

“And you called it conversion therapy?” 

 

“Yes, but as a joke pero totoo–” Naputol ang sasabihin ni Jisung nang humalakhak si Chenle. 

 

“Kaya gusto kita eh, you’re so smart but also funny. Kainis, sobrang witty nung conversion therapy tapos puro ka pasarap at kalokohan.”

 

“Ano? Okay lang sayo, di mo ko isusumbong sa HR?” Naguguluhang tanong ni Jisung. Kunot ang noo at nakaturo pa ang daliri sa sarili. 

 

Natatawang sumagot naman si Chenle, “Huh? Bakit naman kita isusumbong sa HR?” 

 

“So, hindi na kita sasamahan sa HR pero sasamahan mo pa rin naman ako sa altar diba?” Jisung’s words came out faster before his mind could even process kung ano ang lalabas dito. In short, wala siyang brain-to-mouth filter ngayon. 

 

Kinurot ni Chenle ang pisngi niya at tumawa muli, “Hay, doc Park! Sa akin lang ‘tong version mo na ‘to ha.”

 

Dumating na ang pagkain na inorder ni Chenle bago pa dumating si Jisung. Naging mahaba pa ang kwentuhan at kulitan ng dalawa. Spinill ni Jisung kung bakit niya naisipan ang conversion therapy na ito at naikwento naman ni Chenle na sinabi rin ni Ningning sa kanya ang naging usapan nila ni Jisung. 

 

Sumakay na sila ng kotse ni Jisung dahil ihahatid na niya si Chenle sa Makati. Pagkastart ng kotse ay ni-roll up na naman ng nakababata ang sleeves niya out of habit pero agad itong napansin ni Chenle.

 

“Isara mo na ‘yang conversion therapy mo ha. Akin lang dapat ‘to.” Nakangiting sambit ni doc Zhong. Humawak pa siya sa kamay ni Jisung para alalay kuno sa paglean niya sa nakababata para magdampi ng labi sa pisngi nito.

 

Jisung’s conversion therapy business is now closed. Jisung is no longer at your service dahil na kay Chenle na siya! Kay Chenle lang siya! 

 

 


BONUS!

 

Nakalatag ang isang damakmak na pagkain sa lounge, manghang mangha na tinignan ito ng mga katrabaho dahil kung tutuusin mukhang nagpa-catering pa si Doc Park! Nagsimula na kumuha ng plato at pagkain ang ibang katrabaho dahil hindi pinapalagpas ang ganito. 

 

“Wow naman, doc, nauna ka ba sumweldo?” Bulalas ni Nurse Jaemin at nakapamewang pa nga ito. 

 

“Hindi, kuya. Taste test na ‘yan para sa kasal namin ni Doc Zhong.” Dire-diretsong sagot ni Jisung, nakuha pa nitong kumuha at kumagat ng lumpia. “Penge ng feedback para mafinalize ko na ang menu kung gusto niyo na invited kayo.”

 

Napahinto sa pagkuha ng pagkain ang lahat at nabalot ng katahimikan ang buong lounge. 

 

Ngumisi ng nakakaloko si Jisung. 

 

“One week palang kayo!” sigaw ni Nurse Mark sa dulo ng mesa.

 

Samantalang si Chenle? Nakatingin kay Jisung na parang ini-evaluate kung dapat na ba niyang ipacheck kay Dra. Chae Song Hwa ang utak ng boyfriend niya.

 

"Jisung, gusto mo na ba talagang mamatay?" tanong niya, deadpan. 

 

Ngumiti naman si Jisung sa kanya ngunit hindi ito natinag. Kumuha pa ng isang lumpia. "Eh kasi para di na tayo magmadali sa reservations. Gusto mo ba beach wedding o garden?"

 

Napahawak nalang si Chenle sa batok niya at napailing na siyang dahilan ng pagtawa ng nobyo. 

 

“Ang cute mo naman, doc Zhong!” Sambit ni Doc Park at hinigit ang boyfriend gamit ang kabilang kamay para ilapit sa kanya at halikan ito sa noo.

 

“Ang lala! Ang baliw!” Sigaw ni Ningning habang nagbabato ng tissue kay Jisung.



THE END.

Notes:

thank you so much for reading! this might be the craziest jisung in my mind ever!

lahams kita so much, doc park! happy birthday!

kudos and comments are very much appreciated!

chika with me on twt!